Mga Hadlang Sa Mabisang Pagkatuto Sa Gawaing Pagbasa Dahil Sa Paggamit NG Gadget NG Mga Mag-Aaral Na Nasa Ika-7 Baitang NG Dasmariñas North National High School Taon PamPanuruan 2020-2021

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 57

NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY

Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite


EdPsyComm Department

Mga Hadlang sa Mabisang Pagkatuto sa Gawaing Pagbasa Dahil sa Paggamit

ng Gadget ng mga Mag-Aaral na nasa Ika-7 Baitang ng Dasmariñas North

National High School Taon PamPanuruan 2020-2021

Isang mungkahing Pananaliksik na Inihanda Para sa

Kagawaran ng Edukasyon, Sikolohiya at Komunikasyon ng

Pambansang Dalubhasaan ng Agham at Teknolohiya

Bilang Bahagi sa Pagtupad sa Pangangailangan Para sa

Kursong Batsilyer sa Sekondaryang Edukasyon

Nagpapakadalubhasa sa Filipino

Ipinasa nina:

Arceo, Dominilyn P.

Tafalla, Jhea C.

Verdad, Renalyn Q.

Hulyo 2021

1
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang pag-aaral na ito ay may pamagat na “Mga Hadlang sa Mabisang Pagkatuto sa

Gawaing Pagbasa Dahil sa Paggamit ng Gadget ng mga Mag-Aaral na nasa Ika-7

Baitang ng Dasmariñas North National High School Taon PamPanuruan 2020-2021”

, inihanda at pinasa nina Dominilyn Arceo , Jhea C. Tafalla , Renalyn Q. Verdad bilang

pagtugon sa mga pangangailangan sa kursong Batsilyer sa Sekondaryang Edukasyon

medyor sa Filipino.

Bb. Mary Joyce Burgos


Tagapayo

MGA LUPON
Pinagtibay ng mga Lupon sa Pasalitang Pagsusulit na mayroong mark ana PASADO.

_________________________ _______________________
G. LAWRENCE LOPENA BB. JHAMINE LIDAS

Member of the Panel Member of the Panel

Faculty Member Faculty Member

_______________________
G. ALFRED B. RUBRICO II
Chairman of the Panel
Cluster Head, EDPSYCOM
Tinanggap at inaprubahan sa pagtugon sa mga pangangailangan sa Kursong Batsilyer sa
Sekondaryang Edukasyon na Nagpakadalubhasa sa Filipino.

_______________________
G. ALFRED B. RUBRICO II
EDPSYCOM Department Coordinator

2
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

PASASALAMAT

Taos-puso ang ipina-aabot ang pasasalamat sa mga sumusunod na indibidwal dahil sa


kanilang walang humpay na suporta at kontribusyon sa pagtapos sa isinagawang
pananaliksik.
Sa aming guro na si Bb. Mary joyce Burgos, na nagbigay patnubay ,suporta at
nagbigay ng maraming kaalaman sa mga mananaliksik upang maisakatuparan ang
pananaliksik.
Sa Koordineytor ng kagawaran EDPSYCOM na si G. Alfred B. Rubrico II na
nagbibigay patnubay at koordinasyon sa mga mananaliksik upang maisakatuparan ang
pananaliksik.
Sa mga guro na sina G. Lawrence Lopena , Bb. Jhamine Lidas na nagsilbing mga
hukom at tagapayo sa ginawang pananaliksik.
Sa Validator na si G. Leovegilio Beler II na naging gabay sa pagwawasto ng mga
katanungan na nakapaloob sa talatanungan na isinagawa ng mga mananaliksik.
Sa Statistician na si Bb. Maria Elizabeth E. Tiongson na naging kaagapay sa
pagpiprisenta at pag-aanalisa ng mga datos na nakalap mula sa mga taga-tugon.
Sa mga namumuno sa pampublikong paaralan ng Dasmarinas North National High
School , taos puso ang pasasalamat ng mga mananaliksik sa pagbibigay ng pahintulot na
makangalap ng mga datos mula sa mga piling mag-aaral.
Sa mga piling mag-aaral na nasa Ika-7 baitang sa paaralan ng Dasmarinas North
National High School na matiyagang tumugon sa talatanungan ng pananaliksik.
Sa mga Pamilya at mga Kaibigan ng mananaliksik na walang sawang pagsuporta ,
pagbibigay ng inspirasyon at pagsuportang pampinansyal upang maipagpatuloy ang pag-
aaral na ito.
At higit sa lahat ang Panginoong Diyos , na nagbigay ng lakas , kaalaman upang
matapos at maisakatuparan ang pananaliksik na ito.

Mga Mananaliksik

3
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

DEDIKASYON

Ang pag-aaral na ito ay may pamagat na “Mga Hadlang sa Mabisang Pagkatuto sa

Gawaing Pagbasa Dahil sa Paggamit ng Gadget ng mga Mag-Aaral na nasa Ika-7

Baitang ng Dasmariñas North National High School Taon PamPanuruan 2020-

2021”. May mga layuning matukoy ang mga hadlang sa mabisang pagkatuto sa gawaing

pagbasa ng mga estudyante, tukuyin ang mga dahilan kung bakit nahuhumaling ang mga

kabataan sa paggamit ng gadgets at makapagmungkahi ng mga paraan upang maiwasan

ang mga hadlang na dala ng paggamit ng gadget. Sinikap sagutin ang mga katanungan

tulad ng Hadlang na nakakaapekto sa mabisang pagkatuto sa gawaing pagbasa dulot ng

higit pa sa dalawang (2) oras na paggamit ng gadyet. (Labis na paglalaro ng online games,

pagkahumaling sa mga platapormang sosyal, o pakikipagusap sa mga kaibigan gamit ang

mga ‘messaging apps’.) , Mga dahilan ng pagkahumaling ng mga mag-aaral sa paggamit

ng gadgets ? (Dahil uso, dulot ng mga kaibigan, nakikita sa mga kasama sa bahay, o iba

pang katulad na rason.) , Mga posibleng paraan upang mabawasan ang pagkahumaling

ng mga mag-aaral sa paggamit ng gadyets o tugon upang maiwasan ang mga hadlang na

ito habang gumagamit ng gadyets ang mag-aaral?. Alin ang salik na lubhang

nakakahadlang sa mga mag-aaral at ano ang magiging posibleng tugon sa mga salik na

ito bilang rekomendasyon sa pananaliksik na ito.

Palarawang pamamaraan o deskriptibong pamamaraan ang ginamit sa pag-aaral na ito

at ang pananaliksik na ito ay gumamit ng Kwantitatibong Pananaliksik o “Quantitative

Research” upang matukoy ang mga hadlang na nakaaapekto sa pagkatuto sa gawaing

pagbasa dahil sa paggamit ng Gadget ng mga mag-aaral na nasa Ika-7 Baitang ng

Dasmarinas North National High School taong pampanuruan 2020-2021 .

4
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay may pamagat na “Mga Hadlang sa Mabisang Pagkatuto sa

Gawaing Pagbasa Dahil sa Paggamit ng Gadget ng mga Mag-Aaral na nasa Ika-7

Baitang ng Dasmariñas North National High School Taon PamPanuruan 2020-

2021”. May mga layuning matukoy ang mga hadlang sa mabisang pagkatuto sa gawaing

pagbasa ng mga estudyante, tukuyin ang mga dahilan kung bakit nahuhumaling ang mga

kabataan sa paggamit ng gadgets at makapagmungkahi ng mga paraan upang maiwasan

ang mga hadlang na dala ng paggamit ng gadget. Sinikap sagutin ang mga katanungan

tulad ng Hadlang na nakakaapekto sa mabisang pagkatuto sa gawaing pagbasa dulot ng

higit pa sa dalawang (2) oras na paggamit ng gadyet. (Labis na paglalaro ng online games,

pagkahumaling sa mga platapormang sosyal, o pakikipagusap sa mga kaibigan gamit ang

mga ‘messaging apps’.) , Mga dahilan ng pagkahumaling ng mga mag-aaral sa paggamit

ng gadgets ? (Dahil uso, dulot ng mga kaibigan, nakikita sa mga kasama sa bahay, o iba

pang katulad na rason.) , Mga posibleng paraan upang mabawasan ang pagkahumaling

ng mga mag-aaral sa paggamit ng gadyets o tugon upang maiwasan ang mga hadlang na

ito habang gumagamit ng gadyets ang mag-aaral?. Alin ang salik na lubhang

nakakahadlang sa mga mag-aaral at ano ang magiging posibleng tugon sa mga salik na

ito bilang rekomendasyon sa pananaliksik na ito.

Palarawang pamamaraan o deskriptibong pamamaraan ang ginamit sa pag-aaral na ito

at ang pananaliksik na ito ay gumamit ng Kwantitatibong Pananaliksik o “Quantitative

Research” upang matukoy ang mga hadlang na nakaaapekto sa pagkatuto sa gawaing

5
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

pagbasa dahil sa paggamit ng Gadget ng mga mag-aaral na nasa Ika-7 Baitang ng

Dasmarinas North National High School taong pampanuruan 2020-2021

6
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

TALAAN NG NILALAMAN

Pamagat ……………………………………………………………………………….,,,,,,1

Dahon ng pagtitibay ……………………………………………………………………...2

Pasasalamat ……………………………………………………………..…………………3

Dedikasyon ……………………………….……………………………….……………...4

Abstrak ………..…………………………………………………………………………...5

Talaan ng Nilalaman ……………………………………..……………………………….6

Kabanata I : Suliranin at Kaligiran nito…………..……………………………...8

Layunin ng Pag-aaral …………….………………...... ……..11

Paglalahad ng Suliranin ………………..………………………11

Teoretikal na Balangkas ………………..………………………12

Konseptwal na Balangkas…………………………….…………...13

Kahalagahan ng pag-aaral……………………………………........14

Saklaw ng pag-aaral …….……………………………………..….16

Limitasyon ng pag-aaral …………………………...……………..17

Depinisyon ng Terminolohiya…………………………..………...17

Kabanata II : Mga kaugnay na pag-aaral at Literatura…………………………..19

Lokal na literature ………………………………………………..19

Banyagang Pag-aaral ……………………….……………….22

Sintesis ………………………………………………………..24

Kabanata III : Disenyo at Pamamaraan ng pananaliksik……….………………...25

Disenyo ng Pananaliksik ………………………………………... 25

7
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

Paraan ng Pagpili ng mga Respondante………………………….26

Lokal at panahong itatagal ng Pananaliksik ….……………….…26

Instrumento ng Pananaliksik……………………………………..27

Tritment ng Datos …………………………………………….…27

KABANATA IV: Resulta, Analisis, At Interpretasyon ng mga Datos…………………. 28

KABANATA V: Lagom, Konklusyon at rekomendasyon

Lagom ng Pag-aaral ……………………………………………..38

Konklusyon ng Pag-aaral………………………….…………......39

Rekomendasyon …………………………………………………40

Mga sanggunian………………………………………………………….........................44

Mga Apendises………………………………………………...…………………………46

Datos ng Patalambuhay ………………………………………………………………… 49

8
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

TALAAN NG TALAHANAYAN

Talahanayan 4.1.1 ………………………………………………………………..31

Talahanayan 4.2.1 ………………………………………………………………..32

Talahanayan 4.3.1 ………………………………………………………………..34

Talahanayn 4.4.1 …………………………………………………………………37

9
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

PANIMULA

Sa isang pag-uulat na inilabas ng Philippine Informal Reading Inventory o PHIL-

IRI, noong Pebrero 2020, ipinakitang mahigit 70,000 na estudyante mula elementarya

hanggang ‘Senior High School’ sa isang probinsiya ang hindi pa rin nakababasa. Ang ulat

ay kaagad na kinondena ng Kagawaran ng Edukasyon ngunit ito ay nanatili pa ring may

bisa dahil hindi naman napasinungalingan ng kagawaran ang mga datos na lumabas.

Bagaman ito ay katotohanan sa isang probinsiya lamang ay hindi nangangahulugang doon

lamang umiiral ang ganitong uri ng problema. Ang mga problema patungkol sa pagbasa

ay mas lumalaganap sa kabila ng malawakang paggamit ng mga gadyets at gamit na tulad

nito. Lumalabas din sa isang pag-uulat na labindalwang (12) Pilipinong mag-aaral lamang

ang nakasasagot ng mga katanungang literal, Interpretasyon at Kritikal o mapanuring

pagbasa mula sa mahigit isang daang (100) respondente sa isinagawang sarbey sa

pamanahong papel na isinagawa ni Herbert Perez. Ito ay nangangahulugang sampung (10)

porsyento lamang. Ang sarbey ay ginawa upang malaman ang dami ng mga mag-aaral na

kayang umintindi o umunawa sa mga nabasang teksto. Ang kinalabasan ng naturang

sarbey ay indikasyon lamang ng isang malaking suliraning kinahaharap sa sistema ng ating

edukasyon at mga mag-aaral. Sa huling datos naman na inilabas ng Philippine Statistics

Authority o PSA noong 2016, apatnapu’t anim (46) na bahagdan lamang ng mga mag-

aaral sa sekondaryang paaralan ang marunong magbasa at umunawa. Ito ay kritikal dahil

10
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

hindi man lamang umabot sa kalahati ang kabuuan ng mga mag-aaral sa sekondarya na

marunong magbasa at umunawa.

Sadyang malaki ang impluwensya ng gadyets saan mang sulok ng mundo. Sa panahon

ngayon, hindi pa man marunong bumasa o sumulat ang bata ay namumulat na ang mga ito

sa paggamit ng gadyets na kung saan ay nagiging esensyal din sa pagkuha sa kanilang

atensyon, ngunit hindi lingid sa kaalaman na ang gadyets ay mayroon ding negatibong

epekto hindi lamang sa mga bata kundi sa bawat indibidwal na gumagamit nito. Bukod sa

nahahati ang oras ng mga kabataan sa pag-aaral at paggamit ng gadyets namumulat din

sila sa Ibat-ibang uri ng karahasan tulad ng pambubuska at pakikipagaway na madalas ay

tampok sa iba’t-ibang platapormang pangsosyal. Sa panahon na kung kailan lumalaki ang

naaabot ng mga makabagong teknolohiya at mas dumarami na ang gumagamit ng mga

gadyet, ang pagbasa ay dapat na natututunan pa rin ng isang mag-aaral sa murang edad pa

lamang, dahil kinakailangan niya itong malinang habang tumatagal ang panahon. Ngunit

hanggang ngayon ay marami pa ring mga kabataan sa sekondaryang pampaaralan ang

hindi makabasa ng tuwid dahil sa iba’t-ibang salik na nakakaapekto sa kanilang pagkatuto,

isa na rito ay ang pagkahumaling ng sa paggamit ng iba’t-ibang teknolohiya, gadyet at iba

pang platapormang may katulad na tampok. Sinasabing ang pagbasa ay isa rin sa

pinakamahalagang parte ng makrong kasanayan na dapat matutunan sa murang edad pa

lamang, dahil ito ay may kaugnayan din sa pagintindi at pagunawa na dapat ding malinang

kasabay ng pagbabasa. Sa isang dokumentaryo ni Kara David, isang tanyag na Pilipinong

mamamahayag, ipinakita niya ang isang halimbawa ng maraming kabataang hirap pa rin

sa pagbabasa kahit na ang mga ito’y nakatuntong na sa sekondaryang paaralan. Sa

11
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

nasabing dokumentaryo ipinakita ang mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral at

guro sa isang paaralan. Bagamat nakatuntong na sa sekondarya, marami pa rin ang hindi

nakakabasa at nahihirapang kumilala ng mga letra. Ito ay hindi natatapos sa isang paaralan

lamang, kundi ito ay salamin ng mas malaki pang suliraninig kinakaharap ng ating mga

kabataan at sangkaguruan.

Dahil sa hindi maiiwasang pagbabago dulot ng mga makabagong teknolohiya,

malaki rin ang nagiging epekto nito sa kawilihan at inspirasyon ng mga kabataan sa pag-

aaral. Hindi maitatanggi na malaking bahagi nang buhay ng marami ang paggamit ng mga

gadget o gadyet sa pang-araw-araw. Ayon naman sa isinagawang pag-aaral ng American

Academy, ang mungkahing oras ng paggamit ng gadyet para sa mga edad anim (6)

hanggang labingwalo (18) taong gulang ay dalawang oras lamang sa isang araw. Ngunit

maraming mag-aaral ang mas nahuhumaling sa paggamit ng gadyet na higit pa sa

dalawang oras at madalas ay humahantomg pa sa pagkalimot sa ibang gawaing

pampaaralan. Ano nga ba ang gadget o gadyet? Ang gadget o gadyet ay isang uri ng

kagamitan tulad ng isang makina na may partikular na gamit. Ito ay kadalasanag inuugnay

sa teknolohiya ng makabagong panahon na kinagigiliwan ng mga tao lalo na ng mga

kabataan. Halimbawa ng mga ito ay ang cellular phones, laptops, at consoles na talaga

namang nakakaakit ng atensyon sa maraming kabataan. Marami ang nagiging dahilan

kung bakit hindi buo ang loob at malayo sa kawilihan ng mga kabataan ang mga gawaing

pagbasa. Isa sa mga nagiging hadlang dito ay ang hustong paggamit ng mga gadyet.

Ang mga mananaliksik ay magiging tapat sa pagbibigay ng impormasyon hinggil sa

mga datos na kakailanganin at bukas sa lahat ng posibilidad upang mas mapaganda, at

mapatibay ang pag-aaral na isinasagawa. Maraming paraan upang maging responsable

12
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

ang paggamit ng mga gadyets at iba pang uri ng teknolohiya, marami ring paraan kung

paano ito maituturo sa mga kabataan lalo na sa mga mag-aaral. Nararapat lamang na

magkaroon ng kamalayan ang bawat isa sa pagiging responsable at maalam sa paggamit

ng mga kagamitang ito ng sa ganoon ay maiwasan ang mga hindi magandang epekto sa

hinaharap.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay may adhikaing maisagawa ang mga sumusunod na layunin:

1. Matukoy ang mga hadlang sa mabisang pagkatuto sa gawaing pagbasa ng mga estudyante.

2. Tukuyin ang mga dahilan kung bakit nahuhumaling ang mga kabataan sa paggamit ng gadgets.

3. Makapagmungkahi ng mga paraan upang maiwasan ang mga hadlang na dala ng paggamit ng

gadget.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito na may paksang “Mga Hadlang sa Mabisang Pagkatuto sa

Gawaing Pagbasa Dahil sa Paggamit ng Gadget ng mga Mag-Aaral na nasa Ika-7

Baitang ng Dasmariñas North National High School Taon PamPanuruan 2020-2021”

ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na suliranin:

1. Hadlang na nakakaapekto sa mabisang pagkatuto sa gawaing pagbasa dulot ng higit pa sa

dalawang (2) oras na paggamit ng gadyet. (Labis na paglalaro ng online games, pagkahumaling

sa mga platapormang sosyal, o pakikipagusap sa mga kaibigan gamit ang mga ‘messaging apps’.)

13
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

2. Mga dahilan ng pagkahumaling ng mga mag-aaral sa paggamit ng gadgets ? (Dahil uso, dulot

ng mga kaibigan, nakikita sa mga kasama sa bahay, o iba pang katulad na rason.)

3. Mga posibleng paraan upang mabawasan ang pagkahumaling ng mga mag-aaral sa paggamit

ng gadyets o tugon upang maiwasan ang mga hadlang na ito habang gumagamit ng gadyets ang

mag-aaral?

TEORETIKAL NA BALANGKAS

Teoryang Iskema (Schema)

Ang lahat ng bagong impormasyon ay naidaragdag sa dati nang kaalaman o

tinatawag sa ingles bilang prior knowledge. Nararapat lamang na nagkakaroon ng

kamalayan ang sinuman sa kung paano uunawain ang isang bagay o paano ito wastong

umiiral. Nagkakaroon ng pagkakataong alamin at unawain ang isang tekstong binasa base

sa persepyon ng mambabasa.

Ang iskema ay dapat na wasto, naihahambing o may kaugnayan sa mga gawaing

dapat malinang ng mag-aaral sa hinaharap ng sa ganoon ay magkaroon ng kaugnayan ang

kanyang nalalaman na sa mga dapat niya pa lamang na malaman. Ang pagkahumaling sa

paggamit ng mga gadyet at paglimot sa mga gawaing may kinalaman sa pagbasa o pag-

aaral ay dulot ng mga iskema o naunang kaalaman na hindi wasto para sa edad ng bata.

14
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

Teoryang Iskemata (Schemata)

Ang Sistema ng pag-iimbak ng impormasyon sa utak ng tao. Dito nalilinang naman

ang mga nauna ng kaalaman, mas binubuo o pinatitibay ang mga umiiral ng kaalama at

kakayahan kaya posibleng ang iskema ng magaaral ay matatawag na kulang o ‘di sapat o

‘di kaya naman ay lihis sa dapat nitong matutunan kung ang nalilinang sa iskemata ay ang

mga bagay na hindi naman angkop sa dapat na natutunan ng mga kabataan sa kanilang

edad.. Nararapat lamang na maibigay sa mga mag-aaral ang mga kaalaman na may

kinalaman sa kanilang pagbasa, paggamit ng kanilang at wastong paggamit ng mga gadyet

ng sa ganoon ay wasto at nalilinang din ang kanilang kaalaman sa mga gawaing may

kinalaman sa pagbasa at iba pang tulad nito.

KONSEPTWAL NA BALANGKAS

Ang konseptwal na balangkas o “conceptual framework” na ito ay ginamitan ng

paghahanda (input), proseso (process), at kinalabasan (output). Sa input frame, inilahad

dito ang kwalipikado sa pag tugon sa survey na nasa ika-7 baitang. Ang nasa process frame

naman ay mga hakbang na gagawin ng mga mananaliksik ukol sa pag kuha ng datos na

sakop ng interbyu at dokumentasyon sa nakalap na impormasyon. At, ang output frame ay

patungkol sa mga nakuhang datos sa kadahilanan ng pagiging hadlang ng mga gadget o

gadyet sa mabisang pagkatuto sa gawaing pagbabasa ng mag aaral.

15
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

INPUT PROCESS OUTPUT

Mga piling mag ✓ Paggawa ng Mga hadlang sa

aaral na nasa ika- kwestyuner mabilis na

7 baitang ng ✓ Interbyu o pagkatuto sa

Dasmarinas sarbey pagbasa ng

North National ✓ Dokumentasyon mga mag aaral

High School. ✓ analisis ng dahil sa

paggamit ng
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
gadgets
Ang magiging resulta ng pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makatutulong

sa mga sumusunod na pangkat ng komunidad.

Sa mga mag-aaral

Makatutulong ang pananaliksik na ito upang maiwasan nila ang masyadong

paggamit ng gadgets at ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga hadlang na nakakaapekto

para sa kanilang mabisa at mabilis na pagkatuto sa mga gawaing pagbasa. Ninanais ding

mabigyan ng pananaliksik na ito ng panibagong perspektibo ang mga mag-aaral kung

paano magagamit ang mga gadgets sa mabisa at produktibong paraan.

Sa mga guro

Ang pag-aaral na ito ay inaasahang magiging dahilan upang mas makita ng mga guro

ang mga problemang hatid ng pagkahumaling ng mga mag-aaral sa paggamit ng gadgets

at makapagbigay sa kanila ng panibagong paraan sa pagtugon sa mga umiiral nang

problema sa loob ng isang silid-aralan. Isang magandang regalo para sa isang guro ang

16
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

tagumpay ng kanyang mga pangalawang anak, kung kaya’t ang pagtugon sa ganitong

suliranin ay tiyak na magiging tulong sa kanila.

Sa mga magulang

Bilang unang naging guro, makatutulong ang pananaliksik na ito sa mga magulang sa

pamamagitan ng pag-alam sa mga posibleng paraan upang matulungan ang kanilang anak

na huwag mahumaling sa paggamit ng gadgets at makatulong upang mabigyan ng

panibagong paraan sa paglilimita ng paggamit sa gadgets at maiwasan ang mga hindi

magandang epektong maidudulot nito para sa pagkatuto ng kanilang mga anak.

Sa mga paaralan

Sa loob ng isang paaralan mas maraming oras ang nilalaan ng mag-aaral at dito rin

mas nahuhubog ang kanilang kakayahan. Ang pananaliksik na ito ay maaaring maging

gabay at maging panuntunan kung paano gamitin ang gadgets sa loob ng paaralan upang

maiwasan ang hindi magandang dulot nito higit lalo sa pagkatuto sa pagbasa ng bawat

mag aaral.

Sa mga administrasyon

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito maimumulat ang mga administrasyon sa

mga posibleng kahihinatnan ng maling paggamit ng mga gadget o gadyet. Makatutulong

ang pananaliksik na ito upang magbigay solusyon sa maaring problema sa hinarap.

17
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

Sa mga mananaliksik sa hinaharap

Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga mananaliksik sa hinaharap dahil

maaari nilang maging reperensya ang pag-aaral na ito at makapagbigay sa kanila ng

panibagong perspektibo at pananaw sa gagawing pag-aaral.

Sa mga tagapagsaliksik

Bilang isnag guro sa hinaharap, ang mga tagapagsaliksik ay maimumulat din sa

mga maaaring suliraning umiiral na noon pa at posibleng makapagbigay ng panibagong

pamamaraan sa pagtalakay o pagbibigay ng solusyon sa mga ganitong suliranin sa

paaralan.

SAKLAW AT LIMITASYON

Saklaw ng Pag-aaral

Saklaw ng pananaliksik na ito ang mga hadlang na dulot ng labis na paggamit ng

gadget sa mabisang pagkatuto ng gawaing pagbasa ng mga mag-aaral.

Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong makakuha ng mga respondante mula sa mga

magaaral ng Dasmariñas North National High School na nasa ika -7 baitang. Nais

makakuha ng mananaliksik ng siyam na put-tatlo (93) na respondante, nilimitahan ng pag-

aaral na ito ang pagtukoy sa edad, kasarian at estado sa buhay ng mga mag-aaral na

makatutulong upang maisakatuparan ng maayos ang pananaliksik.

18
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Upang lubusang maunawaan ng mga mambabasa ang nilalaman ng pagaaral na ito,

minabuti ng mga mananaliksik na bigyang depinisyon ang mga sumusunod na salita batay

sa pagkakagamit nito sa pananaliksik.

Dokumentaryo - Uri ng pelikula na patungkol sa totoong buhay o pangyayaring

nakaaapekto sa isa o higit pang indibidwal.

Gadyet - Isang uri ng kagamitan na maihahambing sa teknolohiya dahil sa nagiging

kasangkapan ito upang mapadali ang isang gawain.

Hadlang - Nakapipigil sa hangarin.

Malinang - Mapaunlad o mapalago ang isang bagay. Tulad ng kaalaman sa partikular na

aspeto.

makrong kasanayan - Mga katangiang pang akademiko na dapat malinang ng sinuman

upang magkaroon ng patas, matalino at malalim na pagunawa sa mga bagay.

nahuhumaling - Nagugustuhan, kinawiwilihan o pinagbibigyan ng mas maraming oras at

atensyon.

Pagbasa - Pagkuha, pagkilalaat pagunawa ng mga nakaimbak o nakasulat na

impormasyon o datos.

Plataporma - Ginagamit sa pamamagitan ng gadyet. Ito ay kadalasang pinupuntahan o

nilalagian ng mga kabataan kapag kaharap ang kanilang gadyet. Ito ay maaaring

platapormang sosyal o may kinalaman sa pakikipagkapwa sa loob ng gadyet; Aplikasyon.

19
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

Salik - Ito ay ano mang bagay, pangyayari o sitwasyon na maaaring magkaroon ng

impluwensya sa maaaring kahinatnan ng ano mang paksa.

Suliranin - Mga bagay na dapat lutasin; maaaring nagbibigay ng pasakit o nagsisilbing

paghihirap sa tao.

Teknolohiya - Makinarya o kagamitan upang mapadali ang isang partikular na gawaing

pantao.

20
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

Kabanata II

MGA KAUGNAY NA PAGAARAL AT LITERATURA

Ang kabanatang ito ay binubuo ng iba’t-ibang kaugnay na pagaaral at literatura na

nakatulong upang mas mapaganda ang kinalabasan ng pananaliksik. Ang mga nabanggit

na pagaaral at literatura ay nagmula sa iba’t-ibang artikulo, aklat, dokyumentaryo iba pang

mga sanggunian na nakatala sa ibaba.

Lokal na pagaaral at literatura

Kompyuter, isang imbensyon na malaki ang naitutulong sa lahat, higit lalo sa mga

magaaral. Kung noon ay nahihirapan at naggugugol pa ng mahabang oras sa bahay aklatan

upang magsagawa ng pagsisiyasat ngayon ay kahit nasaang lugar na lamang ay mabilis

mo nang mahahanap ang mga sagot sa iyong katanungan. Kung may disiplina at

matalinong paggamit ng teknolohiya ang tataglayin ng isang indibidwal hindi malayong

magamit nito ang proseso ng modernisayon sa kaniyang inaasam na tagumpay. Ayon kay

Department of Education (DepEd) Asst. Secretary Teresita Inciong, 2017. Dapat lamang

na ipaalala sa mga estudyante na itago ang kahit ano mang uri ng gadyet sa oras ng klase

upang maiwasan ang mga reklamo ng mga magulang ng mga estudyante. Hinihikayat din

ni Asst. Secretary Inciong na gabayan ng mga guro ang kanilang mga estudyante sa

paggamit ng gadget sa tamang paraan.

21
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

Ayon kay Bertilo, 2011, sa kasasaysayan ng edukasyon ay malaki ang naiambag ng

teknolohiya. Ito ay dahil na rin sa malaking bahagi ng teknolohiya sa pagbabago na

ngayon ay tinatamasa ng maraming tao. Magmula sa mga pambahay na kagamitan

hanggang sa pinakamaliliit na bahagi na nakatutulong sa pamumuhay ng marami ay

lumalaki rin ang bilang ng mga taong gumagamit ng teknolohiya. Sa katunayan, isa sa

tatlong pinoy ang gumagamit ng internet ayon sa pagaaral ng Internet and Mobile

Marketing Association of the Philippines o IMMAP. Katumbas ito ng mahigit tatlumpung

milyong Pilipino na gumagamit ng internet. Ang internet ay isa ring bunga ng makabagong

teknolohiya at upang magamit ito ay kinakailangang mayroon kang gadyets tulad ng

cellular phones, laptop, tablet, computers at iba pang tulad ng mga ito. Ang pagbabagong

dala ng mga teknolohiyang ito ay may kasabay ring negatibong banta sa mga gumagamit

nito ng hindi wasto.

Ayon muli kay Bertilo, 2011, sa kasaysayan ng edukasyon malaki ang naimambag

ng teknolohiya o gadyet. Ito ay isang pangunahing paraan kung bakit ang pag-aaral ay

nagiging madali at mabisa. Ang teknolohiya ay nagbibigay ng kaalaman at libangan sa

mga mag aaral. Masasabi natin na napakaraming maitutulong ng teknoohiya sa ating

buhay, lahat ng sektor sa ating komunidad ay dama ang kahalagahan ng makabagong

teknolohiya sa pang araw-araw nating pamumuhay. Tunay nga’t nabago na ng teknolohiya

ang paraan ng mga magaaral. Ang dating imposibleng gawin ay nagagawa na dahil sa

tulong ng makabagong teknolohiya.

Ayon naman sa pmanahong papel na may pamagat na “Bakit Karamihan sa mga

Estudyante ay Mayroong Mababa at Bagsak na Marka sa Eskw el ahan” isa ang

22
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

gadyet sa mga dahilan kung bakit halos karamihan sa mga estudyante o mag-aaral

ay mayroong mababang marka. Ito ay bunga ng kanilang pagkahumaling sa mga naturang

kagamitan kung kaya’t nakakaligtaan na nila ang iba pa nilang responsibilidad lalo na sa

kanilang pagaaral.

Ayon sa isinagawang pagaaral ng OSAU team, lumalala na sa panahon ngayon ang

pagkahumaling sa paggamit ng mga gadyet bata man o matanda. Dahil halos lahat ng oras

ay nakatuon sa paggamit ng teknolohiya o ng gadyets kung tawagin, aminin man ng

karamihan o hindi Madalas, nakakalimutan na ang magpahinga at magbigay ng oras sa

ibang bagay ng dahil na rin sa kakagamit ng gadgets. Marahil marami nga ang naitulong

ng teknolohiya at mga katulad nito ngunit patunay rin ito na kapag nagkaroon ng

pangaabuso sa paggamit ng gadyet man o teknolohiya, magkakaroon ito ng hindi

magandang epekto sa mga gumagamit nito.

Sa artikulo na inilabas ng The influence of the technology College Students sinabi ni

S. Wilson sa kanyang pagaaral na disiplina ang kailangan sa paggamit ng teknolohiya.

Ang bawat kinagisnan ng bawat henerasyon ay may kanya kanyang disiplina batay na rin

sa kanilang komuninad. Ang kasaysayan at kultura ay may malaking bahagi sa pagbuo ng

paniniwala at katauhan ng isang indibidwal.

Ang mga kabataan ang lubos na apektado sa mga negatibong epekto ng hustong

paggamit ng mga gadgets. Dahil dito ay napapabayaan nila ang kanilang pagaaral at

sobrang natutuon sa paggamit ng mga gadyets.

Iba iba ang pananaw ng mga tao tungkol sa pag unlad ng gadyet o teknolohohiya.

May mga nagsasabi na ang teknolohiya ay may magandang epekto sa ating lipunan kaya’t

23
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

masasabi na sila ay pabor sa pag unlad nito. Wala namang duda na may magandang

naidudulot ang teknolohiya sa maraming aspeto ng pamumuhay. Ngunit dapat din nating

pag aralan at pagtuunan ng pansin ang mga naidudulot nitong masamang epekto higit lalo

sa magaaral na hindi nagagawang kontrolin o hindi alam ang kahalagahan ng tamang

paggamit nito. Ang tamang paggamit nito ay nakasasalay sa responsableng mga tagagabay

(Torres, 2018).

Binigyang diin sa isang artikulo na mas may magandang benipisyo sa

pagkatuto ang pagbabasa ng libro kaysa sa pagbabasa sa e-book gamit ang mga gadget.

sinabing ang pag babasa gamit ang gadyet ay may posilibidad ang pagkasira ng mata dahil

sa screen na gamit nito. Sinabi rin ang pagbabasa gamit ang gadget ay nagdudulot ng

depresyon ar stress dahil sa pagpupuyat habang nagbabasa. Sinabi rin sa artikulong ito na

mas epektibo ang pagbabasa sa libro sapagkat sa e –book o paggamit ng gadget sa

pagbabasa ay natutuon sa ibang bagay ay atensyon ng isang tao tulad ng paggamit ng

facebook,twiiter at marami pang iba. (Medical daily, 2013)

Banyagang Pagaaral at literatura

Ayon sa Reader’s Digest, isang tanyag na magasin sa Manhattan, U.S.A

napakaraming magandang dulot ang pagbabasa ng mga libro at tekstong nakalimbag ng

pasulat. Kabilang sa mga ito ay ang, pagbata umano ng ating utak o pananatiling mas

maayos ang sirkulasyon. Mas lumalalim ang ating pag-unawa at pag-intindi sa iba’t-ibang

uri ng tao base sa ating mga nababasa. Tinutulungan din umano tayo ng pagbabasa upang

mas mabawasan ang istres na nararamdaman.

Ayon naman sa librong What would a contract for the use of mobiles in school

looklike? 2010 p.18, Maaaring pagbigyan ang mungkahi ng nakararaming

24
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

magaaral na payagan ang pagdadala ng gadyets sa loob ng paaralan ngunit

nararapat lamang na ito ay may maayos na kasunduan at istriktong

nasusunod ang mga batas na ipapatupad kapalit ng pagpayag sa pagdadala

ng mga naturang gadyet sa paaralan.

Sinasabing ang mga makabagong platapormang nagagamit lamang gamit ang iba’t-

ibang uri ng gadyets at internet ay malawakang ginagamit ng mga kabataan. Pinakita sa

lumabas na sarbey ng Data Reportal, isang kilalang website na gumagawa ng mga sarbey

patungkol sa teknolohiya, na mga edad 13-17 ang gumagamit ng iba’t-ibang gadyets at

platapormang tulad nito. Pitumpu’t limang porsyento rito ang gumagamit ng social media

platform araw-araw gamit ang kanilang gadyet tulad ng cellular phones, laptop at iba pang

tulad nito. Mahigit Two thirds ng kabataan ang mayroong sariling gadyet na may

kakayahang kumonekta sa internet.

Sinabi ni Lenhart, 2010, na ang mga kabataan sa pagitan ng edad 12-17, ay naitalang

gumagamit ng mga gadyet na may kinalaman sa ‘text messages’ sa buong buhay nila higit

sa iba pang uri ng komunikasyon, tulad ng mga face-to-face interaction.

Sinabi sa isang pagaaral na ang paggamit ng gadyets at paglalagi sa iba’t-ibang

social media platforms ay nakababawas sa pagkakaroon ng magandang koneksyon sa

kanilang mahal sa buhay o maging sa mga kaibigan sa labas ng mga platapormang ito. At

dahil nga sa mahabang atensyong nagugugol sa mga ito, nakakalimutan na nila ang

pakikipagkapwa sa labas ng mga platapormang ito. Bilang mga tao, kinakailangan at

mahalagang aspeto ang pakikipagkapwa hindi lamang para sa ating isipan kundi pati na

rin sa ating kalusugan.

25
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

Sabi naman sa isang artikulo mula sa GEMM Learning, napakaraming magandang

benipisyo ng pagbabasa, ito umano ay isang ‘life skill’ na dapat matutunan ng bawat

indibidwal sa lalong madaling panahon upang mas mahasa pa ito. Ang pagbasa rin ay

isang ehersisyo na makabubuti sa ating utak at makatutulong sa pagtuon at paglalaan ng

atensyon sa partikular na gawain.

SINTESIS

Ang lahat ng pagaaral, dokumentaryo at iba pang kaugnay na literaturang nabanggit sa

papel na ito ay pawang mga mahalaga lamang sa pananaliksik. Dahil natutukoy ng mga

ito ang depinisyon ng gadyet, teknolohiya at kung paano ito nagiging distraksyon sa mga

indibidwal na gumagamit nito ng husto. Sa kabuuan, ipinapakita sa kabanatang ito na

mayroong dalang maganda at esensyal sa pamumuhay ng mga tao ngunit, kasabay nito

ang pagkakaroon din ng iba’t-ibang salik na maaaring maging dahilan naman ng

pagkakaroon ng mga problema kung ito ay aabusuhin.

26
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga paraang ginamit ng mga mananaliksik

upang maisakatuparan ang layunin ng pananaliksik. Ito ay naglalayong maipaliwanag at

mailahad ang pananaliksik gamit ang mga kagamitang nagbigay ng linaw sa pagaaral na

isinagawa.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng “Descriptive Survey Research Design” o

palarawang siyasat, na gumamit ng mga talatanungan o “survey questionnaire” para

makalikom ng mga sapat na datos na kinailangan upang makamit ang layunin ng pag-

aaral. Ayon kay Shona McCombes, 2019, hinahangad ng palarawang siyasat na

mailarawan ng tama at masistema ang mga populasyon, espisipikong sitwasyon o kaya

naman ay mga pangyayari. Isa sa paraang ginagamit upang maisagawa ang pamamaraang

ito ay sa paggamit ng mga talatanungan o “survey questionnaire” na magpapakita kung

ano ang pananaw ng mga kalahok sa pagaaral. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang

disenyong ito ang siyang pinakaangkop na gamitin sa pagaaral sapagkat mas maraming

datos ang makukuha mula sa mga respondente. Ang mga tanong na inilagay sa

talatanungan ay may kinalaman o patungkol sa o alinman sa mga ibibigay na pahayag;

Labis na paglalaro ng online games, pagkahumaling sa mga platapormang sosyal, o

pakikipagusap sa mga kaibigan gamit ang mga ‘messaging apps’, Ito ba ay dahil uso, dulot

27
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

ng mga kaibigan, nakikita sa mga kasama sa bahay, o iba pang katulad na rason.

Makakatulong ba ang pagbawas sa paggamit ng gadyet sa paraang pang pang-aliw lamang

ang mga interbensyon tulad ng, pagsasaalang-alang sa mga iba pang paraan ng paggamit

ng gadyet sa pag-aaral.

PARAAN NG PAGPILI NG MGA RESPONDENTE

Ang napiling respondente sa pag-aaral na ito ay binubuo ng mga estudyante ng ika-

pitong baitang sa Dasmarinas North National High School sa Brgy. San Isidro Labrado II,

Lungsod ng Dasmarinas, Cavite. Sa kadahilanang malaki ang bilang ng kabuuang

magaaral sa ika-pitong baitang, kumuha lamang ang mga mananaliksik ng eksaktong

bilang na siyam na put tatlo (93) upang mas mabigyan ng tuon ang mga nakilahok sa pag-

aaral. Ang pagpili ay ginamitan ng “Random Sampling Technique” o malayang pagpili ng

mga lalahok sa pagaaral.

LOKAL AT PANAHONG ITATAGAL NG PANANALIKSK

Isinagawa ang pag-aaral na ito sa mga piling mag-aaral sa ika-pitong baitang sa

paaralan ng Dasmarinas North National High School. Pinili ng mga mananaliksik ang

nasabing paaralam dahil naniniwala at kinakakitaan nila na makatutulong at maayos na

makatutugon ang paaralan sa paksang inaaral. Ang pangangalap ng mga datos ng mga

mananaliksik ay tatagal ng limang buwan.

28
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng sarbey

kwestyuner. Ang talatanungan ay binubuo ng labinlimang (15) katanungan at ipapasagot

sa mga napiling respondente. Ang mga katanungan ay nagnanais alamin ang ibat-ibang

salik na nakakaapekto sa mabisang pagkatuto sa mga gawaing pagbasa. Ito ay ipamimigay

sa pamamagitan ng online o social media platform, upang alamin ng mga mananaliksik

ang mga hadlang sa mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral sa mga gawaing pagbasa, ito

ay upang makatulong sa pagkumpleto sa isinasagawang pagaaral. Nagsagawa rin ng

pangangalap ang mga mananaliksik sa ibat-ibang hanguan tulad ng mga artikulo,

dokumentaryo at iba pang websites.

TRITMENT NG MGA DATOS

Ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik mula sa mga respondente na

tumugon sa sarbey o talatanungan ay pagsasama-samahin o itatally. Ang mga ito ay

magsisilibing kasagutan sa mga katanungaang inilahad ng pagaaral. Ang mga resulta ay

ikukumpara base sa pagkakaiba ng mga ito. Ang mga datos na makakalap ay isasalarawan

sa pamamagitan ng pie graph upang mailahad ang resulta ng maayos at organisado. Ang

pormularyong gagamitin sa pagkuha ng porsyento ng

tugon sa bawat tanong ay:

𝑁
𝑛=
1 + 𝑁𝑒²

29
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

n = number of repondents

N = total population

e = marginal error

30
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

KABANATA IV

RESULTA, ANALISIS, AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga resulta, pagsusuri at interpretasyon ng

mga datos na nakalap mula sa mga talatanungan na pinasagutan sa mga Mag-Aaral na nasa

Ika-7 Baitang ng Dasmariñas North National High School Taon PamPanuruan 2020-2021

Sa isinagawang sarbey na ipinamahagi sa siyamnapu't tatlo (93) na piling mag-

aaral mula sa paaralan ng Dasmariñas North National High School ay tumugon sa sarbey

ang siyang ginamit ng mga mananaliksik upang mailahad ang resulta ng buong

pananaliksik.

31
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

TALAHANAYAN 4.1.1

Profyl na mga Mag-aaral

KASARIAN BILANG AT BAITANG

PORSYENTO

LALAKI 30 ( 32.26 %) Lahat ay mga Piling

BABAE 63 ( 67.74 %) Mag-Aaral na nasa

KABUUAN 93 (100%) Ika-7 Baitang

Sa talahanayan 4.1.1 ay ipinapakita ang naturang Profyl ng respondente na ginamit

ng mga mananaliksik kung saan sa kasarian ay may bilang ang mga Lalaki na sumagot na

tatlumpu’t-tatlo o 33 % samanatala ang bilang ng mga Babae na sumagot ay may bilang

na animnapu’t-tatlo (63) o 67.74 %. Lahat ng mga naging respondente sa pananaliksik na

ito ay mga piling mag-aaral kung saan ay nasa Ika-7 Baitang ng Dasmariñas North

National High School ng Dasmarinas Cavite. Ang bawat respondenteng tumugon ay

nilimitahan ang kanilang Pangalan bilang proteksyon na din sa kanilang pribadong at

personal na impormasyon.

32
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

TALAHANAYAN 4.2.1

Ebalwasyon ng kabuuang bilang ng Mga Hadlang sa Mabisang Pagkatuto sa Gawaing

Pagbasa Dahil sa Paggamit ng Gadget ng mga Mag-Aaral na nasa Ika-7 Baitang ng

Dasmariñas North National Sigh

School Taon PamPanuruan 2020-2021

Hadlang na nakakaapekto sa mabisang WM KATUMBAS NA

pagkatuto sa gawaing pagbasa dulot ng higit KAHULUGAN

pa sa dalawang (2) oras na paggamit ng

gadyet.

Labis na paglalaro ng online games 3.13 BAHAGYANG

SUMASANG-

AYON

Pagkahumaling sa mga platapormang sosyal 3.11 BAHAGYANG

SUMASANG-

AYON

Pakikipagusap sa mga kaibigan gamit ang mga 2.69 BAHAGYANG

‘messaging apps’ SUMASANG-

AYON

33
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

SUB MEAN 2.97 BAHAGYANG

SUMASANG-

AYON

Ipinapakita sa talahanayan 4.2.1 ang Ebalwasyon ng kabuuang bilang ng Mga

Hadlang sa Mabisang Pagkatuto sa Gawaing Pagbasa Dahil sa Paggamit ng Gadget ng

mga Mag-Aaral na nasa Ika-7 Baitang ng Dasmariñas North National High School Taon

PamPanuruan 2020-2021 na naglalahad ng mga Hadlang na nakakaapekto sa mabisang

pagkatuto sa gawaing pagbasa dulot ng higit pa sa dalawang (2) oras na paggamit ng

gadyet. Ang una sa rank ay “Labis na paglalaro ng online games” may weighted mean na

3.13 na may katumbas na kahulugan o palatandaang “ Bahagyang Sumasang-ayon”.

Samantala ang pangalawa sa rank ay “Pagkahumaling sa mga platapormang sosyal.” na

may weighted mean na 3.11 na may katumbas na kahulugan o palatandaang “Bahagyang

Sumasang-ayon”. Pangatlo sa rank ay ang “Pakikipagusap sa mga kaibigan gamit ang mga

‘messaging apps’” na may weighted mean na 3.13 na may katumbas na kahulugan o

palatandaang “Bahagyang Sumasang-ayon”.

Batay sa resulta, napatunayan ng mga mananaliksik na karamihan sa mga mag-aaral

ay Bahagyang sumasang-ayon sa Hadlang na nakakaapekto sa mabisang pagkatuto sa

gawaing pagbasa dulot ng higit pa sa dalawang (2) oras na paggamit ng gadyet.

34
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

TALAHANAYAN 4.3.1

Ebalwasyon ng kabuuang bilang ng Mga Hadlang sa Mabisang Pagkatuto sa Gawaing

Pagbasa Dahil sa Paggamit ng Gadget ng mga Mag-Aaral na nasa Ika-7 Baitang ng

Dasmariñas North National Sigh School Taon PamPanuruan 2020-2021

Anu-ano ang mga dahilan WM KATUMBAS NA

ng pagkahumaling ng mga KAHULUGAN

mag-aaral sa paggamit ng

gadgets ?

6. Nahuhumaling ako sa 4.00 SUMASANG-

paggamit ng gadgets dahil AYON

nakatutulong ito ito sa aking

pag-aaral lalo na sa

pagpapaunlad ng kakayahan

sa pagbabasa.

Nahuhumaling ako sa 3.27 BAHAGYANG

paggamit ng gadgets dahil sa SUMASANG-

mga aplikasyong AYON

nakalilibang.

35
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

Nahuhumaling ako sa 2.73 BAHAGYANG

paggamit ng gadgets dahil SUMASANG-

gusto kong makisabay sa mga AYON

kaibigan at pamilya na

gumagamit nito.

Nahuhumaling ako sa 2.67 BAHAGYANG

paggamit ng gadgets kaysa sa SUMASANG-

pagbasa dahil sa kagustuhang AYON

maging updated sa

makabagong teknolohiya.

SUB MEAN 3.28 BAHAGYANG

SUMASANG-

AYON

Ipinapakita sa talahanayan 4.3.1 ang Ebalwasyon ng kabuuang bilang ng Mga

Hadlang sa Mabisang Pagkatuto sa Gawaing Pagbasa Dahil sa Paggamit ng Gadget ng

mga Mag-Aaral na nasa Ika-7 Baitang ng Dasmariñas North National Sigh School Taon

PamPanuruan 2020-2021 na naglalahad ng mga dahilan ng pagkahumaling ng mga mag-

aaral sa paggamit ng gadgets ? (Dahil uso, dulot ng mga kaibigan, nakikita sa mga kasama

sa bahay, o iba pang katulad na rason.) Ang una sa rank ay “Nahuhumaling ako sa

36
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

paggamit ng gadgets dahil nakatutulong ito ito sa aking pag-aaral lalo na sa pagpapaunlad

ng kakayahan sa pagbabasa.” may weighted mean na 4.00 na may katumbas na kahulugan

o palatandaang “Sumasang-ayon”. Samantala ang pangalawa sa rank ay “Nahuhumaling

ako sa paggamit ng gadgets dahil nagagamit ko itong midyum sa

pakikipagkomunikasyon.” na may weighted mean na 3.74 na may katumbas na kahulugan

o palatandaang “Sumasang-ayon”. Pangatlo sa rank ay ang “Nahuhumaling ako sa

paggamit ng gadgets dahil sa mga aplikasyong nakalilibang...” na may weighted mean na

3.27 na may katumbas na kahulugan o palatandaang “Sumasang-ayon”. Pang-apat sa rank

ay ang “Nahuhumaling ako sa paggamit ng gadgets dahil gusto kong makisabay sa mga

kaibigan at pamilya na gumagamit nito.” na may weighted mean na 2.73 na may katumbas

na kahulugan o palatandaang “Bahagyang Sumasang-ayon”. At ang panglima sa rank ay

ang “Nahuhumaling ako sa paggamit ng gadgets kaysa sa pagbasa dahil sa kagustuhang

maging updated sa makabagong teknolohiya.” na may weighted mean na 2.67 na may

katumbas na kahulugan o palatandaang “Bahagyang Sumasang-ayon”.

Batay sa resulta, napatunayan ng mga mananaliksik na karamihan sa mga mag-

aaral ay Bahagyang sumasang-ayon sa mga dahilan ng pagkahumaling ng mga mag-aaral

sa paggamit ng gadgets

37
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

TALAHANAYAN 4.4.1

Ebalwasyon ng kabuuang bilang ng Mga Hadlang sa Mabisang Pagkatuto sa Gawaing

Pagbasa Dahil sa Paggamit ng Gadget ng mga Mag-Aaral na nasa Ika-7 Baitang ng

Dasmariñas North National Sigh School Taon PamPanuruan 2020-2021

Limimitahan ko ang paggamit ng 4.44 LUBOS NA

gadgets sa oras ng klase upang SUMASANG-AYON

matuon ang buong atensyon sa

pag-aaral at pagbabasa.

Maglalaan ako ng oras araw-araw 4.34 LUBOS NA

upang sanayin at linangin ang SUMASANG-AYON

aking kakayahan sa pagbabasa.

Makikilahok ako sa mga 4.23 LUBOS NA

aktibidad ng eskwelahan na syang SUMASANG-AYON

magpapa-unlad ng aking

kakayahan sa pagbabasa at iba

pang mahahalagang aspeto

Hindi ko muna pagtutuunan ng 4.11 SUMASANG-AYON

pansin ang mga aplikasyon sa

aking gadget na hindi

38
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

makakatulong sa aking pagkatuto

sa pagbasa.

Iiwasan ko muna ang paggamit ng 4.10 SUMASANG-AYON

gadgets bilang libangan ng sa

gayon ay mapaunlad ko ang

kakayahan sa pagbabasa.

SUB MEAN 4.24 LUBOS NA

SUMASANG-AYON

Ipinapakita sa talahanayan 4.4.1 ang Ebalwasyon ng kabuuang bilang ng Mga

Hadlang sa Mabisang Pagkatuto sa Gawaing Pagbasa Dahil sa Paggamit ng Gadget ng

mga Mag-Aaral na nasa Ika-7 Baitang ng Dasmariñas North National Sigh School Taon

PamPanuruan 2020-2021 sa Mga posibleng paraan upang mabawasan ang pagkahumaling

ng mga mag-aaral sa paggamit ng gadyets o tugon upang maiwasan ang mga hadlang na

ito habang gumagamit ng gadyets ang mag-aaral? Ang una sa rank ay “Limimitahan ko

ang paggamit ng gadgets sa oras ng klase upang matuon ang buong atensyon sa pag-aaral

at pagbabasa.” may weighted mean na 4.44 na may katumbas na kahulugan o palatandaang

“Lubos naSumasang-ayon”. Samantala ang pangalawa sa rank ay “Maglalaan ako ng oras

araw-araw upang sanayin at linangin ang aking kakayahan sa pagbasa.” na may weighted

39
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

mean na 4.34 na may katumbas na kahulugan o palatandaang “Lubos na Sumasang-ayon”.

Pangatlo sa rank ay ang “Makikilahok ako sa mga aktibidad ng eskwelahan na syang

magpapa-unlad ng aking kakayahan sa pagbabasa at iba pang mahahalagang aspeto.” na

may weighted mean na 4.23 na may katumbas na kahulugan o palatandaang “Lubos na

Sumasang-ayon”. Pang-apat sa rank ay ang “Hindi ko muna pagtutuunan ng pansin ang

mga aplikasyon sa aking gadget na hindi makakatulong sa aking pagkatuto sa pagbasa.”

na may weighted mean na 4.11 na may katumbas na kahulugan o palatandaang

“Sumasang-ayon”. At ang panglima sa rank ay ang “Iiwasan ko muna ang paggamit ng

gadgets bilang libangan ng sa gayon ay mapaunlad ko ang kakayahan sa pagbabasa.” na

may weighted mean na 4.10 na may katumbas na kahulugan o palatandaang “Sumasang-

ayon”.

Batay sa resulta, napatunayan ng mga mananaliksik na karamihan sa mga mag-

aaral ay Lubos na Sumasang-ayon sa posibleng paraan upang mabawasan ang

pagkahumaling ng mga mag-aaral sa paggamit ng gadgets o tugon upang maiwasan ang

mga hadlang na ito habang gumagamit ng gadgets ang mag-aaral.

40
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

KABANATA V

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng lagom, kinalabasan ng pag-aaral,

konklusyon na

hango sa resulta ng isinagawang pag-aaral at rekomendasyon.

LAGOM NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay may pamagat na “Mga Hadlang sa Mabisang Pagkatuto

sa Gawaing Pagbasa Dahil sa Paggamit ng Gadget ng mga Mag-aaral na nasa Ika-7

Baitang ng Dasmarinas North National High School Taon Pampanuruan 2020-2021”

Mga layuning 1. Matukoy ang mga hadlang sa mabisang pagkatuto sa gawaing pagbasa

ng mga estudyante.

2.Tukuyin ang mga dahilan kung bakit nahuhumaling ang mga kabataan sa paggamit ng

gadgets. 3. Makapagmungkahi ng mga paraan upang maiwasan ang mga hadlang na dala

ng paggamit ng gadget. Sinikap sagutin ang mga katanungan tulad Hadlang na

nakakaapekto sa mabisang pagkatuto sa gawaing pagbasa dulot ng higit pa sa dalawang

(2) oras na paggamit ng gadyet. (Labis na paglalaro ng online games, pagkahumaling sa

mga platapormang sosyal, o pakikipagusap sa mga kaibigan gamit ang mga ‘messaging

apps’, Mga dahilan ng pagkahumaling ng mga mag-aaral sa paggamit ng gadgets? (Dahil

uso, dulot ng mga kaibigan, nakikita sa mga kasama sa bahay, o iba pang katulad na

rason.), Mga posibleng paraan upang mabawasan ang pagkahumaling ng mga mag-aaral

41
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

sa paggamit ng gadyets o tugon upang maiwasan ang mga hadlang na ito habang

gumagamit ng gadyets ang mag-aaral?

Palarawang pamamaraan o deskriptibong pamamaraan ang ginamit sa pag-aaral na

ito at ang pananaliksik na ito ay gumamit ng Kwantitatibong Pananaliksik o “Quantitative

Research”

na gumagamit ng talatanungan (survey questionnaire). Ito ang ginamit bilang pangunahing

instrument sa pangangalap ng datos. Ipinamahagi ito sa siyam na put tatlo (93) na mga

piling respondente na nasa Ika-7 Baitang ng Dasmarinas North National High School.

KONKLUSYON

Ang mga sumusunod na detalye ay patungkol sa interpretasyon na batay sa nakalap

na mga datos sa isinagawang pananaliksik.

Natuklasan ng mga mananaliksik na halo ang kanilang nakuhang kasagutan mula sa

Baitang-7 . Ngunit kalamangan parin ang kanilang pagsang ayon sa mga nakakahadlang

sa kanilang pagkatuto.

• Ang paggamit ng Gadgets ay lubos ang kanilang pagsang -ayon na ito rin naman ang syang

nagiging hadlang sa kanilang pagkatuto sa pagbasa, Malaki ang nagiging epekto o dahilan

ang paggamit ng Gadyets para sa kanilang mental health o kalusugan na kanila namang

lubos na sinang ayunan.

• Ayon sa nakalap na impormasyon ng mga nanaliksik bahagyang sinangayunan ng mga

respondente ang ilang dahilan ng mga pagkahumaling ng mga mag aaral sa paggamit ng

gadgets tulad ng nahuhumaling sila sa paggamit ng gadget sapagkat nagagamit nila ito

bilang midyum ng pakikipagkomunikasyon, ng dahil sa mga aplikasyong nakakalibang sa

42
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

kanilang mga gadgets, sa kagustuhang makisabay sa mga kaibigan pamilya at sa

kagustuhang maging updated sa makabagong teknolohiya.

Kanila ring sinang-ayunan na kanilang iiwasan at lilimitahan ang paggamit ng

gadgets na kung saan dito magpapalawak ang kanilang kakayahan sa gawaing pagbasa ,

pakikihalubilo sa iba at pakikilahok sa mga iba’t ibang aktibidad na mayroon ang

komunidad katulad sa paaralan , o sa kanilang labas ng tahanan na syang ginagamitan nila

ng kanilang pangangatawan.

REKOMENDASYON

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na ito , ang mga mananaliksik ay iminumungkahi ang

mga sumusunod.

1. Para sa mga mag-aaral iminumungkahi na iwasan ang paggamit ng Gadgets na isang

nagiging dahilan sa pagkatuto sa iba’t ibang aspeto ng pag-aaral higit sa Gawaing Pagbasa.

Ito ay walang maayos na naidudulot kung sosobrahan ang paggamit nito , kailangan nating

limitahan at kung kinakailangan iwasan ay gawin ng sa ganon magagawa ang mas

mahahalagang Gawain. Higit na nakatutulong din naman ang pag-iwas ng gadgets upang

maiwasan ang pagdadala o pagkakaroon ng paglabo ng mata , pagkawala ng sigla ng

pangangatawa , Nirerekomenda ng mananaliksik na gawin ang tama upang hindi

maapektuhan ang pag-aaral at kalusugan. Turuan at tulungan ang sarili na makaalis sa

pagkahumaling sa paggamit ng Gadgets at magbigay ng pokus sap ag-aaral , maglaan ng

mas maraming oras kaysa sa ibang bagay.

43
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

2. Para sa mga Guro Iminumungkahi na hikayatin ang kanilang estudyante na

iwasan ang ganitong gawain na hindi nakatutulong sa paglago ng kanilang

pakikipag kapwa tao at paglago ng kaalaman sa akademiks. Sinasabing ang guro

ang pangalawang magulang ng mga mag-aaral , kaya naman mayroon din kayong

awtoridad na gawin ang inyong

gampanin para sa ikatutulong sa inyong mag -aaral. Iminumungkahi na kuhain ang mga

Gadgets sa oras ng pag-aaral ng sa ganon maiwasan ang paggamit ng mga estudyante ang

Gadgets , mas maganda ng tulungan natin silang iiwas ito kung hindi naman kinakailangan

sa talakayan. Mas nabibigyang pokus ang pag-aaral kung walang sagabal at dahil nga isa

rin sa hadlang ng pagkatuto ang Gadgets turuan natin ang ating mga estudyante na

idistansya ang ganitong bagay upang lubusan nilang maunawaan at maintindihan ang

kanilang pinag aaralan sa oras na sila’y nasa paaralan.

3. Para sa mga Magulang Iminumungkahing bigyan ng wastong gabay ang mga anak upang

hindi mapunta sa maling direksyon ang kanilang buhay. Makita sa magulang ang unang

pagdedesiplina bago sa ibang tao , Makita ang mga nakakasagabal sa pagkatuto ng kanilang

mga anak. Iminumungkahi rin ang pagbibigay ng atensyon upang makita ang kanilang

ginagawa kung tama pa ba o may kamalian na.

Gamitin ang gampanin bilang magulang ng sa ganon mabago ang kanilang pag-

unawa sa buhay kung ano ang mas higit na makatutulong para sa kanilang pagkatao

at pag-aaral. Laging hikayatin , suportahan at gabayan ang pag-iisip at gagawin ng

mga anak. Nang sa ganon ay maging tama ang maayos ang mapaglalagyan ng

kanilang buhay.

44
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

4. Para sa Paaralan Iminumungkahi na gumawa ng mga aktibidad na ginagamitan

ng ating pangangatawan na syang makakaiwas sa mag-aaral sa paggamit ng

Gadgets. Maaring larong ginagamitan ng lakas at talino , talentong maipamalas ang

kakayahan na mayroon ang indibwal na mag-aaral upang sa ganon makita ng bawat

guro , kapwa mag-aaral at nakatataas sa paaralan kung ano ang mga mas kailangan

bigyan ng pokus na aktibidad upang makaiwas ang ibang mga kabataan sa

paglalaro ng iba;t ibang online games at ibp. Iminumungkahi rin sa paaralan na

laging magbigay ng paalala patungkol dito upang lalong makatulong sa bawat

estudyante ang pag-iwas ng paggamit ng gadgets upang sa ganoon ay mas

makapagbigay sila ng sapat na oras at atensyon sa kanilang pag-aaral. Higit na

hindi mawawala ang pagbibigay ng motibasyon at pagakakaroon na sapat na

pangangailangan ng estudyante halimbawa nalamang ang paglalagay ng Library

na kung saan ay mas lalong mahuhubog ang kanilang kaalaman sa pag-aaral ng

pagbasa sa pamamagitan ng mga Libro na mayroon ang Paaralan.

5. Para sa mga mananaliksik Iminumungkahing ipagpatuloy ang nagawang pag-aaral sa iba

pang paaralan upang matulungan at mabigyan ng posibleng solusyon patungkol sa paksang

isinaliksik. Mas lalo pang pag-aralan ng sa ganon ay makatulong para sa mga mag-aaral ,

magulang , guro at paaralan na may ganitong nararanasan. Ang nakalap na impormasyon

o datos ay Malaki rin ang maitutulong nito para sa mga susunod na mananaliksik na

patungkol sa mga hadlang ng Gadgets sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa pagbasa.

45
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

6. Para sa kagawaran ng Edukasyon Minumungkahi na bigyan pansin ang ganitong

pananaliksik ng sa gayon makatulong ito para sa mga mag-aaral na kinakaharap ang

ganitong sitwasyon na humahadlang sa kanilang pagkatuto sa gawaing pagbasa.

Magbigay at magpatupad ng maaaring maging solusyon sa nasabing hadlang upang maging

maayos ang pag-aaral ng bawat estudyante.

46
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

Mga Sanggunian

PANIMULA
• https://www.academia.edu/32102696/_ANG_EPEKTO_NG_PAGGAMIT_NG_CELLPHONE_SA_LOOB_NG_KLASE

_SA_MGA_MAG_AARAL_SA_COLLEGE_OF_TECHNOLOGICAL_SCIENCES_CEBU_SA_KURSONG_Paunang_

Salita

• https://news.abs-cbn.com/life/07/23/17/labis-na-paggamit-ng-gadgets-ano-ang-

epekto-sa-mga-

bata?fbclid=IwAR0HScZdQWzOygFdY8DSNXK6Ik90ZM0gMTWDjWBSE1rI

V_f0LfzPEnYs86M

• https://brainly.ph/question/985378?fbclid=IwAR0wMQqEzbLc0o_H66UyE1WA

OLQqrdps9z1ymaX4Aml0mdPkuR9PTSotyuU

Lokal na pagaaral at literatura

• https://www.scribd.com/document/448780361/Epekto-ng-Makabagong-

Teknolohiya-sa-Pag-uugali-ng-mga-Mag-aaral

• https://pananaliksikgrade11.blogspot.com/2018/11/pananaliksik-paggamit-ng-

teknolohiya.html?fbclid=IwAR0WzFnzJFWDvwS7oREy7ytb4Mj4QuyilVTWK

XoLB_jOZNVy7jB6BC3X8_0

• https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/381267/1-sa-3-pinoy-

gumagamit-ng-internet/story/

• https://www.academia.edu/16314885/Epekto_ng_Teknolohiya_sa_Pag_aaral_ng

_Mag_aaral

47
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

• https://www.scribd.com/doc/45995136/Bakit-Karamihan-sa-mga-Estudyante-ay-

Mayroong-Mababa-at-Bagsak-na-Marka-sa-Eskwelahan-Pananaliksik

• https://osau.com/explore-experience/518/5-masamang-epekto-ng-laging-

paggamit-ng-mga-

gadgets?fbclid=IwAR0I3RtdV1um6BYUpoo3yzMTnOVfoyCeOuQhwPYP2Dw

VtHXANETDPlfJnMc

Banyagang Pagaaral at literatura

• https://www.academia.edu/36139783/ISANG_PAGSUSURI_PATUNGKOL_SA

_EPEKTO_NG_SOCIAL_MEDIA_SA_PAG_AARAL_NG_MGA_MAG_AAR

AL_SA_PAARALAN_NG_RESPSCI

• https://www.webwise.ie/wp-

content/uploads/2014/06/Using_the_mobile_phone_in_school.pdf

• https://www.aacap.org/AACAP/Families_and_Youth/Facts_for_Families/FFF-

Guide/Social-Media-and-Teens-100.aspx

SINTESIS

• https://newyorkbehavioralhealth.com/the-impact-of-social-media-use-on-social-

skills/

• https://www.southuniversity.edu/news-and-blogs/2018/05/why-being-social-is-

good-for-you

48
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

MGA

APENDISES

49
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY


Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile
No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph
[email protected]
LIHAM PAHINTULOT SA PUNONG GURO
29 JUNE 2021
Mr.Francis Kenneth D. Hernandez
PRINCIPAL
Dasmariñas North
National High School

Magandang araw!
Kami po ang mga mag-aaral ng National College of Science and Technology
kasalukuyang kumukuha ng Batsilyer sa Sekondaryang Edukasyon na nagpapaka
dalubhasa sa Asignaturang Filipino at kasalukuyan ding kumukuha ng Asignaturang
Pananaliksik 2 Wika at Panitikan. Ang aming paksa ay tungkol sa “Mga Hadlang sa
Mabisang Pagkatuto sa Gawaing Pagbasa Dahil sa Paggamit ng Gadget ng mga Mag-Aaral
na nasa Ikaw-7 Baitang ng Dasmarinas North National High School”.
Kaugnay pa nito, humihiling ang mga mananaliksik ng inyong pahintulot
upangmakapanayam ang mga guro na kung sino-sino ang mga mag-aaral na nasa ika-7
baitang na makakatulong sa pag-aaral na maaring tumugon sa mga tanong na nasa
talatanungan ng mga mananalisik.
Lubos na inaasahan po ng mga mananaliksik ang inyo pong positibong kooperasyon sa
pag sang-ayon sa kahilingang ito.
Maraming salamat po!

Lubos na gumagalang,
Mga mananaliksik;
VERDAD, RENALYN Q.
ARCEO, DOMINILYN
TAFALLA, JHEA C.

Pagpapatibay ni:

G. Alfred Rubrico
Bb. Mary Joyce Burgos Koordinator
Gurong Tagapayo Kagawaran ng EDPSYCOM

50
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

CERTIFICATE OF APPRECIATION
is awarded to

MR. LEOVEGILIO II D.

BELER, RPm
For giving his time and expertise in validating the research instrument of BS Education
students of National College of Science and Technology to be used in the study entitled
“Mga Hadlang sa Mabisang Pagkatuto sa Gawaing Pagbasa Dahil sa Paggamit ng
Gadget ng mga Mag-Aaral na nasa Ika-7 Baitang ng Dasmariñas North National Sigh
School Taon Pampanuruan 2020-2021”.

Given this 31st of May 2021 at the

National College of Science and Technology Dasmarinas, City, Cavite.

_______________________________ _______________________

Ms. Mary Joyce R. Burgos, LPT Mr. Alfred Rubrico, LPT

Thesis Adviser, BS Education Department Head, EDPSYCOM Dept

51
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

DATOS NG PATALAMBUHAY

52
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

JHEA C. TAFALLA

Blk.113 lot 6 Brgy.Sta.Lucia City of Dasmarinas, Cavite

09666679868

Email Add.: [email protected]

PERSONAL NA DATOS

EDAD : 28 taong gulang

PETSA NG KAPANGANAKAN : ika-30 ng Agosto, 1992

LUGAR NG KAPANGANAKAN : Dasmarinas,Cavite

KASARIAN : Babae

STATUS : Married

RELIHIYON : Katoliko

MAGULANG

AMA : Vicente R. Chan

INA : Mary Jane B. Chan

PANG-EDUKASYON KALIGIRAN

Elementarya : Sta.Cristina ElementarySchool-C 2000-2006

Sekondarya : Pag-asa National High School 2006-2010

Tersarya : National College of Science and Technology

Barsilyer sa Sekondaryang Edukasyon na nagpapakadalubhasa sa Filipino

53
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

RENALYN Q. VERDAD

B5 L50 Acm Phase 9 Woodstock homes Alapan I-A

Imus, city Cavite

09204633772

Email Add.: [email protected]

PERSONAL NA DATOS

EDAD : 21 taong gulang

PETSA NG KAPANGANAKAN : ika-26 ng Agosto, 2000

LUGAR NG KAPANGANAKAN : Nueva Ecija

KASARIAN : Babae

STATUS : Single

RELIHIYON : Christian

MAGULANG

AMA: Efren Verdad

INA: Analyn Verdad

PANG-EDUKASYON KALIGIRAN

Elementarya : Alapan Elementary School 2006-2012

Sekondarya : Imus National High School 2012-2016

Tersarya : National College of Science and Technology 2018-present

Barsilyer sa Sekondaryang Edukasyon na nagpapakadalubhasa sa Filipino

54
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

DOMINILYN ARCEO

Blk 7 Lot 21 Barangay San Manuel 1 City of Dasmarinas

09219375135

Email Add.: [email protected]

PERSONAL NA DATOS

EDAD : 21 taong gulang

PETSA NG KAPANGANAKAN : ika-20 ng Agosto, 1999

LUGAR NG KAPANGANAKAN : Dasmarinas Cavite

KASARIAN : Babae

STATUS : Single

RELIHIYON : Katoliko

MAGULANG

AMA: Dominic N. Parinas

INA: Glacy Anne Lhiza A. Parinas

PANG-EDUKASYON KALIGIRAN

Elementarya : San Manuel Elementary School 2008-2009

Sekondarya : Dasmarinas National High School 2011-2012

Tersarya : National College of Science and Technology 2018-present

Barsilyer sa Sekondaryang Edukasyon na nagpapakadalubhasa sa Filipino

55
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

56
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
EdPsyComm Department

57

You might also like