FILIPINO Q2W1 MitolohiyaSinaLokiatThorsaLupainngmgaHigante
FILIPINO Q2W1 MitolohiyaSinaLokiatThorsaLupainngmgaHigante
FILIPINO Q2W1 MitolohiyaSinaLokiatThorsaLupainngmgaHigante
[Type here]
FILIPINO
Kwarter 2 – Modyul 1
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga
Higante
Self-Learning Module
1
[Type here]
PAUNANG SALITA
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
2
[Type here]
Mga Layunin
• Natutukoy ang pangunahing paksa at ideya batay sa usapan ng mga tauhan;
• Naiuugnay ang mga salita sa iba pang salita upang makabuo ng panibagong
kahulugan;
• Nasusuri ang mitong nabasa ayon sa sumusunod: tauhan, tagpuan, banghay
at tema;
• Naihahambing ang mitolohiyang “Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante”
at “Rihawani”.
SUBUKIN
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at bilugan ang pinakaangkop na sagot
mula sa pagpipilian.
3
[Type here]
7. Bakit mas pinili ni Utgaro-Loki na mandaya para manalo laban kay Thor?
a. Dahil hindi niya gustong matalo.
b. Takot siya kay Thor kaya nandaya na lamang siya.
c. Upang mapangalagaan niya ang kanyang kaharian.
d. Wala sa nabanggit
4
[Type here]
TUKLASIN
Ang mga diyos ng Norse ay kilala sa tawag na Aesir. Ang mga Aesir ay ang mga
diyos ng digmaan at ng kalangitan. Sila ay kawangis ng mga mortal na tao subalit
mas malalaki na tulad ng higante. Bihira silang makihalubilo sa mga tao hindi tulad
ng Greek Gods.
Ang mga Aesir ay naninirahan sa Asgard. Ang Asgard ay iba sa langit na iyong
pinapangarap na makita. Wala itong ningning ng kasiyahan o labis na kaligayahan.
Ito ay isang tahimik na lugar na may nagbabantang tiyak na kamatayan. Alam ng
mga diyos na darating ang panahon na sila ay mawawasak. Darating ang kanilang
mga kalaban na handa silang sugpuin. At ang Asgard ay mawawasak. Ang mga
mortal nilang kalaban ay ang mga higante na nananahan naman sa Jotunheim.
Ang katotohanang ito ay hindi kaila sa lahat ng mga nanahan sa Asgard lalo
na sa kanilang pinuno na si Odin. Tulad ni Zeus, si Odin ang bathala ng mga diyos
at lumikha sa mga tao. Siya ang may pinakamabigat na tungkulin na pigilan ang
araw ng pagwawakas. Ang kaniyang asawa ay si Frigga, isang makapangyarihang
diyosa na may kakayahang makita ang hinaharap.
5
[Type here]
Ilarawan
ang Asgard
Ipakilala ang
mga diyos ng
Norse
Tanong:
Suriin ang tagpuan at mga tauhan na inilarawan sa binasang teksto. Isulat ang
iyong sagot sa patlang sa ibaba. Anong masasabi mo rito?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
6
[Type here]
SURIIN
Alam mo ba na…
Mula sa Elements of Literature, (Anderson et. al, 1993) at Enjoying Literature, (Ferrara
et. al, 1991) Sipi mula sa Filipino 10 Learner’s Material
7
[Type here]
TALAKAYIN
Mga Tauhan:
diyos: Thor- diyos ng kulog at kidlat; pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir
Loki – kasama ni Thor sa paglalakbay, may kapilyuhan higante:
Skymir – naninirahan sa kakahuyan
Utgaro-Loki - hari ng mga higante
Logi, Hugi, at Elli - kabilang sa kuta ni Utgaro-Loki
Mga tao: Thjalfti at Rosvka – anak na lalaki at babae ng magsasaka
Siya raw si Skrymir at nakikilala niya si Thor. Tinanong nito kung inalis ba ni
Thor ang kaniyang guwantes. Noon nalaman ni Thor na higante na pala ang kanilang
tinulugan at ang hintuturo nito ang inaakalang silid.
Tinanong ni Skrymir si Thor kung maaari siyang sumama sa kanilang
paglalakbay at ito ay pumayag naman. Nang buksan na ni Skrymir ang baon niyang
8
[Type here]
bag at humandang kumain ng almusal, wala ang baon nina Thor at ito ay nasa ibang
lugar. Napagkasunduan nila na pagsamahin ang kanilang mga baon. Pumayag si
Thor, kaya’t pinagsama ni Skrymir ang kanilang mga baon sa isang bag at ibinuhol
ito. Sa kanilang paglalakad nauuna ang higante dahil sa malalaki nitong hakbang,
sila ay nagpahinga sa isang malabay na puno. Napagod ang higante kaya’t ito’y
nakatulog agad at napakalakas humilik. Kinuha ni Thor ang baon nilang bag at inalis
ang buhol nito ngunit hindi niya maalis kaya’t uminit ang kaniyang ulo at agad
kinuha ang kaniyang maso at pinukpok sa ulo ang higante. Nagising si Skrymir at
inaakalang may nalaglag na dahon sa kaniyang ulo, tinanong si Thor kung sila ay
kumain na. Sinabi nitong tapos na. Nang handa nang matulog lumipat sila ng ibang
puno. Hatinggabi na nang marinig na naman ni Thor ang malakas na hilik ng higante.
Nagising si Thor, kinuha ang kaniyang maso at muling pinukpok ang higante.
Nagising ang higante at tinanong kung may acorn ba na nahulog sa kaniyang ulo.
“Ano ang nangyayari sa iyo Thor?” sabi ng higante. Sinabi nitong siya ay
naalimpungatan lamang at mahaba pa ang oras para matulog. Naisip niya na kapag
pinukpok niya sa pangatlong beses si Skrymir ay maaaring hindi na nito kayanin
kaya’t hinintay niyang muling matulog ang higante.
9
[Type here]
Hindi pinansin ni Thor ang sukat ng tambuli dahil siya ay uhaw na uhaw.
Nilagok niya nang malaki ang lalagyan ngunit hindi na siya makahinga kaya’t nang
tingnan ang lalagyan ay parang wala pa ring nabawas. Ganito rin ang nangyari sa
ikalawang lagok.
“Isang laro na paborito ng kabataan dito buhatin ang aking pusa mula sa
lupa.” Isang abuhing pusa ang lumundag sa lupa. Malaki ito ngunit hinawakan ni
Thor ang palibot ng tiyan nito at sinubok na itaas gamit ang lahat ng lakas. Ngunit
paa lamang ng pusa ang naiangat ni Thor.
“Tapos na ang labanang ito tulad ng aking inaasahan, walang laban si Thor sa
aking malaking pusa, ano pa kaya sa malalaking tao rito?” wika ni Utgaro-Loki.
“Tawagin mo na akong maliit kung gusto mo pero tumawag ka ng sinumang
makikipagbuno sa akin, galit na ako ngayon,” sabi ni Thor.
“Wala akong alam na gustong makipagbuno sa iyo ngayon pero hayaan mong
tawagin ko ang aking kinalakihang ina, ang matandang si Elli. Siya ang labanan mo
ng wrestling, marami na siyang pinatumbang mga lalaki na tulad mong malakas.”
Hindi na dapat pahabain pa ang kuwento, habang gamit ni Thor ang kaniyang
buong lakas lalo lamang naging matatag ang matandang babae hanggang mawalan ng
balanse si Thor. Pumagitna si Utgaro-Loki at sinabing itigil na ang labanan. Hindi na
kailangang makipagbuno pa ni Thor kaninuman sa tagapaglingkod. Malalim na noon
ang gabi kaya’t sinamahan sila ni Utgaro-Loki kung saan sila makapagpapahinga at
inasikaso nang maayos.
makakapasok dito kung alam ko lang kung gaano ka kalakas, muntik ka nang
magdulot ng kapahamakan sa aming lahat. Ngunit nilinlang kita gamit ang aking
mahika. Noong una tayong magkita sa kakahuyan agad kitang nilapitan at nang
tangkain mong alisin ang pagkakatali ng bag hindi mo ito nagawa dahil binuhol ko ito
ng alambre. Pagkatapos noon hinampas mo ako ng iyong maso nang tatlong ulit. Ang
una ay mahina pero kung umabot ito sa akin ay patay na ako. Nang makita mo ang
10
[Type here]
burol na tila upuan ng kabayo malapit sa aking kuta kung saan naroon ang tatlong
kuwadradong lambak, ang isa ay napakalalim, ito ang marka ng iyong maso. Inilagay
ko talaga ang burol na hugis kabayo sa harap ng iyong mga hampas pero hindi mo ito
nakita. Gayun din ang nangyari nang magkaroon ng paligsahan laban sa aking mga
tagapaglingkod. Ang una, nang kainin nang mabilis ni Loki ang mga hiniwang karne
sa sobrang kagutuman pero ano ang laban niya kay Logi na tulad ng mapaminsalang
apoy na kayang sunugin ang kakahuyan. At si Thjalfi na lumaban ng takbuhan sa
tinatawag naming Hugi, siya ay lumaban sa aking kaisipan. Walang makatatalo sa
bilis ng aking kaisipan. At noong ikaw naman ay uminom mula sa tambuli inakala mo
na ikaw ay mabagal. Sa aking salita, anong himala na ang dulo ng tambuli ay
nakakabit sa dagat pero hindi mo ito nakita pero tingnan mo ang dagat halos masaid
ang tubig nito. Hindi rin kamangha-mangha sa akin nang maiangat mo ang paa ng
pusa sa lupa, pero para sabihin ko sa iyo ang totoo ang lahat ng nakasaksi nito ay
nahintakutan. Ang pusang iyon ay hindi totoong pusa kundi isang Miogaro, isang
ahas na ang haba ay sapat na upang yakapin ang daigdig ng kaniyang ulo at buntot.
Iniangat mo ito nang mataas halos abot hanggang langit. Kamangha-mangha rin nang
makipagbuno ka nang matagal at napaluhod ng isang tuhod lamang sa iyong
pakikipaglaban kay Elli na wala kahit sino mang makagagawa niyon. At ngayon tayo
ay maghihiwalay mas makabubuti para sa ating dalawa na tayo’y di na muling
magkita. Ipagpapatuloy ko ang pagtatanggol sa aking kuta gamit ang aking mahika o
anumang paraan upang hindi manaig ang iyong kapangyarihan sa akin.
Nang marinig ito ni Thor kinuha niya ang kaniyang maso upang ipukol ngunit
wala na si Utgaro-Loki. Sa kaniyang paglingon wala na rin ang kuta kundi isang
malawak lamang na kapatagan. Muli siyang lumisan at ipinagpatuloy ang kaniyang
paglalakbay hanggang sa makabalik sa Thruovangar, ang mundo ng mga diyos.
- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA
Sipi mula sa Filipino 10 Learner’s MateriaL
GAWAIN 1: ISAISIP
Panuto: Magbigay ng mga salitang maisasama sa punong salita upang makabuo ng
iba pang kahulugan.
ULAN
Halimbawa:
TUBIG PAMPA
ALAT -LIGO
KANAL
BAHAY MATA
KWENTO
GAWAIN 2: Unawain Mo
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa
patlang na nakalaan. Sagutin ang mga tanong sa buong pangungusap.
1. Bakit nagalit si Thor kay Skrymir? Ano ang nangyayari kapag sa galit niya ay
hinahampas niya ng maso si Skymir?
11
[Type here]
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
4. Kung ikaw si Thor at kaniyang mga kasama, ilarawan ang iyong magiging
damdamin kapag nalaman mong nalinlang ka sa paligsahan? Bakit?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
5. Ano ang ipinagtapat ni Utgaro-Loki kay Thor nang sila’y paalis na? Iparinig ito sa
klase. Ilahad ang pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang usapan ng
mga tauhan.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
ELEMENTO NG MITOLOHIYA
12
[Type here]
1
• Ilarawan ang tagpuan at panahon na pinangyarihan ng akda.
2
• Saan nakatuon ang mga pangyayari o banghay?
3
• Ano ang paksa o tema ng binasang mitolohiya?
BASAHIN AT SURIIN
Magsanay Magsuri
Basahin ang mitolohiya mula sa Pilipinas at pagkatapos ay suriin ang taglay nitong
elemento sa tulong ng talahanayan.
Rihawani
Isang araw ay may mga dayuhan na dumating doon na ang pakay ay mangaso
o mamaril ng hayop-gubat. Nagtanong-tanong daw ang mga ito kung saang gubat
marami ang mga hayop o ibon na maaaring puntahan. Itinuro nila ang gubat ngunit
13
[Type here]
Panuto: Paghambingin ang dalawang mitolohiyang nabasa, ang "Sina Thor at Loki sa
Lupain ng mga Higante" ng Iceland at "Rihawani" ng Pilipinas. Ihambing ito
ayon sa mga sumusunod na elemento nito.
Tagpuan
Banghay
Tema
14
[Type here]
PAGYAMANIN
https://www.google.com/url?q=https://www.youtube.com/watch?v%3D5h9zKzFyFrw
&sa=D&source=editors&ust=1632384244882000&usg=AFQjCNF3yr5HFIMz9bBpvt5S
Y6D31uh7YA
GAWAIN 5: Unawain Mo
Panuto: Paghambingin ang taglay na katangian at kahinaan nina Thor at Samson sa
tulong ng diagram.
THOR SAMSON
PANGWAKAS NA GAWAIN
Panuto: Magsasaliksik ka ng mitolohiya ng ano mang bansa na iyong maibigan at
susuriin mo ang taglay nitong elemento. Tutulungan ka ng sumusunod na
tanong upang makapagsuri nang mahusay.
15
[Type here]
Sanggunian
Ambat, Vilma C, Ma. Teresa B Barcelo, and Eric O. Carino. 2015. Filipino 10 Learning
Material. 1st. Pasig City: Department of Education-Instructional Materials Council
Secretariat (DepEd-IMCS).
Susi sa Pagwawasto
16
[Type here]
17
na aksiyon at tunggalian at ng mga diyos at diyosa.
18
[Type here]
[Type here]
19
[Type here]
MAY AKDA
20
[Type here]
21