Pagbasa
Pagbasa
Pagbasa
at Pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa pana
aliksik
Thursday, August 19, 2021
9:00 - 10:00 AM
DALAWANG URI NG KOMBINASIYON
TOP-DOWN
ang pag-unawa ay nagsisismula sa mambabasa.
BOTTOM-UP
ang pag-unawa ay nagsisimula sa teksto
MODELO NG TOP-DOWN
1. Mga kaalaman at Karanasan
2. Mga layunin sa Pagbasa
3. Komprehensiyon ng teksto
MODELO NG BOTTOM-TOP
1. Komprehensiyon ng teksto
2. Pagbasa sa kabuuang teksto
3. Pagbasa sa mga talata
4. Pagbasa sa Pangungusap
5. Pagbasa sa mga Salita
6. Pagbasa sa mga Letra
KAHULUGAN NG PAGBASA
- Ang pagbasa ay proseso ng pag-ayos, pagkuha, at pag-unawa ng anumang uri at
anyo ng impormasyon o ideya na kinakatawan ng mga salita o simbolo na
kailangan tingnanat suriin upang maunawaan.
- Ang pagbasa ay isa sa apat na makorongkasanayang pangwika na mahalaga sa
pakikitalastasan
TEORYANG INTERAKTIBO
- Ito ay isang proseso ng pag-uugnay ng tekstuwal na impormasyng naibibigahy ng mambabasa sa
teksto
- Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down sapagkat ang proseso ng
komprehensyon ay may dalawang direksyon (McCornick, 1998)
- Sa paggamit ng dalawang paraan (bottom-up at top-down), nagaganap ang interaksyon sa
pagitan ng teksto at ng mambabasa. Tio’y nabubuo mula sa kaalaman at ideya na dala ng
mambabasa sa pag-unawa sa teksto.
- Samakatuwid, nakakaroon ng epitibng pag-unawa sa tekstokapag ginagamit ng isang
mambabasa ang kaalaman niya sa ekstruktura ng wika at sa bokabularyo kasabay ang paggamit
ng dating kaalaaman (schema) at mga pananaw.
Kung ikaw ay magbabasa ng isang teksto, ano ang prosesong susundin mo upang maunawaan
ang iyong babasahin?
Pagbuo ng hinuha
Pagtatalakayan
Pagtukoy ng mga salitang hindi pamilyar
Pag-uugnay ng binasa sa karanasan
Pagbasa sa teksto
Pagtatala ng mga posibleng katanungan tungkol sa babasahing teksto
Pag-uusap sa pamagat ng teksto
URI AT HAKBANG SA PAGBASA/ ANTAS NG PAG- UNAWA
MGA LAYUNIN
Pagkatapos makumpleto ang mga aktibidad sa pagkatuto para sa araling ito, ang mag-aaral ay
inaasahang:
a. naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbasa.
b. natutukoy ang iba't ibang uri ng pagbasa at
c. nakabubuo ng isang editorial cartoon batay sa tekstong
binasa.
WILLIAM S. GRAY
Amerikanong Edukador
Tagapagtangkilik ng Literasiya
"Ama ng Pagbasa"
Paskilala o Persepsyon
- Ito ay hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo at maging sa pagbigkas nang wasto sa
mga simbolong nabasa.
- Kasama rin- dito ang pagkilala sa mga salitang may kahulugang konotasyon o denotasyon.
Pag-unawa o Komprehensiyon
- Pagproproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang ipinahahayag ng simbolong nakalimbag na
binasa.
- Ito rin ay pag-unawa sa layunin ng may-akda kung bakit isinulat ang teksto at pag-unawa sa mga
salitang may malalim na kahulugan.
Reaksiyon
- Hinahatulan o pinag-papasiyahan ang kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga ng isang
tekstong.
- Ang pagbibigay ng husga ay naaayon sa lohika, empirical na pag-aaral, at sariling karanasan.
Integrasyon
- Isinama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati nang kaalaman o karanasan.
1. Pag-unawang Literal
Nakatuon ito sa ideya at impormasyong tuwirang nakalahad sa teksto.
Pinaniniwalaang mababang antas lamang ng pag-iisip ang kinakailangan dito.
Ito ay maituturing na mahalaga sapagkat ito ang pundasyon sa paglinang ng mataas na pag-iisip.
2. Interpretasyon
Sinasabing nangangailangan ito ng mataas na antas ng pag-iisip.
Inaasahan sa tagabasa na may kakayahan siya sa paglutas ng suliranin, marunong kumuha ng
ideya o, kaisipan at iba pa: paghihinuha, pagbibigay ng pagkongklusyon, pagbibigay ng
paglalahat at pagkilala ng pagkakatulad o pagkakaiba, pati ang pagtukoy sa sanhi at bunga.
ISKANING
- tumutukoy sa paghahanap ng isang impormasyon sa Isang pahina.
ISKIMING
- mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya.
PREVIEWING
- pamagat - mga pamuhatan
- una at huling talata o pangungusap
- mga buod mga larawan
- talaan ng nilalama
KASWAL
- pansamantala o di-palagian.
PAGBASANG PANG-IMPORMASYON
- Ito’y pagbasang may layunin malaman ang impormasyon.
PAGTATALA
- itoy pagbasang may kasamang pagtala ng mga mahahalagang kaisipan o ideya
ESTRATEHIYANG PAGBUBUOD
- Ito ay impormal at bai-baitang na pagsasalaysay ng banghay ng mga pangyayari. Hindi isinasama
rito ang mga di mahahalagang detalye. Malimit itong ginagamit sa pagsasalaysay ng mga
nabasang kwento, nobela, salaysay, parabola, pabula, gayundin ang panonood ng sine, dula,
talumpati at iba pa.
- Isang paraan ng pagkuha ng kabuuang diwa at mga detayle nito. Ang bawat detalye ay
kailangang ibigay nang sunod -sunod.
URI NG BUOD
• Presis - Maayos at nauunawaang pahayag ng isang orihinal na nagpapanatili sa pangunahing kaisipan,
kayarian o balangkas, pananaw ng awtor at nasusulat ayoss sa himig ng orihinal. Sa pangkalahatang
tuntunin ito ay 1/3 lamang ng orihinal.
Hawig - Itinuturing ito ng mga ilang eksperto sa pagsulat, na isang lehitimong uri ng paglalagom. Layunin
nito na mapalinaw ang malabong katha. Kinakailangan ang paglgmg payak at makabago sa uring ito.
Halaw - Ito ay maikling lagom ng isang pormal na paglalahad gaya ng abstrak ng isang sulating
pananaliksik o tesis ng siyentipikong pag-aaral o anu mang sulating pang-akademiko at legal. Ang haba
ng halaw ayon sa haba ng orihinal
ESTRATEHIYANG ISKIMING
- Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o impresyon, o
kayay pagpili ng materyal nababasahin.
- Madaliang pagbasa ng isang materyal upang magkaroon ng impresyon ukol dito.
- Pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na pagbasangmagagwa ng isang tao.
- Ang gumagamit ng kasanayang ito ay pahapyaw na bumabasa ng mga pahiwatig sa seleksyon
katulad ngpamagat at paksang pangungusap. Binabasa niya nang pahapyaw ang kabuuan ng
seleksyon at nilalaktawan ang mga hindi kawili-wili sakanya sa sandaling iyon.
5 halimbawa ng skiming.
Pagbasa ng unang talata
Pagbasa ng huling talata
Pagbasa sa unang pangungusap ng talata
Pagbasa sa huling pangungusap ng talata
Pagtingin sa heading at subheading
Tekstong Deskriptibo
Ito ay sinasabing makulay, masining at nagpapahayag ng malakas na impresiyon o emoslyon.
Ito ay nagpapahayag ng malinaw at detalyadong paglalarawan sa isang tao, bagay, pook o
panlasa, pandinig, pang-amoy at panghigop.
Layunin nitong magbigay impormasyon sa mga mambabasa hinggil sa mga imaheng inilalarawan
o nilalahad ng may-akda na para bang nakikita ang totoong buhay.
b) Sabhektibo
- Nagbibigay ang may-akda ng sariling impresyon sa bagay na inilalarawan, ayon sa anlyang
nakikita o nadarama upang mapukaw ang emosyon ng mambabasa. Layumn ng ganitong
paglalarawan ang makapanghikayat o makaantig ng damdamin ng mababasa.
Halimbawa:
Ang poso negro sa septic tank ang pinagsisidlan ng dumi at ihi ng tao. Ito ang unang nagsasala at
naglilinis ng duming ito. Delikadong trabaho ang paglilinis ng septic tank sapagkat amoy pa lang nito ay
maaring ikamatay ng naglilinis, Kaya dapat lamang kumpleto ang kagamitan ng naglilinis upang
makaiwas sa nakasusulasok na amoy nlto.
c) Masining na Paglalarawan
- Ang may-akda ay gumagamit ng mga tayutay o di-literal na paglalarawan upang mapukaw ang
guni-guni o imahinasyon ng mambabasa sa tiyak na larawang nililikha ng may- akda.
Halimbawa:
Ang pagkakaibigan ay katulad ng pag-ibig na katulad naman ng buwan: kung lumiliit o palubog,
ito'y lumalaki o bumibilog.
- Ang Pagkakaibigan, tulad din ng Pag-ibig
- Ni. F.C Borlongan
d) Teknikal na Paglalarawan
- Gumagamit ang may-akda ng akma o mga teknikal na mga salita upang makapagbigay ng
eksaktong representasyon sa mga bagay-bagay at pangyayaring kaniyang inilalarawan.
Halimbawa:
Isang napakalakas na lindol ang tumama sa Surigao del Norte at kalapit probinsya nito. IVon sa
ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seiesmology, dalawampu't pitong aftershock ang
naitala nila matapos na tumama ang 6.7 magnitude na lindol. Ang sentro ng paglindol ay nasa
labing-apat na kilometro sa kanlurang bahagi ng Surigao City. Sinabi ng Phivolcs na testonic ang
pinagtnulan ng lindol na may lalim na labing- isang kilometro. Naitala rin ang aftershock sa
Dinagat islands, Burgos, Libjo sa Surigao del Norte at San Dinagat at ilang bahagi ng Soutern
Leyte.
Tekstong Naratibo
TEKSTONG NARATIBO O NAGSASALAYSAY
Nilalayon ng tekstong naratibo na magsalaysay o magkuwento o maglahad ng mga
impormasyon sa mga tiyak na mga pangyayari, personal na karanasan o magkuwento na bunga
ng malikot na pag-iisip.
Sa madaling sabi, ito ay nagsasalaysay ng magkakaugnay na pangyayaring turnutugon sa mga
tanong na ano, sino, kailan, saan, at paano,
Layunin ng tekstong naratibo na magkaroon ng keneksiyon ang mambabasa o awdyens sa mga
karakter at mga panwayari sa kuwento nito,
Naglalayon din itong magbigay ng kabatiran, magturo, manghikayat omagbigay aliw sa mga tao.
Ang tekstong naratibo ay maaming ipahayag nang pasulat, pasalita, palarawan„ o pakanta,
Mga halimbawa ay ang mito, kuwentong-bayan, alamat, nobela, awiting ballad, pelikulm o
programa sa telebisyon, mga larawan sa aklat o kaya'y komik strip.
MGA TAUHAN
Mga karakter na nagbibigay buhay sa takbo ng mga pangyayari sa kuwento,
Ang mga tauhan ay may kani-kaniyang papel na ginagampanan katulad ng tinatawag na...
Protagonista — PangunaHngtauhang tinutukoyna bida sa kuwento
Antagonista —Tavag sa kabaligtaran ng protagonista, madalas kinaiinisan sapagkat ang
tanging papel na ginagampanan nito ay pahirapan angbida sa kuwento.
Bukod dito, may mga tauhan ding tinatawag na .
Tauhang bilog —Ang karakter nito ay nagbabago o nag-iiba ang karakter bago
magwakas ang kuwento.
Tauhanglapad — Konsistenc o hindi nagbabago ang karakter magmula sa simula
hanggangwakas.
TAGPUAN
Tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan ng kuwento, kasama ang panahon, oras, at kapaligiran.
Sa madaling salita, ito ay sumasagot sa mga tanong na saan at kalian naganap ang pangyayari.
BANGHAY
Tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari kung saan ipinapakita ang problemang
kinasasangkutan ng mga tauhan sa kuwento at kung paano ito nabigyang solusyon sa katapusan.
Tekstong Impormatibo
Mga layunin:
Naibibigay ang kahulugan at katangian ng tekstong impdrmatibo
Nauunawaan ang mga elemento ng tekstong impormatibo
Nasasagot ang mga katanungan batay sa paksang tinalakay
Tekstong Impormatibo
Ang tekstong impormatibo ay hindi isang kathang- isip.
Ang tanging intensiyon sa pagkakasulat ng ganitong uri ng teksto ay magbigay ng kabatiran o
magbahagi ng impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksang tinatalakay.
Ito rin ay naglalahad ng mg datos upang makapagbigay-linaw sa mga bagay na nagbibigay ng
kalituhan o agam-agam tungkol sa isang bagay o paksa.
Ang pangunahing layunin ng tekstong ito ay makapagbigay ng impormasyon sa pamamagitan ng
papaliwanag, paglalarawan, argumento, analisis, at presentasyon ng mga ebidensiya.
Wakas — Ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento. Ipinapakita ang kahihinatnan ng pangunahing
tauhan sa kuwento at ang aral na mapupulot mula rito.
DALAWANG (2) ANYO NG TEKSTONG NARATIBO
Piksyon
Tungkol sa likhang-isip ng tao o pangyayari.
Ang mga tauhan mula sa kathang-isip lamang
MGA HALIMBAWA NG PIKSYON
Isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari at mag-iwan ng kakintalan sa
isip ng mga mambabasa.
Isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o mga bagay na walang-buhay ang
gumaganap na mga tauhan at nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa.
Kuwentong Bayan o Folktale
- Mga pasalitang pagsasalaysay sa tradisyong patuluyan. Kinukuwento ito sa pamamagitan ng
natural na pag-uusap na pasalita na karaniwang sa pang-araw-araw na pag-uusap,
Parabula
- Isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa bibliya.
Alamat
Isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
Mitolohiya
Salaysay tungkol sa iba't ibang diyos na pinaniniwalaan ng mga sinaunang katutubo. Ang salaysay na ito
ay tungkol sa kababalaghan at mga paniniwala sa mga anito.
Di-piksyon
Tungkol sa mga totoong tao atPangyayari. Isinasalaysay nito ang mga totoong estado ng mga tauhan at
mga pangyayari sa kuwento.
MGA HALIMBAWA NG DI-PIKSYON
Anekdota
Isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng
isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito lin
ang mga gumagawa ng pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.
Talambuhay
lsang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao na hango sa mga tunay na
tala, pangyayari, at impormasyon.
Personal na Sanaysay
Maikling pagsasalaysay ng sariling tala ng karanasan at pakikipagsapalaran sa buhay ng isang tao.
Takdang Aralin
Saliksikin ang ang mga sumusunod:
1. Kahulugan at Katangian ng Tekstong Impormatibo
Tekstong Impormatibo
Mga Layunin
Nabibigyang halaga ang mga uri ng tekstong impormatibo
Natutukoy ang mga uri ng tekstong impormatibo
Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling
halimbawang tekstong impormatibo
Uri ng Tekstong Impormatibo
Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan
o Sa uring ito inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon.
Karaniwang sinisimulan ng manunulat sa isang mabisang panimula at sinusundan ng iba pang
bahagi ng sulatin
Pag-uulat Pang-impormasyon
o Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao,hayop, iba
pang bagay. Ito ay nangangailangan ng masusing pananaliksik sapagkat ang mga impormasyon
ay pawangkatotohanan.
Pagpapaliwanag
o lto ay nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari. Layunin
nitong makita ng mambabasa mula sa mga impormasyong nagsasaad kung paano humantong
ang paksa sa ganitong kalagayan. Karaniwang itong ginagamitan ng mga larawan, dayagram, o
flowchart na may kasamang mga paliwanag.
Pagsusunod-sunod o Order
o Nagpapakita ng pagkakasunod-sunod o order ng mga pangyayarl o ng Isang proseso
Simbolo
Paghahambing at Pagkokontrast
o Nagpapakita ng pagkaaktulad o pagkakaiba ng dalawa o higit pang bagay, tao, kaisipan o ideya.
Simbolo
Problema at Solusyon
o Pagtatalakaysa ilang suliranin at ang paglalapat ng kalutasan dito.
Simbolo
HANGUANG SEKUNDARYA
Mga aklat tulad ng ensayklopedya, almanac, atlas diksyonaryo.
Mga hanguang elektroniko, kasama rin ang mga nalathalang artikulo sa journal, pahayagan,
newsletter, tisis, disenasyon at feasibility study.
Mga monograp, manwal, polyeto at manuskrito.
Sa paglaganap ng krimen at di matapos tapos na drugs, mulin nabuksan ang isyu tungkol sa pagbabalik
ng death penalty sa ating bansa. Itong mga krimen na siyang dahilan upang bumaba ang porsyento ng
mga dumarayo sa Pilipinas ng dahil sa takot at- pangamba.
Isa sa mabisang solusyon ang muling pagbabalik ng patusang death penalty, nænit ano nga ba talaga ito?
Makakatulong nga ba ito sa
pagpuksanglumalaking launen sa bansa?
Ayon sa Republict Act No. 7659, ang death penalty ay mg patusng ipinapataw sa gumagawa ng mga
kagimbal gimbal na
krimen. Ilan sa mga halimbawa ng mga krimen na maaaringhumantong sa kapatusahang kamatayan ay
patricide, qua.lified btibety,
piracy, kidnapping robbety, rape at drug pushing. Mauna na itongnaipatl-pad tong 1521-1898 sa
panahon Kast.ila. Ayon sa Codigo Penal
ng 1848 ipinataw ang sestensyang kamatayan sa mga Pilinong tutol sa pamamahala ng mga kastila. Sa
panahon ng Amerikano naman,
ginamit angpatusang bitay sa kampanyang "pacification" ng mga Amerikano at upang supilin ang
mithiing pagsasariling mga Pilipino. Sa
ilalim ng pamumuno ng Pangulong Marcos ay muli naman itong ipinatupad at naging 24 ang mga
krimeng may patusang kamatayan.
"Detterence"ang naging opisyal na kadsahilanan sa pa4ataw ng dedh pnalty Tinapos ang patusmg sa
ilalim ng Saligang Batas 1987 sa
ilalim ngpamumuno ni Pangu10ngCorazon Aquino.
Tekstong Persuweysib
TEKSTONG PERSUWEYSIB
Layunin ng teksto na himukin ang mambabasa na kumilos at gumawa ng isang bagay na naaayon
sa kagustuhan ng manunulat.
Ito ay gumagamit ng mga salita, parirala at pangungusap na makatutulong na makahimok sa
mga mambabasa o manonood.
Halimbawa:
sa katunayan, sa totoo lang, kung ako ang tatanungin at iba pa.
Sa tekstong nanghihikayat, maaaring nagpapahayag ang manunulat ng kaniyang mga opinion na
batay sa mga datos.
Ang paggamit ng mga datos ay makatutulong upang mahimok niya ang mambababsa na panigan
ang inihahayag na opinion.
ETHOS
Ang salitang ethos ay salitang Griyego na nauugnay sa salitang etika ngunit higit na itong angkop
ngayon sa salitang "imahe. "
Ginamit ni Aristotle ang ethos upang tukuyin ang karakter o kredibilidad ng nagsasalita batay sa
paningin ng nakikinig.
Ang elementong ethos ang magpapasiya kung kapani-paniwala o dapat pagkatiwalaan ang
tagapakinig ang tagapagsalita, o ng mambabasa ang manunulat.
LOGOS
Ang salitan Griyego na logos ay tumukoy sa pangangatwwan.
Nangangahulugan din itong panghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman.
Tumutukoy rin ito sa pagiging lohikal ng nilalaman o kung may katuturan ba ang sinasabi upang
mahikayat o mapaniwala ang tagapakinig na ito ay totoo.
Ang "logos" ay salitang griyego na nangangahulugang "salita" na Malaki ang pagbibigay-diin sa
konsistensi ng paglalahad na nakabatay sa mga pangunahing sangkap nito.
1. Kalinawan — Tumutukoy ito sa kung gaano kalinaw para sa mga mambabasa ang pag-
igting ng mga inilahad na punto ng may-akda.
2. Lohikal/Pangangatwir - Ang lohika at pangangatwiran ay kinakailangang maging kumpleto
ngunit kinakailangan ding siguraduhin na madali parin itong unawain.
3. Patunay- Kung magiging matagumpay ang paglalatag ng mga patunay o ebidensya, mas
magiging mapanghikayat ang kaisipang pupukaw sa pangangatwiran ng mga mambabasa.
PATHOS
Pathos ang elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa emosyon o damdamin ng mambabasa
o tagapakinig.
May kakayahan ang tao na gumawa ng sariling desisyon dahil mayroon siyang pag- iisip at lahat
ng ginagawa ng tao ay bunga ng kaniyang pag-iisip.
Tekstong Persuweysib
MGA LAYUNIN
Naibibigay ang mga teknik sapagpapaigting ng panghihikayat
Nauunawaan ang kohesyong gramatikal
Nakasasagot sa mga katanungan batay sapaksang tinalakay
Katapora
Ang pinapalitan ng panghalip ay pangangalang makikita sa hulihan o ang panghalip na ginagamit
sa unahan bilang panghalili sa pangngalang nasa hulihan.
Haliwbawa:
Nakakadismayang isipin na hindi Siya napagbigyan ng Commission on Appointments na manatili
sa kaniyang puwesto bilang Secretary ng DENR. Marami pa sanang plano si Gnu. Gina Lopez upang
mapangalagaan ang kalikasan.
Kredibilidad ng may-akda
• Gaano kakilala ang pinagmulan ng teksto (manunulat o tagapagsalita) at ano ang pagkakakilala
sa kaniya?
• Masasabi bang may kredibilidad ang may-akda magsulat tungkol sa paksa?
Maituturing bang maalam o awtoridad sa larangang kaniyang tinatalakay ang may- akda.
Paano naapektuhan ng Imahe o karakter ng manunulat ang layunin ng teksto?
Katiwa-tiwala ba ang may-akda na sumulat tungkol sa kaniyang paksa?
Nilalaman ng Teksto
• Tungkol saan ang teksto?
• Ano-ano ang pangunahing ideya nito tungkol sa paksa?
• Anong panig, kaisipan, o ideya mngkol sa paksa ang pinanghihimok ng may-akda?
• Ano-ano ang ginamit na suportang ideya para dito?
• Ano-ano ang batayang ginamit upang masabi ito ng may-akda?
• Saan galing ang mga batayangito? Ito ba ay hango sa mga katotohanan o kuro-kuro lamang?
• Mayroon bang mga detalye o posisyonna tila masyadong nasuportahanng matibay na ebidensya
o katwiran? Ano ang mga ito at ginamit upang makahikayat?
• Ano ang kasalungat na panig nito na maaating isagot sa posisyon ng teksto?
• Ano ang hangarin ng may-akda sa kaniyang pagsulat?
• Mayroon bang mga tanong o usaping Imdi tinalakay ngunit dapat ay nabanggit man lang? Ito
kaya ay sadyang tinalakay? Kung oo, bakit?
Pagtataya
Panuto: Bumubuo ng saliling pangungusap na kakikitaan ng mga kohesyong gramatikal na
pagpapatungkol. Gamitin ang pares ng salitang makikita sa bawat bilang.
Takdang Aralin
Saliksikin ang mga sumusunod:
• Ang kahulugan at layunin ng tekstong Argumentatibo
Mga Layunin
Natutukoy ang mga paraan ng panghihikayat at estruktura ng tekstong persuweysib
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsulat ng tekstong persuweysib
Nakasusulat ng isang talata na may kaugnayan sa paksang tinalakay
Maliban sa mga mambabasa, dapat ay higit na makilala ng manunulat ang kaniyang paksa. Ang
ganitong uri ng teksto ay kinakailangang maglahad ng tiyak at mapanghikayat na patunay.
Hangga't maaari ay huwag lamang makuntento sa pansariling karanasan at kaalaman. Mas
mabuti kung magtutungo sa mismong sanggunian ng impormasyon.
Isaayos ang estruktura ng suliranin, isipin kung ano-anong mga patunay ang dapat isama at
kailan ito dapat ilantad bilang patunay. Laging isaalang-alang ang iyong layunin.
Paraan sa Pagsulat ng tradisyonal na estruktura ng Tekstong Persuweysib
Exordium, o introduksiyon
Pagsasalaysay, o kaligiran ng ihahayag na mga patunay.
Paghahati-hati, o pagtatantiya ng mga ilalantad na paksa.
Kumpirmasyon ng piyesa o ang mismong katawan ng tekstong.
Kontradiksyon, o diksyon sa iba pang punto.
Retorika na mga tanong, upang mapag-isip ang mga mambabasa.
Kongklusyon, mas magiging mabisa ito kung iuugnay ito sa naging intruduksiyon upang
paigtingin ang panghihikayat sa mga mambabasa.
Pagtataya
Panuto: Ano ang maitutulong ng sining ng panghihikayat sa iyo bilang isang mag-aaral? Paano ito
makatutulong sa iyong pang-araw-araw na pakikisalamuha sa iyong pamilya sa 100b ng tahanan, mga
kaibigan at guro sa paaralan, o sa iba pang mga taong nakakasalamuha? Magbigay ng ilang tiyak na
halimbawa sa paraang patalata.
Usaping Bayan, Makisangkot... Pagtalunan!
Basahin sa ibaba ang dalawang pananaw o panig kung dapat ibalik ang parusang death penalty.
OO
Ipataw muli ang pinakamataas na parusa upang magdalawang-isip ang nagtatangkang gumawa
ng karahasan.
Baka makabawas din ang death penalty sa nag-uumapaw na inmates sa mga kulungan. Tandaan
na ang kanilang pagkain at gastusin ay kinukuha sa ating binabayad na buwis.
HINDI
Malabo itong makabawas ng krimen dahil karamihan ng gumagawa nito ay kapit sa patalim na
kailangang iahon ang kanilang pamilya sa kahirapan.
Ang ilan-ilan na mapapatawan ng death penalty ay di makababawas sa overpopulation
kulungan.
Tekstong Argumentatibo
Mga Layunin
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahulugan at katangian ng tekstong argumentatibo sa iba't
ibang larangan.
Nuunawaan ang mga element ng pangangatwiran at uri ng tekstong argumentatibo.
Nagagamit ng tama ang mga cohesive devices sa pamamagitan ng pagsagot sa pagtataya.
Tekstong Argumentatibo
Naglalayong patunayan ang isang argumento sa pamamagitan ng matibay na
pangangatwiran batay sa katotohanan o lohika. Upang maipagtanggol ang argumento, ang
tagapagtanggol o manunulat ay kailangang mailahad ng maayos at malinaw ang
ebidensiyang batay sa katotohanan upang mahikayat ang tagapakinig o mambabasa.
Ang pangunahing layunin ng tekstong argumentatibo ang magpakita ng isang argumento at
paglalantad ng mga katotohanan o patunay upang ito ay higit na mapagtibay.
Hindi umiikot sa iisang pananaw lamang ang ganitong teksto dahil tinatanggap nito na
mayroon pang ibang pananaw maliban sa iminumungkahi ng awtor.
Persuweysib vs Argumentatibo
Tekstong Persuweysib Tekstong Argumentatibo
• Paraan ng Pagsisimula:
- Pagpili ng paksa at pagtukoy sa paninindigang panig.
Tekstong Persuweysib
Mga Teknik:
1. Pagsasama ng katotohanan at damdamin upang hikayatin ang mambabasa na tama ang awtor.
2. Labis itong subhektibo, o mas Malaki ang bahagi na nakasalig sa damdamin.
3. Pagtanggi sa ibang pananaw.
4. Inilalahad lamang ang mga ideyang nakatuon sa pagpapatibay ng sariling pananaw ng awtor.
5. lisang mukha o bahagi lamang ang inilalantad-ang panig ng awtor.
6. Maaaring magbanggit nang walang patunay.
Tekstong Argumentatibo
Mga Teknik:
1. Paglalahad ng mga katotohanan at patunay na magpapatibay na may kabuluhan ang inihahain
na pananaw ng awtor.
2. Higit na nakabatay sa lohika
3. Pagkilala sa ibang pananaw
4. Maaaring ng mga kaisipan upang makalikha ng isang matibay na posisyon.
5. Pagpapakita ng iba't ibang panig ngunit makikilala pa rin ang pananaw ng awtor.
6. Palaging paggamit ng mga patunay sa bawat babanggitin na kaisipan.
ELEMENTO ng PANGANGATWIRAN
A. Proposisyon
Tumutukoy ito sa pangunahing premise ng pangangatwiran na magbunga ng tatlong
mungkahing kaisipan ukol sa isang paksa.
Halimbawa:
Ang historical at di-patas na pag-iisip ng mga puti, na kinilalang rasismo, ang nagging
pangunahing dahilan kaya't nabigyan ng negatibong imahe ang kalalakihang African-American na
mapatutunayan sa iba't ibang lente ng media, literature at sa mga popular na kuwentong bayan ng
America.
B. Patunay sa Argumentatibo
Sa paglalahad ng ebidensiya, magsisimula ang awtor sa pagbabalangkas ng katawan ng isusulat na
argumento na siyang magsisilbing suporta sa proposisyon.
Dalawang kinikilalang Ebidensiya.
Katotohanan - tumutukoy sa mga bagay na maaaring matay at mapatunayan.
Opinyon - Tumutukoy ito sa opinion ng mga eksperto sa kasangkot na larangan.
Tekstong Prosidyural
Uri ng Tekstong Argumentatibo
Subhektibo
Ang ganitong uri ng tekstong argumentatibo ay nakasentro sa paglalahad ng pagnanais ng awtor
(tagapagsalita) na makaugnay at makapagbahagi ng ilang mga tiyak na kaisipan sa kaniyang mga
mambabasa.
Malimit makita ang ganitong uri sa pasalitang diskurso katulad ng mga talumpati ng mga
politiko, debate, panayam, imponnal na pakikipagdiskurso, mga ulat sa radio at telebisyon. Samantalang
kabilang naman sa pasulat na diskurso ang mga liham, artikulo, mga opinion sa pahayagan, o liham
pangangalakal at iba pa.
Obhektibo
Tinatawag ang uring ito bilang siyentipikong uri, malimit itong inuugnay sa paraan ng pagtataya sa isang
suliranin gamit ang masusing proseso ng pag-iisip.
Binibigyang pokus nito ay ang paglalapat ng mga metodong nakasalig sa katotohanan o nilikhang batas.
Mga halimbawa:
dokumento sa pananaliksik
eksperimento
tuwirang obserbasyon
pagsusuri mula sa ma estadistika at iba pa.
Pagpapaliwanag sa isyu
Ito ang naghahanda upang simulan o hubugin ang katawan ng teksto.
Pagbabalangkas ng argumentatibo
Ito ang itinuturing na mahirap na bahagi dahil kinakailangan itong maihayag nang may
katiyakan, organisasyon, at kalinawan upang maipakita ang lohikal na kaugnayan ng mga
argumento.
Pagbuo ng Kongklusyon
Maaaring magwakas ang teksto sa isang mahusay na pagbubuod ng taliwas ng argumento,
positibo man ito o negatibo, dahil masasalamin dito ang posisyon ng awtor sa isyu.
TEKSTONG PROSIDYURAL
Kahulugan at Layunin ng Tekstong Prosidyural
Ito ay nagpapaliwanag ng pagkakasunod — sunod ng mga hakbang o prosesong dapat
isagawa na maingat at malinaw na inilalahad upang makuha o maisakatuparan ang ninanais
na hangganan o resulta.
Ito ay nahahati sa dalawang uri: paano bumuo ng isang bagay at paano isagawa ito.
Layunin nito na magbigay ng hakbang-hakbang na gawain o direksiyon upang matagumpay
na maisagawa nang wasto at ligtas ang isang gawain.
Ipinapaliwanag nito kung paano mapapagana ang isang bagay o di kaya'y paano gamitin ang
isang operasyonal na manwal.
Nagtuturo rin ito kung paano gawin ang isang bagay at mga gawaing nauugnay sa ikauunlad
ng ugali o gawi ng tao.
Manwal
IPINAPAKITA ANG HAKBANG-HAKBANG NA PACSASAGAWA NG GAWAIN UPANG MAGAMIT O
MAPAANDAR ANG ISANG BAGAY.
Pagbibigay ng direksiyon
Ipinapakita kung paano mararating ang isang lugar sa pamamagitan ng pagbibigay ng tiyak na
panuto kasama ang pangalan ng lokasyong kinalalagyan nito. Sa tekstong ito kailangang
gumamit g ponnal na pananalita at karagdagang mapa upang lubos na maunawaan ang
direksiyong itinuturo.
Reaksiyong papel
Reaksiyong papel
• Ang reaksyong papel ay tumutukoy sa sulatin na naglalaman ng reaksyon patungkol sa isang
paksa. Kalimitang ginagawa ito pagkatapos manood ng pelikula. Doon itatala ang mga napuna sa
pinanood. Dito naitatala rin ang opinyon at suhestyon batay sa paksang pinagaaralan. Ito ay
naglalayong maibahagi ng manunulat ang saloobin sa masusing pagoobserba.
Direktang Sipi
• Isusulat kung tuwirang kinopya o sinipi lahat ng salita mula sa sanggunian.
• Ginagamit ito upang suportahan ang katuwiran, pabulaanan ang panig ng may-akda, at
paghahambingin ang ibat-ibang pananaw.
Paraphrasing
• Ginagamit kung sasabihin muli ang nakuhang ideya o kaisipan mula sa sanggunian ngunit
gagamitin ang smiling salita.
• Nakatutulong upang maiwasan ang palagiang paggamit ng direktang sipi.
Pagbubuod
• Isinasagawa upang mailarawan ang pangkalahatang kaalaman mula sa napakaraming
sanggunian at matiyak ang mga pangunahing ideya ng pinagbatayang teksto.