APan5 Q2Mod8of8 v2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

5

Araling
Panlipunan
IkalawangMarkahan: Modyul 8:
Pagtugon ng mga Pilipino sa
Kolonyalismong Espanyol
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Ikalawang Markahan – Modyul 8: Pagtugon ng mga Pilipino sa Kolonyalismong
Espanyol
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapataong-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Mary Ann P. Sioco
Editor: Cesar Q. Antolin at Anabel D. Besona
Tagasuri: Ma. Dianne Joy Dela Fuente
Tagaguhit:
Tagalapat: Maria Isabel C. Bacea at Crizelle Biernes
Ilustrador ng Pabalat: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Miguel P. Fillalan, Jr. CESO VI - Schools Division Superintendent
Levi B. Butihen - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny M. Sumugat – Regional Araling Panlipunan Supervisor
Arlene Rosa G. Arquiza - CID Chief
Ninfa C. Ortizo - EPS In-Charge of LRMS
Jesus V. De Gracia - ADM Coordinator
Frank T. Nawal, Jr –Araling Panlipunan Supervisor

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon ng SOCCSKSARGEN

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: [email protected].
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman
ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa
kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyo. Ito ay upang matulungan ka
sa mga aralin tungkol sa pagtugon ng mga Pilipino sa Kolonyalismong Espanyol.
Saklaw nito ang mga reaksiyon ng mga Pilipino sa kolonisasyon at pag-aalsa ng mga
Pilipino. Ang saklaw ng modyul na ito ay nagpapahintulot na magamit sa iba’t ibang
mga sitwasyon sa pag-aaral. Ang wika na ginamit ay kinikilala ang magkakaibang
antas ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos upang sundin
ang karaniwang pagkakasunod-sunod ng kurso. Ngunit ang pagkakasunod-sunod
kung paano mo ito basahin ay maaaring mabago upang tumugma sa aklat na
ginagamit mo ngayon.

Ang modyul na ito ay nakatuon sa mga araling sumusunod:


1. Pagtugon ng mga Pilipino sa Kolonyalismong Espanyol

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• Nasusuri ang naging reaksiyon ng mga Pilipino sa kolonisasyon at mga pag-
aalsa laban sa mga dayuhang Espanyol (AP5PKE-IIg-f7)

Subukin

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang titik ng
tamang sagot.

1. Sinong Waray ang namumuno sa pag-aalsa laban sa polo y servicio?


a. Maniago
b. Sumuroy
c. Ladia
d. Malong
2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng pag-aalsa ng mga Pilipino sa
panahon ng mga Espanyol?
a. konbersiyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo
b. pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga prayle
c. sapilitang paggawa ng mga Pilipino
d. pagsasagawa ng mga pista
3. Ang mga sumusunod ay naging pagtugon ng mga Pilipino sa kolonyalismong
Espanyol MALIBAN sa?
a. nag-alsa laban sa pang-aabuso sa patakarang pang-ekonomiya
b. pagyakap sa Katolisismo
c. namundok upang maiwasan ang mga Espanyol
d. Lahat ng mga nabanggit

1
4. Sino ang dating cabeza de barangay na namumuno sa pinakamahabang pag-
aalsang naganap sa Pilipinas sa panahon ng mga Espanyol?
a. Francisco Dagohoy
b. Apolinario dela Cruz
c. Tapar
d. Lanab
5. Bakit hindi nagtagumpay ang mga pag-aaklas ng mga katutubo laban sa mga
Espanyol?
a. mas magaganda ang mga armas pandigma ng mga Espanyol
b. kanya-kanya ang mga Pilipino sa ginawang pag-aaklas
c. maraming mga Pilipino ang tuluyang niyakap ang Kristiyanismo
d. hindi marunong magplano sa pakikipagdigma ang mga katutubo

B. Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa kahon sa sumusunod na mga


katanungan.

Magat Salamat Gabriela Silang

Don Pedro Almazan Miguel Vicos


Apolinario Dela Cruz Pedro Ambaristo

1. Ang namuno sa pag-aalsang basi sa Ilocos Norte


2. Isang katutubong Pilipino na kinoronahan bilang hari ngunit binitay sa
plasa
3. Ang inutusan ng mga Espanyol na patayin si Diego Silang
4. Namuno sa pinakatanyag na pag-aalsang panrelihiyon dahil sa hangad
nitong maging pari ngunit siya ay tinanggihan at pinatay
5. Isa sa mga namuno sa pag-aalsa sa Tondo upang muling mabawi ang
kapangyarihang mamuno mula sa mga Espanyol

Aralin
Pagtugon ng mga Pilipino sa
8 Kolonyalismong Espanyol
Magandang araw sa iyo. Ako pala si Titser Ann, ang iyong
guro sa Araling Panlipunan.

May alam ka ba tungkol sa naging pagtugon ng mga Pilipino


sa Kolonyalismong Espanyol, lalong lalo na sa reaksiyon ng
mga Pilipino sa kolonisasyon, mga pag-aalsang naganap at
bahaging ginampanan ng simbahan? Mahalaga itong pag
usapan dahil ito ay bahagi na ng ating buhay.

2
Balikan

Alam kung sabik na kayong malaman ang bago nating aralin.


Ngunit bago ito, ay balikan muna natin ang nakaraang
leksiyon kung may natatandaan pa ba kayo?

A. Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI patakarang pang-ekonomiyang
ipinatupad ng mga Espanyol sa pananakop sa Pilipinas?
a. polo y servicio
b. kristiyanisasyon
c. sistemang bandala
d. pagbabayad ng buwis o tributo
2. Sino ang itinalagang maningil ng buwis sa mga katutubo?
a. cabeza de barangay
b. encomiendero
c. conquistador
d. alkalde
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tungkulin ng encomiendero?
a. Masiguro na maging kristiyano ang lahat ng nasasakupan
b. Suportahan ang misyon ng mga prayle
c. Hayaang maabuso ang kanyang nasasakupan
d. Singilin ng buwis ang kanyang nasasakupan
4. Ano ang tawag sa buwis na binabayaran upang maligtas mula sa sapilitang
paggawa?
a. cedula personal
b. encomienda
c. polista
d. falla
5. Bakit naging kapaki-pakinabang sa kolonyang Espanyol ang sapilitang
paggawa?
a. Napilitan ang mga katutubong sumunod sa kagustuhan ng mga Espanyol
b. Dahil nakuha ng pamahalaan mula sa polista ang lakas paggawa na
kailangan sa pagpapatayo ng imprastraktura at paggawa ng galyon ng
walang bayad
c. Lumaki ang kita ng pamahalaan sa libreng paggawa ng mga katutubo
d. Natutong yakapin ng mga katutubo ang mga patakarang kolonyal ng mga
Espanyol

3
Tuklasin

Reaksiyon ng mga Pilipino sa Kolonyalismong Espanyol

May mga pag-aalsang naganap sa panahon ng kolonyanismo ng mga Espanyol na


nagdulot ng pasakit at paghihirap sa maraming Pilipino.

Sa harap ng mga paghihirap na ito, iba’t-ibang paraan ng pagtutol ang isinagawa ng


mga Pilipino. Pangunahin na rito ang maliliit na pag-aalsang inilunsad mula 1574
hanggang 1841 ng iba’t- ibang pinuno ng bansa.

Maliban sa pag-aalsa, isa pang paraan ng pagsuway sa kapangyarihang kolonyal ng


pamahalaan ay pamumundok. Tinatawag na remontado ng mga Espanyol ang mga
Pilipinong ito na itinuring bilang mga taong labas na piniling mamuhay sa labas ng
pueblo. Pinili nilang mabuhay sa bundok kaysa mapailalim sa reduccion o ang
sapilitang pagpapalipat ng mga Pilipino mula sa malayong pamayanan upang
pagsama-samahin sa pueblo. Tutol sila sa pagturo sa bagong paniniwala o di kaya
naman para makaiwas sa polo at pagbabayad ng buwis. Mayroon din namang
remontado na tumakas mula sa parusang ipinataw ng mga Espanyol para sa isang
krimen o kasalanang kanilang ginawa.

Ilan pa sa matahimik na pagtutol ng mga Pilipino sa patakarang kolonyal ang hindi


pagsisimba at pakikilahok sa mga gawaing pansimbahan. Mayroon din namang
sadyang hindi nagtrabaho nang mabuti sa kanilang sakahan dahil hindi rin naman
sila nakikinabang sa kanilang mga ani. Batay rin sa nakikita nilang asal ng mga
Espanyol, nahikayat ang mga Pilipino na gayahin ang mga gawi ng mga ito tulad ng
siesta (break o leisure). Dito nag–ugat ang pananaw ng mga Espanyol na sadyang
mga tamad at hindi masigasig sa pagtatrabaho ang mga Pilipino.

Maraming mga Pilipino ang tumangkilik sa Kolonyalismong Espanyol. Ngunit


marami rin sa kanila ang tumanggi sa pananakop na ito.

Ilan sa magandang reaksiyon ang mga Pilipino ay ang pagtangkilik sa kristiyanismo.

Naging maganda ang reaksiyon ng mga nakararaming Pilipino sa pamamahala ng


mga prayle. Nahikayat ng mga prayle ang mga katutubo sa makukulay na ritwal ng
pananampalatayang Katoliko dahil hawig ito sa kanilang paniniwala sa mga ispiritu
ng mga yumao at isang panginoon na kung tawagin ay Bathala.
Nanampalataya sa Katolisismo ang mga Pilipino. Ang katutubong dating naniniwala
sa iba’t-ibang diyos ay naniwala sa iisang Diyos. Sila ay nagpabinyag, nagpabago ng
pangalan, nagpakasal sa simbahan, ipinagbawal ang diborsiyo na siyang
nagpapatibay ng pagbubuklod ng pamilya, at nagdasal tuwing ika-anim ng hapon.
Ang kanilang kaugalian ay nagbago rin tulad ng pagkahilig sa kasiyahan,

4
pagdiriwang ng mga pista, Santakrusan at Flores de Mayo, mga pagtatanghal tulad
ng senakulo, moro–moro, sarsuela at marami pang iba.
Hindi maikakailang ang katolisismo ang pinakamalaking impluwensiya ng mga
Espanyol sa ating mga Pilipino. Sa Asya, ang Pilipinas ang kinikilalang unang
yumakap ng Katolisismo. Ang dating paniniwalang pagano ng mga Pilipino ay
napalitan ng bagong paniniwalang itinuro ng mga misyonerong Espanyol.
Nanguna sa pagpalaganap ng paniniwalang ito ay ang misyonerong Augustino na
kasama ni Legaspi sa kanyang pagdating sa Pilipinas noong 1565 sa pangunguna ni
Padre Andres de Urdaneta. Ang mga Pilipino noon ay tinuruan nilang magdasal,
magsimba, at magbasa ng Bibliya (banal na aklat ng mga Kristiyano). Ngunit may
iba’t-ibang reaksiyon ang mga Pilipino sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo.

Maraming mga Pilipino ang sumampalataya nang lubos, nagpagbinyag at gumamit


ng pangalang Kristiyano. Kung ating maala-ala, si Raha Humabon at ang kanyang
asawa ay nagpabinyag sa Kristiyanismo nang dumating si Magellan noong 1521.
Tanda pa rin ng pananampalataya ang paniniwala sa kapangyarihan ng Diyos,
ganun din ang pagsunod sa kautusan ng relihiyong Katoliko.

https://www.google.com/search?q=reaksiyon++ng+mga+Pilipino+sa+Kristiyanismo&tbm=isch&ved=2ahUKEwjUnu
SIoNvrAhUL_5QKHfAVCt4Q2-
cCegQIABAA&oq=reaksiyon++ng+mga+Pilipino+sa+Kristiyanismo&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECCMQJzoECAAQGDoCCA
A6BAgAEB46BAgAEEM6CAgAELEDEIMBOgUIABCxAzoHCAAQsQMQQzoHCCMQ6gIQJzoGCAAQBR AeOgYIABAIEB5
QzLcLWLjdDGCG6gxoBXAAeACAAakBiAGbQ5IBBDAuNjWYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ7ABCsABAQ&sclient=im
g&ei=9FtYX9TUBIv-0wTwq6jwDQ&bih=657&biw=1366#imgrc=vQMTiUJI6jcH9M

5
Mga Pag-aaklas ng mga Katutubong Pilipino
Isa sa naging pagtugon ng mga Pilipino sa Kolonyalismong Espanyol ay ang pag-
aalsa ng mga ito. Narito ang ilan sa mga pag-aaklas at ang mga nagbunsod nito.
1. Pag-aalsang Panrelihiyon

Pag-aalsa Taon Sanhi at Bunga


Pag-aalsa ng mga Igorot

Pagtutol sa pagbibinyag sa mga


Igorot ng Hilagang Luzon sa
1601 Kristiyanismo alinsunod sa utos ni
Gobernador-Heneral Francisco Tello
de Guzman.

Hindi nagtagumpay ang mga


Espanyol na ipasailalim sa
Kristiyanismo ang mga Igorot.

Pag-aalsa ni Bancao Pinamumunuan ni Datu Bancao ng


Carigara, Leyte ang paglaban sa
simbahang Katoliko.

1621 Katuwang ang babaylan na si Pagali


(na gumamit umano ng mahika), sila
ay nagtayo ng mga dambana para sa
mga anito, at hinikayat ang ilang
bayan na sumapi sa kanila at
makilahok sa pag-aalsa.

Nasupil ang kanilang rebelyon at


pinugutan ng ulo si Bancao.
Pag-aalsa ni Tamblot
Pagtutol ng mga Boholano sa
Kristiyanismo sa pamumuno ng
dating babaylan na si Tamblot.
1621-
1622 Isinagawa ito sa unang araw ng pista
ni St. Francis Xavier.

Nasupil ang pag-aalsa pagsapit ng


bagong taon ng 1622

6
Pag-aalsa ng mga Itneg Pinamumunuan nina Miguel Lanan
ng Cagayan at Alababan ng Apayao.

Pinugutan ng ulo ang dalawang


1625- misyonerong Dominikan at hinikayat
1627 ang mga Itneg na magnakaw,
dumumi sa mga imahin ng mga
santo, at sunugin ang mga lokal na
simbahan bilang protesta sa
sapilitang pagbibinyag sa kanila sa
Kristiyanismo.

Nasupil ito noong 1627 sa utos ni


Gobernador-Herneral Fernando de
Silva.
Pag-aalsa ni Tapar sa Panay

Pinangunahan ni Tapar ng Iloilo na


naghangad na magtayo ng bagong
sangay ng Kristiyanismo sa bayan ng
1663 Oton at kilalanin siya bilang diyos na
makapangyarihan.

Agad nasupil at pinapatay ang mga


lumahok sa rebelyon.

Pag-aalsa ng mga Pinamumunuan ni Francisco Rivera


Magtangaga sa Cagayan na ninais na matawag na “Papa Rey”
(Papa o Pope at hari).

Pinigilan niya ang mga katutubo ng


Tuguegarao na ipagpatuloy ang
1718 pagtangkilik sa kristiyanismo at
hinimok ang pagsasauli sa mga
prayle ng ibinigay nilang mga rosaryo
at iskapularyo.

Marami sa mga kasapi ang tumalikod


sa marahas na pamumuno ni Rivera
at agad ding nasupil ang rebelyon ng
mga sundalong Espanyol.

Pag-aalsa ni Dagohoy sa Bohol


Nagalit si Dagohoy, dating cabeza de
barangay, dahil sa pagtutol ng kura
1744- na bigyan ng marangal na libing ang
1829 kanyang konstableng kapatid.

Ito ang pinakamatagal sa lahat ng


mga pag-aaklas

7
Ayan, alam mo na kung anong pag-aalsang panrelihiyon ang
naganap bilang pagtugon ng mga Pilipino sa kolonyalismong
Espanyol? Sa iyong palagay, naging makatarungan ba ng
mga ginawang pag-aalsa ng mga Pilipino?
Ngayon naman ating tunghayan ang mga naganap na pag-
aalsang pampolitikal bilang isang paraan sa pagtugon sa
kolonyalisasyon.

2. Pag-aalsang Politikal

Pinalitan ng mga Espanyol ang mga datu at maharlika bilang pinakamataas na


pinuno sa pamayanan. Ang mga babaylan at katalonan ay tinanggalan ng
kapangyarihan bilang pinuno ng aspektong espiritwal. Dahil dito, nagsagawa ng pag-
aalsa ang mga datu at mga babaylan upang manumbalik ang kapangyarihan nilang
mamuno sa kanilang nasasakupan.

Pag-aalsa Taon Sanhi at Bunga


Pag-aalsa ni Lakandula
Hindi pagtupad sa ipinangako sa kanila ni
Gobernor-Heneral Miguel Lopez de Legaspi
1574 na malibre sa pagbabayad ng buwis at polo
y servicio ang mga kaanak ni Lakandula,
ang huling hari ng Maynila.

Tinanggal ang mga prebilihiyong ito nang


palitan si Legaspi ni Guido Lavazares bilang
gobernador-heneral ng Pilipinas

Pag-aalsa ng mga datu ng


Tondo (Pagsasabwatan sa Ninais ng mga datu sa pangunguna nina
Tondo) Magat Salamat, Martin Pangan, Juan Banal
at Pedro Balingit na nabawing muli ang
1587- kanilang kalayaan at karangalan.
1588
Maagang itong natuklasan kaya ipinapatay
o ipinatapon sila sa ibang bahagi ng bansa
(hal. Mexico ang mga nadakip na pinuno)

8
3. Pag-aalsang Pang-ekonomiko

Mahigpit na tinutulan ng mga katutubong Pilipino ang mga patakarang


pangkabuhayan na ipinapatupad ng mga banyaga sa kanila gaya ng pagbubuwis,
sapilitang paggawa, monopolyo ng tabako at kalakalang galyon.

Ang ilang pag-aalsang may motibong ekonomiko ay ang mga sumusunod:

Pag-aalsa Taon Sanhi at Bunga


1. Pag-aalsa ni Magalat

Kasama ang kanyang kapatid tinutulan ni


Magalat, isang rebelde mula sa Cagayan,
ang di-makaturang paniningil ng mga
buwis ng mga Espanyol.
1596
Ipinapatay ng mga Espanyol ang ‘Indio’ na
nakilahok sa pag-aalsa ni Magalat.

2. Pag-aalsa ni Ladia sa
Malolos Pinamumunuan ni Pedro Ladia–isang Moro
na taga Borneo na naniniwalang mula siya
sa lahi ni Lakandula.

1643 Kinumpiska ang kanyang mga ari-arian ng


mga Espanyol na nagtulak sa kanya na
mag-aalsa sa mga mananakop.

Dinakip at dinala sa Maynila kung saan


siya sinentensiyahan ng kamatayan.

3. Pag-aalsa ni Pinamumunuan ng Waray na si Agustin


Sumuroy Sumuroy ang pag-aalsa laban sa polo y
servicio sa Samar. Taliwas sa patakaran ng
polo, ang mga Waray ay ipinadala sa mga
pagawaan ng barko sa Cavite, malayo sa
1649- kanilang tirahan.
1650
Sumiklab ang pag-aalsa sa Cavite at
umabot sa Mindanao, Bicol, Cebu,
Masbate, Camiguin, Zamboanga at
Hilagang Mindanao.

Humina ang pag-aalsa hanggang sa


tuluyang masupil nang madakip at
ipapatay ng mga Espanyol si Sumuroy at
iba pang lumahok sa pag-aalsa.

9
4. Pag-aalsa ni Maniago Pinamumunuan ni Francisco Maniago ng
Mexico, Pampanga.

Pagtutol ng mga Kapampangan sa


1660- sapilitang paggawa sa mga galyon at sa
1661 hindi pagbabayad ng pamahalaan sa mga
biniling palay mula sa mga magsasaka.

Nasupil ni gobernador–heneral Sabiniano


Manique de Lara gamit ang “divide and rule
policy”.

5. Pag-aalsa ni Malong Pinamumunuan ni Andres Malong


sa San Carlos,
Pangasinan Nag-ugat sa hindi pagbabayad ng mga
Espanyol ng kaukulang sahod sa libu-
1660- libong katutubong nagtatrabaho sa
1661 pagawaan ng barko

Kinalaban ang mga opisyal na Espanyol


lamang at hindi ang kaparian o ang
simbahan

Agad ding nasupil ng mga Espanyol

6. Pag-aalsa ni Pinamumunuan ni Don Pedro Almazan –


Almazan sa San isang mayamang pinuno ng Laoag na
Nicolas, Laoag, Ilocos kinoronahan noong 1660 bilang hari ng
Norte Ilocos at Juan Magsanop pinuno ng
1661 Bacarra, Bangu.

Nagsagawa ng mga pag-aalsa bilang


pagsuporta sa ipinaglaban ni Malong ng
Pangasinan.

Matapos nilang ipapugot ulo ng mga


prayleng Dominikan na sina Jose Santa
Maria at Augustinian ni si Jose Arias,
nadakip si Almazan, binitay sa plasa, at
tuluyang natigil ang rebelyon.

7. Pag-aalsang Agraryo Malawakang pag-aalsa ng mga magsasaka


sa Katagalugan ng rehiyon ng katagalugan, sa
pangunguna ng lalawigan ng Batangas,
Laguna at Cavite dulot ng pangangamkam
1745- ng mga prayle sa kanilang lupa.
1746
Hindi nagtagumpay bagkus ay walang
lupang naibalik sa mga magsasaka.

10
8. Pag-aalsa ni Diego
Silang at Gabriela Nag-aalsa si Diego Silang dahil sa buwis at
Silang pagnanais na palayasin ang mga Espanyol.
Pinatay ng kanyang kaibigang si Miguel
Vicos.

1762- Ipinagpatuoly ni Gabriela Silang ang


1763 ipinaglaban ng asawa. Nahuli si Gabriela
Silang at binitay.

9. Pag-aalsang Basi Pinamunuan ni Pedro Ambaristo sa


kasalukuyang Piddig, Ilocos Norte

Nag-ugat sa paghihigpit ng mga Espanyol


sa produksiyon at pagbebenta ng basi-
isang uri ng alak mula sa tubo.
1807
Ipinagbawal ang pribadong produksiyon ng
alak. Dahil dito, napilitan ang mga Ilokano
na bumili ng basi sa pamahalaan sa mas
mataas na halaga.

Makalipas ang ilang linggo ng pag-aalsa,


nasupil din agad ito ng mga Espanyol.

Ngayon alam mo na ang iba’t- ibang pagtugon ng mga


Pilipino sa Kolonisasyong Espanyol?

Maliban sa pag-aalsa, may iba pang reaksiyon na ipinakita


ukol sa Kolonyalismo ang mga Pilipino.

Iba pang reaksiyon ng mga Pilipino sa Kolonyalismo

May mga Pilipino rin na tahimik na bumalik sa dating paniniwala. Ang mga Muslim
at Ifugao ay hindi nahikayat ng mga pari sa pagiging Katoliko. Matatag ang mga
Muslim at hindi nila ipinagpalit ang Islam. Ang mga Ifugao naman ay nagpakalayu-
layo upang hindi marating ng mga pari.

Sa kabundukan nakatira naman ang mga Negrito o Aeta, sila man ay hindi
nahikayat na maging Kristiyano. Patuloy pa rin ang kanilang paniniwala sa
sinasambang Bathala.

11
Suriin

Panuto: Kumpletuhin ang data retrieval chart batay sa tinalakay na aralin.

Uri ng Pag- Halimbawa ng Taon ng Namuno sa


aaklas Pag-aaklas Pag-aaklas Pag-aaklas
a) Panrelihiyon 1.
2.
3.
4.
5.
6.
b) Pampolitikal 1.
2.
c)Pang- 1.
ekonomiko 2.
3.
4.
5.
6.
7.

Pagyamanin

Panuto: Punan ang talahanayan ng angkop na pangyayari batay sa iyong


kaalaman sa aralin ukol sa Pagtugon ng mga Pilipino sa Pananakop ng mga
Espanyol.
Paraan ng Pagtutol ng mga Pilipino Paraan ng Pagsang-ayon ng mga
sa Kolonyalismong Espanyol Pilipino sa Kolonyalismong Espanyol
Hal. Pag-aalsa laban sa patakarang Pagpapabinyag ng mga katutubo sa
polo y servicio (sapilitang paggawa) Kristiyanismo
tulad ng pinamunuan ni Sumuroy sa
Samar

12
Isaisip

Tandaan:

May mga naganap na iba’t-ibang uri ng pagtugon ng mga


Pilipino sa kolonyalismo. May mga Pilipinong nag-aalsa
dahil sa relihiyon, politika at ekonomikong kadahilanan.
May mga Pilipinong yinakap nang tuluyan ang
kristiyanismo at mga aral ng simbahang Katoliko.
Ang Kolonyalismong Espanyol ay umani rin ng iba pang
reaksiyon mula sa mga Pilipino, ang iba ay tuluyang
nagpakalayo–layo upang hindi maabot ng mga pari at
magkaroon ng kalayaan sa sariling pananampalataya.
May mga naganap namang pag-aalsang pang ekonomiya
bilang tugon sa hindi pagsang-ayon ng ibang mga
Piilipino sa patakarang pangkabuhayan ng mga
Espanyol. Meron ding nag-alsa sa larangan ng politika,
ninais ng ibang mga Pilipino ang mamuno sa ilang bahagi
ng ating bansa at mabawi muli ang kanilang kalayaan at
karangalan bilang pinuno katulad ng mga datu.

Sa kasamang palad, sa kabila ng kasi-gasigan ng mga


katutubo upang labanan ang mapaniil na pananakop ng
mga Espanyol, wala sa mga ito ang nagtagumpay na
lubusang maitaboy ang mga mananakop. Maliban sa
itinuturing na inferior (mababang uri) ng mga gamit
pandigma ng mga katutubo, isa sa itinuturing na dahilan
ng kasawiang ito ang kawalan ng pagkakaisa bilang isang
bansa dahil nagkanya-kanya ang mga pinuno sa
kanilang ipinaglalaban sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ngunit ito rin ang simula upang mapagtanto ng mga


Pilipino na kailangan nilang magkaisa sa ipinaglalaban.

Sagutin Mo!

Bakit hindi naging matagumpay ang iba’t bang pag-aalsang inilunsad ng mga
katutubo laban sa mga mananakop na Espanyol.

13
ISAGAWA

Panuto: Gumawa ng isang poster ukol sa mga pag-aalsang naganap na


nagpapahiwatig ng pagtutol sa kolonyalismo.
Rubrik sa Pagtataya ng Gawain:
Mga Pamantayan Puntos Nakuhang
Puntos
Wasto at malinaw na naipakita sa detalye ng poster
ang ang pag- aalsang naganap na nagpahiwatig ng 10
pagtutol sa kolonisasyon.
Angkop at kaugnay sa paksa ang ginamit ng
5
graphics at mga salita sa poster
Malinaw at kaaya-aya ang pagkagawa ng poster 5
Kabuuang Puntos 20

Tayahin

B. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang titik ng
tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng pag-aalsa ng mga Pilipino sa
panahon ng mga Espanyol?
a. konbersiyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo
b. pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga prayle
c. sapilitang paggawa ng mga Pilipino
d. pagsasagawa ng mga pista
2. Sinong Waray ang namumuno sa pag-aalsa laban sa polo y servicio?
a. Maniago
b. Sumuroy
c. Ladia
d. Malong
3. Ang mga sumusunod ay naging pagtugon ng mga Pilipino sa kolonyalismong
Espanyol MALIBAN sa?
a. nag-alsa laban sa pang-aabuso sa patakarang pang-ekonomiya
b. pagyakap sa Katolisismo
c. namundok upang maiwasan ang mga Espanyol
d. Lahat ng mga nabanggit
4. Sino ang dating cabeza de barangay na namumuno sa pinakamahabang pag-
aalsang naganap sa Pilipinas sa panahon ng mga Espanyol?
a. Francisco Dagohoy
b. Apolinario dela Cruz
c. Tapar
d. Lanab

14
5. Bakit hindi nagtagumpay ang mga pag-aaklas ng mga katutubo laban sa mga
Espanyol?
a. mas magaganda ang mga armas pandigma ng mga Espanyol
b. kanya-kanya ang mga Pilipino sa ginawang pag-aaklas
c. maraming mga Pilipino ang tuluyang niyakap ang Kristiyanismo
d. hindi marunong magplano sa pakikipagdigma ang mga katutubo

B. Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa kahon sa sumusunod na mga


katanungan.

Magat Salamat Gabriela Silang

Don Pedro Almazan Miguel Vicos


Apolinario Dela Cruz Pedro Ambaristo

1. Ang namuno sa pag-aalsang basi sa Ilocos Norte


2. Isa sa mga namuno sa pag-aalsa sa Tondo upang muling mabawi ang
kapangyarihang mamuno mula sa mga Espanyol
3. Ang inutusan ng mga Espanyol na patayin si Diego Silang
4. Namuno sa pinakatanyag na pag-aalsang panrelihiyon dahil sa hangad
nitong maging pari ngunit siya ay tinanggihan at pinatay
5. Isang katutubong Pilipino na kinoronahan bilang hari ngunit binitay sa
plasa

Karagdagang Gawain

Panuto: Punan ng dahilan at epekto ng mga iba’t ibang pagtugon sa


kolonyalismong Espanyol. Pumili ng halimbawa mula sa tinalakay na mga paraan
ng pagtugon sa Kolonyalismong Espanyol ng mga Pilipino.
Mga Pagtugon Dahilan Epekto o Bunga

1. Pag-aalsang
Panrelihiyong
2. Pag-aalsang Politikal

3. Pag-aalsang
Ekonomiko
4. Tuluyang Pagyakap sa
Kristiyanismo
5. Pamumundok o
Pagpapakalayo-layo
(reduccion)

15
Susi sa Pagwawasto

16
Sanggunian

Batayang Aklat

Agno, Lydia N., Ed.D., Marangal na Pilipino Batayang aklat sa Heograpiya,


Kasaysayan at Sibika Ikalimang Baitang, Bagong Edisyon 2006 ng Vibal Publishing
House

Gabuat, Maria Analyn P., et. al. 2016. Pilipinas Bilang Isang Bansa. Quezon City,
Philippines: Vibal Group Inc.

Websites

www.slideshare.net>mobile >q2-le

www.slideshare .net.almareynaldo

www.slideshare .net .agnesAmaba2

basahon.blogspot.com,2019/02

www.slideshare .net.mobile .ells08

https://www.google.com/search?q=igorot&sxsrf=ALeKk000wDCxNCP8CqTnJh-
EpLIwOOxuWw:1599389463124&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwj9_
rmGrtTrAhWlwosBHYB9CvEQ_AUoAXoECBcQAw&biw=1366&bih=608#imgrc=-
7jr_If83q5IFM

https://www.google.com/search?q=pag+aalsa+ni+bancao&tbm=isch&ved=2ahUKE
wiclsnUrtTrAhVCYJQKHQqKA4UQ2-
cCegQIABAA&oq=pag+aalsa+ni+bancao&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQGFD4HVjjNG
CjP2gBcAB4AIABswOIAYkTkgEJMC4zLjIuMy4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWf
AAQE&sclient=img&ei=ur9UX5zROcLA0QSKlI6oCA&bih=608&biw=1366#imgrc=6P
B_oaFbupaNnM&imgdii=-44OQPHIH8cawM
https://www.google.com/search?q=itneg&tbm=isch&ved=2ahUKEwjl6v-
_r9TrAhVHEKYKHRaGCZoQ2-cCegQIABAA#imgrc=1KPTBkoXIVFt4M
https://www.google.com/search?q=tapar&tbm=isch&ved=2ahUKEwiu5ZvEr9TrAh
VG35QKHQ1RC1QQ2-
cCegQIABAA&oq=tapar&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgII
ADICCAAyAggAMgIIADICCAA6BAgjECc6BAgAEEM6BQgAELEDUL2FC1iIkwtg3pQL
aABwAHgBgAGhA4gB1weSAQcwLjQuNC0xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQ
E&sclient=img&ei=pcBUX-7-BMa-0wSNoq2gBQ#imgrc=Yrr3kAt2hdgahM

17
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential
Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay
pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng
SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-2021.
Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na
ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay
ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: [email protected]

You might also like