GST Filipino G4
GST Filipino G4
GST Filipino G4
Department of Education
REGION VI-Western Visayas
DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL
ODIONG ELEMENTARY SCHOOL
Phil-IRI Pangkatang Pagtatasa sa Pagbasa, Baitang 4
Panuto: Basahin nang tahimik ang bawat kuwento. Pagkatapos, basahin ang mga tanong at isulat
ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
May isang asong gutom na gutom na naglalakad sa kalsada. Habang naglalakad, ibinubulong niya
sa sarili na kailangan niyang makakita ng isang lunggang puno ng pagkain. Nang makakita siya ng
lungga sa dulo ng kalsada, agad siyang pumasok dito. Kumain siya hanggang mabusog. Pero kahit
busog na siya, kumain pa rin at inubos ang lahat ng pagkain sa loob ng lungga. Sa kanyang
kabusugan, halos pumutok ang malaki niyang tiyan. Nang lalabas na lamang siya, napansin niyang
hindi na siya magkasya sa labasan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong. Dumating ang isa pang
aso at nalaman ang nangyari. Bago ito umalis, nagwika siya sa kasamang aso, “Hintayin mo na lang
umimpis ang tiyan mo.”
Bilang ng mga salita: 116
(Bagong Filipino sa Puso at Diwa 2, Aragon et al, 1989)
A.
1. Saan nangyari ang kuwento? (Literal)
a. sa bukid
b. sa gubat
c. sa kalsada
d. sa lansangan
2. Ano ang hinahanap ng aso? (Literal)
a. makakain
b. makakasama
c. mapapasyalan
d. matutulugan
Si Muning!
Muning! Muning!
Hanap nang hanap si Susan kay Muning. Dala ni Susan ang lalagyan ng pagkain ni Muning.
May laman na ang lalagyan, pero wala si Muning. Wala siya sa kusina. Wala rin siya sa silid.
Nasaan kaya si Muning?
Bumaba ng bahay si Susan. Hinanap niya kung naroon si Muning. Ikot na siya nang ikot,
pero hindi pa rin niya nakita. Baka lumabas ito ng bahay.
Ngiyaw! Ngiyaw!
Hayun si Muning! Ngiyaw siya nang ngiyaw. Nasa loob siya ng kahon. May mga kasama si
Muning sa loob ng kahon.
Nakita ni Susan ang kasama ni Muning. Mga kuting ang kasama ni Muning sa kahon! May
puti, itim at magkahalong puti at itim na kulay ng kuting. Tuwang-tuwa si Susan!
Bilang ng mga salita: 122
(Yaman ng Panitik 1, Resuma et al, 1987)
6. Sino ang naghahanap ng pusa? (Literal)
a. ang kuting
b. si Muning
c. si Nanay
d. si Susan
7. Bakit niya hinahanap ang pusa? (Paghinuha)
a. ipapasyal niya ito
b. paliliguan niya ito
c. pakakainin niya ito
d. patutulugin niya ito
8. Saan niya nakita ang pusa? (Literal)
a. sa silid
b. sa silong
c. sa kahon
d. sa kusina
Si Brownie
Si Brownie ay aking alagang aso. Ang aking aso ay masamang magalit. Minsan ay may
pumasok na malaking manok sa aming bakuran. Kaagad niya itong tinahulan. Kung hindi lamang
siya nakatali nang mahigpit, malamang na habulin niya ito. Nagulat ang manok at tumakbo ito
nang mabilis palabas ng bakuran.
Kagabi ay hindi ko naitali si Brownie. Panay ang ungol niya. Maya-maya ay may tinahulan
siya nang malakas. Biglang lumukso si Brownie sa kanyang tulugan at may hinabol. Dali-dali kong
sinilip ang aking alaga. May napatay siyang daga! Bahagya pa niyang ginalaw ang kanyang buntot
nang makita ako. Kaagad kong binitbit sa buntot ang daga at ipinakita kay Tatay. Masayang
hinimas ni Tatay si Brownie. “Talagang maaasahan ang asong ito,” sabi niya.
Bilang ng mga salita: 122
(Bagong Filipino Saligang-Aklat II, Ibita et al, 1990)
C.
Balat ng Saging