EPP 5 Agri Q2 Week 8
EPP 5 Agri Q2 Week 8
EPP 5 Agri Q2 Week 8
AGRICULTURAL ARTS
JULIET C. DANGANAN
Bagong Barrio ES
Writer
Paano mo ba gamitin ang modyul na ito? Ito ang mga hakbang upang
lubos mo na maunawaan ang nilalaman nito.
2
EPP 5 – Agricultural Arts
Quarter 2-Week 8
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat sa patlang ang titik ng tamang
sagot.
_____ 1. Ito ang inaalam na umiiral sa pamilihan ng alagang iyong ibebenta.
A. Badyet B. Kilo C. Presyo D. Talaan
_____ 2. Mahalagang alamin kung magkano ang ___________ sa pag-aalaga, sa ginawang
kulungan at halaga ng panimulan alaga o seed stock.
A. Pinamigay B. Ginastos C. Pinakyaw D. Ibinenta
_____ 3. Ito ay ang paraan upang malaman mo kung tumubo o nalugi ka sa ginawang
paghahanapbuhay.
A. Pagtutuos B. Pamimili C. Pangangalaga D. Pagtatala
_____ 4. Isa sa mga gawain na kailangan sa pagtutuos.
A. Pagtatala B. Pagkwekwento C. Pagbebenta D. Pagsusuri
_____ 5. Mahalagang malaman ang bawat ___________ ng nagamit mong puhunan upang
makita mo kung may tinubo o kinita.
A. Gastos B. Kita C. Tubo D. Halaga
Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang pagsasapamilihan ng mga alagang hayop/isda
at Mali naman kung hindi naaayon ang pagsasapamilihan sa mga ito.
______________1. Mahalagang alamin ang uri ng hayop na may mataas na
pangangailangan sa tao at madaling alagaan upang madali rin ito
maipagbili.
_______________2. Ang kilo, basket, tray, bilang, banyera at iba pang uri ng panukat ay
ginagamit sa pamamaraang tingian.
_______________3. Ang pamamaraang pakyawan ay katulad din ng tingian na bumibili
lang ng kung anong kailangan.
_______________4. Ang online selling ay paraan ng pagsasapamilihan ng mga produkto
sa pamamagitan ng teknolohiya at internet.
_______________5. Ang paraan ng pagbibili ng tingian ay sa kakaunting bilang batay sa
pangangailangan ng mamimili tulad ng pakyawan.
3
EPP 5 – Agricultural Arts
Quarter 2-Week 8
Kahalagahan ng Pagtutuos at Pagkukwenta ng Pinagbilhan
Ang pagtutuos ay isang paraan upang malaman mo kung ikaw ba ay kumita,
tumubo o nalugi sa ginawang paghahanapbuhay tulad ng aralin natin sa
pagsasapamilihan ng mga inalagaang hayop o isda. Ang pagtutuos sa mga nagugol at
napagbilhan ng mga produkto o alaga ay kailangang gawin upang malaman kung ito
nga ba ay nakatulong sa pamumuhay ng mag-anak bilang dagdag kita para sa kanila.
Upang malaman kung ikaw ba ay tumubo o nalugi, may mga gawain na kailangan
mong malaman. Ito ay paggawa ng talaan ng mga sumusunod:
a. Talaan ng mga Gastos/Puhunan
b. Talaan ng mga Gugulin
c. Talaan ng Pinagbilhan
Sa pagtutuos din mapag-aaralan at masusuri ang mga gastusin sa pag-aalaga ng
mga hayop o isda. Ito ang magiging basehan mo sa susunod mong gagawin upang lalo
mong mapabuti pa ang pag-aalaga sa mga napiling hayop o isda. Alamin ang presyo na
umiiral sa mga pamilihan ng alagang inyong ipagbibili. Siguraduhing alamin kung
magkano ang mga ginastos sap ag-aalaga, ginawang kulungan at halaga ng panimulang
alaga o seed stock.
Napakahalagang ito ay malaman upang alam mo kung paano makagawa ng
halimbawa ng pagtutuos ng pinagbilhan ng mga inalagaang hayop o isda. Mahalagang
malaman ito upang alam mo kung ikaw ba ay kumita o nalugi ka na pala.
Kung 15 kilo ang ipinagbiling tilapia, kwentahin natin ang kabuuang ginastos at
pinagbilhan sa dami ng naipagbili.
Halimbawa:
4
EPP 5 – Agricultural Arts
Quarter 2-Week 8
P 117.30 Halaga ng pagbebenta
x 15 Dami ng kilong ibebentang tilapia
P 1,759.50 Kabuuang pinagbentahan
P 102.00 Puhunan
x 15 Bilang ng ibinentang tilapia
P 1,530.00 Kapital ( Puhunan )
P 1,759.30 Kabuuang pinagbentahan
P 1,530.00 Kapital ( Puhunan )
P 229.30 Tinubo ( Kinita )
Gawain 1: Panuto: Suriin ang mga sumusunod. Isulat ang tamang sagot.
1. Anong P ang ay isang paraan upang malaman mo kung ikaw ba ay kumita,
tumubo o nalugi sa ginawang paghahanapbuhay? ____________________________
2. Anong K ang sinasabing tubo kung saan ikaw ay hindi nalugi? ________________
3. Anong G ang itinatala natin na bahagi na magsisilbing puhunan? _______________
4. Anong T ang isinasagawa upang makita ang mga ginastos at kinita sa
pagsasapamilihan ng mga produkto. _____________________
5. Anong M ang kaugaliang dapat taglayin ng isang tao sa kanyang pagtutuos?
__________________
Gawain 2: Panuto: Basahin ang sitwasyon na nasa ibaba. Punan ang Talaan ng
Ginastos at Kinita. Sagutin ang tanong pagkatapos punan ang tsart ng talaan.
5
EPP 5 – Agricultural Arts
Quarter 2-Week 8
Si Mang Goryong ay nagtayo ng piggery para sa alaga niyang baboy.
Gumastos siya ng P 4,000 sa pagsasaayos ng piggery, P15,000 sa pag bili ng 5 biik at
6,000 para sa kanilang pagkain. Kung si Mang Digong ay naipagbili ang lahat ng
alagang baboy sa halagang 50,000, si Mang Digong ba ay nalugi o tumubo sa kanyang
kita?
Talaan ng Gastos at Kinita sa Pagsasapamilihan ng Produkto
Uri ng Bilang Naipagbili Halaga ng Puhunan
Produkto Naipagbili
Bilang Halaga
ng
Kita
Kabuuan:
Kita:
Gawain 3: Panuto: Punan ang patlang upang makumpleto ang pangungusap. Piliin sa loob
ng kahon ang sagot.
6
EPP 5 – Agricultural Arts
Quarter 2-Week 8
5. Mahalagang malaman kung paano magtuos upang alam mo kung ikaw ba ay kumita o
_______________________ ka na pala.
Panuto: Palawakin ang kaisipan. Isulat sa loob ng biluhaba kung ano-ano ang dahilan
kung bakit kailangan alamin ang wastong pamamaraan ng pagtutuos o pagkukwenta ng
pinagkagastusan at pinagbilhan ng produkto.
Rubriks
Iskor Pamantayan
7
EPP 5 – Agricultural Arts
Quarter 2-Week 8
5 Maayos, maganda at angkop ang nilalaman ng sagot.
4 Maayos at maganda subalit may kakulangan ang diwa.
3 Kulang ang diwa ng sagot, mali ang paggamit ng mga bantas, malaking
titik, indensyon, at iba pa.
2 Nakagawa ngunit hindi natapos ang gawain.
1 May pagkakahawig sa gawain ng iba.
Panuto: Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang salitang tama
sa patlang kung wasto ang paraan ng pagtutuos at mali kung hindi wasto.
__________ 1. Nagbenta ng alaga niyang kalapati si Ben sa halagang tatlo isang daan. Ang
puhunan niya sa bawat isa nang bilhin nya ang kalapati para alagaan ay P 50.00
isa.
__________ 2. Nag-ani ka ng maraming itlog ng pugo. Ibinenta mo ito sa halagang P 115.00 sa
isang daan piraso ayon sa umiiral na presyo sa pamilihan.
__________ 3. Ang alaga mong isdang tilapia ay dumami na kaya nagpasya ka ibenta ito ng
P 90.00 per kilo. Nakabenta ka ng 5 kilo sa halagang P 450.00 lahat.
__________ 4. Namuhunan ka para sa aalagaan mong mga manok sa halagang dalawang libong
piso. Ibinenta mo ang mga ito sa pamilihan sa halagang P 1,500.00.
__________ 5. Nagbenta ng alaga niyang manok si Peter sa halagang P 200.00. Kumita siya ng
P 50.00 sa bawat isang manok na nabenta niya.
Panuto: Isulat ang iyong natutunan sa modyul na ito gamitin ang mga isang pwesto
sa pamilihan para sa iyong sagot.
8
EPP 5 – Agricultural Arts
Quarter 2-Week 8
Anong natutunan ko mula
sa araling ito?
9
EPP 5 – Agricultural Arts
Quarter 2-Week 8
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE
CALOOCAN CITY
EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN
AGRICULTURAL ARTS- GRADE 5
Answer Sheet
Unang Balik-Tanaw
Pagsubok Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3
10
10
10
EPP 5 – Agricultural Arts
Quarter 2-Week 8