DETAILED LESSON PLAN IN MOTHER TONGUE Cot1 2019

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

DETAILED LESSON PLAN IN MOTHER TONGUE

Integration of MAPEH (Health)


Unang Markahan
Ikalimang na Linggo
June 24, 2019

I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakikilala ang mga salitang magkasintunog sa maikling tugma na bibigkasin ng guro. MT1PA-Ib-i-1.1
b. Malayang nakapagbabahagi ng opinyon at saloobin sa talakayan.
c. Natutukoy ang mga larawan na nagpapakita ng magkasintunog o tugma. MT1PA-Ib-i2.1

II. Paksang- Aralin:


Paksa: Tugma
Kagamitan: Chalk and board, larawan na maaring magpakita ng magkasintunog o may tugma na mga bagay,
charts, manila paper at pentouch.
Sanggunian: K-12 Mother Tongue Curriculum Guide May 2016 pahina 12
DLL in Mother Tongue 1st quarter (depedclub.com)
Kagamitan ng mga Mag-aaral sa Mother Tongue

III. Pamamaraan:
AKTIBIDAD NG GURO AKTIBIDAD NG MGA MAG-AARAL

A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral o Pagsisimula ng Bagong Aralin

“Noong nakaraang linggo ay pinag-aralan natin ang iba’t ibang mga tunog na naririnig
natin sa ating paligid. May mga tunog mula sa mga hayop, gayundin sa mga bagay at
mga sasakyan. Naalala niyo pa ba ang mga ito?” “Opo.”
“Sige nga tingnan nga natin kung tanda pa ninyo ang mga ito.”

Gamit ang PowerPoint presentation, magpapakita ang guro ng larawan ng mga hayop,
(Aktibong makikilahok ang lahat ng
bagay at sasakyan at hahayaang gayahin ng mga bata ang akmang tunog ng mga ito.
mga mag-aaral)

2. Pagganyak:
Magpapakita ang guro ng mga larawan sa pisara at hahayaan ang mga bata na tukuyin
ang ngalan ng mga nasa larawan.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad at Pagtatalakay
(Ipapabigkas ng guro sa mga bata ang mga nabuong salita mula sa mga nakapaskil na
larawan.)

“Ano nga ulit ang mga nasa larawan?”


“Puso at Baso”
“Tama! Puso at baso. Ano ang napansin ninyo sa hulihang tunog ng mga salita?
Magkatulad ba ang kanilang mga tunog? “Opo.”

“Ang salitang puso at baso ay halimbawa ng mga salitang magkatulad o magkapareho ng


tunog. Kapag ang dalawang salita ay magkasing tunog, ito ay tinatawag nating tugma.

(Magbibigay pa ng ibang halimbawa ang guro ng mga larawang nagpapakita ng tugma.)

1. relo-walo
2. aso-laso
3. gulay-suklay
relo walo

8
Aktibong makikinig ang mga mag-
aaral at magbabahagi ng kanya-
kanyang opinyon kung
kinakailangan.)

aso laso

gulay suklay

1. 1 Boardwork:
Lagyan ng tsek kung ang mga salita ay tugma. Ekis X kung hindi.
____________1. kahon – dahon
____________2. kahoy – bahay
____________3. lapis – papel Magbabahagi ng kanya-kanyang
____________4. saging – baging opinyon ang mga bata.
____________5. baka – pako

1. 2 Iparinig ang tugma na babasahin ng guro.

Kaibigang baka
Nagbibigay ng gatas
Kaya’t ako ay lumalakas
Sa bawat iniinom na katas

Mga Tanong:
 Tungkol saan ang tugma?
 Batay sa inyong narinig, ano-ano ang mga salitang magkasintunog sa tugma?
Gatas-Katas
Integration of MAPEH (Health):
Batay sa ating napag-aralan noon sa MAPEH, saan nabibilang ang gatas? Sa
masustansiyang pagkain o hindi gaanong masustansiyang pagkain? Bakit kaya
mahalagang uminom tayo ng gatas?
“masustansiya”
“Tama! Ang gatas ay masustansiyang pagkain na nakukuha sa mga baka. Ito ay
nakakatulong upang tayo ay lumakas at tumibay ang mga buto. Kaya dapat, ang mga
batang tulad ninyo ay palaging umiinom ng gatas, naiintindihan ba?”
“Opo.”

2. Paglalahat

“Ano nga ulit ang tawag sa mga salitang magkaparehas o magkatulad ang tunog?”
“Tugma”
Ipabigkas:
“Kapag ang dalawang salita ay magkaparehas ang tunog, ito ay tinatawag na tugma.”
Sabay-sabay na bibigkasin ng mga
bata ang sinabi ng guro.

3. Aplikasyon: ( Groupwork)

Hahatiin ng guro ang mga mag-aaral sa tatlong grupo. Kailangang magtutulong-tuklong ang bawat
miyembro upang masagutan nang tama ang mga gawain na ibinigay sa kanilang grupo.
Mga tuntunin sa group activity:
1. Tumulong at wag makipag-away sa mga kagrupo sa pagsasagawa ng gawain.
2. Iwasan ang paglalakad.
3. Iwasan ang pag-iingay at di kaaya-ayang pakikipag-usap sa kaklase.
4. Ilagay sa tamang lagayan ang mga papel o kalat na makukuha sa double sided tape.

Group 1:
Iguhit sa ibabang bahagi ng papel na ibibigay ng guro ang dalawang bagay na
magkasingtunog o tugma.
(Aktibong makikilahok ang mga
mag-aaral at magbabahagi ng
kanya-kanyang opinyon sa mga
kagrupo.)

Group 2:
Salungguhitian ang dalawang salita na magkasintunog o tugma.

Ang unga ng kalabaw


Doon sa lubluban
Ang batang magalang,
Tuwa ng magulang

Group 3:
Lagyan ng tsek kung ang mga larawan ay nagpapakita ng tugma. Ekis naman kung hindi.

ibon sabon

sapatos susi

IV. Pagtataya
Lagyan ng tsek ( / ) kung ang mga larawan ay nagpapakita ng magkasintunog o tugma at ekis ( X ) naman kung
hindi.

_____________1. bola – lobo


_____________2. batis – kamatis
_____________3. tulak – bobo
_____________4. orasan – lapis
_____________5. hari – pari

V. Takdang-aralin
Sumulat ng tatlong halimbawa ng mga salitang magsintunog o tugma sa kwaderno.

Prepared by:

PIA MARIEL C. TOTANES


TEACHER 1

You might also like