Ckenth - Banghay Aralin Sa Filipino

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino

Ika-7 ng Nobyembre 2022

Inihanda ni: Kenthlyver Jeo A. Manuel

I. Layunin:

Pagkatapos ng 60 minutong talakayan,ang mga mag-aaral ay inaasahang makakakuha ng


75% antas ng pagkatuto.

a. Natutukoy ang Karaniwan at di-Karaniwang ayos sa loob ng pangungusap.


b. Nakabubuo ng pangungusap gamit ang karaniwan at di-karaniwan ayos.
c. Napapahalagahan ang tamang gamit ng karaniwan at di karaniwang ayus na pangungusap

II. Paksang-Aralin
Paksa:Ayos ng pangungusap
Sanggunian: Pananaliksik sa Internet
Kagamitan: manila paper, Pentle Pen, Cartolina, Laptop, at Graphic Organizer

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimula

1. Panalangin

Magsipagtayo ang lahat at tayo’y magdadasal.

Iyuko natin ang ating mga ulo at damhin ang


presensya ng ating Panginoon.

Ama namin…Amen
2. Pagbati

Magandang hapon sa inyong lahat! Magandang hapon din po Ma’am!


Bago kayo magsiupo, pulutin ninyo muna ang
mga kalat sa ilalim ng inyong upuan at itapon
sa lalagyan ng basurahan.

3. Pagtatala ng liban

Sige magsiupo na kayo. Mayroon ba sa mga


kaklase niyo ang lumiban sa klase? Wala po.

Mabuti naman.

4. Balik-Aral

Kahapon ay pinag-aralan natin ang tungkol Ang pangungusap ay isang salita o lipon na
sa Uri ng Pangungusap. Bago tayo dumako sa mga salita na nagsasaad ng isang buong
paksang ating tatalakayin, Maari mo bang diwa at ito ay binubuo ng simuno at
ibigay kung ano ang pangungusap at ang mga panaguri at ang mga uri neto ay ang
uri neto? (Magtatawag ng mag-aaral para pasalaysay, pautos, patanong, at padamdam.
sumagot)

Magaling! at natatandaan ninyo ang pinag-


aralan natin kahapon. Ngayon ay dadako na
tayo sa ating paksa ngayong araw na ito.

B. Pagganyak

-Ipapakita ng guron sa pisara ang inihandang


dalawang halimbawa ng pangungusap na
magka iba ang ayos neto.
•Isang maliit na bayan sa lalawigan ng
Rizal ang Antipolo.
•Ang Antipolo ay isang maliit na
bayan sa lalawigan ng Rizal.
Tanong: Ano ang kaibahan ng dalawang
pangungusap?
Mga Posibleng Sagot: Ang Kaibahan neto ay
ang ayos neto.Magkaiba ang posisyon ng
simuno at panaguri sa dalawang
pangungusap.

C. Paglalahad
Ilalahad ng guro ang paksang tatalakayin sa
araw na ito. Ito ay ang ayos ng pangungusap.
D. Pagtatalakay

Gamitang "Power-Point Presentation",


tatalakayin ng guro ng guro ang dalawang
ayos ng pangungusap kalakip neto ang
kahulugan at mga halimbawa neto.

AYOS NG PANGUNGUSAP
Karaniwang Ayos Di-Karaniwang
Ayos
Ito ay ang ayos ng
pangungusap na Ito ang ayos ng
kadalasang pangungusap na
ginagamit natin lalo nauuna ang simuno
na sa mga pasalitang sa panaguri ng
gawain. pangungusap. Ang
dalawang bahagi ito
Nauuna ang ay pinag-uugnay ng
panaguri o ang panandang ay.
bahagi nito sa
simuno ng
pangungusap.

Ayos ng Mga Halimbawa


Pangungusa
p
Karaniwnag 1. Lubhang makulay
Ayos ang mga pista ng
mga muslim sa
Pilipinas.
2. Taonang
pagdiriwang sa
Kalibo, Aklan ang
Ati-Atihan.
Di- 1. Ang mga pista ng
Karaniwang mga muslim sa
Ayos Pilipinas ay lubhang
makulay.
2. Ang Ati-Atihan
pagdiriwang sa
Kalibo,Aklan.
E. Paglalapat
Pagpapangkatin ng guro sa limang pangkat
ang kanyang mga studyante. May ipapakitang
sanaysay ang guro sa kanyang mga studyante
na kung saan kukuha sila mula sa sanaysay
ng mga pangungusap na maituturing na
halimbawa ng Karaniwang Ayos at Di-
Karaniwang Ayos.

Ang Nabuong gawain ng bawat pangkat ay


ipapaskil sa isang T-Chart na inihanda ng
guro.

ANAK KA NG INA MO...


Ni:J
Nanginginig ang kaniyang pasmadong daliri.
Tila giniginaw ang mga kamay. Mga kamay
na umaakay sa iyo noong mga unang araw ng
iyong pagtuntong sa skwela. Mga kamay na
pinagkukunan mo ng isang libo't isang lakas
upang mabuhay.

Nakakurba na ang kaniyang tindig. Tila


kawayang nakayuko ang kanyang likod. Mga
likod na natutuyuan ng pawis sa paglalabada
upang may mailaman ka sa iyong kumakalam
na sikmura.

Nakakunot ang noo niya kapag tumitingin sa


iyo. Parang laging may inaaninag ang mga
mata. Ikay natutulog sa banig. Mata niya ay
laging nakatingin sa iyo. Mga matang
nagmamasid at nagbabantay sa iyo mula
pagsilang hanggang sa iyong paglaki.

Panuto: Mula sa isang sanaysay, Isulat sa


kartolina ang mga pangungusap na nagsasaad
ng karaniwan at karaniwang ayos. Ipaskil ito
sa T-chart.

Karaniwang Ayos Di-Karaniwang


Ayos
1.
2.
3.
Pamantayan
Pagpapaliwanag 10%
Pagkakaisa ng bawat 5%
miyembro
Kabuuan 15%

G-Paglalahat
Itatanong ng guro sa mga mag-aaral ang mga
sumusunod:
a. Sino ang makapagbubuod ng ating
topikong tinalakay ngayong araw.
b. Ano ang pagkakaiba ng simuno at
panaguri sa isang pangungusap.

IV. Pagtataya

Magbigay ng mga sagutang papel ang guro na kung saan nakapaloob doon ang isang
kwento bilang pagsusulit sa araw na ito.

Sagutang Papel:

Pangalan:
Petsa:

Panuto: Bilugan ang pangungusap na nagsasaad ng karaniwang ayos at Salungguhitan naman


ang Di-Karaniwang Ayos na pangungusap.

"Bakit nakasakay kayo sa dyip kanina?"


"Marami bang makikita roon?" Tanong ni Mara. 1."Balita sa sipag at tipid ang mga
ilokano". "Oo, 2 masisipag nga sila. 3. Sila rin ay matitipid. 4. Ang mga tinda nila ay tela at
damit na habing ilokano. May kumot, tuwalya, punda, serbilyela, bag l, at iba pa. Ang gaganda
at mukhang matitibay", paliwanag ni Thrina.

"Naroon din ang larawan ng mga bayani nina Diego Silang. May malaki ring larawan
doon sina Pangulong Quirino at pati ang magkakapatid na Antonio At Juan Luna. 5. Marami
palang bayani ang Ilocano"
"Huwag mo nang ikuwento. Pupuntuhan ko rin iyon", ani Maria.
"O, sige kami naman ang pupunta sa pinuntahan mo," sagot ni Emma.

V. Takdang-Aralin

Panuto: Gumawa ng limang sariling halimbawa ng karaniwan at di karaniwang ayos na


pangungusap. Ilagay sa sangkapat(1/4) na papel.

You might also like