Q1 Gr10 Week-2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education – Region III Central Luzon

DIVISION OF CITY OF SAN FERNANDO

Self-Instructional Packets (SIPacks)


Araling Panlipunan Grade 10
Quarter 1 – WEEK 2
A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standards):
Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sanhi at implikasyon ng mga hamong pangkapaligiran upang maging bahagi
ng pagtugon na makapagpapabuti sa pamumuhay ng tao.

B. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standards):


Ang mag-aaral ay nakabubuo ng angkop na plano sa pagtugon sa among pangkapaligiran tungo sa pagpapabuti ng
pamumuhay ng tao.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto/ Most Essential Learning Competencies:


MELC No. 1 - *Nasusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig

Aralin: KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG MGA KONTEMPORARYONG ISYU


Sanggunian (References):
Kagamitang Panturo (Learning Resources)
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro (TGs):
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral (LMs):
3. Mga pahina sa Teksbuk (Other references):
4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resource:
5. Iba pang pinagkuhanang sources: Grade 10 AP Lecture pp, 1-3

D. Layunin (Objectives)
1. Natatalakay ang etymolohiya (pinagmulan) ng salitang “Kontemporaryong Isyu”
2. Nailalahad ang konsepto ng Kontemporaryong Isyu at mga uri nito
3. Nailalahad ang mga batayan sa pagturing ng mga suliranin o pangyayari bilang kontemporaryong isyu
4. Naipaliliwanag ang mga kasanayang kailangan sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu
5. Nabibigyang-diin ang mga kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig

Pamamaraan (Procedure)
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin (Subukin):
Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa ibaba. Tukuyin at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ang mga pangyayari o mga suliranin na pinag-uusapan sa bawat sulok ng ating bansa.
A. Headline News B. Social Issues C. Contemporary Issues D. Sociological Imagination
2. Ang mga halimbawa nito ay ang mga lumang sulat, larawan o guhit, mga lumang kagamitan, mga dokumento, mga
talambuhay at mga ulat ng mga pinuno ng bayan.
A. primaryang sanggunian B. pinagmulang Sanggunian C. sekondaryang Sanggunian D. mga balita
3. Ang sumusunod ay kabilang sa institusyong panlipunan maliban sa isa:
A. pamahalaan B. paaralan C. pamilihan D. pamilya
4. Tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga tao sa isang lipunan.
A. pagpapahalaga B. kultura C. norms D. lipunan
5.Ang problema sa basura ng bawat pamilya sa subdivision ng Blue Tower ay nagdulot ng pagkakaroon ng sakit sa balat. Ito
ay tinatawag na _______________
A. Isyung Personal B. Isyung Panlipunan C. Sociological Imagination D. Suliranin sa basura/ Solid Waste

Page 1 of 6
B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Panimula)
Gawain 2: Susuriin mo ang nilalamang mga impormasyon o salita, at mga imahe na nasa loob ng larawan upang masagot
ang mga Pamprosesong Tanong gamit ang 1-3 pangungusap.

Mga Pamprosesong Tanong:


1.) Ipaliwanag ang iyong nahihinuha o nakikitang mensahe ng larawan sa itaas?
2.) Bakit ito maituturing na isyu o usapin?
3.) Napapanahon ba ang mga ito? Naapektuhan ka rin ba nga mga ito. Patunayan.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Basahin mo at unawain ang mga sumusunod na teksto upang masagot ang iba pang mga Pamprosesong Tanong sa ibaba

(Paggamit ng salitang “Kontemporaryo” sa iba’t ibang konteksto)


➢ Kontemporaryong Daigdig – naglalarawan sa panahon mula ika-20 dantaon hanggang sa kasalukuyan
ang mga pangyayari sa panahong ito ay naaalala pa ng mga tao sa ngayon
➢ Kontemporaryong Kasaysayan – tumutukoy sa panahon mula sa pagitan ng ika-20 dantaon
hanggang sa kasalukuyan
KONTEMPORARYONG ISYU
• tumutukoy sa iba’t ibang hamon o problema na hinaharap ng ating lipunan at ng daigdig sa kasalukuyan.
• Charles Wright Mills (1959) – isang sosyolohista at propesor ng sosyolohiya at ayon sa kanya, ang buhay ng
isang indibidwal ay lubos na nakatali sa kanyang lipunang ginagalawan, sa kasaysayan nito at sa mga
institusyong nakapaloob dito.
• tumutukoy sa mga pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at nagpapabago sa kalagayan
ng ating pamayanan, bansa, o mundo sa kasalukuyang panahon.

Page 2 of 6
1.) Anu-ano pang mga napapanahong usapin o isyu na nakakaapekto sayo at sa iyong lipunan sa
kasalukuyan ang maaari mo pang idagdag? Ipaliwanag kung bakit.
2.) Mula sa iyong mga binasa, ano ang Kontemporaryong Isyu?

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 (Paglinang/ Alamin


Mo/Paunlarin)
Sa bahaging ito naman, pag-aaralan mo kung kailan at paanong ang isang pangayayri o suliranin ay maituturing na
Kontempoararyong Isyu. Tandaan mong mabuti.

Batayan para turingan ang Kontemporaryong Isyu bilang isang pangyayari o suliranin:
1. mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan
2. may malinaw na epekto o impluwensya sa lipunan o sa mga mamamayan
3. nagaganap sa kasalukuyang panahon o may matinding epekto o impluwensya sa takbo ng kasalukuyang panahon
4. mga temang napag-uusapan at maaaring may maganda o positibong impluwensya o epekto sa lipunan

Gawain 3: Gagamitin mo ang iyong mga natutunan mula sa itaas upang sagutin ang talahanayan sa ibaba.
I-tsek (√) natin yan!

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Ano ano ang iyong nagging basehan para sabihing Kontemporaryong Isyu o hindi ang mga nabanggit na kaganapan
o usapin?
2. May posibilidad kayang ang mga napili mong Hindi Kontemporaryong Isyu ay maging Kontemporaryong Isyu sa
mga susunod na panahon? Bakit at papaano. Ipaliwanag

Gawain 4: Ang mga sumusunod naman ay Mga Sanggunian Tungkol sa mga Kontemporaryong Isyu. Lalagyan mo
lang ng halimbawa ang mga ito.
halimbawa sa pahayagan, ano-anong mga pahayagan o dyaryo sa Pampanga o Pilipinas ang maaaring mong
pagkunan ng impormasyon o gawing sanggunian?
1. pahayagan__________ 6. impormal na talakayan __________
2. magasin__________ 7. pormal na talakayan __________
3. radyo__________ 8. saksi__________
4. telebisyon__________ 9. dokumento__________
5. internet__________

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Nabalitaan mo marahil ang pagsasara ng ABS-CBN dahil sa pagtatapos ng prangkisa nito. Sa tingin mo
naapektuhan ba ang paglabas at pagdaloy ng mga impormasyon ng sila ay mawala? BAkit Oo o Hindi?
Ipaliwanag.
2. Paano ka magsasagawa ng mga impormal na talakayan?

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 (Paglinang/ Alamin


Mo/Paunlarin)
Sa bahaging ito aalamin mo kung ano-ano ang mga kasanayan na kailangan mayroon ka o taglay mo sa pag-aaral ng
Kontemporaryong Isyu. Alamin mo ang pagkakaiba ng Primarya at Sekundaryang Sanggunian, Pagkakaiba ng Katotohanan sa
Opinyon, Pagtukoy sa Pagkiling o Bias, at Paano bumuo ng Paghihinuha, Paglalahat, at Konklusyon.

Page 3 of 6
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Alin sa mga kasanayang ito ang alam mona o madali lamang para iyo at bakit?
2. Alin naming kasanayan ang wala ka pa o bahagyang nahirapan ka?
3. Magbigay ka nga ng halimbawa ng sitwasyon na kakikitaan ng kawalan ng Pagkiling o Bias?
4. Ano ang pagkakaiba ng ‘’Paglalahat/generalization’’ sa “konklusyon’’? Magbigay ka nga ng halimbawa.

Dumako ka na sa bahaging ito. Pag-aralan mo ang 10 Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu at 5 Kahalagahan ng
Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu na Naglilinang sa Mabuting Pagkamamamayan ng Isang Tao

Page 4 of 6
F. Paglinang sa Kabihasnan (Pagyamanin)
Gawain 5: Sa gawain na ito ay susulat ka ng 3 paliwanag papaano makatutulong sa pang-araw-araw na pamumuhay mo ang
iyong kaalaman ukol sa Kontemporaryong Isyu.
a.) Mahalaga ito akin sapagkat…
b.) Nakatutulong ito sa aking pamilya sa pamamagitan ng…
c.) Magagamit ko ang kaalaman ko ukol dito upang ang aking lipunan/komunidad ay…
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Bakit ka hinikayat ng Kontemporaryong Isyu na hindi lang sariling kagustuhan mo at dapat na isasaalang-
alang rin ang kagustuhan ng iba?
Bakit kailangang Maka Diyos, Maka Tao, Maka kalikasan, at makabansa ang isang mag-aaral na tulad mon a nag-aaral ng
Kontemporaryong Isyu?

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Gawin mo/Aplikasyon)


Performance Task – 10 puntos
(Tunghayan sa huling pahina ang gawaing ito)

H. Paglalahat ng Aralin (Tandaan Mo/ Pagyamanin at Isaisip)


✓ Ang KONTEMPORARYONG ISYU ay tumutukoy sa iba’t ibang hamon o problema na hinaharap ng ating
lipunan at ng daigdig sa kasalukuyan.
✓ tumutukoy sa mga pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at nagpapabago sa kalagayan
ng ating pamayanan, bansa, o mundo sa kasalukuyang panahon.
✓ Mahalaga ang pag-aaaral ng Kintemporaryong Isyu dahil nalilinang nito ang pagiging mabuting
pagkakamamamayan ng isang tao

I. Pagtataya ng Aralin (Natutuhan Ko/Isagawa) – Lingguhang Pagsusulit (Written Work)


(Tunghayan sa huling pahina ang gawaing ito)

J. Karagdagang Gawain
Gawain 1: Gagawa ka ng 5 tanong ukol sa mga paksa o konsepto mula sa iyong aralin. Iyo rin namang ilalagay ang wastong
sagot sa dulo ng iyong tanong.(Para makakuha ng 1 pt, wasto dapat ang pagkakabuo ng tanong at wasto rin ang sagot
1.
2.
3.
4.
5.

Gawain 2: Anong konsepto o bahagi ng aralin ang iyong pinakanagustuhan at ano ang natutunan mo mula rito. Ipaliwanag
sa loob ng 3-5 pangungusap
Pagpapaliwanag=3pts
Kawastuhan =2pts

Gawain 3: Gumuhit ng isang bagay na sa tingin mo ay sumisimbolo sa iyong natutunan sa aralin na ito o kaya ay realisasyon
o hamon na naiwan o tumatak sa iyo.Ipaliwanag.
Linaw, ayos, at ganda ng bagay/larawan/simbolo= 3pts
Paliwanag/mensahe= 3pts

Page 5 of 6
Araling Panlipunan Grade 10
Lingguhang Pagsusulit at Aplikasyon (Written & Performance Task)
Quarter 1 – Week 2 (School Year 2021 – 2022)

Pangalan: ______________________________ Paaralan: ____________________ Section: ________ Iskor: ______


A. Panuto: Maraming Pagpipilian. Basahin nang wasto ang mga tanong at bilugan ang letra angkop na tugon sa bawat bilang.
1. Bakit kailangan tayong maging mulat sa mga kontemporaryong isyu?
a. Ito ay sangkap sa pagpapayabong ng kaalaman at katalinuhan bilang mag-aaral kundi nahuhubog nito ang ating pagkatao ng ating bilang
isang responsableng mamamayan ng bansa.
b. Hindi tayo tuwirang naaapektuhan ng lahat ng mga kontemporaryong isyung nagaganap kaya’t huwag nalang nating pansinin ang mga
problemang iyan.
c. Maaring ito ay makaapekto sa ating pamilya kung kaya’t dapat paghandaan ang mga dapat gawin upang hindi lumala ang problema.
d. Nasasakripisyo ang ating pagiging mamamayan ng bansa kung hindi tayo makikiisa sa paglutas ng mga suliraning nagaganap sa lipunang
ating ginagalawan.

2. Ang salitang “isyu” ay mga paksa o tema o suliraning nakakaapekto sa lipunan na pinanagtatalunan o tinatalakay ng mainitan an g
“kontemporaryo” ay ginagamit sa iba’t ibang konsepto ng mga pangyayari o naganap sa nakalipas na mga dekada na nakaukit pa sa alaala
ng mga tao hanggang ngayon at nakaaapekto sa kasalukuyang panahon. Samakatuwid, ang kontemporaryong isyu at tumutukoy sa
_______________________.
a. Mga pangyayari noong unang panahon na naging suliranin ng mga tao sa makabagong panahon
b. Kasaysayan na naganap sa nakalipas at hindi na binibigyang pansin sa kasalukuyang panahon.
c. Mga pangyayari o suliraning bumabagabag at nagpapabago sa kalagayan ng ating bansa.
d. Mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan subalit walang kinalaman sa mga pangyayari sa mga nakalipas na panahon

B. Basahin ang bawat pahayag at isulat ang TAMA o MALI.


__________ 6. Ang dalawang uri ng sanggunian na karaniwang ginagamit natin ay tinatawag na balitang nasyunal at balitang lokal.
__________ 7. Nagkakaiba– iba ang kultura batay sa paglalarawan ng isang lipunan.
__________ 8. Isa sa mga institusyon ng lipunan ay ang “institusyon” na nagpapabago sa estado ng buhay at pagtingin ng lipunan sa tao.
__________ 9. Ang “Isyung Panlipunan” ay mga usapin na maaaring solusyunan sa kamay ng isang tao lamang.
__________10. Ang pamilya, paaralan, ekonomiya, pamahalaan, at pananampalataya ay mga elemento ng institusyong panlipunan.
__________11. Ang mga pang-aabuso sa mga OFWs ay isang halimbawa ng isyung karapatang pantao.
__________12. Maituturing na isyung pang-ekonomiko ang terorismo at climate change.
__________13. Ang Reproductive Health Law at same sex marriage ay mga halimbawa ng isyung may kaugnayan sa kasarian at sekswalidad.
__________14. Mahalaga ang Paggamit ng mga pamamaraang estadistika sa pagsuri ng kwantitatibong datos tungkol sa mga pangyayari sa
lipunan.
__________15. Hindi kailangang isaalang-alang ang pagkakaiba-iba ng mga tao sa kanilang kultura, paniniwala, at paggalang sa dignidad at
karapatang pantao.
C. Performance Task – 15 puntos
Panuto : Dugtungan ang mga pahayag. Isulat ang wastong isyung personal o isyung panlipunan batay sa hinihingi ng pahayag. Isulat ang iyong
sagot sa likod ng pahinang ito.
1. Nagsara ang pabrikang pinapasukan ng tatay at nanay ni Pilar dahil dito ay (ano ang maaaring mangyari sa pag-aaral ni Pilar at ng
kanyang dalawa pang kapatid?)
2. Tambak ng basura ang bubungad sa Barangay 219, (paano ito makaaapekto sa kalusugan ng mga naninirahan dito?)
3. Lubhang malaki ang epekto ng COVID-19 sa bansang Pilipinas,(paano ito nakaaapekto sa pamilyang Pilipino o maging sa inyong pamilya)

5 puntos 3 puntos 2 puntos


Angkop ang isinulat na tugon at ito ay May ilang mga konsepto na hindi tugma o Karamihan sa mga naisulat na paliwanag o tugon
naipaliwanag angkop na naisulat sa tugon ay hindi tugma/angkop

Page 6 of 6

You might also like