Summative Test in MAPEH 4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Summative test in MAPEH 4 ( ARTS-2ND)

Pangalan: _________ Petsa:______________________


.Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1.Ang pintor ay naglalagay ng foreground, middle ground, at background upang maipakita ang tamang espasyo
ng mga bagay sa larawan. Alin sa mga ito ang tumutukoy sa mga bagay na nasa likod at kadalasang maliliit?
A. Foreground B. Background C. Middle groundD. Underground

2. Kapag ang mga bagay na iyong iguguhit ay ibig mong magmukhang malayo sa paningin , ano ang dapat
mong gawin?
A. Gawing mas maliit ang pagkakaguhit kumpara sa mga bagay na dapat makita sa malapit
B. Gawing malaki ang pagkakaguhit kumpara sa mga bagay na dapat Makita sa malapit
C. Iguhit ito sa pinakamahabang bahagi ng papel
D. Iguhit ito sa pinakamataas na bahagi ng papel
3. Alin sa mga sumusunod na disenyo ang nagpapakita ng overlapping technique?

A.

B.

C.

D.
4. Ang mga Pilipino ay may iba’t ibang uri ng tanawing kultural, alin sa mga sumusunod na tanawin ng
pangkat-etniko ang kakikitaan ng disenyong okir ang kanilang tahanan at nakasentro ang kanilang pamumuhay
sa Lawa ng Lanao?
A. Bahay ng Ivatan B. Bahay ng Maranao C. Bahay ng T’boli D. Bahay ng Ifugao

5. Anong pagdiriwang ang idinaraos sa Lungsod ng Baguio?


A. Panagbenga B. Moriones C. Pahiyas D. Maskara

6. Sa pagguhit ng pagdiriwang tulad ng Panagbenga, Pahiyas at Maskara, anu-anong mga kulay ang ginagamit
ng isang pintor upang maipakita ang masayang damdamin?
A. Pula, dilaw at dalandan C. Asul, berde at lila
B. Berde at dilaw-berde D. Itim, abo at puti

7. Paano nakatutulong ang pagguhit at pagpipinta sa pagpapakita ng pagpapahalaga sa mga pamayanang


kultural?
A. Nagpapakita ito ng tamang estilo ng pagguhit.
B. Namumulat ito ng kamalayan tungkol sa mayayamang kultura nila.
C. Nakapaloob ditto ang lahat ng element ng sining
D. Nagiging inspirasyon ito para magaya mo ang mga kaugalian nila.

8. Bakit iba-iba ang mga likhang-sining ng mga pangkat-etniko sa mga pamayanang kultural?
A. Iba-iba ang kanilang kultura at kapaligiran
B. Nagpapagalingan sila ng disenyo
C. Wala silang kamalayan sa mga bagay-bagay sa kapaligiran
D. Kaniya-kaniya sila mag-isip ng mga disenyo

9. Sa paanong paraan nakakalikha ng isang mapusyaw na kulay?


A. Pagkuskos ng pintura C. Paglalagay ng ibang kulay
B. Paghahalo ng puting kulay D. Pagpapatuyo sa mga kulay

10. Sa paggawa ng myural, anong pagpapahalaga ang dapat na bigyang pansin?


A. Pagsasarili sa ideyang gagawain
B. Pagpapagawa ng mahirap na detalye sa mga nakakatanda
C. Pag-uwi ng mga gawaing di natapos
D. Pagtutulungan at kooperasyon sa paggawa

You might also like