LS5 Sec
LS5 Sec
LS5 Sec
Department of Education
Region X
MOCK TEST
A&E Secondary
Learning Strand 5 – Undestanding the Self and Society
1. Nagpapakita and sumusunod ng mga paraan upang maibsan ang stress na nararamdaman MALIBAN sa
a. pagpakonsulta sa doctor c. paghanap ng maaaring mapaglilibangan
b. pagsangguni ang iyong nararamdaman sa iba d. pagiging ideyalistiko sa pananaw sa buhay
2. Ibinalita ng PHILVOCS na may naitalang mga pagyanig sa lugar na kinatatayuan ng bahay mo. Ang mga pagyanig ay
posibleng tanda ng ‘volcanic activity’ sa bundok. Ano ang pinakamainam na iyong gagawin?
a. Pabulaanan ang pahayag ng PHILVOCS c. Lagyan ng tali ang bahay para maging matibay.
b. Bumaba ng bundok at magtungo sa lupa. d. Lisanin ang lugar para sa kaligtasan.
3. Ang bagyong Yolanda ay isa sa pinakamalakas na bagyong sumalanta sa Pilipinas. Alin sa mga sumusunod ang hindi
naging epekto ng bagyong Yolanda?
a. sakit at epedimya b. polusyon c. pagkawala ng ari-arian d. pagkasira ng pananim
4. Ito ang iba’t ibang kaugalian, tradisyon at saloobin na katangi-tangi sa mga Pilipino MALIBAN sa
a. magalang sa mga matatanda. c. maasikaso sa pagtanggap sa mga kaibigan
b. matulungin at mapagmahal sa kasambahay. d. mapanglait at mapagmataas.
6. Maraming pamilya ang naapektuhan ng bagyo sa Leyte. Dumating ang mga taga-DSWD para mamigay ng mga pagkain
sa mga nasalanta ng bagyo. Ano ang gagawin mo kung isa ka sa mga taong naapektuhan?
a. Sisigawan ang mga kapwa na nasalanta c. Pipila nang maayos at hihintaying mabigyan.
b. Hahayaang hindi makakuha ng rasyon d. Makipag-unahaan sa rasyon ng pagkain.
7. Ikaw ay naatasang maging lider sa paggawa ng kubo para sa gaganaping patimpalak sa Buwan ng Wika. Ano sa iyong
palagay ang pinakamabuting sistema upang maging matagumpay ang inyong proyekto?
a. Ibibigay ko ang lahat ng trabaho sa pinakamatalinong ka-grupo.
b. Hahayaan ko ang lahat ng miyembro na kumilos ayon sa gusto nila para walang gulo.
c. Gagawin ko ang trabaho kahit walang tulong ng ibang miyembro para madaling matapos.
d. Hahatiin ko ang trabaho sa bawat miyembro upang ang lahat ay may bahagi sa proyekto.
8. Paano maipapakita ang iyong pag galang sa ating bandila habang itinataas sa tagdan?
a. Tatayo ng tuwid at aawitin ang pambansang awit nang malakas.
b. Ilalagay ang kanang kamay sa balikat, tatayo ng tuwid at aawitin ang pambansang awit.
c. Ilalagay ang kanang kamay sa dibdib, tatayo ng tuwid at aawitin ang pambansang awit.
d. Tatayo ng tuwid habang ang kanang kamay ay nasa dibdiv at papanoorin ang pagtaas ng bandila.
10. Nagkakilala ang magkaibigang matalik na sina Jenny at Addie dahil sa pinapasukan nilang trabaho. Hilig ni Jenny na
mamasyal sa iba’t ibang lugar. Subalit hindi sanay si Addie sa mga pasyalan at pagliliwaliw. Ito ang madalas na sanhi ng
madalas na pagtatalo ng magkaibigan. Ano ang pangunahing dahilan ng kanilang di-pagkakasundo?
a. bahay c. pinagmulang probinsiya
b. trabaho d. kinamulatang kaugalian
11. Alin sa mga sumusunod ang HINDI mabuting maidudulot ng paglalakbay sa iba’t ibang lugar?
a. Makakakilala ng maraming tao. c. Makakalimutan ang kultura ng bayang pinagmulan.
b. Mararanasan ang ibang uri ng pamumuhay. d. Magkakaroon ng pagkakataong makapagbakasyon.
12. Alin sa mga sumusunod na organisayon ang namamahala sa nga internasyunal na paligsahan sa boxing?
a. World Boxing Council (WBC) c. Philippine Boxing Association (PBA)
b. World Sports Commission (WSC) d. International Olympic Committee (IOC)
15. Ano ang tawag sa maiikling tulang iisahing saknong ng sinaunang panitikan ng Pilipinas?
a. Haiku b. Pantun c. Tanaga d. Dalit
20. Alin sa mga sumusunod ang hindi sapat na proteksyon upang maiwasan ang pagkakaroon ng AIDS?
a. pag-iwas sa pakikipagtalik nang walang sapat na proteksyon
b. pagkakaroon ng isang kapareha lamang
c. pag-iwas sa pakikipagtalik sa mga bakla o masasamang babae o patutot
d. pag-iwas sa paggamit ng mga nakatutusok na instrumento sa balat
21. Ang gawain na hindi pagkain ng baboy at hindi pag-inom ng alcohol ay impluwensiya ng
a. Hapon b. Intsik c. Hindu d. Arabo
24. Alin sa mga sumusunod ang isang pisikal na epekto ng maling paggamit ng droga?
a. malnutrisyon b. pagkabalisa c. sakit sa utak d. makakalimutin
29. Nakaiskedyul ka para sa isang interbyu. Pagdating mo sa opisina, alin sa mga sumusunod ang pinaka-akmang
sasabihin mo sa mag-iinterbyu sa iyo?
a. Mr./Mrs. _______ narito na ako para sa naka-iskedyul na interbyu.
b. Hello! Mr. / Mrs. ___________ narito na ako para sa interbyu.
c. Hi, Mr. / Ms. _________. Hindi ba’t iinterbyuhin mo ako?
d. Mr. / Mrs. _______ ikinagagalak ko at ako’y narito para sa interbyu.
30. Makakamtan ang tinatawag na ‘university in diversity’ ng mga bansa at kultura sa mundo sa
a. Pagsasapi sa mga samahang international ng bansa.
b. Pagkilala at pag-unawa sa pagkakaiba ng kultura ng bawat bansa.
c. Pagtataguyod ng sariling interes ng bawat bansa.
d. Pagtanggap sa pamumuno ng malalaki at mayayamang bansa.
31. Bilang isang mabuting mamamayan, paano ka makakatulong sa pag-unlad ng iyong bansa?
a. Gagayahin kung ano man ang uso sa ibang bansa.
b. Mangingibang bansa at doon magtatrabaho.
c. Sasali sa mga organisasyon na naglalayong baguhin ang sistema ng gobyerno.
d. Susundin ang lahat ng batas na ipinapatupad ng pamahalaan at sasali sa mga organisasyong pampamahalaan.
33. Ano ang dapat mong gawin kung marami kang kailangang tapusin subalit kinakapos ka na sa oras?
a. Tatapusin lamang ang gustong gawin. c. Madaliin ang ginagawa.
b. Gagawa ng sistema sa pagtatrabaho. d. Ipasa sa ibang tao ang trabaho.
34. Nakita ni Aling Annie na halos araw-araw sinasaktan ni Mang Danny ang mag-ina nito. Saang ahensiya ng pamahalaan
dapat humingi ng tulong si Aling Aning sa bagay na ito?
a. Department of Education c. Department of Social Welfare and Development
b. Department of Public Works and Highways d. Department of Labor and Employment
36. Kahanga-hanga ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng isang makata na siyang sumulat ng isang napakagandang korido
na “Florante at Laura”. Sino ang sumulat nito?
a. Jose Palma b. Marcelo Del Pilar c. Francisco Balagtas d. Jose Corazon De Jesus
37. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang pinakamainam na naglalarawan ng disiplina sa sarili?
a. Ang pasyente na may sakit ay palihim na kumakain ng ipinagbabawal na pagkain ng kanyang doctor.
b. Isang lalaki na nag-eehersisyo araw-araw at kumakain ng di masusustansyang pagkain.
c. Isang anak na sumusunod sa magulang ngunit walang pagkukusa sa mga gawaing bahay.
d. Mag-aaral na sumusunod sa patakaran ng paaralan kahit walang nakakakita ng kanyang ginagawa.
38. Nalikha ni Thomas Edison ang bombilyang ilaw noong 1879 pagkatapos ng dalawang libong pagsubok. Ayon kay
Edison ”Ang katalinuhan ay siyamnapu’t siyam na porsyentong pawis at isang porsyentong inspirasyon.” Ano-ano ang
mga pagpapahalagang ipinamalas ni Thomas Edison sa paglikha ng bombilyang ilaw?
a. Kasipagan at pagtitiyaga c. Pagpapakasakit at pagkamaagap
b. Pagtitiwala at pagpapahalaga sa sarili d. Ambisyoso at pagka-masayahin
39. Ang pagpapahayag ng Kasarinlan ng Pilipinas ay naganap noong _________ sa Kawit, Cavite.
a. June 12, 1898 b. June 12, 1895 c. June 12, 1897 d. June 12, 1896
40. Aling batas ang nagbibigay ng proteksyon sa mga bata laban sa iba’t ibang uri ng pang-aabuso?
a. Republic Act 9165 b. Republic Act 7394 c. Republic Act 7610 d. Republic Act 9502
41. Aling batas ang tinatawag na Comprehensive Dangerous act of 2002?
a. Republic Act 9165 b. Republic Act 7394 c. Republic Act 7610 d. Republic Act 9502
42. Bilang isang mabuting mamamayan, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa pagkakaiba ng ating kultura?
a. Kilalanin na may higit na mataas na kultura kay sa iba. c. Makiayon sa kulturang nais mo.
b. Tanggapin at respetuhin ang kultura ng iba. d. Pansinin ang pagkakaparehas ng kultura
43. Ano sa palagay mo ang magiging resulta kung ang bawat miyembro ng pamilya ay ginagampanang mabuti ang kani –
kanilang tungkulin?
a. Nagkakasundo at may payapang pamumuhay. c. Pagkilala sa maling nagawa ng bawat isa.
b. Hindi nagkakasundo sa bawat tungkulin. pd. Aasa sa masipag na kasapi ng pamilya.
44. Ang Ramadan ay mahalagang pagdiriwang sa Relihiyong Islam. Ano ang pangunahing gawain ng mga taong
nagdiriwang nito?
a. nag – sasayaw b. nag – aayuno c. nakikipagkaibigan d. nagkakawang-gawa
45. Isa sa mga kaugalian ng mga Pilipino na ipinagmamalaki sa buong mundo ay ang pagdaraos ng mga makukulay na
festival. Kung ang Cebu ay may Sinulog Festival, anong pagdiriwang naman mayroon ang Davao?
a. Ati – Atihan Festival b. Mascara Festival c. Dinagyang Festival d. Kadayawan Festival
46. Ano ang banyagang institusyon na nagpapautang ng pantustos para sa mga proyektong pagpapaunlad sa isang
bansa?
a. Philippine National Bank c. Bangko Sentral ng Pilipinas
b. Development Bank of the Philippines d. World Bank
48. Isang kaugalian ng mga Pilipino na nagpapakita na sa una lang masigasig, maganda o magaling sa ginagawa ngunit sa
kalaunan ay hindi na naitutuloy ang nasimulan na gawain.
a. Ningas Cogon b. Bahala na habit c. Mañana Habit d. Crab Mentality
49. Ang nagdeklara na Filipino ang maging wikang pambansa at siya rin ay tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”.
a. Manuel Quezon b. Benigno Aquino c. Sergio Osmeña d. Jose Rizal
50. Pumuntasi Belinda sa China para magbakasyon ng limang araw. Tatlong araw mula ng pag-uwi niya ay nilagnat siya.
Pagkalipas ng apat na araw ay lumiban siya sa kanyang trabaho para magpakonsulta. Sinabihan siya ng doktor na
possibleng mayroon siyang NCOV. Ano ang ibig sabihin ng sakit na ito?
a. Novel Coronavaccine b. New Coronavirus c. Novel Coronavirus d. Neuro Coronavaccine
LS 5-Secondary
ANSWER KEY
1. D. Maging ideyalistiko sa pananaw sa buhay.
2.D. Lisanin ang lugar para sa kaligtasan.
3. B. Polusyon
4. D. Mapanglait at mapagmataas.
5. B. Nasisira ang mga uri ng yamang dagat.
6. C. Pipila nang maayos at hihintaying mabigyan.
7.D. Hahatiin ko ang trabaho sa bawat miyembro upang ang lahat ay may bahagi sa proyekto.
8.C. Ilalagay ang kanang kamay sa dibdib, tatayo ng tuwid at aawitin ang pambansang awit.
9. B. Filipino
10. D. kinamulatang kaugalian
11. C. Makakalimutan ang kultura ng bayang pinagmulan.
12.A. World Boxing Council (WBC)
13.D. Pagkaranas ng suliraning pang-agrikultura.
14. B. Ilokano
15.C. Tanaga
16. D. may kompletong organ system subalit hindi pa rin kayang mabuhay
17.A. kumain ng wasto at regular ang pag-ehersisyo
18.A. adolescence
19.D. Pagdumi sa hangin at kapaligiran.
20.A. pag-iwas sa pakikipagtalik nang walang sapat na proteksyon
21. D. Arabo
22. C. Ilocano
23.A. isang responsableng empleyado
24.A. malnutrisyon
25. D. lahat ng nabanggit
26. B. pag-unawa at pakikibahagi sa nararamdaman ng iba
27.A. hindi natin mapapahalagahan ang mabuting damdamin kung ating iniinda ang ganitong damdamin
28.D. Social Security System (SSS)
29.D. Mr. / Mrs. _______ ikinagagalak ko at ako’y narito para sa interbyu.
30.B. Pagkilala at pag-unawa sa pagkakaiba ng kultura ng bawat bansa.
31. D. Susundin ang lahat ng batas na ipinapatupad ng pamahalaan at sasali sa mga organisasyong pampamahalaan.
32. C. Isang babae na tinanggap sa pagiging mekaniko dahil siya ay kwalipikado rito.
33. B. Gagawa ng sistema sa pagtatrabaho.
34.C. Department of Social Welfare and Development
35.C. Patintero
36.C. Francisco Balagtas
37. D. Ang isang mag-aaral na sumusunod sa mga patakaran ng kanilang paaralan kahit walang nakakakita ng kanyang
ginagawa.
38.A. Kasipagan at pagtitiyaga
39.A. June 12, 1898
40. C. Republic Act 7610
41.A. Republic Act 9165
42. B. Tanggapin, respetuhin at pahalagahan ang kultura ng iba.
43.A. Nagkakasundo at may payapang pamumuhay.
44. B. Nag – aayuno
45. d. Kadayawan Festival
46. D. World Bank
47. c. Risk-taker
48.A. Ningas Cogon
49. A. Manuel Quezon
50. C. Novel Coronavirus