Kabanata 4 - Aralin 1

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Judaleen B.

Bayogbog
FM - 14
BSED-Filipino 3C
Prof. Eliza
Bayang PhD

KABANATA 4 :
Aralin 1

Paunang Gawain:
PANUTO: Bago
natin lakbayin ang
paksang pag-aaralan
para sa araw na ito,
punan ang mga
patlang ng naaangkop na salita upang makompleto ang pahayag sa katangian ng
pananaliksik ayon kay Alipio M. Garcia. Piliin sa kahon ang tamang salita na angkop sa
pahayag.

Ang paraan ng pananaliksik ay kailangang maingat na plinano upang humantong sa


obhektibong resulta kung maaari. Kailangang mailahad ng mananaliksik nang buong
katapatan ang kahinaan sa bahagi na pamamaraan na maaaring makakaapekto sa
pananaliksik.
Ang pag-aanalisa ng mga datos ay kailangan sapat upang maipakita ang
kahalagahan nito, sa kabilang banda dapat na angkop ang ginamit na metodolohiya sa
pagsusuri nito. Naiuugnay ang konklusyon sa ipinapakitang datos ng pananaliksik.

Sariling Pagsusuri:
PANUTO: Upang lubos nating mapalawak ang ating kaisipan sagutin ang mga
sumusunod na tanong. Handa ka na ba?

PANANALIKSIK 1. Ito ang organisado at sistematikong pamamaraan sa paghahanap


ng katugunan sa ating mga katanungan.
PANANALIKSIK 2. Ito ay katangian ng isang gawain kung may balangkas o
metodolohiya sa paggawa.
KATAPUSAN 3. Katangian ng isang pananaliksik kung nakapaghain ito ng tugon sa
katanungan.
KATANUNGAN 4. Ito ang sentro ng pananaliksik.
KERLINGER (2000) 5. Siya ang nagsabing ang pananaliksik ay isang kontrolado,
empirikal at kritikal na pag-iimbestiga ng mga walang katiyakang pananaw.
WEBSTER (1997) 6. Siya naman ang nagsabing ang pananaliksik ay maingat at
makaagham na pag-aaral at pag-imbestiga sa ilang sangay ng karunungan.
SULIRANIN 7. Katangian ito ng layunin ng pag-aaral, maliban sa tiyak ang
pagpapaliwanag at kung maaari ay walang pagkakamali.
OBHEKTIBONG RESULTA 8. Ito ay nararapat na kahantungan ng maingat na
pagpaplano sa paraan ng pananaliksik.
SAPAT, ANGKOP 9. Katangian ng metodolohiya sa pagsusuri at pag-aanalisa ng datos
upang maipakita ang kahalagahan ng mga ito sa pananaliksik.
MAPAGKAKATIWALAAN 10. Ito ang tiyak na nakakamit ng isang pananaliksik
kung ito ay karanasan ng mananaliksik, nagtataglay ng magandang reputasyon at may
integridad.
PANANALIKSIK 11. Isang sistemang pamamaraan, maka-agham at kritikal na pag-
aaral at pag-imbestiga sa paghahanap ng kasagutan sa mga katanungan.
KATANUNGAN 12. Ito ang sentro ng pananaliksik, kung wala ito ay mawawalan ng
pokus, kahalagahan at patutunguhan ang pananaliksik.
KERLINGER (2002) 13. Ayon sa pagpapakahulugan nito, ang pananaliksik ay isang
kontrolado, empirikal at kritikal na pag-iimbestiga ng walang katiyakang pananaw na
nauukol sa natural na penomena.
RELAYABILITI 14. Katangian ng pananaliksik na tumutukoy sa pagkakaroon ng
parehas na resulta/kinalabasan sa mga pagkakataon na ang isang pananaliksik ay inuulit,
gamit ang parehong metodo/pamamaraan, instrumentasyon para sa parehas na
populasyon, katumpakan ng resulta, gamitin man ito sa ibang populasyon.
EMPERIKAL 15. Ayon dito, ang pananaliksik ay isang maingat at makaagham na
pag-aaral at pag-iimbestiga sa ilang sangay ng karunungan.

Ikalawang Gawain para sa Aralin 1 Kabanata 4


PANUTO: Ilahad ang mga tungkulin at responsibilidad ng mananaliksik upang
maisagawa ng maayos ang kanyang pananaliksik sa paraang pasanaysay. Ipaliwanag ito
sa sariling pananalita.

Ang Mga Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik

Malaki at mabigat na responsibilidad ang laging nakaatang sa balikat ng isang


mananaliksik sapagkat ang pagsasagawa ng isang pananaliksik ay hindi madali.
Nangangailangan ng sapat na oras, matalas na pag-iisip, pagiging mapanuri at pagiging
bukas sa mga nakikita at naoobserbahan sa paligid. Sa pagsasagawa ng pananaliksik,
nararapat na bigyang halaga ng mananaliksik ang mga katangian, pagpapahalaga at
konsiderasyon na dapat ay angkin niya sa panahon ng kanyang pananaliksik.
Bilang isang mag-aaral ng tersyarya, puhunan natin ang pagiging matiyaga, masipag
at maparaan. Ang tatlong pag-uugaling ito ay nakatutulong sa ating paghusayan ang ating
pag-aaral na siyang magagamit din natin sa pagsasagawa ng isang pananaliksik at ang iba
pang mga katangian kagaya ng pagiging maingat, matapat, sistematiko, mapanuri,
kritikal at responsable. Sa pagsasagawa ng pananaliksik, kailangan ang isang
mananaliksik ay matiyaga pagdating sa pangangalap ng mga datos mula sa iba’t ibang
mapagkukunan katulad ng silid-aklatan, opisina, institusyon, tao, midya, komunidad at
maging sa Internet. Kailangan din maging maparaan at sistematiko. Ibig sabihin maging
maparaan sa pagkuha ng datos na hindi madaling kunin at pag-iisip ng sariling paraan
kung paano ito makukuha at pagiging sistematiko sa paghahanap ng materyales, sa
pagdodokumento at sa pagtatakda ng mga gawain tungo sa pagbuo ng pananaliksik.
Bilang mananaliksik dapat ding maging maingat sa pagpili ng mga datos batay sa
katotohanan at sa kredibilidad ng pinagkunan sa pagsiguro na lahat ng panig ay sinusuri
at sa pagbibigay ng konklusyon, interpretasyon, komento at rekomendasyon. Dagdag pa,
nararapat ding may analitikal at kritikal na pag-iisip ang isang mananaliksik. Maging
analitikal sa mga datos at interpretasyon ng iba ukol sa paksa at sa mga kaugnay na paksa
at pagiging kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon, konklusyon at rekomendasyon sa
paksa. Panghuli, maging matapat at responsable sa pananaliksik na ginagawa. Ang
pagsasabing may nagawa nang pag-aaral ukol sa paksang pinag-aaralan katulad ng
pagkuha ng mga datos nang walang itinatago, iniiwasan o ipinagkakaila nang walang
pagkilala at permiso sa kinunan at pagtanggap sa limitasyon ng pananaliksik. Nararapat
na maging responsable sa paggamit ng mga nakuhang datos, sa mga tao o institusyong
pinagkunan at maging sa pagsisigurong maayos at mahusay ang mabubuong
pananaliksik mula sa pormat hanggang sa nilalaman at sa prosesong pagdadaanan.
Pakatandaan na bilang isang mananaliksik nararapat na kilalanin mo ang bawat
ideyang iyong ginamit sa iyong pag-aaral. Anumang hindi iyo ay kailangan mong
ipaalam sa pamamagitan ng mga tala at bibliograpiya. Dagdag pa, huwag kumuha ng
datos o impormasyon nang walang pahintulot o permiso. Iwasan din ang gumawa ng
mga personal na obserbasyon lalo na kung ito ay negatibo o makakasirang-puri sa taong
iniinterbyu at huwag mag-shortcut katulad ng kakulangan sa paghahanap ng materyales,
kawalan ng kalaliman sa pagsusuri ng materyales at mabilisang pagbibigay ng
konklusyon at rekomendasyon. Panghuli, huwag mandaya sapagkat isang krimen ang
pandaraya sa pananaliksik. Huwag na huwag angkinin ang pag-aari ng iba sapagkat
kapag ginawa mo iyon ay mapapatalsik ka sa paaralan at makakasuhan ka pa ng
plagiarism.
Ang pagsasapuso ng lahat ng ito ay makakatulong sa isang mananaliksik na
mapagtagumpayan ang isasagawa o isinasagawang pananaliksik ng may kawastuhan at
kredibilidad na siyang magagamit o magiging batayan din sa mga susunod pang
pananaliksik.

You might also like