Esp8 q2 Mod18 AngImpluwensyangPakikipagkapwa v2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 27

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 18:
Ang Impluwensya ng
Pakikipagkapuwa

CO_Q2_ESP8_Module18
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 18: Ang Impluwensya ng Pakikipagkapuwa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jeasel H. Pedros


Editor: Emelinda L. Raza, Mark Lorenz C. Luib
Tagasuri: Elizabeth M. Ysulan, Michael C. Paso, Mark Lorenz C. Luib
Corazon F. Adrales, Eva P. Noynay, Judith E. Ecoben, Jezzine F. Salar
Rashiel Joy F. Lepaopao, Megie M. Lillo, John Rey C. Clarion,
Julita D. Flores, Anie A. Dagohoy, Victor A. Odtohan
Tagaguhit: Alim V. Eviota, Mark Lorenz C. Luib, Merlinda W. Malimit
Jay S. Mateo, Adonis P. Umipig, Jubell C. Cababat
Tagalapat: Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. Luib
Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas
Isidro M. Biol, Jr.
Maripaz F. Magno
Josephine Chonie M. Obseňares
Lope C. Papeleras
Michael C. Paso
Juan Jr. L. Espina

Inilimbag sa: ________________________________

Department of Education – Caraga Region

Office Address: Teacher Development Center


J.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600
Telefax No.: (085) 342-5969
Email address: [email protected]
8
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 18:
Ang Impluwensya ng
Pakikipagkapuwa
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Sino ako? Sino ka? Sino tayo? Kung paano natin sinasagot ang katanungang
ito ay siyang naglalarawan kung paano natin hinuhubog ang ating pag-iisip at
pagkatao at kung paano tayo makikitungo sa kapuwa na impluwensiya ng lipunang
ginagalawan at kinabibilangan. Ibig sabihin, bawat indibiduwal ay magkakaugnay
sa anumang bagay. May mga bagay na hindi nagagawang mag-isa. Natututo tayo
dahil sa mga karanasan at impluwensiya ng kapuwa.
Kaagapay sa pamumuhay ng tao ang pakikisalamuha natin sa kapuwa dahil
sumasalamin ito upang maging ganap na malinang ang buong aspekto ng pagkatao.
Sa modyul na ito ay malilinang ang kasanayang pampagkatuto na:
a. Nasusuri ang mga impluwensiya ng kaniyang kapuwa sa kaniya sa
aspektong intelektuwal, panlipunan, pangkabuhayan, at politikal.
(EsP8PIIa-5.2)

Mga Tiyak na Layunin:

1. Natutukoy ang uri ng aspekto ng pagkatao na ginamit sa mga


sitwasyong inilalahad.
2. Napahahalagahan ang mga gawi o kilos ng kapuwa na
nakaiimpluwensiya sa pagpapaunlad ng iyong sarili.
3. Nakasusulat ng sariling repleksyon batay sa kasabihang inilahad.

1 CO_Q2_ESP8_Module18
Subukin

Maraming Pagpipilian:
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o situwasyon at piliin ang tamang sagot.
Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

1. Anong salik ng lipunan ang nakaiimpluwensiya sa paghubog ng buong


pagkatao ng isang indibiduwal?
A. kaibigan
B. kapuwa
C. paaralan
D. pamilya

2. Alin sa mga sumusunod ang impluwensiya ng pagmamalasakit sa atin ng


kapuwa?
A. naging malapit sa kapuwa
B. nahikayat gumawa ng kabutihan sa iba
C. kusang tumulong at naghintay ng kapalit
D. may benepisyong makukuha mula sa kaniya

3. Alin sa mga sumusunod na situwasyon ang nagpapakita ng impluwensiya ng


kapuwa sa aspektong intelektwal ng isang indibiduwal?
A. isang gurong nagbahagi na magsagawa ng outreach program
B. isang mangingisda na namimigay ng mga nahuling isda sa kaniyang
mga kapitbahay
C. isang guro na libreng nagtuturo dahil ninanais matuto ang mga
batang-lansangan na hindi nakapag–aral
D. isang guro na sumulat ng resolusyon ukol sa paghingi ng kaukulang
budget para mapalawak ang isinasagawang outreach program.

Para sa bilang 4 at 5. Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyon.

Ulila na sa mga magulang si Dhon subalit malaki ang pasasalamat niya sa


kaniyang tiyahin dahil kinupkop at pinapaaral siya nito. Nakahanap siya ng
magandang trabaho at nagkaroon ng sariling pamilya. Tinuruan niya ang kaniyang
mga anak na magsipag upang magkaroon ng masaganang pamumuhay dahil ito ang
kaniyang natutunan sa mga paalala ng kaniyang tiyahin. Ikinintal din niya sa isipan
ng mga anak na ang pagkaroon ng makamundong yaman ay walang halaga kung
hindi nakatutulong sa kapuwa. Bunga nito, ang mga anak ni Dhon ay kusang
nagpapaabot ng tulong sa mga naulilang mga batang nasa ampunan.

2 CO_Q2_ESP8_Module18
4. Sa palagay mo, anong aspekto ng pagkatao sa mga anak ni Dhon ang lubos
na niyang naimpluwensiyahan?
A. intelektuwal
B. panlipunan
C. pangkabuhayan
D. politikal

5. Batay sa situwasyon, anong katangian ni Dhon ang napauunlad dahil sa


ugaling ipinakita ng kaniyang tiyahin?
A. masipag
B. matatag
C. matiyaga
D. matulungin sa kapuwa

6. Kailan masasabing nagkakaroon ng impluwensya ang kapuwa sa aspekto ng


pagkatao ng isang indibiduwal?
A. kapag nakapagbibigay ng inspirasyon sa iba
B. kapag nakatutugon sa pangangailangan ng isang tao
C. kapag may pagbabagong nagaganap sa kaniyang mga kilos o ugali
D. kapag nakakukuha ng mga ideya na magagamit sa pansariling
kapakanan

Para sa bilang 7 at 9. Basahin at unawain ang situwasyon.

Pursigido si Janine na makagawa ng mabisang pamamaraan upang


makapagbigay ng magandang serbisyo sa kaniyang mga kliyente. Naniniwala siyang
magagawa niya ito kagaya ng kaniyang ama na nagsusumikap sa paghahanap ng
mapagkakitaan upang matugunan ang kanilang pangangailangan noong sila ay bata
pa.

7. Anong aspekto ng pagkatao ni Janine ang napauunlad?


A. intelektuwal
B. panlipunan
C. pangkabuhayan
D. politikal

8. Batay sa situwasyon, anong katangian ni Janine ang nabago dahil sa ugaling


ipinakita ng kaniyang ama?
A. maawain
B. malikhain
C. mapagbigay
D. matulungin

3 CO_Q2_ESP8_Module18
9. Mula sa situwasyon, sino ang nakaiimpluwensiya sa kaniya sa paghanap ng
iba’t ibang pamamaraan upang makapagbigay ng maayos na serbisyo?
A. ama
B. kaibigan
C. pamilya
D. trabaho

10. Sa tahanan tinuturuan ng magulang ang mga anak ng mga magagandang


asal at aral sa buhay. Kung kaya pinag-iisipang mabuti ng mga anak ang
mga bagay-bagay bago gumawa ng isang desisyon. Anong aspekto ng
pagkatao ang napauunlad ng mga anak?
A. intelektuwal
B. panlipunan
C. pangkabuhayan
D. politikal

11. Alin sa mga situwasyon ang nagpapakita ng impluwensiya ng kapuwa sa


aspektong panlipunan ng isang tao?
A. Sumulat ang organisasyon ng isang proposal upang mapalawak ang
programang inilunsad sa pamayanan.
B. Pagiging bukas ng isip sa opinyon o mungkahi ng iba upang
mapagtagumpayan ang mga hinahangad sa buhay.
C. Nagpatawag ng isang pagpupulong ang kapitana ng barangay para
pag-usapan ang tungkol sa mga ordinansang ipatutupad.
D. Natuto ang bata ng maayos na pakikitungo sa kapuwa mula sa
kaniyang ama sapagkat nakita niya na ito ang dahilan na maraming
kaibigan ang ama.

12. Nauwi sa pag–aaway ang pag–uusap ng magkapatid dahil sa magkaibang


opinyon. Mula sa kaniyang naobserbahan, napagtanto ni Nate na
kailangang maging bukas ang ating isip sa opinyon at paniniwala ng iba
upang maiwasan ang pagkakagulo sa panig ng bawat isa. Anong aspekto ng
pagkatao ang napauunlad mula sa situwasyon?
A. intelektuwal
B. panlipunan
C. pangkabuhayan
D. politikal

4 CO_Q2_ESP8_Module18
13. Sa kasaysayan ng Pilipinas sinasabing malaki ang naitutulong ng mga
panulat ni Dr. Jose Rizal upang magkaisa ang mga tao sa pagpapalaya ng
bansa sa kamay ng mga banyaga. Sa situwasyong ito, anong aspekto ng
pagkatao ng mga Pilipino noon ang naiimpluwensiyahan ni Rizal?
A. intelektuwal
B. panlipunan
C. pangkabuhayan
D. political

14. Maayos na pinamamahalaan ni Joy bilang manager ang isang hardware


store. Pumapasok at umuuwi siya sa takdang oras. Sa unang tingin, hindi
siya masyadong abala bagaman produktibo naman sa kaniyang mga
ginagawa. Nagkakaroon din siya ng oras para sa sarili at sa pamilya. Dahil
dito naging produktibo rin sa trabaho ang kaniyang mga manggagawa at
kailanman ay walang nahuhuli sa pagpasok sa trabaho maliban na lang
kung may hindi inaasahang mga pangyayari. Sa situwasyong ito, anong
aspekto ng pagkatao ang lubos na naiimpluwensiyahan ni Joy sa kaniyang
mga manggagawa?
A. intelektuwal
B. panlipunan
C. pangkabuhayan
D. politikal

15. Lumaki sa simpleng pamumuhay si Joel pero nangarap siya na uunlad din
ang kaniyang pamumuhay balang-araw. Isa sa mga naging inspirasyon niya
ang kapitbahay na si Mang Tino na nagsimula sa wala ngunit, naging isa na
sa pinakamayaman sa kanilang lugar dahil sa pag-online selling. Naisipan ni
Joel na simulan ang kaniyang planong bigasan. Naniniwala siyang kahit
maliit man sa umpisa, uunlad ang ipinundar na negosyo kagaya ni Mang
Tino na pagsusumikap ang naging pangunahing puhunan. Anong aspekto
ng pagkatao ni Joel ang lubos na naiimpluwensiyahan sa tagumpay ni Mang
Tino?
A. intelektuwal
B. panlipunan
C. pangkabuhayan
D. politikal

5 CO_Q2_ESP8_Module18
Aralin
Ang Impluwensiya ng
1 Pakikipagkapuwa
“Ang kapuwa ang nagsisilbing salamin ng ating buhay”
- Anonymous

Ngayon, may inihanda akong gawain hinggil sa nakaraang modyul bilang


tanda na may lubos kang pagkatuto. Alam kong kayang-kaya mo ito kaibigan!
Ngayon pa lang ay binabati na kita!

Balikan

Gawain 1: Buo Konsepto!


Panuto: Tukuyin ang mga taong itinuturing mong kapuwa. Isulat ang sagot sa
graphic organizer ng iyong sagutang papel.

KAPUWA

6 CO_Q2_ESP8_Module18
Batayan sa Pagtataya:

9-10 puntos - Nailahad nang maigi ang mga pangunahing konsepto ng


paksa.
7-8 puntos - nailahad pero may kulang ng isang konsepto
4-6 puntos - Hindi masyadong nailahad ang konsepto ng paksa
1-2 puntos - nakapagpahayag ng ideya pero malayo sa konsepto ng
paksa

Mga Tala para sa Guro

Kung matagumpay na naisagawa ng bata ang gawaing nasa


Balikan ay hayaan siyang magpatuloy sa kasunod na gawain.
Kung hindi naman, pabalikan ang sinundang modyul.

7 CO_Q2_ESP8_Module18
Tuklasin

Gawain 2: Suri – Larawan


Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba at pagnilayan ang mga gabay na tanong.

A. B.

C. D.

Iginuhit ni: Alim V. Eviota at Jubell C. Cababat

Gabay na Tanong:

1. Ano ang mensaheng ipinapahiwatig sa mga larawan?


2. Ano ang maaaring implikasyon nito sa iyong pagkatao?

8 CO_Q2_ESP8_Module18
Suriin

Kung napagtagumpayan mong masuri ang mga larawan ay binabati kita


kaibigan. Palalawakin natin ngayon ang iyong ideyang nabuo sa pagsusuri sa mga
larawan.

Isa sa gustong gawin ng tao ang pagkontrol sa buhay. Ngunit sa mundong


ginagalawan kung saan ang lahat ay magkakaugnay hindi maipakikitang
nakokontrol nang ganap ang sinuman, maging ang sarili sa lahat ng oras. Sa halip,
kung ano ang mayroon sa iyong kasaganaan ay isa lamang impluwensiya ng kapuwa
at ang impluwensiyang ito ang nakapagpabago sa sariling buhay at sa kapuwa.

Kung susuriing mabuti ang mga larawan sa bahaging Tuklasin, makikitang


magkakaiba ang impluwensiyang dulot nito sa tao.

Makikita sa Larawan A ang konsepto ng impluwensiya ng kapuwa sa


aspektong intelektuwal. Nang makita ng bata ang lalaking nakapagtapos ng pag-
aaral ay nabago nito ang pananaw sa buhay, ninais din nitong makapagtapos ng
pag-aaral at makapagbigay ng inpirasyon sa iba upang ipagpatuloy ang buhay.

Tumutukoy ang Aspektong Intelektuwal sa kakayahang mapaunlad ang pag-


iisip upang maging mapanuri at makagawa ng lohikal na pangangatuwiran sa mga
bagay na nakikita. Tumutukoy ito sa kakayahang mag-isip ng mga ideya, dahilan at
desisyon, kaalaman at karunungan, pagtitimbang ng tama at mali at iba pa.
Magkakaiba ang pag-iisip ng tao na naging dahilan upang mamukod tangi sa isa o
higit pang kaalaman at katangian.

Ang mga sumusunod ay mga situwasyon na nagpapakita ng impluwensiyang


intelektuwal sa kapuwa.

 Ninais ng guro na maturuan nang libre ang mga batang nasa lansangan.
Gusto niyang maikintal sa murang isipan ng mga bata ang kahalagahan ng
edukasyon upang magsumikap ito sa buhay.
 Sa loob ng tahanan nagsisimula ang pagtuturo ng magandang-asal sa mga
anak, dito nalilinang ang kakayahang timbangin ang tama sa mali at
nakabubuo ng tamang pagpapasiya.
 Napanood ni Grace ang kaniyang mga kaklase na nagtanghal sa kanilang
paaralan, dahil dito ninais din niyang matutong kumanta. Nag-aral at nag-
enroll ito sa music school, kung saan nalinang ang kaniyang kakayahang
pangmusika at naging ganap na mang-aawit.

9 CO_Q2_ESP8_Module18
Malinaw na ipinapakita sa Larawan B ang impluwensiya ng kapuwa sa
aspektong pangkabuhayan ng isang tao. Nang makita ng bata ang isang malaking
tindahan ng gulay ay naisip nito na balang araw makapagpatatayo rin siya ng
ganoon kalaking tindahan ng gulay at makaaahon sa kahirapan.

Tumutukoy ang Aspektong Pangkabuhayan sa kakayahang matugunan ang


pangangailangan ng sarili at kapuwa. Isang pamamaraan ito upang makalikha ng
kita o income. Nagbibigay halaga ang aspektong ito sa mga gawi upang makagawa
ng paraan sa paghahanap ng trabaho at maiangat ang antas ng pamumuhay sa
lipunang kinabibilangan. Umiikot sa industriya ng agrikultura, edukasyon,
kompyuter at iba pa ang aspektong ito.

Ilan sa mga halimbawa ng aspektong ito ay ang mga sumusunod:

 Naging inspirasyon ni Anna ang kapitbahay na si Aling Rosa na nagsimulang


umangat ang buhay dahil sa pagbebenta ng mga lumang gamit. Nag-ipon si
Anna ng pera upang makapagsimula ng isang maliit na negosyo na hindi
naglaon ay lumaki.

 Pursigido si Janine na makagawa ng mabisang pamamaraan upang


makapagbigay ng magandang serbisyo sa kaniyang mga kliyente. Naniniwala
siyang magagawa niya ito kagaya ng kaniyang ama na nagsusumikap sa
paghahanap ng mapagkakitaan upang matugunan ang kanilang
pangangailangan noong bata pa sila.

Mapapansin sa Larawang C na nagsisimulang mahubog sa loob ng tahanan


ang kabutihang asal at dito naisabubuhay ng isang tao o bata ang mga
magagandang gawi sa pakikitungo sa kapuwa. Nalilinang dito ang aspektong
panlipunan ng indibiduwal.

Nagpapakita ang Aspektong Panlipunan ng kakayahang makitungo nang


maayos sa kaniyang kapuwa at lipunan. Makikita sa aspektong ito kung paano
kumikilos at makitungo ang tao sa kaniyang lipunan at kung ito ba ay naaayon sa
pamantayan at prinsipyo ng tao. Ilan lamang sa mga kilos na makapagpauunlad sa
aspektong panlipunan ang pakikipagkaibigan, pagtanggol sa sarili at paggalang sa
kapuwa.

Halimbawa, naglalarawan sa pagkatao ng isang bata ang pagpili ng kaibigan


o barkada. May naitutulong sa pagpauunlad ng pag-uugali ng isang tao ang pagiging
mabuting tao at may pagmamalasakit na kapuwa, ngunit magdudulot ng masama
sa sarili at sa kapuwa ang pagsama sa mga kaibigang may masamang gawain at
hangarin. Maaaring malulong sa ipinagbabawal na gamot, alak at masangkot sa
krimen.

10 CO_Q2_ESP8_Module18
Mapapansin sa Larawan D na may malaking impluwensya ang kapuwa sa
aspektong politikal ng isang bata. Ang kilos na kaniyang nakikita tungkol sa
pagpapahalaga at pangangalaga sa kalikasan ay nagbibigay sa kaniya ng kamalayan
na tungkulin niyang makiisa sa mga gawaing panlipunan bilang miyembro ng
komunidad. Ang pagtatanim ng mga kahoy at paglilinis ng paligid ang ilan sa mga
halimbawa nito.

Nagpakikita ang Aspektong Politikal ng pakikibahagi upang makamit ang


makatao at makatarungang lipunan. Halimbawa, nakita ng bata ang Department of
Environment and Natural Resources (DENR) na pinangangalagaan ang kalikasan kaya
naman iniingatan at pinahahalagan rin niya ang inang kalikasan at inumpisan niya
ito sa kanilang baranggay.

Samakatuwid, malaki ang impluwensiya ng bawat aspekto ng buhay sa ating


pakikipag-ugnayan sa ating kapuwa. Nagbibigay ito ng kabuluhan sa ating
kakayahan para maging ganap ang ating pagkatao.

11 CO_Q2_ESP8_Module18
Pagyamanin

Gawain 3: Situwasyon ko! Suriin Mo!


Panuto: Suriin ang mga pangungusap at tukuyin kung anong aspekto ng pagkatao
ang lubos na ipinahahayag. Isulat ang AI-para sa Aspektong Intelektuwal, AP-para
sa Aspektong Panlipunan, AK-para sa Aspektong pangKabuhayan, at APU- para sa
Aspektong Politikal. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

1. Lubos na pinahahalagahan ng mag-asawang Noli at Neri ang pagbibigay ng


maayos na edukasyon sa kanilang mga anak. Araw at gabi silang naglalaan ng
oras sa pagtuturo sa kanila.

2. Magiliw ang kapatid ni Cassy sa pagtanggap ng panauhin sa kanilang bahay.


Tinuruan siya nito na kailangang maayos ang pakikitungo sa kapuwa sapagkat
ito ang nararapat gawin. Kung kaya maayos din niyang pinakikitunguhan ang
kaniyang mga kaklase.

3. Palaging itinuturo sa paaralan ang pagsunod sa mga patakaran at pagganap sa


mga tungkulin bilang mag-aaral. Lagi ring ipinapaalala na may kaakibat na
responsibilidad ang bawat karapatan na mayroon ang isang tao. Ito ang palaging
iniisip ni Conour sa pamamahala ng organisasyong pangkabataan na kaniyang
binuo.

4. Lumaki sa mahirap na pamilya si Robert kaya natutunan na niyang maghanap-


buhay sa murang edad. Natuto siya ng mga mahahalagang bagay sa
pagnenegosyo sa simpleng paglalako ng paninda ng kaniyang ina. Nahihiya
siyang magtinda sa simula bagamat parating ipinapaalala ng kaniyang magulang
na kailangang magsumikap upang makaahon sa buhay. Hindi man nakapag-
aral, nagsumikap naman siyang makapagtayo ng isang maliit na talyer na
patuloy na lumalago sa ngayon.

12 CO_Q2_ESP8_Module18
Gawain 4: Suri-Impluwensiya!
Panuto: Ibigay ang naging impluwensiya ng iyong kapuwa sa pagpauunlad ng iyong
pagkatao sa aspektong intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan at pampolitikal.
Isulat ang sagot sa bawat hanay ng iyong sagutang papel.

Kapuwa Intelektuwal Panlipunan Pangkabuhayan Politikal

1. pamilya

2. kaibigan

3. guro

4. kaklase

Batayan sa Pagwawasto:

10 puntos - Kompletong napunan ang lahat na talahanayan na may


tamang impormasyon.
7 puntos - May tatlong aspektong indibiduwal lamang ang napunan na
may tamang impormasyon.
5 puntos - Kompletong napunan ang lahat na talahanayan pero may
kulang sa ideya.
3 puntos - May naisulat sa talahanayan pero malayo sa konsepto ng
paksa.

Gawain 5: Impluwensiya ng Kapuwa Ko!


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Sino-sino ang mga taong nakapagbibigay ng impluwensiya sa iyo upang


pagsikapan mo nang maigi ang iyong pag-aaral? Pangatuwiranan.

2. Sa iyong palagay, ano ang higit na nakaimpluwensiya sa iyo upang


tumulong sa mga taong nangangailangan? Pangatuwiranan.

3. Paano mo malilinang ang iyong kakayahan na maiangat ang iyong antas sa


pamumuhay na dulot ng mga impluwensiya ng iyong kapuwa? Ipaliwanag.

4. Sa iyong palagay, paano nakaaapekto sa iyong pagkatao ang iba’t ibang


impluwensiyang hatid ng iyong kapuwa? Ipaliwanag.

Batayan sa Pagwawasto:

10 puntos - kompletong nasagot lahat ng tanong na may tamang


kasagutan.
7 puntos - kompletong nasagot lahat ng tanong pero may kulang sa
ideya
5 puntos - may dalawang tanong na hindi nabigyan ng kasagutan
3 puntos - may naisulat na sagot pero malayo sa konsepto ng paksa

13 CO_Q2_ESP8_Module18
Isaisip

Gawain 6: Konsepto, Ikompleto!


Panuto: Punan ang mga patlang upang mabuo ang talata. Piliin sa kahon ang
angkop na salitang gagamitin. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. panlipunan
B. malikhaing
C. politikal
D. makatarungang
E. intelektwal
F. pangangailangan
G. pangkabuhayan
H. makibahagi
I. Kapuwa

Malaki ang naitulong ng aking kapuwa sa pagpauunlad ng aking


buong pagkatao sa aspektong (1) _______________, (2) ______________ , (3)
____________ at (4) _____________.

Dahil dito, nagiging mas makabuluhan ang ating buhay.


Sinasabing ang aspektong panlipunan ay tumutukoy sa maayos na
pakikitungo sa (5) _____________. Samantalang, ang aspektong (6)
_____________ ay tumutukoy sa kakayahang mapaunlad ang pag-iisip
upang maging mapanuri at makagawa ng (7)
_____________pangangatwiran. Maihahayag natin na ang aspektong
pangkabuhayan naman ay tumutukoy sa kakayahang matugunan ang (8)
_______________ ng sarili at ng kapuwa. Panghuli, ang aspektong
(9)_________________ ay nagpakikita ng kakayahang (10) ________________
sa pagbuo at pagtamo ng makatao at (11)_____________lipunan.

Lahat ng aspektong nabanggit ay dapat nating isabuhay dahil dito


sumibol ang ating mabuting pakikipag-ugnayan sa kapuwa.

14 CO_Q2_ESP8_Module18
Isagawa

Gawain 7: Pagkilatis sa mga Impluwensiya sa Sarili


Panuto: Punan ang talahanayan ng mga hinihinging impormasyon. Isulat ang sagot
sa bawat talahanayan sa iyong sagutang papel.

Sino ang mga Impluwensya sa Sarili


nakasalamuha Pangka-
Intelektuwal Panlipunan Politikal Patunay
mo araw-araw? buhayan

Batayan sa Pagwawasto:

10 puntos - Kompletong napunan ang lahat na talahanayan na may


tamang impormasyon.
7 puntos - May tatlong aspektong indibiduwal lamang ang napunan
na may tamang impormasyon.
5 puntos - Kompletong napunan ang lahat na talahanayan pero may
kulang sa ideya.
3 puntos - May naisulat sa talahanayan pero malayo sa konsepto ng
paksa.

15 CO_Q2_ESP8_Module18
Tayahin

Maraming Pagpipilian:
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o situwasyon at piliin ang tamang sagot.
Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

1. Lumaki sa simpleng pamumuhay si Joel pero nangarap siya na uunlad din


ang kaniyang pamumuhay balang-araw. Isa sa mga naging inspirasyon niya
ang kapitbahay na si Mang Tino na nagsimula sa wala ngunit, naging isa na
sa pinakamayaman sa kanilang lugar dahil sa pag-online selling. Naisipan ni
Joel na simulan ang kaniyang planong bigasan. Naniniwala siyang kahit
maliit man sa umpisa, uunlad ang ipinundar na negosyo kagaya ni Mang
Tino na pagsusumikap ang naging pangunahing puhunan. Anong aspekto
ng pagkatao ni Joel ang lubos na naiimpluwensiyahan sa tagumpay ni Mang
Tino?
A. intelektuwal
B. panlipunan
C. pangkabuhayan
D. politikal

2. Maayos na pinamamahalaan ni Joy bilang manager ang isang hardware store.


Pumapasok at umuuwi siya sa takdang oras. Kung titingnan, hindi siya
masyadong abala bagama’t produktibo naman sa kaniyang mga ginagawa.
Nagkakaroon din siya ng oras para sa sarili at sa pamilya. Dahil dito naging
produktibo rin sa trabaho ang kaniyang mga manggagawa at kailanman ay
walang nahuhuli sa pagpasok sa trabaho maliban na lang kung may hindi
inaasahang mga pangyayari. Sa situwasyong ito, anong aspekto ng pagkatao
ang lubos na naiimpluwensiyahan ni Joy sa kaniyang mga manggagawa?
A. intelektuwal
B. panlipunan
C. pangkabuhayan
D. politikal

3. Sa kasaysayan ng Pilipinas sinasabing malaki ang naitutulong ng mga panulat


ni Dr. Jose Rizal upang magkaisa ang mga tao sa pagpapalaya ng bansa sa
kamay ng mga banyaga. Sa situwasyong ito, anong aspekto ng pagkatao ng
mga Pilipino noon ang naimpluwensiyahan ni Rizal?
A. intelektuwal
B. panlipunan
C. pangkabuhayan
D. political

16 CO_Q2_ESP8_Module18
4. Nauwi sa pag–aaway ang pag–uusap ng magkapatid dahil sa magkaibang
opinyon. Mula sa kaniyang naobserbahan, napagtanto ni Nate na kailangang
maging bukas ang ating isip sa opinyon at paniniwala ng iba upang maiwasan
ang pagkakagulo sa panig ng bawat isa. Anong aspekto ng pagkatao ang
napauunlad mula sa situwasyon?
A. intelektuwal
B. panlipunan
C. pangkabuhayan
D. politikal

5. Kailan masasabing nagkakaroon ng impluwensya ang kapuwa sa aspekto ng


pagkatao ng isang indibiduwal?
A. nakapagbibigay ng inspirasyon sa iba
B. nakatutugon sa pangangailangan ng isang tao
C. kung may pagbabagong nagaganap sa kaniyang mga kilos o ugali
D. nakakukuha ng mga ideya na magagamit sa pansariling kapakanan

6. Sa tahanan tinuturuan ng magulang ang mga anak ng mga magagandang


asal at aral sa buhay. Kaya pinag-iisipang mabuti ng mga anak ang mga
bagay-bagay bago gumawa ng isang desisyon. Anong aspekto ng pagkatao
ang napauunlad ng mga anak?
A. intelektuwal
B. panlipunan
C. pangkabuhayan
D. Politikal

7. Alin sa mga situwasyon ang nagpapakita ng impluwensya ng kapuwa sa


aspektong panlipunan ng isang tao?
A. Sumulat ang organisasyon ng isang proposal upang mapalawak ang
programang inilunsad nila sa pamayanan.
B. Pagiging bukas ang isip sa opinyon o mungkahi ng iba para
mapagtagumpayan ang mga hinahangad sa buhay
C. Nagpatawag ng isang pagpupulong ang kapitana ng baranggay para
pag-usapan ang tungkol sa mga ordinansang ipatutupad.
D. Natuto ang bata nang maayos na pakikitungo sa kapuwa mula sa
kaniyang ama sapagkat nakita niyang ito ang dahilan na maraming
kaibigan ang ama.

17 CO_Q2_ESP8_Module18
Para sa bilang 8 at 9. Basahin at unawaing mabuti ang situwasyon.

Ulila na sa mga magulang si Dhon subalit malaki ang pasasalamat niya sa


kaniyang tiyahin dahil kinupkop at pinapaaral siya nito. Nakahanap siya ng
magandang trabaho at nagkaroon ng sariling pamilya. Tinuruan niya ang kaniyang
mga anak na magsipag upang magkaroon ng masaganang pamumuhay sapagkat ito
ang kaniyang natutunan sa mga paalala ng kaniyang tiyahin. Ikinintal din niya sa
isipan ng mga anak na ang pagkaroon ng makamundong yaman ay walang halaga
kung hindi nakatutulong sa kapuwa. Bunga nito, ang mga anak ni Dhon ay kusang
nagpapaabot ng tulong sa mga naulilang mga batang nasa ampunan.

8. Sa palagay mo, anong aspekto ng pagkatao sa mga anak ni Dhon ang lubos
na niyang naiimpluwensiyahan?
A. intelektuwal
B. panlipunan
C. pangkabuhayan
D. Politikal

9. Batay sa situwasyon, anong katangian ni Dhon ang napauunlad dahil sa


ugaling ipinakita ng kaniyang tiyahin?
A. masipag
B. matatag
C. matiyaga
D. matulungin sa kapuwa

10. Alin sa mga sumusunod na mga situwasyon ang nagpapakita ng


impluwensiya ng kapuwa sa aspektong intelektuwal ng isang indibiduwal?
A. isang gurong nagbahagi na magsagawa ng outreach program
B. isang mangingisda na namimigay ng mga nahuling isda sa kaniyang
mga kapitbahay
C. isang guro na libreng nagtuturo dahil ninanais matuto ang mga
batang-lansangan na hindi nakapag–aral
D. isang guro na sumulat ng resolusyon ukol sa paghingi ng kaukululang
budget para mapalawak ang isinasagawang outreach program.

11. Alin sa sumusunod ang impluwensiya ng pagmamalasakit sa atin ng


kapuwa?
A. naging malapit sa kapuwa
B. nahihikayat gumawa ng kabutihan sa iba
C. may benepisyong makukuha mula sa kaniya
D. kusang tumutulong at naghihintay ng kapalit

18 CO_Q2_ESP8_Module18
12. Anong salik ng lipunan ang nakaimpluwensiya sa paghubog ng buong
pagkatao ng isang indibiduwal?
A. kaibigan
B. kapuwa
C. paaralan
D. pamilya

Para sa bilang 13 at 15. Basahin at unawain ang situwasyon.

Pursigido si Janine na makagawa ng mabisang pamamaraan upang makapagbigay


ng magandang serbisyo sa kaniyang mga kliyente. Naniniwala siyang magagawa niya
ito kagaya ng kaniyang ama na nagsusumikap sa paghahanap ng mapagkakitaan
upang matugunan ang kanilang pangangailangan noong sila ay bata pa.

13. Mula sa situwasyon, sino ang nakaimpluwensiya sa kaniya upang maghanap


ng iba’t ibang pamamaraan na makapagbigay nang maayos na serbisyo?
A. ama
B. kaibigan
C. pamilya
D. trabaho

14. Anong aspekto ng pagkatao ni Janine ang napauunlad?


A. intelektuwal
B. panlipunan
C. pangkabuhayan
D. Politikal

15. Batay sa situwasyon, anong katangian ni Janine ang nabago dahil sa ugaling
ipinakita ng kaniyang ama?
A. maawain
B. malikhain
C. mapagbigay
D. matulungin

19 CO_Q2_ESP8_Module18
Karagdagang Gawain

Gawain 8: Repleksyon
Panuto: Ibigay ang sariling repleksyon sa mensaheng nakapaloob sa kasabihan.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

“Ang impluwensiya ng magulang, pamilya, guro, aklat na binabasa, mga


karanasan, pagsubok sa buhay ay huhubog sa mga pagpapahalaga at buong
pagkatao ng isang indibiduwal”

- Anonymous

Batayan sa Pagmamarka

Krayterya Higit na Nakamit ang Bahagyang Hindi nakamit


inaasahan inaasahan nakamit ang ang
inaasahan inaasahan
20 puntos 15 puntos
10 puntos 5 puntos

Nilalaman Komprehensibo Kompleto ang May ilang Maraming


ang nilalaman nilalaman ng kakulangan sa kakulangan
ng teksto. teksto. Wasto nilalaman ng sa nilalaman
Wasto ang ang lahat ng teksto. May ng teksto.
lahat ng impormasyon ilang maling
impormasyon impormasyon

Organisasyon Organisado at Malinaw at Hindi Walang


ng mga may malinaw maayos ang masyadong kaayusan ang
kaisipan na kaisahan paglalahad ng maayos at paglalahad ng
ang daloy ng kaisipan sa malinaw ang kaisipan sa
paglalahad ng teksto. paglalahad ng teksto.
kaisipan sa kaisipan sa
teksto. teksto.

Kabuoang
Iskor

= 40

20 CO_Q2_ESP8_Module18
CO_Q2_ESP8_Module18 21
Tayahin Subukin
Pagyamanin
1. B
1. C Gawain 3:
2. B
2. D 1. AI 3. C
3. A 2. AP 4. B
4. A 3. APU 5. A
5. C 4. AK 6. C
6. A 7. C
7. D Isaisip 8. B
8. B 9. A
Gawain 6:
9. A 10. A
10. C 1. A 6. E 11. D
11. B 2. C 7. B 12. A
12. B 3. E 8. F 13. A
13. A 4. G 9. C 14. D
14. C 5. I 10. H 15. C
15. B 11. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Aklat
Bognot, Regina et.Al. 2014. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa mag-aaral.
5th Floor Mabini Building. Meralco Avenue, Pasig City.

22 CO_Q2_ESP8_Module18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like