Yunit 5 Pangkasarian

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

YUNIT V ISYUNG PANGKASARIAN: LIHAM NI PINAY MULA SA BRUNEI

#EQUITY

PANIMULA

Nananatiling malaking isyu at hamon ang pagkakapantay-pantay

ng kasarian sa Pilipinas. Kahit malayo na ang narating ng kababaihan sa
larangan ng politika, negosyo, media, akademya, at iba pang larangan;
nanatiling biktima pa rin sila ng diskriminasyon at karahasan. Ngunit hindi
lamang sila ang nahaharap sa diskriminasyon at karahasan, maging ang
mga kalalakihan ay nagiging biktima rin. Panghuli, ang tinawag ni Hillary
Clinton (2011) na “invisible minority” ay ang mga LGBTQ+, ang kanilang
mga kuwento ay itinago, inilihim at marami sa kanila ang nanahimik dahil
sa takot. Marami sa kanila ang nahaharap sa malaking hamon ng
pagtanggap at pagkakapantay-pantay sa pamilya, paaralan, negosyo,
lipunan, at maging sa kasaysayan.
Pagtutuunan ng pansin dito sa Yunit V ang iba’t ibang isyu at
hamon tungkol sa kasarian at lipunan sa tulong ng panitikan. Naglalaman
ito ng mga gawain na hahamon sa kaalaman at kasanayan ng mga mag-
aaral na masuri at maunawaan ang mga usaping may kinalaman sa
kasarian at lipunan. Makatutulong ang pag-unawang ito na malinang sa
bawat isa ang pagpapahalaga sa pagkakapantay-pantay at paggalang sa
kapuwa bilang kasapi ng isang pamayanan, bansa, at daigdig.

SOSYEDAD AT LITERATURA Pahina I 55

CASTILLO, GEORGE P.
YUNIT V ISYUNG PANGKASARIAN: LIHAM NI PINAY MULA SA BRUNEI

LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang malinang ang kaalaman at
kasanayan na masuri at maunawaan ang mga usaping may kinalaman sa kasarian at lipunan
sa pamamagitan ng mga akdang pampanitikan. Partikular na nilalayon ng aralin na:
1. Matukoy ang mga makabuluhan at malikhaing hakbang na nagsusulong ng
pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.
2. Maipaliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan sa pamamagitan
ng mga makabuluhang akdang pampanitikan.
3. Masuri nang makabuluhan ang akda gamit ang angkop na teoryang pampanitikan.
4. Makasulat ng sariling akdang pampanitikan na tumatalakay sa isang suliraning
panlipunan.

LUNSARAN

PALAISIPAN
Naaksidente ang isang lalaki at ang kaniyang anak, malubha ang lagay
ng dalawang biktima. Kaagad silang dinala sa ospital, ngunit nang
ooperahin na ang bata nagsalita ang doktor sinabing “Hindi ko siya
maaaring operahan, dahil anak ko siya!” Paano nangyari ito?

Isulat mo ang sagot mo rito:

________________________________________________________

____________
Panubaybay na tanong:
1. Ano ang unang naisip mo na kasarian ng doktor? ___________________________

2. Ang _____________________ ay ang itinakdang mga pamantayan ng lipunan na

tinatanggap ng karamihan bilang basehan ng pagiging babae o lalaki na nakabatay
sa panlipunan o interpersonal na ugnayan ng tao.

Tandaan: Ang hindi pagkakapantay ng kasarian (gender

inequality) at pagtatakda ng pamantayan sa kasarian (gender
roles) ang nagiging sagka sa pag-unlad ng isang indibidwal, ng
kanyang lipunang ginagalawan, at ang lahat ng nagpapaikot sa
mundo.

SOSYEDAD AT LITERATURA Pahina I 56

CASTILLO, GEORGE P.
YUNIT V ISYUNG PANGKASARIAN: LIHAM NI PINAY MULA SA BRUNEI

ILABAS ANG IYONG PAGIGING MAKATA

Ang mga larawang nasa ibaba ay mga kilala at kahanga-hangang mga
Pilipino na binasag ang mga pamantayang pangkasariang itinakda ng
lipunan sa kanila at pinatunayan ang kanilang angking husay at galing
sa larangang kanilang pinili. Tukuyin kung sino sila at bilang
pagpupugay sa kanila, ipakilala ang mga personalidad na ito sa
masining na paraan.

____________________________________________________

____________________________________

___________________________________________

SOSYEDAD AT LITERATURA Pahina I 57
_______________________________

CASTILLO, GEORGE P.
YUNIT V ISYUNG PANGKASARIAN: LIHAM NI PINAY MULA SA BRUNEI

LINANGIN

Sa hanay ng mga makatang babae sa kasalukuyan, si Elynia S.

Mabanglo marahil ang maituturing na pinakamabungang
nagsusulat ng tula sa Filipino. Kahanga-hanga ang pagkakamit niya
ng Hall of Fame sa Palanca; ang pagsungkit ng titulong Makata ng
Taon sa Talaang Ginto; ang paghamig ng mga gawad mula sa mga
institusyong gaya ng Cultural Center of the Philippines, Unyon ng
mga Manunulat sa Pilipinas, Komisyon sa Wikang Filipino, National
Commision for Culture and the Arts, Samahang Balagtas, UP
Creative Writing Center, at Liwayway. Sa mga aklat ng mga tula ni
Mabanglo, masasabing ang kapwa kalipunang Mga Liham ni
Pinay (1990) at Anyaya ng Imperyalista (1998) ang dalawang panulukang
bato—na may iisa ang hubog—ng kaniyang pagkamakata.

Liham ni Pinay mula sa Brunei

ni Ruth Elynia Mabanglo

Ako’y guro, asawa at ina.

Isang babae--pupol ng pabango, pulbos at seda,
Kaulayaw ng batya, kaldero at kama.
Napagod yata ako’t nanghinawa,
Nagsikap mangibang-lupa.

Iyo’t iyon din ang lalaking umuupo sa kabisera,

Nagbabasa ng diyaryo uma-umaga.
Naghihintay siya ng kape
At naninigarilyo,
Habang kagkag ako sa pagitan ng kuna at libro,
Nagpapahid ng lipstick at nagpapatulo ng gripo.
Hindi siya nag-aangat ng mukha
Umaaso man ang kawali o umiingit ang bata.
Hinahatdan ko siya ng brief at tuwalya sa banyo,
Inaaliw kung mainit ang ulo.
Wala siyang paliwanag
Kung bakit hindi siya umuwi magdamag,
Ngunit kunot na kunot ang kanyang noo
Kapag umaalis ako ng Linggo.
Ayaw niya ng galunggong at saluyot
Kahit pipis ang sobreng inabot,
Ibig pa yatang maghimala ako ng ulam
Kahit ang pangrenta’y laging kulang.

SOSYEDAD AT LITERATURA Pahina I 58

CASTILLO, GEORGE P.
YUNIT V ISYUNG PANGKASARIAN: LIHAM NI PINAY MULA SA BRUNEI

Ako’y guro, asawa at ina.

Isang babae-- napapagal sa pagiging babae.
Itinakda ng kabahaging
Masumpa sa walis, labada’t oyayi
Kahit may propesyo’t kumikita ng salapi.
Iyo’t iyon din ang ruta ng araw-araw--
Kabagutang nakalatag sa kahabaan
Ng bahay at paaralan,
Ng kusina’t higaan.

May karapatan ba akong magmukmok?

Saan ako tatakbo kung ako’y malungkot?
May beerhouse at massage parlor na tambayan
Ang kabiyak kong nag-aasam,
Nasa bintana ako’t maghihintay.
Nagbabaga ang katawan ko sa paghahanap,
May krus ang dila ko’t di makapangusap.
Humihingi ng tinapay ang mga anak ko,
Itinotodo ko ang bolyum ng radyo.
Napagod yata ako’t nanghinawa,
Nagsikap mangibang-lupa.

Noon ako nanaginip na nakapantalon,

Nagpapadala ng dolyar at pasalubong.
Nakakahinga na ako ngayon nang maluwag,
Walang susi ang bibig, ang isip ay bukas.
Aaminin kong ako’y nangungulila
Ngunit sariling kape ko na ang tinitimpla.
Nag-aabang ako ng sulat sa tarangkaha’t pinto,
Sa telepono’y nabubusog ang puso.
Umiiyak ako noong una,
Nagagamot pala ang lahat sa pagbabasa.

Ito lamang ang sagot,

Bayaang lalaki ang maglaba ng kumot.

Karagdagang Kaalaman
Ang mga dekada 1970 hanggang 1990 ang maituturing na panahon ng mga
migranteng Filipino. Noong 1999 lamang, umabot sa $6.7 bilyon ang naipasok ng OFW
(Overseas Filipino Worker) sa kabang-yaman ng Filipinas. Bilang pagkilala sa ambag ng
nasabing manggagawa, ipinahayag ni Pangulong Joseph Ejercito Estrada ang 2000 bilang
taon ng mga OFW “upang kilalanin ang kanilang kabayanihan at sariling pagsasakripisyo
sa pagsusulong at pagpapalakas ng ekonomikong pag-unlad sa loob at labas ng bansa.”
Mahaba ang kasaysayan ng mga OFW, laksa-laksa ang bilang at mukha, at mababakas
ang kanilang ambag mulang plantasyon sa Hawaii hanggang minahan sa Africa; mulang
niyebe ng Alaska hanggang buhangin ng Saudi Arabia, mulang aparato sa Japan
hanggang damit sa Italy. Ang OFW din ang nagpakilala sa Filipinas sa buong mundo:
mulang impormasyong teknolohiya hanggang pagkakawanggawa; mula bayani hanggang
salarin o biktima ng sarisaring krimen at gulo.

SOSYEDAD AT LITERATURA Pahina I 59

CASTILLO, GEORGE P.
YUNIT V ISYUNG PANGKASARIAN: LIHAM NI PINAY MULA SA BRUNEI

Kung saka-sakaling makikita mo man ang tulang ito ni Ruth Mabanglo sa Facebook,
ano ang maibibigay mong kumento ukol dito?

TANDAAN: Lumilikha ang lahat ng manunulat dahil

may kung anong pwersang kailangan niyang
pagbigyan. Kung hindi pag-uukulan ng panahon at
pagkakataon ang pwersang ito, ikaw ang
mawawasak.

ABSTRAKSYON

I. Ilahad ang mga sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan nakalahad sa

akdang “Liham ni Pinay mula sa Brunei”

PANGINGIBANG BANSA

SOSYEDAD AT LITERATURA Pahina I 60

CASTILLO, GEORGE P.
YUNIT V ISYUNG PANGKASARIAN: LIHAM NI PINAY MULA SA BRUNEI

DISKRIMINASYON SA KASARIAN

Suriin mo!
Sa bahaging ito ng Yunit V, kailangan mo nang maipakita ang iyong kahusayan sa pagsusuri
ng akda gamit ang angkop na akdang pampanitikan. Narito ang gabay mo sa iyong
isasagawang pagsusuri:
o Panimula: Introduksyon ukol sa tula at kung para kanino ang akdang ito
o Katawan: Angkupan ng teoryang pampanitikan ang akda at gamitin ang konsepto
nito sa pagsusuri ng nilalaman at isinisiwalat ng tula
o Wakas: Mensahe at repleksyon ukol sa akdang sinusuri

PAGPUPUNTOS
o Makabuluhang Paglalatag ng Kaisipan 30
o Katiyakan at Kawastuhan ng mga teoryang pampanitikang ginamit 30
o Kasiningan at Wastong Paglalahad 25
o Linaw ng mga Ideya 15

o KABUUAN 100

SOSYEDAD AT LITERATURA Pahina I 61

CASTILLO, GEORGE P.
YUNIT V ISYUNG PANGKASARIAN: LIHAM NI PINAY MULA SA BRUNEI

PAGSUSURI SA TULANG LIHAM NI PINAY MULA SA BRUNEI ni

RUTH ELYNIA MABANGLO

_________________________________________________________________________________________

_____________________________________
SOSYEDAD AT LITERATURA Pahina I 62
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
___ CASTILLO, GEORGE P.
_________________________________________________________________________________________
YUNIT V ISYUNG PANGKASARIAN: LIHAM NI PINAY MULA SA BRUNEI

APLIKASYON

Gumawa ng sariling akdang pampanitikan na tumatalakay sa isyung pangkasarian.

Ilahad sa iyong akda ang iyong saloobin, damdamin, opinyon, at pakikisangkot sa isyung
nabanggit.
PAGPUPUNTOS:
Kaugnayan sa Paksa 40
Nilalaman 30
Istilo 20
Paraan ng Pagpapahayag 15

Kabuuan 100

SANGGUNIAN

Dimailig, J. (2017, December). Mga isyu ng kasarian at lipunan. SlideShare.

https://www.slideshare.net/jazzdaweyur/isyu-sa-kasarian

Diokno, J. (1987). A nation for our children. Claretian Publications and The Jose W. Diokno
Foundation

Gamayon, C. (2017, December). Mga hamong pangkasarian. SlideShare. https://www.slide

share.net/BinibiniCmg/module-3-hamong-pangkasarian

SOSYEDAD AT LITERATURA Pahina I 63

CASTILLO, GEORGE P.

You might also like