ESP7Q3WEEK1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Sangay ng mga Paaralang Panlungsod ng Parañaque

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
Ikatlong Markahan
Modyul 1
Unang Linggo

Aralin 1: Kaugnayan ng Pagpapahalaga at Birtud

Panuto: Basahin at unawain ang bawat gawain. Sagutan ito sa iyong sariling sagutang papel.

Simulan Natin
Panimula

Mayroon ka bang kinagigiliwang gawain? Ano-ano ang mga ito? Gaano mo


kadalas gawin ang mga ito? Ang ating kinagigiliwang gawain o kilos ay tinatawag na gawi. Ang
gawi ay hindi lamang kinagawiang kilos kundi kilos na pinagpasyahang gawin ayon sa tamang
katwiran. Ito ay kailangang malinang dahil ang mga ito ay nagsisilbing gabay mo upang mahubog
ang mabubuting pagpapahalaga.

Alalahanin Natin

Sa nakaraang mga gawain, natutunan natin na ang tao ay may dignidad. Kung
kaya’t ang ating paggalang at pagmamalasakit lalo na sa mga taong kapus-palad o higit na
nangangailangan ay isang tugon upang maibahagi ang ating sarili at maimulat sila para maiahon
ang sarili at maiangat gaya ng inaasahan sa bawat isa sa atin.

Panuto: Bilang pagbabalik-tanaw, ating basahin ang awiting “Panalangin sa Pagiging Bukas
Palad” ni Manoling Francisco, SJ at pagkatapos suriin ang awit ay gawin ang mga nakatala sa
ibaba at sagutan ang mga tanong.

Panginoon, turuan mo akong maging bukas-palad


Turuan mo akong maglingkod sa Iyo
At magbigay nang ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa Iyo
Na makibakang di inaalintana, mga hirap na dinaranas
Sa tuwina'y magsumikap na hindi humahanap ng kapalit na kaginhawaan
At di naghihintay kundi ang aking mabatid na ang loob Mo'y siyang sinusundan
Panginoon, turuan mo akong maging bukas palad
Turuan mo akong maglingkod sa Iyo

1
At magbigay nang ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa Iyo

Mga Tanong:
1.Pumili ng tatlong salita o pahayag mula sa awit na tumimo sa iyong damdamin at
ipaliwanag ang bawat isa.
2.Bakit kailangan nating maging bukas-palad sa kapwa? Ano ang ibig sabihin nito?
3.Paano ka magsisikap sa araw-araw upang patunayan ang iyong dignidad bilang kabataan?

Unawain Natin

Ang birtud ay laging may kaugnayan sa pag-iisip at kilos ng tao. Samantalang ang
pagpapahalaga ay may kalakip na ibayong pagsisikap o sakripisyo upang maabot ang rurok ng
pagiging isang matagumpay na indibidwal.

Panuto: Halina’t basahin natin ang kwento at tuklasin ang mga taglay na pagpapahalaga at birtud
ng mga pangunahing tauhan dito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa ibaba.

ANG HUWARANG PAMILYA

Sina Mang Eduardo at Aling Martina ay mag-asawang kabilang sa mahirap na angkan.


Sila rin ay mga magulang na ang tanging hangarin sa buhay ay ang mapalaki ang mga anak nang
matiwasay. Sinikap ng mag-asawang ito na gampanan ang kanilang tungkulin bilang haligi at ilaw
ng tahanan. Dahil dito, mahal na mahal sila ng kanilang mga anak.
Ang mag-asawa ay mapagmahal sa kanilang mga anak at palaging pinangangaralan ang
mga ito sa mahinahong paraan. Kapag may nagagawang mali ang kanilang mga anak ay
pinangangaralan nila sa pamamagitan ng pagkukuwento. Hindi sila mariringgan ng pagmumura at
pagsigaw.
Bago matulog sa gabi ay kinukuwentuhan ng mag-asawa ang kanilang mga anak ng mga
kuwentong nagbibigay ng inspirasyon at may mga ginintuang aral. Dahil dito, lumaki ang kanilang
mga anak na may takot sa Diyos at may pagpapahalaga sa sarili at kapwa.
Nagtapos ang kanilang mga anak sa pag-aaral, at lahat ay nagkaroon ng magandang
trabaho. Sa pamamagitan ng mabubuting pagpapahalaga sa buhay na kanilang natutuhan mula sa
kanilang mga magulang ay naiangat nila ang kanilang pamumuhay. Marami ang natuwa sa kanila
sa kanilang lugar kaya sila ay nagsilbing huwaran sa lahat.

Gabay na mga Tanong:


1.Anong uri ng mga magulang sina Mang Eduardo at Aling Martina?
2.Magbigay ng limang magagandang gawi ng mga anak na ipinakita sa kwento.
3.Paano nakatulong ang gawi at ang birtud ng mga magulang sa tunay na paghubog ng
kanilang mga anak sa kwento?
4.Kung ikaw ay isa sa mga anak nina Mang Eduardo at Aling Martina, alin ang pipiliin
mong senaryo? At bakit? Ipaliwanag ang iyong sagot pagkatapos i-tsek ang angkop na
kahon sa ibaba.
2
⬜ Mayaman na angkan subalit salat sa pagmamahal, pangaral, at kapayapaan
⬜ Mahirap na angkan pero sagana sa pagmamahal, inspirasyon, at mabuting pagpapahalaga

Gawin Natin

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at lagyan ng tsek (/) ang kolum na may
bilang 5, 3, at 2 na naglalarawan kung gaano kahalaga sa iyo ang bawat gawi na humuhubog sa
iyong taglay na birtud at pagpapahalaga.

Pagkatapos lagyan ng tsek ang bawat kolum na naglalarawan sa iyo, sumahin ang iyong
iskor at itala ang mga kategorya kung saan nakakuha ka ng mataas, katamtaman at mababang
marka.

Paminsan- Hinding-
Gawi Palagi (5) minsan (3) hindi
(1)

1.Bukas - palad akong tumutulong sa tao.

2. Madali akong magpatawad.

3. Madali akong magmahal sa taong mabait.

4.Sinusunod ko ang utos ng Diyos.

5.Pinapasa ko ang gawain sa takdang oras.

6. Tumutulong ako ng bukas-loob sa mga


gawaing bahay.

7. Kasama ko ang aking mga magulang sa


lakaran.

8.Ginagawa ko ang pagdarasal.

9.Ibinibigay ko ang aking buong pagtitiwala sa


Diyos.

10. Sinusunod ko ang utos ng aking mga


magulang.

________ _________ ________


Iskor Iskor Iskor

3
Interpretasyon sa Nakuhang Iskor:
45-50 - Nagtataglay ng matibay na birtud at pagpapahalaga
40-45 - Mayroong kanais-nais na birtud at pagpapahalaga
30-35 - Nagpapakita ng birtud at pagpapahalaga
20-25- Nagsusumikap na isabuhay ang birtud at pagpapahalaga

Gabay na mga Tanong:


1. Ano ang natuklasan mo sa iyong birtud at pagpapahalaga sa natapos na gawain?
2. Paano mo lalong pag-iigihan ang paghuhubog sa iyong personal na birtud at
pagpapahalaga?

Suriin Natin

Panuto: Nais mo bang maging tugma ang pagpapahalaga sa iyong ginagawa at


malinang ang iyong birtud? Tukuyin ang bawat pahayag kung ito ay birtud o pagpapahalaga.

________ 1. Iniipon ni Alyanna ang kalahati ng kanyang baon upang may pambili siya ng mga
paborito niyang school supplies.
________ 2. Dahil panahon ng pandemya, sama-samang nakikiisa sa live streaming ng misa ang
mag-anak ni Bea.
________ 3. Masipag at matiyaga si Cardo sa kanyang pag-aaral kahit na nasa bahay.
________ 4. Sa kabuuan, relihiyoso ang mga Pilipino.
________ 5. Ginagamit ni Shiela ang kanyang cellphone at computer para mas mapabuti at
mapaunlad pa ang kanyang mga kaalaman.
________ 6. Nakita ni Jason na itinapon ng kapatid niya ang basura sa hindi tamang lugar, kaya
pinagsabihan niya ito ng mahinahon at itinuro ang tamang basurahan.
________ 7. Tinitimbang muna ni Ely ang mga usapin na napapakinggan niya sa kanyang
paligid bago siya magbitiw ng kanyang saloobin.
________ 8. Ang pagmamahal sa katotohanan ang siyang nagpapalaya sa isang katauhan.
________ 9. Si Jef ay gustong mapaglingkuran ang Diyos kaya nagpasiya siyang pumasok sa
seminaryo upang magpari.
________ 10. “Igalang mo ang iyong ama at ina” ay nakasaad sa ikalimang utos ng Diyos na
kailangang isaisip at isagawa.

Tayahin Natin

Ang pagpapahalaga ay tumatayong batayan, layunin at dahilan ng


pangangailangang kumilos sa gitna ng mga pagpipilian. Ang birtud ay mabuting kilos na ginagawa
ng tao upang maisakatuparan ang pinahahalagahan.

A. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang akmang salita na tinutukoy sa bawat pahayag na nasa
ibaba.

4
Agham Birtud Habit
Karunugan Moral na Batas Pagpapahalaga
Sining Gawi Relihiyoso
Pagtitimpi Moral na Birtud Maingat na Paghuhusga
Katarungan Habere
Katatagan Pagmamahal

__________1. Ito ay may kinalaman sa isip ng tao. Ito ay tinatawag na gawi ng kaalaman (habit
of knowledge).
__________2. Ito ay may kinalaman sa pag-uugali ng tao. Ito rin ay ang mga gawi na nagtuturo
sa atin na iayon ang ating ugali sa tamang katuwiran.
__________3. Nangangahulugang to have o magkaroon o magtaglay.
__________4. Gustong-gusto mong gawin nang nasa tamang katwiran.
__________5. Ito ay ang pinagbabatayan ng mga tao kung ano ba ang mga mabuting gawain at
masamang gawain.
__________6. Ito ay mga nakagawiang mabuting kilos
__________7. Ito ay tumutukoy sa pagbibigay importansya, kwenta o kapakinabangan sa tao
bagay, paniniwala at iba pa.
__________8. Ito ay nagbibigay lakas upang maisagawa ang mga bagay na karapat-dapat.
__________9. May pagpapahalaga sa lahat ng aspeto ng kapwa.
_________10. May malalim na paniniwala sa Diyos.
_________11. Ito ang sistematikong kalipunan ng mga tiyak at tunay na kaalaman bunga ng pag-
sasaliksik at pagpapatunay.
_________12. Ito ang pinakawagas na uri ng kaalaman.
_________13. Anuman ang nabuo sa isip ay inilalapat sa paglikha ng bagay.
_________14. Ang pangunahing kailangan ay moderasyon.
_________15. Ito ay mga pagpapahalaga na maaring ang kahihinatnan ay makikita
lamang sa paglipas ng ilang panahon o matapos makita ang resulta bunga.

B. Panuto: Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan sa araling ito, ipakita sa isang
ilustrasyon ang kaugnayan ng pagpapahalaga at birtud.

Kaugnayan ng Pagpapahalaga at birtud:

5
Ang iyong ilustrasyon ay bibigyan ng puntos sa pamamagitan ng Rubrics na ito:

Rubrics:

Pamantayan Puntos

Pagkamalikhain 10

Nilalaman 20

Paggamit ng mga angkop na Bantas at Pananda 10

Kabuuan 40

You might also like