Lesson in Pagbasa

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

“Ang Kahulugan, Kahalagahan, Mga Teorya, Layunin, Hakbang, Salik sa Iba’t Ibang Paraan ng

Pagbasa”

JOHNSTON (1990)

 Isang kompleks na gawaing pangwika at pangkaisipan na kinapapalooban ng higit pa sa


interaksyon ng mambabasa.

BALTAZAR (1977)

 Ito ay isang kasangkapan sa pagkatuto ng mga kabatiran ukol sa iba’t ibang larangan ng
pamumuhay.

GOODMAN

 Sosyolingguwistiko na paghinuha (guessing game) kung saan ang nagbabasa ay bumubuong muli
ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binabasa.

James Dee Valentine

 Ang pagbasa ay ang pagkain ng ating utak (mental food)

JOSEPH ADDISON

 “Kung ang ehersisyo ay para sa katawan, ang pagbasa ay para sa isip”

JOHN DALBERG

 Kailangan tayong matuto hindi lamang sa pamamagitan ng pagsulat, kung hindi maging sa
pagbabasa.

BAKIT TAYO NAGBABASA?

UPANG…

1. kaalaman/karunungan

2. Pagpapaunlad ng Komprehensyon

3. Pagpapagaling ng memorya

4. Pagpaparami ng talasalitaan

5. Kaunlaran at tagumpay sa buhay


BAKIT TAYO NAGBABASA?

PARA SA…

1. Kasiyahan ng sarili.

2. Pampalipas-oras

3. Paghasa sa ating kaisipan

4. Pagsusuri ng emosyon

BAKIT TAYO NAGBABASA?

Sapagkat, TAYO AY INTERESADO…

1. Isang partikular na sabjek/paksa

2. Isang partikular na istilo at ideya ng awtor.

KONSIDERASYON SA PAGBASA

1. Maisulong ang pagbasa na may laya at kusa.

2. Madebelop ang kasanayan sa pagtugon sa teksto.

3. Masanay ang mambabasa na magbasa ng may sapat na pang-unawa

4. Matulungan ang mambabasa na magbasa ng may angkop na bilis.

5. Mahikayat ang mambabasa sa epektibong pagbasa ng tahimik.

MALAKAS NA PAGBASA

TINDIG

LAKAS NG TINIG

PARAAN NG PAGBIGKAS

PAGHAWAK SA AKLAT O ANUMANG BABASAHIN


TAHIMIK NA PAGBASA

POOK

TAMANG POSISYON

PAGGALAW NG MATA AT BIBIG

HUWAG ITUTURO O SUSUNDAN NG DALIRI

BUMASA NG MABILIS

URI NG TEKSTO

1. INFORMATIV – tekstong naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong pangyayari, bagong


impormasyon.

2. ARGUMENTATIV – naglalahad ng mga proposisyon upang magpaliwanag.

3. PERSWEYSIV– naglalahad ng mga sapat na katibayan o patunay upang manghikayat.

4. NARATIV– nagpapahayag ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at may layuning


magkuwento.

5. DESKRIPTIV– nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang


tao, lugar, bagay.

6. PROSIJURAL– wastong pagkakasunod-sunod ng malinaw na hakbang sa pagsasakatuparan ng


anumang gawain.

7. REFERENSYAL – ang mga kaalamang hinango mula sa iba ay malinaw ma tinitiyak at inilalahad.

Tekstong Impormatibo

Dr. William S. Gray (1885-1960)

Tinagurian siyang "Ama ng Pagbasa"

Ang mga Teorya sa Pagbasa

Bottom-up

Top- Down
Eskema

Interaktib

Proseso ng Pagbasa

Persepsyon

Komprehensyon

Reaksiyon

Asimilasyon

Mga uri ng Pagbasa

Pagtatala

Kaswal o Magaan na Pagbasa

Prediskting o Pagbibigay Hinuha

Interpreting o Pagpapakahulugan

Masusing Pagbasa

Iskaning

Iskiming

TEKSTONG IMPORMATIBO

Babasahing di-piksyon

Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon

Naglalayong magpaliwanag nang malinaw

Walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa.

Ang mga impormasyon o kabatirang


inilalahad ng may-akda ay:
hindi nakabatay sa kanyang opinyon kundi sa katotohanan mga datos

hindi nito masasalamin ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa.

Karaniwang may malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang manunulat

nagsasagawa ng pananaliksik o pag-aaral ukol dito.

Tekstong Impormatibo

karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin, aklatan, sa mga


pangkalahatang sanggunian tulad ng ensiklopedya, gayundin sa iba’t ibang websites sa
Internet.

Naglalahad ng mga bagong impormasyon, bagong pangyayari, bagong paniniwala, at mga


bagong impormasyon

Layunin ng tekstong impormatibo

Magbigay ng mahalagang impormasyon upang alisin o linawin ang mga agam-agam na


bumabalot sa isipan ng mambabasa kaugnay sa isang paksa o isyung tinatalakay.

Ang mga kaalaman ay nakaayos nang sunud-sunod at inilalahad nang buong linaw at may
kaisahan.

MGA ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

1. Layunin ng may-akda
 mapalawak ang kaalaman ukol sa isang paksa
 maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag
 matuto ng maraming bagay ukol sa ating mundo
 mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba’t ibang uri ng insekto o hayop at iba pang
nabubuhay.

2. Pangunahing ideya
 Hindi katulad ng tekstong naratibo, dagliang inilalahad ng tekstong impormatibo
ang pangunahing ideya sa mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalagay ng
pamagat sa bawat bahagi o tinatawag na organizational markers
 Nakatutulong ang organizational marker upang agad na makita at malaman ng
mga mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin
Nakatutulong ang organizational marker upang agad na makita at malaman ng mga
mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin
3. Pantulong na Kaisipan
 Mahalaga ang paglalagay ng mga angkop na pantulong na kaisipan o mga detalye.
 Nakatutulong ito na mabuo sa isipan ng mga mambabasa ang pangunahing
ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.
4. Mga istilo sa pagsulat, kagamitan/ sangguniang magtatampok sa mga bagay na
binibigyang-diin:
A. Paggamit ng mga nakalarawang interpretasyon
upang higit na mapalalim ang pang-unawa ng mga mambabasa sa mga tekstong
impormatibo
Halimbawa: Paggamit ng larawan, guhit, dayagram, tsart, timeline at iba pa
B. Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto
upang higit na madaling makita ang mga salitang binibigyang- diin sa babasahin.
Ito ay ang paggamit ng mga estilong tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakahilis,
nakasalungguhit o paglagay ng “panipi”
C. Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto
upang higit na mabigyang-diin ang katotohanang naging batayan ng mga
impormasyong taglay nito.
Inilalagay ng mga manunulat ang mga aklat, kagamitan, at iba pang sangguniang
ginamit

URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO

Paglalahad ng totoong pangyayari / kasaysayan

 Maaring ang pangyayaring isasalaysay ay personal na nasaksihan ng manunulat tulad ng


balitang isinulat ng mga reporter ng mga pahayagan o mga pangyayaring may historical
account.

 Ito ay uri ng tekstong impormatibo na naglalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa
isang panahon o pagkakataon.

Pag-uulat pang-impormasyon

 Ang uri ng tekstong impormatibong ito ay naglalahad ang mahahalagang kaalaman o


impormasyon patungkol sa tao, hayop iba pang bagay na nabubuhay gayundin sa mga
pangyayari sa paligid.
 Halimbawa: Teknolohiya, Global Warming, Cyberbullying

Pagpapaliwanag

 Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang
isang bagay o pangyayari.
 Halimbawa: Siklo ng buhay ng mga hayop at insekto tulad ng paruparo.

Ang sumusunod ay mga babasahing di-piksyon: talambuhay, balita,at artikulo sa magasin. Batay
sa mga halimbawang ito, anong pagpapakahulugan o katangian ang maibibigay mo para sa di-
piksyon?

Ang sumusunod ay mga babasahing piksyon: maikling kwento, tula, at nobela. Batay sa mga
halimbawang ito, anong pagpapakahulugan o katangian ang maibibigay mo para sa mga
babasahing piksyon?

Ang salitang impormatibo ay nagmula sa salitang Ingles na inform. Batay sa pinagmulan ng salita,
anong kahulugan ang maibibigay mo para sa tekstong impormatibo?

Ang ilan sa mga elemento ng tekstong impormatibo ay: layunin ng may-akda, pangunahing ideya,
pantulong na kaisipan, estilo sa pagsulat at kagamitan o sanggunian. Ano ang ibig tukuyin ng
pahayag na pangunahing ideya?

Kailangan ng mga pantulong na kaisipan upang mabuo ang pangunahing ideya. Ano ang ibig
ipahiwatig ng pantulong na kaisipan?

Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng pagpapahayag na ang layunin ay makapagbigay ng


impormasyon. Naglalahad ito ng malinaw na paliwanag sa paksang tinatalakay. Sinasagot nito ang
mga tanong na ano, kailan, saan, sino at paano. Dahil layunin nitong maghatid ng tiyak na
impormasyon, dapat ito ay madaling unawain.

Sa pagsulat ng tekstong impormatibo, ang mga manunulat ay gumagamit ng iba’t-ibang pantulong


upang magabayan ang mga mambabasa para mas mabilis nilang maunawaan ang impormasyon.
Ang ilan sa halimbawa ng mga pantulong ay talaan ng nilalaman, index at glosaryo. Maari ring
gumamit ang mga manunulat ng mga larawan, ilustrasyon, titulo o caption, grap at talahanayan at
tinatawag din itong “ekspositori”.

Tekstong Deskriptibo

Dahil umuulan, nakisilong si Dodoy sa ilalim ng makapal na berdeng


payong ni Ningning na pinalamutian ng mga pulang beads. Ito na
marahil ang pinakamasayang sandali niya sa piling ng kanyang
kasintahan
Dahil umuulan, nakisukob si Dodoy sa ilalim ng payong ni Ningning
na animo’y madahon ng punongkahoy na pinalamutian ng mga
pulang bunga. Abot-langit ang ngiti sa kanyang mga labi sa
pagkakatanong ito kasama ang magpapatibok ng kanyang uso.

Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng mga impresyon


at kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan ng pang-amoy,
panlasa, pandinig, paningin, at panlasa, itinatala ng sumusulat ang
paglalarawan ng mga detalye na kanyang nararanasan.

LAYUNIN NG TEKSTONG DESKRIPTIBO

 Ito ay naglalayong makapaglahad ng kabuuang larawan ng isang


bagay, pangyayari.

 Makapagbigay ng isang konseptong biswal ng mga bagay, pook,


tao, o pangyayari.

Mga elemento (dalawang paraan ng paglalarawan)

Karaniwang Paglalarawan

 tahasang inilalarawan ang paksa sa pamamagitan ng pagbanggit


sa mga katangian nito gamit ang mga pang-uri at pang-abay.

 Inilalahad sa tekstong ito ang mga pisikal na katangian ng


inilalarawan sa pamamagitan ng obserbasyon.
Mga elemento (dalawang paraan ng paglalarawan)

Masining na Paglalarawan

 Ito ang malikhaing paggamit ng wika upang makabuo ng


kongkretong imahe tungkol sa inilalarawan.

 Tinatangka nitong ipakita, iparinig, ipaamoy, ipalasa at ipadama


ang isang bagay, karanasan o pangyayari.

PAGGAMIT NG TAYUTAY UPANG MAGING MALIKHAIN SA


PAGGAMIT NG WIKA SA MASINING NA PAGLALARAWAN.

Simile o Pagtutulad

 paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao at pangyayari


sa pamamagitan ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya, kasing,
kawangis, kapara, animo’y at katulad.

Metapora o Pagwawangis

 tuwirang paghahambing kaya’t hindi na kailangang gamitan ng


mga salitang nagpapahayag ng pagtutulad.

Metapora o Pagwawangis

 tuwirang paghahambing kaya’t hindi na kailangang gamitan ng


mga salitang nagpapahayag ng pagtutulad.

Personipikasyon o Pagsasatao

 Tumutukoy sa paglalapat ng mga katangiang pantao sa mga


bagay na abstrakto o walang buhay.
Hayperboli o Pagmamalabis

 Eksaherado o sobra sa mahinahong katotohanan at hindi dapat


kunin ang literal na pagpapakahulugan.

URI NG PAGLALARAWAN

 SUBHEKTIBO
Ang manunulat ay nakabatay lamang sa kanyang
mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa
katotohanan.
 OBHEKTIBO
May pinagbabatayang katotohanan.

TEKSTONG PERSUWEYSIB
> Isang uri ng teksto na umaapela o pumupukaw sa damdamin ng
mambabasa o tagapakinig upang makuha ang simpatiya nito at
mahikayat na umayon sa ideyang inilahad.
MGA LAYUNIN
 Manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto.
 Umapela o makapukaw ng damdamin sa mambabasa
upang makuha ang simpatiya nito at mahikayat na umayon
sa ideyang inilalahad
 Manghimok o mangumbinsi sa pamamagitan ng pagkuha
ng damdamin o simpatiya ng mambabasa

MGA KATANGIAN

 May subhetibong tono


 Personal na opinyon at paniniwala ng may-akda
 Karaniwang ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas,
propaganda para sa eleksiyon, at pagrerekrut para sa
isang samahan o networking

ELEMENTO NG PANGHIHIKAYAT AYON KAY ARISTOTLE

> Ethos: Ang Karakter, Imahe, o Reputasyon ng Manunulat/


Tagapagsalita Ang salitang ethos ay salitang Griyego na
nauugnay sa salitang etika 

> ngunit higit itong angkop ngayon sa salitang “Imahe”. Ginamit


ni Aristotle ang ethos upang tukuyin ang karakter o kredibilidad
ng tagapagsalita batay sa paningin ng nakikinig. Ang
elementong ethos ang magpapasiya kung kapani-paniwala o
dapat pagkakatiwalaan ng tagapakinig ang tagapagsalita, o
mambabasa ang manunulat. Madaling mahikayat ang mga
tagapakinig kapag ang tagapagsalita ay kilalang may pag-
uugali, maayos kausap, may mabuting kalooban, at maganda
ang hangarin.

Halimbawa:
 
Ang isang Artistang nanghihikayat ng mga turista upang
bisitahin ang isang isla sa Pilipinas.

Logos: Ang Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng manunulat/


Tagapagsalita 

Ang salitang Griyego na logos ay tumutukoy sa pangangatwiran.


Nangangahulugan din itong panghihikayat gamit ang lohikal na
kaalaman. Tumutukoy rin ito sa pagiging lohikal na nilalaman o kung
may katuturan ba ang sinasabi upang mahikayat o mapaniwala ang
tagapakinig na ito ay totoo. Sa ating lipunan, malaki ang
pagpapahalaga sa lohika at pagiging makatwiran ng mga estratehiya
gamit ang mga retorikal na pangangatwirang pabuod (Deductive) at
pasaklaw (Inductive)

Halimbawa:
 
Ang isang taong nanghihikayat na bumili ng kanilang sabon dahil ang
sabon na iyon ay makakaputi

Pathos: Emosyon ng mambabasa/ Tagapakinig

Pathos ang elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa emosyon o


damdamin ng mambabasa o tagapakinig. May kakayahan ang tao na
gumawa ng sariling desisyon dahil mayroon siyang pag-iisip at lahat
ng ginagawa ng tao ay bunga ng kaniyang pag-iisip. Subalit hindi niya
nakikita na malaki rin ang impluwensiya ng emosyon kagaya ng galit,
awa, at takot sa pagdedesisyon at paghuhusga. Emosyon ang
pinakamabisang motibasyon upang kumilos ang isang tao.

Halimbawa:
 
Ang pagsasalaysay ng isang kuwentong makaantig ng puso tulad ng
galit o awa ay isang mabisang paraan upang mahikayat silang
pumanig sa manunulat.

PROPAGANDA DEVICES

1. Name-Calling
Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang puna o taguri sa isang
produkto o katunggaling politiko upang tangkilikin. Karaniwang
ginagamit ito sa mundo ng politika.
Halimbawa:
Ang pekeng sabon, bagitong kandidato
2. Glittering Generalities
Ito ay ang magaganda at nakakasilaw na pahayag ukol sa isang
produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng
mambabasa.

Halimbawa:
 
Mas nakakatipid sa bagong Tide. Ang iyong damit ay mas
magiging maputi. Bossing sa katipiran, bossing sa kaputian.

3. Transfer-
Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa
isang produkto o tao ang kasikatan.
Halimbawa:
Pagpromote ng isang artista sa isang hindi sikat na brand

4. Testimonial
- Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag-endorso
ng isang tao o produkto.

Halimbawa:
 
Ang isang taong nagpapatunay na siya ay pumuti dahil sa
ginamit niyang sabon sa pamamagitan ng pagpapakita ng
ebidensiya.
 
Kapag eleksyon, sinasabi at nagbibigay ng testimonya ang
kandidato na huwag ding kakalimutan ng sambayanan ang
kanyang kapartido

5. Plain Folks
Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan
ang mga kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong
taong nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo.
Halimbawa:
 
Ang kandidato tuwing eleksyon ay hindi nagsusuot ng
magagarbong damit at pinapakita nila na nagmula at galing rin
sila sa hirap.
6. Card Stacking
pinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng
produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang
katangian. Halimbawa: Lucky Me, Pinapakita dito ang
magandang dulot nito sa pamilya, ngunit sa labis na pagkain
nito, nagdudulot ito ng sakit sa bato at UTI.
7. Bandwagon
Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang
isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay
sumali na.
Halimbawa:
Buong bayan ay nag-e- LBC peso padala na.

You might also like