Filipino 103

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Mga Makatang Naghimagsik sa Makalumang Panulat

Alejandro G. Abadilla

Jump to navigationJump to search

Si Alejandro G. Abadilla (10 Marso 1906–26 Agosto 1969) ay makata, manalaysay, at kuwentista.

Si Abadilla, na tinawag ni Pedro Ricarte at itinuturing na “Ama ng Modernistang Pagtula sa Tagalog,” ay


sinalungat ang labis na romantisismo sa panitikang Tagalog at de-kahong paggamit ng tugma at sukat sa
tula. Tumulong siya sa pagpupundar ng Kapisanang Panitikan, upang isulong ang simulaing labanan ang
di-lumalagong panitikang Tagalog.

Ang tulang “Ako ang Daigdig” ang itinuturing na hudyat ng pagsilang ng modernistang pagtula sa
Tagalog.

Mga aklat

Kabilang sa mga aklat ni Abadilla ang sumusunod:

Piniling mga Tula ni AGA (tula, 1965);

Tanagabadilla (tula, 1964; 1965);

Sing-ganda ng Buhay (nobela,1947);

Pagkamulat ni Magdalena (nobela, 1958)

Parnasong Tagalog (antolohiya, 1954)


Mga Kuwentong Ginto (antolohiya na kasamang editor si Clodualdo del Mundo Sr., 1936);

Ang Maikling Kathang Tagalog (antolohiya, 1954);

Maikling Katha ng 20 Pangunahing Awtor (antolohiya na kasamang editor si Ponciana B.P. Pineda,1957).

Gonzalo Flores

Ang makatang Pilipino na nakilalang nag-haiku ay si Gonzalo K. Flores, na kilala rin bilang Severino
Gerundio, isang avant-gardeng makata noong panahon ng Hapon. Ang kapansin-pansin niyang mga
haiku na nailathala sa Liwayway noong Hunyo 5, 1943 ay ang mga sumusunod:

tutubi

hila mo’y tabak…


ang bulaklak, nanginig!
sa paglapit mo.

anyaya

ulilang damo
sa tahimik na ilog
halika, sinta.

Corazon Arceo

Si Liwayway A. Arceo ay pangunahing mangangathang Tagalog at Filipino na nakasulat ng 90 nobela, 2


libong mahigit na kuwento, 1 libong mahigit na sanaysay, 36 tomo ng iskrip sa radyo, 7 aklat ng salin, 3
iskrip sa telebisyon, at di-mabilang na kuntil-butil na lathalain sa halos lahat ng pangunahing
publikasyong Tagalog o Filipino.

Binago ni Arceo ang topograpiya ng panitikang Tagalog, at ng ngayon ay tinatawag na panitikang


popular, sa paglalathala ng mga akdang nagtatampok ng halagahan [values], lunggati [vision], at
kaisipang Filipino.

Kabilang sa mga pangunahing aklat ni Arceo ang sumusunod:

* Maling Pook, Maling Panahon. . .Dito, Ngayon (1998); * Mga Bathalang Putik (1998) * Titser (1995) *
Canal de la Reina (1985) * Ina, Maybahay, Anak at iba pa (1998) * Mga Kuwento ng Pag-ibig (1997) *
Mga Maria, Mga Eva (1995) * Ang Mag-anak na Cruz (1990) * Mga Piling Katha ni Liwayway A. Arceo
(1992) * Uhaw ang Tigang na Lupa at Iba pang Katha (1968).

Si Arceo ang kauna-unahang manunulat na Filipino na sumulat ng soap opera sa radyo.

Manuel Prinsipe - Bautista

-Ipinanganak noong Hulyo 25, 1946


-Jornalista, Lider sa Pangkat n Filipino at aktibista.
-Pinakakilala sa kaniyang mga kontribusyon bilang isang lider sa Universidad ng Pilipinas, noong panahon
ng Martial Law
-Siya ay ipinanganak sa Manila. Ang kaniyang ama at ina at sina Uldarico at Susan Bautista.
-Ang Bahay sa Kabila ng Daan

Hernando Ocampo
-Si Hernando R. Ocampo (28 Abril 1911 – 28 Disyembre 1978) ay isang Pilipinong manunulat at pintor na
nagawaran ng karangalan bilang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas.
-Si Ocampo ay ipinanganak sa Santa Cruz, Maynila noong 1911. Pagkatapos ng haiskul ay nahilig na si
Hernando sa pagpipinta at pagsusulat kaya hindi na niya naipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa
unibersidad. Nauunawaan niya ang mga suliranin ng karaniwang tao.
-Ang kanyang kuwentong Bakya na nasulat noong 1938 ay nagtataglay ng kakaibang pamamaraan ng
pagsulat na naaayon sa mga pamamaraan ng masining na pagsulatat ang paksa ay nananatiling sariwa
sapagkat nag-uugat sa katotohanan. Kasama ang kuwentong Bakya sa aklat na tinipon ni Teodoro
Agoncillo at pinamagatang Ang Maikling Kuwentong Tagalog: 1886-1948.

Mga Nakabagong Manunulat ng Maikling Kwento

Juan C. Laya
-Si Juan Cabreros Laya ay isang mandudula. Isinilang siya sa San Manuel, Pangasinan noong 12 Hulyo
1911. Ang kanyang mga magulang ay sina Telesforo Laya at Alejandra Cabreros. Siya ang unang punung-
gurong Pilipino ng Manila North High School (ngayon ay Arellano High School). Ilan sa mga bunga ng
kanyang panulat ang Humiliation of His Children noong 1931; Out of Storm noong 1939; at His Native
Soil noong 1940 na nanalo ng Unang Gantimpala sa unang Commonwealth Literary Contest sa taon ding
iyon.

Nestor Vicente Madali Gonzales


-Si Néstor Vicente Madali González (8 Setyembre 1915 - 28 Nobyembre 1999) ay isang manunulat na
Pilipino.
-Pinanganak siya noong 8 Setyembre 1915 sa Romblon, Philippines, ngunit pinalaki sa Mansalay, isang
probinsiya sa timog ng Oriental Mindoro.
-Propesor sa Universidad de Santo Tomas at sa Unibersidad ng Pilipinas
-Noong 14 Abril 1987, ibinigay ngUniversity of the Philippines kay N.V.M. González ang degree na Doctor
of Humane Letters, honoris causa, at sinabi na ito ay "For his creative genius in shaping the Philippine
short story and novel, and making a new clearing within the English idiom and tradition on which he
established an authentic vocabulary
-Iprinoklama na National Artist of the Philippines si N.V.M Gonzales noong 1997.
Mga akda
-The Winds of April (1941)
-A Season of Grace (1956)
-The Bamboo Dancers (1988)

Narciso Reyes
Ang Talambuhay ni Narciso G. Reyes
Narciso G. Reyes
(2 Pebrero 1914 sa Tondo - 7 Mayo 1996) ayisang Pilipinong dilplomat at may akda. Naglingkod siya
bilang Chairman ng UNICEF mula 1972 hanggang 1974 at bilang kalihim ng Heneral ng Association
ofSoutheast Asian Nations mula1980 hanggang 1982. Nagsilbi rinsi Reyes bilang Permanenteng
Kinatawan sa United Nations at Ambasador sa United Kingdom, China at iba pang mga bansa. Sa una ay
nagtrabaho siya bilang isang guro, mamamahayag at publisher ng pahayagan. Noong 1948, sumalisiya sa
serbisyong sibil at nai-post sa Permanent Mission sa United Nations sa New York noong 1954.

Akda
-LUPANG TINUBUAN

Teodoro Agoncillo
Si Teodoro Agoncillo ay tanyag na historyador, mangangatha, at makata.
Kabilang siya sa pinarangalan bilang Pambansang Siyentipiko ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos
noong 1985.

Isinilang si Agoncillo sa Lemery, Batangas noong ika-9 Nobyembre 1912 kina Pedro Agoncillo at Feliza
Andal.

Mga Akda
Isinulat ni Agoncillo ang Revolt of the Masses: The Story of Bonifacio and the Katipunan na sumuri sa
papel ni Andres Bonifacio sa 1896 Himagsikan at sa bisa ng kaniyang kamatayan. Sinundan iyon ng
Malolos: The Crisis of the Republic

Jose Villa Panganiban


-isang makata, leksikograpo at lingguwista, ay nagtuon ng pansin sa pagpapaunlad ng ating wika.
Tinatawag din siyang “Diktador ng Wika” (Dictator of the Language), “Tsar ng Purismo” (Czar of Purism),
at “Emperador ng Wikang Pambansa” (Emperor of the National Language). Bukod sa pagtatag ng
Varsitarian noong 1928, itinuturing na pinakamahalagang naiambag niya sa panitikang Filipino ang
Ingles-Tagalog na Diksyunaryo, na kinilala bilang pinakatiyak na akda ukol sa Filipino bilang pambansang
wika.

Buenaventura Medina Jr.

-Si Buenaventura S. Medina, Jr. ay isang Pilipinong manunulat ng higit sa 25 na libro. Karamihan dito ay
mga nobela at libro sa kritisismo.
-Si Medina ay pinanganak noong 1 Disyembre 1928. Nagtapos siya ng BA at MA sa Ingles sa Far Eastern
University at Ph. D. sa Centro Escolar University. Sumulat siya ng mga dokumento na pinakita sa mga
internasyonal na kumperensiya sa Japan at Thailand. Naging professor din siya sa Far Eastern University,
Ateneo de Manila University, at De La Salle University.
-Isa sa mga gawa nito ang Saan Patungo ang Langay-langayan?.

Andres Cristobal Cruz


-Si Andres Cristobal Cruz ay ipinanganak sa Dagupan City, Pangasinan, noong Nobyembre 30, 1929. Siya
ay lumaki sa Tondo,Maynila. Siya ay nag-aral sa Torres High School at Unibersidad ng Pilipinas kung saan
siya tumanggap ng A.B. noong 1953.
-Siya ay nagtrabaho sa Liwayway Publications, Inc. Nagsilbi siya bilang lihim na sekretarya ni Manila
Mayor Antonio Villegas. Siya ay nagtatrabaho sa Phoenix Publishing House sa Maynila. Si Andres
Cristobal Cruz ay kilalang makata at kwentista.

You might also like