Ap9 Q1 M8
Ap9 Q1 M8
Ap9 Q1 M8
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul
8 para sa araling Apat na Katanungang Pang-Ekonomiya!
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Modyul 8 para sa
araling Apat na Katanungang Pang-Ekonomiya!
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.
MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:
1. Natukoy ang apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiya;
2. Nakapagmungkahi ng tugon sa suliraning pang-ekonomiya at kasagutan sa
mga pangunahing katanungang pang-ekonomiya; at
3. Naibigay ang relasyon ng apat na katanungang pang-ekonomiya sa
pagsasagawa ng alokasyon gamit ang sistemang pang-ekonomiya.
PAUNANG PAGSUBOK
Alamin kung ano ang tinutukoy sa bawat katanungan. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Alinsunod sa community quarantine, ang mga mag-aaral ay hindi muna
pinapahintulutang pumasok sa paaralan dahil sa banta ng pandemyang
nararanasan sa buong daigdig. Anong produkto at serbisyo ang mas
karapat-dapat bigyang-pansin sa panahong ito upang maipagpatuloy ng
mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral?
a. tablet at internet connection na libre
b. sapatos at medyas pang-eskuwela
c. school uniform at bag para sa pasukan
d. walis at dust fan para sa Brigada Eskuwela
2. Mas pinili muna ni Mang Gilbert na gumamit ng makina sa pananahi kaysa
magdagdag ng manggagawa sa pagtatahi gamit ang kamay dahil ang
kanyang mga tauhan ay umuwi muna ng probinsya. Ang pangyayaring ito
ay sumasagot sa anong katanungang pang-ekonomiya?
a. Ano ang gagawing produkto at serbisyo?
b. Paano lilikhain ang produkto at serbisyo?
c. Para kanino ang lilikhaing produkto at serbisyo?
d. Gaano karami ang lilikhaing produkto at serbisyo?
3. Namahagi ang lokal na pamahalaan ng mga na-prodyus na relief goods sa
mga pamilya na may mahirap na kalagayan na nasa listahan para
makatanggap ng ayuda. Hindi lahat ay nabigyan dahil may mga pamilya na
nakaaangat naman sa buhay kung kaya mas binigyan muna ng prayoridad
ang mga mahihirap. Ito ay sumasagot sa anong katanungan?
a. Ano ang gagawing produkto at serbisyo?
b. Paano lilikhain ang produkto at serbisyo?
c. Para kanino ang lilikhaing produkto at serbisyo?
d. Gaano karami ang lilikhaing produkto at serbisyo?
4. Mas pinili ng pamahalaan na lumikha muna ng mas maraming face mask at
personal protective equipment kaysa mga kapote at basahan. Ito ay tugon sa
anong katanungang pang-ekonomiya?
a. Ano ang gagawing produkto at serbisyo?
b. Paano lilikhain ang produkto at serbisyo?
c. Para kanino ang lilikhaing produkto at serbisyo?
d. Gaano karami ang lilikhaing produkto at serbisyo?
5. Dinamihan muna ang paglikha ng alcohol at sanitizer ng mga kompanya
mula sa dating 10,000 piraso na ngayon ay 30,000 piraso na dahil mas
marami ang nangangailangan nito. Binawasan naman ang paglikha ng facial
cleanser at baby wipes. Sinasagot nito ang anong katanungan?
a. Ano ang gagawing produkto at serbisyo?
b. Paano lilikhain ang produkto at serbisyo?
c. Para kanino ang lilikhaing produkto at serbisyo?
d. Gaano karami ang lilikhaing produkto at serbisyo?
BALIK-ARAL
Ekono-Puzzle
Kompletuhin ang crossword puzzle gamit ang mga hint na nasa kanang
bahagi.
Pababa
1. tawag sa mga bagay na
nagbibigay ng kasiyahan sa tao
2. pamamahagi ng limitadong
pinagkukunang-yaman
3. ito ang mga bagay na dapat
mayroon ang tao para mabuhay
Pahalang
4. dito napupunta ang
pinakamalaking bahagi ng pondo
ng bansa
5. tinutugunan ng alokasyon
ARALIN
Apat na Pangunahing Katanungang Pang-Ekonomiya
Bawat bansa ay may alokasyon ng kanilang pinagkukunang-yaman. Lahat
ng bansa ay may kanya-kanyang pangangailangan at kagustuhan Dahil dito,
maaaring magkakaiba rin ang mga ito ng sistema sa pagtugon ng kanilang mga
pangangailangan. Upang maisaayos ang pagtugon dito, kailangang masagot ng
bawat sistema ang apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiya.
Magkakaiba ang sitwasyong kinakaharap ng bawat bansa. Ang mga bansang
nasa malamig na lugar ay lumilikha ng mga kasuotang makakapal samantalang
maininpis naman na kasuotan ang madalas na nililikha at binebenta sa Pilipinas.
Magkakaiba rin tayo ng tinatanim na mga puno at halaman na nakaayon sa kung
ano lamang ang tumutubo sa bawat lugar. Dahil dito, maaaring magkakaiba rin
ang sistema ng bawat bansa sa pagtugon ng mga pangangailangan at kagustuhan
ng mga tao. Gumagamit ang mga bansa ng sistemang pang-ekonomiya. Ang
alokasyon ay nakapaloob sa sistemang pang-ekonomiya o ang sistematikong
paraan ng pagtugon sa mga pangangailanga ng mga tao sa isang lipunan.
May apat na katanungang pang-ekonomiya na dapat sagutin sa bawat
sistemang pang-ekonomiya. Ito ang mga sumusunod:
MGA PAGSASANAY
Kompetuhin ang talahanayan. Ipagpalagay na ikaw ay kapitan ng isang
barangay. Mamili ng isang produkto na maaaring likhain sa bawat larangan, paano
ito lilikhain, para kanino at gaano karami ang lilikhain. Sikaping tugunan ang apat
na katanungang pang-ekonomiya gamit ang sariling sistema ng alokasyon sa
inyong komunidad. Gamiting gabay ang halimbawa.
Halimbawa:
Apat na Pangunahing Katanungang Pang-Ekonomiya
Ano ang Para kanino ang Gaano karami
Paano lilikhain
Kategorya lilikhaing lilikhiang ang lilikhaing
ang produkto at
produkto at produkto at produkto at
serbisyo
serbisyo serbisyo serbisyo
Gulay tulad Hikayatin ang Para sa bawat Ang dami ng
ng pechay, mga magulang pamilya upang binhi na
repolyo at at kabataan na magkaroon sila ibibigay ay
gabi magtanim sa ng batay sa dami
bakuran gamit mapagkukuhaan ng pamilya sa
Root crops ang recycled ng pagkain o aking barangay.
tulad ng materials. kabuhayan sa Halimbawa, 10
sibuyas at Magbigay ng panahon ng binhi ng pechay
kamote libreng binhi, resesyon, lalo na sa isang
Pagtatanim
buto at sa panahon ng pamilya. Ang
pananim sa pandemya. pagbili ng binhi
mga bahay- ay mas tipid
bahay. kaysa pagbili ng
mismong
halaman. Dahil
ditto, mas
marami ang
mabibiling binhi
Edukasyon
Kalusugan
Rubrics:
Puntos Standard
14 – 15 Kompleto ang pagkakasagot at nakapagbigay ng mas detalyadong
impormasyon tungkol sa mga tugon sa bawat kategorya sa mga
katanungang pang-ekonomiya
12 – 13 Kompleto ang pagkakasagot at ngunit hindi gaanong detalyado ang mga
impormasyon tungkol sa mga tugon sa bawat kategorya sa mga
katanungang pang-ekonomiya
9 – 11 Hindi kompleto ang pagkakasagot at hindi detalyado ang mga
impormasyon tungkol sa mga tugon sa bawat kategorya sa mga
katanungang pang-ekonomiya
1–8 Nangangailangan pa ng mas maraming kasagutan at detalye
0 Hindi natupad ang inaasahang layunin
PAGLALAHAT
Ekono-Link
Ipagpatuloy ang pagbubuod ng paksa. Gamit ang mga konseptong inyong
natutunan kompletuhin ang mga blangkong bahagi ng graphic organizer sa ibaba.
PAGPAPAHALAGA
My Sticky Note
Sagutin ang mga katanungan sa loob ng inyong sticky note.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Alamin kung ano ang tinutukoy sa bawat katanungan. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Ang pamahalaan ay nagdesisyong lumikha ng mas maraming microchip kaysa
pagkain. Ito ay sumasagot sa anong katanungang pang-ekonomiya?
a. Ano ang gagawing produkto at serbisyo?
b. Paano lilikhain ang produkto at serbisyo?
c. Para kanino ang lilikhaing produkto at serbisyo?
d. Gaano karami ang lilikhaing produkto at serbisyo?
2. Maraming senior citizen ang naninirahan sa Barangay Sto. Tomas kung kaya
ang kanilang local na pamahalaan ay nagpasyang gumawa ng maraming adult
diaper at hearing aide para sa mga matatandang nangangailangan nito. Anong
katanungan ang sinasagot sa ganitong hakbang ng pamahalaan?
a. Ano ang gagawing produkto at serbisyo?
b. Paano lilikhain ang produkto at serbisyo?
c. Para kanino ang lilikhaing produkto at serbisyo?
d. Gaano karami ang lilikhaing produkto at serbisyo?
3. Mayroong pandemyang kinakaharap ang ating bansa kung kaya nagpatupad
ang pamahalaan ng community quarantine sa buong Metro Manila. Alin sa mga
pagpipilian ang dapat na mas bigyang pansin ng pamahalaan upang
matugunan ang pangangailangan ng lipunan?
a. sapatos, medyas at tsinelas
b. face mask at personal protective equipment (PPE)
c. school uniform at bag para sa nalalapit na pasukan
d. malakas na sagap ng serbisyo ng internet
4. Nagmamay-ari ng carinderia sa Barangay Sagad si Aling Chona. Tumaas ang
presyo ng gasolina kaya mas pinili niya munang gumamit ng mas maraming
uling at kaunting paggamit ng kalan sa pagluluto ng kanyang mga paninda.
Ang ginawa ni Aling Chona ay sumasagot sa aling katanungang pang-
ekonomiya?
a. Ano ang gagawing produkto at serbisyo?
b. Paano lilikhain ang produkto at serbisyo?
c. Para kanino ang lilikhaing produkto at serbisyo?
d. Gaano karami ang lilikhaing produkto at serbisyo?
5. Si Mang Kardo ay nagtatanim ng palay at mais sa kanyang lupain na may 50
hektarya kwadradong sukat. Kung siya ay magtatanim ng palay sa 35 hektarya,
15 hektarya ang mailalaan sa pagtatanim ng mais. Kung 10 hektarya naman
ang gagamitin sa pagtatanim ng palay, 40 hektarya ang magagamit sa
pagtatanim ng mais. Ang ganitong pagdedesisyon ay sumasagot sa anong
katanungang pang-ekonomiya?
a. Ano ang gagawing produkto at serbisyo?
b. Paano lilikhain ang produkto at serbisyo?
c. Para kanino ang lilikhaing produkto at serbisyo?
d. Gaano karami ang lilikhaing produkto at serbisyo?
SUSI SA PAGWAWASTO
Paunang Pagsubok: Mga Pagsasanay:
1. a
Ang sagot ng mga mag-aaral ay maaaring
2. b magkaiba-iba. Ang guro ay nagbigay ng halimbawa
3. c bilang gabay sa pagsagot. May ibinigay ring rubrics
4. a na magsisilbi naming gabay sa pagpupuntos.
5. d
Paglalahat:
Pagpapahalaga:
Maaring magkaiba-iba ang sagot ng mga mag-aaral sa mga katanungan.
Panapos na Pagsusulit
1. a
2. c
3. b
4. b
5. d
Sanggunian
Miller, Roger LeRoy. Economics Today & Tomorrow. Glencoe/McGraw Hill School
Publishing Company. Texas Edition, 1995
Cruz, Nilda B., Rillo, Julia D., at Lim, Alice L. Villoria, Evelina M., Ekonomiks:
Batayang Aklat para sa Ikaapat na Taon. SD Publications Inc, Quezon City,
2000.