PRETEST POSTTEST For Printing
PRETEST POSTTEST For Printing
PRETEST POSTTEST For Printing
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
PAUNANG PAGTATAYA
(SEPT.28-29,2022)
I.PAGPIPILI. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at isulat sa ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.
____1. Ang katangiang taglay ng tao na may kakayahangmag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay na may
kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alaala at umunawa ng kahulugan ng mga bagay. Ano ito?
a.Pagkusa b.Isip c.Kilos-loob d. Paglakbay
____2. Ang makaturiwang pagkagusto sapagkat ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. Umaasa ito sa isip
kaya mula sa paghuhusga ng isip ay sumusunod ang malayang pagnanais.
a.Pagkusa b.Isip c.Kilos-loob d. Paglakbay
____3. Si Rona ay mahilig sa tsokolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes naging maingat na
siya sa pagpili ng kaniyang kinakain kahit gustong-gusto niya nito. Bakit kaya ni Rona na kontrolin ang sarili at
ang udyok ng kanyang damdamin?
a. Ang tao ay may kamalayan sa sarili c. May kakayahan ang taong mangatuwiran
b. Malaya ang taong pumili o hindi pumili d. May kakayahan ang taong mag-abstraksiyon
____4. Ang konsensiya ay mula sa salitang latin na “cum” at “”scientia” na ang ibig sabihin ay ___________.
a. May Talino b. May Sipag c. May kaalaman d. May Tatag
____5. Ang batas na ibinigay sa tao noong siya ay likhain. Ito ay sa dahilang nakikibahagi siya sa karunungan at
kabutihan ng Diyos. Anong batas ito?
a. Likas na Batas Moral c. Saligang Batas
b. Batas Militar d. Batas Republika
____6. Malinaw sa atin ang sinasabi ng ating konsensiya: “gawin mo ang mabuti, iwasan mo ang masama”. Ngunit
hindi ito nagbibigay ng katiyakan na ang mabuti ang pipiliin ng tao.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
a. Sa lahat ng pagkakataon, tama ang hatol ng ating konsensiya.
b. May mga taong pinipili ang masama dahil wala silang konsensiya.
c. Maaaring magkamali sa paghatol ang konsensiya kaya mahalagang mahubog ito upang
kumiling sa mabuti.
d. Kumikilos ang ating konsensiya tuwing nakagagawa tayo ng maling pagpapasiya.
7-8 “Higit na nagiging malaya ang tao kapag ginagawa niya ang mabuti. Walang tunay na kalayaan kundi sa
pagmamahal at paglilingkod”
_____11. Kung kilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang taong biglang nanapak ng
kapuwa dahil sa galit bilang reaksiyon sa panloloko sa kaniya?
a. walang kusang loob c. di-kusang loob
b. kusang loob d. Kilos-loob
_____12. Ang makakuha ng mataas na marka sa pagsusulit ang matagal nang minimithi ni Joseph. Nagkaroon siya ng
pagkakataong matingnan ang susi sa pagmamarka (answer key) na nasa ibabaw ng mesa ng kanyang guro. Anong uri
ng kilos na may kapanagutan ang ipinakita ni Joseph?
a. walang kusang loob c. kusang loob
b. di-kusang loob d. Kilos-loob
_____13. Nagtinginan ang mga tao sa gawi ni Susan nang tumunog ng malakas ang cellphone niya habang nasa
kalagitnaan ng pagsesermon ang pari. Anong uri ng kilos ang ipinakita ng mga tao kay Susan?
a. makataong Kilos c. kilos ng tao
b. mapanagutang kilos d. kilos-loob
____14. Ito ang bunga n gating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.
a.Pasiya b. Kilos c. Layunin d. Damdamin
____16. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman an gang papel ng kilos-loob?
a.Umunawa at magsuri ng impormasyon c. tumulong sa kilos ng isang tao
b.Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip d. gumabay sa pagsasagawa ng kilos
____18. Alin ang mas matatag na batayan ng pagiging mabuti o masama ng isang kilos ayon sa pananaw ni
Emmamuel Kant?
a. ang mabuting bunga ng kilos
b. ang layunin ng isang mabuting tao
c. ang makita ang kilos bilang isang tungkulin
d. ang pagsunod sa mga batas na nagtataguyod ng mabuting kilos.
____19. Ano ang dalawang kategorya ng bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
a. Isip at kilos-loob c. Paghuhusga at pagpili
b. Intensiyon at layunin d. Sanhi at Bunga
____20. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na iyong gagawin?
a. Isaisip ang mga posibilidad c. Umasa at magtiwala sa Dios
b. Maghanap ng ibang kaalaman d. Tingnan ang kalooban
____22. Sino sa kanila ang hindi nag papakita ng ng katarungan bilang birtud?
a. Isang guro na pumapasok ng maaga at nagtuturo nang buong husay sa klase
b. Isang mag-aaral na itinututring ang pag-aaral na huli sa kanyang prioridad sa buhay
c. Isang ama na ibinibigay ang kanyang buong lakas at oras upang mabigyan ng
magandang buhay ang pamilya.
d. Isang empleyado na hindi lumiliban sa trabaho at tinitiyak na tapos ang gawain bago
umuwi ng bahay.
_____23. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo?
a. katatagan at kasipagan
b. kabayanihan at katapangan
c. pinagkopyahan o pinagbasehan
d. pinagmulan o pinanggalingan
_____24. Ang kalikasan ay tumutukoy sa _____________?
a. Lahat ng nakapaligid sa atin
b. Lahat ng nilalang na may buhay
c. Lahat ng bagay na nagpapayaman sa tao
d. Lahat ng mga salik na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga nilalang
na may buhay
_____25. Saan nakikita ang tunay na kahulugan ng patriyotismo para sa isang Pilipino?
a. Sa bawat pagkilos ng bawat Pilipino natutugunan ang mga pangangailangan
ng taong bayan
b. Sa mga hangarin at pangarap ng bawat mamamayan tungo sa pag-unlad ng
sarili at kapwa-Pilipino
c. sa pagtutulungan ng bawat mamamayang Pilipino sa panahon ng sakuna at kalamidad
d. Sa pagsulong ng adhikaing ipagmalaki ang ating kultura at isulong ang turismo ng bansa
_____26. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan ng tao na pangalagaan ang kalikasan?
a. Sa kailkasan nanggagaling ang mga material na bagay na bumubuhay sa tao
b. Responsibilidad itong ipinagkatiwala ng Dios sa tao na dapat gampanan.
c. Ang kalikasan ay kakambal ng kanyang pagkatao. Ito ang bubuhay sa tao at
bilang kapalit kailangan niya itong alagaan at pahalagahan
d. Sa kalikasan nakadepende ang hinaharap ng tao dahil sa biyayang taglay nito.
_____27. Ito ay ang personal na ugnayan ng tao sa Dios. Isa itong malayang deisiyon na malaman at
Tanggapin ang katotohanan sa pagkatao.
a. Espiritwalidad c. Panalangin
b. Pananampalataya d. Pag-ibig
_____28. Alin sa mga sumusunod ang nagsasabi ng tunay na diwa ng espiritwalidad?
a. Ang palagiang pag-aaral at pagbabasa ng salita ng Dios
b. Ang pagiging maawain at matulungin sa pangangailangan ng kapwa
c. Ang pananatili ng ugnayan sa Dios sa pamamagitan ng panalangin sa araw-araw
d.Ang pagkakaroon ng mabuting ugnayansa kapwa at pagtugon sa tawag ng Dios
_____30. Ang isang lalaki at babae ay nagkakaroon ng kakayahang makibahagi sa pagiging manlilikha ng Dios
Kapag tumuntong na sa tamang edad ng pagdadalaga at pagbibinata . Subalit kahit sila ay maya kakayahang
Pisyolohikal nagamiton ito, hindi nangangahulugang maari na silang makipagtalik at magkaroon ng anak. Hanggang
wala sila sa wastong gulang at hindi pa tumatanggap ng sakramento ng kasal, hindi sila kailanman magkakaroon ng
karapatang makipagtalik. Anong katotohananang ibinubuod ng pahayag na ito?
a. Maaari nang makipagtalik ang kabataang nagdadalaga at nagbibinata.
b. Maaari nanag magkaroon ng anak ang kabataang nagtatalik.
c. Ang mga taing may kakayahang pisyolohikal ay maaari nang makipagtalik.
d. Ang mga taong nasa wastong gulang at ipinagbuklod ng kasal ang maaari
lamang na makipagtalik
*** T A P O S ****