Cot 1 WHLP 2021-2022

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Repuiblic of the Philippines

Department of Education
Region I
Pangasinan Division II
SAN PEDRO APARTADO NATIONAL HIGH SCHOOL

WEEKLY HOME LEARNING PLAN


Name of Student: Grade/Section: 11-Access
Day & Time February 16, 2022 / 2
:30-3:30
Learning Area Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Ikalawang Kuwarter- Modyul 5
Learning
Competency Kasanayang Pampagkatuto (MELCs)
• Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan.
•Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga
usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon,
layunin, at grupong kinabibilangan.
(F11PS –IIe – 90)
Mga Detalyadong Layunin
1. Nailalahad ang mga iba’t ibang antas o barayti ng wika sa lipunan.
2. Nagagamit ng angkop na antas ng wika sa isang situwasyon.
3. Nakabubuo ng halimbawang gamit na wika sa pamamagitan ng
paggawa ng islogan.

Learning Task AKTIBIDADES (ACTIVITIES)


(4As) BALIK-ARAL
 Ang guro ay magbibigay ng pagbabalik-aral hinggil sa Modyul 4:
MGA SITWASYONG PANGWIKA SA IBA’T IBANG MIDYA.
 Ang guro ay magbibigay ng palaro.
 HULA LARAWAN MULA SA LETRA!
 PANUTO: Mula sa mga ipapakitang larawan, hulaan kung ano ang
mga salitang mabubuo mula sa mga nagulong letra!
ANALYSIS
Iuugnay ng guro ang mga halimbawang salita sa mga paksang kanyang
tatalakayin ang “Antas ng Wika at Gamit ng Wika”
 Hahayaan ng guro na ianalisa at magbigay hinuha ang mga mag-
aaral sa dalawang kategoryang antas na wika impormal/pormal,
kung saang antas kaya nabibilang ang mga salitang balbal,
lalawiganin, kolokyal, pambansa, at pampanitikan. Bibigyang
hinuha rin ng mga mag-aaral kung saang antas nabibilang ang
mga salitang mudrabels, tena, innapoy, pandemya at nasiraan ng
bait.
 Bubuuin ang Concept map na grapikong pantulong.

Mga Pagpipilian:

 Impormal/Pormal

 Balbal, Lalawiganin,
Kolokyal, Pambansa,
Pampanitikan

ABSTRACTION
Mahalagang maunawaan ng lahat ng tao ang mga antas ng wikang ito
nang gayo’y maibagay niya ito sa kanyang katayuan, sa hinihingi ng
panahon at pook at maging sa okasyong dinadaluhan.
Nahahati ang antas ng wika sa kategoryang Pormal at Impormal. Sa
bawat kategorya, napaloob ang mga antas ng wika.
1. Pormal – ito ang mga salitang standard dahil kinikilala,
tinatanggap at ginagamit ng higit na
nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.

a. Pambansa – Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat


pangwika/pambalarila sa lahat ng mga paaralan. Ito rin ang wikang
kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.

b. Pampanitikan – ito naman ang mga salitang gamitin ng mga


manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang
karaniwang matatayog, malalalim, makulay at masining.

2. Impormal – ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang araw-


araw na madalas nating gamitin sa pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.

a. Lalawiganin – Ito ang mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ang


mga ito sa mga partikular na pook o lalawiganin lamang, maliban kung
ang mga taal na gumagamit nito ay magkikita-kita sa ibang lugar dahil
natural na nila itong naibubulalas. Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng
kakaibang tono, o ang tinatawag ng marami na punto.

b. Kolokyal – ito ay mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga


pagkakataong impormal. Maaaring may kagaspangan nang kaunti ang
mga salitang repinado ayon sa kung sino ang nagsasalita nito. Ang
pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita lalo na sa mga pasalitang
komunikasyon ay mauri rin sa antas nito.

c. Balbal – ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Sa mga pangkat-


pangkat nagmumula ang mga ito upang ang mga pangkat ay magkaroon
ng sariling codes. Mababang antas ng wika ito, bagamat may mga
dalubwikang nagmumungkahi ng higit pang mababang antas, ang
antas-bulgar.
 (Habang nasa talakayan, magpapasagot ang guro tungkol sa
mga paksa.)
CONATIVE, INFORMATIVE AT LABELING NA GAMIT NG WIKA

a. Conative - Ito ay nakatuon sa pagbibigay ng utos o babala sa


kausap o grupo ng mga tao. Ito ay mga sitwasyong
naiimpluwensiyahan natin ang isang tao sa pamamagitan ng
pakiusap at pag-uutos. Nagagamit din ito sa mga pagkakataong
gusto nating humimok o manghikayat, may gusto tayong mangyari o
gusto nating pakilusin ang tao.

b. Informative - sa mga sitwasyong may gusto tayong ipaalam sa


isang tao, nagbibigay ng mga datos at kaalaman, at nagbabahagi sa
iba ng mga impormasyong nakuha o narinig natin.

c. Labeling - ang gamit ng wika kapag nagbibigay tayo ng bagong


tawag o pangalan sa isang tao o bagay.

 (Habang nasa talakayan, magpapasagot ang guro tungkol sa


mga paksa.)
PHATIC, EMOTIVE AT EXPRESSIVE NA GAMIT NG WIKA

a. Phatic - Karaniwang maiikli ang usapang phatic. Sa Ingles,


tinatawag itong social talk o small talk. Sa isang pag-uusap, ang
bahagi lamang ng pagbubukas ng usapan ang phatic.

b. Emotive - Ito ay nagpapahayag ng damdamin o emosyon gaya ng


lungkot, takot at awa.

Madalas nating masabi ang masaya ako, galit ako, nahihiya ako,
kinakabahan ako at iba pa. Sa mga sitwasyong sinasabi natin ang
ating nararamdaman.

c. Expressive - Sa ilang usapin, personal man o panlipunan,


nababanggit natin ang mga saloobin o kabatiran, ideya at opinyon.
Ito ay nakakatulong sa atin upang mas makilala at maunawaan tayo
ng ibang tao. Gayundin sa pagbuo ng isang kaaya-ayang relasyon sa
ating kapwa.

APPLICATION (PAGLALAPAT)
GAWAIN I
Panuto:
Panuto: Magtala ng tig-isang halimbawa ng mga antas ng wika na
may kaugnayan sa teenage pregnancy. Gamitin sa isang
pangungusap at ilagay ang kahulugan nito. Gayahin ang pormat
sa ibaba. (CSE Integration)
GAWAIN II
Panuto:
Suriin ang OPM na awitin gamit ang link na ito,
https://www.youtube.com/watch?v=NcSqlEqfRXM may kaugnayan sa
pagpapahalaga sa mga ina, pakinggang mabuti ito at magtala ng limang
linya nagpapakita ng Emotive na gamit ng wika. Gayahin ang pormat sa
ibaba. (GAD Integration)

GAWAIN III (PERFORMANCE TASK)


(Mamimili ang mag-aaral nais na gawing aktibiti.)

Mga Panuto:
A. Gamit ang isang short coupon bond, lumikha ng isang slogan na
nagpapakita ng isang Conative na gamit ng wika sa pag-iwas ng
paggamit ng pinagbabawal na gamot. (NDEP Integration)

B. Lumikha ng isang maikling jingle na napapakita ng


pagpapahalaga sa mga lolo’t lola gamit ang Informative na gamit
ng wika na may isang minuto ang haba. Irekord ang awitin.
(Senior Citizen Integration)

C. Gumawa ng poster na nagpapakita ng pagkakaroon ng pantay-


pantay na karapatan ng babae at lalaki sa lipunan gamit ang
Expressive na gamit wika. Ilagay sa isang short coupon bond.
(CSE Integration)
Pamantayan sa Pagmamarka sa Aktibiti:
Kraytirya Puntos
Nilalaman at Kaangkupan sa Napiling Gamit ng Wika 50%
Pagkamalikhain/Organisasyon ng mga Ideya 30%
Kalinisan at Kaayusan 20%
Kabuoan 100%

Mga Ginamit na Pamamaraan / Estratehiya sa Pagtuturo (Principle


of Teaching Method Used):
Pamaraang Pasaklaw (Inductive Method)-ginamit ng guro ang pagtuturo
sa pamamagitan ng mga hinulaang salita bilang ispesipikong halimbawa
at pagkatapos a
Scaffolding (Pagmomodelo), Pagkatutong Integrativ (Integrative
Learning)

Integrations:
CSE Integrations:
Kaugnay sa aralin binigyang pagpapahalaga/kamalayan ng guro ang
mga mag-aaral kaugnay sa teenage pregnancy at ang pagpapahalaga rin
sa pantay-pantay na karapatan ng babae at lalaki sa lipunan sa
pamamagitan ng paggawa ng poster.
GAD Integration:
Nabigyang pagpapahalaga ang mga ina sa pamamagitan ng Gawain II,
ang pagsuri sa awiting “Para Kay Ina”.
NDEP Integration:
Nabigyang pagpapahalaga ang gamit ng wikang Expressive sa
pamamagitan ng Gawain III B, ang paggawa ng jingle para sa mga lolo’t
lola.

Mode of Delivery Messenger chat rooms/ Google meet 

Prepared by: Checked by:

___JERICA L. MABABA____ ______LANI O. BERCILES______


Signature Above Printed Name of Teacher Signature Above Printed Name of Unit
Head
Noted
:

DOMINGO L. LAUD
Principal IV

You might also like