Module 4 Q2 Rade 10 Revised4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

1

Filipino
Ikalawang Markahan Modyul 4
Ikaapat na Linggo
2

Alamin Natin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa Modyul 2.4 Ang
mga tula ng England.
Layunin ng modyul na ito ay:
⮚ Tula: Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula F10PN-IIc-d-70
⮚ Nasusuri ang iba’t ibang elemento ng tula F10PB-IIc-d-72
⮚ Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula
F10PT-IIc-d-70
⮚ Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay
F10PU-IIc-d-72
⮚ Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula F10WG-IIc-d-65
Ang araling ito ay naglalaman ng akdang “Ang aking Pag-ibig” mula sa Italya na
isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago. Alam kong maiibigan ninyo ang araling
nakapaloob dito na magiging gabay, inspirasyon ninyo sa oras na maramdaman na ang
tunay na pag-ibig. Masusubukan din ang inyong kaalaman sa paghubog ng paggamit ng
matatalinghangang salita na lubos ninyong magagamit sa pagbuo ng sariling tula.

Subukin Natin
PANUTO: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang orihinal na akdang “How do I love Thee ay isinulat ni:


A. Elizabeth Barreth Brown C. Elizabeth Monroo
B Elizabeth Barret Browning D. Elizabeth Santos
2. Ang tulang soneto ay:
A. May labing-apat na taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod
B. May labing-tatlong taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod.
C. May labing-apat na taludtod at labing-tatlong pantig sa bawat taludtod.
D. May sampung taludtod at may labing-apat na pantig sa bawat taludtod
3. Elemento ng tula a tumutukoy sa paggamit ng matatalinghagang salita.
A. Tema B. Tugma C. Kariktan D. Sukat
4. Ang tula ay maihahalintulad sa:
A. Kuwento B. awit C. Nobela D. Liriko
5. Ang tulang “How do I love Thee-Sonnet XLIII ay isinalin sa Filipino ni:
A. Alfonso C. Reyes B. Alfonso C.Santiago C. Alfonso C. Rivera D. Alfonso C. Santos
6. Ang sumusunod ay layunin ng tula maliban sa:
A. Ito ay dapat palaganapin at gawing gabay
B. Nagsisisilbi itong pagpapagunita sa dapat kaasalan ng mga bata at kabataan.
C. Naglalayong maipahayag ang karanasan, damdamin, pananaw, kabayanihan at
maigting na pagmamahal sa bayan.
D. Magbigay aliw at inspirasyon sa mga mambabasa
7. Ito ay isang anyo ng panitikan na may matalinghagang pagpapahayag ng isipan at
damdamin.
A. Soneto B.Mito C. Tula D. Epiko
3

8. Ano ang nakaaapekto sa manunulat upang makabuo ng isang mahusay na likhang


isip?
A. mahabang pasensya C. malalim na pang-unawa
B. talino at tiyaga D. malalim na pag-iisp at mayamang karanasan
9. Ang tulang Pamana ay pumapaksa sa:
A. Sa mga material na bagay
B. Mga bagay na nais maiwan sa mga naulila
C. Mga huling habilin ng ina bago siya pumanaw
D. Mga bagay na nais niyang ibenta bago siya pumanaw
10. Ang soneto ay kinapapalooban ng:
A. Damdamin ng isang tauhan C. Damdamin ng ibang tao
B. Damdamin ng isang manunulat D. Damdamin ng kabataan
11. Halos liparin niyang gawin ang mga nakatakdang gawain. Ang kasing-kahulugan ng
salitang may salungguhit ay:
A. nagmamadali C. natutuwa
B. naiinis D. nagbabagal
12. Siya ang nag-iisa kong kaibigang karnal.
A. matinding kaibigan C. mahusay na kaibigan
B. matalik na kaibigan D. mapagmahal na kaibigan
13. Tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
A. tugma C. tema
B. saknong D. sukat
14. Ang iyong nakilala ay isang malubid ng buhangin Ang salitang may salungghit ay
nangangahulugang
A. isang sinungaling C. isang maganda
B. isang tapat D. isang manloloko
15. Ito ay mga salita o pahayag na ginagamit upang bigyang diin ang mga kaisipan
damdamin sa pamamagitan ng matatalinghagang salita.
A. soneto C. liriko
B. tayutay D. tula

Modyul
Tula mula sa Englad
2.4
Panitikan: Ang Aking Pag-ibig
Tulang Pandamdamin mula sa England Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago
Mula sa Ingles na “How Do I love Thee” Sonnet 43
ni Elizabeth Barrett Browning
Gramatika at Retorika: Matatalinghagang Pananalita
4

Balikan Natin
Paunang Gawain: N. K. O. B (Natutuhan ko oras ng balikan)
Kilalanin mo ang mga gumanap sa dula sa tulong ng mga katagang binanggit ng mga
tauhan. Isulat sa loob ng lobo ng usapan ang pangalan ng tauhan.
1. Pinatay ko ang sarili kong anak

2. Nakikita ko na ikaw ay mahirap


Heto ang apatnapung decado

3. Malungkot na kapalaran!
Ang sulat ay hindi biro

4. Ilahok mo ito sa kahit anong tunaw


At saka mo inumin

5. Tatlong salita mahal kong Romeo’t


Paalam ng tunay

Tuklasin Natin
GAWAIN 1. SIMULAN NATIN : Isulat sa mga kahon ang mga bagay o pangyayari na
maiuugnay mo sa salitang DIGMAAN.

DIGMAAN

GAWAIN 2. Basahin at unawain ang tula at tukuyin ang mga kaisipang taglay ng
tula.
Ang aking aba at hamak na tahanan
Malayang salin ni Rogelio G. Mangahas

Iniwan ko ng aba’t hamak na tahanan


Malayo sa bukid ni Ama’t naglakbay
Payapa kong katrey wala ng halina
Hudyat ng digmaan ang aking ligaya
Tungo sa larangan ako’y nagsumagsag
Ang natatanaw ko’y immortal na sinag
5

Puntod ng bayani na masisikatan


Bunying alaala ng mga pumanaw
Sa mithii’y kitang malayong bituin
Dulot ng liwanag di-maabot mandin
At turo ang landas tungo sa buntunan
Ng naghihingalo’t ng mga namatay
Nagpilit din ako’t paa’y nananabik
Lagim na gadundong ng digmaa’y sumalti
Sa gasong tenga ko, pagyapak saan man,
Kita ko ang berde luntiang damuhan
Pumula sa dugo ang kalabang puksa,
Naglambong sa usok, bangis ay umamba;
Narating kong rurok na mithiin; hayun,
Kinasabikan kong tanging bahay, doon-
Buhay sa maghapo’y lumipad lamang
Sa pakpak ng tuwa niyong kabataan.
Huli na, batid kong rurok ng tagumpay,
Hindi magdudulot ng masayang araw
GAWAIN 3. Tukuyin at lagyan ng hugis puso lahat ng kahong katapat ng lahat ng
kasipang taglay ng tula. Hugis bilog naman ang ilagay kung hindi. Isulat sa linya ang
bilang ng saknong kung saan makikita ang kaisipang nilagyan ng hugis puso.
Nawalang halaga sa kanya ang tahimik na buhay na kinalakhan
sa bukid ng kanyang ama. ______
Nagtagumpay ang tauhan sa pagkamit ng kanyang minimithi____
Naging bahagi siya ng isang malagim na digmaan_____
Umalis ang isang kabataaan sa kanyang tahanan upang hanapin
ang kanyang kapalaran bilang isang sundalong lalaban sa
digmaan. _____
Umasenso ang tauhan sa larangan ng negosyo kaya’t siya’y yumaman___

Nagkaroon siya ng sariling pamilya at namuhay ng payapa_____

Naging madugo ang digmaan at ang daming nasawing kalaban_____


Pinagsisihan ng tauhan ang ginawa niya subalit huli na ang lahat_____
Digmaan ang naging sanhi ng kanyang kamatayan ______
Ipinagdiwang ng magulang ang tagumpay na tinamasa ng kanyang
anak. _____
Mahusay!!!! Natugunan mo ang unang gawain ngayon ay muli mong suriin ang isang tulang
puno ng damdamin na lubos mong maiibigan…
6

Talakayin Natin

GAWAIN 4. TUMULA AT MAGSURI. Basahin ng may damdamin at suriin ang mga


ginamit na matatalinghagang salita sa loob ng tula.

ANG AKING PAG-IBIG

(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret Browning


Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman


Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

Iniibig kita nang buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay


Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.
Kasinlaya ito ng mga lalaking
Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,


Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusupil.

Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay


Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita

GAWAIN 5. PAGLINANG NG TALASALITAAN


Tukuyin kung ay saknong ay tumutukoy sa Pag-ibig na wagas at Pag-ibig mapagsakripisyo
Gamitin ang mga sumusunod na legend upang mapunan ang patlang ng tamang sagot.

Legend Pag-ibig na wagas


Pag-ibig na mapagsakripisyo
7

_______1. Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,


Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusupil.
________2. Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay
Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.
________3. Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,
Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita
________4. Kasinlaya ito ng mga lalaking
Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.
________5. Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

GAWAIN 6. ANTAS NG IYONG PAG-UNAWA


Ating sukatin ang antas ng inyong pag-unawa sa binasang tula. Sagutin ang sumusunond
na tanong.
1. Batay sa tula, paano ipinakita ng makata ang masidhing pagmamahal?
2. Anong uri ng pag-ibig ang tinutukoy ng may-akda sa tula?
3. Ano ang bunga ng pagkakaroon ng tunay na pag-ibig?
4. Naging masaya ba ang buhay pag-ibig ng karakter sa tula?
5. Sa iyong palagay, ano ang naging epekto ng karanasan ng makata sa
paglikha ng tula?

Alam mo ba na...
ang tula ay isang anyo ng panitikan na may matalinghagang pagpapahayag ngisipan at
damdamin? Mababasa sa mga tula ang mga kaisipang naglalarawan ngkagandahan, kariktan, at
kadakilaan. Maitutulad sa isang awit ang tula. Nagsisilbi rin itong pagpapagunita sadapat na
kaasalan ng mga bata at kabataan, at naglalayong maipahayag angkaranasan, damdamin,
pananaw, kabayanihan at ang maigting na pagmamahalsa sariling bansa. Hanggang sa
kasalukuyan, ang pagsulat at pagbigkas ng tulaay nananatiling tulay ng kaalaman mula sa
kasaysayan ng kahapon patungo sakasalukuyan .
Isa sa elemento ng tula ay ang kariktan. Ang kariktan ang tumutukoy sa paggamit ng
matatalinghagang salita, mga salitang may malalalim na ibig ipakahulugan at mga tayutay tulad
ng pagwawangis, pagtutulad, at iba pa. May apat na pangkalahatang uri ang tula: tulang
pandamdamin o tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang padula at tulang patnigan. Ang binasa
mong tula ay isang soneto na nasa anyo ng tulang pandamdamin o tulang liriko. Ang soneto ay
isang uri ng tula na nagmula sa Italya na may labing apat na taludtod at sampung pantig sa bawat
taludtod. May tiyak na sukat at tugma na kinakailangang isaalang-alang ng mga manunulat.
Malalim na pag-iisip at mayamang karanasan ang nakakaapekto sa isang manunulat upang
makabuo ng isang mahusay na likhang sining. Kung kaya’t ang mga soneto ay kinapapalooban
ng damdamin ng isang manunulat. Ang bawat taludtod nito sa karaniwang damdamin at kaisipan
ay nagpapakilala ng matinding damdamin.
Elemento ng Tula
Sukat- tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong,
8

Pantig – ang paraan ng pagbasa


Saknong- tumutukoy sa isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming
taludtod
Tugma- isang katangian na hindi angkin ng mga sumusulat ng prosa. Ang tugma ay
tumutukoy sa magkakasintunog ng huling pantig ng huling salita ng bawat linya.
May dalawang uri ito:
Tugmang ganap (Patinig) Tugmang di-ganap (Katinig)
Kariktan
Ito ay mga maririkit na salita para mapasaya ang mambabasa at mapukaw ang damdamin
at kawilihan
Talinhaga- isang katangian na hindi angkin ng mga sumusulat ng prosa. Ang tugma ay
tumutukoy sa magkakasintunog ng huling pantig ng huling salita ng bawat linya.
May dalawang uri ito:
Tugmang ganap (Patinig) Tugmang di-ganap (Katinig)
Kariktan
Ito ay mga maririkit na salita para mapasaya ang mambabasa at mapukaw ang damdamin
at kawilihan
Talinhaga Ito naman ay tumutukoy sa mga di-tiyak na pagtukoy ng mga bagay na
binabanggit.
Matalinghagang Salita

Ito ay bukang-bibig na hango sa karanasan ng tao at nagsisilbing patnubay sa dapat


gawin sa buhay. (Nacin et.al ).Binubuo ng isa o dalawang taludtod na may sukat at tugma
at kadalasan ay patula.
Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/107278#readmore

Pagyamanin Natin
GAWAIN 7. PAGSUSURI AT PAGHAHAMBING
Bigkasin muli ng may damdamin at unawain ang tula.Suriin ang nilalaman nito at
ihambing sa iba pang uri ng tulang pandamdamin.

Babang-Luksa
salin mula sa Kapampangan ni Olivia P. Dante
sa isang “Pabanud” ni Diosdado Macapagal

Isang taon ngayon ng iyong pagpanaw


Tila kahapon lang nang ika’y lumisan;
Subalit sa akin ang tanging naiwan,
Mga alaalang di malilimutan.

Kung ako’y nasa pook na limit dalawin


Naalala ko ang ating paggiliw;
Tuwa’y dumadalaw sa aking paningin
Kung nagunita kong tayo’y magkapiling.

Kung minsan sadya kong dalawin ang bahay


Na kung saan una tayo’y nag-ibigan
9

Sa bakura’t bahay, sa lahat ng lugar


Itong kaluluwa’y hinahanap ikaw

Sa matandang bahay napuno ng saya


Sa araw na iyo’y pinagsaluhan ta;
Ang biyayang saglit, kung nababalik pa
Ang ipapalit ko’y ang aking hininga.

Bakit ba, mahal ko, kayagang lumisan


At iniwan akong sawing kapalaran
Hindi mo ba talos, kab’yak ka ng buhay
At sa pagyaon mo’y para ring namatay?

Marahil tinubos ka ni Bathala


Upang sa isipa’y hindi ka tumanda
At ang larawan mo sa puso ko’t diwa
Ay manatiling maganda at bata

Sa paraang ito, kung nagkaedad na


Ang puting buhok ko’y di mo makikita
At ang larawan kong tandang-tanda mo pa
Yaong kabataan taglay na tuwina.

At dahil nga rito, ang pagmamahal


Ay hanggang matapos ang kabataan
Itong alaala ay laging buhay
Lalaging sariwa sa kawalang hanggan

Kaya, aking mahal sa iyong pagpanaw


Tayo’y nagtagumpay sa dupok ng buhay
Ang ating pagsintang masidhi’t marangal
Hindi mamamatay, walang katapusan

Ang kaugalian ng ninuno natin


Isang taon akong magluluksa mandin
Ngunit ang puso ko’y sadyang maninimdim
Hanggang kalangitan tayo’y magkapiling.

- Mula sa Panitikang Filipino nina Sulit et. al.


1989. Grandwater Publication

GAWAIN 8. Saguting ang mga gabay na tanong


1. Ano ang nilalaman ng tula? Ano-ano ang mga pangyayaring hindi
makalimutan ng ng makata?
2. Ang mga pangyayari bang ito ay dapat pang isa-isip?Pangatuwiranan.
3. Itala ang pagkakahalintulad ng tulang “Babang-Luksa” sa tulang “Ang aking
Pag-ibig” Tukuyin din ang mga matatalinghagang salitang ginamit.
GAWAIN 9. PAGSUSURI NG ELEMENTO NG TULA

Suriin ang binasang tula batay sa elemento nito.


10

Tula

sukat

tugma tono talinghaga

Alamin….
Isang katangian ng tula ang paggamit ng matatatlinghagang pahayag o pananalitang
hindi tuwirang inihahayag ang literal na kahulugan nito? Karaniwan itong ginagamitan ng
paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mga mambabasa. Ang
talinghaga ay ang nag-uugnay sa mga karanasan, pangyayari at bagay-bagay na alam ng
taumbayan. Ang talinghaga mismong larawan ng kamalayan ng manunulat. Isa sa
madalas na gamiting talinghaga ang pagpapahayag ng patayutay o tayuta.
Ang tayutay ay sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita kung kaya’t
magiging malalim at piling-pili ang mga salita rito, tinatawag ding palamuti ng tula ang
tayutay dahil ito ang nagpapaganda sa isang tula.

Mga uri ng Tayutay


1. Pagtutulad o simile- isang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa
pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad na katangian. Ito’y ginagamitan
ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, anaki’y, animo
at iba pa.
2. Pagwawangis o metapora- naghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang
ginagawang paghahambing.
3. Pagmamalabis o hyperbole- pagpapalabis sa normal upang bigyan ng kaigtingan
ang nais ipahayag.
4. Pagtatao o personipikasyon- paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga walang
buhay.

PAGSASANAY 1. Tukuyin ang tayutay na ginamit sa pangungusap. Isulat ang sa patlang.


___________1. Ang buong bansa ay umiiyak dahil sa mga pangyayaring nagaganap sa
kasalukuyan.
___________2. Bumaha ng luha sa isang karatig bansa sa dami ng nasawi sanhi
ng “Corona Virus”
___________3. Ang “Corona Virus” ay gaya ng isang kalaban na hindi mo nakikita.
___________4. Malarosas ang kanyang mga pisngi.
___________5. Hindi mahulugang karayom ang nagdagsaang lumabas pagkatapos
ianunsyo ang GCQ.
PAGSASANAY 2. Punan ng angkop na matalinghagang salita upang mabuo ang diwa ng
pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Mahaba ang pisi nakalutang sa ulap ginintuang puso


Kamay na bakal huling hantungan maghigpit ng sinturon

1. Sa pagiging magulang kailangang ____________________ mo para sa iyong mga anak


nupang maiwasan mo ang magalit lalo nat hindi pa lubos na nakauunawa.
11

2. Sa panahon natin ngayon kailangan na sigurong gumamit ng _______________ para


sa mga taong hindi sumusunod sa patakaran ng gobyerno.
3. Sa pagpapalaki ng anak, isang ugaling dapat ituro sa mga bata ay magkaroon ng
_____________________.
4. Ang mga Pilipino ay kailangang __________________ lalo na’t patuloy pa ding
humaharap ang bansa sa hamon ng “Corona Virus”
5. Pagdating ng panahon at matagpuan ang gamot sa nakahahawang sakit ay para na
tayong ___________________ sa sobrang pagkakalaya.

Tandaan Natin

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

GAWAIN 10. SALOOBIN…. IPAHAYAG…


Isulat ang iyong saloobin sa loob ng kahon sa pahayag na nasa loob ng puso.

“Ang Pag-ibig ay
buhay, ang buhay ay
pag-ibig” Nabubuhay
ang tao upang umibig
at magmahal.

Isabuhay natin

GAWAIN 11. ILIPAT


Araw ng mga ina sa susunod na buwan. Magkakaroon ng simpleng salo-salo ang
iyong pamilya. Bilang regalo sa mahal na ina sumulat ng isang sariling tula na may limang
saknong at may sukat na lalabing-apat na pantig sa bawat taludtod. Pagkatapos mong
gawin ang tula, basahin ito at ibahagi sa iyong kapatid, maaaring ang isang miyembro ay
bibigyan ng papel bilang taga bidyo ng iyong gagawin. Ito ang magsisilbing munting regalo
sa ina sabay sabay itong basahin ng may damdamin.
Ang paksa ay tungkol sa Pagmamahal sa ina. Sundin ang mga pamantayan sa
paglikha at pagmamarka sa natapos na Gawain.(Ilalahad ng guro ang pamantayan)
12

Tayahin Natin

PANUTO: Basahin ang mg tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Lipad ng kaluluwang ibig marating,
Ang dulo ay hindi maubos maisip
Ang pahayag ay nangangahulugang;
A. Mararating ang dulo ng isang iglap
B. Kailangan tapusin ang mga bagay na gagawin
C. May mga bagay na kailangang tapusin na kung saa n sa mga bagay na
gagawin mo ay kailangan pag-isipang mabuti
D. Kailangan tapusin ang bagay na gagawin kahit hindi pinag-iisipan
2. Ang tulang “Ang Pamana” ay isinulat ni:
A. Jose Corazon de Jesus C. Jose P. Reyes
B. Jose Palma D. Jose dela Cruz
3. Ang ibig sabihin ng babang luksa ay:
A. Paglimot sa taong sumakabilang-buhay
B. Pagninilay ng mga naiwan ng pumanay
C. Pagbibigay oras ng pamilaya pagkawala ng mahal sa buhay.
D. Pagsasaya ng pamlya.
4. Tumutukoy sa isang grupo sa loon ng isang tula na may dalawa o higit pang
taludtod.
A. Sukat C. Tugma
B. Tema D. Saknong
5. Tumutukoy sa magkasintunog ng huling pantyig ng huling salita ng bawat linya.
A. Sukat C. Tema
B. Tugma D. Saknong
6. Sa pagbuo ng isang tula kinakailangang:
A. May oras C. May damdamin
B. May kausap D. May kaisahan
7. Ang tulang “Ang aking Pag-ibig ay tumutukoy sa:
A. Pag-ibig na walang kapalit C. Pag-ibig na walang kapantay
B. Pag-ibig na tapat D Pag-ibig na walang maliw
8. Ang isang tula ba ay maihahalintulad sa awit?
A. Hindi, dahil awit ito
B. Oo, dahil ang awit ay may indayog, karaniwang may tugma
C. Hindi, ndahil wala itong kariktan
D. Oo, dahil ito ay nakaaaliw
9-15 Piliin ang kasing-kahulugan ng matatalinghagang pahayag

9. Ang makipaglaro sa kuting mag t’yagang kalmutin


A. Huwag magpipikon kapag ninanais magbiro
B. Huwag makipaglaro kapag naiinis
C. Huwag mag-aalaga ng pusa
D. Huwag magbiro sa bagong gising
10. Butas ang bulsa
A. Walang laman C. Walang pera
B. Walang buhay D. Walang tulog
13

11. Buwayang lubog


A. Taksil sa kapwa C. Manloloko
B. Taksil sa kaaway D. Manggagantso
12. Bukas ang palad
A. Masipag C. Matulungin
B Mabait D. Masunurin
13. Nagbibilang ng poste
A. Walang trabaho C. Walang bahay
B. Walang D Walang kuryen.te
14. Bantay-salakay
A. Isang mandirigma C. Isang kaaway
B. Isang taong nagbabait-baitan D. Isang kahig isang tuka
15. Ang hinog sa pilit ay maasim
A. Masama ang magpilit C. Masamang mukha
B. Masamang amoy D. Masamang magalit

Gawin natin
Bilang pagtatapos sa paksang ating tinalakay. Nais kong ibahagi sa inyo at
pagnilayan ang isang tulang isinulat ni Jose Corazon de Jesus “ANG PAMANA”.
Basahin ng may damdamin ang tula. Punan ang hinihingi sa bawat baul ng
kayamanan. Maging paalala sa inyo ang mga nakasaad na mensahe sa tulang
ito.

Isang araw ang ina ko’y nakita kong ”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw
namamanglaw aking pasiyahin
Naglilinis ng marumi’t mga lumang at huwag nang Makita pang
kasangkapan. ika’y Nalulungkot mandin,
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla O, Ina ko, ano po ba at
na katandaan naisipang hatiin
Nabakas ko ang maraming taon Ang lahat ng munting yamang
niyang kahirapan; maiiwan sa amin?”
Nakita ko ang ina ko’y tila baga ”Wala naman,” yaong sagot
nalulumbay “baka ako ay tawagin ni Bathala
At ang sabi “itong pyano sa iyo ko Mabuti nang malaman mo ang
ibibigay, habilin?
Ang kubyertos nating pilak ay kay Iyang pyano, itong silya’t
Itang maiiwan, aparador ay alaming
Mga silya’t aparador ay kay Tikong Pamana ko na sa iyo, bunsong
nababagay ginigiliw.”
Sa ganyan ko hinahati itong ating
munting yaman.”
“Ngunit Inang,” ang sagot ko,
Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng “ang lahat ng kasangkapan
aking mukha Ang lahat ng yaman dito ay hindi
Tinangka kong magpatawa upang siya ko kailangan
ay matuwa, Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig
Subalit sa aking mata’y may namuong ko’y ikaw inang
14

mga luha Hinihiling ko sa Diyos na ang


Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na pamana ko’y ikaw
kawawa; Aanhin ko iyong pyano kapag
Tila kami iiwan na’t may yari nang ikaw ay mamatay
huling nasa at At hindi ko matutugtog sa tabi
sa halip na magalak sa pamanang ng iyong hukay?
mapapala, Ililimos ko sa iba ang lahat ng
Sa puso ko ay dumalaw ang ating yaman
malungkot na gunita Pagkat di ka maaaring pantayan
Napaiyak akong tila isang ng daigdigan
kaawaawang bata Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay wala pang kapantay.”
winika

Kaisipan Mensahe ng Talinhagang


ng Tula Tula pahayag ng
ng Tula

REPLEKSYON
Nakaramdam ka ba ng lungkot sa pagbabasa ng mga tulang ating tinalakay
sa araling ito? Sa pagbuo mo ng repleksyon ilahad mo ang mga mapait mong
naramdaman sa tulang binasa isulat ito sa unang bahagi ng puso at ilahad naman
ang nakaantig sayong damdamin sa bahagi ng tulang iyong binasa. Isulat naman ito
sa isang bahagi ng puso.
15

Sanggunian:
Aklat
Ambat, Vilma C., et.al. 2015. Panitikang Pandaigdig Filipino sa Ikasampung Baitang
Modyul para sa mga mag-aaral. Vibal Group Inc.
Dayag, Alma M., Del Rosario, Mary Grace G., Marasigan, Emily V.,2016. Pinagyamang
Pluma 10. Quezon City.Phoenix Publishing House.
Journal
Bilasano, Jose B., Castillo Jr., Cirilo, Piedad, Myrma P., Ruiz, Florian L.,2017. Ang Batikan.
Quezon City. Educational Resources Corporation.
Internet
https://www.youtube.com/results?search_query=ang+pamana+jose+cora
zon+de+jesus

EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS


Vice –Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON-SGOD-Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA-CID-Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


TAGUIG SECONDARY SCHOOL PRINCIPALS
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS
Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA
Team Leader/Facilitator: DR. MELEDA H. POLITA
School Head In-Charge: DR. REA MILANA-CRUZ, PRINCIPAL IV
Writer: MARILOU M. MARTINEZ
Editors: VIRGINIA V. BAYANI
JOSEPHINE PAGALING
Content Evaluator: MARIBEL B. SINGSON
Language Evaluators : JHON LESTER SANDIGAN
Reviewer: DR. JENNIFER G. RAMA ,EPS-FILIPINO
Illustrator: CAMILLE JEWEL L. GARCIA
Layout Artist: LEO U. PANTI
Content Validator: JESUSA M. GONZALES
Format and Language Validator: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan


Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: [email protected]

You might also like