EsP4 DLP - 1st Quarter Aralin 1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Banghay-Aralin Sa Edukasyon Sa Pagpapakatao

Unang Markahan

Yunit I Pananagutang Pansarili at Pagiging Mabuting Kasapi ng Pamilya

Unang Linggo

Aralin 1 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag- unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng
katatagan ng loob,mapanuring pag- iisip, pagkamatiyaga, pagkamapagtiis,
pagkabukas- isip, pagkamahinahon, at pagmamahal sa katotohanan na
magpapalaya sa anumang alalahanin sa buhay ng tao bilang kasapi ng
pamilya

B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa nang may mapanuring pag-iisip ang tamang pamamaraan /
pamatayan sa pagtuklas ng katotohanan

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Nakapagsasabi ng katotohanan anuman ang maging bunga nito
Esp4PKP-1a-b-23

II. NILALAMAN
ARALIN 1: Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko
Batayang Pagpapahalaga: Katatagan ng Loob

KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
Mga pahina 3-6

2. Mga pahina sa Kagamitang Pang- Mag-aaral


Mga pahina 2-10

3. Mga Pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource


MISOSA 4 Pagbibigay ng Tamang Impormasyon , Magandang Asal 3,
2000.mp76-84, UIirang Mag-aaral: Makadiyos,Makabayani 3,1997,mga
pahina 64-67, Pilipino sa Ugali at Asal 4(Patnubay ng Guro) 1999.mga
pahina79-83, Pilipino sa Ugali at Asal 1(Patnubay ng Guro)mp. 60-64.

5. Iba pang Kagamitang Panturo


Papel, kuwaderno, metacards, powerpoint presentation (ICT)

III. PAMAMARAAN

UNANG ARAW
ALAMIN NATIN

A. Balik- Aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin

Kilala na ba ninyo ang inyong mga kaklase? Bakit mahalagang


makilala ninyo ang isa’t isa?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Isulat ng guro ang pamagat ng Aralin 4. Hihikayatin ng guro ang mag-


aaral na magtanong tungkol sa nais nilang maunawaan sa aralin.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Ipakita at ipabasa ang kuwento sa Alamin Natin na nasa powerpoint


presentation.

Roniel M. Lakasloob ang Pangalan Ko!


Umpisa na naman ng klase. Nakagawian na nga mga guro sa
paaralan na maging maayos ang unang araw ng pasukan. Siyempre, inaasahan na ang
bawat mag-aaral ay kilala ang bawat isa. Si Roniel ay bagong lipat lang na mag-aaral
sa klase ni Bb. San Pablo kaya siya ang unang tinawag upang magpakilala.

Roniel: Magandang umaga po sa inyong lahat lalo na sa ating guro na si Bb. San
Pablo. Ako ay si Roniel M. Lakasloob. Galing ang pangalan ko sa pantig
ng mga pangalan ng aking mga magulang na sina Roda at Daniel
Lakasloob. Ako ay siyam na taong gulang; isinilang ako sa Lungsod ng
Marikina noong Hunyo 5. Ang paborito kong asignatura ay Matematika;
mahilig akong magbasa ng mga kuwento tungkol sa mga bayani ng ating
bansa. Malakas ang aking loob na sumali sa mga patimpalak lalo na sa
pagsulat. Ang paborito kong sabihin ay “ang batang matatag at may lakas
ng loob, ganda ng buhay ay di-matitibag.” Ito ang ipinamulat sa akin ng
aking mga magulang.
Guro : Magaling, Roniel. Binabati kita sapagkat matapang mong naipakilala ang
iyong sarili sa harap ng mga bago mong kaklase. Nagpapakita ito ng
katatagan at lakas ng iyong loob.

Roniel: Maraming salamat po sa inyo, ma’am. Ito po ang turo sa akin ng aking
nanay. Hindi daw po dapat ikahiya ang sarili lalo na kapag wala namang
ginagawang masama.

Guro: Nais kong makausapang iyong mga magulang. Maaari mo ba silang


papuntahin sa Lunes sa paaralan sa ganap na ika-siyam ng umaga?

Roniel: Opo, ma’am. Ipararating kop o sa kanilang ang inyong kahilingan.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


Ano ang kagandahang dulot ng pagkakaroon ng lakas ng loob?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

F. Paglinang sa Kabihasaan
Pasagutan ng pasalita ang mga katanungan sa pahina 4.

Sagutin at gawin ang sumusunod:

1. Ilarawan si Roniel. Alin sa mga katangian niya ang nagpapakita ng


katatagan ng loob? Isa-isahin ito at patunayan.

2. Papaano hinangaan ni Bb. San Pablo si Roniel? Isalaysay ito sa klase.

3. Bilang mag-aaral, papaano mo ipakikilala ang iyong sarili ng may lakas


ng loob at may katatagan sa harap ng maraming tao?

4. Magtala ng mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagiging totoo at


may katatagan ng loob sa pagpapakilala ng sarili.

5. Sa iyong palagay, bakit gusting makausap ng guro ang mga magulang


ni Roniel? Magbigay ng sapat na batayan.

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay


Kaya mo bang ipakita ang tatag ng kalooban tulad ng ginawa ni Roniel?
Ipaliwanag.

H. Paglalahat ng Aralin
Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng katatagan ng loob?

I. Pagtataya ng Aralin
Patanong: Paano mo maipakikita ang katatagan ng loob sa inyong
komunidad?

J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation


Magtala ng dalawang posibleng dahilan bakit humihina ang loob ng bata
sa pagpapakilala ng kanyang sarili

IKALAWANG ARAW
ISAGAWA NATIN

A. Balik- Aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin

Tungkol saan ang kuwento na pinag-aralan natin kahapon?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ilahad ang layunin sa araw na ito.


Ang layunin ay malaman natin ang gampanin ng iyong pamilya upang
mapaunlad ang inyong natatanging kakayahan.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

E.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


Blg.2
Ipagawa ang Gawain 2, mga pahina. 4-5 ng LM.
Gawain 2
1. Magkaroon ng pangkatang Gawain. Pumili n glider.
2. Ibahagi sa pangkat ang iyong mga naisip nang magkaroon ng
repleksyong pansarili sa unang Gawain. Ibahagi mo rin ang papel na
ginampanan ng iyong pamilya sa mga natatanging kakayahan o talento at
kalakasan na iyong tinataglay. Kasabay ng pagbabahagi ay ipakita ito sa
iyong pangkat.
3. Sa pamamagitan n glider, buuin ang mga naibahagi ng mga kasapi ng
pangkat gamit ang balangkas sa ibaba:
Pangalan Mga Kalakasan Papel na
Natatanging Ginagampanan
Kakayahan ng Pamilya

F. Paglinang sa Kabihasaan

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay


Ipagawa ang Gawain 1 sa mga pahina 4-5 o ang Lakip 1.
Gawain 1 o Lakip # 1
https://www.youtube.com/watch?v=ikGVWEvUzNM
1. Panoorin ang video mula sa you tube na may pamagat na Identity Short
Film na ipapanood ng guro.
2. Pagkatapos suriin ang sarili kung ano ang aral na napulot sa pinanood.
3. Itanong sa sarili kung katulad ka rin ba ng tauhan sa pinanood.
4. Isipin mo rin ang iyong mga kalakasan.
5. Sa iyong talaang papel, punan ng mga salita ang mga pangungusap na
ito:
“Ako ay si _______________________________________. Ang ilan sa
aking natatanging kakayahan o talento ay ang mga
_____________________________________. Ang mga kalasan ko
naman ay __________________________________.”

H. Paglalahat ng Aralin

I. Pagtataya ng Aralin
Bakit kaya mahalagang ipakita o ipagmalaki ang natatangi nating talento?

J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation


Magsaliksik at itala ang pangalan ng mga batang Pilipino na sumikat at
nakilala sa Pilipinas at maging sa buong mundo dahil sa kanyang
natatanging talento.
IKATLONG ARAW
ISAPUSO NATIN

A. Balik- Aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin


Bakit kaya mahalagang ipakita o ipagmalaki ang natatangi nating talento?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Paglalahad ng aralin gamit ang powerpoint presentation.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

D. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


Blg. 1

F. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


Blg. 2

Tandaan Natin

Sa buhay ng isang mag-aaral, ang katangian at natatanging kasanayan ay


isang regalo mula sa Maykapal. Ibinigay ito ng Diyos kung kaya’t dapat natin
itong pagyamanin at paunlarin.

Ang kakayahan ng isang tao ay natatangi. Hindi ito itinatago at ikinahihiya


sapagkat ang ibang tao ay nangangailangan ng mga katangiang ito.
Halimbawa, ang isang tao na mahusay sa pagsayaw ay di makasasayaw
kapag walang mahusay na makagagawa ng isang tugtugin. Ang isang
mahusay na mang-aawit ay di makaaawit kung walang isang mahusay na
kompositor o manunulat ng awit.

Ang lakas, katatagan, at tibay ng loob ay lubhang kailangan upang


mapaunlad ang isang katangi-tanging kakayahan. Ito ay ipinakikita upang
maitama, mapabuti, at mapaunlad ang kakayahan, kung kinakailangan para
maabot ang kahusayan.

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay


Ipagawa ang gawain sa Isapuso Natin Blg. 1

Ang ating Gawain ngayon ay ang pag-aanalisa sa isinagawang


pangkatang Gawain kahapon.
Talakayin ang gagawin sa Isapuso Natin.
1. Sa mga narinig na ulat mula sa iba’t iang pangkat mula sa A-C, isulat
ang sumusunod sa venn diagram:
a. Sa bahaging titik A, ang mga natatanging kakayahan o talent at
kalakasan mula sa pangkat A;
b. Sa bahaging titik B, ang mga natatanging kakayahan o talent at
kalakasan mula sa pangkat B;
c. Sa bahaging titik C, ang mga nattanging kakayahan o talent at
kalakasan mula sa pangkat C; at
d. Sa gitna, ang pare-parehong natatanging kakayahan o atalento at
kalakasan ng lahat ng pangkat.

A B

Ang aming pare-parehong natatanging kakayahan o talent at


kalakasan.

H. Paglalahat ng Aralin
Ipasagot: Bilang mag-aaral, paano mo maipakikita ang iyong mga
natatanging kakayahan o talento nang may lakas ng loob?

I. Pagtataya ng Aralin
Ipagawa ang gawain sa Isapuso Natin Blg. 2
2. Bilang mag-aaral, papaano mo naipakikita ang iyong mga natatanging
kakayahan o talento nang may lakas, katatagan, o tibay ng loob lalo na
sa harap ng maraming tao?

J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation


Ipasagot: Bilang mag-aaral, paano mo maipakikita ang iyong mga
natatanging kakayahan o talento nang may lakas ng loob.

IKAAPAT NA ARAW
ISABUHAY NATIN

A. Balik- Aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin


Magsagawa ng maikling talakayan ukol sa ginawang gawain sa
nakaraang araw.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Talakayin ang gagawin sa Isabuhay Natin.
1. Ang Buwan ng Nutrisyon ay isinasagawa tuwing sumasapit ang buwan
ng Hulyo. Sa pamamagitan ng inyong guro, magkaroon ng isang
munting palabas hinggil sa Buwan ng Nutrisyon gamit ang inyong mga
katangi-tanging kakayahan. Maaaring gamiting lunsaran ibinigay ang
halimbawang palatuntunan.
2. Pumili ng gusto mong bahaging gagamapan sa palatuntunan. Isulat
ang iyong pangalan sa bahaging napili.
Halimbawa:

PALATUNTUNAN

Pambungad na Panalangin

___________________________________

Pambansang Awit

___________________________________

Mensahe ng Punongguro

___________________________________

Mga natatanging Bilang

a._________________________________

b._________________________________

c._________________________________

Pangwakas na Pananalita

____________________________________

Pangwakas na Panalangin

____________________________________
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


Blg. 1

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


Blg. 2

F. Paglinang sa Kabihasaan

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay


Ipagawa ang mungkahing gawain sa Isabuhay Natin ng pahina 8 ng LM Blg.
3.
3. Pagkatapos ng palabas, itanong sa sarili/pangkat ang:
a. Naging masaya ba ako/kami sa aking/aming ipinakita at
ibinahaging Gawain/ talento/ kakayahan sa aming palabas?
b. Papaano ko naalis ang kaba sa aking mga ipinakitang talento sa
palabas?

H. Paglalahat ng Aralin

I. Pagtataya ng Aralin

Pasasagutan ang Lakip # 2.


Lakip # 2

Punan ang patlang batay sa angkop na larawan upang mabuo ang diwa ng pahayag.

Ako si ay may nakatagong

na ibinigay sa akin ng
ay aking ibabahagi sa

.
I. Pagtataya ng Aralin
Ipagawa ang mungkahing gawain sa Isabuhay Natin.

J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation


Magsagawa ng post conference pagkatapos ng gawain.

IKALIMANG ARAW
SUBUKIN NATIN

A. Balik- Aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin


Ano ang kailangan upang mapaunlad ang natatanging kakayahan/

talento?
B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Paglalahad ng guro ng gawain sa araw na ito

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


F. Paglinang sa Kabihasaan

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

H. Paglalahat ng Aralin
Muling balikan ang mga konseptong natutuhan sa loob ng isang linggo.

I. Pagtataya ng Aralin
Pasagutan sa mga mag-aaral ang Subukin Natin mga pahina 9-10 ng LM.
Sa sagutang papel, lagyan ng kaukulang tsek ( √ ) ang pinaniniwalaang
pahayag.

MGA PAHAYAG TAMA MALI


1. Ako ay may kakayahang akin lamang
sapagkat iba ako kung ikokompara sa
aking mga kamag-aral.
2. Mahalaga na maipakita ko sa aking
mga kaibigan, kamag-aral, magulang,
at kapitbahayan ang aking kakayahan
upang malaman ko ang mga dapat ko
pang paunlarin.
3. Ang lakas ng aking loob at katatagan
ay aking ginagamit sa pamamagitan ng
pagtanggap ng mfga mungkahi at
paalala mula sa aking kapuwa.,
4. Hindi ako nahihiyang ipakita na
magaling ako sa anumang bagay kaya
ayokong pinipintasan ang aking mga
ginagawa.
5. Nakauunawa ako kapag itinatama ng
mga tao ang aking mga nagawang mali
dahil mapabubuti at maipakikita ko ang
aking natatanging kakayahan.

J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation

You might also like