Kabanata 1 5 With Page

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 39

1

INTRODUKSYON
Tayo ngayon ay nasa makabagong panahon na, kung saan halos lahat ng gawain ay

nakadepende na sa teknolohiya. Ang teknolohiya ay isang imbensyon sa paglapat ng

kasangkapan, kagamitan, makina at proseso upang mapadali ang pang-araw-araw na

gawain ng tao. Sa panahon kung saan ang agham at teknolohiya ay patuloy na

sumisibol, iba’t ibang mga gadgets ang mga naiimbento’t natutuklasan. Kaliwa’t kanan

na ang mga makabagong bagay na nalilikha ng tao. Ilan sa mga ito ay ang cell phone,

kompyuter pati na rin ang pagtuklas sa internet. Ito ang mga makabagong bagay na

makagpapadali ng ating pamumuhay at ating mga gawain. Sa kasalukuyang panahon,

ito ay kinahuhumalingan ng mga kabataan. Maaring may benepisyo ang mga

makabagong teknolohiya subalit ang mga ito ay may dulot ding negatibo sa mga

kabataan. Sa halip na sa pagpapaunlad ng karunungan, ito ay ginagamit nila sa hindi

tamang gawain. Sa halip na magsaliksik para sa takdang aralin, mas binibigyan nilang

pansin ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya. Ang mga kabataan ang lubos na

apektado ng mga negatibong epekto ng teknolohiya. Ang iba ay napababayaan na ang

kanilang pag-aaral dahil naaadik sa paglalaro ng mga games sa kompyuter. Lubos

ngang umuunlad ang teknolohiya ngayon ngunit lagi nating tandaan na hindi puro

mabuti ang nadudulot nito

Ang pananaliksik na ito ay may layunin na sumusunod:

 Malaman ang benepisyo ng sobrang paggamit ng makabagong teknolohiya

sa kabataan

 Malaman ang masamang epekto ng sobrang paggamit ng makabagong

teknolohiya sa kabataan
2

Halos lahat ng tao ay gumagamit na ng makabagong teknolohiya. Laganap na

ito, lalo na sa kabataan. Mayroon itong benepisyo subalit mayroon din itong masamang

dulot kapag sumobra ang paggamit.

Ang pananaliksik na ito ay sasagutin ang mga sumusunod na tanong:

 Ano ang nagiging dahilan ng sobrang paggamit ng makabagong

teknolohiya sa kabataan?

 Anong makabagong teknolohiya ang madalas na ginagamit ng mga

kabataan?

 Anong mga paraan ang maaring gawin upang mabawasan ang paggamit

nito?

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong makatulong sa mga kabataan at sa mga

magulang na rin.

Para sa kabataan

 Ang pananaliksik na ito ay magbibigay ng kamalayan sa mga

masamang dulot ng makabagong teknolohiya

 Ang pananaliksik na ito ay makakapagbigay ng suhestyon para

mabawasan ang paggamit ng makabagong teknolohiya

Para sa magulang

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing tulong upang magabayan ng

mga magulang ang kanilang anak sa paggamit ng makabagong

teknolohiya.
3

Para sa mas mahusay na pag-unawa sa pananaliksik na ito, ang mga sumusunod

na termino ay tinukoy:

Convenience Sampling - ito ay ang mga tagatugon na madaling

maabot at makapanayam ang kalimitang napapabilang sa ganitong uri ng

sampling

Gadyets - ito ay mga bagay nag gumagana sa pamamagitan ng

elektroniks. Ginagamit din ito na para sa edukasyon lalo na ng mga kabataan.

Ang magandang halimbawa nito ay ang cellphone.

Internet - ay ang mga magkakabit na mga computer network na

maaaring gamitin ng mga tao sa buong mundo. Ito ay kasangkapan ng

pakikipagtalastasan at pakikipagpalitan ng impormasyon. Binubuo ito ng milyon-

milyong pampribado, pampubliko, pampaaralan at pampamahalaan ng mga

network na may lokal hanggang malawakang saklaw at pagkakaugnay sa

pamamagitan ng mga kawad na tanso, kawad na fiber-optic, wireless na

koneksiyon at iba pang teknolohiya.

Kompyuter - ay isang makina na ginagamit sa paggawa ng mga

kalkulasyon o mga operasyon na maaaring gawin sa pamamagitan ng mga

terminong numerikal o lohikal. May apat na uri ng kompyuter. Agham

pangkompyuter ang disiplina na pinag-aaralan ang teoriya, disenyo, at

paglalapat ng mga kompyuter. Ang mga kompyuter ay nakakagawa ng

prosesong numerikal o lohikang gamit ang BIOS.

Teknolohiya- ay isang napakabagong makina o gadgets na kung


4

tawagin ng iba ay teknolohiyang proseso, hindi manu-mano. Ito ay isang

imbensyon sa paglalapat ng mga kasangkapan, kagamitan, makina, at proseso

upang mapadali ang pangaraw-araw na gawain ng tao.

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa epekto ng sobrang paggamit ng

makabagong teknolohiya sa kabataan. Saklaw ng pag-aaral na ito ang mga kabataang

edad 16-18 sa Taal at Lemery. Ang mga kabataang ito ang siyang binigyang-pansin ng

mga mananaliksik sapagkat sila ang makapagbibigay opinyon ukol sa pag-aaral na

gagawin. Ang pag-aaral na ito ay hindi tumitiyak sa panlahat na saloobin ng mga

responde o mag-aral sa buong Taal at Lemery. Ito ay may kinalaman lamang sa mga

saloobin ng mga kabataan sa Taal at Lemery. Ngunit anuman ang magiging kalalabasan

ng nasabing pag-aaral ay hindi malayo sa mga saloobin ng mga mag-aaral sa ibat ibang

bayan sa lungsod ng Batangas.


5

PINAGBATAYAN PROSESO KINALALABASAN NG


PAG-AARAL
• edad ng • Deskriptib na
pamamaraan. Matuklasan ang positibo at
respondante
• Sarbey negatibo na dulot ng labis
• saan gaganapin ang
na paggamit ng
pananaliksik • Talatanungan
makabagong teknolohiya
• sinosino ang mga • Analisa
respondante
Ang mga kabataang
naninirahan sa Taal at
Lemery na gumagamit ng
makabagong teknolohiya.

Tambilang 1: Konseptwal na Balangkas

Ang konseptwal na balangkas ng pag-aaral na ito ay ginamitan ng input-process-output model.

Inilalahad ng pinagbatayan ang propayl ng mga tagatugon tulad ng edad, saan gaganapin ang

pananaliksik at karanasan ng mga respondente. Mga karaniwang sitwasyon na pinagdadaanan ng mga

kabataan sa kanilang paggamit ng makabagong teknolohiya. Ang proseso ay tumutukoy sa mga

hakbang na gagawin ng mga mananaliksik ukol sa pagkuha ng mga datos gamit ang sarbey at

talatanungan na ginawa ng mga mananaliksik at ang pag aanalisa ng mga nakalap na resulta. Ang

kalalabasan ng pag-aaral ay sumasaklaw sa implikasyon ng mga nakalap na datos para matuklasan ang

mga positibo at negatibong epekto na dulit ng labis na paggamit ng makabagong teknolohiya.


6

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Ang teknolohiya ay ang pagsusulong at paglalapat ng mga kasangkapan, makina,

kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao.Ang

kahulugan o ibig sabihin ng teknolohiya ay mga makinarya o kagamitan na ginagamit

upang mapadali ang produksyon, komunikasyon, at iba pang gawain ng sangkatauhan.

Ito ay naglalayong mapadali ang gawain ng mga tao.

Sa Albania, karaniwan na ang eksenang may kausap sa cellphone ang isang

matandang nakasakay sa buriko. Sa India, makikita naman ang mga pulubing humihinto

saglit sa pamamalimos dahil may tawag sila sa cellphone. Oo, ang cellphone, computer,

telebisyon, at iba pang uri ng hi-tech na kagamitan ay bahagi na ng buhay ng tao sa

bawat sulok ng daigdig—mayaman man o mahirap. Marahil, ang pinakamalaking

katibayan ng pagdagsa ng teknolohiya ay ang pagdami ng cellphone, na karamihan ay

hindi lamang pantawag. Sa mga bagong modelo ng cellphone, puwedeng mag-Internet,

mag-e-mail, magtext, manood ng TV, makinig ng musika, kumuha ng litrato, at

gumamit ng Global Positioning System (GPS), at—siyanga pala—tumawag! Ayon sa

isang ulat ng pahayagang Washington Post, ang isang modelo ng smartphone “ngayon

ay mas malakas kaysa sa computer ng North American Air Defense Command noong

1965.” Dagdag pa ng Post: “Mayroon na ngayong isang cellphone sa bawat dalawang

tao sa Lupa,” at sa di-kukulangin sa 30 bansa, mas marami ang cellphone kaysa sa

populasyon ng tao. Oo, ngayon natin nakikita “ang pinakamabilis na paglaganap ng

anumang teknolohiya sa buong kasaysayan ng tao,” ang sabi ng pahayagan. Sa buong

daigdig, halos 60 porsiyento ng mga gumagamit ng cellphone ay nasa papaunlad na


7

mga lupain. Ngayon lang nangyari na ang karamihan ng gumagamit ng hi-tech na

gadyet na pangkomunikasyon ay nakatira sa gayong mga lupain. Halimbawa, sa

Afghanistan noong 2008, halos 140,000 ang nadadagdag na subscriber buwan-

buwan.Sa Aprika, nitong nakalipas na mga taon, dumami nang halos 50 porsiyento kada

taon ang mga gumagamit ng cellphone.

Ang paglinang at pagbuo sa maraming kapaki-pakinabang na bagay ay siyang

nagbubunga ng pagdami ng mga taong hindi na mapakinabangan. Para sa nakararami,

ang teknolohiya ay isang biyaya, biyaya ng siyensya na siya natin ngayong tinatamasa.

Sa katotohanan, ito ay tila nag-aalok ng magagandang bagay sa isa nitong kamay

habang sinasalakay ang iyong likuran sa kabila nitong kamay. Samakatuwid, maraming

tulong sa atin ang teknolohiya ngunit mas maraming pinsala ang maaaring idulot nito sa

atin pagkatapos. Nagkalat sa paligid ang mga produkto ng teknolohiya; katuwang ito ng

tao sa anumang gawain na wari baga’y wala nang buhay kung wala ito.

Kadikit na ng kabataan ang salitang teknolohiya; hindi na mawawala sa kanila ang

kaisipan na “mas bago” at “mas maganda”. Patok na patok sa kabataan ang mga

makabagong kagamitan tulad ng cellphone, computer, PSP at iba pa. Sa mga mag-aaral

hindi na kailangang sumangguni sa maraming libro para lamang makakalap ng

impormasyon; sa internet, ilang segundo lamang ang itatagal at tapos na ang

paghahanap. Mainam sana ito kung hindi naaabuso, kadalasan ay ginagamit

ang internet sa mga immoral na gawain tulad ng pornograpiya. Nalalason ang murang

isipan ng kabataan sa mga bagay na hindi naman nito dapat malaman ngunit dahil

sa mass media nagiging madali ang paglinang ng lahat ng bagay. Bukod dito,

nakakalimutan na rin ng kabataan ang kahalagahan ng pagtitiyaga at pagsisipag upang

makamit ang anuman niyang naisin.


8

Dahil madali at maginhawa na ang pamumuhay sa panahon natin ngayon, marami

ang habang lumalaon ay nagiging alipin ng katamaran. Isa ito marahil na dahilan kung

bakit paunti nang paunti ang mga mahuhusay na mag-aaral. Dahil sa tulong

ng computer, cellphone at calculator, hindi na madalas napapagana ang utak ng isang

indibidwal sapagkat mayroon namang gumagawa nito para sa kaniya. Kung ating

bubulayin, mas mabilis pang lumipon ng kaalaman ang siyensya kaysa pag-impok ng

karunungan ng kabataan.

Napakabilis ng paglipas ng panahon, pati na rin ang henerasyon ngayon. Ang mga

bagay na ginagamit o ang mga pinaniniwalaan noon ay maaaring nag-iba na ngayon.

Bawat dekadang lumilipas ay nagdadala ng napakaraming pagbabago na siyang

nakaaapekto sa madla. Umunlad nang umunlad pa lalo ang industriya sa pag-usbong ng

makabagong teknolohiya. Ito ang naghatid sa atin sa madaling pagkatuto bilang bagong

henerasyon. Ngunit, sa pagdating ng bagong panahon malilimutan na ba ang kahapon?

Matututo pa rin kaya ang henerasyon noon sa mga bagong uso ng henerasyon ngayon?

Kung pag-uusapan ang mga teknolohiya ng ating mga magulang tatlumpung taon

ang nakararaan, ang nauuso lamang noon ay ang mga radyo cassette, mga babasahin,

libro, typewriter, mga makalumang disenyo ng telebisyon at mga telepono.

Napakalimitado lamang ng mga teknolohiyang ginagamit nila noon at tanging ang mga

may kaya lang ang nakabibili nito. Likas na sa ating mga Pilipino ang pagtangkilik sa

mga bagay na nauuso. Nagbunsod ito sa mga malikhaing imbentor na mag-imbento pa

ng mga bagay na siguradong papatok sa mga tao. Kaya sa henerasyon ngayon,

mayroon nang mga bagong teknolohiya na nagpapadali ng ating mga gawain na

kinagigiliwan lalo na ng mga kabataan. Nauuso na ang mga touch screen na mga selpon

na siyang ginagamit ng bagong henerasyon hindi lang sa pakikipagkomunikasyon kundi


9

pati na rin bilang isang libangan. Mayroon pa itong mga aplikasyon na madali mong

magagamit at mai-install. Mayroon na ding mga makabagong disenyo ng kompyuter,

mga tablet, laptop, mga bagong disenyo ng radyo, printer, headset, Bluetooth speaker,

memory cards, hard drives at marami pang iba. Kapag mayroong mga impormasyong

kailangan hanapin ay maaari nang makakonekta sa tinatawag natin ngayon na internet

at dumidiretso na sa mga websites upang makakalap ng bagong impormasyon at maaari

pa natin itong mai-download na dati ay makukuha lamang sa pagbabasa ng mga libro sa

silid-aklatan.

Lahat ng mga pagbabagong ito ay naghatid sa atin ng pagkamulat sa katotohanan,

nagkaroon na tayo ng mga oportunidad na mahasa ang ating mga kakayahan sa

paglalahad ng ating opinyon, makatuklas ng mga bagong kaalaman upang

makipagsabayan sa globalisasyon. Mayroon pa ring mga taong kabilang sa henerasyon

noon na mas pinipili na gawin o gamitin ang mga bagay na nakasanayan na nila at

mayroon din namang mga taong gustong matutunan ang mga bagong teknolohiya

upang sila ay hindi rin mapag-iwanan ng bagong henerasyon. Ngayon, malaya na nating

nagagawa ang mga bagay sa pamamagitan ng teknolohiya at sa tulong ng internet.

Hindi na tulad noon sa panahon ng ating mga magulang na napakalimitado at

komplikado ng kanilang mga kagamitan o teknolohiya.

Ayon kay Bertillo (2011) sa kasaysayan ng edukasyon ay malaki ang naiambag ng

teknolohiya. Sa katunayan ito ay isa sa mga pangunahing paraan kung bakit ang pag-

aaral ay nagiging madali at mabisa kung kaya naman napakamaraming mag-aaral ang

sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang pag-aaral.

Ayon sa pahayag ni Robert Paul Nunang (Oct 03 , 2008) Mabuti at Masamang


10

Epekto ng Kompyuter. Umuunlad na nga ang ating panahon ngayun. Marami na ang

mga makabagong teknolohiya tulad ng cellphone , MP3 , MP4 , ipod at higit sa lahat

kompyuter . Para sa karamihan , ang kompyuter ay isang napakahalagang imbensyon at

malaki ang naitutulong nito sa atin. Pero hindi alam ng lahat , bukod sa mga mabuting

epekto nito, mayroon din itong masamang epekto. Maraming tao ang kadalasang

nagtatalo kung ang teknolohiya ay nakakabuti o nakakasama. Marami ang naniniwala na

ang teknolohiya ay may masamang epekto sa ating lipunan, pero marami rin ang pabor

sa pag-unlad ng teknolohiya dahil ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa pamumuhay

ng mga Pilipino. Kailangan muna nating pag-aralan ng mabuti kung ang teknolohiya ay

may mabuting naitutulong o ito ay nagdudulot ng masamang epekto. Nakasalalay sa

ating mga tao kung paano natin ito gagamitin. Unahin natin ang mabuting epekto. Sa

ating henerasyon ngayon (21st century) masasabing ang kompyuter ay base sa

makabagong teknolohiya na pinaka ginagamit ng mga tao. Pangunahing kagamitan na

ginagamit ng mga nasa industriya, paaralan, kompanya, at mga establisimentong pang

negosyo, malaki ang kontribusyon nito sa mga nabanggit. Ginagamit ang kompyuter sa

pagpapabilis at pagpapadali ng mga paraan o proseso ng gawain o trabaho.

Alinsunod sa pahayag ni Joseph Marie Jacquard (Marso 18 , 2008) Epekto ng

Teknolohiya. Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang teknolohiya ay

nakakabuti o nakakasama. Marami ang naniniwala na ang teknolohiya ay may

masamang epekto sa ating lipunan, pero marami rin ang pabor sa pag-unlad ng

teknolohiya dahil ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino.

Ang mga pananaw na ito ay tama, subalit, kailangan nating pag-aralan ng mabuti kung

ang teknolohiya nga ba ay nakakatulong o nagdudulot.

Alinsunod parin sa pahayag ni John Baquiran (Enero 13 , 2010 ) tungkulin ng mga


11

kabataan ang mag-aral. Kapag ang kabataan ay napagodna sa kanilang pag-aaral, sa

pagrerebyu halimbawa sa kanilang pagsusulit, dalawaang maaaring gawin nila. Una ay

ang magpahinga o matulog para may lakas sila upang ipagpatuloy ang kanilang pag-

aaral. Sa kabilang banda, maaari silang maglaro gamit ang PSP, Laptop at Cellphone o

di kaya’y makinig ng musika sa iPod. Ang mga makabagong kagamitang ito na hatid ng

teknolohiya ay maaaring magdulot ng masama at mabuting epekto. Ayon sa pahayag ni

Jonah L. Tamayo (Feb 11 , 2014 ) Ang Epekto ng Teknolohiya sa Pag-uugali ng mga

Mag-aaral ang tao ay hinuhubog ng kanyang mga mithiin. Ang kanyang puso at

kaluluwa ay hinugis ng bawa’t pagnanasa bilang isang makamundong nilalang.

Mapaghanap, mapusok, malikhain. Ang tao ay hindi tumitigil sa pagkamit ng mga bagay

na dapat mapasa-kamay.

Ayon kay Nicolas Yee, isang Ph.D. ng Communications Department ng Stanford

University, may iba’t- ibang dahilan ang mga kabataan kaya sila naglalaro o gumagamit

ng kompyuter. Nagsimula ang kanyang pangangalap ng impormasyon noong taong

1999 at inilabas ang resulta sa isang web-site na tinawag niyang “The Daedalus

Project”. Sa resulta ng kanyang pag-aaral, nagawa niyang i-grupo ang mga dahilang ito

sa lima at ito ay ang mga sumusunod: achievement, socialization, immersion,

vent/escape at competition.

Ayon kay Bai-Rhema S. Marmay . Isang malaking bahagi ang teknolohiya upang mas

maayos na maipakita ang mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Marami nang mga

naimbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipas na siglo. Halimbawa na

lamang nito ay ang unang praktikal na teleskopyo noong ika-17 na siglo. Ito ay

nagsilbing mahalagang instrumento sa mga mag-aaral ng astronomiya. Sunod dito ay

ang makinarya na nagbigay daan para sa hustong pagbabago ng sistema ng pagtuturo


12

kung saan mas napabilis at epektibo ang pagbuo ng mga basahin. Sa loob lamang ng

ilang dekada, ang kompyuter naman ay naging pangunahing kagamitan para sa

pagtuturo sa ika-21 na siglo.

Noong unang panahon ang mga kabataa'y palaging nasa tahanan lamang. Laging

tumutulong sa kanilang magulang sa gawaing bahay. At naiiba pa ang kanilang

kasuotan yun bang tinatawag nating ‘Maria Klara’ ikanga. At mas makapag-aaral pa sila

ng mabuti dahil noon wala pa itong tinatawag nilang ‘Internet o 'di kaya ay T.V at

Cellphone at iba pa. Hindi pa sila nag bubulakbol o sumasama sa kanilang mga barkada

kung wala ang pahintulot ng kanilang mga magulang, sa madaling salita ang kabataan

noon ay mabait masunurin at may takot sa kanilang mga magulang. At ang isang

napakaganda ng kaugalian noon ay ang paglaro ng mga larong pinoy.

MGA PAMAMARAAN AT METODOLOHIYANG GINAMIT


13

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga epektong nagagawa ng gadyets sa

kabataang 16-18 Ang aming isinasagawang pag-aaral ay descriptive correlation na

pananaliksik. Descriptive correlation ang ginamit namin upang mailarawan ang epekto

ng gadyets sa mga mag-aaral. Correletional upang matukoy ang matukoy ang epekto ng

makabagong gadyets sa kabataan.

Ang mga mananaliksik ay pumili ng labing limang kabataan sa Taal at labing limang

kabataan sa Lemery na nagsilbing respondente na sumagot sa sarbey ng mga

mananaliksik, sa kabuuan ang bilang ng mga respondente ay 30. Ang pagpili ng

respondente mula sa Taal at Lemery ay gagamitan ng convenience sampling.

Ang mga mananaliksik ay nagbigay ng kaunting direksyon sa mga mag-aaral upang

masiguro na kanilang nauunawaan kung paano sagutan ang talatanungan nang may

kawilihan at katapatan.

Ang pananaliksik na ito ay ginawa at binuo ng mga estudyante ng Fame Academy of

Science and Technology. Ginamit ng mananaliksik ang talatanungan o kwestyuner na

sasagutan, gumamit din ang mga mananaliksik ng mga aklat upang matukoy ang ibang

posibleng maging epekto ng gadyets sa kabataan.. Ang mga mananaliksik ay nagpunta

sa Internet at mga silid aklatan sa pagkuha ng mga araling may kinalaman sa pagkupas

at pagbago-bago ng henerasyon ng teknolohiya . Kumuha naman ang mananaliksik ng

ibang estudyante na kapaloob sa aming respondente at pinasagutan ang mga tanong na

nakasaad sa sarbey.

Pagpili ng Disenyo ng Pananaliksik

Pagpili ng mga Respondente ng Pag-aaral


14

Tambilang 2: Daloy ng Pag-aaral


15

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Talahanayan bilang 1

Bilang ng Gadyets na Mayroon ang isang Respondente

Ilang gadyet(s) Bilang Bahagdan (%)


mayroon ang isang
kabataan.
1 9 30
2 8 26.67
3 pataas 13 43.33

Ayon sa nakalap na datos 30% ng respondente ang sumagot ng isa. 26.67%

naman sa dalawa at 43.33% sa tatlo pataas.

Makikita na karamihan sa mga respondente ay gumagamit ng 3 pataas na

gadyets. Habang ang ilan ay isa at dalawa.


16

Talahanayan bilang 2

Edad na Natutong Gumamit ng Makabagong Teknolohiya ang


Respondente

Sa anong edad Bilang Bahagdan (%)


natutuhang gumamit
ng makabagong
teknolohiya ng mga
kabataan.
8-9 14 46.67
10-14 16 53.33
15-18 0 0

Ayon sa nakalap na datos 46.67% ng respondente ang sumagot ng 8-9 taong

gulang. 53.33% naman ang 10-14 taong gulang at walang respondente ang sumagot ng

15-18 taong gulang.

Makikita na karamihan sa mga respondente ay natutong gumamit ng gadyets

noong sila ay 10-14 taong gulang. Habang ang ilan naman ay 8-9 taong gulang pa

lamang.
17

Talahanayan bilang 3

Mga Taong Nakaimpluwensya na Gumamit ng Makabagong Teknolohiya

Nakaimpluwensyang Bilang Bahagdan (%)


gumamit ng
makabagong
teknolohiya.
Kaklase 10 33.33
Kaibigan 6 20
Kamag-anak 14 46.67

Ayon sa nakalap na datos 33.33% ng mga responente ang sumagot na ang mga

nakaimpluwensyang gumamit ng makabagong teknolohiya ay kaklase. 20% naman ang

kaibigan at 46.67% naman ang sumagot ng kamag-anak.

Makikita na karamihan sa mga respondente ay kamag-anak ang

nakaimpluwensya na gumamit ng gadyets. Habang ang ilan ay kaklase at kaibigan ang

nakaimpluwensya.
18

Talahanayan bilang 4

BIlang ng Oras na Ginugugol

Oras na ginugugol sa Bilang Bahagdan (%)


paggamit ng gadyets.

1 4 13.33
2-3 4 13.33
4 pataas 22 73.33

Ayon sa nakalap na datos 13.33% ng respondente ang sumagot ng 1 at 2-3

oras. 73.33% naman ang gumagamit ng higit pa sa apat na oras.

Makikita na karamihan sa mga respondente ay mahigit pa sa apat na oras ang

naigugugol sa paggamit ng gadyets. Habang ang ilan naman ay isa hanggang tatlong

oras lamang.

Talahanayan bilang 5

Makabagong Teknolohiya na Madalas Gamitin


19

Makabagong Bilang Bahagdan (%)


teknolohiya na mainam
na gamitin sa pag-
aaral.

Cellphone 7 23.33
Tablet 0 0
Laptop 17 56.67
Computer 6 20

Ayon sa nakalap na datos 23.33% ng respondente ang sumagot ng cellphone.

56.67% naman sa laptop at 6% naman sa computer. At wala namang respondent ang

sumagot sa tablet

Makikita na karamihan sa mga respondente ay sinasabing mas mainam na

gamitin ang laptop para sa kanilang pag-aaral kaysa sa cellphone at computer.

Talahanayan bilang 6

Mga Tanong tungkol sa Paggamit ng Makabagong Teknolohiya

Tanong Oo Minsan Hindi


F P(%) F P(%) F P(%)
20

Nakakaapekto ba sa pag-aaral ang paggamit mo ng 18 60 11 36.67 1 3.33


makabagong teknolohiya?
Nawawalan ka ba ng oras sa pag-aaral dahil sa paggamit 14 46.67 7 23.33 9 30
mo ng makabagong teknolohiya?
Napagalitan ka na ba ng magulang mo dahil sa paggamit 18 60 7 23.33 5 16.67
ng makabagong teknolohiya?
Nakakaapekto ba sa pag-uugali mo ang paggamit ng 5 16.67 9 30 16 53.33
makabagong teknolohiya?
Nanlalabo ba ang mata mo dahil sa paggamit ng 5 16.67 6 20 19 63.33
makabagong teknolohiya?
Nahihilo ka ba dahil sa paggamit ng makabagong 8 26.67 9 30 13 43.33
teknolohiya?
Nakakalimutan mo ba ang pagkain dahil sa paggamit ng 7 23.33 10 33.33 13 43.33
makabagong teknolohiya?
Naranasan mo na bang mapuyat dahil sa paggamit ng 23 76.67 7 23.33 0 0
makabagong teknolohiya?
Nakakaapekto ba ang paggamit ng makabagong 14 46.67 9 30 7 23.33
teknolohiya sa relasyon mo sa ibang tao?
Naranasan mo na bang malayo sa pamilya o sa kaibigan 4 13.33 7 23.33 19 63.33
mo dahil sa paggamit ng makabagong teknolohiya?
Naranasan mo na bang may makaaway dahil sa paggamit 11 36.67 7 23.33 12 40
ng makabagong teknolohiya?
Nakakaramdam ka na ba ng pananakit ng ulo dahil sa 10 33.33 13 43.33 7 23.33
paggamit ng makabagong teknolohiya?
Nawawalan ka ba ng oras makihalubilo sa mga kaibigan o 5 16.67 13 43.33 12 40
pamilya mo dahil sa makabagong teknolohiya?
Nagkamit ka na ba ng mababang marka dahil sa sobrang 5 16.67 8 26.67 17 56.67
paggamit ng makabagong teknolohiya?
Nagtataglay ba ng magandang resulta sa gawaing-aralin 17 56.67 10 33.33 3 10
ng mga estudyante ang paggamit ng teknolohiya sa
makabagong pamamaraan ng pagtuturo?

Ayon sa nakalap na datos 60% ng respondente ang sumagot na nakakaapekto

sa pag-aaral ang paggamit ng makabagong teknolohiya, 36.67% naman sa minsan

lamang ito nakakaapekto at 3.33% naman sa hindi ito nakakaapekto. 46.67% ang

nagsabi na nawawalan sila ng oras sa pag-aaral dahil sa paggamit ng teknolohiya at

23.33% naman ang nagsasabi na minsan ay nawalan na sila ng oras dahil dito. At 30%

ang nagsabi na hindi sila nawawalan ng oras sa pag-aaral dahil sa pag-gamit. 60% ang

nagsabi na napapagalitan sila ng kanilang magulang dahil sa paggamit ng teknolohiya,


21

23.33% ang nagsabi na minsan lamang sila napagalitan at 16.67 ang sumagot na hindi

pa sila napapagalitan ng kanilang magulang. 16.67% ang nagsabi na nakaapekto sa

pag-uugali nila ang paggamit ng makabagong teknolohiya, 30% ang sumagot na minsan

lamang ito nakakaapekto sa paggamit nila at 53.33% ang nagsabi na hindi

nakakaapekto ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa pag-uugali nila. 16.67%

ang sumagot na nanlalabo na ang kanilang mata dahil sa paggamit ng teknolohiya, 20%

ang nagsabi na minsan lamang nanlalabo ang kanilang mata at 16.63% ang nagsabi na

hindi nanlalabo ang kanilang mata dahil sa paggamit ng makabagong teknolohiya.

26.67% ang sumagot na nahihilo sila sa paggamit ng makabagong teknolohiya, 30%

ang nagsabi na minsan lamang sia nahihilo dahil sa paggamit nito at 43.33% ang

sumagot na hindi sila nahihilo dahil sa paggamit ng teknolohiya. 23.33% ang nagsabi na

nakakalimutan nilang kumain dahil sa paggamit ng teknolohiya, 33.33% ang nagsabi na

minsan lamang nila nakakalimutan kumain, at 43.33% ang nagsabi na hindi nila

nakakalimutan kumain dahil sa paggamit ng makabagong teknolohiya. 76.67% ang

sumagot na nagpupuyat sila dahil sa paggamit ng teknolohiya, 23.33% ang sumagot na

minsan lamang sila magpuyat dahil sa paggamit nito at walang sumagot na hindi sila

nagpupuyat dahil sa paggamit ng tekolohiya. 46.67% ng nagsabi na nakakaapekto ang

paggamit ng teknolohiya sa relasyon sila sa ibang tao, 30% ang nagsabi na minsan

lamang ito nakakaapekto sa relasyon nila sa ibang tao, at 23.33% ang nagsabi na hindi

ito nakakaapekto sa relasyon nila sa ibang tao. 13.33% ang sumagot na naranasan na

nilang mayo sa pamilya at kaibigan dahil sa paggamit ng teknolohiya, 23.33% ang

sumagot na minsan lamang nila ito narasan, at 63.33% ang nagsabi na hindi pa nila ito

nararanasan. 36.67% ang nagsabi na may nakaaway na sila dahil sa paggamit ng

teknolohiya, 23.33% ang nagsabi na minsan lamang sila may nakakaaway dahil sa
22

paggamit nito, at 40% ang nagsabi na hindi pa nila nararanasan na may makaaway

dahil sa paggamit ng teknolohiya. 33.33% ang sumagot na nakaramdam na sila ng

pananakit ng ulo dahil sa paggamit ng teknolohiya, 43.33% ang sumagot na minsan

lamang sumasakit ang kanilang ulo dahil sa paggamit nito, at 23.33% ang nagsabi na

hindi pa sila nakakaramdam ng pananakit ng ulo dahil sa paggamit ng teknolohiya.

16.67% ang sumagot na nawawalan sila ng oras makihalubili sa mga kaibigan at

pamilya nila dahil sa paggamit ng teknolohiya, 43.33% ang nagsabi na minsan lamang

sila nawawalan ng oras, at 40% ang nagsabi na hindi sila nawawalan ng oras

makihalubilo sa mga kaibigan at pamliya nila dahil sa paggamit nito. 16.67% ang

nagsabi na nagkamit na sila ng mababang marka dahil sa paggamit ng teknolohiya,

26.67% ang sumagot na minsan lamang sila nagkamit ng mababang marka dahil sa

paggamit nito, at 56.67% ang nagsabi na hindi sila nagkamit ng mababang marka dahil

sa paggamit ng teknolohiya. 56.67% ang sumagot na nagtataglay ng magandang

resulta sa gawaing-aralin ng mga estudyante ang paggamit ng teknolohiya sa

makabagong pamamaraan ng pagtuturo, 33.33% naman ang nagsabi na minsan lamang

ito nagtataglay ng magandang resulta, at 10% ang sumagot na nagtataglay ng

magandang resulta sa gawaing-aralin ng mga estudyante ang paggamit ng teknolohiya

sa makabagong pamamaraan ng pagtuturo.

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makakalap ng pananaw at opinyon ng mag-

aaral tungkol sa epekto ng sobrang paggamit ng makabagong teknolohiya.


23

Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng Descriptive Correlation upang ipakita ang

epekto ng sobrang paggamit ng makabagong teknolohiya . ito’y nagpapakita ng isang

paglalarawan ng kasalukuyang kalagayan. Ito’y isang berbal na paglalarawan. Ang mga

respondente ay binubuo ng limampung (30) mag-aaral mula sa Taal at Lemery.

Isinagawa ang pag-aaral na ito sa bayan ng Taal at Lemery. Ginagamit ang

bahagdan at distribusyon ng dalas upang ilarawan ang propayl ng pag-aaral. Mean

naman ang ginamit sa pagtukoy sa pinakamadalas gamitin na gadyets sa pag-aaral ng

mag-aaral.

Ang mga datos ay ginamit bilang impormasyon. Sa pamamagitan nito malalaman

ang porsyento ng mga estudyanteng sumasang-ayon kung nakakaapekto nga ba sa

kanila ang gadyets.

Nakalap at naisaayos ng mga mananaliksik ang mga datos at impormasyong

kinakailangan sa pag-aaral na ito. Ang istatistikal tritment na gagamitin sa datos ay

P=f/n x100. Nakamit at nagawa rin ng mga mananaliksik ang kanilang layunin sa

paggawa ng nasasabing pag-aaral.

Batay sa mga datos na nakalap at nasuri ng mga mananaliksik, mas maraming

kabataan ang may apat o mas marami pang gadyets na nasa apatnapu’t-tatlong

porsiyento (43.33%) Ayon sa ginawang sarbey, edad 10-14 natututong gumamit ng

makabagong teknolohiya ang mga kabataan, na may porsiyentong limampu’t- tatlong

(53.33%) at naipakita rin sa sarbey na ang mga kamag-anak ang may pinakamalaking

impluwensya sa paggamit ng makabagong teknolohiya na may apatnapu’t- anim na

porsiyento (46.67%). Ayon sa nakalap na datos 13.33% ng respondente ang sumagot

ng 1 at 2-3 na oras. 73.33% naman ang gumagamit ng higit pa sa apat na oras. Ayon
24

sa nakalap na datos 23.33% ng respondente ang sumagot ng cellphone. 56.67% naman

sa laptop at 6% naman sa computer. At wala namang taga-tugon ang sumagot sa

tablet. Base rin sa pananaw ng mga taga-tugon, pitumpu’t-anim na porsiyento (76.67%)

ang sumasang-ayon na nakadudulot ng pagkapuyat ang sobrang paggamit ng gadyets.

Hindi naman sumasang-ayon ang mga taga-tugon na nanlabo ang kanilang paningin

dahil sa paggamit ng makabagong teknolohiya na may animnapu’t- tatlong porsiyento

(63.33%)

Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong-pagpapakumbabang itinatagubilin ng

mga mananaliksik ang mga sumusunod:

a. Para sa mga kabataan, kailangang bawasan ang paggugol ng maraming oras sa

paggamit ng makabagong teknolohiya lalo kung ginagamit lamang ito sa di

mahahalagang bagay tulad ng paglalaro at iba pa.

b. Para sa mga magulang, pagtuunan nila ng pansin ang kanilang mga anak lalong

lalo na pagdating sa paggamit nila ng makabagong teknolohiya para

masubaybayan nila at hindi maligaw ng landas ang kanilang mga anak.

c. Sa mga iba pang mananaliksik. Ipagpatuloy at palawakin pa ang pag-aaral na ito

tungo sa pagtuklas ng mas marami at higit pang kaugnay ng mga datos o

impormasyon maaring makatulong sa pagtuklas ng mga suliraning kaugnay ng

pananaliksik na ito.

BIBLIYOGRAPIYA
25

De Vera, R. (2008)

“Epekto ng Teknolohiya: nakakatulong nga ba o nakakasama?” galing sa


https://teknolohistangpinoy.wordpress.com/2008/03/18/c-epekto-ng-teknolo
hiya-nakakatulong-nga-ba-o-nakakasama/

Epekto ng teknolohiya galing sa


https://tonite.abante.com.ph/epekto-ng-teknolohiya.htm

Epekto ng Teknolohiya sa ating Kalusugan galing sa


https://jmlxoxo.wordpress.com/

Mabuti at masamang epekto ng kompyuter galing sa


http://gabaysapagpilingcourse.blogspot.com/2008/10/mabuti-at-masamang-
epe kto-ng-kompyuter.html

Madeja, J. (2011)
“Makabagong teknolohiya tulong sa edukasyon” galing sa
http://cjefo1.blogspot.com/2011/12/makabagong-teknolohiya-tulong-sa.htm
l
Mangiral, A.R. (2017)
“Ang mabuti at masamang epekto ng paggamit ng kompyuter ng mga mag-
aaral sa Senior high school sa mataas na paaralan ng Caluluan” galing sa
https://www.academia.edu/37115248/_ANG_MABUTI_AT_MASAMANG_EPE
KTO_NG_PAGGAMIT_NG_KOMPYUTER_NG_MGA_MAG-AARAL_SA_SENIOR_
HIGH_SCHOOL_SA_MATAAS_NA_PAARALAN_NG_CALULUAN

Revilla, J. (2016)

“Mabuti at di – mabuting epekto ng paggamit ng Teknolohiya” galing sa


https://prezi.com/juyo3s6bene0/mabuti-at-di-mabuting-epekto-ng-paggamit
-ng-teknolohiya/

UGAY, L. L. (2013)
26

“Epekto ng Kompyuter sa mga Estudyante” galing sa


http://www.authorstream.com/Presentation/bcdxyza-1473381-epekto-ng-ko
mpyuter-sa-mga-estudyante/

APENDIKS A
27

Fame Academy of Science and Technology(FAST)

Calle A. Delas Alas,Taal,Batangas

OSCAR S. MANALO Jr.

Director, Fame Academy of Science and Technology

Taal, Batangas

Dear Mr. Manalo Jr.

Kami po, mga mag-aaral ng ikaw-11 baitang, Pasteur, ng Fame Academy of


Science and Technology, ay humihingi ng permiso sa darating na Abril 27-28, 2019
upang magsagawa ng sarbey sa bayan ng Taal at Lemery para po sa aming
isinasagawang pagaaral tungkol sa “Epekto ng Sobrang Paggamit ng Makabagong
Teknolohiya sa mga Kabataang Edad 16 hanggang 18 sa Taal at Lemery”. Kami po ay
sasamahan ni Ginang Glenda Martinez, nanay ni Joanna Glenn Martinez.

Kami po ay umaasa sa inyong pahintulot sa aming gagawing ito.

Lubos na gumagalang,

SHERWIN A. BALDERAMA CHRISTINE ANTOINETTE CAGUICLA

KYLA MAE N. CASTILLO


JOANNA GLENN
Mga Mag-aaral ng Pananaliksik
A. MARTINEZ

BINIGYANG PANSIN:

FLORENCIA H. CATAPAT
Gurong Tagapamahala
11- Filipino
28

APENDIKS B
Liham para sa mga Taga-tugon
Fame Academy of Science and Technology (FAST)

Calle A. Delas Alas, Taal, Batangas

April __, 2019

Mahal naming Tagatugon:

Kami po ay mga mag-aaral ng ika-11 baitang, Pasteur, ng Fame Academy of Science and
Technology na nagsasagawa ng pag-aaral tungkol sa “Epekto ng Sobrang Paggamit ng
Makabagong Teknolohiya sa mga Kabataang Edad 16 hanggang 18 sa Taal at Lemery”.

Kaugnay nito, kami po ay naghanda ng talatanungan kung saan ang mga datos ay kokolektahin
at susuriin.

Nais po namin sana kayong maging isang tagatugon sa aming pananaliksik.

Ang inyo pong magiging tapat na kasagutan ay makatutulong nang malaki sa tagumpay ng
aming pananaliksik.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon. Nawa’y patnubayan kayo ng Poong Maykapal.

Lubos na gumagalang,

SHERWIN A. BALDERAMA CHRISTINE ANTOINETTE CAGUICLA

JOANNA GLENN A. MARTINEZ


KYLA MAE N. CASTILLO

Mga Mag-aaral ng Pananaliksik


BINIGYANG PANSIN:

FLORENCIA H. CATAPAT
Gurong Tagapamahala
11- Filipino
29

APENDIKS C

Talatanungan

“Epekto ng Sobrang Paggamit ng Makabagong


Teknolohiya sa mga Kabataang Edad 16 hanggang 18
sa Taal at Lemery”

PANUTO: Bilugan ang titik na tutugma sa iyong sagot sa mga katanungan. Ang mga
impormasyong iyong ibibigay ay makakatulong sa kalakasan o kahinaan ng pananaliksik.
Sagutin ang mga talatanungan ng pawang katotohanan lamang.

1. Ilang gadyet(s) mayroon ka?


a. 1
b. 2
c. 3 o pataas
2. Anong edad ka natutong gumamit ng makabagong teknolohiya?
a. 8-9
b. 10-14
c. 15-18
3. Sino ang nakaimpluwensya sayo na gumamit ng makabagong teknolohiya?
a. Kaklase
b. Kaibigan
c. Kamag-anak
d. Ibang sagot, ___________________
4. Ilang oras ang ginugugol mo sa paggamit ng gadyets??
a. 1-2
b. 2-3
30

c. 4 o pataas
5. Ano ang makabagong teknolohiya ang mas mainam gamitin sa pag-aaral?
a. Cellphone
b. Tablet
c. Laptop
d. Computer
e. Ibang sagot, _____________________

PANUTO: Lagyan ng tsek (✔) ang kolum na kung saan magtutugma sa iyong karanasan
sa paggamit ng makabgong teknolohiya. Ang mga impormasyong iyong ibibigay ay
makakatulong sa kalakasan o kahinaan ng pananaliksik. Sagutin ang talatanungan ng
pawang katotohanan lamang.

Tanong OO MINSAN HINDI


Nakakaapekto bas a pagaaral mo ang paggamit mo ng
makabagong teknolohiya?

Nawawalan ka ba ng oras sa pagaaral dahil sa paggamit


mo ng makabagong teknolohiya?
Napagalitan ka na bang magulang mo dahil sa paggamit
ng makabagong teknolohiya?
Nakakaapekto bas a pag-uugali mo ang paggamit mo ng
makabagong teknolohiya?
Nanlalabo ba ang mga mata mo dahil sa paggamit ng
makabagong teknolohiya?
Nahihilo ka ba dahil sa paggamit ng makabagong
teknolohiya
Nakakalimutan mo ba ang pagkain dahil sa paggamit ng
makabagong teknolohiya?
Naranasan mo na bang mapuyat dahil sa paggamit ng
makabagong teknolohiya?
31

Nakakaapekto ba ang paggamit ng makabagong


teknolohiya sa relasyon mo sa ibang tao?
Naranasan mo na bang malayo sa pamilya o kaibigan
dahil sa paggamit ng makabagong teknolohiya?
Naranasan mo na bang may makaaway dahil sa
paggamit ng makabagong teknolohiya?
Nakakaramdam ka na ba ng pananakit ng ulo dahil sa
paggamit ng makabagong teknolohiya?
Nawawalan ka ba ng oras makihalubilo sa mga kaibigan
o pamilya dahil sa paggamit ng makabagong
teknolohiya?
Nagkamit ka na ba ng mababang marka dahil sa sobrang
paggamit ng makabagong teknolohiya?
Nagtataglay ba ng magandang resulta sa gawaing-aralin
ng mga estudyante ang paggamit ng teknolohiya sa
makabagong paraan ng pagtuturo?

APENDIKS D
32

Tanong OO MINSAN HINDI


Nakakaapekto ba sa pagaaral mo ang paggamit mo ng
18 11 1
makabagong teknolohiya?

Nawawalan ka ba ng oras sa pagaaral dahil sa paggamit


14 7 9
mo ng makabagong teknolohiya?
Napagalitan ka na bang magulang mo dahil sa paggamit
18 7 5
ng makabagong teknolohiya?
Nakakaapekto ba sa pag-uugali mo ang paggamit mo ng
5 9 16
makabagong teknolohiya?
Nanlalabo ba ang mata mo dahil sa paggamit ng
5 6 19
makabagong teknolohiya?
Nahihilo ka ba dahil sa paggamit ng makabagong
8 9 13
teknolohiya
Nakakalimutan mo ba ang pagkain dahil sa paggamit ng
7 10 13
makabagong teknolohiya?
Naranasan mo na bang mapuyat dahil sa paggamit ng
23 7 0
makabagong teknolohiya?
Nakakaapekto ba ang paggamit ng makabagong
14 9 7
teknolohiya sa relasyon mo sa ibang tao?
Naranasan mo na bang malayo sa pamilya o kaibigan mo
4 7 19
dahil sa paggamit ng makabagong teknolohiya?
Naranasan mo na bang may makaaway dahil sa
11 7 12
paggamit ng makabagong teknolohiya?
Nakakaramdam ka na ba ng pananakit ng ulo dahil sa
10 13 7
paggamit ng makabagong teknolohiya?
Nawawalan ka ba ng oras makihalubilo sa mga kaibigan
o pamilya mo dahil sa paggamit ng makabagong 5 13 12
teknolohiya?
Nagkamit ka na ba ng mababang marka dahil sa sobrang
5 8 17
paggamit ng makabagong teknolohiya?
33

Nagtataglay ba ng magandang resulta sa gawaing-aralin


ng mga estudyante ang paggamit ng teknolohiya sa 17 10 3
makabagong paraan ng pagtuturo?

APENDIKS E
Porsyento ng mga Kasagutan sa mga nagiging Epekto ng sobrang
34

Paggamit ng Makabagong Teknolohiya

TANONG BLG.1

f
f (MINSAN) Percentage = x 100 %
(OO) Percentage = x 100 % N
N
7
18 = x 100 %
= x 100 % 30
30
= 23.33%
= 60.0%

f
f (HINDI) Percentage = x 100 %
(MINSAN) Percentage = x 100 % N
N
9
11 = x 100 %
= x 100 % 30
30
= 30.0%
= 36.67%

f TANONG BLG.3
(HINDI) Percentage = x 100 %
N

1 f
x 100 % (OO) Percentage = x 100 %
= N
30

= 3.33%
18
= x 100 %
30

= 60.0%
TANONG BLG.2

f
(OO) Percentage = x 100 % f
N (MINSAN) Percentage = x 100 %
N
14
= x 100 % 7
30 = x 100 %
30
= 46.67%
= 23.33%
35

5
= x 100 %
30
f
(HINDI) Percentage = x 100 %
N = 16.67%

5
= x 100 %
30
f
(MINSAN) Percentage = x 100 %
= 16.67% N

TANONG BLG.4 6
= x 100 %
30
f = 20.0%
(4OOPercentage = x 100 %
N

5
= x 100 %
30 f
(HINDI) Percentage = x 100 %
N
= 16.67%
19
= x 100 %
30
f = 63.33%
(MINSAN) Percentage = x 100 %
N
TANONG BLG.6
9
= x 100 %
30 f
(OO) Percentage = x 100 %
N
= 30.0%
8
= x 100 %
30
f = 26.67%
(HINDI) Percentage = x 100 %
N

16
= x 100 %
30 f
(MINSAN) Percentage = x 100 %
N
= 53.33%
9
TANONG BLG.5 = x 100 %
30

f = 30.0%
(OO) Percentage = x 100 %
N
36

f = 76.67%
(HINDI) Percentage = x 100 %
N

13
= x 100 % f
30 (MINSAN) Percentage = x 100 %
N
= 43.33%
7
= x 100 %
TANONG BLG.7 30

= 23.33%
f
(OO) Percentage = x 100 %
N

7 f
= x 100 % (HINDI) Percentage = x 100 %
30 N

= 23.33% 0
= x 100 %
30

= 0%
f
(MINSAN) Percentage = x 100 %
N TANONG BLG.9

10
= x 100 % f
30 (OO) Percentage = x 100 %
N
= 33.33%
14
= x 100 %
30

f = 46.67%
(HINDI) Percentage = x 100 %
N

13
= x 100 % f
30 (MINSAN) Percentage = x 100 %
N
= 43.33%
9
= x 100 %
TANONG BLG.8 30

= 30.0%
f
(OO) Percentage = x 100 %
N

23 f
= x 100 % (HINDI) Percentage = x 100 %
30 N
37

7 f
= x 100 % (MINSAN) Percentage = x 100 %
30 N

= 23.33% 7
= x 100 %
30
TANONG BLG.10
= 23.33%
f
(OO) Percentage = x 100 %
N
f
4 (HINDI) Percentage = x 100 %
= x 100 % N
30
12
= 13.33% = x 100 %
30

= 40%
f TANONG BLG.12
(MINSAN) Percentage = x 100 %
N

7 f
= x 100 % (OO) Percentage = x 100 %
30 N

= 23.33% 10
= x 100 %
30

= 33.33%
f
(HINDI) Percentage = x 100 %
N

19 f
= x 100 % (MINSAN) Percentage = x 100 %
30 N

= 63.33% 13
= x 100 %
30
TANONG BLG.11
= 43.33%
f
(OO) Percentage = x 100 %
N
f
11 (HINDI) Percentage = x 100 %
= x 100 % N
30
7
= 36.67% = x 100 %
30
38

= 23.33% 8
= x 100 %
30
TANONG BLG.13
= 26.67%
f
(OO) Percentage = x 100 %
N
f
5 (HINDI) Percentage = x 100 %
= x 100 % N
30
17
= 16.67% = x 100 %
30

= 56.67%
f TANONG BLG.15
(MINSAN) Percentage = x 100 %
N
f
13 (OO) Percentage = x 100 %
= x 100 % N
30
17
= 43.33% = x 100 %
30

= 56.67%
f
(HINDI) Percentage = x 100 %
N
f
12 (MINSAN) Percentage = x 100 %
= x 100 % N
30
10
= 40.0% = x 100 %
30
TANONG BLG.14 = 33.33%

f
(OO) Percentage = x 100 %
N
f
(HINDI) Percentage = x 100 %
5 N
= x 100 %
30
3
= x 100 %
= 16.67%
30

= 10%

f
(MINSAN) Percentage = x 100 %
N
39

You might also like