Filipino 7 Q4 Episode 2 SLM

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

SELF-LEARNING MATERIAL 2

FILIPINO
QUARTER 4 – EPISODE 2
Grade 7

Pangalan: _______________________________________ Petsa ng Airing:______________


Paaralan: _______________________________________

Kasanayang Pampagkatuto:

Naibibigay ang kahulugan at mga katangian ng “korido” (F7IVPT-a-b-18)

I. Balik-Aral: Balikan Mo!

Gawain:
Panuto: Magbigay ng sariling pananaw at saloobin sa larawang nasa ibaba na mula sa mga
pangyayaring naganap sa koridong Ibong Adarna. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo sa
ibaba.

Kinuha mula sa: https://shorturl.at/lozZ0

Para sa akin, _ _
_ _
_ _ _
_ _ _
_ _ _
_ _

1
II. Pagtalakay:

Tulang Romansa

Ang tulang romansa ay tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at


kabayanihan na karaniwang ginagalawan ng mga prinsipe’t prinsesa at mga mahal
na tao.

Naging palasak ang mga tulang romansa sa Europa noong Edad Media at
maaaring nakarating ito sa Pilipinas mula sa Mexico noon pang 1610. Ngunit noong
dantaon 18 lamang ito naging palasak sa ating bansa kasabay ng pagkakilala sa
impremta at pagkatuto ng mga katutubo ng alpabetong Romano.

Ang panitikan ay isa sa mga paraang ginamit ng mga mananakop na Kastila sa


pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyano, at ang mga tulang romansa ay lumaganap
kasabay ng pagdagsa ng mga aklat-dasalan. Layunin ng tulang romansa na
mapalaganap ng diwang Kristiyano. Karaniwan, kung gayon, ang pagtawag sa Diyos
ng mga tauhan at ang gantimpala ng langit sa mga nananalig. Karaniwan ding
nagsisimula ang mga ito sa panalangin sa pag-aalay ng akda sa Birhen o sa isang
santo.
Nagkasanib sa tulang romansa ang dayuhan at ang katutubo. Dayuhan ang (1)
anyong pampanitikan na galing sa Europa at dinala rito ng mga prayle at
sundalong Kastila; (2) ang mga tauhan, na may prinsipe at prinsesang may mga
pangalang dayuhan; (3) ang tagpuan, na karaniwang isang malayong kaharian
sa Europa; at (4) ang paksang relihiyoso na pinalalaganap sa pamamagitan ng
anyong pampanitikang ito.
Ngunit binibihisan na ang tulang romansa ng katutubong pagkamalikhain.
Katutubo ang (1) wikang ginamit sa mga tulang romansa; (2) ang tradisyon sa
pagtula na dati nang ginagamit sa panitikang salimbibig, tulad ng bugtong,
sawikain, at iba pa; (3) ang mga talinghagang likas sa wika; at (4) ang mga
pagpapahalagang pamana ng ating mga ninuno, tulad ng pagmamahal sa
magulang, pagtulong sa nangangailangan at iba pa.

Samakatuwid, ang tulang romansa, kung gayon, ay dayuhang anyo na binihisan


ayon sa katutubong panlasa. Maging ang mga tauhan, bagama’t mga prinsipe at
prinsesang may mga dayuhang pangalan, ay nagpapahayag ng mga kaisipan at
pagpapahalagang katutubo.

Dalawang Anyo ng Tulang Romansa

Ang awit at korido ay dalawang anyo ng tulang romansa. Nagkakaiba ang


dalawang ito ayon sa sukat, himig, at pagkamakatotohanan.
Korido:
1) May (8) walong pantig sa bawat taludtod.
2) Sadyang para basahin, hindi awitin.
3) Kapag inawit, sa himig na mabilis o allegro, ito ay dahil
maikli ang mga taludtod, wawaluhing pantig lamang.
4) Ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural o
kakayahang magsagawa ng mga kababalaghan na hindi
magagawa ng karaniwang tao, tulad ng pagpatag ng
bundok, pag-iibang anyo, mahika, at iba pa.
2
5) Dahil dito, ang mga pakikipagsapalaran ng mga tauhan
ay malayong maganap sa tunay na buhay.
6) Uri ng panitikang nakabatay sa tula. Galing sa salitang Espanyol na
correr, na nangangahulugang “dumaloy.” Ito ay isang istilo ng tulang
Espanyol.
7) Halimbawa nito ang Ibong Adarna

Awit
1) May (12) labindalawang pantig sa bawat taludtod.
2) Sadyang para awitin, inaawit sa tanging pagtitipon.
3) Ang himig ay mabagal o banayad, tinatawag na andante
4) Nahaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga tauhan sa awit,
ngunit higit na makatotohanan o hango sa tunay na buhay ang mga
pangyayari. Walang kapangyarihang supernatural ang mga bida.
5) Maaaring maganap sa tunay na buhay ang mga pangyayari sa
isang awit.
7) Halimbawa nito ang Florante at Laura

III. Pagmomodelo
Gawaing Tuklasin Mo!
Panuto: Basahin ang sipi mula sa tulang romansa na Ibong Adarna at isulat sa sagutang
papel ang iyong sagot sa mga tanong sa ibaba.

Kinuha mula sa https://shorturl.at/myKLX

I
Yao na nga si Don Juan
sa Tabor na kabundukan
at kaniyang aabangan
ang ibong pinaglalakbay
II
Nang siya’y dumating na
sa puno ng kahoy baga
doon na hinihintay niya
yaon ngang Ibong Adarna
III
Nang sa prinsipeng marinig
yaong matinig na boses
ay doon sa pagkatindig
tila siya’y maiidlip
IV
Kinuha na kapagdaka
ang dala niyang labaha
at kaniyang hiniwa na
ang kaliwang kamay niya

3
Batay sa sipi ng tulang nasa itaas, magbibigay ako ang ilang katangian nito batay sa
bilang sa mga sumusunod:

a.) Saknong Sagot: may apat (4) na saknong

b.) Taludtod bawat saknong: may apat (4) taludtod o linya bawat saknong

c.) Pantigan bawat taludtod: bawat taludtod ay may walong (8) pantigan

Halimbawang pagbibigay ng kahulugan at mga katangian ng “korido

Panuto: Ang mga sumusunod ay ang pagpapakahulugan sa katangian ng korido. Basahin at


unawaing mabuti ang bawat aytem nito. Piliin ang titik ng tamang sagot upang
makapagbigay kahulugan ng koridong Ibong Adarna. Isulat ang sagot sa inyong
kuwaderno.
1. Ito ay tulang pasalaysay ang tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan na
karaniwang ginagalawan ng mga prinsipe’t prinsesa at mga mahal na tao?
A. Tulang Romansa C. Tulang Liriko
B. Tulang Awit D. Tulang Epiko

2. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga katangian ng korido


MALIBAN SA?
A. May walong pantig sa bawat taludtod
B. Sadyang para basahin, hindi awitin.
C. Kapag inawit, sa himig na mabilis o allegro
D. Ang mga tauhan ay mga pangkaraniwang tao lamang.

3. Kung ang Florante at Laura ay isang epikong awit, ano naman


ang Ibong Adarna?
A. Tanka C. Korido
B. Haiku D. Komedya

4
ACTIVITY SHEET (MGA GAWAIN)
SELF LEARNING MATERIAL 2
FILIPINO
QUARTER 4- EPISODE 2
BAITANG 7
Pangalan: ____________________________________________ Iskor: _____________________
Paaralan: _____________________________________________ Petsa: _____________________

Kasanayang Pampagkatuto:
Naibibigay ang kahulugan at katangian ng korido. (F7PB-IVa-b-20)
Gawain 1
Panuto: Ang mga sumusunod ay ang pagpapakahulugan at katangian ng korido. Basahin at
unawaing mabuti ang bawat aytem sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot upang
makapagbigay kahulugan ng koridong- Hal. ang Ibong Adarna. Isulat ang sagot sa
inyong sagutang papel. (Note: 2puntos bawat isa)

1. Isa sa katangian ng tulang korido ay ang kanyang sukat. Ilang pantig bawat
taludtod meron ang Korido?

A.8 C. 11
B.9 D. 12

2. Ang awit at korido ay dalawang anyo ng tulang romansa. Nagkakaiba


ang dalawang ito sa katangian ayon sa mga sumusunod, MALIBAN SA;
A. sukat C. pantig bawat taludtod
B.himig D. pagkamakatotohanan

3. Ang isang uri ng tulang romansa na kung saan ang mga tauhan ay
may kapangyarihang supernatural na hindi magagawa ng karaniwang
tao ay .
A. awit C. liriko
B. korido D. pasalaysay

4. Ang mga sumusunod ay mga katangiang makikita natin sa mga pangyayari ng akdang
korido. Napapalooban ito ng:
A. pangyayaring may labanan,
B. pangyayaring pakikipagsapalaran,
C. mga pagsubok
D. lahat ng nabanggit
5. Magbigyang ng kahulugan ng korido ayon sa inyong nauunawaan sa aralin. Isulat ito sa
dalawa o tatlong pangungusap. (2puntos)

Sagot:

______________________________________ ____________
Pangalan at Lagda ng Magulang/Guardian Petsa

You might also like