Filipino6 Q1 Mod9 Gamit-ng-mga-Panghalip v.2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

6

Filipino
Unang Markahan–Modyul 9:
Gamit ng mga Panghalip

CO_Q1_Filipino6_Module9
Filipino– Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 9: Gamit ng mga Panghalip
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyulna ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Maribel M. Baltar Sheryl A. Luces
Editor: Francisca L. Pinos Abadesa D. Sabordo Ellen Duka- Tatel
Tagasuri: Marijo N. Panuncio Marissa A. Olilang
Gemma A. Bimbao Celestino S. Dalumpines IV
Tagaguhit: Rolan B. Bulaclac Jonard A. Villarde Swelyn E. Forro
Tagalapat: Esmeralda A. Dagmil Edwin C. Salanatin Glen Dollete
Tagapamahala: Gemma M. Ledesma
Salvador O. Ochavo, Jr.
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV
Segundina F. Dollete
Shirley A. De Juan
Merlie J. Rubio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region VI
Office Address: Duran Street, Iloilo City
Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653
E-mail Address: [email protected]
6

Filipino
Unang Markahan–Modyul 9:
Gamit ng mga Panghalip
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa


kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
simumang gagabay at tutulong sa pag-aaral at mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang salita upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral
na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ang
ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang sagot sa bawat Gawain at
pagsusulit. Inaasahan naming na maging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang
bahagi ng modyul. Gumagamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makaranas ng suliranin pag-unawa sa mga aralin at sa paggamit ng SLM na
ito.
Alamin

Pagbati sa iyo mabait naming mag-aaral! Ako si


Kokoy ang makakasama mo sa paglalakbay. Ngayon,
bagong aralin naman ang inyong matutuhan sa araw na
ito. Hinihikayat kitang makagagawa ng may masayahing
damdamin sa mga gawin. Ang modyul na ito ay isinulat
para sa karagdagang kaalaman ng iyong isipan. Ito ay
makatutulong sa iyo upang lalong madagdagan ang
matalas mong katalinuhan sa paggamit ng panghalip sa
pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon. Hinihikayat kong
malinang ang iyong kakayahan at interes sa modyul na ito.

Pagkatapos ng iyong pag-aaral ikaw ay inaasahang:


 nakakikilala at nakagagamit ng panghalip sa
pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon;
 nagagamit ng wasto ang panghalip na panao, paari,
pananong, pamatlig, pamaklaw sa pakikipag-usap
sa iba’t ibang sitwasyon; at
 nakikilala at nagagamit ang kaukulan ng panghalip
panao sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon.
(F6WG-la-d-2)

Subukin

Panuto: Basahin ang mga pangungusap at piliin ang panghalip na ginamit. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang aking pangalan ay si Mary Joy.
2. Mahalin natin ang wikang Filipino.
3. Ito ang paboritong pagkain ng bata.
4. Hayun sa sanga ng kahoy ang pugad ng ibon.
5. Ganito ang paghalo ng ginataang kamoteng kendi.
6. Dito dumaan ang prusisyon ng Mahal na Birhen.
7. Doon sa kabilang kalye nakatira ang mga turista.
8. Sinuman sa inyo ay puwedeng tanghaling kampeon.
9. Paborito nilang pitasin ang mga bunga ng punong bayabas.

1
CO_Q1_Filipino6_Module9
10. Sinikap namin na mapaganda ang ibinigay na gawaing proyekto ni Gng.
Reyes

Aralin

1 Gamit ng mga Panghalip

Sa araling ito ay
makikilala at magagamit mo
ang iba’t ibang uri ng
panghalip sa iba’t ibang
sitwasyon. Unawain mo ang
bagong aralin.

Balikan

Panuto: Punan ang patlang ng wastong panghalip at isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. ___________ ang matalik kong kaibigan.
2. ___________ ang tamang paghiwa ng karne.
3. ___________ dako ng mundo ay may mga Pilipino.
4. ___________ sa dalawang bag ang nagustuhan mo?
5. ___________ ba katagal ang biyahe papunta sa lugar niyo.

Ganito Siya Saanman Gaano Alin

2
CO_Q1_Filipino6_Module9
Tuklasin

Kaibigan! Ipabasa mo nga sa iyong magulang o


nakatatandang kapatid ang sanaysay habang ito ay
pinapakinggan mo. Unawaing mabuti ang napakinggang
diyalogo. Pagkatapos sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Isulat ang sagot sa sagutang papel. Simulan mo na!

Magtanim Tayo
Oras ng asignaturang Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan ng mga
mag-aaral sa ikaanim na baitang. Nasa loob sila ng silid-aralan. Ganito ang sinabi
ng guro nila.
“Mga bata sino-sino sa inyo ang marunong magtanim? Ngayong araw ay
tuturuan ko kayong magtanim at kung paano alagaan ang mga ito. Doon sa
bakanteng lupa sa likod ng ating silid-aralan gagawa tayo ng Gulayan sa Paaralan.
Dapat ninyong tandaan kailangang mag-ingat sa paggamit ng mga kasangkapan
sa pagtatanim.”
Dinala ng guro sa halamanan ang mga bata. Itinuro niya ang wastong lupa
na tataniman ng iba’t ibang uri ng gulay. “Dito kayo magbubungkal ng lupa na
K
siya ninyong tataniman. Bawat isa sa aibigan!
inyo ay Ipabasa
bibigyan mo
ko nga
ng sariling
sa iyonglugar.
magulang o
Ipinakita ng guro ang paggawa, “Ganito ang pagbubungkal ng lupa.” Agad na
nakatatandang kapatid ang sanaysay habang ito ay
sinunod ng mga bata. “Ganiyan nga ang wastong pagbungkal ng lupa,” ang sabi
pinapakinggan mo. Unawaing mabuti ang
napakinggang diyalogo. Pagkatapos sagutin ang mga
tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Simulan3 mo na !
CO_Q1_Filipino6_Module9
ng guro. Lahat ng mga mag-aaral ay masasayang nagtutulungan sa ginagawa nila.
Handa na ang taniman at nagsimula na silang magtanim ng iba’t ibang gulay.

Mga tanong:
1. Saan dinala ng guro ang mga mag-aaral?
2. Sa anong asignatura kaugnay ang pagtatanim?
3. Sa iyong palagay, ano ang nararamdaman ng mga mag-aaral habang
ginagawa ang kanilang gawain?
4. Ano-anong panghalip ang ginamit sa kuwento?
5. Kilalanin kung anong uri ng mga panghalip ang ginamit?

Suriin

May mga salitang ginamit na panghalili o pamalit sa


ngalan ng tao, gaya ng tayo, kayo, nila, ko, niya, inyong,
kanila, sila at ninyo. Ang tawag sa mga panghalip na ito ay
panghalip panao.
Mayroon ding iba pang panghalip na panturo sa lugar
o bagay na malayo o malapit sa nagsasalita gaya ng dito,
doon, hayun, at hayan. Ito naman ay mga panghalip na
pamatlig.
Sa paghalintulad naman sa paggawa ng mga bagay-
bagay ang ginagamit na salita na nabanggit ay ganito at
ganiyan.
Ang mga panghalip na nabanggit ay tinatawag na
panghalip napatulad.
May iba pang panghalip na nabanggit sa sanaysay
gaya ng salitang lahat at bawat isa. Ito ay nagsasad ng
dami o kalahatan. Ang tawag dito ay mga panghalip na
panaklaw.
Sa pagtatanong naman gumagamit tayo ng mga panghalip
na pananong tulad ng;
Ito ay panghalip na pananong.

Isahan Maramihan
Ano Ano-ano

4
CO_Q1_Filipino6_Module9
Sino Sino- sino
Saan Saan-saan
Alin Alin-alin
Kanino Kani-kanino
Ilan Ilan-ilan

Pagyamanin

Magaling kaibigan! Ngayon ay naunawaan mo na


ba ang bago mong aralin? Alamin natin kung kaya mo
ng sagutin ang sumusunod na mga gawain. Handa ka
na ba?

Gawain 1

Basahin ang talata.

Si Lina ay nakatira sa isang nayon. Siya ay batang ubod ng sipag at


gumagawa ng mga gawaing bahay araw-araw tulad ng paglalaba, paglilinis,
paghuhugas ng pinggan at pagluluto. Doon sa kanilang nayon ay marami ang
humahanga sa kasipagan niya. Madalas siyang pinupuri at hinahangaan dahil sa
kaniyang magandang pag-uugali. Kaya’t mahal na mahal siya ng lahat ng
kaniyang mga kanayon.

Panuto: Punan ng panghalip ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot sa


sagutang papel.

1. _________ ang batang ubod ng sipag.


2. _________ ba ay may ugaling masipag tulad ni Lina?
3. _________ sa lugar nila ay marami ang humahanga sa kaniya.

5
CO_Q1_Filipino6_Module9
4. Ang _________ginagawa ay paglalaba, paglilinis, pagluluto at
paghuhugas ng pinggan.
5. Dahil sa kasipagan ni Lina minahal siya ng _________________ mga
kanayon.

Ikaw Doon lahat kaniyang Siya

Gawain 2
Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang panghalip na angkop gamitin sa sumusunod
na pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. (Sinuman, Bawat isa) sa aming panauhin ay kaibigan ng kuya ko.
2. Ang pagmamahal ng mga ilaw ng tahanan ay walang (sinuman, anuman) ang
makakapantay.
3. Ipinapakita ni Ana ang isang bagay sa kaibigang si Maris. Ano ang sasabihin
niya? (Ganito, Ganiyan) ba ang gusto mo Maris?” “Opo (ganito, ganiyan)
nga ang gusto ko,” sabi ni Ana.
4. Ipinakita ng nanay ang wastong paraan ng pagluluto ng binating itlog. Ano
ang sasabihin niya? “(Ganito, Ganiyan) ang pagbati ng itlog,” paliwanag ng
nanay. “(Ganito, Ganiyan) ba ang tamang paghawak ng tinidor?” tanong ng
anak.
5. Matatalino ang lahat na mga anak nina Mang Jimmy at Aling Sabel. (Lahat,
Bawat isa) sila ay mga lalaki.

Gawain 3
Panuto: Kilalanin kung anong uri ng panghalip ang salitang may salungguhit. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. Alin ang mas gusto mo, tsiko o atis?


2. Ganito ang wastong pagsulat ng titik M.
3. Doon tumakbo sa ilalim ng mesa ang pusa.
4. Ang madla ay pumalakpak sa mabilis na pagtakbo ni Jose.
5. Kumain ng masarap na suman ang panauhin namin sa bahay.

Isaisip

Magaling! Ang husay mo kaibigan! Malayo na ang


iyong nilakbay tungo sa mundo ng karunungan. Ngayon
naman ay nasa Tayahin ka na, galingan mo ha?
Ngayon ibigay mo ang iyong nalalaman sa mga
katanungan para sa pangkalahatang aralin sa modyul na
ito.
Tandaan 6
CO_Q1_Filipino6_Module9
Ano ang kahulugan ng panghalip?
Magbigay ng halimbawa ng mga panghalip.
Nakuha mo rin bata! Nakadagdag naman sa iyong katalinuhan ang iyong
mga kasagutan.

Isagawa

Panuto: Basahin ang usapan ng magkaibigang Peter at Marvin. Piliin ang mga
panghalip at isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ang Larong Balibol


Marvin: Kumusta, Peter? Saan ka pupunta?
Peter: May insayo kami ng mga kalaro ko sa plasa ng balibol. Gusto mobang
sumali sa koponan namin?
Marvin: Gustong-gusto ko rin ang larong balibol, puwede mo ba akong
tulungan na sumali?
Peter: Aba! Oo, sige, sasabihan ko ang aming coach na isasali ka. Ipaalam
ko agad sa iyo ang resulta ng aming pag-uusap.
Marvin: Salamat sa iyo, Peter. Sana makapasok din ako sa inyong koponan.

Tayahin

7
CO_Q1_Filipino6_Module9
Panuto: Punan ng wastong panghalip ang mga patlang upang mabuo ang diwa ng

Ang Tanyag na Gilas Pilipinas


Sa bansang Korea ginanap ang Asian Games 2018. __(1)__ ay nagtagpo-
tagpo ang iba’t ibang kalahok at isa na __(2)__ ang bansang Pilipinas. “Sana
masungkit __(3)__ ang unang lugar,” wika ng isang manlalarong halatang may
malaking kumpiyansa sa sarili. Makikitaan ang __(4)__ magigiting at
matatapang na mga manlalaro ng lakas at tibay ng loob sa pakikipaglaban.
“Kailangang may sapat na pagtutulungan __(5)__ sa isa’t isa at tiwala sa sarili,”
sigaw ng mga manlalaro ng Grupong Gilas.
__(6)__ nga ba ang makalilimot sa pangyayaring __(7)__. Bilang Pilipino
maipagmamalaki __(8)__ ba ang Gilas Pilipinas? __(9)__ pa kaya sa mga Pilipino
ang gustong mapabilang sa Gilas Pilipinas? __(10)__ bata gusto mo bang sumali
sa pangkat nila?

rito ating sino mo natin


Doon ito Sino-sino Ikaw tayo

Karagdagang Gawain

Panuto: Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na panghalip.


1. ano 4. saanman
2. ganiyan 5. tayo
3. diyan

8
CO_Q1_Filipino6_Module9
Susi sa Pagwawasto

Aralin 1

9
CO_Q1_Filipino6_Module9
Alamin

Kumusta ka? Binabati kita sa


patuloy mong pagpupunyagi upang
matuto. Sana ay lalo ka pang magsikap at
magpatuloy.
Sa mga nakaraang aralin mo,
natutuhan mo ang tungkol sa mga
panghalip panao. Ang araling ito ay may
kaugnayan sa panghalip panao dahil
matututuhan mo ngayon ang pagkilala at
paggamit sa kaukulan ng panghalip
panao.

Subukin

Panuto: Subukin natin ang kakayahan mo. Kilalanin ang kaukulan ng panghalip
panaong sinalungguhitan. Isulat kung palagyo, paari o palayon.

1. Ikaw ba ang bagong kaklase namin?


2. Iniwan ng magkaibigan ang mga laruan nila.
3. Umalis siya kasama ang aming mga kaibigan.
4. Tayo ay sama-sama sa pag-aayos ng ating paligid.
5. Kami ay lumakad upang bumili ng pagkain para sa kaniya.
6. Ang kabataan ay tumutulong sa paglilinis ng kanilang barangay.
7. Si Jose ay sinasamahan ko upang mapadali ang kaniyang nilalakad.
8. Bumili ng bagong sasakyan si Rudy para sa kaniyang mga magulang.
9. Sila ay nagpaalam sa guro saka nila tinawag ang mga batang kasama nila.
10. Ang iyong kapatid sa lalawigan ay ipinatawag niya para magtrabaho sa
pagawaann aming.

10
CO_Q1_Filipino6_Module9
Aralin
Kaukulan ng Panghalip
2 Panao

Napakahalaga ang wastong gamit ng mga


panghalip sa pagbasa ng pangungusap. Iba’t iba
ang uri nito. Ngayon ay mapag-aaralan mo ang
isa sa mga ito, ang panghalip na panao at ang
mga kaukulan nito.

Balikan

Panuto: Palitan ng angkop na panghalip panao ang mga pangngalang may


salungguhit.

1. Sina Donna, Allen at Riza ay sasama sa paligsahan sa pagguhit. ________________


ay gagamit ng krayola at pintura.

2. Si Marlon at ako ay sasali sa pag-awit. ________ang kalahok ng aming paaralan.

3. Si Andrew naman ay kalahok sa pagtula. ________________ ay bibigkas ng tulang


pambata.

4. Ang aming mga kaklase ay manonood sa amin. ________________ ay susuporta sa


aming lahat.

5. Pagkatapos ng paligsahan, ako at ang aking mga kaklase ay pupunta sa


restoran. Doon ________________ kakain ng meryenda.

11
CO_Q1_Filipino6_Module9
Tuklasin

Tingnan ang iyong sarili. Ano ang napapansin mo?


Sa iyong palagay, ano ang dahilan ng iyong paglaki?
Basahin ang sanaysay nang iyong malaman ang dahilan ng
iyong paglaki.

Kumakain Ka ba nang Tama?

Ano-ano ba ang iyong kinakain? Kumakain ka ba ng masusustansyang


pagkain? Masdan mo siya. Masdan mo rin ang iba pang katulad mo. Magkatulad
ba kayo? Walang taong magkakatulad kahit pa nga ang mga kambal ay may
pagkakaiba rin.
Simula ng ikaw ay isilang hanggang sa iyong pagtanda, dumadaan ka sa
proseso ng pagbabago. Ito ay dumedepende sa klase ng pag-aaruga ng iyong mga
magulang. Sanggol pa lamang ay nag-iisip na ang iyong mga magulang ng wasto,
sapat na pag-aalaga at pagmamahal. Simula sa gatas ng iyong ina, hanggang sa
pagkain na kanilang ihahain sa iyo hanggang sa iyong paglaki. Malaki ang papel
ng mga magulang mo sa kung ano ka ngayon. Sila ang nagpaplano ng pagkain
sa araw-araw at nagpapakain sa inyo. Ngunit nasa inyo pa rin ang desisyon kung
kakainin ninyo ang inihahain nila sa bawat araw.
Kung magaan ang inyong pakiramdam, magagawa ninyo nang mabuti ang
mga gawain. Marahil kinakain ninyo ang tamang pagkaing inihahain sa inyo.
Ang pagkain ay mahalaga. Nagkukumpuni ito ng mga tisyu, nagsasaayos
ito ng katawan, at nagbibigay ng lakas upang may panlaban sa sakit. Ang mga
masusustansyang pagkain na iyong kinakain ay bunga ng kung ano ka ngayon,
ang pagiging malusog sa isip at pangangatawan.
Tanungin mo ang iyong sarili, kumakain ka ba nang tama?

12
CO_Q1_Filipino6_Module9
Basahin mo nga ang mga pangungusap. Pansinin ang mga
sinalungguhitang salita.
1. Sila ang nagpaplano ng pagkain sa araw-araw.
2. Malaki ang papel ng mga magulang mo.
3. Kinakain ninyo ang tamang pagkaing inihahain sa inyo.
Ang salitang may salungguhit ay tinatawag na panghalip panao.
Ito ay ginagamit na panghalili sa ngalan ng tao.

1. Sa unang pangungusap, ang ginamit na panghalip ay


tayo. Ito ay nasa kaukulang palagyo dahil ginamit na
pamalit sa pangalan ng taong gumagawa ng gawa o paksa
ng pangungusap.
2. Sa ikalawang pangungusap, ang ninyo ang panghalip
nasa kaukulang paari Dahil ginamit na pamalit sa
pangalan ng taong nag-aari o pinaglalaanan ng gawa.
3. Sa ikatlong pangungusap, ang panghalip na iyo ay nasa
kaukulang palayon dahil ginagamit na layon ng pang-
ukol. Sa ang pananda sa layon at ang para sa ay pananda
sa pinaglalaanan.

Nahirapan ka ba? Huwag mag-alala. Magpatuloy lamang at


tiyak, makukuha mo rin ang tamang sagot.

Suriin

Panuto: Tukuyin kung anong kaukulan ng panghalip ang sinalungguhitan. Isulat


ang PG kung ang panghalip ay palagyo, PA kung paari at PL kung palayon.

1. Di ba kahit kayo’y magkapatid nagkakaiba rin kayo?


2. Nilinis ba ninyo ang mga nakaatang ang mga karton?
3. Ang pagkain ay may epekto rin sa inyong lakas at paglaban sa sakit.

13
CO_Q1_Filipino6_Module9
4. Ikaw pa rin ang batang isinilang na iyon na inaalagaan ng mahal mong
magulang.
5. Idagdag natin dito ang mga natutuhan mo, ang iyong pakiramdam at ang
kaya mong gawin.

Pagyamanin

Pagsasanay 1
Panuto: Isulat ang buong pangungusap sa sagutang papel at salungguhitan mo ang
mga panghalip panao. Tukuyin kung palagyo, paari o palayon.
1. Bumili kami ng mga aklat.
2. Para sa akin ang sulat na ito.
3. Galing sa kanila ang mga punla.
4. Nagsisisi ang bata sa kaniyang mga ginawa.
5. Tayo ay mag-impok upang may madukot.

Pagsasanay 2
Panuto: Buoin ang pangungusap gamit ang mga kaukulan ng panghalip. Piliin ang
sagot sa loob ng panaklong. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.
1. Umalis ang tatay (akin, ikaw, ko) noong nakaraang Sabado.
2. (Akin, Ako, Ka) ay tumutulong sa paglilinis ng aming paaralan.
3. (Tayo, Ninyo, Kanila) ay magpapakita ng ating galing sa pagsayaw.
4. Pinuntahan (nila, kami, kaniya) ang bahay bakasyunan sa Camp Peralta.
5. Iniwan ni Aling Belen ang (kanilang, silang, nilang) mga gamit sa tindahan.

Pagsasanay 3
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na panghalip panao ayon sa
kaukulan nito. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

1. kami (Palagyo) 4. ko (Palagyo)


2. akin (Palayon) 5. namin (Paari)
3. kanila (Paari)

14
CO_Q1_Filipino6_Module9
Isaisip

Ano ang panghalip panao? Ano-ano ang


tatlong kaukulan nito? Kailan mo masasabing ang
panghalip ay nasa kaukulang palagyo? Paari?
Palayon?

Ang panghalip panao ay mga salitang panghalili sa ngalan ng


tao.
Ang panghalip panao ay may tatlong kaukulan.

1. Palagyo – kung ito’y pamalit sa pangalan ng taong


gumagawa ng gawa o paksa ng pangungusap
Halimbawa:
ako, ikaw, siya, tayo, sila, kayo, kami
2. Paari – kung ito’y pamalit sa pangalan ng taong nag-
aari o pinaglalaanan ng gawa
Halimbawa:
akin, ko, natin, kanila, niya, iyo, mo,
namin, atbp.
3. Palayon- kung ginagamit na layon ng pang-ukol. Sa ang
pananda sa layon at ang para sa ay pananda
sa pinaglalaanan.

Isagawa

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang PG kung ang sinalungguhitang


panghalip ay palagyo, PA kung paari at PY kung palayon.

_____1. Siya ay maraming ginagawang proyekto.


_____2. Masaya kami sa kinalabasan ng patimpalak.

15
CO_Q1_Filipino6_Module9
_____3. Para sa kanila ang ipinagawang bagong bahay.
_____4. Ang kaniyang kalusugan ay mahalaga sa kaniya.
_____5. Huwag nating kalimutan ang kabayanihan ng ating magigiting
na ninuno.

Tayahin

Nabatid mo na ang tungkol sa


kaukulan ng panghalip panao. Ngayon
ay handa ka na para sagutin ang
sumusunod.

Pagsasanay 1
Panuto: Kilalanin ang kaukulan ng panghalip na may salungguhit kung palagyo,
paari o palayon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Kami ang unang dumating sa paaralan.


2. Para sa kanila ang mga santol na pinitas ko.
3. Maagap siya sa kaniyang mga takdang-aralin.
4. Gahol na tayo sa panahon para matapos ang proyekto.
5. Matalinhaga ang mga pahayag ng aking lolo sa kaniyang sulat kay lola.

Pagsasanay 2
Panuto: Suriin kung anong kaukulan ng panghalip panao ang ginamit sa bawat
pangungusap.
1. Sila ay magsisimba.
2. Naiwala ni Belen ang bolpen ko.
3. Ako ay mag-aaral sa Mababang Paaralan ng Dumalag.
4. Ang bagong damit ay bigay sa kaniya ng kaniyang nanay.

16
CO_Q1_Filipino6_Module9
5. Iniwan ng magkapatid ang kanilang bahay na walang katao-tao.

Karagdagang Gawain

Panuto: Punan ng angkop na panghalip palagyo, paari o palayon ang patlang. Piliin
ang tamang sagot mula sa kahon sa ibaba.

1. Makibahagi _____________________ sa proyekto ng ating pangkat.

2. Ngayon lang _____________________ nakakita ng ganito.

3. Sila ay bumili ng damit na ihahandog sa _____________________.

4. Ipinagdidiriwang _____________________ sa Pilipinas ang Pasko.

5. ______________________ ba ang matalik niyang kaibigan?

Ikaw ako nila ka natin atin sila

17
CO_Q1_Filipino6_Module9
Susi sa Pagwawasto

Aralin 2

18
CO_Q1_Filipino6_Module9
Sanggunian
 Most Essential Learning Competencies (MELCs) F6WG-la-d-2, p.221
 K to 12 Curriculum Guide in Filipino 2016 F6WG-Ia-d-2, p.119
 LR Portal

Binabati kita kaibigan dahil


matagumpay mong natapos ang
modyul na ito. Huwag kang mag-alala,
sa mga susunod pang aralin kasama
mo pa rin ako sa iyong paglalakbay.
Paalam kaibigan! Hanggang sa
susunod nating paglalakbay sa
Modyul 10: Pagsusuri ng Maikling
Pelikula

19
CO_Q1_Filipino6_Module9
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

1
CO_Q1_Filipino6_Module10

You might also like