Mga Hakbang Sa Pagsulat NG Posisyong Papel
Mga Hakbang Sa Pagsulat NG Posisyong Papel
Mga Hakbang Sa Pagsulat NG Posisyong Papel
Sa bahaging ito, mas bibigyan linaw natin ang kaalaman mo hinggil sa pagsulat ng posisyong
papel.
Karaniwan maikli lamang ang posisyong papel. Isa o dalawang pahina lamang upang mas
madaling itong mabasa at maintindihan ng mga mambabasa at mahikayat silang pumanig sa
paninindigan ng sumulat ng posisyong papel.
Maraming dahilan kung bakit makabuluhang sumulat ng posisyong papel. Sa panig ng may-
akda, nakatutulong ang pagsulat ng posisyong papel upang mapalalim ang pagkaunawa niya
sa isang pagsulat ng posisyong papel. Pagkakataon ito ng isang may-akda na magtipon ng
datos o organisahin ang mga ito, at bumuo ng isang malinaw na paninindigan tungkol sa isang
paksa o usapin. Naipapakita rin dito ang kanyang kredebilidad sa komunidad ng may mga
kinalaman sa nasabing usapin.
Sa pagsulat ng isang posisyong papel dalawang mahalagang bagay ang dapat isaisip. Ang
Katuwiran at Paninindigan. Ang salitang Katuwiran ay galing sa salitang “tuwid” nagsasabi na
ito ay tama, maayos, may direksiyon o layon, samantalang ang Paninindigan ay galing sa
salitang “tindig” na ibig sabihin pagtayo, pagtatanggol, paglaban na maaaring maging tama.
Introduksiyon
Dito Ipinakikilala ang paksa. Ipinapaliwanag ang konteksto ng usapin. Maari ring
banggitin dito ang pangkalahatang paninindigan sa usapin.