Baitang-6-Modyul 1 Edited

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 32

6

Filipino
Unang Markahan – Modyul 1:
Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa
Napakinggan/Nabasang Pabula,
Kuwento, Tekstong
Pang-Impormasyon at Usapan
Filipino– Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Pagsagot sa mga Tanong tungkol sa
Napakinggan/Nabasang Pabula, Kuwento, Tekstong Pang-impormasyon at Usapan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyulna ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Maribel M. Baltar
Editor: Francisca L. Pinos
Lawrence B. Aytona
Tagasuri: Marijo N. Panuncio
Ma. Gemma A. Bimbao
Celestino S. Dalumpines IV
Tagaguhit: Rolan B. Bulaclac
Swelyn E. Forro
Tagalapat: Esmeralda A. Dagmil
Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma
Salvador O. Ochavo, Jr.
Elena P. Gonzaga
Jerry A. Oquindo
Segundina F. Dollete
Shirley A. De Juan
Merlie J. Rubio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region VI
Office Address: Duran Street, Iloilo City
Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653
E-mail Address: [email protected]
6

Filipino
Unang Markahan – Modyul 1:
Pagsagot sa mga Tanong Tungkol
sa Napakinggan/Nabasang
Pabula, Kuwento, Tekstong
Pang-Impormasyon at Usapan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 6 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa
Napakinggan/Nabasang Pabula, Kuwento, Tekstong Pang-impormasyon at Usapan.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

1
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 6 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Napakinggan/
Nabasang Pabula, Kuwento, Tekstong Pang-impormasyon at Usapan.
Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Kumusta, kaibigan!
Isang panibagong paglalakbay na naman ang
iyong kahaharapin ngayon nasa ika-6 na
baitang ka na ng iyong pag-aaral. Ngunit,
huwag kang mag-alala dahil sa paglalakbay
mong ito, ako ang iyong makasasama.
Hindi ka rin mahihirapan sa pag-aaral
mo dahil ang modyul na ito ay isinulat batay
sa iyong kakayahan. Tiyak na ang mga pag-
aaralan mo ay iyong kapapanabikan lalo na’t
ito ay mga babasahing pupukaw ng iyong
kaisipan at interes.
Pagkatapos naman ng ating
paglalakbay, ikaw ay inaasahang:
• nakasasagot ng mga tanong
tungkol sa napakinggan/nabasang
pabula, kuwento, tekstong pang-
impormasyon at usapan. (F6PN-Ia-g-
3.1, F6PN-Ia-g-3.1, F6PB-Ic-e-3.1.2,
F6PN-Ia-g-3.1)

Handa ka na bang maglakbay?


Subukin muna natin ang iyong kaalaman tungkol sa
pag-aaral na ating gagawin.
Nakapagbasa ka na ba ng kuwento kung saan ang mga
tauhan ay mga hayop na kumikilos at nagsasalita na parang
tao? Alam mo ba kung anong uri ito ng babasahin? Tama!
Ang tawag dito ay pabula.

1
Subukin

Basahin mo ang isang pabula at sagutin ang sumusunod na mga tanong.


Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.

Si Manoka

Sa isang liblib na pook ay may nakatirang pamilya ng mga manok.


Simple, masaya at puno ng pagmamahal ang kanilang maliit na tirahan.
Mapagmahal na ama si Tandang Diro at responsableng asawa si
Inahing Nika. May lima silang anak, si Manoka ang panganay na kapag
wala ang mga magulang, siya ang napag-iiwanan ng mga kapatid.
Isang araw maagang umalis ang mag-asawa upang dumayo sa
anihan ng mais sa karatig bayan. Pinagbilinan ng ama na bantayan at
pakainin ang mga kapatid. Nagluto na si Manoka. Inisa-isa niyang ginising
ang mga kapatid, laking pagtataka niya wala ang bunso niyang kapatid.
Iniwan ang iba pang mga kapatid habang kumakain. Tanong dito, tanong
doon ang ginawa niya ngunit ni isa man ay walang makakapagturo dito
hanggang siya’y makarinig ng isang boses na tumatawa at malakas na
nagsasalita, “Diyan ka nababagay munting sisiw, sa kumunoy, hanggang
sa ika’y malunod, ha! ha! ha!,” malakas na tawa ni Asong Malupit. Lumapit
si Manoka, nakita niya si Mikmik, ang bunso nilang kapatid umiiyak at
parang takot na takot. Naghanap si Manoka ng mahabang kahoy at
inihampas niya ito sa nakabungisngis na aso. “Malupit ka!, buong lakas na
hinampas niya ang aso hanggang kumaripas ito ng takbo. “Yeheey! Ligtas
na ako, iniligtas ako ng Ate Manoka ko,” buong kasiyahang niyakap ni
Mikmik ang ateng tagapagligtas niya.
Sariling Katha ni Marijo Panuncio

2
Mga tanong:

1. Ano ang pamagat ng nabasang pabula?

A. Si Manoka
B. Ang Tandang
C. Ang Asong Malupit
D.Ang Magkapatid na Manok

2. Sino ang mapagmahal at masunurin na tagapag-alaga ng kaniyang


mga kapatid?
A. Si Daga
B. Si Mikmik
C. Si Manoka
D. Si Asong Malupit

3. Sino-sino ang naghahanap ng pagkain para sa pamilya ni Manoka?


A. Si Asong Malupit
B. Sina Manoka at Mikmik
C. Si Manoka at mga kapatid
D. Sina Tandang Diro at Inahing Nika

4. Ano ang gawain ni Manoka kapag wala ang mga magulang sa bahay?
A. Naglalaro sa labas ng bahay.
B. Hinahayaan ang mga kapatid sa kalsada.
C. Hindi binibigyan ng pagkain ang mga kapatid.
D. Nagluluto, nagbabantay at nagpapakain sa mga kapatid.

5. Kailan nalaman ni Manoka na nawawala ang kaniyang bunsong


kapatid?
A. Nakita niya na lumabas si Mikmik.
B. Pagkatapos na siya ay naglalaro sa labas ng bahay.
C. Gigisingin na niya ang mga kapatid para sa kumain.
D. Pagkagising nakita niya wala na sa higaan ang kapatid.

6. Kaninong malakas na boses ang narinig ni Manoka habang siya’y


papalapit kumunoy?
A. Boses ni Pusang Malupit.
B. Boses ni Asong Malupit.
C. Tinig ng Maamong Kambing
D. Tinig ng Maamong Kalabaw.

3
7. Ano ang sinabi ni Asong Malupit sa kapatid ni Manoka na nagpasidhi
ng galit niya sa aso?
A. “Halika! Kumapit ka ng mabuti iaahon kita sa putikan.”
B. “Tanggalin mo ang tinik sa likod ko, parang awa mo.”
C. “Naku! Nahulog ang Sisiw ,kawawa naman tulungan ninyo.”
D. “Diyan ka nababagay munting sisiw, sa kumunoy, hanggang sa
ika’y malunod, ha!ha!ha!.”

8. Bakit umiyak nang sobra at takot na takot si Mikmik ng nadatnan ni


Manoka?
A. Pinapalo ng Asong Malupit si Mikmik ng kahoy.
B. Inilublob sa kumunoy ng Asong Malupit si Mikmik.
C. Kinakagatkagat ng Asong Malupit ang paa ni Mikmik.
D. Napilayan ang paa ni Mikmik sa katatakbo nang hinabol ni Asong
Malupit.

9. Paano nakaligtas si Mikmik sa ginawa ng Asong Malupit sa kaniya?


A. Mabilis na nakadampot ng mahabang kahoy at hinampas sa Asong
Malupit na kumaripas ng takbo.
B. Tinulungan ni Manoka na makaahon sa kumunoy si Mikmik.
C. Niyakap ng mahigpit ni Manoka ang kapatid para mawala na ang
takot nito.
D. Lahat na binanggit ay wasto.

10.Ano ang aral na makukuha sa nabasang pabula?


A. Dapat na paniwalaan ang sinasabi ng karamihan.
B. Tanggapin ang katotohanan nang walang alinlangan.
C. Nasa huli ang pagsisisi kaya’t pag-isipang mabuti ang bawat
desisyon.
D. Maging masunurin sa habilin ng magulang para maiwasan ang
sakunang kahihinatnan.

Kaibigan, tapos ka na bang


magsagot? Kung nakatapos ka,
alamin mo kung tama ang iyong
sagot sa Susi sa Pagwawasto.
Maaari ka ring magpatulong sa
iyong kapamilya sa bahaging ito.

Huwag ka ring mag-aalala


kung mababa ang nakuha mong
marka sa gawaing ito. Kailangan
lamang na ipagpatuloy mo ang
iyong paglalakbay at maasahan
mong gagabayan kita.
4
Pagsagot sa mga Tanong
Aralin Tungkol sa
1 Napakinggan/Nabasang
Pabula, Kuwento, Tekstong
Pang-Impormasyon at Usapan

Magandang buhay! Isang


panibagong paglalakbay ito ng iyong
pag-aaral. Magiging bahagi ng
paglalakbay mo ang pakikinig o
pagbabasa ng pabula, kuwento, tekstong
pang-impormasyon at usapan. Alam mo
ba kung ano ang pagkakaiba ng mga ito
sa isa’t isa? Kung hindi, basahin mo
muna ito at siguradong hindi ka
maliligaw sa ating paglalakbay.

1. Pabula – kuwentong ang pangunahing tauhan ay mga hayop na


kumikilos at nagsasalitang parang tao.
2. Kuwento – nagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa pangunahing
tauhan.
3. Tekstong pang-impormasyon – naglalahad ng mga impormasyon
tungkol sa paksa.
4. Usapan – pag-uusap ng dalawa o higit pang tauhan tungkol sa isang
paksa o isyu.

Malinaw na ba sa iyo ang gagawin mong paglalakbay? Kung


gayon, ipagpatuloy na natin ang ating pag-aaral!

5
Ngayon naman, balikan
Balikan muna natin ang iyong kaalaman
tungkol sa ating aralin. Alam mo
ba kung kailan angkop gamitin
ang sino, saan, bakit, ano, kailan,
at paano sa pagtatanong?
Subukan mo nga ang gawain ito.

Piliin sa kahon ang angkop na salita para sa sumusunod na mga tanong.


Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Sino Saan Bakit Ano Kailan Paano

1. ________ ang tauhan sa kuwento?

2. ________ ka pupunta sa darating na bakasyon?

3. ________ ang natutuhan mo sa aralin kahapon?

4. ________ kailangan ng bata na pumasok sa paaralan araw-araw?

5. ________ mo maipapakita sa iyong guro na marunong ka nang bumasa?

Ano ang nakuha mong marka? Mataas man o mababa


ang nakuha mong marka, simula pa lamang ito ng ating
paglalakbay at sa mga susunod na gawain tiyak na mas
matututo ka pa. Tayo na!

6
Tuklasin

Masipag ka bang mag-aral?


Kilalanin natin si Loisa na tulad mo
maraming pangarap sa buhay.

Basahin mo ang kaniyang kuwento na pinamagatang “Pangarap”.


Pagkatapos, sagutin ang mga tanong tungkol sa kaniyang buhay. Titik
lamang ang piliin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pangarap
“Inay! Inay! Hingal na hingal sa pagtakbo habang tinatawag ni Loisa
ang kaniyang ina. “Naku! Anak, dahan-dahan ka naman sa pagsigaw at
pagtakbo. Ano ang nangyari sa iyo at parang masayang - masaya ka
ngayon,” tanong ng kaniyang ina.
“Nanay, saan po si tatay?” tanong ni Loisa sa ina. “Ewan ko, baka
nasa kusina,” sagot ng nanay na may pag-aalinlangan. “Inay, alam mo,
nakakuha ako ngayon ng mataas na marka sa aming pagsusulit, kaya
natuwa ang aking guro sa akin,” tuwang-tuwang balita ni Loisa sa
kaniyang ina.
“Salamat anak, masipag at masunurin kang bata sa iyong pag-
aaral, sana huwag mo kaming biguin ng iyong ama,” paalala ng ina kay
Loisa. Biglang niyakap ni Loisa ang ina. “Maraming salamat din po sa
inyo ni itay, inay, gagalingan ko pa po ang aking pag-aaral. Gusto ko rin
na makatapos ng pag-aaral at makamit ang aking ninanais na kurso,
makapagtrabaho at makatulong na rin sa inyo ni itay. Palagi ko pong
pinapanalangin sa Panginoon na maabot ko ang aking pangarap.
Ito ang buhay ni Loisa punong-puno ng pag-asa dahil na rin sa
tulong at gabay ng kaniyang mga magulang.

Katha ni: Maribel M. Baltar

7
Mga tanong:
1. Sino ang hinahanap ni Loisa sa ina?
A. Kaklase, dahil mag-aaral sila.
B. Kaibigan, dahil mamasyal sila.
C. Kapatid, dahil yayain niya itong maglaro.
D. Ama, dahil may maganda siyang ibabalita.

2. Ano ang magandang balita na dala ni Loisa?


A. Nanalo siya sa paligsahan.
B. Mataas ang markang nakuha niya sa pagsusulit.
C. Natapos na niya ang proyektong ipinapapasa ng kaniyang guro.
D. Pinuri siya ng kaniyang guro dahil sa husay na kaniyang
ipinamalas.

3. Ayon sa ina, nasaan ang tatay ni Loisa?


A. nasa banyo
B. nasa kusina
C. nasa kuwarto
D. nasa sala
4. Ano-ano ang pinapangarap ni Loisa sa kaniyang buhay?
A. Pangarap niyang makatapos ng pag-aaral upang makapagtrabaho.
B. Pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral upang makatulong sa
kaniyang mga magulang.
C. Pangarap niyang matapos ang nais niyang kurso upang matulungan
ang kaniyang mga magulang.
D. Pangarap niyang makatapos ng pag-aaral, makamit ang nais na
kurso, makapagtrabaho at makatulong sa kaniyang mga magulang.
5. Bakit kailangang maabot ni Loisa ang kaniyang mga pangarap?
A. Gusto niyang makapagtrabaho.
B. Gusto niyang makatulong sa kaniyang magulang.
C. Gusto niyang umangat ang kanilang pamumuhay.
D. Gusto niyang maging maganda ang kaniyang kinabukasan.

8
Naunawaan mo ba ang
kuwento ni Loisa? Mabuti! Tiyak na
masasagot mo ang isa pang tanong
kaugnay ng binasa mong kuwento.

Kung ikaw si Loisa, gagayahin mo rin ba siya? Paano?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Marami ka bang natutuhan kay Loisa?


Magaling! Mahalaga na tinutupad natin ang ating
mga pangarap kaya pagbutihin mo pa ang iyong
pag-aaral.

Suriin

Napukaw ba ang iyong kaisipan at interes sa pagsagot sa mga tanong


tungkol sa binasang kuwento?
Dagdagan pa natin ang iyong kaalaman tungkol sa ating aralin.
Basahin at unawain mo lang ang impormasyong ito:
Mahalagang matutuhan ang pagsagot sa mga tanong tungkol sa anumang
mapakikinggan/mababasang gaya ng pabula, kuwento, tekstong pang-
impormasyon, at usapan dahil sa pamamagitan nito maipakikita ang pag-
unawa rito.

9
Basahin:

1. Ang Sino ay sumasagot sa ngalan ng tao lamang.

Halimbawa: Sino ang hinahanap ni Loisa sa ina?


Sagot: Ang hinahanap ni Loisa sa ina ay ang kaniyang itay.

2. Ang tanong na Ano ay sumasagot sa ngalan ng bagay at pangyayari.

Halimbawa: Ano ang magandang balita na dala ni Loisa?


Sagot: Ang magandang balita na dala ni Loisa sa ina ay ang
pagkakuha niya ng mataas na marka sa pagsusulit.

3. Ang Saan ay ginagamit sa tanong upang matukoy ang


pinangyarihan o lugar kung saan ginaganap ang kilos.

Halimbawa: Ayon sa ina, nasaan ang tatay ni Loisa?


Sagot: Nasa kusina ang itay mo.

4. Ang Kailan ay tumutukoy sa panahon.

Halimbawa: Kailan nag-usap sina Loisa at ang kaniyang ina?


Sagot: Pag-uwi niya ng hapon pagkatapos ng klase.

5. Ang Bakit ay ginagamit kapag humihingi ng kadahilanan ng


pangyayari.

Halimbawa: Bakit kailangang maabot ni Luisa ang kaniyang


pangarap?
Sagot: Gusto ni Loisa na makatapos ng pag-aaral, makatrabaho,
at makatulong sa pamilya.

10
6. Ang Paano na tanong ay para masagot ang pamamaraan sa isang
kilos o sitwasyon. Ito ay dagdag na pagpapaliwanag sa isang
proseso.

Halimbawa: Kung ikaw si Loisa, gagayahin mo rin ba siya? Paano?


Sagot: Opo, dahil sa kaniyang pangarap nakapagtapos siya ng
kaniyang pag-aaral at nagsilbing inspirasyon sa kaniyang
adhika.

Maliwanag na ba sa iyo ang


ating aralin? Kaya mo na bang
sagutin nang tama ang mga
tanong tungkol sa susunod pa
nating paglalakbay? Kung hindi,
muling basahin ito bago tayo
magpatuloy sa ating paglalakbay.

Pagyamanin

Gawain 1

Isa sa kayamanan natin na hindi mapapalitan ay ang pagkakaroon ng


malusog na pangangatawan upang hindi magkasakit. Isa sa mga sakit na
tumatama sa tulad mong bata ay ang Dengue.

11
Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Titik lamang ang
isulat sa sagutang papel.

Lutasin…Dengue
Nakakatakot! Nakakapagbahala! Matinding pinsala ang hatid ng
dengue sa karamihan. Halos araw-araw ay nakapagtatala ng namamatay at
ang nakalulungkot dito karamihan sa tinatamaan ng sakit na ito ay mga
kabataan.
Kaya naman bago pa magtuloy-tuloy ang pagtaas ng bilang ng mga
apektado ng dengue ay kumilos na tayong lahat. “Kilos, Pilipino,” panawagan
ng Pangulong Duterte. Makipagtulungan tayo sa ating komunidad sa
pagpapanatili ng kalinisan. Maging masigasig din ang bawat lokal na
pamahalaan sa pagtutok at pagbibigay ng tamang ayuda sa nasasakupan
para sa mas epektibong kontra dengue.
Ugaliin sana nating lahat na maging malinis ang ating kapaligiran pati
na rin ang lahat ng bagay kung kinakailangan.

Sariling katha ni: Marijo N. Panuncio

Mga tanong:

1. Ano ang pinag-uusapan sa teksto?


A. Lutasin ang Dengue
B. Maging malinis
C. Maging malusog
D. Matakot sa sakit

2. Batay sa binasang teksto, anong sakit ang naghatid ng matinding


pinsala sa karamihan?
A. COVID-19
B. Dengue
C. Malaria
D. Zika Virus

12
3. Sa iyong naobserbahan at nabalitaan, ano ang sakit na Dengue?
A. Ito ay nakatatakot.
B. Ito ay nakamamatay.
C. Ito ay dala ng lamok.
D. Ito ay walang bakuna.
4. Sino-sino ang dapat na may gawing pagkilos upang mapigilan ang
pagkalat ng sakit na ito?
A. Gobyerno
B. Bawat Pilipino
C. Mga kabataan
D. Pribadong Institusyon
5. Kalimitan, sino ang nagiging biktima ng sakit na ito?
A. mga bata
B. mga lalaki
C. mga babae
D. mga matatanda
6. Ano-ano ang dapat gawin upang malutas ang sakit na dengue?
A. Panatilihin ang kalinisan
B. Sumunod sa payo ng gobyerno
C. Pangalagaan ang pangangatawan
D. Makinig sa utos ng mga magulang

Nakasagot ka ba nang tama?


Mahusay!

Alam kong kayang-kaya mong


sagutin ang sunod kong tanong.

13
Bilang kabataan, ano ang maitutulong mo upang malutas ang dengue?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Marami ka bang natutuhan tungkol


sa dengue? Ang binasa mong teksto ay
isang tekstong naglalahad ng mga
impormasyon tungkol sa isang paksa kaya
tiyak na nadagdagan ang iyong kaalaman
tungkol dito.

Naging madali ba sa iyong ang


gawaing ito?
Isa pang gawain ang aking inihanda
para sa iyo. Dito, makikilala mo sina France
at Jo. Hindi ka na makapaghintay? Simulan
mo nang basahin ang kanilang usapan.

Gawain 2
Basahin ang diyalogo ng magkaibigang France at Jo at sagutin ang mga
tanong sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

“Sandali lamang. Tingnan


natin ang mga anunsiyo
“Tayo nang umuwi, sa paskilan. May
Jo.” gaganaping pagpupulong
pala ang ating mga
magulang sa darating na
“Oo nga, ipaaalam Sabado. Pag-uusapan sa
ko kay nanay para pulong ang tungkol sa
makadalo siya! darating na pagtatapos
ng mga mag-aaral sa
ikaanim na baitang.”

“Ako rin ipapaalam


ko rin kay nanay.
Halika na! Umuwi
na tayo.”

14
Mga tanong:

1. Sino ang magkaibigan?


A. Sina France at Jo
B. Sina Ana at Lino
C. Sina Tony at Joe
D. Sina Anita at Berto

2. Ano ang impormasyong nabasa nila sa paskilan?


A. Anunsiyo tungkol sa palabas sa paaralan.
B. Anunsiyo tungkol sa magaganap na sayawan.
C. Anunsiyo tungkol sa gaganaping paligsahan.
D. Anunsiyo tungkol sa gaganaping pagpupulong.

3. Kailan magaganap ang pagpupulong?


A. sa Huwebes
B. sa Linggo
C. sa Lunes
D. sa Sabado

4. Sino ang kailangang dumalo sa pagpupulong?


A. Ang dadalo sa pagpupulong ay mga guro.
B. Ang dadalo sa pagpupulong ay mga kabataan.
C. Ang dadalo sa pagpupulong ay mga magulang.
D. Ang dadalo sa pagpupulong ay mga barangay health worker.

5. Bakit kailangan dumalo sa pagpupulong ang kanilang mga magulang?


A. Para makapaghanda sa darating na pagtatapos.
B. Para mapabuti ang mga dapat gawin ng mga magulang.
C. Para maintindihan at maunawaan ang mga pangagailangan ng
mga bata.
D. Lahat ng mga sagot ay tama.

Malinaw na ba sa iyo ang ating aralin?

15
Isaisip

Mahusay! Sinikap mong sagutin ang lahat ng mga tanong tungkol sa iyong
mga binasa. Tingnan naman nating kung ano pa ang mga natutuhan mo
kaugnay dito.

Ngayon, sagutin mo ang mga tanong para matukoy ang iyong mga
natutuhan.

1. Ano-ano ang mga isinaalang-alang na mga tanong para


mapabilis ang iyong pagkaunawa sa mga detalye ng binasang
pabula, kuwento, tekstong pang-impormasyon, at usapan?

2. Ano naman ang isinasagot sa tanong na Sino, Ano, Saan,


Kailan, Bakit, at Paano?

3. Sa iyong palagay, kailangan mo bang pagsunod-sunorin ang


mga tanong sa pagsagot sa mga binabasa mong babasahin?
Bakit?

Tama! Maaari ka nang magpatuloy


sa gawain na nasa Isagawa.

16
Isagawa

Basahin ang patalastas o anunsiyo sa kahon. Sagutin ang mga tanong. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

Tinatawagan ang lahat ng batang may 8-12 taong gulang na


lumahok sa patimpalak sa pagbigkas ng tula na gaganapin sa darating na
Biyernes, Nobyembre 22, 2019 sa ganap na ika-1:00 ng hapon sa silid-aralan
ni Gng. Baltar. Para sa karagdagang impormasyon hinihiling na makipagkita
kay Gng. Marijo Panuncio.

Ang mga kalahok ay kailangang magsuot ng kasuotang Pilipino.

Mga tanong:

1. Ano ang tawag sa binasa mong teksto?

2. Anong timpalak ang sasalihan ng mga kalahok?

3. Sino-sino ang maaaring maging kalahok sa timpalak?

4. Kailan gaganapin ang nasabing patimpalak?

5. Saan gaganapin ang patimpalak ng tula?

6. Anong oras magsisimula ang patimpalak?

7. Kanino dapat makipag-ugnayan ang mga kalahok para sa karagdagang


impormasyon?

8. Ano ang susuotin ng mga kalahok sa patimpalak?

9. Sa palagay mo, anong preparasyon ang kailangang gawin ng sinumang


sasali sa patimpalak upang manalo?

10. Sa pagbasa at pakikinig ng anunsiyo o patalastas, bakit kailangang


unawain nang maigi ang mensahe?

Nasagot mo ba nang tama ang mga


tanong? Kung naging malinaw na sa iyo
ito, alam kong handa ka na susunod na
gawain. Tayo na!

17
Tayahin
Marami ka na bang natutuhan?
Mahusay! Patunayan mo nga sa
pamamagitan ng pagsagot sa sunod
na gawain.

Basahin ang usapan. Sagutin ang mga tanong at isulat sa papel ang iyong
sagot.

Ang bansang Pilipinas ay madalas dalawin ng bagyo. Hindi


natin ito maiwasan ngunit ang tindi ng epekto nito ay maaari nating
mabawasan.
Bb. Noble: Sa kasalukuyan nagpapabago-bago na ang ating
panahon, dulot ito ng climate change. Ang climate
change ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical
and Astronomical Services Administration (PAGASA) ay
ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng
greenhouse gases na nagpapainit ng mundo.
Naghahatid ang climate change ng iba’t ibang sakuna
gaya ng heat wave, pagbaha o tagtuyot. Mga bata, may
mga epektong dulot ang climate change sa ating
kalusugan, kabuhayan, at kaligtasan.
Kokoy: Ano-ano po ba ang dapat gawin upang makatulong kaming
malutas ang suliraning ito?
Bb. Noble: Kaugnay ng iyong katanungan, may ipapakilala akong
isang dalubhasa sa larangan ito. Siya si Dr. Nucio.
Pakinggan ninyong mabuti ang kaniyang ibabahagi.
Dr. Nucio: Salamat, Bb. Noble. Mga bata, makatutulong tayo sa
suliraning ito kung marunong tayong magtanim ng mga
puno sa ating mga bakuran, iwasan din nating ang
pagsunog ng mga basura, at ugaliing ireseklo ang mga
kagamitang sa tingin natin puwede pang magamit muli.
Ang lahat ng mamamayan ay dapat na makialam na
mabawasan ang problema tungkol sa climate change
kaya halina’t kumilos at magsagawa ng mga bagay na
kaiga-igaya.

Sariling Katha ni Marijo N. Panuncio

18
Mga tanong:

1. Sino-sino ang nag-uusap tungkol sa climate change?


A. Sina Bb. Noble at Dr. Nucio
B. Sina Bb. Noble at Kokoy
C. Sina Dr. Nucio at Kokoy
D. Sina Bb. Noble, Dr. Nucio, at mga bata

2. Ano ang madalas na kalamidad na nararanasan sa Pilipinas?


A. Bagyo
B. Baha
C. Daluyong Bagyo (Storm Surge)
D. Lindol

3. Anong bansa ang madalas dalawin ng bagyo?


A. India
B. Japan
C. Pilipinas
D. Thailand

4. Anong ahensiya ng gobyerno ang nanaliksik tungkol sa climate


change?
A. Department og Health (DOH)
B. Department of Environment and Natural Resources (DENR)
C. Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)
D. Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services
Administration (PAGASA)

5. Kailan nagaganap ang climate change?


A. Nagaganap ito kapag nagbabago ang panahon.
B. Nagaganap ito kapag hindi tayo nagtatanim ng puno o halaman.
C. Nagaganap ito kapag basta na lamang tayo nagtatapon ng
basura.
D. Nagaganap ito kapag tumaas ang greenhouse gases na
nagpapainit ng mundo.

6. Sa iyong pagkaunawa, ano ang climate change?


A. Ito ay nagdudulot ng sakuna.
B. Ito ay pagbabago ng klima o panahon.
C. Ito ay ang tag-init at tag-ulan na panahon sa ating bansa.
D. Ito ang dahilan kung bakit maraming bagyo sa ating bansa.

19
7. Ano-ano ang naging epekto ng climate change sa ating mundo?
A. Nagdudulot ito ng sakuna.
B. Nagdadala ito ng kalamidad.
C. Nakaapekto ito sa ating kalusugan, kabuhayan, at kaligtasan.
D. Naghahatid ito ng sakuna na nakakaapekto sa ating kalusugan,
kabuhayan, at kaligtasan.

8. Sino-sino ang dapat magtulungan para hindi na lumala pa ang


problema sa climate change?
A. Gobyerno
B. Kabataan
C. Mamamayan
D. Matatanda

Nakapagsagot ka na ba? Kung


tapos ka na, may nakahanda pa
akong dalawang tanong na
susubok sa sarili mong pag-unawa
sa binasang teksto. Madali lang ito
kaya sagutan mo na!

9. Bakit kailangan mapanuri sa mga nagaganap sa ating kalikasan sa


kasalukuyan?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________________________________________________________________

10. Paano ka makatutulong upang maiwasan ang suliranin ukol sa


climate change?

20
Karagdagang Gawain

Sa huling bahagi ng ating


paglalakbay, may isa pang gawain na
inihanda para sa iyo.
Mapupukaw ang iyong damdamin
sa pagtulong sa kapwa tao sa malalang
problema ng pandemyang covid19 sa
kasalukuyan. Kaya mo na bang
tumulong sa inyong barangay sa
problemang ito?

Basahin ang sanaysay. Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.

Pagkakaisa at Bayanihan Laban Pandemya

Matamlay na umuwi si Tino Lunes ng hapon. Malungkot dahil isa


siya sa apat na trabahador na pinaalis, mangyari’y humina ang kita ng
Baber Shop na kaniyang pinagtatrabahuhan.
Ayon sa datos kamakailan lang, umabot na sa dawalang milyong
Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa COVID. Ito’y isang malinaw
na indikasyon na hindi lang pandemya sa kalusugan ang dulot nito,
kundi nagbubunga pa ito ng mas malalang mga problema sa mga
mamamayan.
Nakalulungkot man isipin, ngunit kailangan na ng buong
sambayanan na magkaisa at magbayanihan; nang sa gayo’y
matulungan ang marami pang Tino na nawalan ng trahabo sa
sambayanan.
Sariling Katha: Maribel Baltar

21
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Sino ang matamlay na umuwi noong Lunes ng hapon?

2. Saan nagtatrabaho ang mga trabahador na pinaalis?

3. Ano ang nangyari sa kanilang pinagtatrabahuhan?


4. Paano matutulungan ang mga nawalan ng trabaho?

5. Bakit maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho?

Nasagot mo ba nang tama ang mga tanong?


Binabati kita! Ngayon, napatunayan mong may
kakayahan ka nang makasagot ng mga tanong
tungkol sa napakinggan/nabasang pabula, kuwento,
tekstong pang-impormasyo, at usapan.
Batid kong naging masaya ka sa ating
paglalakbay kaya naman sa susunod mong pag-aaral,
asahan mong ako ay iyong makasasama sa Modyul 2:
Pagsagot ng mga Tanong sa Bakit at Paano

22
23
SUBUKIN
1. A 6. B
2. C 7. D
3. D 8. B
4. D 9. D
5. C 10. D
Susi sa Pagwawasto
24
ISAGAWA
1. Patalastas / anunsiyo
2. Sa pagbigkas ng tula
3. Ang mga batang may gulang na 8-12
4. Gaganapin sa darating na Biyernes. Nobyembre 22, 2019
5. Gaganapin sa silid-aralan ni Gng. Baltar
6. Sa ika-1:00 ng hapon
7. Pupuntahan si Gng. Marijo Panuncio
8. Ang susuutin ng mga kalahok ay kasuotang Pilipino.
9. Kailangan mag anunsiyo at maghanap ng mga kasuotan.
10. Iwasto ang anumang sagot ng mga bata)
Tayahin Karagdagang Gawain
1. D
1. Tino
2. A
3. C 2. Barber Shop
4. D 3. Humina ang kita ng Barber Shop na
5. D kanilang pinagtatrabahuhan.
6. A 4. Kailangan ng buong sambayanan na
7. D magkaisa at magbayanihan.
8. C 5. Dahil sa COVID.
9-10 Iwasto ng guro ang
sagot ng mag-aaral
Sanggunian

• Most Essential Learning Competencies (MELCs) F6PN-lj-28, p. 221


• K to 12 Curriculum in Filipino 2016 F6PB-Ic-e-3.1.2 p. 119

25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

26

You might also like