Layunin at Pamamaraan NG Patakarang Pananalapi: Araling Panlipunan Ikatlong Markahan - Modyul 3
Layunin at Pamamaraan NG Patakarang Pananalapi: Araling Panlipunan Ikatlong Markahan - Modyul 3
Layunin at Pamamaraan NG Patakarang Pananalapi: Araling Panlipunan Ikatlong Markahan - Modyul 3
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3
Fiat
Money
Authority
Reserve Open
Requirement Market
Pagkontrol Operation
ng Suplay
ng Salapi
Rediscount Moral
Rate Suasion
1. Fiat Money Authority – ang BSP lamang ang may kapangyarihang magimprenta
ng salapi sa bansa. Kung kailangan ng karagdagang salapi sa sirkulasyon, maaaring
mag-imprenta ng salapi upang punan ito.
2. Laang Reserba (Required Reserved) – ito ay bahagi ng idinedeposito ng mga tao
sa bangko na kailangang itabi ng bangko at hindi ipautang.
3. Pagdidiskuwento – Bilang nagpapautang, maaaring diktahan ng BSP kung
magkano ang interes ng kaniyang pagpapautang. Ang interes na ito ay tinatawag na
rediscounting.
4. Open-market Operation – ito ay pagbebenta o pagbili ng mga papel ng
pagkakautang ng pamahalaan o government securities na direkta sa pamilihan.
5. Pagbebenta at pagbili ng dayuhang salapi – maaring magbenta at bumili ang
BSP ng dolyar sa pamilihan. Kapag bumili ang BSP ng dolyar; binabayaran ito ng
piso, kung ang BSP naman ang nagbebenta ng dayuhang salapi, nakatatanggap naman
siya ng piso, sa ganitong paraan nakokontrol ang suplay ng salapi gamit ang
pamamarang ito.
6. Moral Suasion – ang BSP ay may di-matatawarang impluwensiya sa mga bangko.
Dahil sa impluwensiyang ito, maaari nang maiderekta ang mga gawain ng mga
bangko ayon sa layunin ng pamahalaan. Maaaring kausapin ng gobernador ng BSP
ang mga bangko upang maipaliwanag ang sitwasyon ng ekonomiya at kung paano
makatutulong ang mga bangko upang malutas ang anumang suliranin sa pananalapi na
kinakaharap ng bansa.
PAGTITIPID
/THRIFT
BANK
RURAL
BANK
1.Bangkong Komersiyal –pinakamalaking grupo ng bangko pagdating sa puhunan at
ari-arian. Tumatanggap ang bangkong ito ng demand deposit at iba pang serbisyong
pampinasyal. Sila rin ay pinapayagang tumanggap ng papeles ng pagkakautang.
Halimbawa ng Bangkong Komersiyal: BPI, Union Bank, Metrobank at
Equitable PCI Bank.
2.Bangko ng Pag-iimpok – pangunahing gawain ng bangkong ito ang tumanggap ng
mga impok ng mga mamamayan at ipautang ito sa mga mamumuhunan upang sila ay
tumubo.
Halimbawa ng Bangko ng Pag-iimpok: Allied Savings Bank, Banco Filipino
Savings Bank, Mortgage Bank at BPI Family Savings Bank
3.Bangkong Rural – bangkong matatagpuan sa mga lalawigan at bayan kung saan
limitado lang ang kanilang pinaglilingkuran dahil sa maliit lamang ang kanilang
puhunan. Karaniwang kliyente ng ganitong bangko ay mga magsasaka, mangingisda
at mga taong nabibilang sa sektor ng agrikultura.
Araling Panlipunan 9
QUARTER 3, WEEK 8
Ang pag-iimpok ay isang sistema na kung saan ang mga hindi nagamit na pera
ng gobyerno ay iniimbak sa bangko. Ito ay pagtatabi o pag-iipon ng ilang bahagi ng
kita para sa hinaharap. Ang pag-iimpok ay isa sa mahalagang gawain ng sambahayan
na kailangan ng ekonomiya.
Samantala, ang mamumuhunan naman ay maaaring utangin ang perang ito
upang makapaglikha ng maraming trabaho para sa mga Pilipino. Kung gayon, ang
pag-iimpok at pamumuhunan ay nakatutulong sa pag-unlad ng isang ekonomiya. May
mga gawain ang sambahayan at bahaykalakal na nagdudulot ng pagkakaroon ng
palabas at paloob na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya. Ginagastos ng
sambahayan ang kanilang mga kita ngunit hindi lahat ng kanilang kita ay kanilang
ginagastos dahil bahagi nito ay itinatabi nila sa mga bangko bilang pag-iimpok.
Ang pag-iimpok ay pagpapaliban ng paggastos ng sambahayan para sa kanilang
mga pangangailangan sa kinabukasan. Dahil dito, ang pag-iimpok ay isang palabas na
daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya. Ang bahay-kalakal naman ay palaging may
layuning palaguin ang kanilang produksiyon kung kaya’t madalas silang
nangangailangan ng karagdagang puhunan. Sila ay umuutang sa mga bangko upang
mamuhunan at makabili ng karagdagang salik ng produksiyon. Kung ganoon, ang
pamumuhunan ay papasok na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya.
Ang pag-iimpok ay tinatawag ring pagtatabi o pag-iipon para may magamit sa
hinaharap. Maaari tayong mag-impok sa bangko o sa alkansya. Maaari din tayong
bumili o magbayad ng mga insurances. Madalas ganito ang kaisipan ng bawat
Pilipino, ang magtago ng “savings” o ipon sa bangko.
Kadalasan ginagawa ito ng mga wais sapagkat ito ay lumalago dahil sa interes sa
deposito. Kaya naman mas hinihikayat ng gobyerno na mag-ipon sa bangko kaysa
gumamit ng alkansya. Ang pag-iimpok ay bahagi ng buhay at upang maging kapaki-
pakinabang ang inimpok na salapi, ilagay ito sa mga bangko o institusyong
pampinansyal.
Ang pamumuhunan o pagdaragdag ng istak para sa hinaharap ay kailangan
upang palawakin ang produksiyon. Ang pagbili ng mga makinarya, paglalaan ng
pondo para sa depresasyon ng mga kapital at paghiram ng salapi ay ilan sa anyo ng
pamumuhunan na ang layunin ay para sa hinaharap. Ang pamumuhunan ay
nangangailangan ng sapat na salapi. Ang paggasta ay pagbili ng mga kagamitan, mga
salik ng produksiyon at iba pa.
Karaniwan sa mga namumuhunan ay gumagamit ng sariling salapi o puhunan na
hiniram sa ibang tao, sa bangko, o sa ibang institusyon sa pananalapi. Ang perang
hiniram upang gamiting puhunan ay nagmumula sa inimpok o idineposito sa mga
institusyon sa pananalapi tulad ng bangko o kooperatiba. Ang perang inimpok ng mga
tao sa bangko ay ipinapahiram sa mga negosyante upang gamitin sa pamumuhunan.
Ang pamumuhunan ay isa ring mahalagang salik sa ating bansa. Mas maraming
negosyo, mas maraming trabaho. Ito ay maaaring magbunga sa pagkakamit ng
kaunlaran.
Mga Institusyong Bangko – ito ang mga institusyong tumatanggap ng salapi
mula sa mga tao, korporasyon at pamahalaan bilang deposito. Sa pamamagitan ng
interes o tubo, ang halagang inilagak ng mga tao bilang deposito ay lumalago.