Panatang Makabayan at Panunumpa Sa Watawat

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PANATANG MAKABAYAN

Iniibig ko ang Pilipinas,


aking lupang sinilangan,
tahanan ng aking lahi;
kinukupkop at tinutulungan
maging malakas, masipag at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
diringgin ko ang payo
ng aking mga magulang,
susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
tutuparin ko ang mga tungkulin
ng isang mamamayang makabayan:
naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal
nang buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay,
pangarap, pagsisikap
sa bansang Pilipinas.
PANUNUMPA SA
WATWAT NG
PILIPINAS

Ako ay Pilipino
Buong katapatang nanunumpa
Sa watawat ng Pilipinas
At sa bansang kanyang
sinasagisag
Na may dangal,
katarungan at kalayaan
Na pinakikilos ng sambayanang
Maka-Diyos, Maka-tao
Makakalikasan at Makabansa.
PILIPINAS KONG MAHAL

Ang bayan ko’y tanging ikaw


Pilipinas kong mahal
Ang puso ko at buhay man
Sa iyo’y ibibigay
Tungkulin ko’y gagampanan
Na lagi kang paglingkuran
Ang laya mo’y babantayan
Pilipinas kong hirang
Bayan sa silanga’y hiyas
Pilipinas kong mahal
Kami’y iyo hanggang wakas
Pilipinas kong mahal
Mga ninuno naming lahat
Sa iyo’y naglingkod ng tapat
Ligaya mo’y aming hangad
Pilipinas kong mahal

You might also like