0% found this document useful (0 votes)
709 views7 pages

Suring

Ang nobela ay tungkol sa isang matandang mangingisda na si Santiago na hindi nakakahuli ng isda sa loob ng 84 na araw. Sa ika-85 araw, nakahuli siya ng malaking marlin ngunit napatay ito ng mga pating. Kahit matanda at nakaranas ng maraming pagsubok, hindi nawalan ng pag-asa si Santiago.

Uploaded by

Shan Tulio
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
Download as docx, pdf, or txt
0% found this document useful (0 votes)
709 views7 pages

Suring

Ang nobela ay tungkol sa isang matandang mangingisda na si Santiago na hindi nakakahuli ng isda sa loob ng 84 na araw. Sa ika-85 araw, nakahuli siya ng malaking marlin ngunit napatay ito ng mga pating. Kahit matanda at nakaranas ng maraming pagsubok, hindi nawalan ng pag-asa si Santiago.

Uploaded by

Shan Tulio
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1/ 7

Suring-Basa sa Nobelang

“Ang Matanda at Ang Dagat”

Nikki Ella S. Bulatao

STE - 10 Heisenberg G. Carlo Gutierrez

Guro

Suring-Basa sa Nobelang
“Ang Matanda at Ang Dagat”

I. Pamagat

Ang pamagat ng nobela ay ‘Ang Matanda at Ang Dagat”, na galing sa Ingles na may

pamagat na “The Old Man and the Sea”. Ito ay tungkol sa isang matandang mangingisda na

pumalayag sa dagat upang mangisda.

II. May akda

Ang may akda sa nobelang “Ang Matanda at Ang Dagat” ay si Ernest Hemingway. Si

Ernest ay isang Amerikanong manunulat at tagapamahayag. Siya ay pinakamahusay na kilala

para sa kaniyang mga nobela at maikling kwento, Siya rin ay isang tapos na mamamahayag at

digmaang kasulatan.

III. Tauhan

Ang mga tauhan sa nobela ay sina:

Santiago - ang matandang mangingisda na bias sa nobela.

Manolin - ang batang aprentis ni Santiago.

Marlin - ang malaking isda na nahuli ni Santiago sa dagat.

Mga Denuso - mga pating na kumain sa kalahating parte ng katawan ng marlin.


mga pating na napatay ni Santiago.

Mga tao sa labas ng kubo ni Santiago - mga tao na nagtaka, namangha, at nagsukat sa haba ng

marlin.

IV. Tagpuan

Ang unang tagpuan sa nobela ay sa kubo, kung saan nakatira si Santiago at kung saan

dumadalaw si Manolin. Ang susunod na tagpuan ay sa karagatan, kung saan nakaranas ng ilang

pagsubok si Santiago.

V. Paksa/Tema

Ang paksa o tema sa nobelang “Ang Matanda At Ang Dagat” ay ang hindi pagkawalan

ng pag-asa. Kahit si Santiago ay matanda na at inaabot ng kamalasan sa kanyang pangingisda,

siya ay hindi nawalan ng pag-asa. Patuloy pa rin siyang lumaaban sa kaniyang buhay, at patuloy

pa rin ang buhay niya bilang mangingisda.

VI. Banghay

 Panimula

 Katawan

 Wakas

Panimula
Sa loob ng 84 na araw ng pagpalaot ni Santiago ay wala siyang nahuling isda.

Itinuring niya itong “Salao” o ang pinakamas amang kaanyuan ng kamalasan

s apagpalaot sa dagat. Pinagbawalan ng mga magulang ni Manolin na kanyang aprentis na

sumama sa kanya.

Katawan

Sa ika 85 na araw ng kanyang napakamalas na pangingisda, siya ay nagtungo sa Gulf

Stream. Nakahuli si Santiago ng isang malaking marlin, gamit ang mga pain niya sa pangingisda.

Ngunit sa sobrang laki nito, hindi niya maiangat ang marlin sa kaniyang bangka. Umabot ng

tatlong araw ang makikipagbuno ni Santiago sa Marlin hanggang sa ito ay kaniyang nasaksak

gamit ang kaniyang salapang. Itinali ni Santiago ang nasaksak na marlin sa gilid ng kaniyang

bangka. Ngunit sa dugo ng marlin na nasa dagat, natawag ang atensyon ng mga pating. Inatake

ng mga pating ang marlin. Napatay ni Santiago ang limang pating, ngunit kalahati na lamang ng

katawan ng marlin ang natira. Nakarating si Santiago sa baybayin bago magliwanag. Umuwi siya

ng kaniyang bahay at pagdating doon ay tumumba siya sa kaniyang kama at nakatulog ng

mahimbing.

Wakas

Nagkagulo ang mga tao nang Makita nila ang marlin sa bangka ni Santiago. Inakala ng

mga turista na ang kanayang nahuli ay isang pating. Dahil namangha sila sa taglay na laki ng

marin, isinukat nila ito. Umabot sa 18 pulgada ang haba ng marlin. Si Manolin naman ay nag-

aalala kay Santiago, agad niya itong pinuntahan sa bahay nito. Naiiyak si Manolin nang
makitang ligtas at natutulog lamang si Santiago. Nang magising si Santiago, nagdala ng kape and

dyaryo si Manolin at nag-usap ang dalawa. Nangako na sila sa isat-isa na sila ay magkasama ng

mangingisda. Sa muling pagtulog ni Santiago, siya ay nanaginip, ang kanyang kabataan.

VII. Mga Bisa

Bisa sa Isip

Sa nobelang “Ang Matanda at Ang Dagat”, tumatak sa aking isipan ang pagiging

matiyaga, hindi pagkawalan ng pag-asa, at madiskarte ng mga tao upang makamit ang kanilang

ninanais. Ipinapahiwatig nito sa ating isipan na kahit gaano kahirap ang mga bagay at pagsubok,

may daan ang mga ito. Kailangan nating magtiyaga, kailangan natin paganahin ang ating mga

isip, at huwag mawalan ng pag-asa, upang makuha natin ang ating pangarap.

Bisa sa Damdamin

Sinasalamin ng nobelang ito ang nagyayari sa totoong buhay. Mga paghihirap, -

pagmamaliit ng ilang tao dahil sa kakayahan na kaya nating gawin. May iba’t-iba tayong

kakayahan sa buhay. Hindi sa lahat ng pagkakataon, nakukuha natin ang ating gusto kahit

pinaghirapan natin, sapagkat mayroon pang ibang bagay na para sa iyo. Hindi natin kailangan

magbago para lamang sa kagustuhan ng iba. Hindi natin kailangan magpagod at ibuhos ang ating

dugo’t pawis para lamang sa ikasasaya ng iba. Gawin natin ito dahil ito ang gusto nating gawin,

at huwag nating isipin ang iba.


VIII. Mensahe

Ang mensahe ng nobelang “Ang Matanda at Ang Dagat” ay huwag mawalan ng pag-asa.

Maraming pagsubok ang nararanasan natin sa buhay. May mga panahon na parang ayaw na

nating lumaban dahil nawawalan tayo ng pag-asa. Kahit gaano kahirap at karami ang mga

pagsubok na nararanasan at mararanasan pa natin, ipagpatuloy natin na lumaban. Sa kabila ng

lahat, may magandang darating sa ating buhay, hindi man ngayon, maaaring sa ibang

pagkakataon.

IX. Simbolismo

Santiago - ang matandang mangingisda sa nobela ay sumisimbolo sa mga tao.

Manolin - ang batang aprentis na sumisimbolo ng pag-asa.

Marlin - ang isdang nahuli ni Santiago ang sumisimbolo sa kahiwagahan ng mundo na

nagsisilbing hamon para sa lahat.

Mga denuso – mga pating na nagsisilbing pagsubok na dumarating sa ating buhay. Ito

rin ay kumakatawan sa pwersa ng kasamaan na naghahari sa buhay ng mga tao. Gagawin

nito ang lahat upang kunin o agawin ang pinaghirapan mo at kung hindi mo ito lalaban ay tiyak

na magwawagi ito sa kaniyang masamang balak.

Dagat – ang dagat ang sumisimbolo sa mundo kung saan ang bawat tao ay dapat na

maglakbay.

X. Teorya
Teoryang Sosyolohikal

Sa nobelang “Ang Matanda at Ang Dagat” ipinapakita ang mga kahirapan ng mga tao na

nasa mababang lugar o estado sa buhay. Ipinapakita rin dito na napakadaling maghusga ang mga

tao sapagkat hindi nila lubos na Makita ang kahalagahan at kagandahan ng buhay ng isang tao.

Sa mga paghuhusga na iyan, kailangan pa na tayo mismo ang magbago o mag ‘adjust’ sa Ingles,

upang mapunuhan ang gusto ng mga tao. Katulad na lamang ni Santiago na nagpalaot at umabot

sa malayong lugar upang makahuli lamang ng isda at mapatunayan niya sa mga tao na hindi

malas ang kaniyang buhay.

Teoryang Arketipo o Arkitapyal

Sa nobela na ito, gumait ang may akda ng iba’t-ibang simbolismo upang ipakita nang

mas malalim ang kuwento. Nagbigay ito ng ilang kalagayan na maihahalintulad sa mga

nararanasan nating tao dito sa mundo.

You might also like