Talumpati Sa Pagtatapos

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pamintuan, Angelica D.

2-3 MWF
TALUMPATI NG PAGTATAPOS
Sa bawat pighati may kaakibat na ngiti.
Sa ating punongguro, sir, sa ating mga ulong guro sa ibat ibang departamento, ma’am,
sir, mga guro, mga magulang, mga bisita at kapwa ko mag-aaral, maligayang hapon sa ating
lahat.
Isang karangalan ang tumayo sa inyong harapan at magbigay ng talumpati para sa ating
pagtatapos. Mahirap ang maging isang magaaral makakaramdam ka ng puyat, pagod, pawis,
pagkabigo, pagluha, at sa wakas pagtatagumpay. Puyat ay hindi maiiwasan ng isang mag-aaral,
kulang sa tulog subalit patuloy na bumabangon. Bawat pagpatak ng pawis ramdam mo ang
pagod ng katawan at buong bahagi ng iyong pagkatao. Hindi rin natin maiiwasan ang mabigo na
sanhi ng ating pagluha ngunit sa kabila ng lahat makakamit din natin ang tagumpay. Sa bawat
tagumpay may mga taong nakaagapay sa ating likuran sila ang mga taong nagmamahal sa atin.
Unahin na natin ang ating mga guro na siyang tumayong pangalawang magulang natin. Naging
sandigan at kaagapay sa bawat pagkadapa. Maraming salamat sa inyo aming mga guro pagkat
hindi ninyo lamang ibinahagi sa amin ang inyong kaalaman kundi trinato ninyo kaming
kapamilya. Salamat, maraming maraming salamat po sa inyo.
Naniniwala ako sa kasabihan na ang hayskul ang pinakamasayang yugto sa buhay ng
isang mag-aaral. Sa anim na taong pananatili ko rito sa paaralan maraming alaala ang ating
nabuo. Hindi maiiwasan ang magkaroon ng alitan gayunpaman itoy ating napag-uusapan at
nabibigyan ng solusyon. Isa sa pinakahindi ko makakalimutang alaala ay noong hinabol kami ng
aming guro sapagkat ayaw naming magkaroon ng pagsusulit. Naghabulan kami sa aming
paaralan paikut-ikot sa aming kingdom hall hanggang sa pumasok na kami sa aming silid.
Walang katapusang sermon ang inabot namin ngunit ito ang pinakanakakahiya ngunit
pinakanakakatawang alaala namin. Sa ngayon tuwing binabalikan namin ito natatawa na lamang
kami. Ang mga alaalang ito ang humubog sa aming mga pagkatao kaya naman nais kong
magpasalamat sa aking mga kamag-aral sa mga alaalang aming pinagsaluhan.
Nais kong pasalamatan ang lalaking tumanggap at nagmahal sa akin ng buung-buo.
Mahal, salamat at sinamahan mo ako sa aking paglalakbay. Salamat mahal at dumating ka sa
buhay ko. Salamat sa pagmamahal mo at ng pamilya mong tinanggap at minahal din ako. Parte
kayo ng aking pagtatagumpay.
Sa aking ina na labis na nagsakripisyo matustusan lang ang pag-aaral naming magkakapatid. Ma,
salamat sa lahat, salamat sa pagtataguyod mo sa aming magkakapatid kahit mag-isa ka lamang.
Labis akong humahanga at nagpapasalamat sa Diyos na kahit mag-isa ka lang ay nagagawa mo
kaming pag-aralin nang sabay-sabay. Ma huwag mo sanang isipin na nagkukulang ka dahil wala
siya sa pagkat kahit ikaw lang ay nagagawa mong tugunan ang mga pangangailangan namin at
naibibigay mo rin ang mga gusto kahit hindi namin hilingin. Ma saksi ako sa bawat pagsubok na
dumating sa buhay natin. Saksi ako sa bawat pagpatak ng luha mo, sa mga panahong sobrang
nanghihina ka at nawawalan ng pag-asa. Nasaksihan ko ang bawat pagpatak ng dugo sa iyong
kamay noong mga panahong sinubukan mong tapusin ang iyong buhay sapagkat hindi mo na
kaya ang bigat ng problemang pasan-pasan mo. Ngunit ma, saksi rin ako kung paano ka
bumangon at pilit na lumaban para sa amin. Ikaw ang inspirasyon ko sa bawat pagkamit ko ng
aking mga pangarap. Handog ko sa iyo at sa inyo na sumusuporta sa akin ang bawat parangal na
matatanggap ko. Hindi ko man madalas masabi ngunit Ma mahal kita at salamat, salamat sa lahat
lahat. Sa aking ama na sumakabilang bahay na, nawa’y masaksihan mo kung paano kami
bumangon at nagtagumpay nang wala ka. Kinaya namin, kaya namin at kakayanin namin.
Sa bawat magulang na narito nais naming magpasalamat sa inyong walang sawang
pagsuporta at pagkalinga sa aming mga anak ninyo. Handog namin ang aming mga diploma at
pagsaludo sa inyong wagas na pagmamahal. Balang araw hindi na magiging Ma ang baon ko,
kung hindi, Ma ito na po yung sweldo ko. Sa patnubay ng Ama magagawa namin ito.
Sa bawat tagumpay ng isang tao ang Diyos ang siyang dahilan nito. Salamat Ama sa
walang hanggang patnubay mo. Salamat Ama pagkat dahil sa iyo nakamit ko at namin ang mga
parangal na ito. Salamat aming Ama.
Sa mga kapwa ko mag-aaral binabati ko kayong lahat sa ating pagtatapos. Nawa’y baunin
natin ang mga kaalaman at karunungang ating natutunan sa anim na taon na pinagsamahan natin.
Manatali tayong mangarap at maging matatag pagkat magbubukas na naman ang panibagong
pinto para sa panibagong yugto ng ating buhay. Mabuhay tayong lahat maligayang pagtatapos.

You might also like