EsP 10-Modules-5 - 6-Q2W5-6 (16pages
EsP 10-Modules-5 - 6-Q2W5-6 (16pages
EsP 10-Modules-5 - 6-Q2W5-6 (16pages
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Sariling Linangang Modyul
Ikalawang Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
Modyul 5: Mga Yugto ng Makataong Kilos
Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
Pamilyar ba sa iyo ang mga salitang: “Bahala na nga,” “Sige na nga,” o kaya naman
ay “’P’wede na ‘yan?” Ang mga salitang ito ang nabibigkas mo lalo na kung hindi ka segurado
sa iyong pipiliing pasiya o kung nagmamadali ka sa iyong isasagawang kilos.
Bahagi ng buhay ng tao ang magsagawa ng pasiya. Naging madali ba para sa iyo ang
magpasiya? Ito ba ay makataong kilos? Mahalaga na makita mo kung ang pipilin mo ba ay
nakabatay sa makataong pagkilos.
. May pagkakasunod-sunod (sequence) ang pagsasagawa ng makataong kilos. Para
kay Sto. Tomas de Aquino, may 12 yugto ito. Nahahati sa dalawang kategorya ito: ang isip at
kilos-loob. Kung daraan ka sa mga yugtong ito, tiyak na magiging mabuti ang kalalabasan ng
iyong isasagawang kilos.
Naririto ang mga yugto ng makataong kilos ni Sto. Tomas de Aquino.
Isip Kilos-loob
1. Pagkaunawa sa layunin 2. Nais ng layunin
3. Paghuhusga sa nais makamtan 4. Intensiyon ng layunin
5. Masusing pagsusuri ng paraan 6. Paghuhusga sa paraan
7. Praktikal na paghuhusga sa pinili 8. Pagpili
9. Utos 10. Paggamit
11. Pangkaisipang kakayahan ng layunin 12. Bunga
Sitwasyon:
Nakakita si Alvin ng isang bagong modelo ng
cellphone sa isang mall kung saan siya namamasyal.
Lahat ng kaniyang mga kaibigan ay mayroon na nito.
2
Suriin natin ang paglalapat ng makataong kilos sa sitwasyong ito.
1. Pagkaunawa sa layunin. Matagal na niyang nais magkaroon ng cellphone na bago
sapagkat ang ginagamit niya ay luma na.
2. Nais ng layunin. Ang unang reaksiyon ni Alvin ay ang pagkakaroon ng pagnanasa rito.
Nag-iisip na siya kung saan kukuha ng pera para mabili ito.
3. Paghuhusga sa nais makamtan. Ito ang nais ng kaniyang kalooban, ang magkaroon ng
bagong modelo ng cellphone.
4. Intensiyon ng layunin. Hanggang ngayon ay wala pa ring kalayaan si Alvin na pumili
sapagkat ang kaniyang kilos-loob ay likas na tumatanggap lamang kung ano ang mabuti na
sinasabi ng kaniyang isip. Mayroon siyang pera ngunit iniipon niya iyon para sa kaniyang pag-
aaral sa kolehiyo. Kailangan niyang pumili, bilhin niya ang bagong modelo ng cellphone o
hayaang maubos ang pera para sa kaniyang pag-aaral sa kolehiyo. Kung itinigil na niya ang
ideya na bilhin ang cellphone, natatapos na rito ang moral na kilos. Ngunit, kung nag-isip pa
siya ng ibang alternatibo tulad ng panghihiram ng pera sa mga kaibigan o barkada, ang moral
na kilos ay nagpapatuloy. Pinag-iisipan na niya ngayon ang ibat ibang paraan upang mabili
ang bagay na iyon. Bibilhin ba niya ito ng cash o installment? O nanakawin ba niya ito?
5. Masusing pagsusuri ng paraan. Ang pagsusuri ng paraan
na kaniyang gagawin ay nagpapatuloy at ang pagsang-ayon Ang mabuting
3
Sa katunayan, ang moral na kilos ay nagtatapos na Sa anumang isasagawang
sa ikawalong yugto – ang pagpili. Kung kaya’t kailangan ng proseso ng pagpapasiya,
masusing pagninilay bago isagawa ang pagpili. Hindi ito mahalaga na mabigyan ito
madali dahil kailangan itong pag-aralang mabuti at ng sapat na panahon
timbangin ang bawat panig ng mga bagay-bagay upang upang mapagninilayan ang
makita kung alin ang mas makabubuti dahil dito nakasalalay bawat panig ng
ang anumang maaaring kahinatnan nito. isasagawang pagpili.
Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na iyong:
1. naipaliliwanag ang bawat yugto ng makataong kilos; at
2. natutukoy ang mga kilos at pasiyang nagawa na umaayon sa bawat yugto ng
makataong kilos.
(EsP10MK-IIe-7.2, EsP10MK-IIf-7.3)
Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakatamang sagot.
Isulat ito sa isang malinis na papel.
1. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay
Sto. Tomas de Aquino?
a. Isip at Kilos-loob c. Paghuhusga at Pagpili
b. Intensiyon at Layunin d. Sanhi at Bunga
2. Sa tuwing dumarating sa buhay ni Amir ang pagpapasiya palagi niyang tinatanong
ang kaniyang sarili kung ito ba ang nais ng Diyos o naaayon sa Kaniyang kautusan?
Sa iyong palagay, saan hakbangin ng moral na pagpapasiya si Amir?
a. Tingnan ang kalooban c. Maghanap ng ibang kaalaman
b. Isaisip ang posibilidad d. Umasa at magtiwala sa Diyos
3. Niyaya si Alfred ng kaniyang mga kamag-aral na huwag pumasok at pumunta na
lamang sa isang computer shop. Hindi kaagad sumang-ayon si Alfred bagkus ito ay
kaniyang pinag-isipang mabuti kung ito ba ay tama o mali at ano ang sakaling
magiging epekto nito kung sakaling sumama siya. Anong proseso ng pakikinig ang
ginamit ni Alfred?
a. Isaisip ang mga posibilidad c. Tingnan ang kalooban
b. Maghanap ng ibang kaalaman d. Magkalap ng patunay
4
4. Habang naglalakad sa mall si Mary Rose ay nakakita siya ng sapatos. Matagal na
niyang gustong magkaroon ng ganoong klaseng sapatos. Tumigil siya sandali at
nag-isip kung saan siya kukuha ng pera upang mabili ito. Nasa anong yugto ng
makataong kilos si Mary Rose?
a. Intensiyon ng layunin c. Pagkaunawa sa layunin
b. Nais ng layunin d. Praktikal na paghuhusga sa pagpili
5. Gamit ang halimbawa sa Bilang 2. Pinag-isipan ni Mary Rose ang iba’t ibang paraan
upang mabili niya ang sapatos. Hihingi ba siya ng pera sa kaniyang magulang, mag-
iipon, o magnanakaw ng pera upang mabili ito. Nasaan na kayang yugto ng kilos si
Mary Rose?
a. Intensiyon ng layunin c. Paghuhusga sa nais makamtan
b. Pagkaunawa sa layunin d. Masusing pagsusuri ng paraan
Balikan
Sa naunang aralin, natutuhan mo na maaaring makaapekto ang kamangmangan,
masidhing damdamin, takot, karahasan, at ugali sa pananagutan ng tao sa kalalabasan ng
kaniyang pasiya at kilos. Layunin naman ng modyul na ito na lalo pang mapalawak ang iyong
kaisipan sa masusing paggamit ng iyong isip na kaloob ng Diyos at maging mapanagutan sa
bawat isasagawang kilos at pasiya.
Tuklasin
Panuto: Isulat sa loob ng parisukat kung ano ang kahulugan ng Makataong Kilos para sa
iyo. Pagkatapos ay sagutin ang mga gabay na tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
Makataong Kilos
5
Gabay na mga Tanong:
1. Bakit iyan ang mga kahulugan mo sa makataong kilos? Ipaliwanag.
2. Kailangan ba na palaging isagawa ang makataong kilos sa lahat ng oras o
pagkakataon? Bakit?
3. Paano ito makatutulong sa iyo sa araw-araw na pamumuhay?
Suriin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon. Lagyan ng tsek (√) ang Oo kung
ang tauhan ay nagpapakita ng makataong kilos, at ekis (X) ang Hindi kung ito ay hindi
nagpapakita ng makataong kilos. Ipaliwanag ang iyong sagot. Pagkatapos ay sagutin ang
mga gabay na tanong. Gawin ito sa sagutang papel.
Sitwasyon A
Niyaya si Omar ng kaniyang kamag-aral na huwag munang umuwi
pagkatapos ng klase dahil mag-iinuman daw sila. Sumama si Omar kahit
ipinagbabawal ito ng kaniyang magulang.
Nagpakita ba si Omar ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( )
Bakit:________________________________________________________
Sitwasyon B
Hindi nakapag-aral si Monica sa Filipino kahit alam niyang mayroon
silang pagsusulit. Sa oras ng pagsusulit ay maraming tanong na hindi niya
nasagot. Sinabihan siya ng kaniyang katabi na pakokopyahin siya ng sagot
subalit tinanggihan niya ito.
Nagpapakita ba si Monica ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( )
Bakit: ____________________________________________________
Sitwasyon C
Nakita ni Abdullah na ang kaniyang kamag-aral na si Fatima ang
kumuha ng cellphone ng kaniyang guro. Ngunit nanahimik na lamang siya
upang huwag nang madamay pa.
Nagpakita ba si Abdullah ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( )
Bakit: _____________________________________________________
6
Gabay na mga Tanong:
1. Mahalaga ba para sa iyo ang pagsasagawa ng makataong kilos? Pangatuwiranan.
2. Nakatutulong ba sa tao ang pagsasagawa ng makataong kilos? Ipaliwanag.
Pagyamanin / Isagawa
Panuto:
7
pagpapasiya pagpapasiya pagpapasiya pagpapasiya
sa paksa sa paksa sa paksa sa paksa
Kabuuang Puntos
Gaano kahalaga ang sapat na panahon bago magsagawa ng pasiya? Sukatan ito mula 1
hanggang 10. Kung saan ang 1 ang pinakamababa at 10 ang pinakamataas.
Ipaliwanag.
Tayahin
Panuto: Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong
naunawaan, sagutin mo ang sumusunod na tanong sa isang malinis na papel.
1. Ano ang kabutihang dulot ng yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
2. Bakit mahalagang gamitin natin ang ating isip at kilos-loob ayon sa kanilang tunguhin sa
pagsasagawa ng pagpapasiya?
3. Paano makatutulong ba ang proseso ng pakikinig sa isang kabataang katulad mo sa
pagsasagawa ng mabuting pasiya? Pangatuwiranan.
4. Ano-ano ang maaari mong gawin upang mailapat ang iyong mga pagkatuto sa modyul
na ito?
Sanggunian:
Inihanda ni:
Janelle N. Gustilo
SST-I, Sapang Bato National High School
Isinumite kay:
EDGARDO S. NUNAG
EPSvr 1 – EsP
8
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
GAWAING PAGKATUTO MODYUL
Modyul 6: Mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya
Pangalan: ___________________________________________Q2W6
Seksiyon: ___________________________________________ Petsa: _____________
Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
Mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya
Bahagi ng buhay ng tao ag magsagawa ng pasiya. Ito ay madalas mong ginagawa sa
iyong pang-araw-araw na buhay. Kung tatanungin kita, mula sa iyong iba’t ibang karanasan
ng pagsasagawa ng pasiya, masasabi mo bang madali ang mga
ito para sa iyo? Ito ba ay nakapagdulot sa iyo ng tagumpay o
kabiguan? Ito ba ay nagpapakita ng makataong kilos? Ngayon ay
inaanyayahan kitang balikan mo ang bawat sitwasyon kung saan
gumawa ka ng pagpapasiya. Isipin mong mabuti kung ano-ano ito
mula pinakasimple sa pinakamahirap na pasiya. Nakatulong ba ito
upang ikaw ay lalong maging isang mabuting tao? Ito ba ay
nakabatay sa pinakahuling layunin ng tao na makapiling ang Diyos sa kabilang buhay?
Ang bawat pangyayari sa iyong buhay ay bunga ng iyong pagpapasiya. Tulad ng isang
nagmamaneho ng sasakyan, siya ang may hawak na manibela at siya ang nagdadala kung
saang direksyon niya nais pumunta. Gayundin ang tao, ang bawat kilos at pasiya na kaniyang
gagawin ay may epekto sa kaniyang sarili at kapuwa kung kaya’t kailangan na ito ay isagawa
nang maingat gamit ang talino na ibinigay ng Diyos. Kung iyo lamang titingnang mabuti sa
bawat araw na nagsasagawa ka ng kilos, may mga kilos na
Ang mabuting
hindi mo kailangang pag-isipan tulad ng paghinga, pagbahin
pagpapasya ay isang
kung ikaw ay sinisipon, paglakad, at iba pa. Ngunit mayroon ka
proseso kung saan
ring mga kilos na kailangan mong pag-isipan at pagnilayan tulad
malinaw na nakikilala o
ng: kung papasok ba sa paaralan, makikinig bas a tinuturo ng
nakikita ng isang tao
guro, kakain ba ng almusal bago pumasok, susunod ba sa utos
ang pagkakaiba-iba ng
ng magulang, gagawa ba ng takdang-aralin, at marami pang
mga bagay-bagay.
iba. Ang mga ito ay kailangan ng maingat na pagtitimbang sa
kung ano ang dapat piliin at kung anong kilos ang dapat gawin. Mahalaga na makita mo kung
ang pipiliin mo ay nakabatay sa makataong pagkilos.
Ang bawat kilos ng isang tao ay may dahilan, batayan, at pananagutan. Sa anumang
isasagawang pasiya, kinakailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang idudulot
9
nito. Ang mabuting pagpapasiya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita
ng isang tao ang pagkakaiba- iba ng mga bagay-bagay.
Sa yugto ng iyong buhay sa ngayon, napakahalaga na dumaan ka sa proseso bago
ka magsagawa ng pagpapasiya. Makatutulong sa iyo ang proseso ng pakikinig (LISTEN
process). Ito ay isang malalim na pagkaunawa gamit ang tamang konsensiya. Ito rin ang
magsisilbing gabay sa mga sitwasyon na kinakaharap mo sa ngayon at mula rito matututuhan
mo na ang moral na pagpapasiya ay isang kakayahan na may malaking kontribusyon sa
anumang moral na dilemma.
Naririto ang mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya (LISTEN):
1. Magkalap ng patunay (Look for the facts). Mahalaga na sa unang hakbang pa
lamang ay tanungin mo na agad ang iyong sarili. (kung anong patunay ang aking
kailangang malaman upang makagawa ng mabuting pasiya?)
2. Isaisip ang mga posibilidad (Imagine possibilities). Mahalaga na tingnang mabuti
ang mga posibilidad na mga pagpipiliang magagawa para sa sitwasyon.
3. Maghanap ng ibang kaalaman (Seek insight beyond your own). Hindi sa lahat ng
oras o pagkakataon ay alam mo ang mabuti. Kailangan mo pa ring maghanap ng
mga magagandang kaalaman na maaaring makapagbigay sa iyo ng inspirasyong
makagawa ng tamang pagpapasiya.
4. Tingnan ang kalooban (Turn inward). Ano ang sinasabi sa iyo ng iyong kalooban
tungkol sa sitwasyon? Ano ang personal mong nararamdaman ukol sa sitwasyon?
Ang lahat ng katanungan ay kailangan mong sagutin sapagkat sa anumang pasiya
na iyong gagawin, kailangan na ikaw ay magiging masaya.
5. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos (Expect and trust in God’s help).
Tanging ang Diyos lamang ang nakaaalam ng pinakamabuti para sa atin, kaya’t
napakahalaga na tumawag sa Kaniya sa pamamagitan ng panalangin. Ito ang
pinakamabisang paraan upang malaman kung ano ang magandang plano Niya
para sa atin. Ito rin ang magsisilbing lakas na magagamit sa sandaling dumaranas
sa mahirap na sitwasyon.
6. Magsagawa ng pasiya (Name your decision). Dito ay magsasagawa ka na ng
pagpapasiya. Maaari mong tanungin ang iyong sarili kung bakit mo ito pinili. Ano
ang iyong mga plano sa iyong ginawang pagpili? Ikaw ba ay masaya rito? Ito ba
ay batay sa moral na pamantayan? Makatutulong ang mga tanong na ito upang
kung mayroon ka pang agam-agam o pagkalito sa iyong pipiliin, ay mapagnilayan
mo itong mabuti.
10
Bilang kabataang katulad mo, napakabilis ng araw para sa iyo, kung kaya’t napakabilis
din ang pagsasagawa ng pasiya. Lagi mong tatandaan
Dahil sa isip at kilos-loob ang
na sa lahat ng nilikha ng Diyos, ang tao lamang ang
tao ay nakasasagawa ng
binigyan Niya ng isip at kilos-loob. Ito ay para gamitin
mabuting kilos na nagpapakita
sa pagsasagawa ng mabuting pasiya at kilos. At dahil
ng pagmamahal hindi lamang sa
may isip at kilos-loob ang tao, magagamit ito sa
kapuwa kundi lalo’t higit sa
pagsasagawa ng mabuting kilos na nagpapakita ng
Diyos.
pagmamahal hindi lamang sa kapuwa kundi lalo’t higit
sa Diyos.
Sa magulong mundo na iyong ginagalawan, makatutulong para sa iyo na kung ikaw
ay magpapasiya o ikaw ay manahimik. Damhin mo ang presensiya ng Diyos upang ikaw ay
makapag-isip mabuti at matimbang ang mga bagay-bagay. Makatutulong ito sa iyo upang
lubusan mong malaman at mapagnilayan kung ano ang makabubuti para sa iyo, sa kapuwa
at sa lipunan.
Handa ka na ba? Tayo na! Simulan na natin ang pagtuklas ng mga hakbang
sa pagsasagawa ng moral na pagpapasiya
Alamin
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang na iyong:
1. naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng kahalagahan ng
deliberasyon ng isip at kilos - loob sa paggawa ng moral na pasya at kilos; at
2. nakapagsusuri ng sariling kilos at pasya batay sa mga yugto ng makataong kilos at
nakagagawa ng plano upang maitama ang kilos o pasya.
(EsP10MK -IIf -7.4, EsP10MK -IIg -8.1)
Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakatamang sagot.
Gawin ito sa sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?
a. Tingnan ang kalooban
b. Magkalap ng patunay
c. Isaisip ang posibilidad
d. Maghanap ng ibang kaalaman
11
2. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na iyong
gagawin?
a. Isaisip ang mga posibilidad
b. Maghanap ng ibang kaalaman
c. Umasa at magtiwala sa Diyos
d. TIngnan ang kalooban
5. Sa tuwing dumarating sa buhay ni Amir ang pagpapasiya palagi niyang tinatanong ang
kaniyang sarili kung ito ba ang nais ng Diyos o naaayon sa Kaniyang kautusan? Sa
iyong palagay, nasaan kayang bahagi ng hakbang ng pagpapasiya si Amir?
a. Tingnan ang kalooban c. Maghanap ng ibang kaalaman
b. Isaisip ang posibilidad d. Umasa at magtiwala sa Diyos
Tuklasin
Panuto:
1. Mag-isip ng mga sitwasyon sa iyong buhay na hindi mo malilimutan. Isulat kung
paano ka nagpasiya at nagpakita ng makataong kilos sa bawat sitwasyon.
2. Punan ang hanay sa ibaba. Gabay mo ang halimbawa. Pagkatapos ay sagutin
ang mga gabay na tanong. Gawin ang mga ito sa sagutang papel.
12
Sitwasyon sa buhay Kilos na Epekto ng Mga realisasyon
na nagsagawa ng isinagawa isinagawang pasiya
pasiya
Hal. Blg. 1 Hindi sumama Naunawaan ang Ang realisasyon ko
Niyaya ng kaibigan at pinili na tinalakay ng guro ay mas makabubuti
na mag-cutting pumasok sa at nakakuha ng na piliin ang
classes. klase pasang marka sa pagpasok sa klase
pagsusulit sa araw dahil may mabuti
na iyon. itong maidudulot sa
pag-abot ko ng
aking pangarap at
tunguhin sa buhay.
2.
Suriin
GAWAIN 1
Panuto: Ano ang naunawaan mo sa iyong mga binasang konsepto sa panimulang bahagi ng
modyul? Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan, sagutin mo ang mga sumusunod
na tanong. Isulat ang iyong sagot sa malinis na papel.
1. Ano ang kahulugan ng mabuting pagpapasya?
2. Paano nakatutulong sa tao ang pagsasagawa ng mabuting pagpapasiya? Ipaliwanag.
3. Ano ang iyong pagkaunawa tungkol sa proseso ng pakikinig?
4. Ano-ano ang hakbang sa moral na pagpapasiya? Ipaliwanag ang bawat isa.
13
Pagyamanin / Isagawa
Panuto:
1. Isipin mo ang mga maling pasiya na naisagawa sa iyong pamilya, kaibigan, pag-aaral,
barangay, at simbahan. Isulat mo ito sa unang hanay.
2. Isulat naman sa panagalawang hanay kung paano mo ito iwawasto.
3. Isulat ang iyong sagot sa malinis na papel.
Maling pasiyang naisagawa…… Paano ito iwawasto
1. Sa pamilya
2. Sa kaibigan
3. Sa pag-aaral
4. Sa barangay
5. Sa simbahan
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang TAMA kung tama ang
pahayag MALI naman kung ito ay mali. Isulat ang iyong sagot sa malinis na papel.
1. Ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya ang magkalap ng patunay.
2. Ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay Sto.
Tomas de Aquino ay sanhi at bunga.
3. Kailangang isaisip at timbangin ang 14abuti at masamang naidudulot ng pasiya dahil sa
bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.
4. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensya at binibigyang halaga
mo kung ang iyong pasiya, makapagpapasaya sa iyo o hindi nasa bahaging magkalap ng
patunay ka ng Hakbang sa Moral na Pagpapasiya.
5. Ang paghahanap ng ibang kaalaman ang pinakahuling hakbang pagsasagawa ng pasiya.
14
Sanggunian:
MELCs-Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao- ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon,
Department of Education, 2015
EsP-DepEd Alternative Delivery Mode, Unang Edisyon 2020
Iwinasto ni:
RONA B. DAVID
ESP Coordinator
Subukin
5. A 4. B 3. A 2. D 1. A
Subukin
Tayahin
15