3rd SUMMATIVE TEST IN FILIPINO
3rd SUMMATIVE TEST IN FILIPINO
3rd SUMMATIVE TEST IN FILIPINO
Pangalan:___________________________ Petsa:______________
Baitang at Seksyon:___________________ Iskor:_______________
I. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat
sa sagutang papel.
1. Uri ng maikling kuwento na ang diin ay magpatawa at bigyang aliw ang mambabasa.
a. Kuwento ng pakikipagsapalaran
b. Kuwento ng kababalaghan
c. Kuwento ng katatawanan
d. Kuwento ng tauhan
2. Tumutukoy sa magkalabang puwersa, maaaring ideya, mithiin, paninindigan o kilos.
a. tunggalian b. kakalasan
c. tauhan d. suliranin o tunggalian
3. Uri ng tunggalian na kung saang sitwasyon na ang kalaban ng protagonista katulad ng lindol, bagyo, gutom at
iba pa.
a. Tao laban sa tao b. Tao laban sa kalikasan
c. Tao laban sa sarili d. Tao laban sa lipunan
4. Elemento ng maikling kuwento na inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga
pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan.
a. kasukdulan b. kakalasan
c. suliranin o tunggalian d. tagpuan
5. Uri ng tunggalian na kung saan ang mga sitwasyong kakaharapin ng protagonista ay siya lamang ang
maaaring lumutas.
a. Tao laban sa tao b. Tao laban sa kalikasan
c. Tao laban sa sarili d. Tao laban sa lipunan
6. Uri ng tauhan na kung saan sa kanya umiinog ang lahat ng pangyayari sa loob ng akda.
a. Katulong na tauhan b. Antagonista
c. Protagonista d. Katulong
7. Elemento ng maikling kuwento na tumutukoy sa lugar o pook kung saan naganap ang kuwento.
a. Tauhan b. Kakalasan
c. Tagpuan d. Wakas
8. Tumutukoy sa uri ng tunggalian na ito na ang sitwasyon ng ibang tao ang kinakalaban ng protagonista na
katulad ng labanang lakas kontra lakas.
a. Tao laban sa tao b. Tao laban sa kalikasan
c. Tao laban sa sarili d. Tao laban sa lipunan
9. Binibigyang diin sa uri ng maikling kuwento na ito ang kapaligiran, pag-uugali, paniniwala at pamumuhay ng
mga tao sa isang partikular na lugar.
a. Kuwento ng kababalaghan b. Kuwento ng pag-ibig
c. Kuwento ng katutubong-kulay d. Kuwento ng tauhan
10. Ito ay ang salaysay ng madudulang pangyayari ng buhay.
a. Nobela b. Maikling Kuwento
c. Alamat d. Tula
11. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng anekdota?
a. May isang paksang tinatalakay
b. Makapagbabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral
c. Nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais nitong ihatid sa mga mambabasa
d. Mahabang salaysay na naglalaman ng kawing-kawing na pangyayari
12. Alin sa mga sumusunod ang naging motibo ng awtor sa pagsulat ng anekdota?
a. Mag-iwan ng takot sa mambabasa
b. Maging positibo sa lahat ng bagay
c. Magsilbing gabay sa paglalakbay
d. Magbigay kawilihan at aral sa mambabasa ukol sa isang magandang karanasan
13. “Ikaw ay nararapat lamang na makisalamuha sa mga kauri nating banga”. Ano ang nais ipahiwatig nito?
a. Huwag pakialaman ang buhay ng iba.
b. Huwag magtitiwala sa iba
c. Huwag sasama sa hindi kauri
d. Iwasan ang pakikipagkaibigan.
14. Uri ng akdang pampanitikan na naglalarawan ng isang kawili-wiling insidente sa buhay ng tao na nag-iiwan
ng aral o moral lesson.
a. Persian b. anekdota
c. anedota d. Iran
15. “Huwag mong kalimutan na ikaw ay isang banga na gawa sa lupa.” Ito ay isang _____________.
a. Pangangatwiran b. Pangangaral
c. Pagpapayo d. Pagdadahilan
16. Ang mga pangyayari sa anekdota ay maikli, kawili-wili at _____________.
a. nakalilibang b. nakaiinip c. nakalalakas ng loob d. nakapananabik
17. Tulad ng pabula, ang wakas ng anekdota ay _______________.
a. nag-iiwan ng kakintalan o impresyon
b. nagwawagi ang pangunahing tauhan
c. nalulutas ang problema ng pangunahing tauhan
d. nag-iiwan ng aral
1 8. Ang pahayag na “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli” ay nangangahulugang
_____________
a. kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang unang aalis
b. lahat ay may pantay-pantay na karapatan ayon sa napag-usapan
c. ang nahuhuli kadalasan ang unang umaalis
d. mahalaga ang oras sa paggawa
19. Habang siya’y nabibitak at unti-unting lumulubog ay naaalala ng batang banga ang pangaral ng kaniyang
ina. Anong aral ang nais ipahiwatig ng pangungusap?
a. walang mabuting naidudulot ang pagsuway sa magulang
b. habang may buhay, may pag-asa
c. alam ng magulang kung anong makabubuti sa anak
d. binabalewala ang magulang
20. Ano ang mangyayari kung laging sumusunod sa payo ng magulang
a. magiging sikat sa pamayanan
b. bibigyan ng medalya ng pagkilala
c. mapabubuti ang buhay
d. hindi masasangkot sa anomang kapahamaka
II. Panuto. Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Ilagay ang TAMA sa patlang kung ang sinasaad ay
tama at isulat ang MALI kung ang sinasaad ay mali.
_________________21. Ang parabula ay di lamang lumilinang ng mabuting asal na dapat nating taglayin kundi
binubuo rin nito ang moral at espiritwal na pagkatao.
_________________22. Ang tauhang gumaganap sa parabula ay mga hayop.
_________________23. Ang mensahe ng parabula ay isinulat sa simple at tiyak na pagpapahayag.
_________________24. Ang parabula ay nagmula sa salitang Griyego na parabole na nagsasaad ng dalawang
bagay, tao, hayop lugar o pangyayari para paghambihingin.
_________________25. Ang parabula ay hango sa makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni
Hesus batay sa nakasaad sa Banal na Aklat.
IV. Basahin at unawain ang pangungusap, tukuyin ang kahulugan ng mga salita o pariralang nakasalungguhit
at isulat sa kahon ang kahulugan nito. Sikapin mong magamit sa sariling pangungusap ang mga binigyang-
kahulugan na pahayag at isulat ito sa ilalim na kahon.
26. Nakalulungkot na sa edad na dalawampu’t isa ay isinugo ni Jose ang kanyang buhay.
27. Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga ay buong tapang pa rin silang humaharap sa hamon ng buhay.
28. Walang katapusang pagdarasal ang sambit ng isang Ina para sa kanyang anak.
29. Ang kanyang mga mata’y nawalan ng luha dahil sa labis na pagdadalamhati.
30. Malungkot na lumisan ang araw sa buhay ng mag-inang patuloy na umaasa.
V.Tukuyin kung TAO LABAN SA TAO o TAO LABAN SA SARILI ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang
inyong sagot sa sagutang papel.
31. Nagbigti si Alma dahil sa problemang kinakaharap niya.
32. Sinisi ni Kristin ang kanyang sarili sa pagkamatay ng kanyang ama.
33. Sinabunutan ni Isabel si Lenlen dahil sa galit nito dito.
34. Sinuntok ni James si Allan dahil sa isang babae.
35. Hindi magawang patawarin ni Nathan ang kanyang Ama kahit gustong-gusto na niya itong patawarin.
VI. PANUTO: Iugnay ang sagot sa mga sagot na nasa kahon sa mga katanungan. Isulat sa iyong sagutang
papel ang iyong mga kasagutan.
36. Salitang Griyego na pinagmulan ng salitang etimolohiya.
37. Ito ang tawag sapag-aaral ng pinagmulan ng mga salita.
38. Sa anong wika nagmula ang salitang “bahay”?
39. Sa anong bansa nanggaling ang mga salitang pansit, sipao, at tikoy?
40. Ang mga salitang kompyuter, iskor, at interbyu ay hango sa anong wika?
41. Ang mga salitang almorzar, retratista, at pastor ay mula sa anong wika?
42. Ito ang pangunahing uri ng panlabas na tunggalian.
43. Ito ay tinatawag din sa ingles na “internal conflict”.
44. Ito ay tumutukoy sa mga isyu at problema na hinaharap ng mga pangunahing tauhan sa isang kuwento o
akda.
45.Sila ang sumakop sa ating bansa ng 333 taon kaya naman marami ang naiambag ng kanilang wika sa Wikag
Filipino.
Inihanda ni:
Bb. Rea Liza C. Luceño