Ap7 Q4 Modyul-6

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

Department of Education

7 National Capital Region


SCHOOLS DIVISION OFFICE
MARIKINA CITY

Araling Panlipunan
Araling Asyano
Ikaapat na Markahan - Modyul 6
Ang Nasyonalismo sa Silangan at
Timog – Silangang Asya

Manunulat: Jezrill Abordo - Huab

City of Good Character


DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin Nasyonalismo sa Silangan at
1 Timog – Silangang Asya

Alamin

Sa bahaging ito ng Modyul 6, ay sisimulan nating alamin ang mga dahilan


kung paano umunlad ang damdaming nasyonalismo ng mga mamamayan sa
Silangan at Timog – Silangang Asya. Handa ka na ba?

Ang modyul ay tatalakay sa paksa tungkol sa:


Ang Nasyonalismo sa Silangan at Timog – Silangang Asya

Matapos mapag-aralan ang modyul, inaasahan sa iyo na:


1. napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay
wakas sa imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya;

1.1 nasusuri ang papel ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Silangan at


Timog-Silangang Asya.
1.2 natutukoy ang papel ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Silangan
at Timog-Silangang Asya.

1
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
Subukin

Bago tayo magpatuloy sa paksang aralin tungkol sa Nasyonalismo sa


Silangan at Timog-Silangang Asya, mahalaga na malaman at masukat ang iyong
kaalaman sa bagong aralin. Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga
sumusunod na tanong.

Gawain 1.A. Piliin Mo Ako!


Basahing mabuti ang mga tanong at bilugan ang letra ng pinakatamang
kasagutan.
1. Ito ay tumutukoy sa pagkamulat ng mga mamamayan upang sila'y magbuklod at
labanan ang mga dayuhang mananakop.
A. Imperyalismo B. Nasyonalismo C. Komunismo D. Kolonyalismo

2. Dalawang pamamaraan sa pagkakamit ng kalayaan ay:


A. Imperyalismo at Kolonyalismo
B. Civilizing Mission at Ethical Policy
C. Aktibo at Pasibo
D. Reporma at Propaganda

3. Kilusang inilunsad ng mga Pilipino na naglalayon ng pagbabago sa pamamalakad


ng mga Kastila at pantay na pagtrato sa mga Pilipino at Kastila.
A. Budi Utomo B. Katipunan C. Kuomintang D. Propaganda

4. Pampulitikang sistema ng pamumuno ng mga mag-kakamag-anak sa Tsina.


A. Shogunato B. Monarkiya C. Teokrasya D. Dinastiya

5. Pamamaraan ng pang-aagaw ng militar ng pangkasalukuyang kapangyarihan ng


pamahalaan upang magtatag ng panibago.
A. Rebolusyon B. Coup d' etat C. Reporma D. Kolonisasyon

B. Larawan-Suri.
Suriin ang larawan tungkol sa kalagayan ng mga Asyano sa panahon ng pananakop.

3. Ano ang naging


reaksiyon ng mga
1. Ano ang Asyano sa
mensaheng kolonyalismo at
ipinahihiwatig Imperyalismong
ng nasa larawan? kanluranin?
2. Sino ang 4. Sino ang
sinisimbolo ng sinisimbolo ng
mga taong naka mga taong may
posas? Bakit? hawak ng
bandila?
Ipaliwanag.
2
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
Balikan

Mahusay! Sa puntong ito ay natapos mo na ang bahagi ng subukin. Nabatid


mo sa nakaraang aralin ang naging karanasan ng mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya sa ilalim ng kolonyalista at imperyalistang mga Kanluranin.
Subukan mong sukatin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsasagawa ng
gawain sa ibaba.

Gawain:
Sumulat ng mga bagay, pangalan ng lugar o anumang mga pangyayari na sa
iyong palagay ay naging pangmatagalang epekto at resulta ng pananakop ng mga
dayuhang Europeo sa mga bansang Asyano. Ipaliwanag at isulat ang iyong sagot sa
iyong kuwaderno.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Tuklasin

Binabati kita sa iyong angking kakayahan. Bida ka! Tunay nga na ikaw ay
yaman ng bansa. Subukan naman natin ang iyong kaalaman sa bagong aralin.

Gawain: Tula mo! Isasabuhay Ko!


Basahin at suriin ang tula. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

Aling pag – ibig pa ang hihigit kaya Bakit? Alin ito nasakdal ng laki,
Sa pagkadalisay at pagkadakila Na hinahandugan ng buong pagkasi,
Gaya ng pag ibig sa sariling lupa? Na sa lalong mahal nakapangyayari,
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala! At ginugugulan ng buhay na iwi?
Pagpupuring lubos ang palaging hangad Ay! Ito’y ang isang bayang tinubuan:
Sa bayan ng taong may dangal na ingat. Siya’y ito na’t tangi sa kinamulatan
Umawit, tumula, kumanta’t sumulat, Ng kawiliwiling liwanang ng araw
Kalakhan din niya’y isinisiwalat. Na nagbigay – init sa buong katawan.
Walang mahalagang hindi inihandog Kalakip din nito’y pag-ibig sa bayan,
ng may pusong mahal sa Bayang Ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal,
nagkupkop, Mula sa masaya’y gasong kasanggulan
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod, Hanggang sa katawa’y mapasa – libingan.
Buhay ma’y abuting magkalagot lagot.

3
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
Mga Gabay na Tanong:

1. Habang binabasa mo ang tula, ano ang iyong nararamdaman?


2. Ano ang nais ipahiwatig ng mensahe ng tula?
2. Sa iyong palagay, may mga Pilipino pa kayang katulad ni Gat. Andres Bonifacio
sa kasalukuyang panahon?

Suriin

Mahusay! Katangi –tangi ang iyong pagtula.


Naaalala mo pa ba ang bahagi ng awitin ng “Bayan Ko” na may lirikong “Ibon man may
layang lumipad, kulungin mo at umiiyak.” Ito ay nagpapahiwatig ng pagmamahal sa
kalayaan. Samakatwid, gaano nga ba kahalaga ang kalayaan? Bilang isang Asyano at
bilang isang Pilipino, paano mo ito maipapakita? Bago tayo tumuloy sa paksa, nais kong
masuri mo muna ang kahulugan ng salitang nasyonalismo. Marahil ay naitatanong mo sa
iyong sarili, “Ano ang nasyonalismo?”
Sa pagkakataong ito, ay pag-aaralan mo ang teksto ukol sa nasyonalismong Asyano.

Gawain 4. Suri-Teksto

Mga Anyo ng Nasyonalismo

Dalawang ideolohiya mula sa Europa ang kinapitan ng mga Asyano bilang


tugon sa hamon ng kolonyalismo at imperyalismong kanluranin: ang nasyonalismo at
sosyalismo o komunismo. Sa araling ito, susuriin natin ang mga iba’t ibang anyo o
larawan ng nasyonalismo na naganap sa iba’t ibang bansa sa Asya. Gayundin ang
mga kilalang tao na nagpasimuno sa paglaganap ng kaisipang nasyonalismo.

Nasyonalismo

Pagmamahal at katapatan sa sariling bayan o bansa ang isang kahulugan ng


nasyonalismo. Isa itong mahalagang impluwensyang hatid ng pamamayani nito sa
mundo. Ang nasyonalismo ay isang damdamin na naghahangad pambansang
kaunlaran at kasarinlan. Isinaalang-alang nito ang kapakanan ng bansa. Sa
pampulitikang pananaw, nangangahulugan ito nang kusang pagkilos laban sa
anumang banta ng pananakop maging pangkabuhayan, pampulitika, at pangkultura.
Mahalaga ang damdaming ito sa pagpapanatili ng katatagan ng isang bansa o estado.

Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Silangang Asya


Hindi man tuwirang nasakop ng mga Kanluranin, dumanas ng maigting na
imperyalismo ang Silangang Asya lalo na noong ika-18 siglo. Isa sa mga patunay nito
ay ang pagpapatupad ng sphere of influence ng mga Kanluranin sa China at ang
paggigiit ng Open Door Policy ng United States sa Japan. Ang imperyalismong
Kanluranin sa Silangang Asya ay nagdulot ng epekto sa kabuhayan, pamahalaan,
lipunan at kultura ng mga Asyano. Naghangad ang mga Tsino at Hapones na
makawala mula sa imperyalismong Kanluranin dahil sa hindi mabuting epekto nito sa
kanilang pamumuhay. Ang paghahangad na ito ang nagbigay-daan sa pag-usbong ng
nasyonalismo sa dalawang bansa.

4
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa China
Nagsimula ang pagkawala ng kontrol ng China sa kaniyang bansa nang matalo
ito sa Great Britain sa Unang Digmaang Opyo (1839- 1842) at sa Great Britain at
France noon Ikalawang Digmaang Opyo (1856-1860).

Rebelyong Taiping
Pinamunuan ni Hung Hsiu Ch’uan (Hong Xiuquan) laban sa Dinastiyang Qing
na pinamumunuan ng mga dayuhang Machu.
Layunin: 1. mapabagsak ang Dinastiyang Qing
2. hangad ng pagbabago sa lipunan.
3. pagkakapantay-pantay ng karapatan para sa mga kababaihan
4. pagpapalit ng mga relihiyong Confucianism at Buddhism sa Kristiyanismo
Rebelyong Boxer
Nagsagawa ng maramihang pagpatay ang mga mga boxer. Pinaslang nila ang
mga misyonerong Kristiyano at mga Tsino na naging deboto ng relihiyong
Kristiyanismo. Kumalat ang Rebelyong Boxer hanggang sa Peking (Beijing). Nagpadala
ng puwersang militar na mayroong 2,100 na mga sundalo ang United States, Great
Britain, Russia, France, Italy at Japan upang maprotektahan ang kanilang mga
mamamayan sa China at masupil ang rebelyon. Nagapi ang mga boxer dahil sa
pagtutulungan ng mga dayuhang imperyalista. Nabawi ng mga imperyalista mula sa
mga boxer ang Peking noong Agosto 14, 1900.
- Sumiklab ang Rebelyong Boxer noong 1899.
- samahang I-ho chu’an o Righteous and Harmonious Fists
Layunin:
- pagtuligsa sa korupsyon sa pamahalaan
- patalsikin ang lahat ng mga dayuhan sa bansa, kabilang dito ang mga
kanluranin.

Ang China sa Gitna ng Dalawang Magkatunggaling Ideolohiya


1. Ideolohiyang Demokrasya sa China

Ang pagbagsak ng dinastiyang Manchu ay senyales ng pagwawakas ng mahigit sa


2,000 taon ng pamumuno ng mga dinastiya sa China. Hinarap ng mga Tsino ang isang
malaking hamon sa kanilang bansa – ito ay ang pagtukoy sa ipapalit na pamumuno ng
mga emperador.
Sa panahon na ito ng kaguluhang pampolitikal at kawalan ng pagkakaisa
nakilala si Sun Yat Sen. Itinatag niya ang samahang “Muling Buhayin ang Tsina”
(Revive China Socoiety) isang lihim na samahang rebolusyonaryo. Itinuring din na Ama
ng Nasyonalismong Tsino si Sun Yat Sen. Gayunpaman, hindi nagtagal ang pamumuno
ni Sun Yat Sen. Noong 1928, naitatag naman ni Chiang Kai-shek ang Nationalist
Republic of China. Lumaganap ang demokrasya at makatarungang karapatang
pampulitikal, subalit may ilang tiwaling opisyal na naging balakid sa mithiin ni Chiang
Kai-shek. Bunga nito, sinuportahan ng ilan ang Partido Komunista.

1. Anong ideolohiya ang nabanggit? ___________________________


2. Ano-anong pamaraan ang ginamit upang lumaya? ______________

5
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
2. Ideolohiyang Komunismo sa China
Ang pagpasok ng ideolohiyang komunismo sa China ay nagsimula noong 1918.
Naging tanyag ang komunismo sa China sa pamumuno ni Mao Zedong. Si Mao ay
mula sa pamilya ng magbubukid sa probinsiya ng Hunan. Sinuportahan at isinulong
ni Mao ang mga prinsipyo ng komunismo tulad ng tunggalian ng uring manggagawa o
proletariat laban sa uri ng kapitalista o bourgeois. Sa tunggalian na ito, naniniwala ang
mga komunista na mananaig ang mga manggagawa at maitatatag ang isang lipunang
soyalista. Sa lipunang ito, ang estado ang siyang hahawak sa lahat ng pag-aari ng
bansa. Upang ganap na maisulong ang kanilang ideolohiya, itinatag ni Mao Zedong
kasama ang iba pang komunistang Tsino ang Partido Kunchantang noong 1921. Lalo
pang lumakas ang komunismo sa China sa pagdating ng Russian advisers sa Canton.
Lumaganap ang ideolohiya hindi lamang sa mga pangkaraniwang mga magsasaka at
manggagawa kundi pati na din sa mga opisyal ng pamahalaan at sa grupo ng mga
edukadong Tsino. Madaming Tsino ang yumakap sa komunismo dahil sa mga
panahong pumasok ang ideolohiyang ito ay unti-unti nang nawawala ang tiwala nila sa
pamumuno ni Chiang Kai Shek dahil sa laganap na katiwalian sa pamahalaan at
malawakang kahirapan na dinaranas sa bansa. Nabahala si Chiang Kai Shek sa
lumalakas na impluwensiya ng komunismo sa China. Iniutos niya ang paglulunsad ng
kampanyang militar laban sa mga komunista. Maraming komunista ang hinuli,
pinahirapan at napatay. Hindi lahat ng mga komunista ay nahuli, pinamunuan ni Mao
Zedong ang mga nakaligtas na Red Army, tawag sa mga komunistang sundalong Tsino
at sila ay tumakas patungo sa Jiangxi. Tinawag itong Long March dahil sa kanilang
nilakbay na may layong 6,000 milya. Umabot ito ng isang taon kung saan marami ang
namatay dahil sa hirap, gutom at patuloy na pagtugis ng mga sundalo ni Chiang Kai-
shek

Ang tatlong malalaking konsepto na aking makukuha mula sa teksto ay…


1. _____________________________________
2.______________________________________
3.______________________________________

Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Japan


Magkatulad at magkaiba ang naging pakikitungo ng mga Tsino at Hapones sa
mga Kanluranin. Magkatulad dahil noong una parehas nilang isinara ang kanilang
bansa at daungan mula sa mga Kanluranin. Subalit magkaiba ang naging pagtugon ng
dalawang bansa sa banta ng imperyalismo. Patuloy na naging sarado ang China na
nagresulta sa sapilitang pagpasok ng mga Kanluranin sa pamamagitan ng digmaan. Sa
kabilang banda, tinanggap ng Japan ang mga Kanluranin nang hilingin nito na
ipatupad ang Open Door Policy noong 1853. Sa panahon na ito umusbong ang
damdaming nasyonalismo ng mga Hapones. Ipinakita ito ng mga Hapones sa kabila ng
pananatili ng mga Kanluranin sa kanilang teritoryo. Ito ay pinasimulan ni Emperador
Mutsuhito na siyang namuno sa panahon na kilala bilang Meiji Restoration.

6
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
Ang Modernisasyon ng Japan: Panahon ng Meiji Restoration
Tinularan ng mga Hapones ang paraan ng pamumuhay ng mga Kanluranin na
makatutulong sa kaniyang pag-unlad. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

Bansa Impluwensya
Germany Sentralisadong pamahalaan
England Kahusayan at pagsasanay ng mga sundalong British
United States Sistema ng edukasyon

PAG-UNLAD NG NASYONALISMO SA TIMOG SILANGANG ASYA

Ang mga nasa larawan ay mga kilalang tao na nagpakita ng damdaming makabansa
sa iba’t ibang bansa sa Timog Silangang Asya. Sila ay sina Aung San ng Burma, Ho Chi
Minh ng Vietnam, Sukarno ng Indonesia at Rizal at Bonifacio ng Pilipinas.

Malupit ang kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin sa Timog Silangang Asya.


Ito ay dahil sa mga hindi makatarungang patakaran na ipinatupad ng mga Kanluranin sa
mga lupain na kanilang sinakop. Nagdulot ang mga patakaran na ito ng paghihirap,
kawalan ng dignidad at kalayaan, pagbabago ng kultura, at pagkakawatak-watak ng mga
Asyano. Ang mga karanasan ng mga nasakop na bansa sa Timog Silangang Asya ang
nagbigay-daan sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo sa rehiyong ito.

7
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
Nasyonalismo sa Pilipinas
Ang Pilipinas ay nasakop ng mga Espanyol sa loob ng 333 taon. Nagpatupad
ang mga Espanyol ng mga patakarang pangkabuhayan, pampolitika at pangkultura
na nakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino. Naging laganap din ang racial
discrimination sa pagitan ng mga Espanyol at mga Pilipino na tinatawag na Indio ng
mga mananakop. Higit sa lahat, nawala ang karapatan at kalayaan ang mga Pilipino
na pamunuan ang kanilang sariling bansa. Naging sunud-sunuran sila sa ilalim ng
mapagmalupit na mga Espanyol.
Nabigo ang mga pag-aalsa na naganap sa Pilipinas sa pagitang ng ika-16
hanggang sa unang bahagi ng ika-19 na siglo dahil sa mas malakas na armas ng
mga Espanyol, kawalang ng damdaming pambansa. Sa pagpasok ng ika-19 na siglo,
nagkaroon ng malaking pagbabago sa ekonomiya at lipunang Pilipino. Nabuksan ang
Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan. Pumasok sa Pilipinas ang mga produkto mula
sa mga Kanluranin. Naging tanyag at mabili sa Kanluran ang mga produkto ng mga
Pilpino tulad ng asukal, kopra, tabako at iba pa. Ito ang nagbigay-daan sa pag-
unlad ng mga gitnang uri o middle class. Sila ay ang mestisong Tsino at Espanyol.
Ang mga anak ng gitnang uri ay nakapag-aral sa mga kilalang unibersidad sa
Pilipinas at maging sa Espanya. Ang grupo ng ito ay tinatawag na ilustrado. Ang
pagpapamalas ng nasyonalismong Pilipino ay pinasimulan ng mga ilustrado na
nagtatag ng Kilusang Propaganda at ipinagpatuloy ng mga Katipunero na
nagpasimula ng Katipunan. Ang damdaming nasyonalismo ay ipinakita din sa
pagsiklab ng Unang sigaw sa Pugad Lawin sa pamumuno ni Andres Bonifacio.
Sumiklab ang digmaang Amerikano –Espanyol. Nawasak ng hukbong Amerikano ang
Espanyol na naging hudyat ng pamumuno nila sa Pilipinas. Idineklara ang Unang
Republika ng Pilipinas noong Hunyo 23, 1899 sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo.
Subalit patuloy pa rin ang rebolusyong Pilipino laban sa mag Amerikano hanggang
sa tuluyang maging malaya ang bansa dahil sa Batas Tydings McDuffie noong 1934
hanggang sa iproklama ang lubos na kasarinlan noong Hunyo 4, 1946.

Paglaya ng Indonesia
Nakamit ng Indonesia ang kalayaan nito noong Agosto 17, 1945 sa pamumuno
ni Achmed Sukarno sa pamamagitan ng rebolusyon laban sa mga Olandes. Umigting
ang pagnanasang lumaya ng Indonesia nang pinagkalooban ng simbolikong kalayaan
si Sukarno ng Hapon nang masakop ito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ngunit nang matalo ang Hapon dumating ang mga Olandes upang muling ibalik ang
kanilang pamamahala. Subalit ang Indonesia na nakaranas ng kalayaan ay lumaban.
Pinamunuan ni Sukarno ang Indonesia sa loob ng 23 taon. Pinasimulan niya ang
pamamahalang guided democracy (limited democracy) base sa Pancasila.

Makabayang Samahan sa Indonesia:


Budi Utomo – samahang kultural. Layuning maipakilala sa mundo ang kulturang Java,
magkaroon ng karapatan sa edukasyon.
Sarekat Islam- Layuning isulong ang kalagayang politikal at kabuhayan ng Indones.
Indonesian Communist Party- Hangad na magkaroon ng kalayaan mula sa mga Dutch.
Indonesian Nationalist Party – Layuning makalaya sa mga Dutch at mga mapaniil na
patakaran.

-
8
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
Gabay na tanong
Paano ipinakita ng mga Pilipino at Indones ang pagmamahal sa bayan?
Magbigay ng patunay sa inyong mga sagot.

Nasyonalismo sa Myanmar/Burma
Tulad ng China, nagsimulang mawala ang kalayaan ng Burma bunga ng
pagkatalo nito sa digmaan sa mga British. Nilagdaan ang Kasunduang Yandabo
na naging dahilan ng tuluyang pagkontrol ng Great Britain sa teritoryo ng Burma.
Isa sa mga hindi matanggap ng mga Burmese ay nang gawing lalawigan lamang ng
India ang Burma. Hinangad ng maraming Burmese na maihiwalay ang kanilang
bansa mula sa India. Magaganap lamang ito kung sila ay lalaya mula sa
pananakop ng mga British. Ang paghahangad na lumaya ang nagtulak sa mga
Burmese na ipahayag ang kanilang damdaming nasyonalismo.

Ang pagpapahayag ng damdaming nasyonalismo sa Burma ay nagsimula


noong 1900s sa pamumuno ng mga edukadong Burmese na nakapag-aral sa loob
at labas ng bansa. Bagama’t binigyan ng pagkakataon ng mga British na maging
bahagi ng lehislatura ang mga Burmese, hindi ito naging sapat upang maisulong
ang kapakanan ng Burma. Nagpatuloy ang pakikibaka ng mga Burmese sa
pamamagitan ng rebelyon at pagtatatag ng mga makabayang samahan.

Paano naipamalas ng mga Burmese ang


damdaming nasyonalismo?

Nasyonalismo sa Indo China

Bunga ng pagkakaiba ng kanilang lahi at kultura, hindi nakamit ng mga taga


Indochina ang pagkakaisa upang labanan ang mga mananakop na Kanluranin. Ang
mga Vietnamese ay nagpakita ng damdaming nasyonalismo sa pamamagitan ng
pakikidigma sa mga Kanluranin. Nagkaroon ng malaking epekto sa kalayaan ng
Indochina ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil sa pagkakasangkot ng France
na siyang nakasakop sa bansa.
Nahati ang Vietnam sa 17th parallel. Nabuo ang Hilagang Vietnam na
pinamumunuan ni Ho Chi Minh at ang Timog Vietnam sa pamumuno ni Bao Dai.
Naging magkatunggali ang dalawang Vietnam dahil sa pagkakaiba ng
ideolohiya. Ang Hilagang Vietnam ay sumusuporta sa komunismo samantalang ang
Timog Vietnam ay naniniwala sa demokrasya. Nauwi ang hidwaan sa digmaan na
kilala bilang Vietnam War na nagsimula noong 1945. Sinuportahan ng United States
ang Timog Vietnam subalit naging madugo at magastos ito para sa kaniya. Nagwagi
ang Hilagang Vietnam at naging isang bansa na lamang ito noong 1975.

9
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pagyamanin

Ngayong nabasa at nasuri mo na ang mahahalagang konsepto at papel na


ginampanan ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang
Asya.

Nasyonalismo Tsart:
A. Sagutan ang graphic organizer tungkol sa pag-unlad ng Nasyonalismo sa Timog
Silangang Asya.
Timog Silangang Asya

Indo
Pilipinas Indonesia
China
Myanmar
Mga Salik sa
Pag-unlad ng
Nasyonalismo

Paraan ng
pagpapamalas
ng Nasyonalismo

B. Gamit ang Venn diagram, paghambingin ang pagkakatulad ng pagpapakita


ng nasyonalismo ng Japan at China.

China Japan

10
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isaisip

Binabati kita! Mahusay ang iyong mga ginawa para sa pagtalakay ng paksa. Sa
bahaging ito, hayaan mong linangin ko ang iyong kaisipan gamit ang mga datos sa
ibaba.

Tandaan:
Ang nasyonalismo ay isa sa mga katangian ng kanluraning daigdig noong ika-19
na dantaon. Ang damdaming ito ay nakalikha ng pambansang pagkakaisa,
kalayaan, at pagsulong. Ang damdamin ding ito ang naging pangunahing dahilan
ng mga pandaigdigang himagsikan – ang Una at Ikalawang Digmaan.

Ang lahat ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya ay naghangad ng


kalayaan sa pananakop ng mga bansang Kanluranin dahil sa kaisipang liberal at
ideya ng demokrasya.
Sa Pilipinas, naglatag ng kaisipang paglaya ang kilusang Propaganda at ang
Katipunan ang naging kasangkapan sa pagsasakatuparan ng paglaya sa mga
dayuhang mananakop.
Ang Kilusang Propaganda at Katipunan ay mga samahang itinaguyod ng mga
Pilipino upang makamit ang kalayaan sa mga mananakop na Kastila.
Ang Tsina, Vietnam at Hilagang Korea at Hapon ay kumapit sa kaisipan ng
sosyalismo at komunismo bilang landas hindi lamang sa pagpapalaya ng bansa
kundi sa pagbubuo rin ng bagong sistemang panlipunan na magwawakas sa
pagsasamantala ng mga mananakop.

Isagawa
Matagumpay mong natapos ang mga naunang gawain. Sa pagkakataong ito
naman ay patutunayan mo na ikaw ay isang tunay na Pilipino. Halika, sikapin mong
maipakita ang nasyonalismo sa pamamagitan ng paggawa sa nakalaang gawain.

Gawain
Bukas- Isip! (Reflective journal)
Ayon kay Gat. Jose Rizal, “Ang Kabataan ang pag-asa ng bayan”, sa paanong
paraan mo maipakikita ang “NASYONALISMO sa makabagong panahon? Isulat ang
kasagutan sa mga dialogue box na nasa ibaba batay sa sitwasyong nasa kahon.

11
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sitwasyon: Nahaharap ang bansa at ang buong mundo sa pandemyang dulot
ng Covid 19. Bilang isang batang Marikenyo, paano mo maipakikita ang
pagsuporta sa mga programa sa iyong barangay?

Tayahin
Mahusay! Nasisiguro ko na ikaw ay tunay na Pilipino. Bago tayo
magwakas sa paksa na ito, mahalaga na malaman at masukat ang iyong mga
natutuhan. Nakahanda ka na ba sa pagsubok na ito?

Ayusin ang mga pinaghalong LETRA sa loob ng kahon para makabuo ng SALITA
na naglalarawan sa mga pangungusap. Isulat ang nabuong salita sa patlang sa ibaba.

ALAYAN Pangunahing layunin upang wakasan ang panghihimasok ng


KA mga mananakop sa kanilang pamumuhay at kabuhayan.

1. __________________________________________

ISAYONS Ideya ng pambansang kamalayan na kung saan lahat ng


AMONL pansariling kapakanan ay napangingibabawan ng pambansang
kapakanan na kakikitaan ng matinding pagmamahal at
pagpapahalaga sa kaniyang bansa.

2. __________________________________________

ISKOM Ideolohiyang naghahangad na bumuo ng isang lipunang walang


ONMU antas o uri (classless society) kung saan ang mga salik ng
produksyon ay pag-aari ng lipunan.

3. __________________________________________

ASYA Tumutukoy ang ideolohiyang ito sa kapangyarihan ng


KRE pamahalaan na nasa kamay ng mga tao at ang pagkakapantay-
DOM pantay ng mga mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang
pangunahing aspeto ng pamumuhay.

12
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
4. __________________________________________

NIMAG Malawakan at organisadong paglaban upang mapabagsak ang


HASIK namumuno sa isang bansa na nagdudulot ng malawakang
pagbabago.

5. __________________________________________

LOHII Ito ay isang sistema o lipon ng mga ideya o kaisipan na


DEOYA naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at pagbabago
nito.

6. __________________________________________

MANGD IGA Malawakang digmaan na kinasangkutan ng maraming


NDAIGPA N bansa sa buong mundo na nagdulot ng malawakang
IGD pagbabago.
7. __________________________________________

ALIS
Pagpapalawak ng kapangyarihan at teritoryo sa pamamagitan
MIM
ng pananakop ng hindi lang isa kundi maraming teritoryo o
PEO bansa.
RY

8. __________________________________________

YAOLK Pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang


LONI bansa upang makontrol at magamit ang likas na yaman nito
SM O para sa pansariling interes.

9. __________________________________________

SUND Pagkakaunawaan ng dalawang magkasalungat na panig upang


UKAA matigil na ang kanilang sigalot o di-pagkakaunawaan,
N nagkakaroon ng usapan o kompromiso ang magkabilang
panig.
10. __________________________________________

13
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
Karagdagang Gawain

Binabati kita! Tunay na napalawak mo ang iyong kaalaman dahil matiyaga


mong natapos ang mga inihandang gawain. Ngayon ay kailangang isagawa mo
ang bahaging ito.

Ang Aking Panata:


Bilang isang batang Marikenyo ipakita mo ang kahulugan ng NASYONALISMO
sa pamamagitan ng isang poster. Ito ay maaring maging iyong panata kung paano mo
naipapakita ang pagmamahal sa Bayan lalo na sa kasalukuyang panahon ng
pandemya.

BINABATI KITA! Matagumpay mong natapos ang mga gawain sa araling


ito. Higit mong napalawak at napalalim ang iyong kaalaman tungkol sa
Nasyonalismo sa Silangan at Timog – Silangang Asya. Nagpapatunay lamang na
ikaw ay handa na para sa susunod na aralin tungkol sa mga relihiyon sa
Silangan at timog Silangang Asya.

Sanggunian
Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba pahina 346-362
Mula sa link:
https://www.slideshare.net/Gieclef12/nasyonalismo-sa-silangan-at-timogsilangang-asya Accessed
January 18, 2021,
http://ohspmodularlearningforgrade8.weebly.com/pag-usbong-ng-nasyonalismo-sa-timog-asya.html1-
25,2021, 4:29
https://www.slideshare.net/tangtangneddie/gr-8-4th-aralin-3 Accessed January 29,2021,
https://tl.encyclopedia-titanica.com/significado-de-comunismo Accessed January 29,2021,
https://www.slideshare.net/rayjason/nasyonalismo-sa-tsina-at-india Accessed February 1, 2021 1 :06
am Accessed 2- 1, 2021 8 :06 am
https://images.clipartof.com/small/1048327-Royalty-Free-RF-Clip-Art-Illustration-Of-A-Cartoon-Black-
And-White-Outline-Design-Of-A-Guy-Trying-To-Assemble-A-Puzzle.jpg
http://malacanang.gov.ph/7050-andres-bonifacios-pag-ibig-sa-tinubuang-lupa/
https://www.slideshare.net/jaredram55/nasyonalismo-sa-silangan-at-timog-silangang-asya accessed
February 16, 2021, 6:27 pm http://www.clker.com/cliparts/e/K/g/G/i/j/blue-stick-man-reflect-md.png
Accessed as of February17, 4:43 pm
Accessed 2- 1, 2021 8 :46
https://www.slideshare.net/jmpalero/ap-7-lesson-no-31a-nasyonalismo-sa-pilipinas
https://www.facebook.com/everyjuanshouldknows/posts/2467198760175052/ Accessed February
3, 2021 ? ang iba't-ibang relihiyon sa Silangan at Timog-Silangan Asya .2 :46 am

14
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
Susi ng Pagwawasto

10. KASUNDUAN 5. HIMAGSIKAN


9. KOLONYALISMO 4. DEMOKRASYA
8. IMPERYALISMO 3. KOMUNISMO
7. PANDAIGDIGANG DIGMAAN 2. NASYONALISMO
6. IDEOLOHIYA 1. KALAYAAN
Tayahin
BASE SA RUBRIK BASE SA RUBRIK
IPOPROSESO NG GURO IPOPROSESO NG GURO
(essay) (Tsart at Venn diagram) (SURI TEKSTO)
Isagawa Pagyamanin Suriin
RUBRIK
GURO BASE SA
B. IPOPROSESO NG
5. B
4. D
BASE SA RUBRIK 3. B
IPOPROSESO NG GURO BASE SA RUBRIK 2. C
(tula) IPOPROSESO NG GURO 1. B
Tuklasin Balikan Subukin

Mga Pamantayan sa Pagmamarka:


TULA/SANAYSAY/
Pamantayan 10 5
P a g k a k a b u o Angkop at tama ang mga salitang Walang kaugnayan at hindi angkop
ginamit sa pagbuo ng tula ang mga salitang ginamit sa pagbuo
n i l a l a m a n Mabisang nailalahad ang mensahe ng tula
ng tula Hindi nailalahad ang maayos ang
nilalaman ng tula

POSTER
Pamantayan Puntos (5)
N i l a l a m a n -Nagpapakita ng ng maayos na konsepto ng poster
K a a n g k u p a n n g -Maliwanag at angkop ang mensahe at konsepto ng
k o n s e p t o poster
P a g k a m a p a n l i k h a
-Orihinal ang ideya sa paggawa ng poster
Pagakamalikhain -Gumamit ng tamang kombinasyon ng kulay upang
Kabuuang maihayag ang nilalaman ng poster
Presentasyon -Malinis at maayos ang mensahe ng poster

GRAPHIC ORGANIZER/TSART/VENN DIAGRAM


Pag-unawa------- 5 puntos
Organisasyon -------5 puntos
Nilalaman-------5 puntos
Teknikalidad ------5 puntos
Kabuoang puntos-----20

15
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jezrill Abordo - Huab


Mga Tagasuri: Aaron S. Enano
Tagaguhit ng kober: John Miciano

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano
Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Catherine Paningbatan
Learning Resource Librarian

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Schools Division Office- Marikina City
Email Address: [email protected]
191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines
Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

16
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like