Dayagnostikong Pagsusulit Sa Fil 9

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Pedro Guevara Memorial National High School

Sta. Cruz,Laguna

Dayagnostikong Pagsusulit sa Filipino 9


Pangalan:___________________ Iskor:_______________
Seksyon:____________________ Guro:_______________

PAG-UNAWA SA BINASA
A.Panuto: Basahin ang pangyayari sa kuwento .Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang
pahayag. Titik lamang ang isulat.

Huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang Sabado. Eksaktong katapusan. Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay
pumanaw ang aking anak. Ilang sandali matapos ang sabay na paglaglag ng luha sa kaniyang mga mata at
pagtirik ng mata, ibinuga niya ang kanyang huling hininga. Namatay siya habang tangan ko sa aking bisig.
Hinintay lamang niya ang aking pagdating. Di na kami nakapag-usap pa dahil pagpasok ko pa lang ng pintua’y
pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahaw ng matinding sakit na di nais danasin ng kahit sino. Isa’t
kalahating oras siyang naghirap. Nabulag, nanigas, nilabasan ng maraming dugo sa bibig, at naghabol nang
hininga.

1. Mahihinuha na ang nagsasalita sa akda ay isang _______ A. ama B. kapatid C. magulang D. tiyahin
2. Layunin ng teksto ay ____________A. mangatwiran B. magsalaysay C. maglahad D. maglarawan
3. Ang damdaming nangingibabaw sa kwento ay ________________.
A. kapighatian B. kasiyahan C. kalungkutan D. katuwaan
4. Ipinapakita sa kwento na ang sitwasyon ay ________________
A .may isang batang pumanaw dahil sa malubhang sakit C.paghele ng magulang sa batang may sakit
B. pag-aalala ng magulang sa batang may sakit D may magulang na pinabayaan ang anak.
5. Ang bahagi ng kuwento ay isang uri ng maikling kuwentong _______________.
A. kababalaghan B. katutubong kulay C, pangtauhan D. makabanghay

B. Panuto:Basahin at pag-aralan ang akda . Sagutan ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik na tamang sagot

Tanka Haiku
Napakalayo pa nga Sa kagubatan
Wakas ng paglalakbay hangi’y umaalulong
Sa ilalim ng puno walang matangay
Tag- init noon
Gulo ang isip
6.Sa paanong paraan nagkakatulad ang tanka at haiku? A. saknong B. taludtod C. tema D. tugma

7.Ano ang pormasyon ng pantig sa haiku sa bawat taludtod? A. 5-4-5 B. 5-5-5 C. 5-6-5 D. 5-7-5

8.Ilan taludtod ang bumubuo sa tanka? A. 5 B. 4 C. 3 D. 2

9.Ano ang pinakamahalaga sa pagbigkas ng haiku? A. kawasu B. keriji C. kiru D. sesura

10.Sa paanong paraan nagkakatulad ang pahayag ng tanka at haiku?


A. aral B. damdamin C. kaisipan D. lahat

Naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at
kahalagahan ay binibigyan nang pansin. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap nang
pantay na posisyon at pangangalaga sa lipunan. Mayroon pa ring kompanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa
mga babaeng lider nito. Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa
tahanan. Ito ay matuwid pa rin sa kanila. Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan.

11. Ang binasang akda ay isang halimbawa ng _____________. A. Dula B. Nobela C. Sanaysay D. Tula

12. Ang patunay na hindi pa ganap na pantay ang kalagayan ng babae at lalaki sa Taiwan ay ________________.

A. hindi tinatanggap ang babae sa trabaho C. hindi makatarungan ang trato sa mga lider nito
B. hindi binibigyan ng karagdagan sahod D. lalaki lamang ang napipiling lider sa kompanya
13. Ang kaisipan nais iparating ng pahayag ay _______________.

A. Maging pantay ang pagtrato sa babae at lalaki C. Mas makapangyarihan ang mga lalaki
B. Igalang ang mga babae D. Binabalewala ang mga babae
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN
C. Panuto:Suriin ang bahagi ng nobela at tukuyin ang wastong kasagutan sa mga tanong . Titik lamang ang isulat

Salamat sa pagdating ng bagong guro. Si Ram Shankar Nikumbh Sir.Nakaunawa, nagpahalaga, nagmahal,nagba-
hagi. Hanggang si Ishaan ay natuto. Sadyang napakahusay ni Ishaan sa pagguhit. Siya ay itinanghal na pinaka-
mahusay na artist sa buong paaralan ng New Era School. Ito ang nagbago ng kanyang kapalaran.Nagbago ang
pagtingin ng kanyang mga magulang.
Patak ng Luha ni: Taare Zaamen Par
14. Aling bahagi ng akda ang nagpapakita ng kabutihan?
A. Si Ram Shankar Nikumbh Sir ay nakakaunawa, nagpapahalaga, nagmahal at nagbahagi.
B. Nagbago ang kapalaran ni Ishaan siya ay natuito gumuhit at magsulat
C. Nagbago ang kanyang mga magulang.
D . Napakahusay ni Ishaan sa pagguhit

Isang batang may dyslexia si Ishaan siya . Hindi ito maintindihan ng kanyang mga magulang at ng kanyang mga
guro. Palagi siyang nakakatanggap ng parusa. Pinapalo at sinasabihan ng masasakit na salita. Itinira siya ng
kanyang ama sa dormitory.Wala siyang bagwis, lakas ng loob upang baliin ang kagustuhan ng kanyang ama.
Maging ang kanyang ina ay walang magawa. Kapag sinabi ng ama naging sunod-sunuran lang siya.

15. Ano ang nagpapakita ng katotohanan ng buhay sa bahagi ng nobela?


A. May ama na malupit sa anak C. Sunod-sunuran ang ina sa kanilang asawa
B. Karamihan sa mga bata ay may dyslexia D. Ang dormitory ay para lamang sa may dyslexia

16.Ang katangian ng isa ay hindi katangian ng iba . Ang kaya ng iba ay hindi kaya ng isa. Anong kagandahan ang
nais ipahayag ng pangungusap?

A. Ang kaya ng isa ay kaya ng lahat C. Magkakaiba ang kakayahan at katangian ng tao
B. Ang bawat tao ay pare-pareho ang kakayahan D. Ang katangian ng bawat isa ay naayon sa edad

17.At higit sa lahat ,maramdaman nila na sila ay minamahal at inaalagaan upang makaagapay sa pag-abot ng
kanilang mga pangarap. Buhat sa pagkakatalungko sa likmuan ay namumugto ang aking dalawang mata
marahil ay hinahanap ko ang aking sarili sa gurong aking napanood. Tama ba ang ginawa ng magulang ni
Ishaan maging ng kanyang guro na hindi siya unawain sa kanyang kahinaan bilang mag-aaral?

A. Tama, sapagkat hindi kayang mag-aruga ng kanyang magulang.


B. Tama, sapagkat may ibang magulang na hindi maunawaan ang kalagayan ng anak.
C. Tama, sapagkat walang malasakit ang magulang at guro sa kalagayan ni Ishaan.
D. Hindi tama sapagkat ang magulang ang dapat gumabay sa anak, at ang guro ay pangalawang magulang
sa paaralan sila ang kaagapay upang maipakita ng mag-aaral ang kanilang kalagayan.

D.Panuto : Basahin ang bahagi ng elehiya. Tukuyin ang damadaming ipinapahiwatig ng pahayag. Piliin ang
titik na tamang sagot.

Walang katapusang pagdarasal Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral


Kasama ng lungkot,luha at pighati Mga mata’y nawalan ng luha ang lakas ay nawal
Bilang paggalang sa kaniyang kinahinatnan O, ano ang naganap
Mula sa maraming taon ng paghihirap Ang buhay ay saglit na nawala

18.Anong damdamin ang nangingibabaw sa binasang elihiya? A. awa B. lungkot C. saya D. tuwa

19.Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na “Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala” ?
A. nagtiwala sa saril B. nawalan ng lakas C. pinanghinaan ng loobi D. tumakas sa
katotohanan

20.Ano ang kaugnayan ng “walang katapusang pagdarasal, kasama ang lungkot at pighati” sa damdamin ng
tao?
A.Nagdarasal kapag may Nawala C. Nagagalak kapag nawala ang isang tao
B..Nalulungkot kapag Nawala ang isang tao D. Nagbubunyi kapag nawala ang isang tao

21.Ano ang ipinahihiwatig ng paghahanap ng magpapaaral sa mag-aaral?


A.pagkahabag B. pagmamalasakit C. pagkatuwa D. pagkagalak

22. Anong damdamin ang nais ipahiwatig ng pahayag na “O, anong nganap ,ang buhay ay saglit na nawal”.?
A. panghihinayang B. paghikbi C. paglimot D. pighati

23. Ano ang magiging desisyon mo kung ikaw ang nawalan?


A. Kalimutan ang nangyari at patuloy na mabuhay C. Patuloy na gunitain ang nangyari
B. Maging malungkot habang buhay D. Magmukmok sa sulok

PAGLINANG NG TALASALITAAN
E.Panuto: Basahin ang pahayag at isulat sa sagutang papel ang DENOTIBO kung ito ay literal at KONOTIBO kung
hindi literal ang pagpapakahulugan batay sa pagkakagamit sa pangugngusap ng salitang may
salungguhit.

24.“Ang ngiti ni ina ay patak ng ulan kung tag-araw, ang bato kung puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw.”
25. Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay. Kinailangan Ikahon ako.
26. Nagkamit siya ng iba’t ibang parangal hindi lamang sa kanyang bansa kundi maging sa internasyonal na
patimpalak.
27. Bihagin mo si Sita para maging asawa mo
28. Malungkot na lumisan ang tag-araw kasama ang pagmamahal na inialay.

F.Panuto : Isaayos ang mga salita ayon sa tindi ng emosyon gamit ang bilang 1, 2, 3. Isulat sa sagutang papel

29. _____nagagalak 30. ____nalulungkot 31. _____natatakot 32. _____namangha


_____natutuwa ____naghihinagpis _____nagugulantang _____nagtaka
_____natatawa ____nalulumbay _____nasisindak _____nabigla

WIKA at GRAMATIKA
G. Panuto: . Gamitin nang wasto ang pang-ugnay. Punan ang patlang na angkop na kasagutan upang mabuo ang
diwa ng bawat pangungusap.

33. _______ araw ng Linggo, nagsisimba ang buong mag-anak.


A. Kung B. Kapag C. Sa D. Simula
34. Nagutom si Egay _________ nagluto si Mulong ng pansit.
A. palibhasa B. subalit C. kaya D. datapwat
35. Matutulog ako ng maaga________hindi mahuli sa klase bukas .
A. samantala B. para C. dahil D. kasi
36.Huwag mong gawin ang mali ________walang maibubungang maganda sa iyo.
A. ngunit B. at C. kaya D. sapagkat
37. Maari tayong maglaro ________ tapos na tayo sa takdang aralin.
A. at B. samantala C. kaya D. kapag

H. Panuto: Gamitin ang angkop na ekspresyon ng damadamin na ipinapahayag ng pangungusap. Titik lamang
ang isulat.
38. “ Umalis si Sisa sa bahay ni Crisostomo na tila nasisiraan ng bait at di malaman kung saan patungo”.
A. nalilito B. natatakot C. nababaliw D. nabigla
39.”Ewan ko kung si Inay ay buhay pa o patay na. Kyo! Kayo ang sanhi ng kanyang kasawian”.
A. nagagalit B. nagbibintang C. nanunumbat D. nasasaktan
40. “ Diyos ko, kung ako’y iyong pinaghihigantihan, huwag ninyong idamay ang aking mga anak”.
A. naghihinagpis B. nagsisisi C. natatakot D. nakikiusap
PAGSULAT

Panuto: Isaayos ang mga sumusunod na pangyayari sa nobelang Noli Me Tangere upang mabuo ang buod ng
akda. Gamitin ang Titik A-E.
Unang bahagi
____ 41.Nakilala ni Ibarra sa pagtit[on ang lihim na kaaway kanyang ama na si Padre Damaso.
_____42. Ikinuwento ni Tenyente Guevara ang totoong na nangyari sa pagkamatay ng kanyang ama.
_____43. Nagdaos ng pagtitipon si Kapitan Tiyago para sa pagbabalik ni Crisostomo Ibarra mula sa Europa.
_____44. Ipinagpatuloy ni Ibarra ang plano ng kanyang ama na magpatayo ng paaralan.
_____45. Dumalaw kinabukasan si Crisostomo kay Maria Clara na kanyang kasintahan at sila’y nag-ulayaw.

Ikalawang bahagi
_____46. Kamuntik nang mamatay si Ibarra sa paghuhugos ng unang bato na itinatayong paaralan.
_____47. Pinagtangkaan patayin ni Ibarra si Padre Damaso dahil sa muling paghamak sa alaala ng kanyang ama.
_____48. Itinawalag si Ibarra ng simbahan at pinaratangan erehe at pilibustero subalit napawalang -bisa.
_____49. Napagkasunduan na ipakasal si Maria Clara kay Linares subalit hindi natuloy.
_____50. Nagkaroon ng kaguluhan at ibinintang kay Ibarra kaya’t siya’y inusig ngunit nakatakas gawa ni Elias.
Pedro Guevara Memorial National High School
Sta. Cruz, Laguna

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
Dayagnostikong Pagsusulit sa Filipino 9
Taon Panuruan 2020-2021

Domain Kasanayang Pampagkatuto Bilang Bahagdan Bilang ng Kinalalagyan


ng aytem aytem
araw
Pag-unawa sa Nabubuo ang sariling paghahatol o 10 25% 13 1-13
Binasa (PB) pagmamatuwid sa mga ideyang
nakapaloob sa akda.
Pag-unawa sa Nasusuri ang mga pangyayari at 8 20% 10 14-23
Napakinggan(PN kaugnayan nito sa kasalukuyan sa
) lipunang Asyano batay sa napakinggang
akda.
Paglinang ng Nabibigyang-kahulugan ang 7 18 9 24-32
Talasalitaan (PT) matatalinhagang salita batay sa konteksto
sa pangungusap.
Wika at Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyon sa 7 18 8 33-40
Gramatika(WG) pagpapahayag ng damdamin.
Pagsulat (PU) Nalalagom ang mahalagang 8 20% 10 41-50
impormasyong nasaliksi para sa sariling
pagpapakahulugan
40 100% 50 50

Inihanda ni:

JAY V. BLEZA
Dalubguro I

Inirekomendang pagtibayin ni: Pinagtibay ni:

ISABELITA B. HERNANDEZ SANTIAGO F. FAJILAGO JR. Ed D.


Ulongguro VI-Kagawaran ng Filipino Punongguro IV-PGMNHS

You might also like