Filipino Akademik Q2 Week 6 - Pictorial Essay

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

1

Aralin
6y
Akademikong Sulatin: Ang Pictorial Essay
8
Mga Inaasahan

Sa araling ito, babasahin mo ang isang halimbawa ng akademikong sulatin.


Aalamin mo rin ang mga proseso sa pagsulat nito.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang mga kasanayan na:

1. Natutukoy ang mga katangian at proseso ng pagsulat pictorial essay.


2. Nakabubuo ng plano at pictorial essay batay sa pamantayang itinakda.
3. Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin.
(CS_FA11/12PU-0p-r-40)

Alam kong gusto mo nang magsimula sa pag-aaral pero sagutin mo muna ang
unang gawain.

Paunang Pagsubok
Basahin ang sumusunod na tanong at isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Dito tinutukoy ng may-akda kung saan nanggaling ang datos, petsa,naglimbag, at


iba pang impormasyon.
A. Copyright C. Paghuhuwad ng Datos
B. Plagiarism D. Pag-subscribe
2. Ito naman ang isinasagawa kung sinadya ang di-paglalagay ng ilang datos.
A. Copyright C. Paghuhuwad ng Datos
B. Plagiarism D. Pag-subscribe
3. Kinopya nina Arvin at Joseph ang dalawang saknong ng tula sa internet at ipinasa
sa kanilang guro. Anong klase ng paglabag ang kanilang ginawa?
A. Copyright C. Paghuhuwad ng Datos
B. Plagiarism D. Pag-subscribe
4. Ang dalawang pangunahing sangkap ng pictorial essay ay larawan at
A. kwento B. teksto C. tula D. salaysay
5. Sa pagsulat ng pictorial essay, kinakailangang ang paksa ay tumutugon sa
A. audience C. sariling preperensiya
B. paksang napili D. pamantayang itinakda ng guro

Tukuyin kung TAMA o MALI ang isinasaad sa bawat bilang.


6. Teksto ang pangkalahatang sangkap ng pictorial essay.
7. Kung ang pictorial essay ay para sa bata, kailangang maipakita sa mga larawan
ang kanilang interes at hilig.
8. Walang kaukulang kaparusahan ang bawat paglabag.
9. Angkop na gawain ang pagbabago o modipikasyon ng datos.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikawalong Linggo
2

10. Mahalagang malinawan ang may-akda sa kanyang mga karapatan at obligasyon


upang hindi magkaroon ng hindi pagkakaintindihan.

Bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik-


aral sa nakaraang aralin.

Balik-tanaw
Lagyan ng letrang A-F ang patlang ayon sa wastong pagkakasunod-sunod
ng pagsulat ng posisyong papel.
1. Pumili ng paksa.
2. Gumawa ng balangkas.
3. Isulat ang iyong posisyong papel.
4. Hamunin ang iyong sariling paksa.
5. Magsagawa ng panimulang pananaliksik.
6. Ipagpatuloy ang pangongolekta ng mga sumusuportang ebidensya.

Pagpapakilala ng Aralin
Gaya ng posisyong papel na siyang pinag-aralan natin, ang pictorial essay
rin ay may prosesong sinusunod sa pagsulat. Sa araling ito, pag-aaralan mo ang
tungkol sa proseso ng pagsulat ng pictorial essay at ang etika ng pagsulat nito.

Ang Pictorial Essay

Ayon sa isang kawikaang Ingles, “A picture is worth a thousand words.” Kung


ang isang larawan ay mayroong sanlibong pagpapakahulugan, papaano pa kaya kung
ang mga larawan ay maging isang serye at lalakapan ito ng sanaysay? Tiyak na
maghahalo ang kapangyarihan ng mga larawan at mga salita na siyang bubuo ng
isang panibagong obra, ito ay ang tinatawag na pictorial essay o kilala rin sa tawag na
larawang sanaysay o photo essay.
Ang pictorial essay ay isang kamangha-manghang anyo ng sining na
nagpapahayag ng kahulugan sa pamamagitan ng paghahanay sa mga larawan na
sinusundan ng maiikling kapsyon kada larawan. Madalas itong ginagawa ng mga
awtor, artista, estudyante at mga akademisyan. (https://bookwormlab.com) Ginagawa
rin ito ng mga potograpo, mamamahayag, lalo na ng mga photo-journalist.

Mga Katangian ng Mahusay na Pictorial Essay

Ayon sa http://www.csc.villanova.edu, ilan sa mga katangiang dapat taglayin


ng isang pictorial essay ay ang sumusunod:
1. Malinaw na Paksa. Kailangang pumili ng paksang mahalaga sa iyo at alam na
alam mo. Hindi kailangang napakaengrande ng paksa.
2. Pokus. Ang iyong malalim na pag-unawa, pagpapahalaga at matamang
obserbasyon sa paksa ay mahahalagang sangkap tungo sa matagumpay na
pictorial essay.
3. Orihinalidad. Higit na mainam kung ikaw mismo ang kukuha ng mga larawan.
4. Lohikal na Estruktura. Isaayos ang mga larawan ayon sa lohikal na
pagkakasunod-sunod.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikawalong Linggo
3

Ang Proseso ng Pagsulat ng Pictorial Essay


Iminungkahi sa https://www.ehow.com, ang mga kasunod na hakbang tungo
sa matagumpay na paggawa ng pictorial essay.
1. Pumili ng paksang tumutugon sa pamantayang itinakda ng inyong guro.
Maaaring may parating na kaganapan sa inyong pamilya o sa inyong komunidad.
Baka may parke sa inyong lugar na magandang gawing setting ng iyong photo
shoot. Tandaan, ang mga larawan ang pokus ng iyong pictorial essay. Kaya,
magplano nang naaayon.
2. Isaalang-alang ang iyong audience. Sino ba ang titingin sa iyong mga larawan at
magbabasa ng iyong sanaysay? Maaaring ang buong klase, o kaya’y ang iyong guro
lang. Ilahad ang materyal sa paraang magiging interesante sa iyong target
audience.
3. Tiyakin ang iyong layunin sa pagsulat at gamitin ang iyong mga larawan sa
pagkamit ng iyong layunin. Maaaring ang layunin mo ay upang suportahan ang
isang adbokasiya o kaya ay hikayatin ang mga mambabasang kumilos. Kailangang
masalamin ang iyong layunin sa mga larawan kaya mahalaga ang wastong pagpili.
4. Kumuha ng maraming larawan. Maaari namang rebyuhin ang mga kuha sa digital
camera o sa iyong cellphone. Walang dahilan para limitahan ang mga larawang
pagpipilian.
5. Piliin at ayusin ang mga larawan ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod.
Katulad nga ng nabanggit na, kailangang kawili-wili ang simula, maayos na
paglalahad ng katawan at kawili-wili ang wakas.
6. Isulat ang iyong teksto sa ilalim o sa tabi ng bawat larawan. Ang teksto ay
kailangang nagpapalawig sa kahulugan ng larawan. Tandaang kailangang ma-
enligthen ang mambabasa sa bawat larawan.

Ngayong naunawaan mo na ang proseso ng pagsulat ng pictorial essay


maaari mo nang basahin ang halimbawa sa kasunod na pahina.

Kaagapay sa Paglalakbay
ni Argenia R. Matabang

“Itinuturo ng paglalakbay ang pagpapaubaya” ito ay ayon kay Benjamin Disraeli.


Sa ating paglalakbay, tunay ngang itinuturo nito sa atin ang pagpapaubaya.
Pagpapaubaya sa
kung sino ang ating
makakasama, kung ano ang ating
matatagpuan at kung sino ang
magkakaroon ng kontrol sa ating
patutunguhan.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikawalong Linggo
4

Ang dyip ang siyang itinuturing na hari ng kalsada sa Pilipinas sapagkat saan mang
daanan ay mayroong ruta ng dyip na tumutulong sa mga mamamayan saan man nila
naisin na magtungo. Ito na rin ang isa sa pagkakakilanlan natin.

Nagbibigay-kulay ito sa kalsada na kung saan ang busina nito at usok na hatid ay
hindi rin alintana. Ito ang sasakyang laging maaasahan, sa mga paglalakbay ay tunay na
kaagapay. Bakas sa mukha ang ngiti ng pasahero kapag mas maagang nakararating sa
nais puntahan ngunit kusot na mukha naman kapag nahuhuli at naiipit sa matinding
trapik.

https://images.app.goo.gl/sRAUPecXbSQiPfRm9

Sa Kamaynilaan, naging pangunahing sasakyan na ang dyip. Sa kadahilanang


ito rin ang may pinakamurang pamasahe kaya normal na lamang na maituturing kung
may makita tayong paghahabulan, o pag-uunahan makasakay lamang sa dyip.

Kung kaya’t ang bawat isa ay nagtitiis sa pila, makasakay lang sa naturang
sasakyan. Dahil ito ang pinakamainam na transportasyon ng mga mamamayang Pilipino.
Mula sa pagpasok, hanggang sa pag-uwi. Umaga man o gabi ay naririyan ang
mga dyip na siyang nagsisilbing kaagapay natin tuwina. Ang hatid na tulong ng dyip sa
ating mga mamayan ay talaga namang hindi matatawaran kaya dapat din silang
ipagmalaki. Napakahalaga ng gampanin ng drayber sa mga mag-aaral na siyang maingat
na naghahatid sa kanila papunta at pabalik sa kanilang mga tahanan.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikawalong Linggo
5

Ang pandemya, nang


magkaroon ng lockdown ay
kasabay nito ang pagkawala o
ang pagbabawal sa
pagbiyahe ng mga dyip na
siyang kinahirap ng mga
tinatangkilik ng mga
namamasahe at nagnanais na
makatipid. Ito ay nagdulot ng labis na kalungkutan hindi lamang sa mga tao kung hindi
sa mga kalye na rin mismo.

Napakarami sa atin ang nagtanong, “kung nasaan na nga ba ang mga dyip sa panahon
ng lockdown?” “ano na ang naging pangunahing hanapbuhay ng mga drayber nito?” At
nang ako’y makakita ng dyip sa may Monumento, ay lubos-lubos ang naging aking
kagalakan. Na tila ba lahat ng katanungan ay nagkaroon ng kasagutan.

Kagalakan sapagkat, muling pinatunayan ng mga drayber nito ang pagiging


malikhain ng mga Pilipino. Alinsunod sa inilabas na patakaran ng ating pamahalaan ay
nagsagawa sila ng mga gawaing nararapat ipatupad upang mapanatili ang social
distancing. Mistulang mga gagamba sa kani-kanilang hawla.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=10157688279777934&id=93889432933

Napakaliit man ng kanilang tungkulin ito’y napakahalaga pa rin sa atin. Nadama natin
ang kawalan ng transportasyon nang sila ay nawala sa kalsada. Nadama rin natin ang
pagpupursige nila sa buhay, makakain lamang araw-araw, huwag lamang magutom ang
kanilang mga pamilya. Ayaw man nilang mamalimos o humingi ng tulong, walang-wala
na silang masandalan sapagkat ang trabahong siyang bumubuhay sa kanila ay tuluyan
ngang namahinga. Pinipilit nilang makaagapay, patuloy rin silang humihingi ng tulong
sa pamahalaan.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikawalong Linggo
6

Umulan man o umaraw, may pandemya man o wala. Hangga’t walang nilalabag na
batas ay handang-handa pa rin silang magsilbing kagaapay sa ating paglalakbay. Kung
kaya’t ikaw bilang isang mabuting kabataan nitong ating bayan ay dapat lamang
sumunod din sa mga panuntunan gaya ng mga taong nasa likod ng pampublikong
sasakyan na ito. Nararapat ding bigyan natin ng pagpapahalaga ang mga taong
nagbibigay serbisyo upang ang ating bansa ay magpatuloy kahit sa panahon ng
pandemya.

Etika sa Pagsulat sa Akademiya

Ang salitang etika ay galing sa salitang Griyego na ethos na ang kahulugan ay


“karakter.” Katumbas ito ng salitang character sa Ingles o pagkatao o karakter sa
Filipino. Ang ethicos ay mula sa salitang-ugat na ethos, na nangangahulugang “moral,
o moral na karakter.” Ito ay may katumbas na ethics sa wikang Ingles at etika sa
wikang Filipino.

Sa buhay cyber, kung saan ang bawat kilos ay maaring magawa sa isang click
lamang, napakarami nating natutuhan at natutuklasan. Ang bawat gawain ay may
katumbas na iba’t ibang etika.

Kaugnay nito, narito ang ilang isyu o paglabag kaugnay ng etika at


pagpapahalaga sa pagsulat gamit ang sari-saring datos at represensiya na
mahalagang bigyang-pansin ayon kina Constantino at Zafra (2016):

a. Copyright. Sa Pilipinas, nililinaw ng Intellectual Property Code of the Philippines o


Republic Act No. 8293 ang mga karapatan at obligasyon ng mga may-akda, pati na
ang paggamit sa mga ginawa nito.
b. Plagiarism. Ito ang maling paggamit, pagnanakaw ng mga ideya, pananaliksik,
lengguwahe, at pahayag ng ibang tao sa layuning angkinin ito o magmukhang sa
kaniya.
c. Paghuhuwad ng datos
1. Imbensyon ng datos. Sa mga eksperimento, estadistika, at maging pag-aaral
ng kaso, maaring maengkwentro ang ganitong problema.
2. Sinadyang di-paglalagay ng ilang datos.
3. Pagbabago o modipikasyon ng datos.
d. Pagbili ng mga papel o pananaliksik sa mga lugar gaya ng ilang tindahan sa
Metro Manila at lagyan ng sariling pangalan upang ipasa sa guro.
e. Pag-subscribe upang bumili ng artikulo o pagkopya sa mga website upang gamitin
at angkinin bilang sariling papel na isusumite sa guro.
f. Pagpapagawa o pagbabayad sa iba upang igawa ang papel tesis, disertasyon, report
at iba pa.

Inaasahan ko na malinaw na sa iyo ang mga hakbang sa pagbuo ng


pictorial essay at ang katutran ng etika. Ngayon ay isagawa mo na ang mga
kasunod na gawain.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikawalong Linggo
7

Mga Gawain

Gawain 1.1 Pagsagot sa mga Tanong

Ngayong natutuhan mo na ang tungkol sa proseso ng pagsulat ng


pictorial essay at ang etika ng pagsulat nito. Iyo nang sasagutin at
ipaliliwanag ang mga sumusunod: Gawing batayan sa pagsagot ang pamantayan
na nasa kasunod na pahina.

1. Ano ang katuturan at kahalagahan ng etika?

2. Ano-ano ang dapat isaalang-alang upang maging etikal ang pagsulat ng isang
akademikong sulatin?

3. Bakit kailangang isaalang-alang ang audience sa pagsulat ng pictorial essay?

4. Paano mo masisiguro na nasunod mo ang mga etika sa pagsulat? Patunayan.

5. Sa iyong palagay, ano ang pinakamagandang katangian ng mahusay na pictorial


essay? Pangatwiranan ang iyong sagot.

Tutumbasan ang iyong kasagutan batay sa sumusunod na pamantayan


ng pagmarka.

Batayan ng Pagmamarka Kaukulang Iskor


Puntos
Makabuluhan at makahulugan ang mga sagot 5
Nakapagbigay ng malalim na konteksto o paliwanag 5
Naipaliliwanag sa paraang lohikal 5
Nagagamit nang wasto ang wika 5
Kabuoan 20

Gawain 1.2 Pangkatang Gawain


1. Humanap ng kapareha.
2. Kung may kaparehat na, gawin ang sumusunod:
a. Isa-isahin ang hakbang sa pagsulat ng pictorial essay.
b. Isulat sa kasunod na kahon ang bawat hakbang at magsulat ng plano na
gagawin kaugnay rito.
c. Gawing batayan sa pagsagot ang pamantayan na nasa kasunod na pahina.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Pictorial Essay

Mga Hakbang Plano


Makipagpalitan ng gawain sa ibang pangkat upang mai-ebalweyt ito
gamit ang mga kasunod na pamantayan. Isulat ang konsensus para sa bawat
aytem sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek sa kaukulang kolum sa kasunod
na talahanayan.
Tutumbasan ang iyong kasagutan batay sa sumusunod na pamantayan
ng pagmarka.

Batayan ng Pagmamarka Kaukulang Iskor


Puntos
Makabuluhan at makahulugan ang mga pagpaplano 5

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikawalong Linggo
8

Nakapagbigay ng malalim na konteksto o paliwanag 5


Naipaliliwanag sa paraang lohikal 5
Nagagamit nang wasto ang wika 5
Kabuoan 20

Mahusay! Natapos mo ang mga gawaing ibinigay. Patuloy mo pang


palawakin ang iyong kaalaman.

Tandaan
Matapos mong pag-aralan ang kahulugan ng etika at ang pagsulat nang
maayos na akademikong sulatin at pag-alam sa tamang proseso nito, narito ang mga
dapat mong tandaan.
1. Ang etika ay ang siyang gumagabay sa pangkalahatang pagkilos, pagdedesisyon, at
paraan o takbo ng isip ng isang tao, grupo, komunidad o institusyon.
2. Kaakibat ng iba’t ibang kultura ang iba’t ibang etika na kailangang isaalang-alang
ng isang indibidwal.
3. Ang larawan at teksto ang mga pangunahing sangkap sa pagsulat ng pictorial
essay.
4. Gumagamit ang pictorial essay ng mga teknik sa epektibong paglalahad ng mga
ideya at pagsasalaysay ng mga pangyayari.
5. Isinasaalang-alang sa pagsusulat nito ang paksa, audience, layunin, larawan at iba
pa.
Isang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong
mga natutuhan.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Matapos ang pagpaplanong isinagawa sa Gawain 1.2. Ngayon naman, ikaw


ay susulat na ng iyong sariling pictorial essay batay sa mga sumusunod na
paksa: Maaari rin na ikaw ang pumili ng sarili mong paksa. Gawing batayan sa
pagsulat ang pamantayan na nasa kasunod na pahina. Ilagay sa kahon ang
larawan at lagyan ito ng kapsyon sa nakalang patlang.
a. Ang pag-aaral sa bagong kadawyan o new normal
b. Ang mga bayani sa panahon ng pandemya
c. Ang mga gampanin ng pamahalaan sa panahon ng pandemya
d. At iba pa

Tutumbasan ang iyong kasagutan batay sa sumusunod na pamantayan


ng pagmarka.

Batayan ng Pagmamarka Kaukulang Iskor


Puntos
Naisasaalng-alang ang etika sa pagsulat 10
Naangkop ang larawan sa kapsyon 5
Nakakuha nang maayos na anggulo ng larawan 5
Nagpapakita ng paksang nakapupukaw ng kamalayan 5
ng mambabasa
Nagagamit nang wasto ang wika 5
Kabuoan 30

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikawalong Linggo
9

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin ang sumusunod na tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel.


1. Ang salitang etika ay galing sa salitang Griyego na ethos na may kahulugang
A. abilidad B. gawi C. karakter D. kilos
2. Ito ay isang kamangha-manghang anyo ng sining na nagpapahayag ng kahulugan
sa pamamagitan ng paghahanay ng mga larawang sinusundan ng maiikling
kapsyon kada larawan.
A. Posisyong papel C. Pictorial Essay
B. Abstrak D. Katitikan ng pulong
3. Ang kapsyon ng pictorial essay ay maaaring isulat sa ng bawat
larawan.?
A. unahan B. gitna C. ilalim D. kahit saan
4. Isa sa mga katangian ng mahusay na pictorial essay na nagsasaad na “higit
na mainam kung ikaw mismo ang kukuha ng mga larawan.” Alin ito?
A. pokus C. malinaw na Paksa
B. orihinalidad D. lohikal na estruktura
5. Ang sumusunod ay mga proseso sa pagsulat ng pictorial essay MALIBAN sa:
A. kumuha ng mga larawan C. tiyakin ang layunin sa pagsulat
B. isaalang-alang ang iyong audience D. pumili ng paksang ninanais
6. Sa pagsulat ni Rhum ng sanaysay ay hindi niya nalagyan ng panipi ang kanyang
hiniram na direktang pahayag. Anong paglabag ang kanyang nagawa?
A. Copyright C. Pag-subscribe upang bumili ng artikulo
B. Plagiarism D. Pagpapagawa sa iba upang igawa ng papel.
7. Nag-subscribe si Lloyd sa isang website upang bumili ng mga artikulo na kanyang
ipapasa sa kanyang guro. Anong paglabag ang kaniyang nagawa?
A. Copyright C. Pag-subscribe upang bumili ng artikulo.
B. Plagiarism D. Pagpapagawa sa iba upang igawa ng papel.
8. Ang pangkat na pinamunuan ni Johnver ay nahirapan sa paggawa ng tesis kung
kaya’t sila ay nagpaggawa na lamang kay Rommel. Anong paglabag naman ito?
A. Copyright C. Pag-subscribe upang bumili ng artikulo.
B. Plagiarism D. Pagpapagawa sa iba upang igawa ng papel.

Unawain ang bawat pahayag. Isulat ang A kung parehong tama ang dalawang
pahayag, B kung parehong mali ang dalawang pahayag, C kung ang tama
unang pahayag ngunit mali ang pangalawang pahayag at D naman kung mali
ang unang pahayag ngunit tama ang pangalawang pahayag.

9. Ang mga larawan ang pokus ng isang pictorial essay. Ang paggamit sa baybay,
bantas, gamit ng salita at iba pang alituntuning pangwika ay may karagdagan sa
husay ng pictorial essay.

10. May dahilan para limitahan ang mga larawang pagpipilian. Kailangang masalamin
ang iyong layunin sa mga larawan kaya mahalaga ang wastong pagpili.

Pagninilay
Ang etika ay hindi lamang naipamamalas sa paraang ng pasulat ito ay maaari
ring maisagawa sa ilang senaryo ng ating buhay. Narito ang pasulat at ilang senaryo

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikawalong Linggo
10

sa reyalidad. Tukuyin kung sa palagay mo ay etikal o hindi ang mga sitwasyon. Isulat
ang sagot sa sagutang papel. Ipaliwanag ang sagot. Kung hindi etikal, ano sana ang
dapat ginawa? (Gawing batayan sa pagsagot ang pamantayan na nasa kasunod na
pahina.

Pagsulat
1. Sa pagnanais na makapasa sa asignatura ay kinopya ni Elmer ang sanaysay na
isinulat ng kanyang kaklase.

2. Lingid sa kaalaman ni Gng. Aquino, ang estadistikang nakatala sa tesis ni Dominic


ay mga embentong datos lamang.

3. Inangkin ni Jamie ang tula na kanyang nabasa online, pinalitan niya ng pamagat
ang tula at kaniyang ipinasa sa isang patimpalak.

Senaryo sa reyalidad

4. Nagmamadali sa pag-uwi si Ellamae pagdating niya sa LRT Monumento ay nakita


niya ang napakahabang pila, kaya nang natanaw niya ang kaniyang kaibigang sa
pila ay nakisingit na siya.

5. Bumili si Louie ng relo sa Victory Mall, sobra ang isinukli sa kanya. Gusto sana
niyang ibalik, kaya lang nainis siya sa masungit na kahera. Kaya mabilis siyang
umalis.

Mahusay! Natapos mo ang mga gawain sa modyul na ito. Kung may


bahagi sa modyul na ito na hindi mo naunawaan o kung ikaw ay may
katanungan at paglilinaw mangyaring makipag-ugnayan ka sa iyong guro

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikawalong Linggo
11
`

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikawalong Linggo

You might also like