Week 3
Week 3
Week 3
Pangalan:________________________________________________________Pangkat:____________________
MELC:
I.PANGUNAHING KONSEPTO:
Ang Misyon ng Pamilya
Sa Pagbibigay ng Edukasyon
Ang mga anak ay mahalaga sa mga magulang gayundin ang mga magulang sa mga anak
kaya nararapat lamang na bigyan ng importansiya ng mga magulang ang pagtuturo sa mga
anak upang matuto sa anumang paraan.
Sa pagpapatupad ng tungkulin para sa edukasyon sa mga bata, ang mga magulang ay
may katuwang na institusyon na paaralan sa lipunan. Kung saan pinag-aaral ang mga kabataan
upang mas malinang sa kanila ang iba’t ibang aspekto na huhubog sa pagkatao kung saan
inaasahang mas tatalas ang kanyang pag-iisip at kakayahang umunawa sa mga bagay-bagay.
Pag-uwi sa bahay, naging guro din ng kabataan ang mga nakatatandang kapatid kung saan
tinuturuan at tinutulungan sa paggawa ng mga takdang aralin upang mas maipaintindi rito ang
mga konsepto. Ang ganitong misyon ng magulang ay magpapatuloy hanggang sa makapagtapos
ang anak sa pag-aaral at maging produktibong mamamayan.
Sa Paggabay sa Pagpapasya
Sa paglaki ng bata ay sumisibol din ang paglago ng kanilang karunungan. Sa panahong
ito, ginagabayan ng mga magulang ang pagpapasya ng mga anak.
Mahalaga na sa murang edad ay inisa-isa sa anak ang mga tuntunin o batas na dapat sundin sa
isang pamamahay o maging pagsunod sa mga batas sa lipunan. Sa panahong ito, itinuturo ng
magulang ang pagiging mapanagutang anak sa kanyang kilos at maunawaan kung ano ang
tama at mali sa isang sitwasyon.
Kaakibat ng pagpapasya ay ang pagpili at pagbuo ng desisyon ng isang pamilya. Kung
kaya, mainam na mapaunawa ng magulang sa anak ang kahalagahan ng pagiging mapanagutan
sa pagpapasya. Sa yugtong ito, ang anak ay nabibigyang pagkakataon na magpasya sa mga
simpleng bagay ngunit sa gabay pa rin ng magulang.
Sa totoong buhay, hindi madali ang paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak
sapagkat ang mga kabataan habang lumalaki ay nagkakaroon na rin ng sariling pananaw sa
buhay kung kaya minsan ay nagsasalungat ang gustong mangyari ng anak at magulang.
Ang pagsisisi ay bunga ng maling pagpili ng tao. Ang pagkakaroon ng kakayahan sa
mabuting pagpapasiya ay bunga naman ng karunungan at pagpapahalagang naitanim ng mga
magulang sa kanilang mga anak mula noong sila ay bata pa lamang. Maliban sa wastong
pagdedesisyon at matapang na pagharap sa resulta ng isang pagpapasya mahalaga ring ituro at
gabayan ng magulang ang anak sa wastong paggamit ng kalayaan lalo na sa mga materyal na
bagay.
Sa Paghubog ng Pananampalataya
Ang pagsisimba ay isang pagpapakita ng pananampalataya. Dito matutunan ng tao ang
mga aral ng Panginoon na humubog sa kanyang pagkatao.
Ang tao sa mundo ay may iba’t ibang uri ng pananampalataya. Sa bansang Pilipinas,
maraming relihiyon ang umusbong matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig. May kalayaan
ang bawat Pilipino na piliin at isabuhay ang pinaniniwalaang relihiyon ayon sa kanilang
pananampalataya.
Sa pananampalataya rin humuhugot ng lakas at pananalig ang mga magulang upang
mas lalong mahubog ang mga anak sa mabuting asal na nagsisilbing gabay upang maging isang
mabuting tao.
Walang magulang na magtuturo ng hindi wasto sa anak sapagkat ang layon nito ay
mapabuti ang kinabukasan at mabigyang halaga ang mga turo ng Panginoon sa pamamagitan
ng pagsasabuhay at pagiging mabuting ehemplo sa anak at ibang tao.
Sa pamamagitan ng pananampalataya, nakapagninilay ang pamilya sa kani-kanilang
maling gawi kung saan humihingi ang tao ng pagpapatawad at gabay mula sa Panginoon upang
maging makabuluhan ang buhay sa mundong ibabaw.
Walang perpektong tao sa totoong buhay ngunit ang lahat ay mayroong pagkakataong
magbago at itama ang maling gawi, kung kaya hinihimok ng mga magulang na tumungo ang
mga anak sa tahanan ng Panginoon upang magpasalamat, humingi ng kapatawaran at mabusog
ang anak sa pangaral ng Panginoon na magsisilbing gabay araw-araw sa buhay.
Inihanda ni:
RICHELLE M. GONZALES
Teacher I