Filipino4 Q4 W4 A1 Paggamit NG Mga Uri NG Pangungusap FINAL

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

4

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG ZAMBALES

FILIPINO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap
sa Pakikipagtalastasan
Ikaapat na Markahan – Ikaapat na Linggo
(Aralin 1)
FILIPINO – Ikaapat na Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Pakikipagtalastasan
Ikaapat na Markahan – Ikaapat na Linggo (Aralin 1)

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan


sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto

Manunulat: Windy Anne E. Pascual


Editor: Michelle Anne R. Beltran EdD
Tagasuri: Marie Ann C. Ligsay PhD
Gloriajane M. Paragas
John Paul C. Paje EdD
Tagaguhit at Tagalapat: Abigail M. Lumalu
Tagapamahala: Ma. Editha R. Caparas EdD
Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle Ablian-Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Ma. Lilybeth M. Bacolor EdD
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: [email protected]
Website: www.depedzambales.ph
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap
sa Pakikipagtalastasan

Panimula

Nakikisalamuha ka sa iyong kapuwa sa pamamagitan ng


pakikipagtalastasan o pakikipag-usap. Ang komunikasyon ay
napakahalaga upang ikaw ay matuto, mahasa, makaintindi at
mapaunlad ang iyong sarili.
Naipahahayag nito ang iyong damdamin, kaisipan at
mensaheng nais mong ipabatid sa iyong kapuwa.
Sa araling ito, matututuhan mo ang paggamit ng iba’t ibang
uri ng pangungusap upang maging mas epektibo ang iyong
pakikipagkomunikasyon, maging ito man ay pasulat o pasalitang
paraan.

Kasanayang Pampagkatuto

Nagagamit sa pakikipagtalastasan ang mga uri ng


pangungusap. (F4WG-IVb-e-13.2)

1|Pahina
Mga Layunin

Sa pagtatapos ng Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang


Pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. natutukoy ang mga uri ng pangungusap ayon sa gamit sa
binasang diyalogo;
2. naitatala ang iba’t ibang uri ng pangungusap ayon sa gamit
mula sa binasang usapan; at
3. nagagamit ang mga uri ng pangungusap sa pagbuo ng
diyalogo ayon sa iba’t ibang sitwasyon.

Balik Aral

Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga karaniwang simbolong


salita na ginagamit sa pagguhit ng Editorial Cartoon. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. salakot
A. batas C. mamamayang Pilipino
B. katapangan D. karunungan
2. sanggol
A. bagong henerasyon C. kapahamakan
B. kahirapan D. pagkalulong sa droga
3. kalapati
A. kapahamakan C. katiwalian
B. kapayapaan D. yaman

2|Pahina
4. malalaking alon
A. abusado C. kawalan ng kalayaan
B. katapangan D. pagsubok
5. tagpi-tagping kasuotan
A. edukasyon C. pag-asa
B. kahirapan D. pagbabago
6. mataas na gusali
A. emosyon C. katarungan
B. kamatayan D. kaunlaran
7. buwaya
A. kinabukasan C. pagmamahal
B. mapagsamantala D. tagumpay
8. baril at sandata
A. kalayaan C. mamamayang Pilipino
B. karahasan D. yaman
9. babaeng nakapiring na may dalang timbangan
A. bagong henerasyon C. katarungan
B. kahirapan D. pagbabago
10. orasan
A. kalayaan C. panganib
B. panahon D. yaman

3|Pahina
Pagtalakay sa Paksa

Basahin at unawain ang diyalogo.

Isang umaga ay nag- uusap ang magkapatid na sina Zam at


Bal tungkol sa mga dapat gawin upang makaiwas sa COVID-19.

Zam: Kuya, ano po ang COVID-19?


Bal: Ang COVID-19 ay isang nakahahawang sakit mula sa
virus na nararanasan ngayon sa buong mundo.
Zam: Ano po ang maaaring mangyari kapag nahawaan tayo
nito?
Bal: Sa simula maaaring magkaroon ng lagnat. May mga
sintomas kung paano malalaman na mayroon ka ng
ganitong sakit.
Zam: Ano-ano po ang mga nararamdaman ng taong may
COVID-19?
Bal: Ang pagkakaroon ng ubo, sipon, pagtatae, pagkawala
ng panlasa at pang-amoy at pananakit ng katawan ay
ilan lamang sa maaaring maranasan ng taong
nahawaan ng virus kaya kinakailangan natin ng
ibayong pag-iingat.

4|Pahina
Zam: Naku! Ayaw ko pong mahawaan ng COVID-19.
Nakakatakot po pala! Ayaw ko pong magkasakit.
Bal: Tama! Nakakatakot nga ngunit sa pamamagitan ng
pagsunod sa ilang bagay, makaiiwas tayong magkaroon
nito.
Zam: Ano- ano po ang maaari kong gawin upang makaiwas
sa sakit na ito?
Bal: Maraming bagay kang maaaring gawin Zam. Ugaliin
mong maghugas lagi ng kamay gamit ang sabon at
malinis na tubig. Iwasan mo ring hawakan ang iyong
ilong, mata at bibig lalo na kapag ikaw ay nasa labas ng
ating bahay.
Iwasan mong lumabas upang hindi ka makasagap ng
virus na dulot nito.
Zam: Opo, Kuya Bal. Gagawin ko po ang lahat ng sinabi
ninyo.
Bal: Sundin natin ang payo ng Kagawaran ng Kalusugan at
ng ating pamahalaan upang makaiwas tayo sa sakit.
Zam: Opo. Kuya, pakikuha mo naman po ang alkohol sa
kabinet. Maglalagay lang po ako sa aking mga kamay.
Bal: Mabuti iyan! Huwag mong kalilimutan ang aking mga
bilin upang sakit ay maiwasan natin.
Zam: Opo, Kuya Bal.

Pamatnubay na tanong:
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.

1. Sino ang magkapatid?


2. Tungkol saan ang kanilang pinag-uusapan?
3. Ano-ano ang mga paraan upang makaiwas tayong mahawaan
ng sakit na nabanggit?

5|Pahina
4. Bilang isang bata sa ikaapat na baitang, paano ka makaiiwas
sa pagkakaroon ng COVID-19?

Ang diyalogo ng magkapatid na Zam at Bal ay nagpapakita


ng iba’t ibang uri ng pangungusap.

Basahin ang mga pangungusap na hango sa diyalogo.

1. Ang COVID-19 ay isang nakahahawang sakit mula sa virus


na nararanasan ngayon sa buong mundo.
2. Kuya, ano po ang COVID-19?
3. Tama!
4. Ugaliin mong maghugas lagi ng kamay gamit ang sabon at
malinis na tubig.
5. Pakikuha po ang alkohol sa kabinet.

Anong uri ng pangungusap ang ginamit sa unang bilang?


Anong bantas ang ginamit dito?

Ang pangungusap na ginamit sa unang bilang ay


pangungusap na pasalaysay. Ito ay nagsasalaysay o nagbibigay
ng impormasyon. Nagtatapos ito sa bantas na tuldok (.).

Halimbawa:
A. Ang pagkakaroon ng ubo, sipon, pagtatae, pagkawala ng
panlasa at pang-amoy at pananakit ng katawan ay ilan
lamang sa maaaring maranasan ng taong nahawaan ng
virus.
B. May mga sintomas kung paano malalaman na mayroon ka
ng ganitong sakit.

6|Pahina
Anong uri naman ng pangungusap ang ginamit sa ikalawang
bilang? Anong bantas ang makikita sa hulihan ng pangungusap?

Ang uri ng pangungusap sa ikalawang bilang ay


pangungusap na patanong. Ito ay pangungusap na nag-uusisa o
nagtatanong. Nagtatapos ito sa bantas na tandang pananong (?).

Halimbawa:
A. Ano po ang maaaring mangyari kapag nahawaan tayo nito?
B. Ano-ano po ang mga nararamdaman ng taong may COVID-
19?

Anong uri ng pangungusap ang ginamit sa ikatlong bilang?


Anong bantas ang ginamit dito?

Ang pangungusap na ginamit sa ikatlong bilang ay


pangungusap na padamdam. Ito ay pangungusap na
nagpapahayag ng matinding damdamin tulad ng tuwa, sakit, galit
o gulat.

Halimbawa:
A. Naku! Ayaw ko pong mahawaan ng COVID-19.
B. Nakakatakot po pala!

Sa unang halimbawa ng pangungusap na padamdam, ang


bantas na tandang padamdam (!) ay makikita sa hulihan ng unang
kataga na nagpapakita ng matinding damdamin. Ang kasunod na
salita ay nagsisimula sa malaking letra at nagtatapos sa bantas
na tuldok (.).
Sa ikalawang halimbawa, ang bantas na tandang padamdam
(!) ay makikita sa hulihan sapagkat ang diin ay matatagpuan sa
hulihan ng pangungusap.

7|Pahina
Anong uri naman ng pangungusap ang ginamit sa ikaapat
na bilang? Anong bantas ang ginamit sa hulihan ng pangungusap?

Pangungusap na pautos ang ginamit sa ikaapat na bilang.


Ito ay pangungusap na nagsasaad ng utos. Ginagamitan ito ng
bantas na tuldok (.).

Halimbawa:
A. Iwasan mo ring hawakan ang iyong ilong, mata at bibig lalo
na kapag ikaw ay nasa labas ng ating bahay.
B. Sundin mo ang payo ng Kagawaran ng Kalusugan at ng ating
pamahalaan upang makaiwas sa sakit.

Anong uri ng pangungusap ang makikita sa huling bilang?


Anong bantas ang ginamit dito?

Ang pangungusap na ginamit sa huling bilang ay


pangungusap na pakiusap. Ito ay pangungusap na nakikiusap.
Nagtatapos ito sa bantas na tuldok (.).

Halimbawa:

A. Pakisuot mo lagi ang iyong face mask at face shield kapag


ikaw ay lalabas ng bahay.
B. Pakihugasan mo ang iyong mga kamay gamit ang sabon at
malinis na tubig.

8|Pahina
Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1
Panuto: Basahin at unawain ang diyalogo.

Isang araw, dumating ang nanay ni Jan-Jan galing sa


palengke.

Anak, may pasalubong


ako sa iyo. Tiyak kong
magugustuhan mo!
Ano po ang pasalubong mo
sa akin nanay?

May nabili akong singkamas


na kahuhukay lamang.
Wow! Paborito ko po iyan.

9|Pahina
Marami rin akong
biniling manggang Mmmm! mukhang
malalaki para sa atin. napakatamis po ng mga
mangga nanay. Nasasabik
na po akong kumain!

Masarap din ang ating ulam na


longganisa ngayong tanghali.
Sigurado pong
malinamnam ang
longganisang gawa
sa San Felipe.

10 | P a h i n a
O sige. Maghugas ka muna
ng kamay bago tayo kumain.
Pakihanda mo na rin ang
mesa at tayo ay magdasal
muna bago kumain.

Sige po. Pakiabot po ang mga


kutsara at tinidor. Hindi ko
po kasi kayang abutin nanay.

Heto, Bal.

Salamat po nanay!

11 | P a h i n a
Panuto: Tukuyin at piliin ang angkop na uri ng pangungusap.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ano po ang pasalubong mo sa akin nanay?
A. Padamdam C. Pasalaysay
B. Pakiusap D. Patanong
2. Pakiabot po ang mga kutsara at tinidor.
A. Padamdam C. Pasalaysay
B. Pakiusap D. Pautos
3. Maghugas ka muna ng kamay bago tayo kumain.
A. Padamdam C. Pasalaysay
B. Pakiusap D. Pautos
4. Gustong-gusto ko na pong kumain!
A. Padamdam C. Pasalaysay
B. Pakiusap D. Pautos
5. Masarap din ang ating ulam na longganisa ngayong tanghali.
A. Pakiusap C. Pautos
B. Pasalaysay D. Patanong
6. Salamat po nanay!
A. Padamdam C. Pasalaysay
B. Pakiusap D. Patanong
7. Pakihanda mo na rin ang mesa at tayo ay magdasal muna
bago kumain.
A. Padamdam C. Pasalaysay
B. Pakiusap D. Patanong
8. May nabili akong singkamas na kahuhukay lamang.
A. Pakiusap C. Patanong
B. Pasalaysay D. Pautos
9. Mmmm! mukhang napakatamis po ng mga mangga nanay.
A. Padamdam C. Patanong
B. Pasalaysay D. Pautos
12 | P a h i n a
10. Sigurado pong malinamnam ang longganisang gawa sa San
Felipe.
A. Pakiusap C. Patanong
B. Pasalaysay D. Pautos

Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Itala ang mga uri ng pangungusap ayon sa gamit mula
sa usapan nina Cassey at Jose sa chat o messenger. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

Kumusta ka na? Malakas ba ang ulan


ngayon diyan sa Castillejos?

Mahina lang ang nararanasan naming


ulan dito ngayon.

Mabuti naman pala kung ganoon! Dito ay


panaka-naka ang mga pag-ulan sa aming
lugar.

Pakisabi naman kay Tiya Leni na bukas pa


maibibigay ni nanay ang niluto niyang
suman Ibus para sa inyo.

13 | P a h i n a
Ang sarap naman ng suman! Sige, sasabihin ko
kay nanay. Pakidagdagan mo naman ang suman
Ibus. Paborito ko talaga iyon.

Masarap talaga ang luto ni nanay! Sige,


sasabihin kong dagdagan ang ipadadala
para sa iyo.

Maraming salamat Jose! Ipadala mo na rin


ang hinihiram kong gitara.

Mabuti at ipinaalala mo! May mga piyesa


akong maaaring makatulong upang ikaw
ay makapagsanay nang mabuti.

Kay buti mong kaibigan!

14 | P a h i n a
Pangungusap Uri ng Pangungusap
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Pang-isahang Pagsasanay
Panuto: Punan ang mga patlang ng angkop na uri ng
pangungusap ayon sa gamit bilang tugon sa sumusunod na
usapan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Halimbawa:
Ibig malaman ni Yesha kung kailan ang araw ng pagdating
ng kaniyang lola.

Yesha: (Pangungusap na Patanong) Kailan po darating si


Lola Maria?
Nanay Belen: Sa makalawa pa ang dating ng iyong Lola Maria
galing sa Bataan.
Yesha: (Pangungusap na Padamdam) Yehey! Nasasabik na
po akong makita at makasama siya.

15 | P a h i n a
Nagpapatulong si Zam sa kaniyang Kuya Bal na gawin ang
nasira niyang bisikleta.

Zam: (Pakiusap) _________________________


Kuya Bal: Sige, ayusin na natin.
Zam, maaari mo bang kunin ang tool box?
Zam: (Patanong) _________________________
Kuya Bal: Pakikuha mo nga ang tool box sa ilalim ng ating
lababo.
Zam: Ito po ba?
Kuya Bal: (Pasalaysay) _________________________
Salamat Zam.
Zam: Walang anuman po.

Habang inaayos ang bisikleta ni Zam.

Zam: Marunong ka po bang magbisikleta kuya?


Kuya Bal: (Padamdam) _________________________
Zam: Wow! Ang galing mo naman po. Ano po ba ang
benepisyo ng pagbibisikleta?

16 | P a h i n a
Kuya Bal: (Pasalaysay) ________________________
Zam: Talaga po? Nararamdaman ko nga po na
lumalakas ang aking katawan lalo na po ang aking
mga binti sa tuwing ako ay nagbibisikleta.
Kuya Bal: Oo, tama!
(Patanong) _________________________
Zam: Natanggal po kasi ang kadena ng aking bisikleta
noong ako ay nakipagkarerahan sa aking
kaibigang si Roy.
Kuya Bal: (Pautos) __________________________
Zam: Hindi ko na po uulitin Kuya Bal.
Kuya Bal: Dapat tayong mag-ingat sa lahat ng oras lalo na
sa pagbibisikleta.
(Pasalaysay) _________________________
Zam: Opo.
Kuya Bal: Natapos na natin itong ayusin, Zam.
Zam: (Padamdam) _________________________
(Patanong) _________________________
Kuya Bal: Oo, maaari mo na ito uli na magamit.

17 | P a h i n a
Pagsusulit

Panuto: Bumuo ng sariling pangungusap na angkop sa sitwasyong


inilalahad sa bawat larawan. Gamitin ang iba’t ibang uri ng
pangungusap ayon sa gamit. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Halimbawa: Hinahanap ni Ramon ang nawawala niyang tuta.

(Patanong)
Oo, Ramon. Nakita
Lolo, nakita po ba
ko si Lakas na
ninyo ang alaga kong tuta
natutulog sa ilalim
na si Lakas?
ng mesa kanina.

(Pautos) Sige po. Ako na po ang


1. ___________________________
___________________________ magdidilig ng halaman.

18 | P a h i n a
2.
Naku po! Nadapa ang (Padamdam)
bata. _________________________
________________________

3.
Sampung piso ang isang
piraso. (Patanong)
___________________________
___________________________

4.
(Patanong)
______________________ Maraming salamat, Tommy.
_____________________

19 | P a h i n a
5. (Pasalaysay)
Ben, ano ang pangalan
ng iyong aso? ________________________
_________________________

6.
(Padamdam)
__________________________ Pakitulungan po ako.
_________________________

7. (Pakiusap)
______________________
_____________________
Opo. Ililigpit ko po
pagkatapos maglaro.

20 | P a h i n a
8.
(Pautos)
___________________________ Opo. Wawalisin ko
___________________________ na po.

9.
Bea, saan ka
nakatira? (Pasalaysay)
_____________________
_____________________

10.
Sarah, ito ang aking
regalo para sa iyong
kaarawan. (Padamdam)
___________________
___________________

21 | P a h i n a
Pangwakas

Panuto: Punan ang patlang nang tamang salita upang mabuo ang
diwa ng aralin. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa
iyong sagutang papel.

bantas pangungusap na padamdam


pangungusap pangungusap na pasalaysay
pangungusap na pautos pangungusap na patanong

Ang 1. ____________________ ay salita o lipon ng mga salita na


nagpapahayag ng buong diwa. Maraming uri ng pangungusap
ayon sa gamit. Una ay ang 2. ____________________ na
nagsasalaysay o nagbibigay ng impormasyon.
Ang 3. ____________________ay pangungusap na nagtatanong.
Ang 4. ____________________ ay pangungusap na nagpapahayag ng
matinding damdamin. Ang 5. ____________________ ay
pangungusap na nag-uutos at ang pangungusap na pakiusap ay
pangungusap na nakikiusap.

22 | P a h i n a
Mga Sanggunian

Dacallos. 2021. "Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit- Filipino


Grade 4". Slideshare.Net.
https://www.slideshare.net/EmjhayDacallos/uri-ng-
pangungusap-ayon-sa-gamit-filipino-grade-4.

Dayag, Alma. 2017. Pinagyamang Pluma: Wika At Pagbasa Para


Sa Elementarya 4. 1st ed. Quezon City: Phoenix
Publishing House.

“https://www.canva.com/Education/.” n.d. Accessed


December 16, 2020.
https://www.canva.com/education/.

Jinoe, Daddy. 2021. "Mga Uri Ng Pangungusap At Mga


Halimbawa — The Filipino Homeschooler". The Filipino
Homeschooler.
http://www.filipinohomeschooler.com/mga-uri-ng-
pangungusap-at-mga-halimbawa/.

Liwanag, Lydia. 2009. Landas Sa Wika 6. 1st ed. Quezon City:


Book Media Press, Inc.

Santos, Deogracia, Mary Jane Burce, Ritcher Diaz, Janice


Monton, and Shirley Salgado. 2009. Suhay: Wika At
Pagbasa 5. 1st ed. Manila: Vicarish Publication and
Trading, Inc.

"Uri Ng Pangungusap Ayon Sa Gamit Tungkulin 1 Paturol O


Pasalaysay Pangungusap | Course Hero".
2021. Coursehero.Com.
https://www.coursehero.com/file/p6mer4d/Uri-ng-
Pangungusap-ayon-sa-Gamit-Tungkulin-1-Paturol-o-
Pasalaysay-pangungusap/

23 | P a h i n a
24 | P a h i n a
Balik- Aral
1. C 6. D Pang-isahang Pagsasanay
2. A 7. B 1. Pakiaayos mo po ang nasira kong
3. B 8. B bisikleta.
4. D 9. C 2. Saan ko po makikita ang tool box?
5. B 10. B 3. Iyan nga ang tool box na ipinapakuha
Gawain ko sa iyo.
Pinatnubayang Pagsasanay 1 4. Oo naman! Nanalo na rin ako bilang
A. isa sa pinakamagaling na
1. D 6. A magbisikleta rito sa atin!
2. B 7. B 5. Ang pagbibisikleta ay makatutulong
3. D 8. B upang mapalakas ang ating
4. A 9. A pangangatawan.
5. B 10.B 6. Ano ba ang iyong ginawa at nasira
Pinatnubayang Pagsasanay 2 ang iyong bisikleta?
Pangungusap Uri ng 7. Huwag kang makipagkarerahan kahit
Pangungusap kanino lalo na lansangan.
Kumusta ka na? Patanong 8. Ang pagbibisikleta tulad ng ibang
Malakas ba ang ulan Patanong gawain ay maaring magdulot ng
ngayon diyan sa disgrasya kapag hindi tayo nag-
Castillejos? iingat.
Mahina lang ang Pasalaysay 9. Yehey! Salamat po kuya.
nararanasan naming ulan 10. Maaari ko na po ba itong gamitin?
dito ngayon. Pagsusulit
Mabuti naman pala kung Padamdam 1. Diligan mo ang mga halaman.
ganoon! 2. Aray! Tulungan po ninyo ako.
Dito ay panaka-naka ang Pasalaysay 3. Magkano po ang isang pirasong
mga pag-ulan sa aming prutas na hawak ninyo?
lugar. 4. Gusto mo sa iyo na lang ang
Pakisabi naman kay Tiya Pakiusap aking sorbetes?
Leni na bukas pa 5. Batik ang pangalan ng aking
maibibigay ni nanay ang aso.
niluto niyang suman Ibus 6. Naku! Nalaglag ang bata sa
para sa inyo. bisikleta.
Ang sarap naman ng Padamdam 7. Pakiayos mo ang iyong laruan
suman! pagkatapos maglaro.
Pakidagdagan mo naman Pakiusap 8. Walisin mo ang mga maliliit na
ang suman Ibus. papel sa iyong silid.
Masarap talaga ang luto ni Padamdam 9. Nakatira ako sa San Pablo,
nanay! Castillejos Zambales.
10. Wow! Maraming salamat po
Maraming salamat Jose! Padamdam
ninang.
Ipadala mo na rin ang Pautos
hinihiram kong gitara.
May mga piyesa akong Pasalaysay
Pangwakas
maaaring makatulong
1. pangungusap
upang ikaw ay
2. pangungusap na pasalaysay
makapagsanay nang
3. pangungusap na patanong
mabuti.
4. pangungusap na padamdam
Kaybuti mong kaibigan! Padamdam 5. pangungusap na pautos
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales ang
taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng tagumpay
para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi ng
Ikaapat na Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto sa
lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng
naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang
Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga
pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:
Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga
manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan upang
makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at mga
tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan sa
Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at
katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;
Ikatlo, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat asignatura sa
kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro, sa kanilang
lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad
ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at
Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy sa
kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay upang
maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral
na maging responsableng indibiduwal sa hinaharap.
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong panahon
ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na
pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna,
maaaring sumulat o tumawag sa:

Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales


Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: [email protected]
Website: www.depedzambales.ph

You might also like