ESP 4 Katotohanan Sasabihin Ko

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4

KATOTOHANAN. SASABIHIN KO!

Pangalan: __________________________ Petsa:__________ Iskor:______

Aralin

1 Katotohanan: Sasabihin ko!


Ang pagsasabi ng katotohanan ay nagpapakita ng iyong pagiging
matapat. Ito ay sumasalamin sa iyong pagkatao kung saan nakaakibat rin
dito ang lakas ng loob upang tanggapin ang anumang magiging bunga ng
iyong pag-amin sa katotohanan. Kahanga-hanga ka kung taglay mo ang
katangiang ito.
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo upang masabi ang
katotohanan anuman ang maging bunga nito. Malalaman mo rin ang
kahalagahan ng ganitong hakbangin sa pagsusuri ng katotohanan.

Basahin mo ang usapan.


Isang araw, masiglang naglalaro ang magkapatid na Ali at Ron,
kasama ang kanilang alagang tuta sa loob ng kanilang bahay. Habulan
ditto; habulan doon. Takbo rito; takbo roon hanggang sa masagi ni Ron ang
plorera sa lamesa.

Ali: Naku ka, Ron! Nabasag mo ang plorera!


Ron: Ay, oo! Hindi ko sinasadya.
Ali: Kahit na! Kasalanan mo pa rin.
Ron: Itapon na lang natin para hindi makita ni Inay at hindi niya
tayo mapagalitan.
Kinahapunan, pagdating ng kanilang nanay…
Ron: Mano po, Inay.
Ali: Mano po.
Ron: Inay, nabasag ko po ang plorera na nakalagay sa mesa dahil nasagi ko
ito kanina sa aming paghahabulan.

Inay: Ganoon ba? Nasaan na?


Ali: Itinapon na po namin sa basurahan.
Inay: Natutuwa ako Ron at nagsasabi ka ng katotohanan. Dahil
diyan, hindi kita pagagalitan pero sa susunod kung maglalaro
kayo ng habulan, doon kayo sa labas. Ron: Maraming salamat po, Inay!
Mahal na mahal kita.
Inay: Walang anuman. Sana ipagpatuloy mo ang pagiging matapat
anuman ang bunga nito. Ron: Opo.

Sagutin ang mga tanong. Bilugan/ isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Sino ang naglalaro sa loob ng kanilang bahay?


A. Ali at Ron C. Arman at Rodel
B. Allan at Roldan D. Anthony at Richard

2. Ano ang nangyari sa kanilang paghahabulan?


A. Kinagat si Ron ng tuta. C. Nahulog ang tuta sa bintana.
B. Nadapa si Ali sa sahig. D. Nabasag ang plorera sa mesa.

3. Tama ba ang ginawa ni Ron na pagsabi ng katotohanan? Bakit?


A. Opo, sapagkat kailangang ipaalam sa magulang ang katotohanan.
B. Hindi po, sapagkat magagalit ang magulang kapag nalaman na may
maling ginawa.
C. Hindi sigurado, sapagkat iba-iba ang reaksyon ng magulang kung
magagalit o hindi. D. Hindi ko alam.
4. Kaya mo rin ba ang ginawang pagtatapat ni Ron sa kaniyang nanay?
Bakit?
A. Opo, dahil maluwag sa kalooban ang pagsasabi ng totoo.
B. Opo, pero sasabihin ko na si Ali ang nakabasag.
C. Opo, sasabihin ko na ang tuta ang may kasalanan.
D. Opo, pero sisisihin ko si nanay na naglagay ng babasaging plorera
sa mesa.

5. Anong katangian ang ipinakita ni Ali at Ron nang tinanong sila ng


kanilang inay? Sila ay _____________________.
A. Matapat
B. May lakas ng loob
C. Mapagmahal sa katotohanan
D. Lahat ng nabanggit

Tingnan ang puzzle. Hanapin ang sampung mahahalagang salita na


nagpapakita ng magagandang kaugalian ng batang Pilipinong katulad mo.

M A G A L A N G X L V J A Y N M
A A D H U Y D R W Z M X Y D A A
S C K C Q G N A P A T A M K M T
I H B A R T W D Q V L U A A A I
P Q A I T L P R Z J M T D L T Y
A J K P X A S X O I A K V A U A
G R T U O H O T D O V M W K L G
B M A K A D I Y O S Q V A A U A
O G S F K E M A S U N U R I N W
M T O G L Q T Y D K R W B L G M
N I N A H A L A L A A M X H I U
S B D A F H T Y O L A L A A N S
M A P A G M A H A L Z H U N O Q
Nakita mong kinuha ng kaklase mo ang bolpen ng katabi niya. Hindi
mapalagay ang may-ari ng bolpen sa kahahanap nito. Nilapitan ka ng
kumuha nito at sinabihan kang susuntukin ka kapag siya ay iyong
isinumbong. Ano ang dapat mong gawin upang masabi ang katotohanan?
Isulat ito sa iyong dyornal o kuwaderno.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Lagyan ng masayang mukha 😊 ang bilang ng pangungusap na


nagsasabi ng katotohanan anuman ang maging bunga nito at malungkot
naman kung hindi.

____1. Ipinapaalam ko agad ang totoong pangyayari upang


mabigyang solusyon ang problema kahit alam kong magagalit sila
sa akin.
____2. Sinasabi ko agad sa aking mga kaibigan ang aking
kasalanan upang hindi sila madamay.
____3. Sinisigurado kong pawang katotohanan lamang ang aking
sasabihin kung ako ay tinatanong upang alamin ang totoo. ____4. Lagi
kong tatandaan na mas mabuting magsinungaling kaysa
mapagalitan at mapalo.
____5. Tatakpan ko ang kasalanang nagawa ng aking kapatid
upang hindi siya mapalo ni nanay.

You might also like