AralingPanlipunan8 Module4 Quarter2 Kontribusyon NG Kabihasnang Klasiko Sa Pagunlad NG Pandaigdigang Kamalayan V2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

8

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko sa Pag-
unlad ng
Pandaigdigang Kamalayan

CO_Q2_AP-8_Module 4
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Module – Self – Learning Modules
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko sa
Pag-unlad ng Pandaigdigang Kamalayan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Mga Manunulat: Elgemary S. Abata, Jerisse J. Parajes


Mga Editor: Filipina F. Meehleib, Lileth F. Oliverio, Alfe S. Lito,
Lilifreda P. Almazan, Benny T. Abala, Analiza G. Doloricon,
John M. Anino, Dan Ralph M. Subla, Jirc Nadia S. Bargado
Renato L. Latorre, Larry G. Morandante, Carlos C. Catalan, Jr.,
Fernando A. Dones, Jr.
Mga Tagasuri: Marino L. Pamogas, Joel P. Plaza, Leowenmar A. Corvera,
Honorato D. Mendoza, Edwin G. Capon, Edwin C. Salazar,
Fatima D. Notarte, Marina B. Sanguenza

Tagaguhit:
Tagalapat: Paul Andrew A. Tremedal, Aldrin V. Ubas
Mga Nangasiwa: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol, Jr., Maripaz F. Magno
Josephine Chonie M. Obseñares, Karen L. Galanida,
Florence E. Almaden, Carlo P. Tantoy, Venus M. Alboruto,
Noemi D. Lim, Laarni C. Micayas

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Caraga Region
Office Address: Teacher Development Center,
J.P. Rosales Avenue, Butuan City, Philippines 8600
Telefax: (085) 342-8207; (085) 342-5969
E-mail Address: [email protected]
8
Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko sa Pag-
unlad ng
Pandaigdigang Kamalayan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mga mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain
at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang mga
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsasagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan ang mga
mahahalagang datos tungkol sa kontribusyon ng kabihasnang klasiko sa pag-unlad ng pandaigdigang
kamalayan. Ang kaalaman mo sa mga sinaunang kabihasnan ay mabisang hakbang upang iyong makilala at
mapahalagahan ang mga naging ambag ng mga sinaunang kabihasnang ito.

Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang mas madaling
maunawaan ang daloy ng iyong pag-aaral.

May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang iyong pag-aaral.
Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot.
Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtalakay tungkol sa Pag-usbong at Pag- unlad ng mga
Klasikal na Lipunan sa Europe na nahahati sa sumusunod na paksa:
• Paksa 1- Ang Kontribusyon ng Greece
• Paksa 2- Ang Kontribusyon ng Roma
• Paksa 3- Ang Kontribusyon ng mga kabihasnan sa bansang Africa
• Paksa 4- Ang Kontribusyon ng kabihasnang Mesoamerica at South America
• Paksa 5- Ang Kontribusyon ng mga Pulo sa Pacific
Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa kontribusyon ng mga pangyayari sa klasiko
at transisyunal na panahon sa pagkabuo at pagkahubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa
daigdig.
Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong ng pangangalaga sa mga
natatanging kontribusyon ng klasiko at transisyunal na panahon na nagkaroon ng malaking impluwensiya sa
pamumuhay ng tao sa kasalukuyan.
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto
• Naipapahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasiko sa pag-unlad ng
pandaigdigang kamalayan. (AP8DKT-IIf-8)

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:


• nasusuri ang kontribusyon ng mga kabihasnang klasiko sa pag-unlad ng pandaigdigang
kamalayan;
• natutukoy ang mahahalagang ambag ng mga kabihasnang klasiko sa iba’t ibang larangan;
• naiisa-isa ang mahahalagang kontribusyon ng kabihasnang klasiko;
• naipahahayag ang kahalagahan ng kontribusyon sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan; at
• nakagagawa ng slogan at sanaysay sa pagpapahalaga ng kontribusyon ng mga kabihasnang
klasiko.

1 CO_Q2_AP-8_Module 4
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra ng tamang
sagot.
Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.

1. Sino ang binansagang dakilang historyador ng sinaunang Greece?


A. Aristotle C. Thucydides
B. Herodotus D. Xenophon

2. Alin sa sumusunod ang ambag ng Greece sa larangan ng arkitektura?


A. Appian Way C. Colosseum
B. Aqueduct D. Parthenon

3. Sinong mananalaysay ang may-akda ng tanyag na epikong “Iliad at Odyssey”?


A. Aristotle C. Plato
B. Homer D. Thales

4. Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng kahariang Mali at Songhai sa pag-unlad nito?
A. Ang anyong-tubig na nakapalibot ay nakatulong sa pagsasaka.
B. Ito ay tagapamagitan ng kalakalan ng ginto, asin, at iba pang produkto.
C. Naging proteksiyon ang malawak na disyerto ng Sahara sa imperyo.
D. Ang lokasyon ay nakatulong para labanan ang banta ng mananakop.

5. Bakit tinawag ng mga Kanluranin ang Africa na “dark continent”?


A. Hindi nasisikatan ng araw ang kabuuan ng Africa.
B. Itim ang kulay ng balat ng mga taong naninirahan dito.
C. Nababalutan ang buong kontinente ng misteryo at kababalaghan.
D. Matatagpuan dito ang malaking bahagi ng disyerto na may buhanging
kulay itim.

6. Alin sa sumusunod ang pangunahing kabuhayan ng mga sinaunang tao sa Pasipiko?


A. Pagmimina at pagtotroso
B. Pagsasaka at pangingisda
C. Pagtitinda at pangangalakal
D. Paghahabi at paggawa ng palamuti

7. Bakit hinahangaan ang sinaunang kabihasnang Greece sa larangan ng arketiktura?


A. Dahil mataas ang pamumuhay ng mga taga-Greece.
B. Dahil makikita hanggang sa kasalukuyan ang kanilang kabihasnan.
C. Dahil nakapagtatag ng pamayanan sa kabila ng mga hamon sa kapaligiran.
D. Dahil nakagawa ito ng kamangha-manghang istruktura tulad ng Parthenon.

2 CO_Q2_AP-8_Module 4
8. Anong kabihasnan ang naging makapangyarihan dahil sa kalakalan ng diyamante at
ginto?
A. Kabihasnang Africa
B. Kabihasnang Mesoamerica
C. Kabihasnang South America
D. Kabihasnan ng mga Pulo sa Pasipiko

9. Alin sa sumusunod ang may pinakamaraming pulo?


A. Austronesia C. Micronesia
B. Melanesia D. Polynesia

10. Aling pangkat ang nagtaguyod ng kabihasnan sa Mesoamerica ang nasakop ng Espanyol?
A. Aztec C. Maya
B. Inca D. Olmec

11. Sinong pilosopo ang may akda ng “The Republic” na nagsilbing batayan ng pamahalaang
Romano?
A. Aristotle C. Socrates
B. Plato D. Thucydides

12. Alin sa sumusunod ang tinaguriang isa sa mga tanyag na arkitektura ng bansang Roma?
A. Acropolis C. Erectheion
B. Colosseum D. Parthenon

13. Anong produkto sa Africa ang kasing halaga ng ginto na ginagamit sa pagpreserba ng
pagkain?
A. Asin C. Ivory
B. Asukal D. Suka

14. Ano ang tawag sa “Diyos ng Araw” ng mga Aztec?


A. Apollo C. Kulkulan
B. Huitzilopoc D. Tuwa-tuwa

15. Bakit mahalaga ang kabihasnan na umusbong sa Mesoamerica?


A. Naging sikat ang Mesoamerica sa iisang larangan.
B. Maraming tumatak na pamanang Maya, Inca at Aztec.
C. Hindi naging madali noon ang buhay ng sinaunang tao.
D. Bukod-tangi ang mga kontribusyon ng taga South America.

3
CO_Q2_AP-8_Module 4
Balikan

Gawain 1: Ang Aking Masasabi


Panuto: Batay sa nakaraang modyul, magbigay ng katangiang taglay ng mga klasikong
kabihasnan sa Africa, America, at mga Pulo sa Pacific.
Punan ang nakahandang kahon. Gawin ito sa sagutang papel.

Aspeto Africa America Mga Pulo sa


Pacific
Pamumuhay
Paniniwala
Heograpiya

Ano ang iyong mabubuong konklusiyon tungkol sa inyong mga sagot sa itaas?

Tuklasin

Gawain 2: Pasyal-Pasyal Muna


Panuto: Tukuyin kung saang kontinente kabilang ang sumusunod na bansa.
Ilagay ang iyong sagot sa nakalaang kahon at isulat ito
sa sagutang papel.

Fiji Guatemala Solomon Islands

Mexico Colombia Kenya

Ghana Kiribati Argentina

Morocco Chile Venezuela

Sudan Cook Islands Mali

Oceania Africa South America North America

4
CO_Q2_AP-8_Module 4
Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na makapaglakbay sa isa sa mga bansang nabanggit,
saang bansa mo nais magpunta at bakit? Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Gawain 3: Hula-Bira
Panuto: Kilalanin ang mga taong may mahalagang kontribusyon sa iba’t ibang larangan na
makikita sa kahon.
Gawin ito sa sagutang papel.

1. Sino ang kinikilala


bilang Ama ng
Kasaysayan?
6. Sino ang kinikilala
bilang Ama ng
2. Sino ang sumulat ng
Medisina?
aklat na Politics?

Hippocrates Herodotus
Cicero Aristotle
Plato Socrates
5. Sino ang bilang
3. Sino ang may-
magaling
akdang Know
na manunulat at
Thyself?
orador?
4. Sino ang sumulat ng
The Republic?

5
CO_Q2_AP-8_Module 4
Suriin

Halina’t ating suriin ang mga kontribusyon ng klasikal na kabihasnan sa Europa, America,
at mga Pulo sa Pacific.

Kontribusyon ng Greece
Larangan Ambag

Batas Sa panahon ni Pericles umiral ang demokrasya.


Panitikan Ang Iliad at Odyssey ay obra ni Homer.
• Tatlong Pilosopong Greek: Socrates, Plato at Aristotle ilan sa
obra-maestra ay ang “The Republic” ni Plato, “Politics” ni
Pilosopiya Aristotle, at “Know Thyself” ni Socrates
• Ang kauna-unahang pilosopiya ay ipinakilala ni Thales ng Miletus.
Ayon sa kaniya ang sandaigdigan ay nagmula sa tubig, ang
pangunahing elemento ng kalikasan.

Nakilala ang mga Greek sa kahanga-hangang mga templo na may tatlong


Arkitektura natatanging estilo na Ionian, Doric, at Corinthian.

Halimbawa: Parthenon, isang marmol na templo sa Acropolis


sa Athens.
• Pinakadakilang Greek na iskultor ay si Phidias ilan sa kanyang
mga obra ay ang estatwa ni Athena sa Parthenon at ni Zeus sa
Iskultura Olympia.

• Colossus of Rhodes na gawa ni Chares, at Scopas na gawa ni


Praxiteles ay parehong itinanghal na kabilang sa “Seven Wonders
of the Ancient World”.

• Si Herodotus ay “Ama ng Kasaysayan” na sumulat tungkol sa


Kasaysayan ng Digmaang Greco-Persian.

• Si Thucydides, ang itinuturing na pinakadakila sa lahat ng mga Greek


na historyador at siyang sumulat ng Kasaysayan ng Digmaang
Peloponnesian. Ito ay patungkol sa tunggalian sa pagitan ng Athens
Kasaysayan at Sparta noong ika- limang siglo BCE. Ang kanyang gawa ay
sinasabing kauna- unahang tala sa kasaysayan na mayroong
pagsusuring pulitikal at moral sa mga patakarang ipinatutupad ng
mga lungsod-estado.

6
CO_Q2_AP-8_Module 4
• Nariyan din ang gawa ni Xenophon na Anabasis o Anabasis Kyrou
Kasaysayan (Ang Paglalakbay ni Cyrus) na patungkol sa mga bayarang sundalong
Greek na nakipaglaban sa ngalan ng mga Persian na si Cyrus the
Younger nang tangkain niyang kuhanin ang trono sa kanyang kapatid
na si Artaxerxes II.

• Naglalaman ito ng mga kuwento tungkol sa pagmamartsa ng 10,000


sundalo mula Babylon patungong Euxine o Black Sea matapos magapi
si Cyrus sa Labanan sa Cunaxa noong 401 BC.

Medisina • Si Hippocrates ang “Ama ng Medisina” na kilala sa pagtataguyod ng


medisina bilang agham at hindi bunga ng mahika.

Matematika • Si Pythagoras ang nagpasikat ng doktrina ng mga numero. Kasama


ang kanyang mga mag-aaral, ipinakilala nila ang Pythagorean
Theorem na may malaking kontribusyon sa pag-aaral ng Geometry at
Matematika.

Kontribusyon ng Roma

Larangan Ambag

Ang Batas ng Twelve Tables o sa wikang Latin na Lex XII Tabularum,


Batas
ang kauna-unahang nasusulat na batas sa Roma noong 451-450 BC. Ito ang
nagbigay ng pantay na karapatan sa mga Plebeian (karaniwang tao) at
Patrician (mayayaman).
Lucius Livius Andronicus, ang nagtatag ng epikong patula at drama sa
Roma. Ang kanyang pangunahing gawa ay ang Odyssia, ito ang pagsasalin
ng gawa ni Homer sa wikang ng mga Romano at ginamit bilang isang aklat
sa paaralan.
Plautus, ang dakilang Romano pagdating sa pagsulat ng dula at
komedya. Ang kanyang mga gawa ay halaw mula sa mga dulang Greek.
Panitikan
Terence o si Publius Terentius Afer, ang sumunod sa yapak ni Plautus at
ang may akda ng anim na komedya at kinilala bilang modelo ng dulang
nasusulat sa wikang Latin.

Marcus Tullius Cicero, o kilala din sa pangalang Tully ay isang


Romanong estadista, abogado, iskolar, at manunulat na nagnanais
pagtibayin ang mga prinsipyong republikano sa panahong laganap ang
kaguluhan sa Roma.

7
CO_Q2_AP-8_Module 4
Ang mga Romano ay naging tanyag sa paggawa ng mga lansangan
tulad ng Appian Way na ipinagawa ni Appius Claudies Caecus noong 312
Inhenyeriya at
BCE. Mayroon itong kabuuang haba na 370 kilometro. Gayundin ang mga
aqueduct o daluyan ng tubig papunta sa mga pampublikong paliguan o
Arkitektura
baths at iba pang gusali.

Nakilala din sila sa mga natatanging disenyo ng mga gusali tulad ng


Pantheon na ginamitan ng mga bubong na pabilog o dome at Colisseum
kung saan idinaraos ang labanan ng mga gladiator.

Pananamit Ang mga Romano ay may mga kasuotang tinatawag na tunic, toga at stola.

Kontribusyon ng mga Kabihasnan sa Kontinente ng Africa

Sinaunang Ghana (400 CE – 1235)


• 1076 subalit hindi na nanumbalik ang sigla at kapangyarihan ng kaharian.

Mali (1235-1468)
• Ang Mali ay isang lalawigan ng sinaunang kaharian ng Ghana. Pinamunuan
ito ni Sundiata at nag-aklas sa hari noong 1235 matapos paslangin ang 11
niyang kapatid.
• Napasakamay niya ang mga minahan ng ginto at asin.
• Mansa ang tawag sa kanilang hari at ginamit ito ng kanyang pamangkin na si
Mansa Musa noong 1307. Islam ang pangunahing relihiyon ng imperyo.
• Ang gintong Guinea ay ginagamit bilang mga barya sa Italya. Ang ibig sabihin ng
Guinea ay “Kanlurang Africa”. Nangyari ito dahil ang Imperyo ng Mali ang
nagsusuplay ng ginto sa Europa.
• Ang lungsod ng Timbuktu ang sentrong kultural ng imperyo. Nagtutungo
dito ang mga iskolar na Muslim upang mag-aral sa nakapalaking silid-
aklatan.
• Arabic ang kanilang ginagamit sa pagsasalita at pagsulat.
• Ang tanyag na manlalakbay na si Ibn Batuta ay nagtungo dito noong 1352 at
napansin niya na ang kaayusan sa imperyo. Kahit mga Muslim, hindi itinatago ang
mga babae sa publiko at hindi kinakailangang sundin ang kanilang mga asawa.
Nakatagpo din siya ng mga babaeng nakapag-aral.

8
CO_Q2_AP-8_Module 4
Songhai (1468-1590)
• Ang Imperyo ng Songhai ang pumalit sa Mali nang mamatay si Mansa Musa. Noong 1468, si
Sonni Ali, ang hari ng Songhai sinalakay at sinakop ang Timbuktu.
• Ang mapaniil na pamumuno Sonni Ali ay pinalitan ni Askia Mohammad. Ipinatupad niya ang
maayos na sistema ng pagbubuwis at komunikasyon sa mga lalawigan.
• Maituturing na pinaka organisado at pinakamahusay ang Songhai sa mga kahariang
umusbong sa Kanlurang Africa.

May isang napaka makapangyarihang kaharian ang umusbong sa Ethiopia (Silangang Africa) mula
500 BCE hanggang 600 CE. Nakilala ito sa pangalang Axum. Marami itong nasakop na mga kaharian
kasama na ang Kush. Mayroon itong sariling gintong barya at nasusulat na wika. Pinaniniwalaan na
ang kahariang ito ang pinagmulan ng Reyna ng Sheba na bumisita kay Haring Solomon noong 900
BCE.

Kontribusyon ng Kabihasnang Mesoamerica at South America

Mga Kabihasnan sa America

Ang kabihasnang America ay nahahati sa dalawang bahagi: ang Mesoamerica at South


America. Tatlong kabihasnan ang umusbong dito ang Kabihasnang Maya, Inca, at Aztec. Alamin natin
ang mga pamana ng mga kabihasnang ito at kung bakit nakilala sila sa daigdig.

• Nagpatayo sila ng mga templo na kahugis ng mga pyramid sa Egypt. Subalit


ang kanilang disenyo ay kaiba sapagkat mayroon itong mahabang hagdan at
templong silid na hugis parisukat sa tuktok nito. Halimbawa nito ang Temple of
Inscriptions, Temple of the Warriors at Temple of Darkness.
Maya • Marami din silang kaalaman pagdating sa Astronomiya at Matematika. May
kaalaman na sila tungkol sa mga planeta, paggalaw ng buwan at kaya nilang
mahulaan ang lunar at solar eclipse. Mayroon silang kalendaryo na may 365 na
araw sa isang taon, nahahati sa 18 na yugto na may 20 araw bawat isa at may
pasobrang 5 araw sa huling bahagi ng taon. Ang Mayan Calendar (580 BCE) ang
isang patunay na mayroon silang kaalaman sa pagbilang ng araw sa loob ng
2,000 taon. Sinasabing naimbento rin nila ang simbolo ng zero “0” at ginamit
ang sistemang vigesimal o pagbilang ng tig-dalawampu.

9
CO_Q2_AP-8_Module 4
• Mayroon din silang sistema ng pagsulat sa pamamagitan ng larawan o pictograph.
Nagsusulat sila sa mga bato at papel mula sa halamang maguey. Nag-aaral ang
mga kabataan sa mga templo at ang mga pari ang nagsisilbing guro.
Maya
• Polytheistic o marami ang kanilang sinasambang diyos na tinatayang aabot sa
libo. Si Chac, ang diyos ng ulan ang kanilang paborito. Hindi katulad ng mga
Aztec, ang mga Maya ay hindi nag- aalay ng tao para sa kanilang mga diyos.
• Maize (mais) ang kanilang pangunahing pagkain at nagtatanim din sila ng sili,
beans, patatas, cacao, at kalabasa.

• Naglalaro sila ng pok-ta-pok o kahawig ng kasalukuyang basketball.

• Mayroon din silang mga templo na hugis pyramid. Halimbawa nito ang Pyramid
of the Sun na tinatayang ipinatayo noong 31 BCE.
• Nang itinatag nila ang Tenochtitlan sa Lawa ng Texcoco noong 1325, inalis nila ang
tubig mula sa ilang bahagi ng lawa at nagtayo sila ng tatlong daluyang bato o
nahahawig sa kanal upang mag- ugnay ito sa iba pang bahagi ng lungsod.
• Maituturing na mataas din ang kabihasnan ng mga Aztec dahil sa kanilang
Aztec
kagalingan sa arkitektura, pagmimina, paggawa ng mga bagay mula sa ginto at
pilak, paggawa ng palayok, at paghahabi.
• Kilala rin sila sa paggamit ng mga balahibo ng ibon.
• Mayroon silang mga palamuti sa katawan na yari sa ginto, pilak at
jade na itinuring nilang pinakamahalaga kaysa sa naunang dalawa.

• Mayroon silang organisadong pamhalaan at nagpapatupad ng mahigpit na


batas.
• Marunong din sila sa Astronomiya at Matematika. Patunay ditto ang Stone
Calendar na sinasabing ginagamit noong 1479 hanggang 1521.

• Si Huitzilopochtli ang kanilang pangunahing diyos na palaging humihingi ng


alay na tao. Ang iba pa nilang mga diyos ay sina Centeotl (diyosa ng
pagsasaka), Tlaloc (diyos ng ulan), at si Xochiquetzal (diyosa ng mga
bulaklak).

• Paborito nilang inumun ang pulgue, isang alak mula sa halamang maguey.
Nagtatanim din sila ng tabako at cacao na ginagawang chocolate o tsokolate.

10
CO_Q2_AP-8_Module 4
• May malawak din silang kaalaman pagdating sa paggawa ng mga templo, pyramid,
at moog. Isang halimbawa ng kanilang pamayanan at ang Machu Picchu na
matatagpuan sa mataas na bahagi ng bulubundukin ng Andes.
• Sinasamba nila ang araw kung kaya’t tinatawag nila ang kanilang mga sarili bilang
“Mga Anak ng Araw” at kinikilala nila ang kanilang emperador bilang pinuno at
diyos.
Inca
• Mayroon silang kaalaman sa paggamit ng sun dial o orasan na ginagamitan
ng sikat ng araw.
• Pagsasaka ang kanilang pangunahing kabuhayan. Marunong silang gumamit ng
mga pataba sa pananim, sistema ng irigasyon tulad ng dike at aqueduct, at
hagdan-handang taniman sa gilid ng bundok. Nag-aalaga din sila ng mga hayop
tulad ng alpaca at llama.
• Pinapairal nila ang sosyalismo sa buong kaharian. Pinapangasiwaan ng pamahalaan
ang buhay ng mga tao at lahat ng industriya. Namamahagi ng lupain ang
pamahalaan sa mga tao, nagbibigay ng mga binhi, pataba, at bulak sa manghahabi.
Ang lahat ng magagawang produkto ay hahatiin sa mga tao at pamahalaan.
• Mayroon silang sistema ng pagbilang na tinatawag na quipus o mga makukulay
na tali na ibinubuhol nila kada araw na lilipas.

Kontribusyon ng mga Pulo sa Pacific

Ang Polynesia na nangangahulugang “maraming mga pulo” ay


matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific Ocean. Ito ay higit na malaki
kaysa pinagsamang lupain ng Melanesia at Micronesia. Ang Polynesia ay binubuo
ng labim-pitong pulo gaya ng New Zealand, Easter Island, Hawaii, Tuvalu, Wallis at
Futuna, Tonga, Tokelau, Samoa, American Samoa, Niue, Cook Islands, French
Polynesia, Austral Islands, Society Islands, Tuamotu, Marquesas, at Pitcairn.

Ekonomiya:
Polynesia
Ang pangunahing kabuhayan ng mga Polynesian ay pagsasaka at pangingisda.
Nagtatanim sila ng taro o gabi, yam o ube, breadfruit, saging, tubo, at niyog.
Nakakahuli rin sila ng tuna, hipon, octopus, at pating.

Relihiyon:
Pinapaniwalaan ng mga Polynesian ang banal na kapangyarihan o “mana” na
nangangahulugang “bisa o lakas”. Ang “mana” ay itinuturing na sagrado at
maaaring matatagpuan sa gusali, bato, bangka at iba pang bagay.

11
CO_Q2_AP-8_Module 4
Pamamahala:
Upang di mawala o mabawasan ang mana, may mga batas na sinusunod na
tinatawag na tapu gaya ng sumusunod:
Polynesia
• bawal pumasok sa isang banal na lugar ang pangkaraniwang tao;
• hindi maaaring sumakay sa bangka ang kababaihan sapagkat
malalapastangan niya ang bangka na may angking mana;
• ang mga lalaking naghahanda sa pakikipaglaban o para sa isang
mapanganib na gawain ay dapat nakabukod; at
• bawal silang makihalubilo sa babae at pili lang ang dapat kainin.

Ang Micronesia na kilala sa tawag na “maliliit na pulo” ay matatagpuan


sa hilaga ng Melanesia at silangan ng Asya. Ito ay binubuo ng mga pulo ng
Caroline Islands, Marianas Islands, Marshall Islands, Gilbert Islands (ngayon ay
Kiribati), at Nauru.

Pamayanan:
Ang pamayanan ng mga Micronesian ay matatagpuan malapit sa mga lawa o
dagat-dagatan na hindi gaanong tinatamaan ng bagyo o malalakas na hangin
Micronesia
upang madali para sa mga tao ang lumabas at maglayag sa karagatan.

Ekonomiya:
Ang pangingisda at pagtatanim ng taro, breadfruit, niyog, at pandan ang
pangunahing kabuhayan ng mga Micronesian.

Gumagawa naman ng simpleng palayok ang pamayanan sa mga pulo ng


Marianas, Palau, at Yap.

Ang mga karatig-pulo ay nakikipagkalakalan sa isa’t isa. Karaniwang


gumagamit ang mga pulo ng Palau at Yap ng perang bato (stone money) at shell
sa pagpapalitan ng produkto. Ipinagpapalit ng mga matataas na pulo (high-lying
islands) ang turmeric o luyang-dilaw na ginagamit bilang gamot at pampaganda.
Ang mga low-lying islands naman ay nakikipagpalitan ng shell/bead, banig na
yari sa dahon ng pandan at magagaspang na tela na gawa sa saging, at
gumamela. Ang telang ito ay ginagawang palda ng mga kababaihan at bahag ng
mga kalalakihan.

Relihiyon:
Ang mga sinaunang Micronesian ay naniniwala sa animismo. Sumasamba
sila sa mga bagay sa kanilang kapaligiran at ang unang ani ay iniaalay sa diyos.

12
CO_Q2_AP-8_Module 4
Ang Melanesia ay tinaguriang “Lupain ng mga Maiitim” dahil ang mga
mamamayan dito ay pawang maiitim. Ito ay matatagpuan sa hilaga at silangang
baybaying-dagat ng Australia. Sa kasalukuyan, ang Melanesia ay binubuo ng New
Guinea, Bismarck Archipelago, Papua New Guinea, Solomon Islands, Vanuatu
(dating New Hebrides), New Caledonia, at Fiji Islands.

Pamayanan:
Ang pamayanang Melanesian ay matatagpuan sa mga baybaying- dagat.
Melanesia
Pinamumunuan ito ng mga mandirigma na pinili batay sa katapangan, karahasan,
paghihiganti, at karangalan.

Ekonomiya:
Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Melanesian.
Nagtatanim sila ng taro at yam, pandan, at sago. Nag- aalaga rin sila ng baboy at
nangangaso ng mga marsupial at ibon. Nakikipagkalakalan sila sa mga karatig-pulo
ng mga produktong palayok, kahoy, yam, asin, apog, at bangka.

Relihiyon:
Ang sinaunang Melanesian ay mga animismo. Naniniwala sila sa “mana” na
laganap sa Solomon Islands at Vanuatu. Ang tagumpay sa labanan, sakuna,
kamatayan o pag-unlad ng kabuhayan ay ipinababatid ng diyos ng kalikasan.

Pagyamanin

Gawain 4: Kaban-Yaman
Panuto: Bawat kabihasnan ay may naitagong kaban ng yaman na naging
pamana sa kasalukuyan.
Ibigay ang mga naiambag ng sumusunod na kabihasnan. Isulat ito sa
sagutang papel.

Kabihasnang Klasiko Larangan


Agrikultura Pulitika
Greece

Rome

Africa

America

Mga Pulo sa Pasipiko

13
CO_Q2_AP-8_Module 4
Gawain 5: Isip-Sulat
Panuto: Isipin at isulat ang mga pangunahing ambag ng mga kabihasnan sa Mesoamerica
at South America.
Isulat ito sa sagutang papel.

Maya
Inca
Aztec

Gawain 6: Pulo-Pulutung
Panuto: Bawat pulo sa Pacific ay may natatanging yaman. Magbigay ng mga kontribusyon
mula sa Polynesia, Micronesia, at Melanesia batay sa inyong gustong larangan.
Gawin ito sa sagutang papel.

Melanesia
1.
2.
3.

Larangan ng Micronesia
1.
2.
3.

Polynesia
1.
2.
3.

Isaisip

Gawain 7: Dugtungan Ito!


Panuto: Dugtungan ang mga parirala upang makabuo ng isang pangungusap.
Isulat ito sa sagutang papel.

1. Natutunan ko sa araling ito na mahalaga ang mga kontribusyon ng


kabihasnang klasiko dahil

14
CO_Q2_AP-8_Module 4
2. Mailalarawan ko ang kabihasnang klasiko bilang

3. Ang mga pamana at kontribusyon ng bawat klasikong kabihasnan aypatunay na

Isagawa

Gawain 8: Pamana-Pahalagahan
Panuto: Gumawa ng isang Slogan tungkol sa pamana at kontribusyon ng kabihasnang klasiko sa
pandaigdigang kamalayan.
Gawing malikhain ang pagkagawa ng inyong slogan. Isulat sa 1/4
illustration board.

Rubrik sa Pagmamarka ng Slogan


Mahusay Katamtaman Nangangailangan ng Nakuhang
Pamantayan Pagsasanay Puntos
5 4 3
Ang mensahe ay Hindi gaanong Walang koneksiyon sa
Nilalaman mabisang naipakita ang paksa ang mesaheng
naipakita. mensahe. naipakita.

Napakaganda at Maganda at Di maganda at


napakalinaw ang malinaw ang malabo ang
Pagkamalikhain pagkakasulat pagkakasulat pagkakasulat

May malaking Hindi gaanong Walang kaugnayan sa


Kaugnayan kaugnayan sa naiugnay sa paksa. paksa.
paksa.

Malinis na malinis Malinis ang Hindi malinis ang


Kalinisan ang pagkabuo. pagkabuo. pagkabuo.

Kabuuang Puntos

15
CO_Q2_AP-8_Module 4
Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang atpiliin ang letra ng
tamang sagot.
Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.

1. Sinong pilosopo ang may akda ng “The Republic” na nagsilbing batayan ng pamahalaang
Romano?
A. Aristotle C. Socrates
B. Plato D. Thucydides

2. Alin sa sumusunod ang tinaguriang isa sa mga tanyag na arkitektura ng bansang Roma?
A. Colosseum C. Doric
B. Corinthian D. Parthenon

3. Anong produkto sa Africa ang kasing halaga ng ginto na ginagamit sa pagpreserba


ng pagkain?
A. Asin C. Ivory
B. Asukal D. Suka

4. Ano ang tawag sa “Diyos ng Araw” ng mga Aztec?


A. Apollo C. Kulkulan
B. Huitzilopoc D. Tuwa-tuwa

5. Bakit mahalaga ang kabihasnan na umusbong sa Mesoamerica?


A. Naging sikat ang Mesoamerica sa iisang larangan
B. Maraming tumatak na pamanang Maya, Inca at Aztec
C. Hindi naging madali noon ang buhay ng sinaunang tao
D. Bukod tangi ang mga kontribusyon ng taga South America.

6. Sino sa sumusunod ang binansagang dakilang historyador ng sinaunang Greece?


A. Aristotle C. Thucydides
B. Herodotus D. Xenophon

7. Alin sa sumusunod ang ambag ng Greece sa larangan ng arkitektura?


A. Appian Way C. Colosseum
B. Aqueduct D. Parthenon

8. Sinong mananalaysay ang may-akda ng tanyag na epikong “Iliad at Odyssey”?


A. Aristotle C. Plato
B. Homer D. Thales

16
CO_Q2_AP-8_Module 4
9. Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng kahariang Mali at Songhai sa
pag-unlad nito?
A. Anyong-tubig na nakapalibot ay nakatulong sa pagsasaka.
B. Tagapamagitan ng kalakalan ng ginto, asin, at iba pang produkto.
C. Naging proteksiyon ang malawak na disyerto ng Sahara sa imperyo.
D. Ang lokasyon ay nakatulong para labanan ang banta ng mananakop.

10. Bakit tinawag ng mga Kanluranin ang Africa na “dark continent”?


A. Hindi nasisikatan ng araw ang kabuuan ng Africa.
B. Itim ang kulay ng balat ng mga taong naninirahan dito.
C. Nababalutan ang buong kontinente ng misteryo at kababalaghan.
D. Matatagpuan dito ang malaking bahagi ng disyerto na may buhanging kulay itim.

11. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing kabuhayan ng mga sinaunang tao sa Pasipiko?
A. Pagmimina at pagtotroso
B. Pagsasaka at pangingisda
C. Pagtitinda at pangangalakal
D. Paghahabi at paggawa ng palamuti

12. Bakit hinahangaan ang sinaunang kabihasnang Greece sa larangan ng arketiktura?


A. Dahil mataas ang pamumuhay ng mga taga-Greece.
B. Dahil makikita hanggang sa kasalukuyan ang kanilang kabihasnan
C. Dahil nakapagtatag ng pamayanan sa kabila ng mga hamon sa kapaligiran.
D. Dahil nakagawa ito ng kamangha-manghang estraktura tuladng Parthenon.

13. Anong kabihasnan ang naging makapangyarihan dahil sa kalakalan ng diyamante at


ginto?
A. Kabihasnang Africa
B. Kabihasnang Mesoamerica
C. Kabihasnang South America
D. Kabihasnan ng mga Pulo sa Pasipiko

14. Alin sa sumusunod ang may pinakamaraming pulo?


A. Austronesia C. Micronesia
B. Melanesia D. Polynesia

15. Aling pangkat ang nagtaguyod ng kabihasnan sa Mesoamerica ang nasakop ng mga
Espanyol?
A. Aztec C. Maya
B. Inca D. Olmec

17
CO_Q2_AP-8_Module 4
Karagdagang Gawain

Gawain 9: Makabuluhang Sanaysay


Panuto: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa sitwasyon ng agrikultura at ihalintudad
ito sa kalagayan ng mga magsasaka sa ating bansa. Isulat sa sagutang
papel.

Rubrik sa Pagmamarka ng Sanaysay


Kategorya Kahanga- Mahusay (4) Katamtaman (3) Pagsasanay ay Walang Isko r
hanga kailangan Napatunaya n
(5) (2) (1)

Introduksyo Ang Nakalahad sa Hindi sapat Hindi Walang


n introduksiyon introduksyon ang nailahad sa naisulat na
ay ang pagpapaliwana introduksiyon sanaysay
mapanghikayat pangunahing g ng at ang
at malinaw ang paksa pangunahing pangunahing
pagkalahad ng paksa sa paksa
pagnunahing introduksiyon.
paksa.

Organisasyo Mahusay, Makikita ang May mga ideya Malayo sa Walang


n ng mga maayos, at mahusay na na hindi ganap paksa ang naisulat na
Ideya lohikal ang pagkasunod- ang ideyang sanaysay
pagkasunod- sunod ng ideya pagkasunod- ipinahayag.
sunod ng mga ngunit hindi sunod.
ideya. maayos ang
pagkalahad
nito.

Konklusiyon Nagsasaad ng Naipakikita Hindi ganap na May Walang


mapanghamon ang naipakita ang kakulangan naisulat na
g konklusiyon pangkalahatan pangkalahatan at walang sanaysay
at nagpapakita g palagay o g palagay o pokus ang
ng pasya tungkol pasya tungkol konklusyon
pangkalahatan sa paksa batay sa paksa batay
g paksa batay sa mga sa mga
sa katwiran katibayan at katibayan at
katibayang mga katwirang mga katwirang
inilahad sa inisa-isa sa inisa-isa sa
gitna ng bahaging gitna. bahaging gitna
diskusiyon.
Mekaniks Malinis at Walang Maraming Magulo at Walang
walang pagkakamali sa pagkakamali sa maraming naisulat na
pagkakamali sa mga bantas, mga bantas, pagkakamali sanaysay
mga bantas, kapitalisasyon kapitalisasyon sa mga
kapitalisasyon at at bantas,
at pagbabaybay. pagbabaybay. kapitalisasyo
pagbabaybay. n at
pagbabaybay.

Kabuuang Puntos

18
CO_Q2_AP-8_Module 4
19
CO_Q2_AP-8_Module 4
Sanggunian
Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus,
Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, Kalenna Lorene S. Asis. 2014.
Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8
– Modyul ng mag-aaral. Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc. and Department of
Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd- IMCS).

DepEd. Modyul ng Mag-aaral – Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig Grade 8.


Pahina 130-223.

20
CO_Q2_AP-8_Module 4
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like