ARAL-PAN 6 Summative Test Quarter 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

GRADE 6- ARALING PANLIPUNAN

1st QUARTER SUMMATIVE TEST NO.1


(WEEK 1 AND 2)

PANGALAN: ____________________________PETSA : ___________ SCORE: ____


I. PANUTO: Basahin at ang bawat tanong. Bilugan ang titik lamang.

1. Ano ang nabuksan at nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na makapag-aral at malinang ang
kaisipang liberal?
a Kanal Ehipto
b Ilog Mississippi
c Ilog Panama
d Kanal Suez
2. Ano ang damdaming umiiral kapag iniisip mo ng kapakanan ng iyong bansa laban sa mananakop?
a. makaDiyos
b. makakalikasan
c. makabansa
d. makatao
3. Ano ang tawag sa mga Pilipinong nag-aral sa ibang bansa at magaling sa wikang Espanyol?
a. Mestiso
b. Indiyo
c. Espanyol
d. Ilustrado
4. Ang mga sumusunod ay naging epekto nang buksan ang mga daungan sa bansa maliban sa isa. Ano
ito?
a. Dumami ang angkat na mga produkto.
b. Nakapag-aral ang mga Pilipino sa ibang bansa.
c. Naliwanagan ang mga Pilipino sa kaisipang liberal.
d. Ibinigay sa mga Pilipino ang kalayaan.
5. Ano ang naging inspirasyon ng mga ilustrado na pumukaw sa kanilang damdaming nasyonalismo?
a. Rebolusyong Hapon
b. Rebolusyong Amerikano
c. Rebolusyong Pranses
d. Rebolusyong Espanyol
6. Ano ang kilusang nabuo nina Dr. Jose Rizal at iba pang ilustrado noong sila ay nasa Espanya?
a. La liga Filipina
b. Katipunan
c. Himagsikan
d. Propaganda
7. Ano ang naging layunin ng kilusang propaganda?
a. pakikipagtalo sa mga pari
b. pakikiramay sa nagdadalamhati
c. pakikipagdigmaan laban sa mga Espanyol
d. pagpapaabot sa pamahalaang Espanya ang hangaring reporma
8. Ito ay ang unang pahayagan na nailimbag sa Barcelona noong Pebrero 15, 1889.
a. El Filibusterismo
b. La Liga Filipina
c. La Solidaridad
d. Noli Me Tangere

9. Ano ang tawag sa paring Pilipino na nag-aral at sinanay upang makatulong at mapalaganap ang relihiyong
Katoliko?
a. Paring Espanyol
b. Paring Martir
c. Paring Regular
d. Paring Sekular

10. Bakit salitang Espanyol ang ginamit na lingguwahe sa pahayagang La Solidaridad kung ang mga paksa ay
pangyayaring karahasan sa Pilipinas?
a. Dahil sila ay nakapag-aral at nakatira sa Europa
b. Upang makakuha ng simpatiya ng mga taga-Espanya
c. Dahil sa panahon nila ang opisyal na lingguwahe sa Pilipinas ay Espanyol.
d. Upang maimulat ang mga taga-Espanya sa pang-aabusong nangyari sa Pilipinas.

11. Kung ang Kilusang Propaganda ay naniniwala na ang kapayapaan ay makakamtan sa pamamagitan
mapayapang paraan, ang Katipunan naman ay naniniwala na ang Kalayaan ay makakamtan sa pamamagitan ng
__________.
a. Dahas
b. Pagsusulat
c. Reporma
d. Rebolusyon

12. Naging rason ba ang estado sa buhay sa pagkakaiba ng paniniwala ng mga miyembro ng Kilusang Propaganda
at Katipunan?
a. Oo, dahil kadalasan sa mga miyembro sa Kilusang Propaganda ay edukado samantalang ang mga Katipunero
ay hindi.
b. Oo, dahil napagkaitan sila ng pagkakataon na makapunta sa ibang bansa.
c. Hindi, dahil lahat sila ay nakaranas sa pang-aabuso ng Kastila.
d. Hindi, dahil parehas sila ng layunin na makamtan ang Kalayaan ng Pilipinas.

13. Bakit nanamlay at tuluyang nabuwag ang kilusang Propaganda?


a. Dahil sa pagkamatay ni Jose Rizal
b. Dahil pagod na sila sa pakikipaglaban
c. Dahil umayaw na ang mga repormista
d. Sapagkat ginusto nilang magpaalila na lamang

14. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga paring binitay na pumukaw sa damdaming nasyonalismo ng
mga Pilipino?
a. Burgos
b. Luna
c. Gomez
d. Zamora\

15. Maitatatag ba ang Katipunan kung hindi naitatag ang Kilusang Propaganda?
a. Oo, dahil sagad na ang mga Pilipino sa pang-aabuso ng mga Espanyol.
b. Oo, dahil hindi na makapagtimpi ang mga Pilipino sa kurapsiyon at
kawalang hustisya sa Pilipinas.
c. Hindi, dahil kailangan nila ng representante na makikipagnegosasyon
sa gobyerno ng Kastila.
d. Hindi, dahil kung wala ang Kilusang Propaganda hindi sila naimulat sa
karapatan ng bawat Pilipino.
GRADE 6- ARALING PANLIPUNAN
1st QUARTER SUMMATIVE TEST NO.2
(WEEK 3 AND 4)

PANGALAN: ______________________________________________PETSA : ___________ SCORE: ____


I. PANUTO: Basahin at ang bawat tanong. Bilugan ang titik lamang.

1. Kailan naganap ang Sigaw sa Pugad Lawin?


A. Marso 23, 1896
B. Hulyo 22, 1896
C. Agosto 19,1896
D. Agosto 23, 1896

2. Bakit mahalaga sa kasaysayan ang Sigaw sa Pugadlawin?


A. pinunit nila ang cedula
B. nabuo ang nasyonalismo
C. ito ang simula ng kalayaan
D. ito ang simula ng himagsikan

3. Sino ang “Ama ng Katipunan”?


A. Andres Bonifacio
B. Emilio Aguinaldo
C. Emilio Jacinto
D. Jose P. Rizal

4. Bakit tinutulan ni Daniel Tirona ang pagkahalal ni Andres Bonifacio bilang direktor ng Interyor sa Pamahalaan
Rebolusyunaryo?
A. Dahil siya ay isang dukha
B. Dahil masyado siyang mapagmataas
C. Dahil hindi siya isang abogado
D. Dahil matapang siya

5. Bakit naisip ni Emilio Aguinaldo na bumalik sa Pilipinas upang ituloy ang himagsikan?
A. Tinawagan siya ng mga rebolusyunaryo rito.
B. Pinangakuan siyang tutulungan ng pinunong Amerikano.
C. Sinunod lamang niya ang kasunduan na bumalik siya.
D. Magiging pangulo siya kung babalik dito.

6. Ang ibig sabihin ng Kasunduan sa Biak-na-Bato ay ______________.


A. Kastila pa rin ang mamumuno sa bansa.
B. Pilipino at Kastila na ang mamumuno sa bansa.
C. Malaya na ang mga Pilipino.
D. Mananatili si Aguinaldo bilang pinuno ng bansa.

7. Habang tumatagal, ano ang namagitan sa kampo ng mga manghihimagsik sa pamumuno nina Bonifacio at Aguinaldo?
A. Nagkaroon ng hidwaan
B. Nagkanya-kanya na sila
C. Nagplano para sa laban
D. Nagwalang bahala sa tungkulin

8. Bakit nagdesisyon ang mga Katipunero na ituloy ang himagsikan sa kabila ng maraming kakulangan sa pakikidigma?
A. dahil nabulgar na ang samahan
B. dahil wala na silang magagawa pa
C. dahil malakas ang kanilang kutob na mananalo
D. dahil nagbigay ng suporta ang ibang lalawigan

9. Siya ay Rebolusyonaryong Pilipino na kilala bilang “Tandang Sora”, “Ina ng Katipunan”, “Ina ng Himagsikan at “Ina ng
Balintawak” dahil sa kanyang kontribusyon.
A. Gregoria de Jesus
B. Marina Dizon
C. Gregoria Montoya
D. Melchora Aquino

10. Siya ang maybahay ni Andres Bonifacio, kinilala rin siyang Lakambini ng Katipunan.
A. Agueda Kahabagan
B. Gregoria Montoya
C. Gregoria de Jesus
D. Marina Dizon

11. Siya ang tinaguriang Joan of Arc ng Visayas.


A. Gabriela Silang
B. Gregoria Montoya
C. Gregoria de Jesus
D.Teresa Magbanua

12. Ang sumusunod ay pangunahing partisipasyon ng kababaihan sa panahon ng himagsikan maliban sa isa.
A. nagkukunwaring nagkakasiyahan habang nagpupulong ang mga kalalakihan
B. tagapaghatid ng balita mula sa Katipunan patungo sa mga Espanyol at Hapon
C. tagapag-alaga ng mga sugatan, tagalikom ng pondo at tagapagtago rin ng dokumento
D. tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain, pagaaruga, pagkupkop at paggamot sa sugatang mga Katipunero.

13. Siya ang Katipunera na hinirang bilang una at nag-iisang heneral na babae noong Panahon ng Himagsikan.
A. Agueda Kahabagan
B. Marina Dizon
C. Gregoria Montoya
D. Teresa Magbanua

14. Bakit dapat nating hangaan at tularan ang mga kababaihang kasapi ng rebolusyon?
A. dahil malaki ang kanilang ambag sa pagtamo ng kalayaan ng bansa
B. sapagkat nabigyang pansin ang kanilang gawain sa ibang mga bansa
C. dahil malaki ang kanilang naitulong sa mga pisyal ng bansang Espanya
D. dahil may kaunti naman silang naiambag para sa kalayaan ng ating bansa

15. Bilang isang mamayan at napabahagi sa mga milenyong kabataan, alin sa sumusunod ang mabuting kontribusyon sa
kaayusan ng ating bansa?
I. Pagsunod sa mga batas na ipinapatupad ng bansa.
II. Pangangalaga sa inang kalikasan at likas na yaman ng bansa.
III. Pananatili sa mga kaugaliang Pilipino tulad ng pagmamano.
IV.Lumahok sa mga gawaing makatutulong sa pag-unlad ng pamayanan.

A. I, III, IV
B. I, III, II
C. II, III, IV
D. I, II, III, IV

You might also like