Q3 Fil 10 3 and 4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

CAGDIANAO NATIONAL HIGH SCHOOL

Cagdianao, Province of Dinagat Islands

Ikatlong Markahan
LAGUMANG PAGSUSULIT- 3
Filipino 10

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Ilagay ang sagot
sa ZIPGRADE na inilakip sa inyong test questionnaire.

1. Anong uri ng akdang pampanitikan ang nagsasalaysay ng kabayanihan at ang


tauhan ay may taglay na katangiang kalahati’y tao at kalahati’y supernatural?
A. Epiko B. Nobela C. Sanaysay D. Tula
2. Bilang isang akda, ang epiko ay ipinahahayag sa iba’t ibang paraan. Alin sa
sumusunod ang hindi kabilang sa mga paraang ito?
A. Paawit B. Pasalita C. Patalumpati D. Patula
3. Ilan ang kalimitang bilang ng mga linya ng isang epikong isinulat nang patula?
A. 100 hanggang 5,000 C. 1,000 hanggang 50,000
B. 1,000 hanggang 5,000 D. 1,000 hanggang 55,000
4. Ang epiko bilang isang akda ay sumasalamin ng mga pagpapahalaga. Alin sa mga
sumusunod ang hindi kabilang sa mga pagpapahalagang ito?
A. Kasaysayan B. Kultura C. Tradisyon D. Wala sa nabanggit
5. Alin sa mga sumusunod na katangian ang tumutukoy sa epiko bilang isang
akdang pampanitikan?
A. Kuwento ng pag-iibigan
B. Kuwentong supernatural
C. Salaysay ng mga karanasan
D. Salaysay ng kabayanihan na may katangiang supernatural
6. Sino ang ama ng pangunahing tauhan ng epikong Sundiata?
A. Balla Fasséke B. Maghan Kon C. Mari Djata D. Sogolon Kadjou
7. Sino ang anak ni Maghan Kon kay Sassouma Bérété sa epikong Sundiata?
A. Balla Fasséke B. Dankaran Touma C. Manding Bory D.
Noumounkeba
8. Dahil sa paninibugho ni Sassouma kay Sogolon, ipinatapon niya ang pamilya nito.
Saan niya ipinatapon ang buong mag-anak kung saan sila ay namuhay nang isang
kahig isang tuka?
A. Sa palasyo C. Sa likod ng palasyo
B. Sa kaharian ng Mema D. Sa isang malayong kaharian
9. Nang mabigo sa si Sassouma sa balak na pagpatay kay Sundiata, itinaboy sila
nito sa Niani. Saan namalagi si Sundiata sampu ng kanyang mga kadugo?
A. Sa kaharian ng Mema C. Sa kaharian ng Niger
B. Sa kaharian ng Dayala D. Sa kaharian ng Sosso
10. Ano ang nag-udyok kay Sassouma para hamakin si Sogolon at itaboy o
tangkaing ipapatay si Mari Djata?
A. Likas na pagkamapanlait nito
B. Kagustuhang maagaw ang pagmamahal ni Maghan Kon
C. Sobrang paninibugho at pagnanais na si Dankaran ang humalili sa
trono ng ama nito
D. Labis na pagnanais na pamunuan at maging Inang Reyna ng kaharian
ng Niani
Para sa blg. 11-15
11. Batay sa pangyayari, sino ang binalak ngunit nabigong patayin?
A. Dankaran B. Manding Bory C. Sassouma D. Sundiata
12. Anong salita ang kaugnay ng salitang may salungguhit sa talata?
A. Pag-alpas B. Pagligtas C. Pagpatay D. Pagtakas
13. Batay sa tunggalian nina Djata at Soumaoro sa epikong binasa at kung
ihahambing, kaninong kilalang personalidad ng kasaysayan sila maitutulad?
A. Ferdinand Magellan at Lapu-lapu
B. George W. Bush at Saddam Hussein
C. Benigno Aquino II at Ferdinand Marcos
D. Nelson Rolihlahla Mandela at Oliver Tambo
14. Ayon sa akda, bakit dininig ng Panginoon ang panalangin ni Sogolon para sa
anak na si Djata?
A. Dahil sa kapangyarihan ni Balla Fasséké
B. Dahil sa ito ay itinakdang mangyari noon pa man
C. Dahil ito ay gantimpala niya bilang ikalawang asawa ni Maghan Kon
D. Dahil siya ay isang huwarang asawa at ina – mapagmahal at may paggalang
15. Bilang isang akda, ang epiko ay sumasalamin ng iba’t ibang pagpapahalaga. Alin
ang kabilang sa mga pagpapahalagang ito?
A. Kasaysayan B. Kultura C. A at B D. Wala sa nabanggit

16-25. Panuto: Tukuyin kung saan nauugnay ang mga salitang ibinigay sa bawat bilang. Isulat ang
TITIK ng kaugnay sa salita sa inyong ZIPGRADE.
A. pangdu B. kanugnog C. kapangyariha D. paninibugho
dusta n

16. lakas
17. panlalait
18. pangingimbulo
19. kapasidad
20. karatig
21. pagkainggit
22. impluwensiya
23. katabi
24. panghahamak
25. pang-iinsulto

CAGDIANAO NATIONAL HIGH SCHOOL


Cagdianao, Province of Dinagat Islands

Ikatlong Markahan
LAGUMANG PAGSUSULIT- 4
Filipino 10

Panuto: a. Piliin ang angkop na kahulugan ng salitang may salungguhit.


b. Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Ilagay ang sagot
sa ZIPGRADE na inilakip sa inyong test questionnaire.
A.)
1. Likas na sa mga taong kasapi ng isang tribo ang pagsusuot ng ilan nilang
palamuti.
A. abubot B. dekorasyon C. koloriti D. tattoo
2. Isang masamang balita naman noon ang ipinabatid ni Obeirika nang minsang
nagdala siya ng pinagbilhan kay Okonkwo
A. ipinaalam B. inusisa C. isinangguni D. itinanong
3. Nakasanayan na ni Bing na magpatirintas lage ng kanyang buhok kay Mina.
A. Nagpagupit B. Nagpapusod C. Nagpasalapid D. Nagpatali
4. Ipinagdiwang ni Okonkwo na kaniyang napagwagihan ang pamumuno ng
kanilang tribo kasama ng kaniyang mga asawa.
A. Naisakatuparan C. Napanalunan
B. Nalampasan D. Nagpagtagumpayan
5. Kagimbal-gimbal na trahedya ang bumulaga sa lahat ng mga naroon ng pumutok
ang baril ni Okonkwo at tamaan ang labing-anim na taong gulang na anak ng
yumao.
A. Kagulat-gulat B. Kalunos-lunos C. Kataka-taka D. Katakot-takot

B.)
6. Ilang taon noon si Okonkwo nang matalo niya sa isang labanan si Amalinze?
A. Labing-anim na taon C.Labingwalong taon
B. Labinglimang taon D. Sampung-taon
7. Siya ang natatanging ama ni Okonkwo.
A Ezedu B. Obeirika C. Umuofia D. Unoka
8. Nagkasakit noon ang anak na babae ni Okonkwo na si Ezinma. Ano ang
nagpagaling sa kanya?
A. Albolaryo C. Halamang gamut
B. Doktor D. Pag-alay ng dasal
9. Siya ay isang matandang taga Umuofia na may planong patayin si Ikemefuna.
A. Obeirika B. Ogbuefi Ezeudo C. Okonkwo D. Unoka
10. Naglalahad ito ng mga pangyayaring pinaghahabi sa isang mahusay na pagbaba-
langkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin sa
tauhan at ng hangarin ng katunggali sa kabila.
A. pabula B. maikling kwento C. nobela D. sanaysay
11. Ito ang lugar at panahon ng mga pinangyarihan ng isang nobela.
A. banghay B. pananalita C. simbolismo D. tagpuan
12. Paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
A. istilo B. pamamaraan C. Pananalita D. tema
13. Espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng mascara ang tribo at sumasanib sila
kung may nais lutasin na isang krimen.
A. Cowrie B. Egwugwu C. Ekwe D. Ogene
14. Malaking metal bell na ginagawa ng mga igbo sa Nigeria.
A. big Bell B. kampana C. ogene D. talking bell
15. Makakamit naman ang maayos na paghahanda ng iskrip kung masusing
bibigyan ng tuon hindi lamang ang pagkakaugnay ng mga pangyayari kundi sa
____________.
A. Pagbuo ng mga diyalogo C. Pagkakaroon ng magaling na manunulat
B. Pagkuha ng mga actor D. Paghahanap ng lugar na tatanghalan

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga pangungusap sa ibaba at tukuyin kung
anong batis ng impormasyon napapabilang ang mga ito. Isulat sa zipgrade ang
letra “A” kung ito ay Primarya at “D” kung ito ay sekondarya.
_____16. Tinawagan ni Ben ang kanyang Tiyo na nagtatrabaho bilang punong-
guro sa isang mataas na paaralan upang makapanayam ito at upang
makompleto ang kanyang Pananaliksik.
_____17. Matiyagang pinakinggan ng mga Pilipino ang naging talumpati ng
Pangulo.
_____18. Ayon sa mga kwento-kwento, karamihan daw sa mga Aprikano ay hindi
nakapag-aral dahil sa diskriminasyon at rasismo.
_____19.Ibinahagi ni Lyn sa kanyang mga kaklase ang kanyang ginawang
powerpoint presentation tungkol sa magagandang katangian ng Africa.
_____20.Kinilala ni Andy ang isang sikat na manunulat mula Africa sa
pamamagitan ng kanyang awtobayograpi.

Panuto: Piliin sa mga titik sa ibaba ang tinutukoy ng mga konsepto sa bawat
bilang. Titik lamang ang isulat bago ang bilang.

A. Batis ng impormasyon C. Primaryang batis


B. Komunikasyon D. Sekondaryang batis

_____ 21. Ito ay sources ng impormasyon na nakukuha ng mga nagbabasa at


nakikinig.
_____ 22. Journal, talaarawan, diary
_____ 23. Diksyunaryo at aklat
_____ 24. Naglalaman ito ng impormasyon na galing mismo sa bagay o taong pinag-
uusapan sa kasaysayan.
_____ 25. Batayang ang impormasyon ay mula sa pangunahing batis ng kasaysayan.

PERFORMANCE TASK 3-4


A. Panuto:
1. Sa bawat seksyon, hanapin ang kaklase na kapitbahay o ka-barangay.
Bumuo ng isang grupo. (isang grupo sa bawat Barangay)

2. Gamit ng iba’t ibang batis ng impormasyon, magsaliksik ng mga


impormasyon tungkol sa magagandang katangian ng Africa o Persia.
Isulat ang sanggunian o reference ng nasaliksik sa huling bahagi ng
gawain.

3. Pumili ng isang tradisyon, paniniwala o magagandang tanawin na makikita


sa AFRICA o PERSIA at bumuo ng isang TRAVELOGUE (maghanap sa
internet ng mga halimbawa). Ilagay ang travelogue sa BOND PAPER at
white folder. Huwag kalimutang isulat sa unang pahina ang mga
miyembro ng grupo, seksyon at Barangay)

PAMANTAYAN:

Pagkamalikhain – 25%
Kalinisan ng awtput- 15%
Nilalaman- 30%
Gamit ng Wika- 30%
_____________________________________
KABUUAN - 100%

You might also like