Ap10 Q2 M4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

l

Araling Panlipunan – Ika-Sampung Baitang


Ikalawang Markahan – Modyul 4: Epekto ng Globalisasyong Ekonomiko at
Globalisasyong Politikal
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Angela C. Imperial
Editor: Lerma L. Villamarin
Tagasuri: Ammeliza N. Vasquez
Tagaguhit: Ernesto D. Tabios
Tagalapat: Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

l
AralingIkalawang Markahan
Panlipunan
Modyul
10
para sa Sariling Pagkatuto 4
Epekto ng Globalisasyong Ekonomiko
at Globalisasyong Politikal

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

l
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng
Modyul 4 para sa araling Epekto ng Globalisasyong Ekonomiko at Globalisasyong
Politikal !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 Modyul 4 ukol sa


Epekto ng Globalisasyong Ekonomiko at Globalisasyong Politikal !

l
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

MGA INAASAHAN

MELC 2. Nasusuri ang dahilan, dimensyon at epekto ng globalisasyon.

l
Layunin :

Naisasaad ang mga epekto ng globalisasyon sa larangan ng ekonomiya at pulitika.

PAUNANG PAGSUBOK

Suriin ang larawan at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

Tanong :
1. Ano ang ipinapakita ng larawan sa itaas?

________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. Anu-anong brand at logo ng mga produkto sa larawan ang pamilyar ka? Magbigay ng 10.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, bakit sumikat ang mga produkto/serbisyong nasa larawan?

l
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Ano ang ipinapahiwatig ng larawan?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Ano ang kaugnayan ng larawan sa paksang globalisasyon?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

BALIK-ARAL

Alin ang implikasyon ng globalisasyon? Isulat ang I kung ito ay implikasyon, isulat ang H
kung hindi.

A. ___ 1. Pagdami ng mga MNCs


___ 2. Pagdami ng mga produkto

B. ___ 3. Pagbaba ng halaga ng mga produkto


___ 4. Pagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan

C. ___ 5. Pagkakataon na magbahagi ng mga nangyayari sa totoong buhay


___ 6. Mga nagsulputang social media

D. ___ 7. Tumaas ang pangangailangan sa teknolohiya


___ 8. Nauso ang mga online classes, lumaganap ang mga online stores

E. ___ 9. Walang pinansyal na kapasidad upang gumamit ng teknolohiya


___ 10. Lumaki ang agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap

ARALIN

Epekto ng Globalisasyong Ekonomiko at Globalisasyong Politikal

l
Globalisasyong Ekonomiko
Bunga ng mga pagbabagong nagaganap sa buong mundo, bumibilis ang usad ng
globalisasyon. Nagdulot ito ng pagbabago sa ugnayang panlabas sa larangan ng ekonomiya ng
mga bansa. Lumakas ang mga ekonomiya ng ilang bansa dahil sa pagbaba ng presyo ng krudo,
presyo ng transportasyon, pagsulpot ng mga multinational na kompanya at ng mga
pandaigdigang organisasyon na nagsusulong ng globalisasyon tulad ng World Trade
Organization at World Bank. Naging madali rin ang pagluluwas o pag-aangkat ng mga
produkto dahil sa pagtanggal ng mga balakid sa kalakal o mga taripa. Mas maraming free trade
agreements ang naisulat na nagpaluwag ng kalakalan. Mas marami na rin ang napagkukunan
ng mga materyales o hilaw na sangkap sa mas mababang halaga. Nakakukuha rin ng mga
manggagawa sa ibat-ibang bansa na binibigyan ng mas mababang sahod. Ang produktong
nagagawa nila ay naibebenta sa mas mababang halaga dahil dito.
Marami na ring malalaking kompanya ang may opisina sa iba’t ibang bahagi ng
daigdig. Halimbawa nito ang Hongkong Shanghai Banking Corporation (HSBC), na isa sa
pinakamalaking bangko sa buong mundo. Ang Amerikanong kompanyang Microsoft,
halimbawa ay sumasalalay sa pandaigdigang kalakalan upang magkaroon ng malaking kita.
Nabibigyan ng pagkakataong makapagtrabaho ang mga mamamayan ng iba’t ibang bansa dahil
dito. Tinatayang may 11 milyon ang Overseas Filipino Workers (OFW) ang nasa iba’t ibang
panig ng mundo. Ang globalisasyon ng ekonomiya ay nakatulong sa maraming korporasyong
naglipat ng kanilang mga pagawaan at nagbigay ng mga trabaho sa mas mahihirap na mga
bansa. Ito ang tinatawag na outsourcing.
Sa Pilipinas, napakaraming mga Pilipino ang nagtatrabaho sa industriyang ito na
makikita sa daan-daang mga call center sa bansa. Sa kadahilanang mas mababa ang antas at
halaga ng pamumuhay sa mga papaunlad na bansa o developing countries tulad ng Pilipinas,
kaya’t mas mababa ang pasahod na ibinibigay ng kompanya sa mga empleyado nito. Sa patuloy
na pag-unlad ng teknolohiya, napapabilis ang pagbebenta ng produkto dahil sa pagtatayo ng
mga e-commerce na nagpasimula ng mga online shopping store. Ang pagpapaigting ng gamit
ng World Wide Web ay nagpabilis ng mga gawaing pang-ekonomiya sa bansa at sa buong
mundo.
Gayunpaman hindi palaging mabuti ang epekto ng globalisasyon sa ekonomiya,
napakarami nang mga taong namumuhunan sa mga kompanya sa iba’t ibang bahagi ng daigdig,
kaya’t ang pagbagsak ng ekonomiya ng isang bansa ay madaling nakaaapekto sa ibang bansa.
Sa mabilis na palitan ng produko ng mga bansa, mabilis din ang pagpapalit at pagpapaunlad ng
mga ito. Kasama ng kaunlaran ng mga produktong ito ay ang paglalabas ng mataas na kapital
sa pagpapaunlad ng negosyo. Sa kasamaang palad ang patuloy na pagpapataas ng kalidad ng
produkto at pagpapataas ng kapital ay nangangahulugang pagbaba ng kapital ng mga taong
hindi makasabay sa kompetisyon at pagkawala ng mga negosyong ito sa kalakalan.
Samakatuwid, ang mga negosyong hindi makasabay ay nahihirapang lumaban sa kompetisyon
at paglaon ay mawawalan ng kakayahan sa negosyo hanggang ito ay magsara.

Globalisasyong Politikal

Ang isa sa pinakamagandang epekto ng globalisasyong politikal ay ang pagkakalikha


ng United Nations. Ang pagkakabuo nito ay isa sa mga dahilan ng pagsasaayos ng mga
suliraning teritoryal ng mga bansa. Ito ay nagbunga rin ng pagkakaroon ng mga kasunduan
tungkol sa teritoryo at lupang sakop ng bawat bansa. Nagkaroon din sila ng mga kasunduang
diplomatiko at nagtayo ng mga embahada o konsulado sa iba’t ibang bansa. Bukod dito,

l
nagtatag din ang UN ng mga ahensiya na makatutulong sa pagpapaunlad ng iba’t ibang aspekto
ng pamumuhay. Sa tulong din ng globalisasyon, ang mga pinuno ng mga bansa ay nakikipag-
ugnayan at nakikipagtulungan para sa kanilang mga kapakanan at pangangailangan. Sila ay
nagtutulungan upang mapuksa ang mga krimen.
Ang International Criminal Court na may pandaigdigang kapangyarihan ay hindi pa
lubusang kinikilala ng lahat ng mga bansa. Namamagitan ang korteng ito sa mga isyu o kasong
maaaring magdulot ng mga suliraning makaaapekto sa pandaigdigang relasyon o kalakalan. Sa
kasalukuyan, nahaharap sa mga suliranin ang iba’t ibang bansa tulad ng pag-aangkin ng ibang
bansa sa natakdang teritoryo nila, kaya’t nararapat lamang na magtulungan sila upang malutas
ang mga ito. Ang iba pang mahalagang pandaigdigang isyu ay climate change at mga bunga
nito, terorismo, droga, kumakalat na sakit at imigrasyon.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1. Pagparisin ang mga epekto sa hanay A at mga dahilan sa hanay B


para mabuo ang mga pahayag tungkol sa globalisasyon. Isulat ang titik ng tamang
sagot.

A B
___ 1. Napadali ang pagluluwas ng A. ang pagpapaigting ng gamit ng
ng mga produkto. Worl Wide Web.

___ 2. Marami ang mga produktong B. dahil ang mga negosyong hindi
napaghambing ang kalidad makasabay ay nahihirapang
lumaban sa kompetisyon.

___ 3. Ang pagbagsak ng ekonomiya C. dahil sa pagtanggal ng mga


ng isang bansa ay nakaapekto balakid sa kalakal at taripa.
sa ibang bansa.

___ 4. Pagsasaayos ng mga suliraning D. dahil malaya na ang kalakalan


teritoryal ng mga bansa. sa buong daigdig.

___ 5. Nagpabilis ng mga gawaing E. dahil napakarami nang mga


pang-ekonomiya sa bansa at taong namumuhunan sa ibat-
sa buong mundo ibang bahagi ng daigdig.

___ 6. Nawawalan ng kakayahan sa F. dahil mas mababa ang antas at halaga ng


negosyo hanggang ito ay pamumuhay sa mga Developing Countries.
magsara

l
___ 7. Itinayo ang International Criminal G. dahil sa pagbaba ng presyo ng krudo, presyo
Court ng transportasyon, at pagsulpot ng mga MNC.

___ 8. Mas mababa ang sahod na H. dahil sa globalisasyon.


kailangang ibigay sa mga
empleyado.

___ 9. Lumakas ang ekonomiya I. pagkakabuo sa United Nations.


ng ilang bansa

___ 10. Nabigyan ng pagkakataong J. dahil sa pagdalang ng tradisyonal na


makapagtrabaho sa iba’t ibang kasuotan.
panig ng mundo

K. upang mapuksa ang mga krimen.

Pagsasanay 2. Isulat Ang kung mabuti ang epekto at kung hindi mabuti.

___ 1. Naging madali ang pagluluwas o pag-aangkat ng mga produkto.


___ 2. Nakakukuha ng mga manggagawa sa ibat-ibang bansa na binibigyan ng mas
mababang sahod.
___ 3. Nabibigyan ng pagkakataong makapagtrabaho ang mga mamamayan ng iba’t ibang
bansa.
___ 4. Ang pagbagsak ng ekonomiya ng isang bansa ay madaling nakaaapekto sa ibang
bansa.
___ 5. Ang mga negosyong nahihirapang lumaban sa kompetisyon ay nagsasara.
___ 6. Nagkaroon ng mga kasunduang diplomatiko at nagtayo ng mga embahada sa
Iba’t ibang bansa.
___ 7. Ang pagsasaayos ng mga suliraning teritoryal ng mga bansa.
___ 8. Pagtatayo ng mga e-commerce na nagpasimula ng mga online shopping store.
___ 9. Ang pagkakalikha ng United Nations.
___ 10. Ang mga pinuno ng mga bansa ay nakikipag-ugnayan at nakikipagtulungan para sa
kanilang mga kapakanan at pangangailangan.
Pagsasanay 3. Ipaliwanag ang iyong sagot sa mga katanungan sa ibaba.

1. Bakit malaki ang naitutulong ng paglalakbay sa pagsulong ng globalisasyon?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

l
2. Paano nakatutulong ang komunikasyon ng mga tao sa isa’t isa sa pagsulong ng
globalisasyon?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Nakatutulong ba ang globalisasyon sa mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. Anong papel ang ginagampanan ng samahan ng United Nations sa pagsusulong ng


globalisasyon?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

5. Sa iyong palagay, bakit mahirap magkaroon ng isang korteng global na lulutas sa mga
suliraning kinakaharap ng mga bansa sa ngayon? Ipaliwanag.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

PAGLALAHAT

l
Timbangin. Sumulat ng mabuti at hindi mabuting epekto ng globalisasyon sa larangan ng
ekonomiya at politika.

Hindi
Mabuti
mabuti

PAGPAPAHALAGA

l
Sa iyong palagay, ano ang pinaka mabuting epekto ng globalisasyon sa larangan ng
ekonomiya at politika? At pinaka mabigat na problemang dulot nito?

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Gumawa ng isang collage sa isang bond paper na nagpapakita ng epekto ng globalisasyon sa


ekonomiya at politika.

SUSI SA PAGWAWASTO

l
Sanggunian
Mga Aklat, Lecture, Batas, Artikulo sa Pahayagan

1. Antonio, E. D., Dallo, E. M., Imperial, C. M., Samson, M. B., & Soriano, C. D. (n.d.).
Kayamanan Mga kontemporaryong Isyu (2017 ed.). Manila, Philippines: REX Book
Store.

2. Learners Module Araling Panlipunan 10, p. 154

Mga Website

1. Accessed August 4, 2020.


https://www.google.com/search?q=cartoon+positive+and+negative+effects+of+globali
zation.

You might also like