Filipino 5 q1 Periodic Test

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
SAMPALOC ELEMENTARY SCHOOL-MAIN
SAMPALOC,QUEZON

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO V

Pangalan:_____________________________ Baitang at Pangkat:________________


Petsa:________________________________ Guro:__________________________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga susunod na tanong. Piliin ang angkop na
kaisipan sa mga sitwasyon sa bawat bilang. Isulat ang letra ng iyong sagot sa papel.
1. Nakita mo ang isang batang naglalakad sa kalye at walang kasama. Ano ang iyong
gagawin?
A. Tatanungin ang pangalan ng bata kung taga-saan siya.
B. Hahayaan ang bata sa paglalakad.
C. Ipagbibigay alam ang nakita sa kapitan ng barangay.
D. Ihahatid ang bata sa bahay ng kanyang mga magulang.
2. Nais mong makapasa sa pagsusulit. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi mag-aaral ng leksiyon.
B. Manonood na lang ng mga palabas.
C. Mag-aaral nang mabuti.
D. Mangongopya sa katabing kaklase.
3. Oras na ng uwian at nakita mong inilagay lang ng kaklase mo ang kanyang mga basura sa

ilalim ng kanyang upuan, sa halip na itapon ang mga ito sa tamang lalagyan. Bilang
isang mabuting mag-aaral, ano ang nararapat mong gawin?
A. Isusumbong ko ang ginawa niya sa aming guro.
B. Sasawayin ko siya at pagsasabihan na itapon ang mga basura sa tamang lalagyan.
C. Hindi ako magsusumbong at hahayaan na lamang ang kaniyang ginawa.
D. Pupulutin ko na lamang ang basura at itatapon sa tamang lalagyan.
4. Napansin mong umiiyak ang iyong kaklase dahil wala siyang baon. Ano ang gagawin mo?
A. Bibigyan ko siya ng pagkain.
B. Hahayaan ko siyang umiyak.
C. Pagsasabihan ko siya na huwag mag-ingay.
D. Bibigyan ko siya ng pera.
5. Sinira ng nagdaang bagyo ang inyong bahay. Upang maiwasang maranasan itong muli
ngayong may paparating na naming bagyo, ano ang magagawa mo bilang isang bata?
A. Maaari akong tumulong sa pamamagitan ng pag-abot ng kakailanganin sa
paghahanda gaya ng panali, martilyo at iba pa.
B. Uupo lang ako sa isang tabi kasi wala naman akong kayang gawin dahil maliit lang
ako.
C. Makikipaglaro sa mga kaibigan sa labas ng bahay.
D. Ibalita sa buong barangay ang paparating na bagyo.

Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba at sagutin ang mga tanong. Bilkugaqn ang
titik ng tamang sagot.
6. Ang mga mag-aaral ay nagbabasa sa loob ng silid-aralan. Anong uri ng pangngalan ang
mag-aaral?
A. pambalana B. pantangi C. pambabae D. wala
7. Ang mga guro ng San Jose Elementary School ay masipag magturo.Anong uri ng
pangngalan ang nasalungguhitan?
A. pambalana B. panlalaki C. pantangi D. lahat ng nabanggit
8. _____________ bata ay umiiyak. Anong ilalagay sa patlang upang maging marami ang
pangngalang tinutukoy?
A. Ang B. Dalawang C. Isang D. Ang mga
9. Ginagamit ng mga guro ang libreng oras para makagawa ng mga kagamitan sa pagtuturo
at lesson plan. Ano ang kasarian ang nasalungguhitang salita?
A. pambabae B. di-tiyak C. panlalaki D. walang kasarian
10. Balat-sibuyas ang batang iyan. Anong kayarian ng pangngalan ang nasalungguhitan?
A. payak B. may lapi C. tambalan D. inuulit
Panuto: Salungguhitan ang tamang panghalip sa loob ng panaklong upang mabuo ang
usapan.
Lito: Aga, sasama ba si Kathy kina Boyet mamaya?
Aga: Oo, Lito, sasama 11.(siya, sila,kami,kayo) sa 12. (kanila, kanya, kayo).
Lito: 13. (Si, Sina, Sila, Kami) Kenneth, Ogi at Arlene ay tila gusto ring sumama.
Aga: Talaga bang gusto nilang sumama 14. (isa-isa, lahat, dalawahan)?
Lito: Ay, oo, talagang-talagang gusto nilang sumama. Kasi, maganda raw ang panonoorin
15. (nila, sila, tayo,kami).
Aga: Ok, mabuti naman, masaya pag sama-sama.

Panuto: Basahin ang teskto. Sagutin ang sumusunod na mga katangungan. Isulat ang titik
ng tamang sagot.

16. Anong lalawigan ang inilalarawan sa teksto?


A. Capiz B. Antique C. Guimaras D. Iloilo
17. Saan matatagpuan ang Lalawigan ng Iloilo?
A. Kanlurang Bisaya
B. Silangang Bisaya
C. Gitnang Bisaya
D. Timog Bisaya
18. Anong lugar sa Iloilo ang kilala sa masarap na batsoy?
A. Panay B. Irong-irong C. La Paz D. Capiz
19. Kailan itinatag ang Lalawigan ng Iloilo?
A. Marso 10, 1917 C. Marso 17, 1910
B. Marso 10, 1907 D. Marso 19, 1917
20. Anong bayan ang itinatag ng mga Espanyol sa lalawigan?
A. La Paz C. Irong-irong
B. Iloilo D. Fuerza San Pedro

Tayo na sa CALABARZON

Ang Rehiyon IV-A o CALABARZON ay binubuo ng limang lalawigan. Ito ay ang Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at
Quezon. Ang mga lalawigang ito ay dinarayo ng mga turista dahil sa magagandang tanawin.
Simulan natin ang paglalakbay sa lalawigan ng Quezon kung saan kilala sa tanyag na Kamay ni Hesus sa Lucban
Quezon. Isa sa makikita rito ang replika ng Arko ni Noah.sa Quezon din matatagpuan ang Bundok Banahaw na nasa
pagitan ng lalawigan ng Quezon at Laguna. Ang bundok na ito ang pinakamataas sa mga bundok sa CALABARZON. Mara-
mi ring magagandang dagat na maaaring paliguan kung panahon ng tag-init.
Ang ikaapat naman na lalawigan sa CALABARZON ay ang Cavite. Nagmula ang pangalang "Cavite" sa kinastilang salitang
tagalog na kawit na pinaikling kalawit, bilang pantukoy sa kalupaan sa tangway ng Kabite na nakausli sa pook ng Maynila.
Sa lalawigan ding ito iwinagay-way ang unang bandila ng Pilipinas sa balkonahe ni Heneral Emilio Aguinaldo. Naging
21. Ang Rehiyon IV-A ay tinatawag ding__________________
A. MIMAROPA B. CALABARZON C. NCR D. ARMM
22. Ilan ang lalawigan na bumubuo dito?
A. 4 B. 6 C. 7 D. 5
23. Saang lalawigan matatagpuan ang panghimagas na buko pie?
A. Batangas B. Quezon C. Laguna D. Rizal
24. Kung nais mong pasyalan ang bahay ni Hen. Emilio Aguinaldo, saang lalawigan ka
pupunta?
A. Cavite B. Rizal C. Laguna D. Batangas
25. Ang lalawigan ng Batangas ay may salitang madalas gamitin. Ito ay ang ______________
A. Ala Eh! B. Hane! C. Aba’y huo! D. Di yata e
Panuto: Isulat mo ang iyong reaksiyon o opinyon sa sumusunod na mga katanungan.

Drogang Kumikitil sa Kinabukasan


Amy S. Bretania
Droga ang takbuhan ng isang taong may sakit. Pinagagaling nito, anuman ang nagpapahirap
sa iyo.
Ang hindi tamang paggamit nito ay nakababahala sa kalusugan na unti-unting kumikitil sa isipan at
kaluluwa ng mga taong walang kahihinatnan ang buhay.
Ang paggamit nang sobra nito ay maaaring makasira ng kinabukasan isipan at kalusugan ng
mga inosenteng bata maging man sa mga nasa hustong pag-iisip na. Pampalimot daw ng problema.
Ito ay maling akala, sapagkat hindi nila alam, ito ay nakamamatay. Maraming bata ang nalulong sa
masamang bisyo dahil sa kapabayaan ng mga magulang, pang-aabuso ng sariling ama, sobrang
pagprotekta ng mga magulang, mga masasamang impluwesya ng barkada o di kaya’y kakulangan ng
oras mula sa pamilya.
Ang paggamit ng droga ay isang pagkakamaling gawain na sumisira sa kinabukasan. Ito ay
malulutas lamang kung binigyang pansin ng mga magulang ang kanilang responsibilidad. Sa oras na
kakailanganin sila ng kanilang mga anak, nandiyan at nakaagapay dapat sila sa hirap at ginhawa.
Kung tutuusin hindi materyal na bagay ang mahalaga, kundi ang pagaaruga at pagmamahal
ng mga magulang na siyang susi sa kaligayahan at pagkakabuo ng pamilya. Tunay na ang
kaginhawaan at kaunlaran ng bawat isa ay matatamo kung bibigyan pansin ng magulang ang
kanilang responsibilidad sa kanilang mga anak. Hindi na sana ito hahantong sa karahasan, pagkitil
ng buhay at kasawian.

Pinagkunan: Amy S. Bretania. Pagsulat ng Reaksiyon/Opinyon sa Napapanahong Isyu.


DepEd LR Portal. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/17680

26. Ano ang nabanggit na problema na nakakaalarma sa napakinggang teksto?


___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
27. Sa palagay mo, bakit ba naligaw ng landas ang mga bata?
__________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
28. Masasabi mo ba na malulutas pa ang problema ng mga anak? ng mga magulang?
Magbigay ng pahayag.
________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
29. Masasabi mo ba na malulutas pa ang problema ng mga magulang?
Magbigay ng pahayag.
_______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
30. Paano mapahahalagahan ang kapakanan ng mga anak para matamo ang magandang
kinabukasan?
_______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
Panuto: Basahin ang talata. Isalaysay itong muli sa pamamagitan ng pagbuo ng talata.

Palosebo
Kumuha ng dalawang kawayang magkasinghaba at magkasinglaki. Ibaon sa
lupa ng patayo ang mga ito. Tiyaking ang mga ito ay magkapareho ang haba.
Lagyan ng langis ang dalawang kawayan upang maging madulas. Dalawa ang
kalahok sa larong ito.
Mag-uunahan sa pag-akyat ang dalawang kalahok na ito. Sinumang
maunang makaakyat sa itaas o kaya’y sa tuktok, ang siyang panalo.
Panuto: Pagtambalin ang mga salita na nasa Hanay A sa katumbas nitong
kahulugan sa Hanay B.
Hanay A Hanay B
36. magbuklod A. pagtutol
37. lumaban B. mga tuntuning dapat sundin
38. kabatiran C. magkaisa
39. regulasyon D. kaalaman
40. imburnal E. karaniwang marurumi ang tubig na
dumadaloy sa lugar na ito
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa bawat bilang sa tulong
ng paglalarawan. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon.

A. bunga B. humihimok C. maramihan

D. gusto E. alam na alam

41.Napakarami ng kanilang mga paninda sapagkat bulto sila kung mamili.


42. Bawat tao ay nagnanais na magkaroon ng ligtas na kapaligiran kung kaya’t tumutulong
sila sa pagbabantay ng paligid.
43. Iba’t ibang sakit ang dulot ng polusyon tulad ng hika at sakit sa baga.
44. Matagal na niyang naririnig ang tungkol sa recycling kaya’t pamilyar na siya sa paraan
ng pagsasagawa nito.
45. Sa tulong ng mga humihikayat ay nagawa naming maisama siya sa mga gawaing
pangkalikasan.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Bar Graph
Bilang ng Mag-aaral sa Mababang Paaralan ng
San Jose

700
600
500
400
300
200
100
0
2018-2019 2019-2020 2020-2021

46. Ilang bilang ng mag-aaral ang itinaas sa mababang paaralan ng San Jose noong
taong panuruan 2018-2019 hanggang 2019-2020?
A. 100 B. 90 C. 95 D. 110
47. Ilang bilang ng mag-aaral ang itinaas sa mababang paaralan ng San Jose noong
taong panuruan 2019-2020 hanggang 2020-2021?
A. 18 B. 20 C. 25 D. 15

Pie graph
Budget ng mga pangangailangan ng Pamilya ni Mang Tomas
tubig at kuryente, 5% tirahan; 10%

pananamit; 10%

pag-iimpok; 10%
pagkain, 45%

pag-aaral; 20%

48. Ilang bahagdan sa kita ng mag-anak ang para sa pagkain?


A. 45% B. 5% C. 20% D. 10%
49. Noong buwan ng Hunyo ay nagbigay ng mga donasyong libro si Kgg. Atty. Karen Agapay.
Nakita mon a magaganda ang mga pampanitikang libro. Gustong-gusto mo siyang
basahin pero nakita mon a inilagay ng school librarian sa laibrary ang mga libro. Ano ang

gagawin mo?

A. Hahayaan ko na lang
B. Magpapabili na lang ako sa nanay ko ng mga ganong aklat.
C. Kapag walang tao sa library ay kukunin ko na lang ang mga libro
D. Magpapaalam ako sa aming school librarian na hihiramin ko ang mga libro at
magbabasa sa bakanteng oras.

50.Isang araw, habang nagbabasa ka sa school library may nabasa kang isang
napakagandang teksto na makakatulong sa isang mag-aaral na kagaya mo. Ano ang
gagawin mo?

A. Babalewalain ko ang aking nabasa.


B. Itatago ko ang mga libro para di nila mabasa.
C. Ililihim ko sa mga kamag-aaral ko ang aking nabasa.
D. Sasabihin ko sa mga kamag-aaral ko na may nabasa akong napakahalagang teksto

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
SAMPALOC ELEMENTARY SCHOOL-MAIN
SAMPALOC,QUEZON

UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO V

Bilang
Mga Kasanayan ng Kinalalagy
Aytem an ng
Aytem

Naiuugnay ang sariling karanasang sa napakinggang 5 1-5


teksto F5PN-Ia-4 -
Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa
pagtalakay tungkol sa sarili,sa mga tao,hayop, lugar,bagay at 5 6-10
pangyayari sa paligid F5WG-Ia-e-2 -
Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip sa usapan at 5 11-15
paglalahad ng sariling karanasan F5WG-If-j-3-
-Nasasagot ang mga tanong sa binasang kuwento 5 16-20
F5PB-Ia-3.1 F5PB-Ic-3.2
-Nakasusulat ng talatang nagsasalaysay F5PU-Ie-2.2 F5PU-If F5PU-
5 21-25
IIc-2.5 -2.1
Naipahahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang
5 26-30
napakinggang balita, isyu o usapan F5PS-Ia-j-1

Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto gamit ang


sariling salita F5PS-IIh-c-6.2 5 31-35
Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng
mga pangungusap F5PS-IIh-c-6.2
Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-
5 36-40
pamilyar sa pamamagitan ng tono o damdamin F5PT-Ic-
1.15 -
-Naibibigay ang kahulugan ng salita pamilyar at di-pamilyar
5 41-45
na mga salita sa pamamagitan ng paglalarawan F5PT-Ij-
1.14
-Nabibigyang-kahulugan ang bar graph, pie, talahanayan at 5 46-50
iba pa F5EP-If-g-2
50
KABUUAN

Inihanda ni:

BERNADETTE DAYO
Teacher III

SUSI SA PAGWAWASTO:

1.A 11.siya 21. Ito ay isinasagawa tuwing buwan 31-Pasya ng 41-50-


ng Pebrero. guro Pagpapasya ng
guro
2. C 12. 22. Inaabangan sa pistang ito ang 32
kanila parada ng
mga bulaklak.
3. B 13. sina 23. Ang katangiang ipinapakita ng 33
pistang ito ay ang pagiging masayahin
at malikhain ng mga Pilipino
(tanggapin ang kahintulad na sagot).
4. A 14. lahat 24. Gusto nilang makita ang mga 34
naggagandahang karosa ng mga
bulaklak. (tanggapin ang kahintulad
na sagot).
5. A 15. nila 25. Ito ay isinasagawa tuwing buwan 35
ng Pebrero.
6. A 16. D 36
7. C 17. A 27. A 37, C
8. D 18. C 28. A 38. A
9. A 19. A 29. C 39. D
10. C 20. D 30. D 40. D

You might also like