Ang globalisasyong teknolohikal at sosyo-kultural ay ang
mabilisang pagkalat at pagpapalaganap ng impormasyon, kultura, kaugalian, at iba pang relasyong sosyo-kultural sa pamamagitan ng mabilisang impormasyon nadala ng teknolohiya.
Hindi lamang sa ekonomiya makikita ang manipestasyon ng
globalisasyon. Mababanag din ito sa aspetong teknolohikal at sosyo-kultural ng mga bansa sa daigdig. • Tinatangkilik ito ng mga “developing countries” Cellphone kagaya ng Pilipinas, Bangladesh at India
• Napapabuti ang pamumuhay. Sa paggamit nito,
mabilis makahingi ng tulong sa panahon ng pangangailangan tulad ng kalamidad
• Mas mabilis ang mga transakyon sa pagitan ng
mga tao. Halimbawa: Kerala, India Ang pakinabang na nakuha ng mga mangingisda. Bago pa man sila pumalaot ay tinatawagan na nila ang mga ‘prospektibong’ mamimili kaya naman nabibigyan kasiguruhan na sila ay kikita. Tumaas ng 8% ang kanilang kita. Ayon sa pag-aaral ni Dr. Pertierra:
Marami sa mga cellphone users ay hindi
lamang itinuturing ang cellphone bilang isang communication gadget, ito ay nagsisilbi ring ekstensiyon ng kanilang sarili kaya hindi naman madaling maihiwalay ito sa kanila. Computer at Internet Ito ay nakaagapay sa pagbibigay ng iba’t ibang serbisyo tulad ng e-mail. Napapabilis rin sa pag-aaplay sa trabaho, pagkuha ng impormasyon at balita, pagbili ng produkto at iba pa. Mabilis na pagdaloy ng mga ideya at konsepto sa iba’t ibang bansa.nakapaloob ito sa iba’t ibang anyo tulad ng musika, pelikula at iba’t-ibang social networking sites. Ang impluwensiya ng iba’t ibang bansa ay nakikita sa pagsasalita, pananamit at pakikisalamuha ng mga Pilipino Social Networking Ang pag-usbong ng facebook,twitter at Instagram ay nagbibigay ng kakayahan ng ordinaryong mamayan ilabas ang saloobin. Ang aktibong gumagamit ng social networking ay tinatawag na Netizen. Ginagamit rin ito upang maipakita ang talento at talino. Sa kabila ng mga positibong naidudulot kaakibat di nito ay mga suliranin sa pagkalat ng mga virus at spam messages na sumisira ng electronic files at minsan nagdudulot ng pagkalugi ng namumuhunan. Nagkakaroon din ng intellectual dishonesty dahil sa madaling pagkopy-paste ng mga impormasyon Isyu sa pambansang seguridad. Ginagamit ng mga terorista ang internet upang magbigay takot at karahasan sa target nito