Fili04 Module04

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

Republic of the Philippines

Province of Batangas
CITY OF TANAUAN

TANAUAN CITY COLLEGE


TANAUAN City of Colors
Layunin Pampagkatuto :
 Maisalaysay ang mga naging layunin
at impluwensiya ng mga Kastila sa
pananakop sa Pilipinas

 Naiisa-isa ang mga impluwensiya ng


mga Kastila sa panitikang Pilipino

 Naihahambing ang panitikang Pilipino


bago dumating ang mga Kastila at sa
panahon ng mga Kastila
KAL IGIRANG KASAYSAYAN :
Ang isinaalang-alang na unang
pananakop ng mga Kastila sa
ating kapuluan ay ang pananatili
rito ni Miguel Lopez de Legazpi
noong 1565, bilang kauna-unahang
Kastilang gobernador-heneral. At
dito nagsimula ang panitikan ng
mga tao rito. Ang diwa ng
pasimulang ito ay nagpatuloy nang
walang pagbabago hanggang sa
pagkakaroon ng digmaan sa
Kabite noong 1872. Higit sa
tatlong dantaon din ang
pananakop na ito ng mga Kastila.

Panitikan sa pagdating
ng mga Kastilla
 tinangkilik ang relihiyong Katoliko
 nagpalit sila ng pangalan at nagpabinyag
 nagbago ang anyo ng kanilang pamamahay
 nagkaroon ng mga bahay na tisa at bato
magagandang kasangkapan tulad ng piyano,
muwebles at mga kagamitang pangkusina

MGA PAGBABAGONG NAGANAP SA


BUHAY NG MGA PILIPINO:
 nagkaroon ng mga sasakyang tulad ng
karwahe, tren at bapor
 natuto silang magdiwang ng mga kapistahan
bilang parangal sa mga santo at Papa
 bilang libangan, nagkaroon ng mga
sabong, karera ng kabayo at teatro

MGA PAGBABAGONG NAGANAP SA


BUHAY NG MGA PILIPINO:
1. Ang “Alibata”na ipinagmamalaki kauna-unahang
abakadang Filipino na nahalinhan ng alpabetong
Romano.
2. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan
ng mga gawang makarelihiyon.
3. Ang wikang Kastila na naging wika ng Pantikan nang
panahong yaon. Marami sa mga salitang ito ang naging
bahagi ng wikang Filipino.
4. Ang pagkakadala ng mga alamat ng Europa at
tradisyong Europeo rito na naging bahagi ng Panitikang
Filipino tulad ng awit, kurido, moro-moro at iba pa.

Mga Impluwensiya ng mga Kastilla sa


Panitikang Pilipino
5.Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang
panitikan sa Tagalog at sa ibang wikain.

Ang pagkakalathala ng iba’t ibang aklat na pambalarila sa


6.
wikaing Filipino tulad sa Tagalog, Ilokano at Bisaya.

7.Ang pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng mga


lathalain ng mga panahong yaon.

Mga Impluwensiya ng mga Kastilla sa


Panitikang Pilipino
 Doctrina Cristiana-
kauna-unahang aklat na
nalimbag sa Pilipinas noon
1593, sa pamamagitan ng
silograpiko. Aklat ito nina
padre Juan de Placencia
at padre Domingo Nieva.
Nasusulat ang aklat sa
Tagalog at Kastila.
Naglalaman ito ng mga
dasal, sampung utos,
pitong sakramento, pitong
kasalanang mortal,
pangungumpisal at
katesismo. May 87 pahina
lamang.

Mga Unang Aklat sa Panahon ng


Kastilla
 Nuestra Senora del
Rosario – ikalawang aklat
na nalimbag sa Pilipinas.
Akda ito ni Padre Blancas
de San Jose noong 1602 at
nalimbag sa Imprenta ng
Pamantasan ng Sto. Tomas
sa tulong ni Juan de Vera,
isang mestisong Intsik.
Naglalaman ito ng mga
talambuhay ng mga santo,
nobena, at mga tanong at
sagot sa relihiyon.

Mga Ikalwang Aklat sa Panahon ng


Kastilla
 Barlaan at Josaphat –
ikatlong aklat na nalimbag
sa Pilipinas. Akda ito sa
Tagalog ni Padre Antonio
de Borja. Orihinal na nasa
wikang Griyego.
Ipinalalagay itong kauna-
unahang nobelang
nalimbag sa Pilipinas

Mga Ikatlong Aklat sa Panahon ng


Kastilla
 Pasyon – aklat na nauukol
sa buhay at pagpapakasakit ni
Kristo. Binabasa ito tuwing
Mahal na Araw. Nagkaroon ng
apat (4) na bersyon sa Tagalog
ang akdang ito, at ang bawat
bersyon ay ayon na rin sa
pangalan ng mga nagsisulat.
Ang mga ito ay ang Version de
Pilapil ( Padre Mariano Pilapil);
Version de Belen (Gaspar
Aquino de Belen); Version dela
Merced ( Aniceto dela Merced);
at Version de Guia (Luis de
Guia ). Isinaalang-alang na
pinakapopular ang Version de
Pilapil.

Mga Unang Aklfat sa Panahon ng


Kastilla
 Urbana at Felisa – aklat
na sinulat ni Modesto de
Castro, ang tinaguriang
“Ama ng Klasikong Tuluyan
sa Tagalog”.Naglalaman ito
ng pagsusulatan ng
magkapatid na sina Urbana
at Felisa. Pawang nauukol
sa kabutihang-asal ang
nilalaman ng aklat na ito,
kaya’t malaki ang nagawang
impluwensya nito sa
kaugaliang panlipunan ng
mga Pilipino.

Mga Unang Aklat sa Panahon ng


Kastilla
1. Arte Y Regalas de la Lengua Tagala
- sinulat ni Padre Blancas de San Jose at isinalin
sa Tagalog ni Tomas Pinpin noong 1610.

2. Compendio de la Lengua Tagala


- inakda ni Padre Gaspar de San Agustin noong
1703.

Mga Akdang Pangwika


3. Vocabulario de la Lengua Tagala
- kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog na sinulat ni
Padre Pedro de San Buenaventura noong 1613.
4. Vocabulario de la Lengua Pampango
-unang aklat na pangwika sa Kapampangan na sinulat ni
Padre Diego Bergano noong 1732.
5. Vocabulario de la Lengua Bisaya
-pinakamahusay na aklat pangwika sa Bisaya na
sinulat ni Mateo Sanchez noong 1711.

Mga Akdang Pangwika


6.Arte de la Lengua Bicolana
-unang aklat pangwika sa Bikol na sinulat
ni Padre Marcos Lisboa noong 1754.
7.Arte de la Iloka
-kauna-unahang balarilang Iloko na sinulat ni
Francisco Lopez.
-.

Mga Akdang Pangwika


• PASYON – inaawit tuwing Kwaresma,
hinggil sa buhay , sakit at pagdurusa ni
Kristo.
 B. KOMEDYA/MORO-MORO- isang
matandang dulang Kastila na naglalarawan
ng pakikipaglaban ng Espanya sa mga
Muslim noong unang panahon.

Mga Uri ng Panitikan


C.DALIT – ang pag-aalay ng bulaklak kasabay
nang pag-awit bilang handog sa Birheng Maria.
D.DUNG-AW –binibigkas nang paawit ng isang
naulila sa piling ng bangkay ng yumaong asawa,
magulang at anak.
E.KARAGATAN – isang larong may paligsahan
sa tula ukol sa singsing ng isang dalagang
nahulog sa gitna ng dagat at kung sinong binata
ang makakuha rito ay siyang pagkakalooban ng
pag-ibig ng dalaga.

Mga Uri ng Panitikan


F. DUPLO –larong paligsahan sa pagbigkas
ng tula na isinasagawa bilang paglalamay
sa patay.
G.KARILYO – pagpapagalaw ng mga anino ng
mga pira-pirasong kartong hugis tao sa likod
ng isang kumot na puti na may ilaw.
H.SENAKULO – isang dulang nagsasalaysay
ng buhay at kamatayan ng Poong
Hesuskristo.

Mga Uri ng Panitikan


I. TIBAG – isang pagtatanghal kung buwan
ng Mayo, ng paghahanap ni Santa Elena sa
krus na pinagpakuan kay Kristo.
J. SARSUWELA- isang komedya o
melodramang may kasamang awit at tugtog,
may tatlong (3)yugto, at nauukol sa mga
masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig,
paghihiganti, panibugho, pagkasuklam at
iba pa.

Mga Uri ng Panitikan


K. KURIDO – galing sa salitang Mehikanong
“corrido” na ang ibig sabihin ay
“kasalukuyang pangyayari” (current event).
Ito ay tulang pasalaysay na may sukat na
walong (8) pantig at pumapaksa sa
katapangan, kabayanihan at kababalaghan.
L. AWIT – tulang pasalaysay na may sukat na
labindalawang (12) pantig at may mga
pangyayaring hango sa tunay na buhay.

Mga Uri ng Panitikan


M.PARABULA – kwentong hango sa Banal na
Kasulatan na maaaring umakay sa tao sa matuwid na
landas ng buhay.
N. KANTAHING-BAYAN – (Folk Songs) ang
nilalaman ay nagpapakilala ng iba’t ibang
pamumuhay at pag-uugali ng mgatao at ng mga
kaisipan at damdamin ng bayan.
O.SAYNETE – itinuturing na isa sa mga dulang
panlibangan nang mga huling taon ng
pananakop ng mga Kastila. Ang paksa ng dulang ito
ay nahihinggil sa paglalahad ng kaugalian ng isang
lahi o katutubo.

Mga Uri ng Panitikan


1. Leron-leron Sinta = Tagalog
2. Pamulinawen = Iloko
3. Dadansoy = Bisaya
4. Sarong Banggin =Bikol
5. Atin Cu Pung Singsing = Kapampangan

Mga Awiting Bayan


Anu ang Kahalagahan ng mga
Kantahing Pilipino?
• Ito ay nagpapakilala na ang ating
diwang- makata ay katutubo sa ating
lupain.
• Ito ay nagpapahayag na tunay
na kalinangan ng Pilipino
• Ito ay bunga at bulaklak ng matulaing
damdaming galing sa puso at kaluluwa
ng bayan.

Kahalagahan ng mga
Kantahing Pilipino

You might also like