1QT - B8 - Adm Esp

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 32

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Unang Markahan

Modyul
GRADE 8 PICTURES USED

https://www.clipartkey.com/view/omJom_library-png-for-kids-students-studying-clipart/
http://clipart-library.com/search2/?q=friendship#gsc.tab=1&gsc.q=friendship&gsc.page=1
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/caucasian-group-of-teenagers-looking-at-phone-vector-19335418
http://clipart-library.com/clipart/leadership-cliparts_10.htm

1
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang ESP 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul para sa pagsasagawa ng mag-aaral ng mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag
ng pagmamahalan, pagtutulungan, gawi sa pag-aaral, pananampalataya, komunikasyon, at
mga gawaing angkop sa panlipunan at pampulitikal na papel ng pamilya.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Tagapagdaloy


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.

Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang ESP 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul para sa pagsasagawa ng mag-aaral ng mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag
ng pagmamahalan, pagtutulungan, gawi sa pag-aaral, pananampalataya, komunikasyon, at
mga gawaing angkop sa panlipunan at pampulitikal na papel ng pamilya.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga
bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

2
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
Alamin matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang
b ahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan
Balikan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa
Tuklasin maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa
Suriin aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at
Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang
Isaisip ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natut uhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


Isagawa maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas


Tayahin ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain


Karagdagang upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
Gawain natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


Pagwawasto gawain sa modyul.

3
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul
na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
2. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
3. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
4. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya
mo ito!

4
Aralin
Ang Pamilya bilang Natural na Institusyon ng Lipunan
1

Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o may positibong
impluwensya sa sarili
(EsP8PBIa-1.1)

Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya sa isang pamilyang


nakasama, naobserbahan o napanood
(EsP8PBIa-1.2)

Alamin

I. Paksa
Ang Pamilya bilang Natural na Institusyon ng Lipunan

II. Layunin
Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o may positibong
impluwensya sa sarili

Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya sa isang pamilyang


nakasama, naobserbahan o napanood

III. Nilalaman
Tungkol saan ang aralin na ito?

Usapang pamilya naman tayo! Noong nagdaang taon ay naging malalim ang pagtalakay tungkol
sa sarili at dumaan ka sa mahabang proseso ng pagkilala at pagpapaunlad ng iyong pagkatao.
Inaasahan na sa pagkakataong ito ay handa ka nang lumabas sa iyong sarili at ituon naman ang iyong
panahon sa mga tao sa iyong paligid, ang iyong kapwa. Sa pagkakataong ito, pag-usapan naman natin
ang pinakamalapit mong kapwa… ang iyong PAMILYA.

IV. Pamamaraan
Basahin at unawain.

Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor. Ang pamilya ang itinuturing na
pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan.
Ayon kay Pierangelo Alejo (2004), ang pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo
sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang walang pag-iimbot, puro, at
romantikong pagmamahal - kapwa nangakong magsasama hanggang sa wakas ng kanilang buhay,
magtutulungan sa pag-aaruga at pagtataguyod ng edukasyon ng kanilang mga magiging anak. Ayon pa
rin sa kaniya, ang pamilya ay isang kongkretong pagpapahayag ng positibong aspekto ng pagmamahal
sa kapwa sa pamamagitan ng kawanggawa, kabutihang loob, at paggalang o pagsunod.

5
May inihandang ilang halimbawa para sa iyo sa ibaba:

Ang paksa tungkol sa pamilya marahil ang


pinakanakapupukaw ng interes na pag-usapan sa
mas maraming pagkakataon, masaya man ito o
minsan ay malungkot. Nakalulugod pag-usapan ang
masasayang alaala sa pagkakataon na nagsasama-
sama ang pamilya, halimbawa sa pamamasyal sa
ibang lugar o ang simpleng masayang usapan at
biruan sa hapag-kainan habang kumakain ng
hapunan. Likas na yata na ang unang tinatanong
kapag nagkita ang dalawang magkaibigan pagkatapos ng mahabang panahon ay kung may asawa na
ba siya at kung ilan na ang kaniyang anak. Magiliw na ibabahagi ang mga narating o nakamit ng kaniyang
mga anak, at marami pang iba. Patunay ito na ang Pilipino ay likas na makapamilya. Kaya mahalagang
maging mas malalim ang pagkilala at pag-unawa, lalo na ng isang kabataang katulad mo tungkol sa
pamilya. Kasi katulad ng kahit na sino sa buong mundo, ikaw rin ay nagmula sa isang pamilya.
(Hango sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8)

V. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Punan ang sumusunod na patlang ayon sa iyong sarili.

Ako ay si __________________________ ng baitang ____ na nag-


aaral sa ______. Ang aking mga magulang ay sina
__________________________, at __________________________.
Kami ay ___ na magkakapatid. Ang aming mag anak ay
____________________, ____________________, at
____________________. Madalas kami ay ____________________,
at minsan naman ay _________________________. Tinuruan ako ng
aking pamilya na ____________________________,
____________________________, at _________________________.

B. Gawain 2:
Panuto: Magdikit ng larawan ng iyong pamilya. Gumamit ng hiwalay na papel.
6
C. Gawain 3:
Panuto: Ilarawan ang bawat kasapi ng iyong pamilya. Gumamit ng hiwalay na papel.

D. Gawain 4:
Panuto: Magtala ng mga napulot na aral o mga positibong impluwensiya mula sa iyong pamilya at ang
epekto ng mga ito sa iyong sarili. Gumamit ng hiwalay na papel.
Epekto ng napulot ng aral
Napulot ng aral o
o pagkakaroon ng
Miyembro ng pamilya pagkakaroon ng
positibong impluwensiya
positibong impluwensiya
sa iyong sarili
Halimbawa:
Tatay Maging mapagbigay sa mga Natutunan ko ang maging
taong kapos-palad. mapagbigay sa kapuwa.
1.
2.
3.
4.
5.

VI. Pagtataya
Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Ang pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng


pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang walang pag-iimbot, puro, at romantikong
pagmamahal - kapwa nangakong magsasama hanggang sa wakas ng kanilang buhay, magtutulungan
sa pag-aaruga at pagtataguyod ng edukasyon ng kanilang mga magiging anak. Ito ay ayon kay?
A. Pierangelo Alejo B. Michael Angelo C. Pierangelo Alejandro D. Wala sa nabanggit

_____ 2. Ang iyong pamilya ay ang una mong naging ______________________.


A. kapitbahay B. Lahat ng nabanggit. C. kapuwa D. Wala sa nabanggit.

_____ 3. Ang mga Pilipino ay likas na _______.


A. makasarili B. mapagkawanggawa C. makakapitbahay D. makapamilya

_____ 4. Ang pamilya ay isang kongkretong pagpapahayag ng negatibong aspekto ng pagmamahal sa


kapwa sa pamamagitan ng kawanggawa, kabutihang loob, at paggalang o pagsunod. Ang pangungusap
ay _________.
A. Tama B. hindi ko alam C. mali D. wasto

_____ 5. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng
lipunan?
A. Paaralan B. Pamilya C. Pamahalaan D. Pamayanan

VII. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng
hiwalay na papel.
Mga Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 8 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, 2013
• file:///C:/Users/rjoyz/Documents/Work/Guides%20and%20Templates/ModyulParaSaMagAaral/Grad
e%208%20ModyulParaSaMagAaral.pdf

7
• https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2016/03/aking-pamilya-1.pdf
• https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.netclipart.com%2Fisee%2FbRihxT_h
ouse-the-clip-art-at-clker-com-
cartoon%2F&psig=AOvVaw22JqLMoS9jqbXeVlvDea31&ust=1587886538404000&source=images
&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCOD9z72Ig-kCFQAAAAAdAAAAABAD

Inihanda ni:
Rea Joy O. Pagangpang
Las Piñas North National High School

Aralin
Ang Pamilya bilang Natural na Institusyon ng Lipunan
2

Kasanayang Pampagkatuto:
Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan
na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapwa
(EsP8PBIb-1.3)

Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan


sa sariling pamilya
(EsP8PBIb-1.4)

Alamin
I. Paksa
Ang Pamilya bilang Natural na Institusyon ng Lipunan
II. Layunin
Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan na
nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapwa
Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa
sariling pamilya
III. Pamamaraan
Basahin at unawain.
Pagtutulungan ng Pamilya
Ang pagtutulungan ay natural ding dumadaloy sa pamilya sapagkat kaligayahan ng bawat kasapi
na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya. Kilala ang pamilyang Pilipino sa pagkalinga sa
kanilang mga anak. Palaging nakahandang tumulong ang mga miyembro sa oras ng pangangailangan
ng bawat isa.
Sa ating bansa, likas ang pag-aaruga sa nakatatanda. Hindi hinahayaan ang ina o amang
tumatanda na maiwan sa nursing home katulad ng mga dayuhan bagkus sila ay aalagaan hanggang sa
huling yugto ng kanilang buhay. Hindi man maalagaan ng lahat ng mga anak ay patuloy ang pagtulong
pinansiyal ng ilan.
Katulad ng ibang mga pagpapahalaga, ito rin ay itinanim ng mga magulang sa kanilang mga
anak. Mula pa nang sila ay maliliit sinasanay na sa paghahati-hati ng mga gawaing bahay, binibigyan ng
tungkulin ang mga mas nakatatandang kapatid sa kanilang nakababatang kapatid, at nagtutulungan ang
bawat isa sa kanilang mga takdang-aralin.

8
Maituturing na labis na kabutihan ang hindi talikuran ang isang kasapi ng
pamilya sa oras ng pangangailangan. Ngunit mahalagang tandaan na ang
pagtulong ay may hangganan. Kailangang matiyak na hindi ito nagdudulot ng
labis na pagiging palaasa. Kailangan ding matulungan ang isang anak na
tumayo sa kaniyang sariling paa sa takdang panahon. Hindi makatutulong kung
laging nariyan ang magulang upang tugunan ang pangangailangan ng anak. Sa
takdang panahon, kailangan na niyang mamuhay nang mag-isa at malayo sa kaniyang pamilya. Sa
ganitong paraan mas matutulungan ang isang anak na hanapin at matagpuan ang kaniyang pagkatao.
Ang pamilya, dumaan man sa maraming mga pagbabago bunga ng modernisasyon, ay
mananatiling natural na institusyon ng lipunan. Mahalagang hindi mabago kasabay ng panahon ang pag-
iral ng isang pamilya.
(Hango sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8)

IV. Mga Gawain


A. Gawain 1:
Panuto: Gamit ang mga bahagi ng iyong katawan, itala sa kahon ang mga bagay na pwede mong
magawang pagtulong sa iyong pamilya. Gumamit ng hiwalay na papel.

B. Gawain 2:
Panuto: Hanapin sa puzzle ang mga salitang nakatala sa ibaba. Bilugan o gumamit ng makulay na
panulat sa pagsagot nito.

Pagtutulungan
Pamilya
Magulang
Ligaya
Tungkulin
Modernisasyon

9
C. Gawain 3:
Panuto: Punan ng sariling impormasyon ng mga kahon sa ibaba. Itala ang mga naitulong sa bawat
kasapi ng pamilya at ang epekto nito. Gumamit ng hiwalay na papel.
Miyembro ng Pamilya Uri ng Pagtulong Epekto ng Pagtulong
Halimbawa: Nanay Paglilinis ng bahay Naging maayos ang aming tahanan
1.
2.
3.

D. Gawain 4:
Panuto: Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng iyong pagtulong sa iyong pamilya. Gumamit ng
hiwalay na papel.

V. Pagtataya
Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
_____1. Saan kilala ang pamilyang Pilipino?
A. Sa pagtitinda sa online business C. Sa pagpapaaral ng mga anak
B. Sa pagkalinga sa mga anak D. Sa pagbibigay ng luho ng mga anak

_____2. Ano ang kailangang matutunan ng isang anak?


A. Magbasa at Magsulat C. Maging Tamad
B. Tumayo sa sariling paa D. Lahat ng nabanggit

_____3. Ano ang natural na dumadaloy sa pamilya?


A. Pagtutulungan C. Pagdadasal
B. Tamang gabay D. Lahat ng nabanggit.

_____4. Ito ay mananatiling natural na institusyon ng lipunan.


A. Paaralan B. Kapuwa C. Pamilya D. Wala sa nabanggit.

_____5. Mula pa nang sila ay maliliit sinasanay na sa paghahati-hati ng mga gawaing bahay,
binibigyan ng tungkulin ang mga mas nakababatang kapatid sa kanilang nakatatandang kapatid, at
nagtutulungan ang bawat isa sa kanilang mga takdang-aralin. Ang pangungusap ay _________.
A. Tama, dahil alam ng nakatatandang kapatid ang pag-uutos ng mga nakababatang kapatid
B. Mali, dahil alam ng nakatatandang kapatid ang kakayanan ng mga nakababatang kapatid
C. Lahat ng nabanggit
D. Hindi ko alam
VI. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng
hiwalay na papel.
Mga Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 8 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, 2013
• https://www.bing.com/images/search?view=detailV2&ccid=JH4uOhBm&id=8814CB9A94E201BAA
DC2C368141E72EAD48BF412&thid=OIP.JH4uOhBmunomv5d1HtgxvgHaRf&mediaurl=http%3A%
2F%2Fgetdrawings.com%2Fimg%2Fbody-silhouette-clip-art-
10.png&exph=2112&expw=894&q=human+silhouette&simid=608050992376382530&selectedindex
=13&ajaxhist=0&vt=0
• https://clip.cookdiary.net/wallpaper-6330665
Inihanda ni:
Rea Joy O. Pagangpang
Las Piñas North National High School

10
Aralin Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay
3 sa Pagpapasiya, at Paghubog ng Pananampalataya

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakikilala ang mga gawi o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng pagbibigay ng edukasyon,
paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya
(EsP8PBIc-2.1)

Nasusuri ang mga banta sa pamilyang Pilipino sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya
at paghubog ng pananampalataya
(EsP8PBIc-2.2)

Alamin
I. Paksa
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay sa Pagpapasiya,
at Paghubog ng Pananampalataya
II. Layunin
Nakikilala ang mga gawi o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng pagbibigay ng edukasyon,
paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya
Nasusuri ang mga banta sa pamilyang Pilipino sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya
at paghubog ng pananampalataya
III. Nilalaman
Tungkol saan ang aralin na ito?
Ang aralin na ito ay tungkol sa pagganap ng misyon ng pamilya na kung saan makararanas ng
mga pagtuklas, paglinang, pag-unawa at pagsasabuhay ng mga angkop na inaasahang kakayahan at
kilos ng anak ayon sa kaniyang pamilya. Ang mga ito ay naglalayon na makilala ang mga gawi o
karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasiya,
at paghubog ng pananampalataya.
IV. Pamamaraan
Ang mga sumusunod ang mga gabay sa pagsusuri ng mga banta sa pamilyang Pilipino sa
pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasiya at paghubog ng pananampalataya.

Pagbibigay ng Edukasyon
✓Ang karapatan para sa edukasyon ng mga bata ay orihinal at pangunahing Karapatan
✓Mahalaga ang mga naiturong pagpapahalagang sa bahay bilang sandata at kalasag
✓Pangunahing dapat ituro ng magulang sa kanilang anak ang wastong paggamit ng kalayaan sa mga
material na bagay.
✓Kailangang maturuan ang mga bata na mamuhay ng simple
✓Maisasapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung anong
mayroon siya
Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasya
✓ Mahalagang magabayan ang isang kabataan sa paggawa ng tamang pagpapasiya upang hindi siya
masanay na gumawa ng mga maling pasya at hindi matuto sa mga ito.
✓Mahalaga sa murang edad pa lamang ay binibigyan ng laya ang bata na magpasiya para sa kaniyang
sarili, mga simpleng pagpapasiya tulad ng damit na isusuot, ano ang kaniyang gustong kainin at inumin,
ang musikang kaniyang pakikinggan at iba pa.
11
Paghubog ng Pananampalataya
✓Ang mga gawaing panrelihiyon ay mahalaga upang magkaroon ng pangkaisipan at pandamdaming
pangkalusugan at katatagan lalo na kung ito ay ginagawa ng tao nang may pagkukusa o bukas puso.
✓Ito ang nagpapatibay ng pagsasamahan ng pamilya.
✓Ang paglalaan ng isang pamilya ng oras sa pagbabasa ng babasahin na nag-uugnay sa inyo at sa
Diyos, makatitiyak na ang pagpapasiyang isasagawa ay mabuti, mas magiging maayos ang mga
binubuong pananaw, magkakaroon ng sapat na kakayahan na mag-isip muna bago gumawa ng kilos
o tumugon sa isang sitwasyon, mas magiging malapit ang ugnayan sa mga bagay o tao na tunay na
mahalaga sa iyo, at higit sa lahat mas magiging matibay ang ugnayan ng buong pamilya.
(Hango sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8)

V. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na gawain ayon sa sarili mong karanasan. Tukuyin kung, Palaging
ginagawa, Paminsan-minsang ginagawa, at Hindi ginagawa. Pagkatapos, ipaliwanag ang naging sagot.
Gumamit ng hiwalay na papel.

Hal.: Pagdarasal bago at pagkatapos kumain


Sagot: Palaging ginagawa
Paliwanag: Dahil kami ay tinuruan ng aming magulang na matutong magpasalamat sa biyayang
ipinagkaloob ng Diyos

1. Paggawa ng takdang aralin at iba pang proyekto na kailangan sa paaralan


2. Pagpapaalam sa magulang sa pagpunta sa mall kahit alam mong hindi ka nila papayagan
3. Pagsisimba/Pagsasamba
4. Pag-amin at pagsisisi sa kasalanang iyong nagawa sa kapwa
5. Pagsasabi ng problema sa magulang at paghingi ng suhestiyon ukol sa iyong problema
6. Pagdarasal bago matulog at pagkagising sa umaga
7. Pagbabahagi ng iyong grado sa iyong magulang maging ito ay pasado o bagsak
8. Pagbabasa ng Bibliya/ Pag-aaral ng Salita ng Diyos
9. Sariling desisyon tungkol sa paaralang papasukan
10. Pagpapakilala ng iyong mga kaibigan sa iyong pamilya

B. Gawain 2:
Panuto: Hindi madali ang pagganap sa mga tungkulin ng pamilya para sa mga kasapi nito. Lalo na
yong tatlong bagay na misyon ng pamilya. Ano ang mga banta sa pamilyang Pilipino sa mga
sumusunod na gampanin? Gumamit ng hiwalay na papel.

Misyon ng Pamilya Mga Banta sa pamilyang Pilipino


Halimbawa: Kahirapan
A. Pagbibigay ng 1.
Edukasyon 2.
3.
Halimbawa:
B. Paggabay sa Nasa abroad ang magulang
Paggawa ng 1.
Mabuting Pasya 2.
3.
C. Paghubog sa Halimbawa:
Pananampalataya Busy ang magulang sa trabaho
1.
2.
3.
12
C. Gawain 3:
Panuto: Paano mo malalampasan ang mga sumusunod na sitwasyon? Gumamit ng hiwalay na papel.
1. Bigayan na ng iyong “Card” sa darating na Sabado. Mahalaga na makapunta ang iyong magulang
dahil ikaw ay may bagsak na grado ngunit ang iyong magulang ay may naka-schedule na
importanteng meeting? Ano ang iyong gagawin?

2. Ang iyong pamilya ay magkakaroon ng Family Reunion sa darating na Linggo na isang beses, sa
isang taon lang nangyayari ngunit ikaw ay may schedule sa simbahan sa pagiging Altar Boys. Ano
ang iyong gagawin?

3. Ang pamilya mo ay kailangan ng lumipat ng probinsiya dahil nawalan ng trabaho ang iyong mga
magulang. Dahil ditto, ikaw ay kanilang pinamimili kung ikaw ay sasama o hindi dahil kalagitnaan pa
lang ng taon ng pasukan ngunit ikaw ay maninirahan sa iyong tiyahin na hindi mo naman kakilala. Ano
ang iyong gagawin?

D. Gawain 4:
Panuto: Magbigay ng mga paraan kung paano mo mahuhubog ang sarili. Gumamit ng hiwalay na papel.
Misyon ng Pamilya Mga Paraan para malaban ang mga Mga Banta sa pamilyang Pilipino
Halimbawa: Gagawa ng takdang aralin araw-araw
A. Pagbibigay ng 1.
Edukasyon 2.
3.
Halimbawa: Magsasabi ng problema sa magulang
B. Paggabay sa 1.
Paggawa ng 2.
Mabuting Pasya 3.
Halimbawa: Maglalaan ng oras para sa pagrorosaryo kahit busy sa pag-aaral
C. Paghubog sa 1.
Pananampalataya 2.
3.

VI. Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.

_____1. Ito ang nagpapatibay ng samahan ng pamilya


A. Gawaing Bahay C. Gawaing Panrelihiyon
B. Gawaing Pampaaralan D. Gawaing Moral
_____2. Mahalaga ang mga naiturong pagpapahalagang sa bahay bilang __________ sa pagbibigay ng
edukasyon ng magulang sa anak
A. Pana at Sibat C. Sandata at Sibat
B. Sandata at pana D. Sandata at kalasag
_____3. Kailangang maturuan ang mga bata na mamuhay ng _____________.
A. Mayaman C. Mapang-mataas
B. Mahirap D. Simple
_____4. Pangunahing dapat ituro ng magulang sa kanilang anak ang wastong paggamit ng
___________________sa mga material na bagay.
A. Kalayaan C. Responsibilidad
B. Pananagutan D. Kaugalian
_____5. Mahalaga sa ______________ edad pa lamang ay binibigyan siya ng laya ang bata na
magpasiya para sa kaniyang sarili, mga simpleng pagpapasiya tulad ng damit na isusuot, ano ang
kaniyang gusting kainin at inumin, ang musikang kaniyang pakikinggan at iba pa.
A. Bata C. Murang
B. May D. Sapat
13
VII. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng
hiwalay na papel.
Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 8 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, 2013
Inihanda ni:
Maria Liza D. Limbo
Las Piñas North National High School

Aralin Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay


4 sa Pagpapasiya, at Paghubog ng Pananampalataya

Kasanayang Pampagkatuto:
Naipaliliwanag na:
a. Bukod sa paglalang, may pananagutan ang mga magulang na bigyan ng maayos na edukasyon ang
kanilang mga anak, gabayan sa pagpapasya at hubugin sa pananampalataya.
b. Ang karapatan at tungkulin ng mga magulang na magbigay ng edukasyon ang bukod-tangi at
pinakamahalagang gampanin ng mga magulang.
(EsP8PBId-2.3)

c.Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga gawi sa pag-aaral at
pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya
(EsP8PBId-2.4)

Alamin

I. Paksa
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay sa Pagpapasiya,
at Paghubog ng Pananampalataya

II. Layunin
Naipaliliwanag na:
a. Bukod sa paglalang, may pananagutan ang mga magulang na bigyan ng maayos na edukasyon ang
kanilang mga anak, gabayan sa pagpapasya at hubugin sa pananampalataya.
b. Ang karapatan at tungkulin ng mga magulang na magbigay ng edukasyon ang bukod-tangi at
pinakamahalagang gampanin ng mga magulang.
c.Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga gawi sa pag-aaral at
pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya

III. Pamamaraan
Ang tungkulin ng magulang sa kanilang mga anak ay hindi nagtatapos sa pagbibigay sa kanila
ng makakain, maiinom, maisusuot at matitirhan o sa paghahanda sa kanila para magkaroon ng
magandang trabaho sa hinaharap. Kasama rito ang paghahanda para sa kanila sa buhay at paggabay
sa kanila upang makamit nila ang tunay na tunguhin ng tao – ang kaniyang kaligayan at kaganapan
bilang tao.

14
Pagbibigay ng Edukasyon
Ang mga sumusunod ang mga simpleng turo ngunit ang turong ito ay magbubunga ng iba pang
mga pagpapahalaga tulad ng:
a.pagtanggap – dahil sa paghubog sa kakayahang tanggapin ang tao bilang siya at hindi siya susukatin
batay sa kung ano ang maaari niyang maibigay,
b.pagmamahal – dahil sa paghubog sa kakayahang tanggapin ang isang tao na hindi tumitingin sa
kaniyang kakayahan at katangian
c.katarungan – dahil nagbubunsod ito upang kilalanin at igalang ang dignidad ng tao
Sa isang lipunan na unti-unting nayayanig at nawawasak ng pagiging maksarili ng iilan, mahalagang
hubugin ang mga anak sa tunay na diwa ng katarungan. Ito ang magbubunsod upang matutuhan nilang
igalang ang dignidad ng kanilang kapwa at ang diwa ng pagmamahal na hindi naghihintay ng kapalit at
nagpapadaloy sa paglilingkod at pagtulong lalo na sa mga nangangailangan.
Ngunit mahalagang maunawaan na wala pa ring makahihigit sa pagtuturo sa pamamagitan ng
pagpapakita ng magandang halimbawa. Ang halimbawa ang pundasyon ng impluwensiya. Ang mga
bagay na nakikita ng mga bata na ginagawa ng kanilang mga magulang, ang mga salita na kanilang
naririnig sa mga ito, at ang paraan ng kanilang pag-iisip ang tunay na makaiimpluwensiya sa kanilang
mga iisipin, sasabihin at isasagawa.
Ang mga magulang ang kauna-unahang modelo ng kanilang mga anak. Hindi ito maiiwasan dahil
lahat ng kanilang sinasabi at ginagawa ay nakaiimpluwensiya sa kanilang mga anak, positibo man o
negatibo. Magsisilbing pamantayan ng kilos at asal ng mga anak ang kanilang nakikita mula sa kanila.

Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya


Isa sa mga pangunahing makatutulong upang ang isang tao ay maging matagumpay, masaya,
at magkaroon ng kakayahan na makapag-ambag para sa kaunlaran ng lipunan ay ang turuan siya na
makagawa ng mabuting pagpapasiya at pagkatapos ay bigyan siya ng laya na magpasiya para sa
kaniyang sarili. Ang mga pagpapasiyang isasagawa ng mga bata hanggang sa kanilang pagtanda ang
siyang magdidikta kung anong uri ng tao sila magiging sa hinaharap at kung anong landas ang kanilang
pipiliing tahakin.
Ang pagsisisi ay bunga ng maling pagpili. Ang pagkakaroon ng kakayahan sa mabuting
pagpapasiya ay bunga ng karunungan at pagpapahalagang naitanim ng mga magulang sa kanilang mga
anak mula noong sila ay bata pa lamang. Ito ay bunga ng pagtitiwala at pagbibigay sa mga bata ng
kalayaan na gumawa ng pagpapasiya na ginagabayan ng magulang.

Paghubog ng Pananampalataya
Sabi ni Stephen Covey sa kaniyang aklat na 7 Habits of Highly Effective Families, may mga pag-
aaral na nagpapatunay na ang pakikibahagi ng isang tao sa mga gawaing pangrelihiyon ay mahalaga
upang magkaroon ng pangkaisipan at pandamdaming kalusugan at katatagan lalo na kung ito ay
ginagawa ng ng tao nang may pagkukusa o bukas puso. Ito rin ay nagpapatibay ng pagsasamahan ng
pamilya. Ngunit paano natin masasanay ang ating sarili kasama ang ating pamilya sa pagsasagawa ng
mga ganitong gawain? Narito ang ilan sa mga pamamaraan na maaaring makatulong sa iyo at sa iyong
pamilya.
1. Tanggapin na ang Diyos ang dapat maging sentro ng buhay-pampamilya
2. Ituon ang pansin sa pag-unawa
3. Hayaang maranasan ang tunay at malalim nitong mensahe
4. Gamitin ang mga pagkakataon na handa ang bawat kasapi ng pamilya na making at matuto
5. Tulungan ang bawat kasapi upang maitanim sa kanilang isipan ang mga itinuturo tungkol sa
pananampalataya
6. Iwasan ang pag-aalok ng “suhol”
7. Ipadanas ang pananampalataya nang may kagalakan
Huwag nating hayaan na masira ang pamilyang binuo dahil sa pagmamahal. Kailangang kumilos
ang lahat para ito ay ingatan at ipaglaban. Kasama ka ba sa laban?
(Hango sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8)
15
IV. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Isulat sa kahon ang titik batay sa kung anong misyon ng pamilya ang tinutukoy dito.
A = Pagbibigay ng Edukasyon
B = Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya
C = Paghubog ng Pananampalataya
Mga Gawi / Mission Impossible Misyon ng Pamilya

1. “Mag-aral kang mabuti. ‘Yan lang ang maipamamana naming sa


iyo.”
2. “Iligpit mo ang mga gamit mo, anak. Dapat nagkukusa ka nang
gawin yan kasi malaki ka na.”
3. “O, kapag nagpunta tayo sa bahay ng lolo at lola ninyo, huwag
ninyong kalimutan magmano ha.”
4. “Bata ka pa para makipagligawan ha. Dapat maging maingat sa
pakikitungo lalo na sa mga lalaking hindi mo pa gaanong kakilala.”
5. “Unahin ninyo ang pagsisimba sa araw ng Linggo. Bukod sa
pagsimba, araw yan dapat para sa pamilya.”

B. Gawain 2:
Panuto: Tukuyin kung sino-sino sa iyong kapamilya ang puwede mong makatatulong para sa pagtupad
ng mga Misyon ng Pamilya. Magbigay ng limang tao sa bawat misyon. Gumamit ng hiwalay na papel.
Pagbibigay ng Edukasyon Paggabay sa Mabuting Pasya Paghubog ng Pananampalataya

Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa:


1. Tatay Pedro 1. Lolo Lito 1. Ate Pam

C. Gawain 3:
Panuto: Magbahagi ng sariling karanasan batay sa naging misyon ng pamilya ninyo at kung ano ang
nagging gawain ninyo para mapaunlad ang bawat isa. Gumamit ng hiwalay na papel.
Misyon ng Pamilya Karanasan sa pamilya

Pagbibigay ng Edukasyon Halimbawa: Parehong nagtratrabaho ang aming mga


magulang para kami ay makapag-aral lahat

Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Halimbawa: Sabay –sabay kaming kumakain at doon kami
Pasiya ng nagkwekwento tungkol sa mga pangyayari sa buong araw
Paghubog ng Pananampalataya Halimbawa:Sabay-sabay kaming nagsisimba tuwing Linggo

D. Gawain 4:
Panuto: Tukuyin kung anong Misyon ng Pamilya ang sinasabi sa bawat batayang konsepto.
________1. Ang pagtanggap ay nahuhubog sa kakayahang tanggapin ang tao bilang siya at hindi siya
susukatin batay sa kung ano ang maaari niyang maibigay.
________2. Ang pagsisisi ay bunga ng maling pagpili.
________3. Sa paglipas ng panahon, mahaharap na ang isang kabataan sa mas mabigat na suliranin at
may pagkakataong nakagagawa ng hindi maingat at makasariling pasya.
________4. Tanggapin na ang Diyos ang dapat maging sentro ng buhay-pampamilya.
________5. Ang pagmamahal ay nahuhubog sa kakayahang tanggapin ang isang tao na hindi tumitingin
sa kaniyang kakayahan at katangian ay tanda ng malalim na pagmamahal.

16
V. Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.

_____1. Ang pagpapahalagang ito ang nagbubunsod upang kilalanin at igalang ang dignidad ng tao
A. Pagtanggap B. Pagmamahal C. Katarungan D. Kalayaan
_____2. Ang pagpapahalaga na nagbubunga ng pagtitiwala at pagbibigay sa mga bata ng kalayaan na
gumawa ng pagpapasiya na ginagabayan ng maingat na paghuhusga.
A. Edukasyon B. Mabuting pagpapasya C. Pananampalataya D. Pananagutan
_____3. Ang pagpapahalaga na nagtuturo na gamitin ang mga pagkakataon na handa ang bawat kasapi
ng pamilya na making at matuto.
A. Kalayaan B. Pagpapasya C. Responsibilidad D. Pananampalataya
_____4. Pangunahing maituro ng ______________ sa kanilang anak ang watong paggamit ng kalayaan
sa mga material na bagay.
A. Magulang B. Ate C. Kuya D. Guro
_____5. Ang mga magulang ang __________ modelo ng kanilang mga anak.
A. Una B. Ikalawa C. Ikatlo D. Ikaapat

VI. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng
hiwalay na papel.
Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 8 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, 2013

Inihanda ni:
Maria Liza D. Limbo
Las Piñas North National High School

Aralin
Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng Pamilya
5

Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya o pamilyang nakasama, naobserbahan o
napanood na nagpapatunay ng pagkakaroon o kawalan ng bukas na komunikasyon
(EsP8PBIe-3.1)
Nabibigyang-puna ang uri ng komunikasyon na umiiralsa isang pamilyang nakasama, naobserbahan
o napanood
(EsP8PBIe-3.2)

Alamin
I. Paksa
Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng Pamilya
II. Layunin
Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya o pamilyang nakasama, naobserbahan o
napanood na nagpapatunay ng pagkakaroon o kawalan ng bukas na komunikasyon

Nabibigyang-puna ang uri ng komunikasyon na umiiralsa isang pamilyang nakasama, naobserbahan o


napanood
17
III. Nilalaman
Tungkol saan ang aralin na ito?
Ang aralin na ito ay tungkol sa malaking papel na ginagampanan ng komunikasyon sa
pagpapatatag ng anumang uri ng relasyon. May mga pagkakataon na kahit wala tayong sinasabi ay
nakasasakit tayo ng ating kapwa, kayat nararapat lamang na magamit ng tama ang iba’t ibang uri ng
komunikasyon sa pagpapalawak at sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa ating mga unang kapwa –
ang ating pamilya. Halika, sabay nating alamin ang kahalagahan ng komunikasyon sa pagpapatatag ng
pamilya at ng ating ugnayan sa ating kapwa.

IV. Pamamaraan
Pagsusuri ng Sitwasyon: Basahin at suriin ang sumusunod na sitwasyon. Ipamalas ang iyong
pagkaunawa sa pagsasagawa ng mga inihandang gawain.
1. Nasa ibang bansa ang ama ni Melissa. Tuwing katapusan ng buwan, tumatawag siya sa telepono
at nagpapadala ng pera. Nang lumaon, tuwing katapusan, nagpapadala pa rin ng pera ang kaniyang
ama, subalit hindi na ito tumatawag. Sa iyong palagay, ano ang dapat gawin nina Melissa?
Ipaliwanag.

2. Tuwing nagigising si Julio ay handa na ang kaniyang pagkain. Maliligo at kakain na lamang siya
bago pumasok ng paaralan. Parehong nagtatrabaho ang kanilang mga magulang at nasa dormitory
ng kolehiyo ang kaniyang ate. Nais sana ni Julio na hingin ang payo ng kanyang mga magulang
tungkol sa pagsali sa isang paligsahan sa paaralan, subalit lagi silang abala. Malungkot na kumakain
mag-isa si Julio. Ano ang dapat niyang gawin? Ipaliwanag ang sagot.

3. Tuwing hapon, nakasanayan ng anim na taon at bunsong kapatid ni Mila na hintayin ang kanilang
mga magulang sa tabi ng bintana. Nais ni Milang ipaliwanag sa bunsong kapatid na dalawang taon
pa bago umuwi ang kanilang mga magulang dahil nasa ibang bansa na ang mga ito. Kung ikaw si
Mila paano mo ito ipaliliwanag sa iyong bunsong kapatid?

4. Nagtakda ng araw ng pasahan ng mga gawain ang inyong guro sa EsP para sa ika-apat na
markahan. Isa ka sa hindi kaagad nakapagpasa, kaya naman pinalawig ng guro ang araw ng
pasahan subalit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagdeklara ang presidente ng walang pasok
bago pa man ang itinakdang pasahan. Ano ang gagawin mo?

5. Hindi tuwirang sinasagot ni Perla si Menchie tuwing tinatanong ng huli kung crush nya ba ang
presidente ng kanilang klase na si Julius. Sa halip ay magbibigay lang ito ng isang makahulugang
ngiti o kaya naman ay tatalikuran niya ang kaibigan. Ano kaya ang nais ipahiwatig ni Perla?

(Hango sa Modyul ng Edukasyon sa Pagpapakatao 8)

V. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Kumpletohin ang tsart ayon sa mga hinihingin impormasyon batay sa mga sitwasyong nabasa
mo. Gumamit ng hiwalay na papel.
Uri ng Komunikasyong maaring gamitin
(Pasalita, Pakilos o Virtual)
Sitwasyon Suliranin Sagot sa tanong
Bilang
1
2
3
4
5

18
B. Gawain 2:
Panuto: Gamit ang diagram itala ang tatlong (3) uri ng Komunikasyon at magbigay ng halimbawa ng
bawat uri. Gumamit ng hiwalay na papel.
Uri ng
Komunikasyon

halimbawa

C. Gawain 3:
Panuto: Matapos ang nagdaang gawain, mayroon ka nang ideya kung ano ang tatlong (3) uri ng
komunikasyon. Sa susunod na gawain, tukuyin kung anong uri ng komunikasyon ang mga sumusunod.
Isulat ang P – kung pasalitang komunikasyon, PK – kung pakilos at V – kung ito ay nagpapakita ng virtual
na komunikasyon.

_____ 1. pagkaway _____ 6. pag browse ng balita


_____ 2. sigaw _____ 7. tingin ng galit
_____ 3. sulat ng paghanga _____ 8. panonood ng balita
_____ 4. kindat _____ 9. video call
_____ 5. pagtango ng ulo _____10. sulat sa pader

D. Gawain 4:
Panuto: Sa oslo paper, gumawa ng “comics script” na tumatalakay kung paano ka hihingi ng permiso sa
iyong mga magulang na payagan kang dumalo sa kaarawan ng iyong kamag-aral pagkatapos ng inyong
klase. Ito ay dapat na nagpapakita ng iba’t ibang uri ng komunikasyon. Gumamit ng hiwalay na papel.
Pamantayan sa pagpupuntos
8 - naipakita ang 3 uri ng komunikasyon
5 - malikhain
2 - malinis at sumunod sa panuto
15 - kabuuan

VI. Pagtataya
Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong kaugnay sa katatapos na aralin. Piliin sa loob ng kahon ang
pinaka angkop na sagot at isulat sa inyong sagutang papel.

Komunikasyon pakikipagbulungan pakilos

tapik sa likod virtual pasalita

__________________1. Ito ay tumatalakay sa anumang senyas o simbulo na ginagamit ng tao upang


ipahayag ang kaniyang iniisip at pinahahalagahan.
_________________ 2. Ito ang uri ng komunikasyon na nagpapakita ng kilos o galaw ng isang tao.
Ang pagkilos ng kamay at katawan ang isa sa mga halimbawa nito.
_______________ 3. Ang uri ng komunikasyon na ginagamitan ng salita na ipinahahayag natin sa
ating kausap.
_______________ 4. Marahang _____ sa balikat ng ama ang anak bilang pagbibigay permiso sa
hinihiling nito.
_______________ 5. Ang komunikasyong ito ay karaniwang ginagamitan ng gadget tulad ng cellphone
o laptop sa pakikipag-usap.
19
VII. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng
hiwalay na papel.

Mga Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 8 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, 2013
• Punsalan, Twila G., Gonzales, Camila C. et. al, “Pagpapakatao 8,” Rex Bookstore, 2013
• Googlequicksearchbox.jpeg/hinango noong Abril 26, 2020

Inihanda ni:
Melanie P. Ubay
CAA National High School

Aralin
Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng Pamilya
6

Kasanayang Pampagkatuto:
Nahihinuha na:
a. Ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak ay nagbibigay-daan sa
mabuting ugnayan ng pamilya sa kapwa.
b. Ang pag-unawa at pagiging sensitibo sa pasalita, di-pasalita at virtual na uri ng komunikasyon ay
nakapagpapaunlad ng pakikipagkapwa.
c. Ang pag-unawa sa limang antas ng komunikasyon ay makatutulong sa angkop at maayos na
pakikipagugnayan sa kapwa.
(EsP8PBIf-3.3)
Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagkakaroon at pagpapaunlad ng komunikasyon sa
pamilya
(EsP8PBIf-3.4)

Alamin

I. Paksa
Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng Pamilya

II. Layunin
Nahihinuha na:
a. Ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak ay nagbibigay-daan sa
mabuting ugnayan ng pamilya sa kapwa.
b. Ang pag-unawa at pagiging sensitibo sa pasalita, di-pasalita at virtual na uri ng komunikasyon ay
nakapagpapaunlad ng pakikipagkapwa.
c. Ang pag-unawa sa limang antas ng komunikasyon ay makatutulong sa angkop at maayos na
pakikipagugnayan sa kapwa.

Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagkakaroon at pagpapaunlad ng komunikasyon sa


pamilya
20
III. Pamamaraan
Talakayan
ANTAS NG KONUNIKASYON
ayon kay Ruesch at Bateson
1. Intrapersonal – tumutukoy sa komunikasyong pansarili
2. Interpersonal - komunikasyong nagaganap sa dalawa o higit pang bilang ng tao
3. Pampubliko - komunikasyon sa pagitan ng isang tao at malaking grupo ng tao
4. Cross – cultural – komunikasyong ipinakikilala ang isang bansa sa iba pang bansa sa
pamamagitan ng pagtatanghal.
5. Pang – midya – pinagmumulan ng mensaheng ginagamitan ng midya
(Hango sa https://slideshare/googlequicksearchbox)

Sa limang antas ng komunikasyon, ang “intrapersonal” at “interpersonal” na antas ang


kadalasan nating ginagamit.
Sa intrapersonal, may mga pagkakataon na kinaki-usap natin ang ating sarili sa salamin, sa
ating isipan, o kung minsan naman ay nag momonologo tayo. Monologo, ginagawa upang makamit ang
isang layuning pansarili, o kung ang pakay ay marinig lamang at hindi ang makinig. Maaring may pisikal
tayong kausap ngunit hindi naman natin binibigyan ng pagkakataong makapagsalita o marinig ang
kanyang iniisip at nararamdaman.
Sa interpersonal na antas, nilalayon nito ang bukas na komunikasyon sa pagitang ng mga
magulang at anak, ito sana ang magbibigay-daan sa mabuting ugnayan ng bawat miyembro ng pamilya
at ugnayan nila sa kanilang kapwa subalit alam natin na hindi sa lahat ng pagkakataon ay mabuti ang
ugnayan natin sa ating kapwa. Sa ganitong pagkakataon, maaari nating gamitin ang diyalogo, pakikinig
upang maunawaan ang pananaw at pinanggagalingan ng kausap, at pagpapahayag naman ng sariling
pananaw sa kapwa.

Sa kabilang banda, may mga ibinigay na paraan upang mapabuti ang komunikasyon.
1. pagiging mapanlikha o malikhain (creativity) – mag-isip ng magandang paraan at mga salitang
hindi makasasakit ng damdamin ng ating kapwa.
Halimbawa ay paano mo sasabihin sa iyong kamag-aral na mabaho ang kanyang hininga na hindi
siya mapapahiya?
➢ Maari mo siyang regaluhan ng mouthwash, toothpaste o toothbrush.
2. Pag-aalala at malasakit (care ang concern) - iparamdam sa tao na kaya mo ito sinasabi sa kanya
ay dahil sa iyong pagmamalasakit at pag-aalala.
➢ maaari mong sabihin sa tao nang pribado na narinig mong pinag-uusapan siya ng inyong mga
kamag-aral dahil mabaho ang kanyang hininga at nag-aalala ka na tuluyang lumayo sa kanya
ang inyong mga kaibigan.
3. Pagiging hayag o bukas (cooperativeness/openness) – sa pakikipag-usap, manatiling tapat at
pag-usapan kung ano ang maaari gawin. Iwasan ang agad na magalit o gawing personal ang isyu,
alalahaning sinabi ito sa iyo ng sarilinan upang hindi ka mapahiya, laging isipin na ito ay para sa
iyong ikabubuti kaya matapat nating sinasabi.
➢ Subukan mo kayang komunsulta sa dentista para malaman kung ano ang maari mong gawin
maliban sa madalas na pagsisipilyo.
4. Atin – atin (personal) – ang hindi pagsasangkot o paninisi sa ibang taong walang kinalaman. Sa
puntong ito, bigyan katiyakan na kung ano man ang inyong napag-usapan at napagkasunduan ay
mananatiling sa pagitan ninyo lamang at hindi na malalaman ng iba.
➢ Friend, sikreto lang natin ito, wag kang mag-alala walang ibang makaka-alam ng lihim natin.
5. Lugod o ligaya – ang pagpaparamdam at pagpapakita na tayo ay maligaya sa ating pakikipag-
usap at sa ating kausap, ay nakabubuo ng pagtitiwala at pagpapalagay sa loob ng ating kausap.
Dahil dito, maaaring maiwasan na magalit at sumama ang loob ng taong sinabihan natin ng
kahalagahan ng kalinisan ng ating katawan.
➢ Salamat, maligaya ako na hindi mo minasama ang sinabi ko. Halika mag meryenda tayo!

21
IV. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Gumawa ng dalawa hanggang tatlong (2 – 3) pangungusap kung saan maipapakita ang iba’t
ibang antas ng komunikasyon. Gumamit ng hiwalay na papel.

1. Intrapersonal – kung may gusto kang sabihin sa sarili mo, ano ito?
2. Interpersonal – Ano ang gagawin o sasabihin mo sa kaibigan mong napansin mong iniiwasan ka.
3. Pampubliko - tumatakbo kang, grade level representative sa inyong paaralan, ano ang sasabihin
mo sa mga mag-aaral upang ikaw ang kanilang iboto.
4. Cross – cultural - ikaw ang napiling tagapagdaloy ng programa (host) para sa United Nation, paano
mo ipakikilala ang kalahok mula sa South Korea?
5. Pang – midya - Na interbyu ka para sa inyong pampaaralang pahayagan, paano mo sasagutin ang
tanong na “bilang grade level representative, ano ang maitutulong mo sa paaralan at kapwa mo mag-
aaral para makaiwas sa banta ng COVID 19?”

B. Gawain 2:
Panuto: Gamit ang Venn Diagram magtala ng tatlong (3) pagkakaiba at pagkakapareho ng mga
sumusunod. Gumamit ng hiwalay na papel.
1. Diyalogo at Monologo
2. Pasalita at Virtual na Komunikasyon
3. Bukas at di bukas na Komunikasyon

C. Gawain 3:
Panuto: Gamit ang paraan para mapabuti ang komunikasyon, itala ang mga hakbang na maari mong
gawin sa mga sumusunod na sitwasyon. Gumamit ng hiwalay na papel.
a. Pagiging malikhain d. Atin-atin
b. Pag-aalala at malasakit e. Lugod at ligaya
c. Pagiging hayag o bukas

1. Ipapaalam sa magulang na may boyfriend/girlfriend ka na.


2. Ipaalam sa kaibigan na nakita mo siyang nagbukas ng kwaderno habang nagsusulit sa EsP.
3. Kausapin ang kaibigang itigil na ang pambubulas (bully) sa isa ninyong kaklase.

C. Gawain 4:
Panuto: Ipakita ang iyong natutuhan sa nagdaang aralin sa pamamagitan ng pagbuo sa diagram.
Gumamit ng hiwalay na papel.

22
V. Pagtataya
Panuto: Piliin ang titik ng pinaka angkop na sagot at isulat sa inyong kwaderno.
_____1. Ito ang antas ng komunikasyon na nagaganap sa dalawa o higit pang bilang ng tao.
A. Cross – cultural B. Intrapersonal C. Interpersonal D. Pampubliko
_____2. Ang mga sumusunod ay antas ng komunikasyon maliban sa . . .
A. Cross – cultural B. Pampubliko C. Pang – midya D. Virtual
_____3. Ito ginagawa upang makamit ang isang layuning pansarili, o kung ang pakay ay marinig lamang
at hindi ang makinig.
A. Diyalogo B. I-thou C. Komunikasyon D. Monologo
_____4. Tumutukoy sa pakikinig upang maunawaan ang pananaw at pinanggagalingan ng kausap, at
pagpapahayag naman ng sariling pananaw sa kapwa.
A. Diyalogo B. I-it C. I – thou D. Komunikasyin
_____5. Alin sa mga sumusunod ang hindi paraan ng upang mapabuti ang komunikasyon?
A. Atin – atin B. Lugod o ligaya C. malasakit D. Pang – midya

VI. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng
hiwalay na papel.

Mga Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 8 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng
Pilipinas, 2013
• Gabay sa Pagtuturo ng Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010, ang disenyong UbD (Edukasyon sa
Pagpapahalaga II)
• Googlequicksearchbox.jpeg/Antas ng Komunikasyon hinango noong May 5, 2020
• https://slideshare/Antas ng komunkasyon hinango noong May 5, 2020
Inihanda ni:
Melanie P. Ubay
CAA National High School

Aralin
Ang Papel na Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya
7
Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng pagtulong sa kapitbahay
o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan (papel
na pampulitikal)
(EsP8PBIg-4.1)

Nasusuri ang isang halimbawa ng pamilyang ginagampanan ang panlipunan at pampulitikal na papel
nito
(EsP8PBIg-4.2)

Alamin
I. Paksa
Ang Papel na Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya
II. Layunin
Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng pagtulong sa
kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong
panlipunan (papel na pampulitikal)
23
Nasusuri ang isang halimbawa ng pamilyang ginagampanan ang panlipunan at pampulitikal na papel
nito

III. Nilalaman
Tungkol saan ang aralin na ito?
Tungkulin ng pamilya ang paghubog ng mga mamamayang nakikilahok sa mga gawaing
panlipunan, nakikisangkot sa paglutas ng mga suliranin sa pamayanan at nakikialam sa pagtatatag ng
isang sistemang politikal na may integridad at nagpapatingkad sa dignidad ng bawat tao sa lipunan. Sa
modyul na ito ay pag-aaralan mo ang papel ng pamilya sa lipunan at sa politika. Sa huli’y inaasahang
masasagot mo ang mahalagang tanong na: Bakit mahalagang magampanan ng pamilya ang kaniyang
mga papel na panlipunan at pampolitikal?

IV. Pamamaraan
Basahin at unawain.
Ang Papel na Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya
“Ang tao ay hindi lamang binubuo ng katawan at ispiritu… siya ay isang panlipunang nilalang,
likas na kaugnay ng iba pang tao, hindi siya ipanganganak o mananatiling buhay kundi sa pamamagitan
ng ibang tao. Ang pakikipagniig sa ibang tao ay bahagi ng kaniyang pagiging tao.” (Sheen, isinalin mula sa
Education in Values: What, Why and For Whom ni Esteban, 1990).

❖ Ang Papel ng Pamilya sa Lipunan


Sa loob ng pamilya nagsisimula ang pagiging bukas palad at ang diwa ng bayanihan. Ngunit hindi sapat
na panatilihin lamang ang mga ito sa loob ng pamilya. Kaya nga may pagkakataon na hindi nagiging
positibo ang pagiging labis na makapamilya ng mga Pilipino. Imbes na makiisa sa lipunan ay
pagkakawatak-watak at pagkakani- kaniya ang nililikha nito. Ang labis na pagkiling sa pamilya ay
maaaring mangahulugan ng paggamit ng posisyon at kapangyarihan para sa kapakanan ng pamilya.
Nagiging sanhi rin ito ng political dynasties o ang pagpapanatili ng mga posisyon sa gobyerno at ng
kapangyarihan sa pamumuno ng iisang pamilya lamang. Ang nangyayari ay taliwas sa papel na
panlipunan ng pamilya.
Sa loob ng pamilya dapat natututuhan ng tao na iwaksi ang pagiging makasarili at magsakripisyo
alang-alang sa kapwa – alang-alang sa ikabubuti ng lahat. Dito niya natututuhan na ang pagkakawang-
gawa ay katumbas ng pagmamahal; na ang paglilingkod sa kapwa ay kinakailangan upang maging
kabilang sa kapatiran ng tao. Ang kapatirang ito ay mangyayari lamang kung mayroong pinag-ugatang
pagkakapatiran sa pagitan ng mga tunay na magkakapatid sa loob ng pamilya. “Ang pagtulong ng
pamilya sa pamayanan ay paraan upang maisabuhay ang mga pagpapahalaga at birtud na itinuturo at
natututuhan sa loob ng tahanan.”

Pangangalaga sa Kalikasan
Dapat isaalang-alang ang paggalang sa dignidad ng kapwa sa uri ng pamumuhay ng pamilya.
Ang labis na kayamanan ay nakaeeskandalo kung ito ay walang pakundangang ipinangangalandakan
sa harap ng mga taong minsan sa isang araw na lamang kumakain. Ang walang habas na pag- aaksaya,
pamumuhay sa labis na karangyaan at luho ay paglabag sa tuntunin ng moralidad. Kaya nga mahalaga
ang pagtuturo at pagsasabuhay ng simpleng uri ng pamumuhay sa loob ng pamilya. Ayon nga kay
Esteban (1989), ang pinakamalaking hadlang sa paglago ng tao at ng sangkatauhan ay ang labis na
kahirapan ng isang bahagi ng lipunan at ang nakakaeskandalong karangyaan sa kabilang bahagi nito.
Ang hindi pagkakapantay na ito ay isang paglabag sa katarungang panlipunan. Tungkulin ng pamilya na
sikaping maging pantay ang turing sa lahat ng tao anuman ang kalagayan sa buhay.

Pantay-pantay ang tao sa mata ng Diyos. Nilikha ang mundo para sa lahat ng Kaniyang nilalang.
Hindi maaaring angkinin ng iilan ang hangin, tubig, at lupa. Ang tao ay tagapamahala lamang at hindi
lubos na nagmamay-ari ng lupa, hangin, tubig, at iba pang nilikha ng Diyos sa mundo. Kaya nga ang
pagkakaroon ng legal na karapatan sa pagmamay-ari ng alinman sa mga elementong ito ay dapat na
24
may kalakip na paalala na ang mga ito ay kaloob ng Diyos at hindi likha ng tao. Samakatuwid, ang mga
nagmamay-ari o tagapamahala ng lupain ay nararapat na isaisip ang kabutihan ng lahat ng tao sa
paggamit nito. Ang hangin at tubig sa ating himpapawid at mga karagatan ay hindi dapat na abusuhin ng
ilang tao, o maging ng mga industriya o korporasyon na karaniwang pag-aari ng ilang mayayamang
pamilya; bagkus dapat na gamitin para sa kabutihan ng lahat ng tao sa mundo. Kaya nga walang
karapatan ang mga industriya na dumihan ang hangin ng maruming usok na galing sa kanilang mga
pagawaan at dumihan ang mga ilog at dagat ng polusyong nakalalason sa tubig at pumapatay ng mga
nabubuhay dito.

Tungkulin ng pamilya ang pangangalaga sa kalikasan bilang likas na tagapamahala ng lahat ng


nilikha ng Diyos. Dahil sa tungkuling ito, nararapat na isulong ng pamilya ang mga proyektong
nangangalaga sa kalikasan tulad ng Clean and Green Program na nagtataguyod ng mga proyektong
tulad ng pagtatanim ng mga puno, paghihiwalay ng mga nabubulok at di nabubulok na basura, ang 3Rs
(reduce, re-use, recycle), paglilinis ng mga kanal at daluyan ng tubig at marami pang iba.

❖ Ang Papel na Pampolitikal ng Pamilya


Ang papel na panlipunan ng pamilya ay dapat ding maipahayag sa pamamagitan ng pakikialam
sa politika. Nararapat na manguna ang pamilya sa pagtiyak na ang mga batas at ang mga institusyong
panlipunan ay hindi taliwas, sa halip ay nagsusulong at nangangalaga sa mga karapatan at tungkulin ng
pamilya. Kalakip nito ay dapat na alam din ng pamilya ang mga natural at legal na karapatan nito. Dapat
din na pangunahan nito ang pagpapanibago sa lipunan at hindi magpabaya sa kaniyang mga tungkulin.
(Hango sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8)
V. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Suriin ang mga larawan. Magtala ng mga gawaing nagpapakita ng pagganap sa Papel na
Panlipunan at Pampolitikal na maaaring gawin ng inyong pamilya kaugnay ng bawat sitwasyon.
Gumamit ng hiwalay na papel.

1. baha 2. burol

B. Gawain 2:
Panuto: Magbigay ng mga halimbawa ng papel sa lipunan at papel pampolitikal na iyong natutunan sa
inyong pamilya? Gumamit ng hiwalay na papel.

C. Gawain 3:
Panuto: Suriin ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya. Mula sa mga pangangailangang ito, bumuo
ng tatlo hanggang limang karapatan ng pamilya bilang institusyon. Gumamit ng hiwalay na papel.

Hallimbawa:

D. Gawain 4:
Panuto: Gumawa ng isang tula gamit ang mga sumusunod na mga salita. Gumamit ng hiwalay na papel.
PAGMAMALASAKIT PAMILYA MAPANAGUTAN KARAPATAN PAMPOLITIKAL
PAGTULONG PAMAYANAN TUNGKULIN PANLIPUNAN PAPEL

25
VI. Pagtataya
Panuto: Basahin at sagutan ang mga tanong kaugnay ng katatapos na aralin. Isulat ang titik ng iyong
sagot.

_____1. Ano ang ugnayang namamagitan sa


bawat kasapi ng pamilya?
A. Ugnayang dugo C. Ugnayang pamilya
B. Ugnayang kapatid D. Ugnayang kamag-anak
_____2. Ito ay isang uri ng proyektong
nangangalaga sa kalikasan.
A. Proyektong Panturismo C. Pangkabuhayan at Edukasyon
B. Edukasyon at Panturismo D. Clean and Green
_____3. Dapat na mauna ang _____________ sa kapwa bago ang debosyon sa pamilya.
A. tsismis B. inggit C. kabaitan D. pagmamahal
_____4. Isa ito sa ipinagmamalaki nating pagpapahalagang Pilipino.
A. Kayabangan B. Bayanihan C. Ningas kugon D. Materyalosa
_____5. Ano ang kailangang gawin ng bawat pamilya upang umunlad ang kanilang buhay?
A. Makipag-ugnayan B. Makipagkilala C. Makisama D. Magtrabaho

VII. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng
hiwalay na papel.
Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 8 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, 2013
Inihanda ni:
Rubirosa C. Feliciano
Las Piñas City National Science High School

Aralin
Ang Papel na Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya
8

Kasanayang Pampagkatuto:
Nahihinuha na may pananagutan ang pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan sa
pamamagitan ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga
batas at institusyong panlipunan (papel na pampolitikal)
(EsP8PBIh-4.3)
Naisasagawa ang isang gawaing angkop sa panlipunan at pampulitikal na papel ng pamilya
(EsP8PBIh-4.4)

Alamin

I. Paksa Ang Papel na Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya

II. Layunin
Nahihinuha na may pananagutan ang pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan sa
pamamagitan ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga
batas at institusyong panlipunan (papel na pampolitikal)
Naisasagawa ang isang gawaing angkop sa panlipunan at pampulitikal na papel ng pamilya
26
III. Pamamaraan
“Ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay ang karanasan sa pakikibahagi
at pagbibigayan na dapat na bahagi ng buhay pamilya sa pang-araw- araw.”
Lahat ng tao ay ipinanganganak na sanggol na walang kakayahan at walang muwang. Kaya nga’t
ang tao ay ipinanganganak sa isang pamilya. Ang tao kailanman ay hindi makapagpaparami nang mag-
isa sa natural man o artipisyal na paraan. Hindi rin siya mabubuhay nang walang nag-aaruga sa kaniya
hanggang sa siya ay lumaki, magkaisip, at maghanapbuhay. Upang maging ganap ang pagkatao,
kailangan niyang maranasan ang magmahal at mahalin; at sa huling sandali ng kaniyang buhay ay
kailangan niya ng kalinga ng iba, lalo’t siya’y matanda at mahina na. Kaya nga kailangan ng tao ang
kaniyang kapwa; dahil dito kailangan niyang matutong makipagkapwa. Ang pakikipagkapwa, tulad ng
maraming bagay kaugnay sa kaniyang pagkatao ay kailangang matutuhan ng tao. Hindi mo maibibigay
ang isang bagay kung wala ka nito. Hindi mo maipakikita ang isang ugaling hindi mo naranasan at
natutuhan sa loob ng iyong pamilya. Ngunit hindi natatapos sa pagpaparami at pagtuturo ng mga
pagpapahalaga at birtud sa pakikipagkapwa ang halaga at tungkulin ng pamilya. Isa sa anim na tungkulin
at halaga ng pamilya ang paghubog ng pagiging mapanagutang mamamayan. Ayon kay Esteban (1989),
ang isang pamilya sa isang munting lipunan.

Upang umunlad ang kanilang buhay, kailangan ng pamilya ang makipag- ugnayan sa ibang
pamilya at ibang sektor ng lipunan. Sa pamamagitan nito nagkakaroon siya ng gampanin sa lipunan.
Bukod sa pagiging ama, ina, o anak, sila ay mga mamamayang maaaring maging punong-guro, doktor,
abogado, at iba pang propesyon sa lipunan. Bilang bahagi ng lipunan, tungkulin ng pamilya na panatilihin
at paunlarin ang lipunang kaniyang ginagalawan. Magagawa ito ng pamilya sa pamamagitan ng
pagtupad sa kaniyang papel sa lipunan (pagiging bukas-palad, pagsusulong ng bayanihan, at
pangangalaga sa kaniyang kapaligiran) at papel pampolitikal – (ang pagbabantay sa mga batas at mga
institusyong panlipunan).
(Hango sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8)
IV. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang PL kung ito ay
Panlipunan at PP kung Pampolitikal.
_____1. Bumoto ng karapat dapat sa tungkulin. _____4. Makapaglaro at maglibang
_____2. Makilahok sa mga programa ng barangay _____5. Pakikibahagi sa Feeding Program
_____3. Pakikiisa sa bayanihan.

B. Gawain 2:
Panuto: Tukuyin kung saan nabibilang ang bawat pahayag. Isulat sa tamang hanay ang mga
sumusunod. Gumamit ng hiwalay na papel.

a. Pangangalaga sa kalikasan
b. Pagboto ayon sa iyong kagustuhan
c. Pakikiramay sa mga namatayan
d. Pagdamay sa mga nasunugan
e. Pagbibigay edukasyon sa mga kabataan

C. Gawain 3:
Panuto: Suriin ang bawat laraw an at tukuyin kung ano ang kontribusyon na maaari mong gawin ukol
dito. Gumamit ng hiwalay na papel.

27
D. Gawain 4:
Panuto: Magbigay ng mga halimbawa ng Papel Panlipunan, Pampolitikal at Pangkalikasan sa bawat
miyembro ng pamilya. Gumamit ng hiwalay na papel.
Miyembro Panlipunan Pampolitikal Pangkali-
ng kasan
Pamilya
Tatay
Nanay
Ikaw
Kapatid

V. Pagtataya
Panuto: Basahin at sagutan ang mga tanong kaugnay ng katatapos na aralin. Isulat ang titik ng iyong
sagot.

_____1. Sino ang nagpahayag na ang pamilya ay isang munting lipunan?


A. Martin Buber B. Dr. Manuel Dy C. Esther Esteban D. Francis Seeburger

_____2. Ang pagiging _______________ ay maipapakita ng pamilya sa pamamagitan ng mga


gawaing panlipunan.
A. Mabuti B. maawain C. maalalahanin D. bukas-palad

_____3. Ang papel na panlipunan ng pamilya ay dapat ding maipahayag sa pamamagitan ng


pakikialam sa __________________.
A. Media B. pulitika C. bayan D. kasapi ng pamilya

_____4. Tungkulin ng pamilya ang pangangalaga sa ___________ bilang likas na tagapamahala ng


lahat ng nilikha ng Diyos.
A. kalikasan B. pamilya C. ilog at dagat D. puno at halaman

_____5. Ito ay ang batas na umiiral sa loob ng tahanan.


A. Batas ng Tao B. Batas ng Mo C. Batas Militar D.Batas ng Malayang Pagbibigay

VI. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng
hiwalay na papel.
Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 8 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, 2013

Inihanda ni:
Rubirosa C. Feliciano
Las Piñas City National Science High School
28
29
Sitwasyon Suliranin Sagot sa tanong Uri ng Komunikasyong maaring gamitin
Bilang (Pasalita, Pakilos o Virtual)
- Magreport sa opisina ng ama - Pasalita/virtual (siya na ang tatawag sa ama)
- Walang tawag galing sa ama. sa Pilipinas, sa embassy at
1 sa OWWA - Pakilos (pagpunta sa embassy at owwa)
- Kailangan ang payo ng - Magsakripisyo na hintayin - Pasalita (sulat o tawag sa telepono)
magulang para sa ang mga magulang sa gabi o
paligsahang nais salihan gumising ng maaga - Virtual (video call sa mga magulang)
- Abala ang mga magulang at - Mag-iwan ng maikling sulat at
2 walang panahon para sila ay idikit sa pinto ng ref
makausap - I-text, call o video call ang
mga magulang sa oras na
pwede ka at sila.
- Hinahanap ng bunsong - Sasabihin ko sa aking -Pasalita
kapatid ni Mila ang kanilang bunsong kapatid na (pagkausap sa kapatid at paggawa ng sulat at
mga magulang. nagtatrabah ang kard para sa kanilang mga magulang)
aming mga magulang sa -Virtual
3
malayong lugar at uuwi ang (isang beses sa isang linggo na video call sa
mga ito sa kaniyang ika kanilang mga magulang)
walong kaarawan.
Aralin 5
Pagtataya
- Gawain 4 - Gawain 1
1. C 1. Pagbibigay ng Edukasyon 1. A
2. B 2. Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya 2. B Pagtataya
3. D 3. Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya 3. A 1. C
4. A 4. Paghubog ng Pananampalataya 4. B 2. D
5. A 5. Pagbibigay ng Edukasyon 5. C 3. D
4. A
Aralin 4 Aralin 4 Aralin 4 5. B
Aralin 3
A N G U L O M A L I G A L I G
Pagtataya
N A N A S D G L I G A Y A X K
1. B
2. B
L I A G H J K L Z X V L V N A 3. A
4. C
U S L N T U N G K U L I N A T 5. B
Aralin 2
G J U A S X C V B N M M X L U
P A G T U T U L U N G A N U N
Pagtataya
1. A
A O A Q W E R T Y U I P O K G 2. C
3. D
K Y M O D E R N I S A S Y O N 4. C
5. B
Aralin 2 Aralin 1
SUSI SA PAGWAWASTO
30
Pagtataya Aralin 6
1. C Gawain 2
2. D 1. A- Panlipunan Gawain 4
3. B 2. B-Pampolitikal Ang mga sagot o paglalarawan sa gawain ito ay iba-iba base sa
4. A 3. C-Panlipunan pagkaunawa ng mag-aaral, sa kanilang karanasan at pag-uugaling
5. D 4. D-Panlipunan ipinamamalas sa kapwa sa pang-araw-araw nilang pakikisalamuha
Aralin 8 5. E-Pampolitkal sa mga ito. Halimbawa ng maaaring isagot ng bata.
Aralin 8
Gawain 1 Pagtataya
1. PP 1. A
2. PL 2. D
3. PL 3. D
4. PP 4. B
5. PL 5. A
Aralin 8 Aralin 7
Pagtataya
1. C
2. D
3. D
4. A
5. D
Aralin 6
Aralin 5
Pagtataya Gawain 3
1. Komunikasyon 1. PK 6. V
2. Pakilos 2. P 7. PK
Gawain 2
3. Pasalita 3. P 8. P
1. Komunikasyong Pasalita
4. Tapik 4. PK 9. V
2. Komunikasyong Pakilos
5. Virtual 5. PK 10.P
3. Virtual na Komunikasyon
Aralin 5 Aralin 5 Aralin 5
- Hindi nakapagpasa ng mga - Ime-message ang guro (group chat) at -Virtual (gumamit ng gadget sa
gawain sa itinakdang araw magpapasa sa e-mail o sa messenger pakikipag-ugnayan sa guro)
4
- Kakausapin ko nang masinsinan si - Pasalita (masinsinang pakikipag-
- Kung crush ba ni Perla ang Perla at pipiliting magtapat sa tunay usap
5 kanila presidente sa klase. niyang nararamdaman
Aralin 5
Aralin 6

31
Aralin 6

32

You might also like