Komunikasyon at Pananaliksik11 - q1 - m1 - Konseptong Pangwika - v3

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – 11

Alternative Delivery Mode


Unang Markahan – Modyul 1: Konseptong Pangwika
Unang Edisyon

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalties.
Barrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand
names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education


Secretary:
Undersecretary:
Assistant Secretary:
Development Team of the Module:
Development Team of the Module
Author:
Author: APRIL L. ECHIVERRIApril L. Echiverri
Reviewers: Ina Joana L. Sultan
Editor:
Analiza R. Solatorio
Jocelyn
Reviewer: Ina Joana L. Sultan, Analiza P.R.
Zamora
Solatorio, Jocelyn P. Zamora
Illustrator: Janeth U. Tigol
Illustrator: Janeth U. Tigol
Management Team:
Management Team: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Regional Director
Co-Chairpersons:Dr. Victor G.Dr.
DeVictor
Gracia G.
Jr.,De Gracia
CESO V Jr., CESO V
Asst. Regional Director
Asst. Regional Director
Mala Epra B. Magnaong
CES, CLMD
Mala Epra B. Magnaong
Members: CES, CLMD Dr. Bienvenido U. Tagolimot, Jr.
Regional ADM Coordinator
Elesio
Member: M. Maribao
Dr. Bienvenido U. Tagolimot Jr.
EPS, EPS-ADM Filipino

Neil Mike Luke Improgo


EPS – II, LRMS
Printed in the Philippines by: Department of Education – Regional Office 10
Office Address: Zone 1, Upper Balulang Cagayan de Oro City 9000
Telefax: (088)
Printed in 880-7071, (088)
the Philippines 880-7072
by: DepEd, Region X
E-mail Address: [email protected]
Department of Education – Bureau of Learning Resources
Office Address: Zone 1, DepEd Building Mastersons Ave., Upper Balulang,
Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address [email protected]
11
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 1
Konseptong Pangwika

This instructional material was collaboratively developed and


reviewed by educators from public and private schools, colleges, and
or/universities. We encourage teachers and other education stakeholders to
email their feedback, comments, and recommendations to the Department of
Education at [email protected].

We value your feedback and recommendations.

Kagawarang ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1


Nilalaman ng Modyul ……………………………… 1
Alamin ……………………………… 2
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 2
Subukin ……………………………… 2
Aralin 1 ……………………………… 3
Tuklasin ……………………………… 3
Linangin ……………………………… 4
Suriin ……………………………… 4
Isaisip ……………………………… 12
Tayahin ……………………………… 12
Sanggunian ……………………………… 16
Modyul 1
Konseptong Pangwika 1

Pangkalahatang Ideya

Ang modyul na ito ay tungkol sa mga konseptong pangwika kung


saan matutunghayan ang mga pagpapakahulugan sa wika, kahalagahan ng
wika, gayundin ang maikling kasaysayan ng wikang pambansa.
Naglalayon din ang Modyul na ito sa paanong paraan ang wika ay
nagiging instrumento ng mabisang pakikipagtalastasan, mabuting
pakikipagkapwa-tao, kapayapaan at maipababatid ang mahaba at masalimuot
na kasaysayan ng ating Wikang Pambansa.Maipakikita rin sa modyul na ito
ang pagpapahalaga sa pagkakaroon natin ng isang wikang nagbubuklod sa
ating mga Pilipino.
Tutulungan ka ng modyul na ito na matutukoy ang kahulugan at
kabuluhan ng mga konseptong pangwika at maiuugnay ang mga konseptong
pangwika sa mga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo,
talumpati at mga panayam.
Gayundin, mapapalawak ang iyong kaalaman kung bakit ang wika ang
itinuturing na salamin ng ating kultura at pagkakaroon ng isang wikang
pambansa at ang kahalagahan nito.
Matutunan mo ring bumuo ng sariling katuturan o kahulugan ng
Wikang Filipino.

Nilalaman ng Modyul

Ang modyul na ito ay may isang aralin:

 Aralin 1 - Wika at Wikang Pambansa


Wikang Panturo at Wikang Opisyal

1
Alamin
Ano ang Inaasahan Mo?

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:

1. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong


pangwika; at (F11PN-Ia-85)
2.Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang
sitwasyong pangkomunikasyon sa radio, talumpati at mga panayam.
(F11PN-Ia-86)

Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan gawin ang mga sumusunod:
 Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong
pangwika.
 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain
at pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

Subukin
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa
bawat aytem. Isulat lamang ang titk o letra ng mapipili mong sagot sa patlang
bago ang bawat bilang.

______ 1. Ginagamit ang Wikang Filipino upang magkaintindihan ang mga


Pilipinong may iba’t ibang unang wikang kinagisnan. Ang Filipino rito ay
ginagamit bilang__________.

A. Wikang Pambansa C. Lingua Franca


B. Wikang Opisyal D. Wikang Panturo

______ 2. Kung ang wika ay ginagamit bilang wika sa mga transaksyon at


komunikasyon sa gobyerno, pasulat man o pasalita, gamit ito bilang
__________.

A. Lingua Franca C. Wikang Opisyal


B. Wikang Pambansa D. Wikang Panturo

2
______ 3. Ayon sa kanya, ang wika ay isang sistema ng mga tunog na
isinaayos sa paraang arbitraryo.

A. Paz Hernandez C. Charles Darwin


B. Henry Allan Gleason, Jr. D. Lope K. Santos

_______4. Ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika


ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.

A. Filipino C.Bisaya
B. Ilokano D.Waray

_______5. Ayon kay ________, ang wika ay sistema ng tunog o sagisag na


ginagamit ng mga tao sa komunikasyon.

A. Sapiro C.Gleason
B. Hemphill D. Hutch

_______6. Ipinapahayag sa Sek.7 artikulo bilang ______ ng Saligang batas


ng 1987 na ang Wikang Opisyal sa Pilipinas ay Filipino hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas, gagamitin din ang Wikang Ingles.

A. XV C. XIV
B. XII D.XVI

_______7. Ano ang ating wikang Pambansa?

A. Ingles C.Tagalog
B. Ilocano D. Filipino

_______8. Ayon kay _________, ang wika ay isang makataong pamamaraan


ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at kaparaanang lumikha ng tunog.

A. Gleason C. Quezon
B. Sapiro D. Hemphill

_______9. Anong wikang ginagamit bilang wikang panturo sa mga


paaralang Pang-sekundarya?

A. Tagalog at Bisaya C. Ingles at Filipino


B. Maranao at Bisaya D. Ingles at Kastila

_______10. Ang tawag sa wikang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na


edukasyon.

A. Wikang Panturo C. Wikang Pambansa


B. Wikang Opisyal D. Wikang Pandaigdig

3
Aralin

Aralin 1 - Wika at Wikang Pambansa

Tuklasin

Handa ka na ba? Alam kong masisiyahan ka sa mga matutuklasan mo


habang pinag-aaralan ang araling ito. Sinasabi na maraming pabago bago
ang pamamaraan sa pag-aaral na Wikang Filipino pero dapat mo ring
matutunan ang kalagayan ng wikang Filipino sa ating bansa. Sabi nga,
kumusta na kaya ang sariling Wika natin? Kaya, matutulungan kang
madagdagang kaalaman mo sa araling ito.

Gawain 1. Panuto: Sa pamamagitan ng graphic organizer sa ibaba magbigay


ng sariling pagpapakahulugang salita na nakasulat sa loob ng bilohaba.

Konseptong
Pangwika

A. Mga Pokus na tanong

a. Paano mo maitutukoy ang pagbibigay ng kahulugan at kabuluhan ng


mga konseptong pangwika bilang isang mag-aaral?
b. Paano mo maipapaliwanag ang kahulugan ng iba’t ibang konseptong
pangwika sa tulong ng mga halimbawang sitwasyon sa pang-araw-
araw na buhay bilang isang mag-aaral?

B. Pagsagot sa Mga Pokus na Tanong


Subukin mong sagutin ang Mga Pokus na Tanong na ibibigay ang
sariling hinuha bilang sagot sa mga ito. Isulat sa iyong kwaderno.

4
Suriin
Tunghayan Mo
Tunghayan ang Round Table Discussion ng ilang mag-aaral tungkol sa
paksang mga konseptong pangwika: Wika, Wikang Pambansa, Wikang
Panturo, Wikang Opisyal.

Sa pangunguna ng kanilang lider na si Angelo Carrtte, pinag-uusapan


nila ang paksang tatalakayin ng kanilang pangkat, ang tungkol sa mga
konseptong pangwika. Kasama sa pangkat sina Maxine, Stephanie, Nathalie,
Angela, at Messiah.
Angelo Carrtte: Handa na ba kayo sa tatalakayin natin para sa klase
bukas? Pag-usapan natin at isa-isahin ang mga ito.
Maxine: Sige ako ang mauuna. Wika ang napunta sa akin. Gaya ng
napagkasunduan natin, gagawan ng handout ang tatalakayin kaya’t kmuha na
kayo ng tig-iisa para masabayan ninyo ako.
Ayon kay Hutch (1991), ang wika ay sisitema ng tunog o sagisag na
ginagamit ng tao sa komunikasyon. Ang pagsasalita ng tao tinutukoy na
sistema ng tunog. Binubuo ang sagisag ang isang wika. Sa nabanggit na
depinisyon, tinutukoy rin na ang wika ay para sa tao. Bagaman ang mga
hayop ay mayroon ding paraan sa komunikasyon, hindi tinatawag na ang
wika ang mga ito. Samakatuwid, ang wikang tinutukoy sa pagtatalakay na ito
ay ginagamit ng tao sa pakikipag- ugnayan sa kanyang kapwa tao.

Ipinahayag ni Otanes (1990), na ang wika ay isang napakasalimuot na


kasangkapan sa pakikipagtalastasan. At ang paglinang sa wika ay nakapokus
sa kapakinabang idudulot sa mag-aaral na matutuhan ang wika upang
makapaghanapbuhay, makapamuhay sa kanilang kapwa, at mapahalagahan
nang lubusan ang kagandahang buhay sa kanyang ginagalawan.
Angelo Carrtte: Mahusay, talagang malawak ang naging pananaliksik
ni Maxine. Si Stephanie naman, wika rin itinakda sa iyo, di ba?
Stephanie: Tama ka. Narito naman ang iba pang kahulugan ng wika.
Isinasaayos koi to sa pamamagitan ng isang tsart.
Gleason Sapiro Hemphill
(1961) (Sapiro sa Ruzol (Hemphil sa Ruzol
2014:15) 2014:15)
Ang wika ay Ang wika ay isang lakas Ang wika ay isang
masistemang balangkas at makataong masistemang kabuuan
ng mga sinasalitang pamamaraan ng ng mga sagisag na
5
tunog na pinili at paghahatid ng mga sinsalita o binibigkas na
isinaayos sa paraang kaisipan, damdamin,at pinagkaisahan o
arbitaryo na ginagamit hangarin sa kinaugalian ng isang
sa pamamagitan ng isang pangkat ng mga tao,at
pakikipagkomunikasyon kusang-loob na sa pamamagitan nito’y
ng mga taong kabilang kaparaanang lumikha nagkakaugnay,nagkaka-
sa isang kultura ng tunog. unawaan at nagkakaisa
ang mga tao.

Angelo Carrtte: Wow, hindi nagpatalo si Nathalie Pakinggan naman


natin si Angela sa pagtatalakay niya.

Angela: Ang gamit ng wikang panturo ay magtamo ng mataas na


antas ng edukasyon.

Wikang Panturo

Ang wikang pambansa na itinadhana ng batas ay gagamitin bilang


Wikang Panturo. Gagamitin ito upang makatulong sa pagtatamo ng mataas
na antas ng edukasyon. Mahalaga ang mabilis na pag-unawa sa tulong ng
wikang panturo upang makaagapay sa akademikong pag-unlad. Magiging
makahulugan ang pagkatuto gamit ang wikang panturo. Gaya ng isinasaad
sa Probisyong Pangwika ng Artikulo XIV seksyon 6 ng Saligang-batas ng
1987, kaugnay ng wikang panturo na:

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.Samantalang nilinang,


ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa
Pilipinas at ibang pang mga wika. Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang
pamahalaan upang ilunsad at puspusang itaguyod ang Filipino bilang midyum
ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng panturo sa sistemang pang-
edukasyon.

Angelo Carrtte: Napakakomprehensibong ng talakay mo,


Angela.Sige, si Messiah naman ang pakinggan natin para sa huling
konseptong pangwika. Ang Wikang Opisyal.
Messiah: Okey, ako naman.

Wikang Opisyal

Tinatawag na Wikang Opisyal ang prinsipal na wikang ginagamit sa


edukasyon, sa pamahalaan, sa politika, sa komersiyo at industriya.
Ipinahayag naman sa Artikulo XIV seksyon 7 ng Saligang-batas ng 1987 na:
“Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang Wikang Opisyal sa
Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinadhana ang batas, Ingles.”
6
Tinatanggap din ang Ingles na isa sa wikang opisyal maliban sa
Filipino. Maaari itong gamitin sa pakikipagkomunikasyon at edukasyon.
Hangga’t walang batas na nagbabawal gamitin ang Ingles sa nasabing
sitwasyon, kaagapay ito ng Filipino bilang Wikang Opisyal.

Angelo Carrtte: Nakatutuwa naman at talagang handing-handa na


tayo para sa talakayan bukas, Maidaragdag na, dahil sa ang mga wika ay
buhay, patuloy na umiinog ito sa mga pagbabago. Maging kahulugan o
depinisyon lumalawak din at nagbabago. Sige, bukas na natin alamin. Tayo
na. Umuwi na tayo at maghanda para bukas.

Lahat: Tama ka, para maging maayos ang pagtatalakay natin bukas.
Sipi mula kay M Jocson, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino: Vibal, Inc ,2016 p.4-6

Simulan Mo

GAWAIN 2. PAGLINANG NG TALASALITAAN. Ipaliwanag ang kahulugan


ng mga konseptong pangwika: Wika, Wikang Pambansa, Wikang Panturo, at
Wikang Opisyal sa tulong ng mga sitwasyong naranasan o maaring
maranasan. Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel.

Salita Pagpapaliwanag sa kahulugan


sa tulong ng mga sitwasyon.
1. Wika

2. Wikang pambansa

3. Wikang panturo

4. Wikang Opisyal

Talakayin Mo
Basahin ang sumusunod na Dekalogo ng Wikang Filipino. Isinusulat
ang nasabing dekalogo na ang inspirasyon ay ang Pambansang Dekalogo ng
mga bayani at tanyag ng mga pinuno na nakatuon sa pagmamahal sa lahi, sa
bansa, at sa Diyos. Inaasahan na ang dekalogo ay mahusay pa sa paglakad
ng panahon.

7
Dekalogo ng Wikang Filipino
(ni Jose Ladera Santos)
I.
Ang wika ay dakilang biyaya ng Maykapal sa
sangkatauhan. Bawat bansa ay binigyan ng Diyos ng
kani-kaniyang wika sa pagkakakilanlan.

II.

Ang Pilipinas ay mayroong 176 na katutubong wika


bukod pa sa panghihiram sa mga banyagang wika.

III.

Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino.


Si Pangulong Manuel Luis Quezon ang
Ama ng Wikang Pambansa. Ang wikang Filipino ay
katuparan ng pangarap na wikang panlahat.

IV
Ang wikang pambansa ay pinayayabong, pinagyayaman
at pinatatag ng lahat ng wikang ginagamit sa Pilipinas.

V.
Ang wika ay puso at kaluluwa ng bansa para sa ganap
sa pagkakakilanlan. Nakapaloob ito sa Pambansang Awit, Panunumpa
sa Watawat at sa lahat ng sagisag ng kalayaan at kasarinlan.

VI.

Tungkulin ng bawat Pilipino na pag-aralan, gamitin,


Pangalagaan, palaganapin, mahalin at igalang ang
Wikang Pambansa kasabay ang gayon ding pagmamalasakit
sa lahat ng katutubong wika at mga wikang ginagamit sa Pilipinas.

VII.

Ang pagmamahal at paggalang sa wika ay katapat ng


pagmamahal at paggalang sa sarili. Tumitiyak ito
upang igalang din ang kapwa. Taglay ng lahat ng
katutubong wika at mga wikang ginagamit sa Pilipinas.

8
VIII.

Malayang gumamit at pagyamanin ang iba pang wikang


gustong matutuhan. Sa pagkatuto ng iba ay lalo pang
dapat pakamahalin ang mga kinagisnang wika. Ano
mang wikang hindi katutubo sa Pilipinas ay
wikang hiram. Hindi matatanggap bilang
pagkakakilanlan at hindi maaangkin ang sariling atin.

IX.

Bawat Pilipino ay nag-iisip, nangangarap at nanaginip


Sa wikang Filipino o wikang kinagisnan.

X.

Ang bawat pagsasalita at pagsusulat gamit ng wika


ay pagdiriwang at pasasalamat sa Maykapal sa
pagkakaloob ng wika bilang biyaya sa sangkatauhan.

Sipi mula kay M Jocson, Komunikasyon at Pananaliksik


sa Wika at Kulturang Pilipino: Vibal, Inc ,2016 p.14-15

Pagyamanin

GAWAIN 3. Pagsusuri: Isulat sa loob ng talahanayan ang iyong mga sagot.


Sa unang kolum ang maiuugnay na konseptong pangwika, sa ikalawang
kolum ang bilang ng dekalogo, at sa ikatlong kolum ang paliwanag:Gawin ito
sa iyong sagutang papel.

KONSEPTONG BILANG NG PALIWANAG


PANGWIKA DEKALOGO

9
GAWAIN 4. Bumuo ng larawan ng iyong puso na naglalarawan ng dapat
mong pahalagahan ang mga konseptong pangwika. Ilahad din kung paano
mo ito mapangalagaan.

Ang Nilalaman ng Aking Puso

Mga dapat kong pahalagahan sa


Mga konseptong pangwika

10
Mga paraan upang mapangalaagaan ito

Isagawa

GAWAIN 5. Batay sa iyong sagot sa Gawain 4 sumulat ng isang sanaysay na


nagpapaliwanag na dapat pahalagahan at pangalagaan ang mga Konseptong
Pangwika.Isaalang-alang ang mga elemento ng isang sanaysay. Isulat sa
sagutang papel.

Suriin ang isinulat na sanaysay tungkol sa mga konseptong pangwika.


Magkaroon ng sariling pagtataya gamit ang kasunod na kraytirya. Gawin sa
sagutang papel.

Kraytirya Ganap na Bahagyang Hindi


Naisagawa Naisagawa Naisagawa
(5) (4) (3)
1.Organisasyon sa pagkakasulat
ng sanaysay.
2.Kaangkupan ng ginamit na
antas ng wika.
3.Naging malinaw ang batayan ng
pagkasulat.
4.Magkakaugnay ang mga
pagpapaliwanag.
5.Kawastuhang ng mga pahayag
na ginamit sa pagpapaliwanag.
6.Malinaw na masusuri ang uri ng
sanaysay na isinulat.

11
Isulat ang paliwanag sa kinalabasan ng sariling pagtataya. Gawin sa
sagutang papel.

________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
__________________________

Sa pamamagitan ng Concept Map, isulat ang mga natutuhan sa araling ito


.Isulat din sa loob ng kahon patalata ang sintesis.Gawin sa sagutang papel.

Mga Natutuhan
mo

12

12
Isaisip

Ibuod Mo

Ayon sa aklat ni Magdalena O. Jocson sa Komunikasyon at


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino na ang pagtukoy sa kahulugan ng
mga konseptong pangwika,kailangan ang literal na kahulugan nito na maaring
kunin sa diksyunaryo o iba pang babasahing pangwika.Maaari rin ito sa
pamamagitan ng panayam sa mga taong eksperto sa larangang ito.Higit sa
lahat ang karanasan ng mga taong gumagamit ng wika o nagpapahalaga rito
na gamit sa aktuwal na buhay sa araw-araw na pakikisalimuha sa iba’t ibang
tao,ay maaaring batayan din sa pagtukoy sa kahulugan ng mga konseptong
pangwika.Sa araling ito natutunghayan ang kahulugan ng ilang konseptong
pangwika(wika,wikang pambansa,wikang panturo,at wikang opisyal).
Mayroon iba’t ibang kahulugan ng wika mula sa mga dalubwika tulad
ng: “Wika ay binubuo ng tunog at sagisag na ginagamit ng mga tao sa
pakikipagkomunikasyon upang magkaunawaan.”
“Wikang Pambansa naman ay pinagtibay ng pambansang
pamahalaan at ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnaya sa
mamamayan.”
“Wikang panturo ang ginagamit upang magtamo ng mataas na antas
ng edukasyon.”

“Tinatawag naman na wikang opisyal ang principal na wikang


ginagamit sa edukasyon, sa pamahalaan at sa politika, sa komersiyo at
industriya.”

Tayahin

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.
Isulat lamang ang titk o letra ng mapipili mong sagot sa patlang bago ang
bawat bilang.

______ 1. Ginagamit ang Wikang Filipino upang magkaintindihan ang mga


Pilipinong may iba’t ibang Unang wikang kinagisnan. Ang Filipino rito ay
ginagamit bilang__________.
A. Wikang Pambansa C. Lingua Franca
B. Wikang Opisyal D.Wikang Panturo

13
______ 2. Kung ang wika ay ginagamit bilang wika sa mga transaksyon at/o
komunikasyon sa gobyerno, pasulat man o pasalita, gamit ito bilang
__________.
A. Lingua franca C. Wikang Opisyal
B. Wikang Pambansa D. Wikang Panturo

______ 3. Ayon sa kanya, ang wika ay isang sistema ng mga tunog na


isinaayos sa paraang arbitraryo.
A. Paz Hernandez C. Charles Darwin
B. Henry Allan Gleason, Jr. D. Lope K. Santos

_______4. Ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika


ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.
A. Filipino C. Bisaya
B. Ilokano D. Waray

_______5. Ayon kay _________, ang wika ay sistema ng tunog o sagisag na


ginagamit ng mga tao sa komunikasyon.
A. Sapiro C. Gleason
B. Hemphill D. Hutch

_______6. Ipinapahayag sa Sek.7 artikulo bilang ______ ng Saligang batas


ng 1987 na ang Wikang Opisyal sa Pilipinas ay Filipino hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas, gagamitin din ang Wikang Ingles.
A. XV C XIV
B. XII D.XVI

_______7. Ano ang ating wikang Pambansa?


A. Ingles C. Tagalog
B. Ilocano D. Filipino

_______8. Ayon kay _________ ang wika ay isang makataong pamamaraan


ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at kaparaanang lumikha ng tunog.
A. Gleason C. Quezon
B. Sapiro D. Hemphill

_______9. Anong ang wika ginagamit bilang wikang panturo sa mga


paaralang Pang-sekundarya?
A. Tagalog at Bisaya C. Ingles at Filipino
B. Maranao at Bisaya D. Ingles at Kastila

_______10. Ang tawag sa wikang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na


edukasyon.
A. Wikang Panturo C. Wikang Pambansa
B. Wikang Opisyal D. Wikang Pandaigdig

14
Susi ng Pagwawasto
Susi ng Pagwawasto sa Panimulang Pagsusulit

1. A
2. B
3. B
4. A
5. C
6. C
7. D
8. B
9. C
10. A

Gawain 1
Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama
Gawain 2
Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama
Gawain 3
Sagot: Depende na sa guro ang pagpapasya kung tama
Gawain 4
Sagot: Depende na sa guro ang pagpapasya kung tama
Gawain 5
Sagot: Depende na sa guro ang pagpapasya kung tama
Susi ng Pagwawasto sa Pangwakas na Pagsusulit

1. A
2. B
3. B
4. A
5. C
6. C
7. D
8. B
9. C
10. A

15
Mga Sanggunian
Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927
Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016.
Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group,
Inc. 2016

16

You might also like