EsP 6 Q1 Module 6

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Edukasyon sa

Pagpapakatao 6
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-anim na Baitang
Unang Markahan – Modyul 6: Mabuting Dulot ng Pagsusuri sa Pangyayari
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may- akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Irene P. Ruffy
Editor: Marieta M. Limbo EdD, Celia B. Alan
Tagasuri: Perlita M. Ignacio RGC, PhD
Tagaguhit: Edison P. Clet

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD


(EPP/TLE/TVL/TVE) Liza A. Alvarez
(Science/STEM/SSP) Bernard R. Balitao
(AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 6
Unang Markahan
Modyul 6 para sa Sariling Pagkatuto

Mabuting Dulot ng Pagsusuri sa


Pangyayari
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng Modyul


6 para sa araling Mabuting Dulot ng Pagsusuri sa Pangyayari

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou Concepcion A.
Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag ugnayan sa Lokal na
Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si Hon. Victor Ma. Regis
N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 Modyul 6 ukol sa Mabuting
Dulot ng Pagsusuri sa Pangyayari

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN

Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos mong
makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK

Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa
paksa.

BALIK-ARAL

Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga naunang paksa.

ARALIN

Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY

Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT

Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyan halaga

PAGPAPAHALAGA

Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay


nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral


MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul, inaasahang ang mag-aaral ay:

A. nakapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa


pangyayari; at

B. napahahalagahan ang kabutihang dulot ng pagsusuri nang mabuti


bago magbigay ng pasya sa pangyayari.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin ang mga katanungang nakasaad sa tsart.
Lagyan ng tsek ang hanay ng wastong sagot bilang kasagutan sa
bawat gawain.

Mga Gawain Oo Hindi


1. Natutulog ka ba ng maaga?
2. Nakikinig ka ba ng balita?
3. Hindi ka ba lumalabas ng bahay?
4. Paborito mo bang kumain ng tsitsirya?
5. Palagi ka bang naghuhugas ng pinggan?
6. Mahabang oras ba ang paglalaro mo ng mobile
legend?
7. Palagi mo bang hawak ang iyong cellphone?
8. Nakakasama mo ba ang iyong kaibigan?
9. Nag-uusap ba kayo ng iyong pamilya?
10. Iniubos mo ba ang pagkain sa yong pinggan?
BALIK-ARAL

Panuto: Basahin ang tanong bilang clue. Isulat ang mga nawawalang
titik upang mabuo ang mga salita.

1. Anong salita ang mabubuo dito?

M B T N

A G A A S A

K L G T S A

ARALIN

Panuto: Paghambingin ang mga sitwasyon noong panahon na walang COVID


at ang kasalukuyang panahon na nakararanas tayo ng COVID. Isulat ang
sagot sa bawat hanay.
Ang Mundo
Mga Sitwasyon Noon Ngayon
Pagbibiyahe
Pagdiriwang ng mga
okasyon
Pamimili sa mall o
palengke
Pag-aaral
Pagsisimba

Modyul 6: Mabuting dulot ng Pagsusuri sa Pangyayari


Ang buong mundo ay nakakaranas ng pandemya. Nagbago ang takbo ng
pamumuhay ng mga tao dahil sa COVID19. Ang mga bansa ay nakakaranas
ng krisis tulad ng pagsasara ng mga negosyo, marami ang nawawalan ng
trabaho , nagkakasakit , namamatay, nagkukulang ng mga gamot, alkohol,
facemask, at mga pagkain. Binago ng pandemya ang buong mundo.
Ang mga tao ay kailangang maghugas palagi ng kamay, panatilihing magsuot
ng facemask, umiwas sa matataong lugar sa dahilang mas mabilis ang
paglipat ng virus. Ang pamimili sa palengke ay may limitasyon na bilang ng
tao lamang ang papayagan. Ganunpaman, mahigpit din ipinagbabawal ang
mga handaan o pagtitipon.
Ngayong panahon na mayroong COVID 19, ilan sa mga gawain natin noon ay
halos hindi na natin magawa ang mga ito sa ngayong panahon ng pandemya.
Ang mga pantalan, paliparan ay patuloy ang mga hakbang para matiyak na
ligtas at malinis ang pantalan bilang pag-iingat sa COVID-19. Kabilang dito
ang pagtingin sa body temperature ng mga pumupunta sa pantalan at
paglagay ng alcohol dispensers sa bawat check-in counter. Sa Ninoy
International Airport (NAIA), maya’t maya ang pagpupunas at pag-spray ng
alcohol sa lahat ng posibleng hawakan at tambayan ng mga pasahero.

Panuto: Basahin at sagutin nang wasto ang bawat tanong. Isulat ang sagot
sa papel at pagkatapos ilagay sa portfolio.

1. Ano-ano ang mga pagbabago sa takbo ng mundo?


2. Alin sa mga pagbabago ang mahirap gawin?
3. Bakit kailangan nating sumunod sa mga pagbabagong ito?
4. Alin sa dati mong ginagawa ang maari mo pang ipagpagtuloy ngayon?
Bakit?
5. Maibabalik pa kaya ang dating sitwasyon na nakasanayan natin?
6. Ano ang gagawin kung hindi na magbabalik ang dating takbo ng buhay?

MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1

Sulatan ang dialog box hinggil sa iyong pinapahalagahan sa panahon ng


COVID19. Pangatwiranan ito.

Napahalagahan ko ang
Napahalagahan ko ang

Dahil
dahil
Pagsasanay 2.

Isulat ang Tama sa patlang kung ang pangungusap ay nagpapahalaga sa


mabuting pasya mula sa sinuring pangyayari at Mali kung hindi.

1.Sinunod ni Lyka ang nais ng kanyang ama na mag-aral sa


malapit na paaralan.
2. Ang mga mobile palengke ay pumupunta sa mga barangay
habang ECQ.
3. Naglalaro ng sabong ang ilan pagkatapos makuha ang ayuda.

4. Namigay ng quarantine pass ang mga barangay upang limitahan


ang paglabas ng tao at maiwasan ang pagkalat ng virus.

5. STAY AT HOME kung maaari. Lumabas lamang kung talagang


kinakailangan.

Pagsasanay 3
Magbigay ng mga pangyayari o gawain sa kasalukuyan na
napahahalagahan mo. Isulat ang mga ito sa kahon.
.

Halimbawa.
Kwarantin- nakasama ko ang aking pamilya
1.

1. 2. 3.
Palaging maghuhugas ng kamay-

4. 5.
PAGLALAHAT

Panuto: Kulayan ng pula ang hugis puso kung ang pangungusap


ay nagpapakita ng tamang paraan sa pagpili ng desisyon at asul
naman kung hindi.
1. Natatandaan ang mabuting maidudulot ng pagsusuri sa
pangyayari.

2. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan dahil hindi tumanggap


ng payo mula sa mas nakatatanda.
3. Nagtatanong upang maunawaan ang mga pangyayari.

4. Napag-iisipan ang mabuti o masamang ibubunga ng bawat


pasya.

5. Hindi natututo kapag nagkakamali.

B. Ano ang ibig sabihin ng kasabihang “Laging nasa huli ang Pagsisisi?”

a. Kasabihan para sa mga mabagal kumilos.

b. Mabilis magpasiya kaya nanghihinayang kapag mali ang bunga.

c. Ayaw masisi kaya’t hindi nakikisali sa paglutas ng suliranin.

d. Laging naiisip na pinakatama ang kanyang pagpasya.

PAGPAPAHALAGA

Paano mo napagpasiyahang ipagpatuloy ang iyong pag-aaral kahit


na may COVID19?

Ano-anong mga impormasyon ang iyong sinuri para masabi mong


mabuting pagpasiya ang patuloy na mag-aral kahit may pandemya.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang kung ang pangungusap ay wasto at


ekis (x) naman kung ito ay di-wasto at isulat ang iyong paliwanag sa
nakalaang puwang sa ibaba ng bawat pangungusap.

1. Bago pumasok sa panaderya si Mang Gary ay sinisiguro


niyang malinis ang sarili at malakas ang kanyang resistensya.
Paliwanag:

2. Narinig ni Ainah na maraming nangangailangan ng damit sa


mga biktima ng sunog sa San Nicolas kaya ipinadala niya ito
sa kanyang ama.
Paliwanag:

3. May mga batang kalye na binigyan ng pansamantalang


tirahan upang hindi palaboy-laboy sa daan ngunit umalis ng
walang paalam.
Paliwanag:

4. Ang pananatili sa loob ng bahay ay isa sa pinakasimple pero


pinaka-epektibong paraan para hindi kumalat ang virus.
Paliwanag:

5. Kung walang sabon at tubig, gumamit ng hand sanitizer o


alcohol.
Paliwanag:
SUSI SA PAGWAWASTO

Sanggunian
EdD,Peralta Gloria A. at YlardeZenaida R,Ugaling Pilipino sa Makabagong
Panahon,Batayang Aklat,Quezon City,Phils,Vibal Group,Inc.2016.
Baisan-Julian,Aileen G.Pinagyamang Pluma 5,Wika at Pagbasa, Quezon City
Phils.:PHOENIX PUBLISHING HOUSE,INC.,2013.
Catillo,Lorna B.at Dichoso,Jennifer F.,Yamang Filipino,Batayan at Sanayang
Aklat sa Filipino 6,Manila,Rex Bookstore Inc.,2017.

You might also like