For Big Book
For Big Book
Kubyerta
Umaga ng Disyembre, ang bapor tabo ay naglalakbay sa liku-likong
daan ng Ilog Pasig patungong Laguna.
Ani Simoun walang halaga ang magandang tanawin kung ito’y walang alamat.
Sumagot si Don Custodio at sinabing may mga alamat ang nasabing ilog. Unang
isinalaysay ni Don Custodio ang alamat ng Malapad na Bato.
Nagsalaysay naman si Padre Salvi ng ginawang himala ni San Nicolas kung saan
ay nagawa nitong maging bato ang isang buwaya.
El Filibusterismo Buod Kabanata 4: Si Kabesang
Tales
Si Telesforo o mas kilala sa tawag na Tales ay anak ni Tandang Selo. Inalagaan niya ang
isang bahagi ng kagubatan dahil sa palagay niya ay walang nagmamay-ari nito. Kasama niya
roon ang kanyang ama, asawa, at mga anak.
Pinamuhunan niya ito kahit walang kasiguraduhan ang pag-unlad niya dito. Subalit malapit na
sana nilang anihin ang mga unang tanim nang biglang inangkin ito ng korporasyon ng mga
pari. Hinihingian ng nasabing korporasyon si Tales ng dalawampu o tatlumpung piso kada
taon.
Tinanggap ni Tales ang utos na ito dala narin ng kanyang natural na kabaitan. Habang
lumalaki ang kanyang ani ay lumalaki din ang hinihinging buwis ng korporasyon.
Nagkaisa ang kanyang mga kanayon na gawin itong Kabesa ng barangay dahil kita naman
ang naging pag-unlad nito. Plano sana niyang pag-aralin ang kaniyang dalaga sa Maynila
ngunit ito ay di nangyari dahil sa taas ng buwis.
Nang umabot sa dalawang daang piso ang buwis na hinihingi ng korporasyon ay napilitan na
itong tumutol. Ngunit tinakot siya ng nangangasiwa na kung hindi ito makakapagbayad ng
buwis ay sa iba nalang ipapatanim ang lupa.
Naubos na ang kanyang salapi sa pakikipaglaban sa hukuman subalit nanatili parin itong bigo.
Madalas siyang may dala-dalang baril sa tuwing pupunta sa bukid upang ipagtanggol ang
sarili kung sakaling may tulisan.
Pagkaraa’y ipinagbawal ang baril kaya gulok naman ang dinala nito. Sinamsam ang dala
nitong gulok kaya palakol naman ang sunod na dinala. Nabihag si Tales ng mga tulisan at
ipinapatubos ito sa halagang limang daang piso.Napilitang ipagbenta ni Huli ang lahat ng
kaniyang alahas maliban sa agnos na bigay ni Basilio. Ngunit hindi parin ito sapat upang
matubos si Tales kaya namasukan ito bilang utusan.
Nalaman ni Tandang Selo ang ginawang iyon ni Huli kaya hindi ito nakakain at nakatulog
nang gabing iyon. Sa halip ay umiyak lang ng umiyak ang matanda.
El Filibusterismo Buod Kabanata 5: Ang Noche Buena
ng Isang Kutsero
Dumating si Basilio sa San Diego habang kasagsagan ng
prusisyon. Naabala ito sa daan nang bugbugin ang kutserong
kaniyang sinasakyan noong dumaan sa kwartel. Nalimutan ni
Sinong na dalhin ang kanyang Sedula.
Habang pinapanood ni Basilio si Simoun ay may nagbalik na ala-ala sa kanya labing tatlong
taon na ang nakalipas. Siya ang tumulong sa paglilibing sa kaniyang ina na si Sisa at kay
Elias.
Nagulintang si Basilio sa kanyang natuklasan ngunit ito ay lumapit upang tumulong nang
makita niyang pagod at patigil-tigil na si Simoun sa paghuhukay. Nagpakikila si Basilio at
sinabing tinulungan siya nito na ilibing ang bangkay ng kanyang ina at ni Elias kaya’t siya
naman ang nagbigay ng tulong kay Simoun.
Binalak ni Simoun na patayin si Basilio upang manatili ang kanyang lihim ngunit alam niyang
parehas lang sila ni Basilio na nais makapaghiganti. Ipinagtapat ni Simoun kay Basilio ang
kaniyang ginawa sa loob ng paaralan ng wikang Kastila.
Hiningi niyang gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas at bigyan ng pantay na pantay na
karapatan ang mga Pilipino at Kastila. Ayon kay Simoun ang mga hiling na ito ay ang
pagpawi sa kanilang pagkamamamayan at pagkapanalo ng mga naniniil.
Hindi sinang-ayunan ni Simoun ang sinabing ito ni Basilio. Ani Simoun ang wikang Kastila
ay kailanma’y hindi magiging wika ng pangkalahatan dahil bawat bayan ay may sariling wika
na kaugnay sa damdamin at kaugalian nito.
El Filibusterismo Buod Kabanata 13: Klase
sa Pisika
Ginaganap ang klase sa pisika sa isang bulwagang pahaba
na may bintanang rehas. Meron ditong gabinete na
naglalaman ng mga kagamitang pampisika ngunit ito ay
inilalaan lamang sa mga panauhing dumadalaw at hindi sa
mga mag-aaral.
Pumasok si Mr. Leeds sa isang pinto at bumalik na may bitbit na isang kahong
gawa sa kahoy. Ang kahong iyon ay natagpuan sa libingan nasa piramide ni
Khufu. Ipinasiyat niya ito sa mga manonood.
May ilang nagsabi na ang kahon ay amoy bangkay. Para kay Ben Zayb iyo’y
amoy simbahan. Ang kahon ay naglalaman ng abo at kaputol na papirong
kinatatalaan ng dalawang salita.
Nang binigkas ni Mr. Leeds ang unang salita ay may lumitaw na ulo. Habang
nagsasalita ang espinghe ay nakatuon ang paningin nito kay Padre Salvi. Dahil sa
takot ay nahimatay ang pari.
Nang makarating sa bahay ay di niya inakalang madaratnan doon ang kanyang ina
na si Kabesang Andang. Napansin ng ina nito ang galit sa mga mata ni Placido
kaya ito nag-usisa. Ipinagtapat ni Placido ang nangyari.
Nalungkot naman ang kaniyang ina dahil hindi nito natupad ang pangako sa
asawa na pagtatapusin ng pag-aaral ang kanilang anak. Nagpatuloy sa pangangaral
ang ina kaya napilitang umalis sa bahay si Placido. Nagpalaboy-laboy ito sa
lansangan ngunit umuwi din nang makaramdam ng gutom.
Sa pag-uwi ay naroroon parin ang ina nito. Muling pinangaralan ng ina si Placido
kung kaya’t muli itong lumabas at nagtungo sa daungan. Doon ay nag-intay siya
ng kaibigang mandaragat ngunit nabigo ito.
Tutol ang mga prayle, ang mga babaing may asawa’t kasintahan,
samantalang ang mga pinuno ng hukbo, mga marino, kawani at
maraming matataas na tao ay nagtanggol dito. Sa pag-iisa ni
Camaroncocido ay marami itong napuna sa kaniyang
pagmamatyag.
Masaya ang lahat maliban kay Isagani sapagkat nakita niya si Paulita na
kasama si Juanito Pelaez.
Subalit huli na ang lahat dahil si Maria Clara ay namatay ng hapon ding
iyon. Sa una ay di makapaniwala si Simoun ngunit naniwala lang ito
nang may ipadala si Padre Salvi kay Padre Irene upang ipaalam kay
Kapitan Tiago ang pagkamatay ng dalaga.
Halos sumabog ang puso ni Simoun sa balitang natanggap dahil ito ang
dahilan ng kaniyang paghihimagsik. Samantala’y naiwan si Basiliong
awang-awa kay Simoun.
El Filibusterismo Buod Kabanata 24: Mga Pangarap
Kinabukasan, bago magtakipsilim ay naglalakad si Isagani patungo sa Malecon
upang kitain si Paulita. Inaasahan ng binata na pag-uusapan nila ang nangyari sa
dulaan.
Sinabi din ni Paulita na si Donya Victorina ang umiibig kay Pelaez at hindi siya.
Napadako ang usapan sa bayan ni Isagani.
Ang malaking bahagi ng kanyang naimpok ay pinantubos kay Huli at pinambili ng isang
maliit na dampa para sa kanilang maglolo.
Nang makarating si Basilio sa San Juan de Dios at tanungin ng kaniyang mga kaibigan
tungkol sa paghihimagsik ay napalundag si Basilio at naalala ang binalak ni Simoun na hindi
natuloy dahil sa sakunang nangyari dito.
Nalaman ni Basilio na maraming mag-aaral ang nasasangkot. Lumayo ito sa mga nag-uusap.
Sa kaniyang paglalakad ay may nakasalubong siyang isang propesor sa Klinika. Tinanong ang
binata kung kasali ba ito sa piging at kung kasama ba ito sa kapisanan ng mga mag-aaral.
Pinayuhan ito ng propesor na iligpit ang anumang papel na maaaring magdala dito sa
panganib. Nalaman nitong ang dahilan ay ang pagkakalagay ng mga paskin na may mga
masasamang sinasabi sa pamahalaan.
Ang pinaghihinalaang may kagagawan ay ang mga mag-aaral. Nang nagtungo si Basilio sa
Pamantasan ay nakita niyang itinataboy ng gwardiya sibil ang mga estudyanteng lumalabas sa
paaralan. Tumuloy si Basilio sa loob ng Pamantasan.
Nagtungo ito sa bahay ni Makaraeg upang manghiram ng salapi nang matapos pumunta sa
Pamantasan. Sa kanyang pagpasok ay may sumalubong na dalawang gwardiya sibil at
tinanong ang kaniyang pakay.
Agad naman itong tumindig nang makapasok si Isagani. Ayon sa pari, narinig
niya itong nagsasalita. Itinanong ng pari kung kasama ba si Isagani sa nangyaring
hapunan, hindi naman itinatwa ito ng binata.
Ayon kay Isagani, hindi ang mga mag-aaral ang may kasalanan kundi ang mga
gurong nagtuturo sa kanila ng pagbabalatkayong ugali. Sinabi ng pari na
malayang makapaglahad ng anuman si Isagani nang walang pag-uusig, bagkus ay
itinatangi pa niya ito.
Dahil dun, tinanong ng pari si Isagani kung ano ang nasa sa kanila ng mga mag-
aaral na Pilipino. Nabigla ang binata sa tanong ng pari kaya pabigla din itong
sumagot.
Ninanasa nilang magsitupad ang mga prayle sa kanilang mga kautangan. Dahil
aniya tungkulin ng mga prayle na pabutihin ang mga bata at mabigyan ang mga
ito ng maayos na bayan.
Ang sagot ni Isagani ay tumulong at huwag tumutol sa kalayaan ng mga ito. Ani
Padre Fernandez ang hinihiling ng binata ay katumbas ng kanilang
pagpapatiwakal.
Ang balita tungkol sa pagkuha ng mga paskin sa pinto ng Pamantasan ay ikinatakot ng mga
Intsik maging ang Heneral. Maging ang mga prayle na pumupunta sa tindahan ni Quiroga ay
hindi nagsiputan. Malas naman si Quiroga dahil napataong natanggap niya ang bagong bahay.
Nagtungo ito sa bahay ni Simoun dahil sa pag-aakalang iyon na ang oras upang gamitin ang
mga armas na nasa kaniyang bodega. Ngunit ayaw makipagkita ni Simoun kaninuman. Sunod
itong pumunta kay Don Custodio upang itanong kung dapat ba nitong balutihan ang kaniyang
tindahan.
Katulad ni Simoun, ayaw ding makipagkita ni Don Custodio kahit kanino. Pinili nitong
tumuloy sa bahay ni Ben Zayb upang doon makibalita. Dinatnan niya itong nakabaluti mula
ulo hanggang paa, at ang ginagamit na pabigat sa mga papel ay dalawang rebolber.
Dali-dali itong umuwi, nahiga at nagdahilang maysakit. Patuloy parin sa pagkalat ang balitang
magtutulong ang mga mag-aaral at ang mga tulisan. May mga kumakalat ding nagtungo sa
Malakanyang ang mag-aaral upang magpahayag ng pagkamaka-Kastila.
Ibinalita ni Padre Irene kay Kapitan Tiago na may ilang nag-uudyok sa Heneral na barilin ang
ilan upang bigyan ng aral ang mga binata. Ang pagkahuli kay Basilio at ang pagkahalughog
sa mga akalat at papel nito ay lalong nagpalubha kay Kapitan Tiago.
Samut’saring patayan ang nangyari dahil sa maling akala. Marami ang pinagkamalan at
pinaghinalaan. Nagkaroon ng usapin kung sino ang may kagagawan ng mga paskin.
Ayon sa platero’y si Padre Salvi ang may kagagawan. Para naman sa iba ay si Quiroga ang
may gawa.
Bagaman may ilang pari ang pumuna sa kanya dahil ito ay hindi
nakapagkumpisal bago ito mamatay, pinagtanggol naman ito ni
Padre Irene. Ayon sa pari, ang paghihigpit ay ginagawa lamang
sa mga hindi nagbabayad.
Ayon kay Hermana Penchang ay mabuti’t pinaalis na nito si Huli dahil ayaw
niyang magalit ang mga prayle sa kanya; gayong dinamdam naman talaga niya
ang pagkakatubos sa dalaga.
Dahil wala na si Kapitan Tiago ay wala nang tagatangkilik ang binata. Naging
malungkutin si Huli simula noon. Binalak nitong magpatiwakal ngunit hindi
natuloy dahil sa takot na sa impyerno ito mapunta.
Nagbigay ng abuloy ang mga kamag-anak ni Basilio ngunit kulang parin ito
upang mailigtas ang binata. Kung kaya’t umisip si Hermana Bali ng mas mabuting
paraan.
Sumangguni sila sa tagasulat ng bayan ngunit wala itong nagawa kundi ituro sila
sa Hukom. Ang Hukom naman ay ipinayong sadyain si Padre Camorra.
Habang nasa daan ay tumanggi si Huli na dumaan sa kumbento. Minsan na itong
tumanggi sa mga prayle nung nangangailanagn ang kaniyang magulang. Kung
ngayon ay lalapit sya sa prayle dahil kay Basilio ay tiyak na marami ang kukutya
sa kaniya.
Tiniis pa rin ni Huli ang mga sisi ng kamag-anak na hindi nakakabatid ng mga
nangyari sa kanila ni Padre Camorra. Nang gabing iyon ay bahagyang nakatulog
si Huli. Ngunit ito ay pagising gising dahil sa masasamang panaginip.
Kung hindi lang sana gabi at madilim sa labas ay tumakbo na ito sa kumbento.
Dumaan ang maraming araw ay hindi parin nagtungo si Huli sa prayle.
Isang araw ay dumating ang balitang si Basilio nalang ang nabibilanggo. Doon ay
hindi na ito nag-atubiling hanapin si Hermana Bali upang magpasama sa
kumbento.
Si Simoun naman ay gumaling na. Ayon kay Ben Zayb, ito ay hindi na mag-uusig
sa halip ay magdaraos ng isang handaan bilang pasasalamat sa kaniyang
paggaling.
Ang pag-ibig ni Paulita para kay Isagani ay naglaho na simula nang masangkot ito
sa paskin at nabilanggo. Walang ibang pinagkakabalahan ang Maynila kundi ang
maghanda upang maanyayahan sa pistang idaraos ni Don Timoteo Pelaez para sa
kasal ng anak.
Kinuha ni Simoun ang isang rebolber at iniabot ito kay Basilio. Nagbilin
si Simoun na maghintay sa tapat ng simbahan ng San Sebastion sa ganap
na ikasampu para sa susunod na utos.
Muli na namang umiral ang kabaitan ni Basilio. Naisip niyang iligtas ang
mga walang kasalanan kung kaya’t sinubukan nitong pumasok sa bahay
ngunit hinarang naman ito ng mga bantay dahil sa karumihan ng
kaniyang damit.
Hindi naman sumama si Isagani kaya mag-isa nalang itong lumayo.
Nang mapansin ni Isagani na totoong takot si Basilio ay mabilis itong
nagpasiyang lumabas ng bahay dahil sa pag-aakalang totoo nga ang
magaganap na pagsabog.
Pinalabas niyang bayani ang Kapitan Heneral, si Padre Irene, si Don Custodio, at Padre Salvi.
Ipinadala niya agad ito sa pasulatan ngunit ito ay pinabalik dahil mahigpit na ipinagbabawal
ng heneral na pag-usapan ang nangyari noong gabing iyon.
Nalungkot si Ben Zayb nang hindi nailathala ang kanyang balita. Nanghihinayang siya dahil
malapit na niyang iwan ang Pilipinas. Ang bawat magaganap na pangyayari ay pinapalaki
niya upang makuha ang atensyon ng madami.
May bagong balitang umaalingawngaw. Ang isa sa mga tulisan ni Matanglawin ay nagsabing
tinipon sila sa Sta. Mesa upang makasama sa mga manloloob sa kumbento. Pinangakuan din
sila na babahaginan sa mga nasamsam.
Ayon pa sa kanila, ang palatandaan daw ay isang putok. Nang walang narinig na putok ay
nagsiuwian na ang iba dahil sa pag-aakalang nililinlang lang sila.
Ninais nilang paghigantihan ang Kastilang hindi marunong tumupad sa usapan. Sa halip ay
binalak nilang manloob sa isang bahay na kanilang nasumpungan.
Ito agad pinaniwalaan ang salaysay ng mga tulisan dahil ang anyong ibinabalita ay kamukha
ni Simoun. Ang pagkawala at ang pagkatagpo sa mga bayong ng pulbura at bala sa kaniyang
bahay ay nagpatotoo dito.
Unti-unting kumalat ang balita. Marami ang nabigla at hindi makapaniwala. Kinahapunan ay
dumalaw si Ben Zayb kay Don Custodio na sa mga oras na iyon ay naghahanda ng isang
panukala laban kay Simoun.
El Filibusterismo Buod Kabanata 37: Ang Hiwaga
Kumalat ang balita sa madla bagaman ito ay pilit na nililihim. Ang lahat ay nakikinig sa mga
kwento ni Chichoy.
Aniya, nung siya’y maghatid ng hikaw kay Don Timoteo para sa bagong kasal ay napansin
niyang ginigiba ang kiosko at nakita din nito ang mga bayong ng pulburang nasa ilalim ng
lamesa, sa bubong, at sa mga suluk-sulok. Mamutla-mutla si Chichoy habang ibinabalita niya
ang nakita.
Si Momoy na ilan din sa mga dumalo ay natakot sa mga narinig. Ayon kay Ginoong Pasta
maaaring ang may gawa noon ay taong may galit kay Don Timoteo o di kaya’y kaagaw ni
Juanito kay Paulita.
Napatingin ang mga dalaga kay Isagani dahil batid ng lahat na siya ang dating kasintahan ni
Paulita.
Pinayuhan ni Kapitan Loleng na magtago si Isagani dahil baka raw ito pagbintangan. Ang
binata ay di sumagot, sa halip ay ngumiti lang.
Hindi malaman ni Don Custodio kung sino ang may gawa noon gayong sila lang ni Simoun
ang namamahala sa piging.
Ayon kay Kapitan Toringgoy, maaaring ang mga prayle, o si Quiroga o si Makaraeg ay may
kagagawan nun.
Nagulat ang lahat nang umiling Chichoy at sinabing si Simoun ang naglagay ng bayong na
puno ng pulbura.
Naalala din ni Chichoy ang di-kilalang nagnakaw sa lampara. Anito mabilis na tumalon sa
ilog at walang makakapagsabi kung iyon ba ay isang Kastila, Intsik, o Indio.
Noon lamang nagsalita si Isagani. Aniya hindi mabuti ang kumuha ng hindi kaniya. Kung
nalaman lang sana ng magnanakaw ang pakay ay hindi niya kukuhanin ang lampara.
El Filibusterismo Buod Kabanata 38: Ang Kasawian
Si Matanglawin ay naghasik ng lagim sa iba’t-ibang parte ng Luson.
Sinunog niya ang kabyawan ng Batangas at sinira ang mga pananim sa Tiyani,
nangloob sa isang bahay sa Kabite at sinamsam ang lahat ng armas. Maging sa
lugar ng Tayabas hanggang Panggasinan, Albay hanggang Cagayan ay pininsala
nito.
Sinasabing nasa anim o pito ang pinaghihinalaang nadakip ng mga sibil. Sila ay
nakatali sa isa’t-isa habang naglalakad sa ilalim ng tirik na araw ng Mayo. Ang
mga bilanggo ay punong-puno ng alikabok at nagpuputik na dahil sa pawis.
Habang pinapahirapan ay nilalait din ang mga ito ng mga guwardiya. May isang
sibil ang tutol sa gayung pagpaparusa. Nang di na makatiis ay sinaway nito si
Mautang.
Ayon kay Mautang ay dapat pinaparusahan ang mga bilanggo para kung sakaling
may manlaban ay mabaril na nila. Ang isa sa mga nakatali ay nakiusap na tumigil
dahil sa isang pangangailanagn ngunit ito ay hindi pinagbigyan.
Huminto ang mga sundalo at nagmasid sa paligid. Humaging ang isang punglo at
ang kabo’y tinamaan sa hita. Dahil sa galit ay iniutos ng kabo na barilin ang lahat
ng bilanggo.
Hindi hihigit sa tatlo ang nakipagputukan sa mga sundalo. Nang mga sandaling
iyon isang lalaki ang lumitaw sa isang talampas habang iwinawasiwas ang baril na
hawak. Pinaputukan iyon ng kabo ngunit nakatayo parin ito.
Napatigil si Carolino nang wari’y nakikilala niya ang lalaki. Inutusan siya ng kabo
na magpaputok. Nawala ang mga ito sa bato.
Naramdaman ng mga kalaban na nagsitakbuhan na ang mga ito, kaya agad-agad
silang lumusob. Isa pang lalaki ang lumitaw sa ibabaw ng bato na ikinukumpay
ang dalang sibat.
Muling nagpaputok ang mga kawal at unti-unting napayuko ang lalaki hanggang
sa sumubsob ito sa bato.
Ito ay ay sinaksak ng bayoneta. Nakatitig ang matanda kay Carolino habang ang
daliri’y nakaturo sa likod ng bato.
El Filibusterismo Buod Kabanata 39: Wakas
Naiwang malungkot si Padre Florentino dahil sa pag-alis ng kaniyang kaibigan na si Don
Tiburcio. Si Don Tiburcio ay umalis upang magtago dahil sa pag-aakalang siya ang darakpin
sa gabing iyon.
Dalawang araw na ang nakakaraan nang sugatang dumating si Simoun sa bayan ni Padre
Florentino. Sapagkat di pa nakakatanggap ng balita ang pari ay inakala nitong may naghiganti
na kay Simoun dahil wala na ang Kapitan Heneral.
Naitanong din ng pari sa kaniyang sarili kung ano ang sanhi ng mga sugat nito. Mas lalo pang
naghinala ang pari na tumakas nga si Simoun sa mga sibil na umuusig sa kanya nang
matanggap nito ang sulat at dahil ayaw ni Simoun na magpadala sa ospital upang doon
magpagamot.
Inisip ni Padre Florentino ang ibig sabihin ng pakutyang ngiti ni Simoun nang malaman nito
ang laman ng telegrama at sa ikawalo ng gabi darating ang mga darakip.
Nilimot ng pari ang di pagpansin noon ni Simoun sa pakiusap nitong tulong upang mapalaya
si Isagani. Maging ang ginawa ni Simoun upang mapadali ang pagpapakasal ni Juanito Pelaez
at Paulita Gomez na lubos na dinamdam ni Isagani ay nilimot niya din.
Pumasok ang pari sa silid ni Simoun. Hindi na maaninag ang mapangutyang mukha nito.
Natuklasan ng pari na uminom si Simoun ng lason at tinitiis lamang niya ang sakit na dulot
nito.
Nagtangka pa itong humanap ng lunas ngunit nakiusap nalang na huwag nang mag-aksaya ng
panahon at dahil ayaw niyang mahuli siya ng mga sibil na buhay. Sinabi ni Simoun na
mayroon siyang lihim na na ipagtatapat.
Naupo ang pari malapit sa ulunan ni Simoun at nakinig sa salaysay ni Simoun.
Ngunit dahil sa isang kaguluhan na likha ng kanyang mga kaaway ay nawala ang
lahat ng sa kaniya. Nailigtas lamang siya sa kamatayan sa tulong ng isang
kaibigan.
Magmula noon ay isinumpa ni Simoun na siya ay maghihiganti. Sumali siya sa
himagsikan sa Kuba at dito niya nakilala ang heneral na noo’y komandante pa
lamang. Naging magkaibigan si Simoun at ang heneral.
Gamit ang salapi ni Simoun ay naging Kapitan Heneral ang kaibigan. Napaparito
niya at nagamit bilang kasangkapan sa paghihiganti. Gabi na nang natapos ang
pagtatapat ni Simoun.
Ayon sa pari, hindi hinayaan ng Diyos na mangyari ang plano ni Simoun dahil
mali ang kaniyang naging pamamaraan bagama’t maganda ang kaniyang layunin.
Dagdag pa nito, nararapat lang na magtiis ang mga matatapat at mababait
upang makilala at lumaganap ang mga adhikain nito. Sinagot din ng pari
ang tanong ni Simoun na anong klase ng Diyos ang ganoong nagbibigay
ng pasakit.
Nangilid ang luha sa mga mata ng pari kaya binitiwan ang kamay ng
may sakit. Kumatok ang isang utusan upang itanong kung magsisindi na
ng ilawan.